You are on page 1of 1

Kritikiko sa Sanaysay na “ Kung Mapalad ka’t Mangmang” ni Piamae Yuneez R. Sta.

Ana

Ang mga kabataan ngayon ay tinatawag na Gen Z. Panahon na kung saan hindi mapagkakailang
malayo ang kaibahan sa panahon noong mga nauna pang dekada. Ito ay dahil sa lumalawak na sakop ng
teknolohiya sa lahat ng aspeto ng ating buhay.

Ang sanaysay ay hango sa damdamin ng isang kabataan n amula sa Gen Z. Ibig sabihin ay
nabubuhay siya sa era na kung saan ibang iba na ang mundo. Isa siya sa maraming kabataan na
napapaisip at humihiling na sana ay may makaimbento ng time machine. Isang aparato na makapag
dadala sa tao sa nakaraan at sa kahit ano mang petsa o panahon nan ais mong puntahan. Akmang akma
nga ang sanaysay na ito gaya ng pelikula ng DongYan na Rewind. Pareho sila na may nais balikan at nais
baguhin sa nakalipas na panahon.

Isinalaysay ng may akda kung paanong sa isang iglap ay nabuksan ang kaniyang ulirat sa mga
nangyayari sa kaniyang buhay noong siya ay nasa Junior High school palamang na sadyang nakapag
bibigay inis sa kaniya. Isa na dito ang pagka sawa nya sa meatloaf na madalas ay inihahanda ng kaniyang
ina para sa kaniyang lunch. Ikalawa ay kawalan nya ng pagkakataon na bumili o kumain sa labas tuwing
pananghalian dahil na rin sa lagi siyang may baon. Ikatlo ay ang pagkakataon na hindi siya agad maibili
ng kaniyang ina ng portable DVD na noon ay usong uso sa mga kabataan para makapanood ng mga
pelikula. At ang ang pinakahuli ay nang siya ay lumuwas sa QC upang doon na mag-aral. Nooy
kinaiinisan nya ng bahagya ang pagpapabaon ng kaniyang ina ng lahat ng kaniyang pangangailangan na
sa tingin nya ay maari namang bilhin sa kaniyang pupuntahan. Ito ang mga bagay na noon ay
ikinakukunot ng noo nya. Mga bagay na sa isang iglap ay humapyos sa kaniyang gunita ng makasama
nya ang kanyang bestfriend na sa pagkakataong iyon ay nalaman Nyang kabaligtaran ang nararamdaman
sa lahat ng kinaiinisan nya- ang pagkainggit o pangungulila. Natanto ng may akda na lahat ng mga bagay
na mayroon siya na ang ilan nga ay kinaiinisan pa nya ay minimithi ng kaniyang bestfriend. Ang
pagkakaroon ng baon sa lunch, ang pagcelebrate ng kaniyang birthday, pasalubong ng tatay sa tuwing
uuwi, pag papaalala ng nanay sa araw araw mula sa pananamit, kuko at sa lahat ng bagay, ang lahat ng ito
ay natanto niya na may nagmimithi, ang kaniyang kaibigan. Kung kaya siya ay namulat at napaisip kung
paanong ang lahat ng mga bagay na ginawa ng kaniyag mga magulang para sa kaniya ay kaniyang
mapasasalamatan- dahilan kung bakit gusto nya ng time machine.

Para sa mga kabataan ngayon ang salaysay na ito. Nakakadurog ng puso kung paanong sa isang
pagkakataon ay ibinunghalit ng may akda ang kaniyang kinikimkim na nais na magpasalamat sa meatloaf,
sa baon, sa lahat lahat ng effort ng kaniyang mga magulang. Bagay na siyang naging dahilan kung paano
siyang naging isang mapalad. Mapalad sa maraming bagay na mayroon siyang mga magulang at ang iba
ay wala. Mapalad na mayroong nagbibigay ng lahat ng kaniyang pangangailangan bagamat minsay
kulang dahil sa iba ay wala at kinailangan pang lumapit sa iba upang magkaroon at makaraos. Mangmang
dahil sa bawat bagay na ibinibigay ng kaniyang mga magulang ay hindi siya agad nakapagpasalamat.
Mangmang dahil hindi niya agad natanto na ang lahat ng mayroon siya lalo at higit ang magulang niya, ay
wala ang iba. Kung kaya gaya ng may akda, nakakahiya man magpasalamat sa mga magulang natin
ngayon, o sa mga taong nagmamalasakit sa atin sa lahat ng bagay, dapat tayong magpasalamat.
Magpasalamat sa lahat laahat ng mayroon tayo, materyal man na bagay o hindi lalo at higit sa ating mga
magulang at mahal sa buhay upang hindi tayo maging mapalad ngunit mangmang.

You might also like