You are on page 1of 2

Kabanata 62 NOLI ME TANGERE

Sa paningin ni Maria Clara ay walang saysay ang parami nang paraming mahal na handog sa kasal na
natitipon sa ibabaw ng hapag. Ang dalaga’y nakatingin sa pahayagan nang walang nakikita ni nababasa-
pahayagang nagbabalita ng pagkamatay ni Ibarra na nalunod sa lawa.

Biglang nakaramdam siya ng dalawang palad na tumakip sa kanyang mga mata, at ang masayang tinig ni
Padre Damaso ang sa kanya’y nagsalita. “Sino ako?”Pumitlag si Maria Clara at takot na tiningnan ang
bagong dating.

“Hindi mo inaasahang ako, ha? Ako’y galing sa lalawigan upang makita ko ang kasal mo,” ani Padre
Damaso na malugod na lumapit at iniabot ang kanyang kamay upang pahagkan. Nangininig na hinagkan
ni Maria Clara ang kamay ng pari.

"May sakit ka ba, Maria? Nanlalamig ang iyong mga kamay at

namumutla ka. Hala, maupo ka rito at sabihin mo sa akin ang iyong mga sama ng loob, gaya ng ginagawa
mo nang ikaw ay maliit pa." Ang tinig ni Padre Damaso ay malumanay at malambing. Si Maria Clara'y
napaiyak.

"Bakit ka umiiyak? Nakipagkagalit ka ba kay Linares?" Tinakpan ni Maria Clara ang kanyang mga tainga.
"Huwag ninyong tukuyin iyan sa akin ngayon!" ang pasigaw na sagot ng binibini, na-ang mga mata'y
puno ng luha, at saka tumangis.

"Huwag kang umiyak! Ang iyong mga luha'y nakasasama sa akin! Sabihin mo ang ikinasasama ng iyong
loob at makikita mo kung gaano ka kamahal ng iyong inaama!"Marahang lumapit sa kanya si Maria
Clara. "Minamahal, pa ba ninyo ako?"

"Batang ito pala!"

"Kung gayo'y ipagtanggol ninyo ang aking ama at sirain ang kasunduan sa aking kasal!" At noo'y
isinaysay ni Maria Clara ang huling niyang pagkikita kay Ibarra, matangi ang lihim ng kanyang pagiging
tao.

"Samantalang si Ibarra'y nabubuhay, inisip ko pong mag-antay, magtiwala! Ninasa kong mabuhay upang
makibalita ukol sa kanya. Ngunit ngayong siya'y patay na, ako'y wala nang katwiran upang mabuhay at
magtiis. Nang siya'y buhay pa, ay maaari po akong pakasal, pagka't inaakala kong tumakas pagkatapos.
Ngayong siya'y patay na, ako'y di tatawaging asawa ninuman! Nang siya'y buhay pa, maaari akong
magpakaaba, sapagkat natitira sa akin ang kaaliwang siya'y nabubuhay at marahil ay nagugunita ako,
ngunit ngayong siya'y patay na ang kumbento o ang libingan sa akin!"

Gayon na lamang ang tigas ng pananalita ng dalaga, kaya't si Padre Damaso ay nawalan ng sigla't
malalim na nagmuni-muni. "Pinakaiibig mo ba siya?" tanong niyang halos nauutal. Hindi

sumagot si Maria Clara. "Anak ko!" ng pari sa tinig na nangangatal. "Patawarin mo ako sa pagkakahila sa
iyo sa kasawian nang di ko nababatid. Ninanais ko ang iyong kaligayahan. Paano kita matutulutang
magpakasal sa isang ipinanganak dito sa Pilipinas, at makita kitang walang-palad na asawa at ina? Kung
naging asawa ka niya, tatangis ka pagkatapos dahil mapapasubo ang iyong asawa sa lahat ng mga pag-
uusig nang di makapagtatanggol sa sarili. Kung maging ina ka, itatangis mo ang kaalipustaan ng iyong
mga anak: kung sila'y iyong pag-aaralin ay juumang mo lamang sila sa isang malungkot na kinabukasan
kung di mo naman sila patuturuan ay makikita mo silang inaalipin at nililibak ng kapwa! Inihanap kita ng
magiging asawa na maaaring magawa kang isang inang maligaya ng mga anak na mag-uutos at hindi
uutusan, na magpaparusa at di parurusahan. Alam kong ang iyong "kababatang kaibigan ay mabait,
mahal ko siyang katulad din ng kanyang ama, dapwa’t kinapootan ko sila mula nang makita kong sila’y
magiging sanhi ng iyong kasawiampalad. Ikaw ay aking minamahal, sinasamaba at iniibig na, gaya ng
pag-ibig ko sa isang anak! Nakita kitang lumaki, at walang sandaling di kita inaalaala. Ikaw ang tangi kong
kasiyahan!”

At si Padre Damaso ay humagulgol na parang isang bata. “Kung gayon ay huwag ninyo akong pabayaang
maging sawi habang buhay. Siya’y di na buhay, ibig ko pong magmongha!”

“Magmongha! Di mo batid, anak ko, ang hiwagang nangyayari sa likod ng mga pader ng kumbento.
Malilibong ibig ko pang makita kang maging sawi sa mundong ito kaysa sa monasteryo, kung saan mga
pader lamang ang makaririnig sa iyong mga hinaing. Ikaw’y napakaganda, di ka ipinanganak upang
maging kasintahan ni Kristo! Ang lahat ay mapaparam ng panahon, sa huli’y makalilimot ka, iibigin at
iibigin mo ang iyong asawa-si Linares!”

“Ang kumbento o ang kamatayan!” ulit ng dalaga. “Maria, ako’y matanda na, at di maaaring lumawig pa
ang pangangalaga ko sa iyo. Ibaling mo ang iyong hilig sa ibang bagay-sa ibang binata, huwag lamang
ang kumbento.” “Ang kumbento o ang kamatayan!”

“Diyos ko, Diyos ko! Ako’y pinarurusahan mo! Ikaw ang masusunod, Diyos ko, ngunit kalingain mo ang
aking anak!” pasigaw na nasabi ng pari. “Ibig mong magmongha? Magmongha ka! Huwag ka lamang
mamatay.

Hinawakan ni Maria Clara ang dalawang kamay ng pari, pinisil at paluhod na hinagkan. “Inaama, inaama
ko!”

Umalis si Padre Damasong malungkot at nagbubuntunghininga.

“Diyos ko, nagpaparusa ka! Ngunit ako ang paghigantihan mo at huwagAng walang-malay kong anak.
Iligtas mo po ang aking anak!”

You might also like