You are on page 1of 11

PRESENTASYON

NG
PANGKAT ISA
CRISOSTOMO
IBARRA
Nagulat si Padre Sibyla hindi sapagkat naggagandahang dilag ang bumulaga sa bulwagan. Nagulat din
si Padre Damaso hindi sapagkat dumating ang kaniyang Kamahalan-Ang Kapitan Heneral na
maaaring makapagpaangat sa kaniyang kinauupuan. Napamulagat sila kapwa katulad ng pagkagulat
ng mga panauhin sapagkat kasama ni Kapitan Tiago ang isang binatang nakaluksa.

"Magandang gabi, mga ginoo, Magandang gabi." Unang binati ni Kapitan Tiago ang kaniyang mga
panauhin. Humalik siya sa mga kamay ng dalawang pare na sa pagkagulat ay hindi na nakuhang
bendisyunan ang nagbigay respeto. Ipinakilala niyang ang kasama ay walang iba kundi si Don
Crisostomo Ibarra, nag-iisang anak ng kaniyang yumaong kaibigan na kadarating lamang mula sa
pag-aaral sa Europa.
Nakatawag ng pansin ng lahat ang kababanggit na pangalan. Itinaas ni Padre Sibyla ang
salamin para tingnang mabuti ang bagong dating. Si Padre Damaso naman na nakatitig sa
ipinapakilala ay namutla. Nakalimutan nang magbigay respeto sa may handa ang tinyente
na pinag-aaralan ang bawat galaw ng binata. Ang huli naman ay maglang na
nakipagpalagayang loob sa iba pang mga panauhin. Parang walang gaanong kapuna-puna
sa binata kundi ang luksang kasuotan nito.

Mapapansing ang kaniyang galaw at ang kaniyang anyo ay nag- papakilalang malusog
siya sa isipan at sa pangangatawan. Bagamat hindi gaanong kataasan, lahat ay
makapagsasabing may kaunting dugong banyaga ang binata na masasalamin sa mamula-
mulang pisngi nito na maaari rin namang bunga ng matagal din namang panahon ng
paninirahan sa ibang lupain. Sa pakikihalubilo ng binata ay napansin nito si Padre Damaso
at nilapitan.
"Padre Damaso, ang kura paroko ng aming bayan at matalik na kaibigan ng aking ama!" anyong
makikipagkamay ang binata subalit hindi man lamang siya pinansin ng pareng Pransiskano.

Sa pagkapahiya ng binata ay iniurong niya ang iniaabot na kamay. "Mukhang nagkamali po yata
ako. Ipagpaumanhin po ninyo," bulong ng binata.

"Hindi ka nagkamali, ako nga si Padre Damaso, subalit hindi ko kailanman naging matalik na
kaibigan ang ama mo."

Nagulat at napahiya ang binata. Sa kaniyang pagtalikod ay sinundan siya ng tingin ng

tinyente. Nilapitan nito ang binata.

"Ikaw ba ang anak ni Don Rafael Ibarra?" Yumukod ang binatang nakaluksa. "Hindi napalagay sa
pagkakaupo si Padre Damaso. Mapanuri nitong tinitigan ang tinyente.
"Binabati kita sa pagbabalik mo sa bansang ito. Sana'y lumigaya at di matulad sa iyong ama.
Nakapalagayang loob ko siya kaya't alam kong isa siyang marangal at matapat na lalakeng
dapat igalang." "Ginoo, ang parangal na ipinatutungkol ninyo sa ama ko ay nakapagpapalubag
sa

kalooban ko at nakababawas sa pag-aalinlangan ko sa tunay na kinahinatnan niya. Hanggang

ngayon, ako na kaniyang anak ay walang nalalaman sa pagkamatay niya."

Nangilid ang luha sa mata ng tinyente. Nilisan niya ang bulwagan at naiwan si Ibarra na nag-iisa
sa gitna ng sala. Wala sa paligid si Kapitan Tiago. Walang sinumang nagpakilala sa kaniya sa
mga dalagang naroroon na pawang nakatingin at humahanga sa kaniyang kakisigan. Nilapitan
niya ang naggagandahang dilag.
"Ipagpaumanhin ninyong sirain ko ang kagandahang asal ng ating mga kalahi na magpakilala ng sarili
sa pagtitipong tulad nito. Pitong taon akong nawala sa ating bayan at sa

aking pagbalik ay hindi ko mapigil ang aking sarili na hindi batiin ang pinakamahal na hiyas

ng ating bansa, ang mga kababaihan." Sapagkat walang sinumang nagsalita sa kadalagahan, napilitan
niyang puntahan ang isang grupo ng kabinataan na pawang natuwa sa kaniyang paglapit.

"Mga ginoo, isang pag-uugali sa Alemanya na kapag nag-iisa kang dumalo sa pagtitipon at wala kang
makausap, marapat na ipakilala mo ang sarili mo sa isang grupo ng mga panauhin. Ipagpaumanhin
ninyong gawin ko ang nasabing kaugaliang natutuhan ko hindi para ipakilala na galing ako sa ibang
bansa kundi sapagkat kailangan ko itong gawin sa ganitong pag- kakataon. Nabati ko na ang
mayuyuming kadalagahan, ibig ko namang makadaupang palad kayo. Ako si Crisostomo Ibarra Y
Magsalin."
Ibinigay din ng bawat isa ang kaniyang pangalan. Sa grupo ng kabinataan, isa lamang ang
namukhaan niya. Nakilala niya ang makata. "Isang karangalang makadaupang palad ko ang isang
kilalang makata subalit tila nakara-

ting sa akin hindi ka na raw yata sumusulat ng mga tula?"

"Bakit? Sapagkat hindi ako sumusulat ng tula upang pumuri o magsinungaling. Nangyari ito sa
isang makata nang sabihing ang anak ng leon ay leon din ay muntik nang makulong, oo nakulong
sa pagsasabi ng katotohanan."

Biglang umalis ang nasabing makata sa pakikihalubilo.

Samantala, isang ginoong kababakasan mo ng kasiyahan ang biglang lumapit kay Ibarra. Maganda
ang kaniyang kasuotan, katulad ng mga lumapit kay Ibarra. Ang maganda niyang kasuotan na
katulad ng suot ng iba pang mga kababayan ay kakikitaan mo ng makikinang na dyamanteng
butones. Kinamayan niya ang napamanghang binata.
"Senor Ibarra, matagal ko na kayong ibig makilala. Kaibigang matalik ko si Kapitan Tiago. Kilalang-
kilala ko ang kapita-pitagang ama ninyo. Ako si Kapitan Tinong. Sa Tondo ako nakatira. Umaasa akong
magpapaunlak kayong bumisita sa amin. Inaanyayahan ko kayong sa bahay na maghapunan bukas."

Nalugod si Ibarra sa taus-pusong imbitasyon.

"Maraming salamat sa inyong pag-iimbita subalit ikinalulungkot ko pong bukas na bukas din ay pupunta
ako sa San Diego."

"Nakakalungkot po pero inaasahan kong makapagpapaunlak kayo sa susunod na

pagkakataon." "Nakahanda na ang hapunan" ang magalang na imbitasyon ng isang utusan ng La


Campana Cafe.

Nagtayuan ang mga bisita at nagpuntahan sa hapag-kainan. Ang mga kadalagahan naman lalo na ang
mga Pilipina ay kailangan pang piliting tumayo mula sa kanilang pagkakaupo.
Maraming Salamat
sa Pakikinig!

You might also like