You are on page 1of 6

Noli Me Tangere

Kabanata 3: Sa
hapunan
Iniulat ni Chloe
Dumulog na ang mga panauhin sa hapag-kainan. Tila siyang-siya si Padre Sibyla na lumapit sa mesa. Si Padre
Damaso ay mukhang inis. Sinisikaran ang mga upuang nakaharang sa kanyang dinaraanan. Siniko niya ang
isang kadete. Wala namang kibo ang tenyente. Masigla ang usapan ng mga panauhin at panay ang papuri sa
handa ni Kapitan Tiago. Umismid si Donya Victorina at pinakibot pa ang ilong. Ngunit nagalit na parang ahas
ang babae nang matapakan ng tenyente ang buntot ng kanyang bestida.
"Wala ba kayong mata?" aniya.
"Mayroon po, ginang. Dalawang malinaw kaysa mga mata ninyo. Kaya lang ay nakatingin ako sa kulot ng
inyong buhok," pangangatwiran ng militar sabay layo.
Dala marahil ng nakaugalian ay sabay na lumapit sa kabisera ang dalawang prayle.
"Para sa inyo ito, Padre Damaso," ani Padre Sibyla.
"Para sa inyo, Padre Sibyla!" tugon ni Padre Damaso. "Kayo ang dati nang kakilala sa bahay na ito...
kompresor ng maybahay. Para sa inyo ang upuang ito, alang-alang sa katandaan, sa katungkulan, at pamamahal
tni Padre Sibylol ni Padre Damaso.
"Kayo ang kura sa pook na ito,” dagdag giit pang hindi naman inaalis ang pagkakahawak sa upuan. ng yamang
iniuutos ninyo ay susunod ako," patapos na wika ni Padre Sibyla na umakmang uupo.
"Hindi ko ipinag-uutos sa inyo," tutol ng Pransiskano. "Hindi ko ipinag-uutos sa inyo."
Uupo na sana si Padre Sibyla at ipagwawalang-bahala ang pagtutol ni Padre Damaso nang magkatama ang mga
paningin nila ng tenyente. Para sa mga prayle sa Pilipinas, ang pinakamataas mang pinuno ng pamahalaan ay
mababa pa kaysa legong kusinero ng simbahan. Gayunman, palibhasa'y mapagbigay ay inialok ni Padre Sibyla sa
tenyente ang kabisera.

"Ginoong Tenyente, nasa lipunan tayo at wala sa simbahan kaya ang upuang ito'y para sa inyo."

Ngunit halata sa pagsasalita ng pari na kahit sa lipunan ay para sa kanya ang upuang iyon. Mabilis namang
tumanggi ang tenyente dahil marahil sa ayaw maabala o kaya'y mapagitna sa dalawang prayle.

Wala isa man sa dalawang pari ang nakaalala sa may handa. Nasulyapan ni Ibarra si Kapitan Tiago na nakangiting
nanonood sa pangyayari.

"Hindi po ba kayo makikisalo sa amin, Don Santiago?" patanong na tawag ni Ibarra.

Ngunit puno na ang lahat ng upuan. Si Luculo ay hindi kumakain sa bahay ni Luculo.

"Aba, huwag kayong titindig," ani Kapitan Tiago sabay diin sa balikat ng binata. "Alalahanin ninyong ang
handaang ito ay bilang pasasalamat sa Mahal na Birhen dahil sa inyong pagdating-oy, isilbi na rin ang tinola!-kaya
nagpaluto ako ng tinola para sa inyo sapagkat alam kong matagal na kayong hindi nakatitikim noon."
Ipinasok ng utusan ang supera ng umuusok Dominiko, na hindi naman sinagot ng iba, bago siya namahagi ng tinola. Sinadya man o
hindi, ang napunta kay Padre Damaso ay panay upo at sabaw na may isang talop na leeg at makunat na pakpak ng manok, samantalang
sa iba ay hita at pitso, at kay Ibarra'y panay na lamang-loob. Hindi ito nakaila sa Pransiskano. Niligis niya ng kutsara ang upo, humigop
ng sabaw. Padabog niyang ibinagsak ang kutsara sa plato na lumikha ng malakas na kalansing at saka sinabayan ng tulak sa pinggan.

"Ilang taon kayong hindi nauuwi?" tanong ni Laruja kay Ibarra. "Mga pitong taon po."

"Maaaring nalimot na ninyo ang Pilipinas!"

"Malayo pong mangyari. Maaaring nalilimot ako ng aking bayan ngunit lagi

ko naman siyang naaalaala."

"Ano ang ibig ninyong sabihin?" tanong ng panauhing may pulang buhok.

"Isang taon na akong hindi nakababalita tungkol sa ating bayan. Mistulang isang dayuhan na ni hindi nakaalam kung kailan at kung
paanong namatay ang aking ama!"

"A, gayon pala!" bulalas ng tenyente.

"Saan naman kayo naroroon at ni hindi nagpahatid ng kablegrama?" tanong ni Donya Victorina na biglang sumabad sa usapan."Nang
ikasal kami ay kumable kami sa Espanya."

"Ginang, nitong huling dalawang taon ay nasa Alemanya at Polanya-Rusa ako tugon ni Ibarra.

Sinalo ni Doktor de Espadaña ang usapan."Na... na... nakilala ko sa Espanya ang isang Polakong taga-Bar... Barsobya, nagngangalang
Stadnitzki. Kilala ba ninyo siya?" Namumula sa pagkahiya ang nagtanong.

"Puwedeng kilala ko siya," pagbibigay-loob ni Ibarra. "Lamang ay hindi ko maalala ngayon."


"Pero... hindi ninyo siya mapag... mapag... mapagkakamalan," dugtong ng doktor na sumigla-sigla. "Kulay ginto ang kanyang buhok
at masamang magsalita ng Kastila."
"Maganda nga po sanang pagkakilanlan iyan ngunit sa kasamaang-palad ay hindi ako nakapagsalita ng Kastila roon, maliban na
lamang kung nasa konsulado."
"Pa'no kayo nakikipag-usap?" nagtatakang tanong ni Donya Victorina.
"Wika po ng bansang kinaroroonan ko ang aking ginagamit."
"Marunong din kayo ng Ingles?" agaw ng Dominiko na nanirahan sa Hongkong at mahusay magsalita ng Pidgin English, ang
sinampay-bakod na wika ni Shakespeare.
"Isang taon po akong nanahan sa Inglatera na kahalubilo ng mga taong Ingles lamang ang sinasalita."
"Alin po naman sa mga bansa sa Europa ang higit ninyong nagustuhan?
tanong ng binatang may mapulang buhok. "Bukod po sa Espanya na pangalawa kong bayan ay ang alinmang bansa sa malayang
Europa."
Sa paglalakbay ninyo sa maraming bansa, anong pinakamahalagang bagay ang nakita ninyo?" usisa naman ni Laruja.
Waring nag-isip si Ibarra. "Tungkol po saan?"
"Halimbawa'y tungkol sa kabuhayan, lipunan, politika, relihiyon, at iba't iba pang bagay...?"
Matagal tagal din bago sumagot si Ibarra. "Bago ako maglakbay sa isang bayan ay sinisikap ko munang malaman ang kanyang
kasaysayan, o unti-unting pagbabago tungo sa kaunlaran nito. Dito ko natutuklasan ang lahat. Nakikita kong ang kasaganaan at
paghihikahos ng mga bansa ay may tuwirang relasyon sa kanilang kalayaan o pagkaalipin. Kung gayon ay may kinalaman iyon sa
pagsusumakit o sobrang pag-ibig sa sarili ng mga ninuno."
"Wala ka bang nakita kundi iyan?" May pangungutya ang ngiti ng Pransiskano na noon lamang nagsalita, siguro'y dahil sa
kaabalahan sa pagkain. "Hindi dapat aksayahin ang iyong salapi para lamang sa napakaliit na bagay. Kahit munting batang
nag-aaral ay nakaaalam niyan!"

Napatingin si Ibarra sa prayle. May pangambang nagkatinginan ang mga kumakain sa takot na baka may mangyaring gulo.
Ibig-ibig na sanang sabihin ni Ibarra na "Magtatapos na ang hapunan at busog na ang kanyang Reverencia" ngunit
nakapagpigil siya. Sa halip ay sinabing, "Mga ginoo, huwag ninyong ipagtaka ang pagiging palagay ng loob sa akin ng dati
naming kura. Ganyang-ganyan din ang pagpapalagay niya sa akin noong bata pa ako, ngunit pinasasalamatan ko rin siya.
Sinasariwa niya sa isip ko ang mga araw noong ang kanyang Reverencia ay madalas na nagtutungo sa amin at nakakasalo
namin sa hapag ng aking ama." Sinulyapan ng Dominiko ang Pransiskano na napansin niyang nanginig. Tumayo si Ibarra.
"Ipahintulot ninyong magpaalam na ako, mga ginoo. Kararating ko lamang at kailangang umalis din ako bukas. Marami pa
akong dapat tapusin. Tapos na ang pinakamahalagang bahagi ng hapunan. Bahagya na akong uminom ng alak, ngunit para sa
karangalan ng Espanya at Pilipinas ay..." At tinungga niya ang wala pang bawas na laman ng kopita. Nakigaya rin sa
pagtungga ang walang kibong tenyente.

"Huwag muna kayong umalis!" marahang wika ni Kapitan Tiago. "Darating si Maria Clara; sinundo siya ni Isabel. Darating
din ang banal na bagong kura ng inyong bayan!"

"Daraan ako rito bukas bago umalis. May dadalawin ako ngayon na hindi ko maipagpapabukas."

Nakahinga nang maluwag si Padre Damaso nang makaalis si Ibarra. "Nakita n'yo na," baling niya sa binatang may pulang
buhok habang ikinukumpas ang kutsilyo. "Iyan ay kayabangan. Hindi matanggap na mapagsalitaan ng kura. Ang palagay sa
sarili ay edukado! Iyan ang masamang epekto ng pagpapadala sa Europa ng mga kabataang Indio! Kailangan itong ipagbawal
ng gobyerno!"

You might also like