You are on page 1of 4

KABANATA III

Ang Hapunan
Ang bawat anyo ng ating mga panauhing pumapasok sa hapag hapunan
Ay nagpapahiwatig ng kani-kanilang nadarama. Kasiy ahan ang mababasa
Mukha ni Padre Sibyla, samantalang si Padre Damaso ay yamot na yamot,
Kayat bawat silyang maraunan ay sinisikaran at siniko pa ang isang kadete.
Si Tinyente Guevarra ay likas na tahimik at ang iba ay pumuri sa marang
Yang handa ni Kapitan Tiyago.
Si Donya Victorina ay napalingon nang mayapakan ng Tinyente ang
Laylayan ng kanyang bestido.
“Aba! Kayo ba’y walang mata?” ang pasigaw niya.
“Aba, higit pa pong malilinaw kaysa inyong mga mata, dangan nga
Lamang at sa kulot ninyo ako nakatingin’”, ang tugon ng tinyente.
Tila nagkahiyaan pa ang dalawang kura nang magkasabay na lumapit
Sa kabesera.
Para sa inyo po ang upuang iyan,” ang wika ni Pare Sibyla. “Hindi po,
Iyan ay para sa inyo” ang tugon ni Padre Damaso. “1yan ay para sa kompesor
Ng may bahay.”
“Hindi po, alang-alang man lamang sa inyong katandaan, katungkulan
At kapangyarihan,” ang pilit ni Pare Sibyla.
Na ako’y matanda””, hindi po, Isa pa ay kayo ang kura sa bayang ito,
Ang pilit din ni Padre Damaso na hindi pa iniaalis ang hawak sa stya.
Sibyla.
“Kung iyan po’y isang pag-uutos ay susunod ako”, pagtatapos ni Padre
“Hindi ko po iniuutos
Damaso.
Hindi ko iniuutos’”, ang hadlang ni Padre
Uupo na sana si Padre Sibyla nang mapansin niya ang tinyente, kaya
Inialok ang upuan dito, nguni’t sa kaayawan na siya ay mapagitna sa
Dalawang kura ay tumanggi ito. Ni walang nakaalaala sa may papiging.
*”Don Santiago, hindi po ba ninyo kami sasaluhan?” ang anyaya ni
Ibarra, at sapagkat wala ng upuan ay anyong titindig ito.
“Huwag G. Ibarra, ang pagtitipong ito ay handog ko sa inyo, at pag-
Papasalamat sa mahal na Birhen alang-alang sa maluwalhati ninyong pagda-
Ting.”
Noon di’y ipinakuha ni Kapitan Tiyago ang tinola na matagal nang hindi
Natitikman ng binata. Para namang sinasadya, sapagkat nang matapat kay
Padre Damaso ang pinggan, isang ulo at pakpak ng manok na lumulutang sa
Ing sabaw ang natira, samantalang pawang mga hita, pitso at lamang
Loob ang laman ng pinggang natapat kay lbarra. Sa pagdaramdam ng kura ay
Biglang itinulak ang kanyang pinggan na kasabay ng pagbagsak ng kutsara.
“Ilan taon kayong nangibang bayan? Ang tanong ni Laruja kay lbarra.
*”Magpipitong taon na po marahil,”
“Hindi po ba ninyo nalimot ang inyong bayan?”
“Sa kabilang dako po, tila ang bayan ko ang nakalimot sa akin, at ako
Nama’y laging nakaaalaala sa kanya.”
Ama.
“Ano po ang ibig ninyong tukuyin?”
*”Ako po ay mag-iisang taon na ngayong hindi nakatatanggap ng balita sa
Akiny bayan. Ni hindi ko po nalalaman kung papaanong namatay ang aking
“Gayon po ba?”” ang pagulat na wika ng tinyente.
“Bakit hindi po kayo tumclegrama”, ang sabad naman ni Donya Vic-
Torina.
“Ginang, nito pong huling dalawang taon ay nasa Alemanya at
Polonyang sakop ng Rusya ako.”
Si Don Tiburcio na kinakabahang magsalita ay sumabad.
‘Nagkaroon po ba kayo ng pagkakataong makita ang isang Po-Polakong
Taga Be Bar-sobya na ang ngalan ay Stadnitzki?””
“Maari nga po, ngunit sa katagalan na, ay maaaring hindi ko na maalaa-
La”, ang tugon ni Ibarra.
*”Subalit..ma..madali ninyo siyang maaalaala sapagkat mapula ang
Kanyang buhok at masamang magsalita ng Kastila’, ang lumakas-lakas ang
Loob na patuloy ng doktor.
“Maganda nga pong palatandaan iyan, ngunit ang wikang Kastila ay
Nagamit ko lamang sa ilang konsulado.
“Papaano po kayo nakikipamayan?,” ang patakang tanong ni Donya
Victorina.
“Ang wika po ng bayang kinaroroonan ko ang aking ginagamit.”
“Nagagamit din po ba ninyo ang wika ng Ingles?”ang wika ng Dominiko
Nagtagal sa Hongkong at mahusay ng Ingles Pidgin, pinaghalo ng mga
Intsik na wika ni Shakespeare.
“Isang taon po akong naglagi sa Inglatera, na ang tanging wikang
Ginagamit ay Ingles,”
“Alin po namang bansa sa Europa ang naibigan ninyo?” ang tanong
Naman ni Laruja.
“Una po ang Espanya, na pangalawa kong bayan, at lahat na ng mga
Bansang malaya sa Europa.”
Ano naman po ang pinakamahalagang bagay na inyong nakita ang
Naging katangi-tangi, sa pamumuhay, sa pananampalataya, at sa kabuuan
Na, “
“Ang isang bayan, bago ko puntahan ay inaalam ko muna ang kanyang
Kasaysayan, at sa lahat ng ito ay lagi kong nakikita ang kaginhawahan at
Kahirapan ng mga bayan ay may kaugnayan sa kanilang kalayaan o kagipi-
Tan,”
“Iyan lang ang iyong natutuhan? Aba! Sayang lamang ang
Panahon at salapi. Ultimong maliit na bata sa paaralan ay nakaaalam na
Niyan”, ang pakutyang sabad ni Padre Damaso.
Ang lahat ay kinabahan. Hindi malaman ni barra kung ano an8
Isasagot. Sasabihin na sana niyang “Magtatapos na ang hapunan sapagkat
Ang kura ay bundat na, ngunit nakapagpigil
Ang winika.
Pa rin siya at sa halip ay ganito
“Mga ginoo, huwag ninyongipagtaka ang|
Bata ng aming dating kura. Ipinaaalaala lamang
A ang pagpapalagay sa aking parang
Nilang pagsasalo
Lamang niya sa akin ang madalas
Ng aking ama sa maralita naming hapag.”
Nakita ni Pare Sibyla na nanginig si Padre Damaso. Si Ibarra naman ay
Tumindig at nagpaalam.
“Mga ginoo, ikinalulungkot ko po na kayo ay iwanan sa hapag.
Kinakailangang tapusin ko pa ang maraming gawain, kayat sa ikabubuu ng
Espanya at Pilipinas ay tumungga tayo.”
Tinungga niya ang alak at ang tinyente ang tanging sumunod sa kanya.
Pinigıl ni Kapitan Tiyago sa pag-alis si Ibarra at sinabi pang darating si
Marla Clara at ang bagong pareng madidistino doon. Tuluyan ding umalis
Ang binata pagkatapos na mangakong babalik kinabukasan.
Si Padre Damaso naman ay nagsalita na parang nangangaral kay Laruja.
Lyan ay kapalaluan. Akala niya ay mataas na ang karunungang natuk-
Lasan. Lyan ay masamang bunga ng pagpapadala sa mga Indiyo sa Europa.
Ito’y dapat ipagbawal ng pamahalaan.

You might also like