You are on page 1of 1

IAN SHANE E.

AMORES

BSDRM 1B

LIFE AND WORKS OF RIZAL

MARIA CLARA MONOLOGUE

Ako si Maria Clara, isang mayumi't hinahangang dalaga

At kaisa-isang anak nila Don Santiago Delos Santos at Donya Pia Alba.

Ako ang babaeng sinisinta ng Ginoong si Crisostomo Ibarra,

Ang lalaking makisig at may malasakit sa bayan, Si Ibarra ang aking iniibig

Napalayo ako kay Ibarra dahil pinagbintangan sya ng isang kasalanang hindi nya ginawa,

Ngunit mas napalayo ako sa kanya nang mabalitaan ko na nais pala nila ako Ikasal sa isang binatang may
ngalang Alfonso Linares.

Ibarra patawad, patawad sa aking pagpayag sa kasal ko kay Linares

Hindi, hindi ko ito nais! Pumayag lang ako upang ilayo ka sa panganib. Ikaw, ikaw lang ang mahal ko.

Dun nalaman ko na ako pala ay bunga ng makamundong pagnanasa ni Padre Damaso,

Na akala ko ay wala nang mas sasakit sa mga pangyayaring aking pinagdadaanan.

Dumating ang pinakamasakit na balita... kinabukasan, nabalitaan ko!

Ang pagkamatay ni Crisostomo Ibarra.

Padre Damaso aking tunay na ama. Ako po ba ay minamahal nyu ba talaga?

Kung gayon, sirain ninyo ang kasunduan nyu ng ng aking ama, sa aking kasal kay Alfonso Linares.

Noong buhay pa si Ibarra, kinaya kong magtiis, makibaka't maghintay ngunit ngayo'y syay patay na.

Kumbento o patay ba’y para sakin, pahihintulutan mo ba ako maging mongha o susunod ako kay Ibarra.

You might also like