You are on page 1of 2

https://youtu.

be/350i-bmhDtw

Ako si Maria Clara Delo Santos, ang nag iisang anak ni Kapitan Tiago. Simbulo ng
dalagang Pilipina na siyang kilala ng marami dahil sa kayamanang taglay nito.
Patawarin mo ako kung nainip ako’t sumuko. Patawarin mo ako kung naging
mahina man ako. Patawad sa hindi paglaban. Mahal, palayain mo sana ang iyong
sarili sa pag-ibig kong taksil. Kasintahan ko si Ginoong Crisostomo Ibarra. Si Ibarra
na mayroong malasakit sa bayan ngunit, napagbintangan sa salang hindi niya
ginawa.

Oh, Crisostomo Ibarra aking sinta, labis akong nalulungkot, natatakot, at


nababahala para sa iyo. Mahal ko, ako’y patawarin mo sa lahat ng aking ginawa.
Wala akong nagawa para pigilan ang nangyari sa iyo. Lagi kitang aalalahanin at
ipagdarasal,hindi kita malilimutan mahal ko. Siguro nga ay magiging isa ka na lang
magandang ala-ala sa buhay ko. Hanggang sa muli nating pagkikita mahal ko.

Muli, ako si Maria Clara kasintahan ni Crisostomo Ibarra, hanggang dulo…

Other Script: https://youtu.be/wrSNpjfizDg

Ako si Maria Clara de los Santos at ako ay madalas din tawaging clarita. Ako ang
nag-iisang anak nina Doña Pia Alba at Kapitan Tiago na tinaguriang
pinakamagandang bituin at nag-iisang mutya ng San Diego. Simbulo ng dalagang
Pilipina na siyang kilala ng marami dahil sa kayamanang taglay nito. Kasintahan ni
Crisostomo Ibarra na napagbintangan sa isang kasalanang hindi niya naman
ginawa.

Oh Crisostomo Ibarra aking sinta labis ang aking tuwa nang malaman kong hindi
kana eskomunikado. Gumaan ang loob ko sapagkat hindi na ako mangangamba pa
sa kung anong maaaring mangyari sa iyo akala ko ay muli na akong sasaya
sapagkat magkakasama na tayong muli. Ngunit ano ito? Ano itong nakikita ko?
Sino itong bagong binata ang nakikita ko? Ngalan niya ay Alfonso Linares
Despanada? Ano itong narinig ko na ipakakasal ako sa iyo? Hindi maaari! Bakit ako
ipakakasal sa iyo sapagkat hindi naman ikaw ang mahal ko? Wala akong balak
magpakasal kahit na kanino. Si Crisostomo lang ang mahal at mamahalin ko.
Ngunit hindi sumangayon ang tadhana at ikaw ay ikinulong. Tuloy na ang
pagpapakasal ko… Oh mahal ko, nawa’y maintindihan mo ang rason ko sa
pakikipagisang dibdib sa hindi ko naman gusto.. Para rin sa kapakanan mo kaya
ginagawa ko ito at pagrespeto na din sa sinapit ng ina ko.

Akala ko ay ito na ang pinakamasaklap sa buhay ko, ngunit ano itong nabalitaan
ko? Patay? Sino ang patay? Patay na ang mahal ko? Papaano? Bakit nangyari ito?
Para saan pa ang pagpapakasal ko kung wala kana at iniwan mo na ako?

Ama…maaari mo bang pagbigyan kahit sa huling pagakataon lamang? Ngayo’y


wala na siya mas pipiliin ko nang pumasok sa kumbento at maging madre o
mabuhay sa lungkot at mamatay. Ama… parang awa mo na, pag-bigyan mo ang
aking kahilingan..
Mahal, patawarin mo ako kung nainip ako’t sumuko. Patawarin mo ako kung
naging mahina man ako. Patawad sa hindi paglaban. Wala akong nagawa para
pigilan ang nangyari sa iyo. Lagi kitang aalalahanin at ipagdarasal,hindi kita
malilimutan mahal ko. Siguro nga ay magiging isa ka na lang magandang ala-ala sa
buhay ko. Mahal, palayain mo sana ang iyong sarili sa pag-ibig kong taksil.
Hanggang sa muli nating pagkikita mahal ko.

Muli, ako si Maria Clara kasintahan ni Crisostomo Ibarra, hanggang dulo…

You might also like