You are on page 1of 1

Pitong libo anim na raan at apatnapu't isang pulo

Iba't-ibang paniniwala, nagkakaisa sa isang bandila

Kahit ano pa man ang ating pinagdadaanan,

Tayo ay nakangiti at nakatayo sa bansang ating minamahal.

Mula sa mga nagpuputian at pinong-pinong buhangin sa dagat

Hanggang sa mga makalaglag-pusong ganda ng mga lagoon

Hindi ka mauubusan ng pasyalan

Mula sa mala-New Zealand na rolling hills sa Batanes

Hanggang sa nakabibighaning sunset sa Siargao

Tila malulula ka na sa dami ng magagandang tanawin.

Kaya’t anong hinihintay mo?

Tara na't balikan at yakapin ang kayamanang likas ng ating perlas ng silangan.

Piliin mong maging Pilipino, piliin mo ang Pilipinas! 

“PiliPinas”

You might also like