You are on page 1of 1

Huwag Maging Dayuhan sa Sarili Nating Bayan

Itong ating baying perlas ng silanganan


Napakarami palang taglay na kayamanan
Maipagkakapuri sa lahat,kanyang kagandahan
Kaya naman tara,atin itong pasyalan.

Malilinaw at magagandang dalampasigan


Berde at matataas na kabundukan
Samahan mo pa ng mga lumang simbahan
At ng masaya at makukulay na kapistahan.

Naghihintay sa iyo ang beach ng Boracay


Sa Surigao at La union,sa surfboard ka sumakay
Hindi magpapahuli ang ganda taglay ng Batanes
Huwag mo ring palalagpasin ang ating Rice Terraces.

Ang lungsod ng Vigan ngayon ay kabilang


Sa 7 Wonder Cities,ito ay nahirang
Tiyak na dadagsain din ito,tulad ng Palawan
Na New 7 Wonders of Nature naman.

Hindi magpapahuli,ang malalamig na pasyalan


Baguio,Tagaytay,at maging Bukidnon man
Dinarayo rin ang mga lawa,talon,at bulkan
Tulad ng Taal,Mayon,at Pasanjan.

You might also like