You are on page 1of 2

WESTFIELD ONLINE LEARNING

GRA BF Resort Drive, BFRV, Las Piñas City


GRADE SCHOOL DEPARTMENT
____________________________________________________________________

Huwag Maging Dayuhan


sa Sarili Nating Bayan

Itong ating bayang Perlas ng Silanganan


Napakarami palang taglay na kayamanan
Maipagkakapuri sa lahat, kanyang kagandahan
Kaya naman tara, atin itong pasyalan

Malilinaw at magagandang dalampasigan


Berde at matataas na kabundukan
Samahan moo pa ng mga lumang simbahan
At ng masasaya at makukulay na kapistahan.

Naghihintay sa iyo ang beach ng Boracay


Sa Surigao at La Union, sa surfboard ka sumakay
Hindi magpapahuli ang gandang taglay ng Batanes
Huwag mo ring palalagpasin ang ating Rice Terraces.

Ang lungsod ng Vigan ngayon ay kabilang


Sa 7 Wonder Cities, ito ay nahirang
Tiyak na dadagsain din ito, tulad ng Palawan
Na New 7 Wonders of Nature naman.
Hindi magpapahuli, ang malalamig na pasyalan
Baguio, Tagaytay, at maging Bukidnon man
Dinarayo rin ng mga lawa, talon, at bulkan
Tulad ng Taal, Mayon, Pagsanjan.

Sa Mindanao, matatagpuan ang Bundok Apo


Kung aakyatin ito, huwag kalimutang mag-abiso
Talagang mula Basco hanggang Jolo
Ganda ng bansa’y maipagmamalaki ng Pilipino.

May mga pasyalan ding makasaysayan


Ilan dito’y Luneta, Fort Santiago, at Bataan
Sandugo sa Tagbilaran, Leyte Landing sa Tacloban
Sa Cebu nama’y ang Bantayog ng Mactan.

Ano pa ang hinihintay, mga kababayan


Ihanda na ang bag, atin nang pasyalan
Huwag nating hayaang tayo’y maging dayuhan
Sa kagandahan ng sarili nating bayan.

You might also like