You are on page 1of 2

WESTFIELD ONLINE LEARNING

GRA BF Resort Drive, BFRV, Las Piñas City


GRADE SCHOOL DEPARTMENT
____________________________________________________________________

Biyaya’y Aking Kakalingain

“Salamat sa Diyos, malapit na akong umuwi!” Sabik na sabik nang umuwi si


Gabriel. Nakikini-kinita na niya ang bunsong si Anika na patakbong sumasalubong sa
kanyang pagdating at sumisigaw ng “Papa, Papa!” Nais na niyang hilahin ang natitirang
limang araw upang makitang muli ang kanyang pamilya.

Halos isang taon na siyang naglilingkod sa isang malaking kompanyang


nagmimina ng ginto at tanso sa Laos. May bayad ang kanyang bakasyon. Libre ang
pamasahe pauwi sa Maynila at pabalik sa trabaho. Bagama’t may pagkainip din siyang
nararamdaman, naghari pa rin ang ang kanyang katwirang “Kailangang matuto akong
mabuti upang umunlad pa ang aking kaalaman tungkol sa ligtas at maayos na
pagmimina,” wika niya habang lalong humihigpit ang pagkakahawak sa torque wrench.

“You know what, Gabriel? Our lives became better when this mining company
started to operate here”, utal-utal na wika ni Mao na isang Lao sa kanya kaya naputol ang
kanyang pag-iisip.

“I can see that, Mao. Your children were able to go to school and finish college.
Those students who can’t cope well in school are given a chance here to have training
which is related to mining. And on top of that, they are receiving salary while being
trained and later on work for this company”, dugtong ni Gabriel kay Mao.

Totoong gumanda ang pamumuhay ng di mabilang na mamamayan sa lugar na ito.


Maayos at mabuti kasi ang pamamahala ng kanilang gobyerno. Tapat naman ang
kompanyang kanilang pinagtatrabahuhan sa kanilang kasunduan sa pamahalaan.
Ipinatutupad anng mabuti ng kanilang pamahalaan ang mga batas upang maprotektahan
ang kanilang kalikasan at upang mabigyan naman ng hanapbuhay ang kanilang
mamamayan.

Ang maaasahang kontraktor naman ay sumusunod sa batas ng bansa upang ipatupad ang
responsableng pagmimina at mabigyan sila ng trabaho.

“Safety begins with me,” iyan ang bukambibig ng bawat isa maging pinakamataas
man o pinakamababa ang puwesto sa trabaho.

“As we protect the environment, we protect the welfare and safety of our
workers,” wika ni Steve, ang manager, sa kanyang mga empleyado.

“Dapat talaga nating sundin ang mga tuntunin upang mapangalagaan ang
kalikasan pati na rin ang ating kaligtasan at kalusugan,” pagsang-ayon ng pangkat ng mga
empleyadong Pilipino.

Patuloy rin sa pagbibigay ng mga training at seminar ang kompanya para mapataas
ang kalidad ng kanilang paggawa. Bukod dito, ang kapaligiran ay pinipilit nilang
mapangalagaan at maprotektahan habang isinasagawa ang pagmimina. May malaking
tailings dam na itinayo upang ligtas na maiimbak ang tubig na ginamit sa pagproseso ng
ore at may makinaryang ginagamit upang muling maging malinis sng tubig. Nagtatanim
din sila ng puno upang maibalik ang kagubatan sa mga lugar na natapos na nilang
pagminahan.

Habang nararanasan ni Gabriel ang mga pag-iingat na ginagawa nila rito, sumagi
na naman sa kanyang gunita ang masaklap na pangyayaring naganap sa Marinduque.

Katatapos pa lamang niya ng hayskul nang pumutok ang masamang balita tungkol
sa mapait na epekto ng pagmimina ng Marcopper Mining Company sa kanilang
papaunlad na isla. Ang pamilya nina Gabriel ay kabilang sa nawalan ng pagkakakitaan at
nakaranas ng matinding gutom. Naririnig pa ni Gabriel hanggang ngayon ang mga
hinaing ng kanyang mga kababayan. “Paano na ang ating buhay? Nalason na ang tubig
natin. Namatay na ang ilog na pinagkukunan natin ng kabuhayan. Karamihan sa atin ay
may sakit na sa balat at dinadapuan na rin ng iba pang uri ng sakit. Mga sinungaling
kayong mga dayuhanng mangangalakal! Sinira ninyo ang aming tahanan! Pinabayaan din
tayo ng pamahalaan. Hinayaan nilang lapastanganin ang ating paraiso!”

Biglang naudlot ang pagmumuni-mmuni ni Gabriel nang dumating si Steve sa


kanilang shop at nagsabing; “Hi mate, please hand-over all your unfinished work to
Rifani before you leave for your much awaited vacation. Have a safe trip!”

Lingid sa kaalaman ni Gabriel ang “bakasyong” pinakaasam-asam niya ay


magiging permanente na. Nakapag-ipon na kasi nang sapat na halaga ang kanyang asawa.

Sa pagsalubong sa kanya ng pamilya sa Paliparan ay narinig nyang “May talyer na


po tayo, Papa.” Ito ang masayang wika ng anak niya.

Hindi na babalik sa pagmimina si Gabriel at sa halip, pagyayamanin niya ang napundar


nilang talyer habang itutuloy niya ang adbokasiyang pagpapanumbalik sa kagandahan ng
kalikasan sa kanyang sariling paraan.

---Ariel V. Marasigan

You might also like