You are on page 1of 2

WESTFIELD ONLINE LEARNING

GRA BF Resort Drive, BFRV, Las Piñas City


GRADE SCHOOL DEPARTMENT
____________________________________________________________________

TANGLAW

“Anak, malalim na ang gabi. Tigilan mo na ‘yan! Baka maubos ang


gas ng gasera. Wala tayong ipampaparikit ng kalan bukas,” ang narinig
ni Ariel habang siya ay gumagawa ng takdang aralin. “Opo, inay. Ililigpit
ko na po ang mga gamit ko at papatayin ko na rin ang gasera.” Kahit
gusto pang magsunog ng kilay ni Ariel ay sinunod niya ang Ina. Hindi siya
nagtaingang-kawali dahil alam niya ang hirap ng buhay.

Ang kanilang gaserang may gas ay gawa sa bote ng isang inumin at


kapirasong tela mula sa kamiseta. Ang Liwanag nito ay tanglaw ni Ariel
sa kanyang mga aralin. Bata pa lamang si Ariel ay mahilig na siyang
magbasa. Masipag siyang mag-aral sa gabi dahil may mga nakatokang
gawain sa kanya sa pagputok pa lamang ng araw at sa dapithapon. Sa
kanyang murang edad ay sumasalok na siya ng tubig. Nangangahoy rin
si Ariel. Umulan man o umaraw ay nagpapastol siya ng mga alagang
hayop.
“Hay, salamat at natapos din ako sa aking mga gawain. Sana ay mas
mapagtuonan kong mabuti ang aking pag-aaral kahit marami akong
ginagawa.”
Positibo ang isip ni Ariel pero minsan ay natatanong din niya ang sarili
kapag naguguluhan. “Bakit sila ay nakakapaglaro? Ang sasaya nila!
Bakit parang nakatali ako sa mga gawain ko sa bahay at hindi ako
makapaglibang?”
Nagkukusa si Ariel na alisin sa isip ang ilang bagay na nagpapakirot
ng kanyang puso. “Gusto kong makatulong sa aking pamilya. Nais ko
ring makatapos. Gusto kong maging isang mahusay na inhenyero.
Bahay na matibay ang ipapagawa ko. Gusto kong magkaroon ng ilaw
na tatanglaw sa buong bahay. Gusto ko ring makapunta sa iba’t ibang
lugar gaya ng mga nababasa ko. Makapaglalaro din ako ‘pag ….,” ang
naputol sa pag-iisip ni Ariel sa paglalakad papunta ng paaralan.
“Sakay na!” wika ng isang kaibigang lulan ng kanilang kales ana tila
naaawa sa kanya. Nahihiya man si Ariel sa kaklase at ama nito ay
sumakay rin siya upang hindi mahuli sa klase.
Malaki ang tulong ng gaserang tanglaw sa kanyang pag-aaral
tuwing gabi. Naipapasa niya ang mga takdang araling kailangan
kinabukasan. Nakalalahok din siyang mabuti sa mga talakayan sa lahat
ng aralin. Hindi mapapansin sa klase ang kanyang pagod sa gawain sa
bahay at sa paglalakad.
“Napakahusay mo, Ariel!” ang kanyang naririnig sa guro at mga
kaklase. Lihim naman itong ikinatataba ng puso ni Ariel.
Nasa Ikaanim na Baitang na si Ariel nang magkakoryente sa kanilang
baryo. Para siyang bulag na biglang nakakita ng liwanag! Pagkatapos
ng mahabang panahon ng tila pangangapa sa dilim ay nakaranas
siyang magsindi ng ilaw sa pamamagitan ng switch. Naranasan niyang
gumawa ng homework nang hindi magkakaroon ng agiw sa ilang mula
sa usok ng gasera. Higit niyang napataas ang kanyang marka nang
magkaroon ng koryente sa kanilang baryo.
Nakamit ni Ariel ang pinakamataas na marka sa lahat ng mag-aaral
sa Ikaanim na Baitang nang matapos ang taon. Nang umuwi siyang
dala ang katibayan ay itinabi niya ito sa dating gaserang tumanglaw sa
kanyang pag-aaral. Hindi niya pakakawalan ang pagkakataong higit
na pagbutihin ang pag-abot ng mga bituin. Ang edukasyon ang
magsisilbing permanenteng tanglaw ng kanyang buhay.

You might also like