You are on page 1of 4

Taga Saan Ka?

Ni: Krystle Ann R. Quinones


Kindergarten Teacher
Katuray Minority School

I
Malinamnam na prutas, hindi mula sa puno
Maputi ang kulay, anong bango, anong lapot
Sa isang tikim pa lang agad mapapalunok
Aros kung tawagin doon lamang po sa amin.

II
Mayroon pang kakambal iyang nasabing prutas
Malambot kung kagatin at kay sarap malasap
Sa bawat subo mo isa lang ang matitiyak
Ang nasabing prutas, ang pangala’y pastilyas.

III
Halina at makituloy sa mumunti naming dampa
Sa tabi ng palayan, may iba’t ibang punla
Sariwa ang hangin na dadampi sa’yong balat
Amoy ani ika nga sa ilong anong sarap.

IV
Iring mga bata hayo’t naglalambitin
a sari-saring mga sanga, ganoon din sa baging
Tatalon sa ilog na kay linaw at kay lalim
Pag sinabang Calawagan, makatawag pansin.

V
Mga tao sa amin ay papuring mainam
Kapag may bisita hayin doon hayin diyan
Sariwang mga isda nand’yan lang sa dagat
Bagong pitas na mga gulay anong lutong anong sarap.

VI
Labindalawang barangay sa aming bayan
Nagtutulong tulong upang umunlad ang buhay
Kapag ikaw’y nagugutom magpunta sa kapitbahay
Naitawid na ang hapunan, may bitbit pang bigay.

VII
Ang pagmamano sa amin kahit katanghalian
sabi ng mga nanay tanda raw ng paggalang.
Kaya pag dumadayo kaming taga-Paluan
Kilala mo na agad sa bukana pa lamang.

VIII
Ang mga sakahan dito ay sagani sa ani
may palay, may sibuyas, may mais, at malagkit
Sagana din sa prutas, may kasoy, sinigwelas
Ang kaing kaing na mangga kay mura ng halaga.

IX
Dati-rati ang daan ay ubod ng galbok
Kaya ang reklamo sagad kahit saang sulok
Pero wag ka sa ngayon, ultimo bundok
ginawan ng paraan kalsada’y di na marupok.

X
Sa iyong pagbiyahe may matatanaw na bundok
Mt. Calavite po ang tawag, kay ganda sa rurok.
Marami doong halama’t mga herbal na gamot
Nadiskubre ng mga mangyan kaya ngayo’y dinudumog.

XI
At muntik ng malimutan iyang Wawa sa Lumangbayan
Doon mo makikita ang “I  PALUAN”
Sa paglampas ng tulay, kumaliwa ka lamang
At magpakuha ka ng sari-saring larawan.

XII
Sa pagkarelihiyoso, aba’y hindi magpapatalo,
mga lolo’t lola namin sa simbahan na natuto.
Samu’t saring mga dasal sasambitin sa’yo
kapag paloko loko ika’y mapapalo.
XIII
Ang tabing-dagat sa amin, ay naku po anong ganda
Paglubog ng araw ay iyong kitang kita
May bahura sa gitna, pwede kang magbangka
Sikat nga sa amin ang Maslod at Binarera.

XIV
Sumakay ka lang ng bangka, Pinagbayana’y mararating
May talon daw doon mataas malamig
Agbokbok kung tawagin, anong taas mandin
Sikat na talon doon mo lang mararating.

XV
Ang balinghoy at kamote masarap sa kape
Samahan mo pa ng araro at gabi
Masarap ilabon lalo’t bagong kali
Isawsaw lang sa asukal, ay tiyak swabeng-swabe.
XVI
Kilala rin ang aming bayan sa uod na puti
Ipinipirito lang naman sa mainit na kawali
Lalo na ‘yong malalaki, sinlaki ng daliri
Uok kung tawagin sa puno nagkukubli.

XVI
Ang salitang “ay punga” dito mo maririnig
Kakaibang salitanghinabi pa noong una
Anukapa nama’t madalas ngang masambit
Kapag nagugulat lumalabas sa bibig.

XVII
Uso pa sa amin ang habulan sa lungga
Pagsikat ng buwan sa gabing payapa
Mga bata’t binata ay nagkakandarapa
Matulin ang pagtakbo hayaan na kung madapa.

XVIII
Iyo ng puntahan, dalawin at saglitin
ang bayan ng Paluan na aking binabanggit
Sigurado akong hindi ka maiinip
Buong maghapon mo’y halos kulang kung bibilangin.

XIX
Isang sakay ka lang mula sa Mamburao
Sa daan pa lamang mata mo’y matutunaw
Sa ganda ng tanawin, puso mo’y mapupukaw
Sa hanging sariwa, para kang giniginaw.

You might also like