You are on page 1of 2

Mamamayan tayong di dapat matanso

ng sinumang taong may utak na liko

bawat karapatan ay patak ng ginto

sinumang aagaw ay dapat masugpo

karapatan nati'y kasabay pagsilang

at dapat magamit hanggang kamatayan

kaya karapatan ay dapat igalang

ng sinong tao, kahit anong kulay niyan

karapatan natin ang makapagpahayag

ito'y karapatang di dapat malabag

isang moog itong dapat matibag

tanganan ito't di tayo patitinag

karapatan natin ang mag-organisa

ng manggagawa at karaniwang masa

sa mga samahan, unyon at iba pa

ng may isang layon at pagkakaisa

karapatan natin ang tayo'y mabuhay

kahit ano paman ang ating kulay

may trabahong sapat at nakabubuhay

ng ating pamilya, meron ding pabahay

at tatlong beses ding kakain ng sabay

karapatan nating maging malulusog

di nagkakasakit, sa buhay pa'y busog


asikasong pantay-pantay di man irog

tinatanggap kahit ospital ma'y bantog

nakatala itong mga Karapatan

sa mga deklarasyong pandaigdigan

na dapat basahin at maunawaan

ng lahat ng bansa at pamahalaan

pag sinaling itong karapatang buo

ipagtatanggol diligin man ng dugo

pagkat karapatan ay butil ng ginto

di tayo papayag na tayo'y matanso

You might also like