You are on page 1of 17

PAGLABAG SA

KARAPATANG PANTAO
KARAPATANG
PANTAO?
•Tumutukoy ito sa payak na mga
karapatan at mga kalayaang
nararapat na matanggap ng lahat
ng mga tao. Ito ay para sa lahat at ito
ay sumasagi sa ating buhay sa araw-
araw.
•Mahalagang malaman natin ang
ating mga karapatan upang
matamasa ang mga pangunahing
pangangailangan natin bilang tao.
•Ang sino mang umagaw sa ating
mga pangangailangan o kumitil ng
ating buhay ay paglabag sa ating
karapatan bilang tao.
KARAPATAN
BILANG
INDIBIDWAL
KARAPATANG SIBIL
•Ito ang karapatan ng tao
upang mabuhay at pumili
ng lugar kung saan siya ay
maninirahan at mag
hahanapbuhay.
KARAPATANG POLITIKAL
•Ito ang karapatan ng tao na
makisali sa mga proseso ng
pagdedesisyon sa pamayanan
katulad ng pagboto ng mga
opisyal ng pamahalaan at pagsali
sa referendum o plebesito.
KARAPATANG PANLIPUNAN
•Ito ay ang karapatan
upang mabuhay ang tao
sa isang lipunan at upang
isulong ang kanyang
kapakanan.
• Ang katarungang panlipunan at karapatang
pantao na nasa Art. XIII ng 1987 Konstitusyon
ng Republika ng Pilipinas ay nagsusulong ng
karapatang panlipunan at pangkabuhayan
ng bawat Pilipino. Obligasyon ng
pamahalaang Pilipino na magbigay ng mga
panlipunang serbisyo tulad ng edukasyon,
kalusugan, at paglilitis ng kaso upang ang
mga taong walang pambayad ay
matulungan nang libre.
KARAPATANG PANGKABUHAYAN
•Ito ang karapatan
patungkol sa pagsusulong
ng kabuhayan at disenteng
pamumuhay.
KARAPATANG KULTURAL
•Ito ang karapatan ng taong
lumahok sa buhay kultural ng
pamayanan at magtamasa
ng siyentipikong pag-unlad ng
pamayanan.
UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS

• Nabuo ito at nilagdaan noong Disyembre 10, 1948. Ang


Pilipinas ay nakalagda sa deklarasyong ito kung kaya’t
nararapat na ipatupad ito sa ating bansa.
• Binibigyan nito ng diin na ang lahat ng tao ay isinilang
na Malaya at may pantay-pantay na dignidad.
Itinakda nito ang pangunahing prinsipyo ng
pagkakapantay-pantay at pagbabawal sa
diskriminasyon upang matamasa ang karapatang
pantao at ang mga pangunahing kalayaan ng tao.
ANG MGA SIBIL NA PROBISYON NG UDHR
AY ANG MGA SUMUSUNOD:
1. Karapatang mabuhay, maging malaya, at ligtas ang
tao.
2. Kalayaan mula sa pagiging alipin at puwersahang
pagtatrabaho o paninilbihan.
3. Kalayaan laban sa panankit at di-
makatarungangpagtrato at kaparusahan.
4. Pantay na proteksiyon sa harap ng batas.
5. Kalayaan sa walang dahilang pag-aresto, detensiyon,
at pagpapalayas sa sariling bansa.
6. Kalayaan sa pakikialam sa pagiging
isang pribadong indibidwal, pamilya,
bahay, at mga sulat.
7. Kalayaan sa pagpili ng lugar na
titirhan at maging sa pag-alis sa isang
lugar.
9. Kalayaang magkaroon ng ari-arian.
10. Kalayaang magpahayag ng sariling
opinion.
MGA HAKBANG SA PAGSUGPO SA PAGLABAG NG
KARAPATANG PANTAO

1. Kilalanin ng pamahalaan ang karapatang pantao


ng kababaihan
2. Pagtibayin at isakatuparan ang mga
pandaigdigang batas
3. Labanan ang lahat ng uri ng diskriminasyon
4. Pangalagaan ang karapatang pantao ng
kababaihan.
5. Tuligsain ang panggagahasa, pagpapahirap at
pag-aabuso ng armado ng pamahalaan
6. Tuligsain ang karahasan.
7. Itigil ang pananakit at pang-aabuso.
8. Pangalagaan ang karapatan ng mga
bilanggong babae.
9. Palayain ang mga bilanggo dahil sa
kasarian.
10. Tiyakin ang agaran at makatarungang
paglilitis sa kaso.
• Sa isang buong papel. Gumuhit ng isang malaking puso at isulat sa loob ang
karapatang nais mong ipatupad sa inyong barangay at ipaliwanag sa tabi
nito ang dahilan.
Panuto: Piliin sa mga sumusunod
ang tamang sagot.
•Karapatang Sibil
•Karapatang Politikal
•Karapatang Panlipunan
•Karapatang Pangkabuhayan
•Karapatang Kultural

You might also like