ikalimang opisyal sa Aduana. Sa kasamaang palad, napilay ang aking isang paa noong ika-15 araw ko sa tungkulin. Ito rin ang naging dahilan ng aking pagkaalis sa tungkulin. Dahil wala naman akong balak bumalik ng Espanya, nagtrabaho ako upang mabuhay ng marangal. Sanhi ng lubhang pangangailangan ay sinunod ko rin ang payo ng aking mga kaibigan na magtungo sa lalawigan at magpanggap bilang isang doktor. Sa paniniwalang kung mas mahal ang singil ay mas magaling kang doktor, siningil ko nang malaki ang aking mga pasyente. Nabalitaan ng Kapisanan ng mga Manggagamot ang aking paniningil kung kaya't tinanggalan nila ako ng karapatang makapaggamot. Sa aking paghihirap ay nakilala ko si Doña Victorina at kami’y ikinasal. Sa mga panahon ng aming pagsasama, lumantad ang pagiging mapangarapin ni Doña Victorina at nagpanggap kaming mag-asawa bilang doktor.