You are on page 1of 2

FILIPINO GROUP 3 SCRIPT

EL FILIBUSTERISMO

Kabanata 15: SI GINOONG PASTA


I. Tauhan
 Ginoong Pasta- isang bantog na manananggol, at talagang tanyag dahil sa talas ng kaniyang isipan at angking
katalinuhan. Siya ang tanungan ng mga prayle sa tuwing sila ay may malaking kagipitan. May katandaan siya,
maputi na ang kaniyang buhok, matigas ang muka at tila naakasimangot. Naging kamag-aral niya ang amain ni
Isagani na si Padre Florentino.
 Isagani- siya ay pamangkin ni Padre Florentino at katipan ni Paulita Gomez. Maliban pa rito, isa sa mga
estudyanteng sumuporta sa hangaring magkaroon ng sariling akademya para sa wikang Kastila ng Pilipinas.

II. Buod
Bilang pagtupad sa kanilang misyon, tinungo ni Isagani ang tanggapan ni Ginoong Pasta. Kilala si
Ginoong Pasta sa talas ng kaniyang isip at angking katalinuhan. Sa kaniya lumalapit ang mga pari upang
manghingi ng payo kung nasa isang gipit na sitwasyon. Nakipag-usap si Isagani sa Ginoo tungkol sa kanilang
balak. Nais niyang kausapin ni Ginoong Pasta si Don Custodio at mapasang-ayon ito. Naisalaysay ni Isagani
kay Ginoong Pasta ang misyon ng kanilang kilusan. Nakinig naman ang Ginoo ngunit akala mo ay walang alam
at walang pakialam sa kilusan ng mga mag-aaral. Nakiramdam naman si Isagani kung naging mabisa ba ang
mga salita niya sa Ginoo. Pagkatapos ng ilang sandali, sinabi ng Ginoo ang kaniyang pasya. Ayaw niya raw
makialam sa plano ng mga mag-aaral dahil maselan daw ang usapin at mas makabubuti raw na ang pamahalaan
na lamang ang kumilos hinggil dito. Malungkot naman si Isagani sa naging pasya ng Ginoo.

III. Script
MGA KARAKTER:
 Kingsly G. Andal bilang Ginoong Pasta
 Lorence Gian Silva bilang Isagani
 Abigail G. Delantar bilang Narrator

LEGEND:
 Italicized- kung papaano i-aarte ang linya
 Bold- kung sino ang magsasalita
 Highlighted- narrator

Simula
N: Si Ginoong Pasta ay isang bantog na manananggol sa Maynila. Sinadya ito ni Isagani upang pakiusapan na kung maari
ay payuhan si Don Custodio na pumanig sa kanila kung sakaling ito ay sumangguni sa kanya.

Ginoong Pasta: Hm! Masamang simula iyan, masamang palagay. Napagkikilalang mga bata pa kayo at walang nalalaman
sa mga bagay na may kinalaman sa mga pagbabago. Tingnan ninyo ang pangyayari sa Madrid sa mga binatang humihingi
ng maraming pagbabago. Lahat sila’y pinaratangang pilibustero, marami na ang hindi nakauwi rito. May mga bagay na
hindi na hindi ko maipapaliwanag sapagkat lubhang maselan. May ibang katwiran na naguudyyok sa matinong
pamahalaan upang huwag duminig sa mga kahilingan ng isang bayan.

Isagani: Nahuhulaan ko ang ibig ninyong sabihin, ang pamahalaang kolonyal ay hindi lubos at wasto ang pagkakatatag at
nananalig lamang sa pala-palagay.

N: Nang si Isagani ay akmang tatayo na upang umalis si Ginoong Pasta ay biglang umimik.
Ginoong Pasta: A, mabuti pang ipaubaya na ninyo sa kamay ng pamahalaan ang bagay na iyan. Maghintay kayo; Bigyan
ninyo ng panahon, mag-aral kayong mabuti. Kayo’y marunong nang magsalita ng wikang Kastila at nkapagpapahayag na,
ano’t nanghimasok pa kayo sa gulong ito? Bakit hangad pa ninyong maituoo ito ng bukod?

Isagani: Ang laging inihahabilin sa akin ng aking amain ay alalahanin ko ang iba gaya ng pag-aalala ko sa sarili. Hindi ako
naparito ng dahil sa akin, kundi sa ngalan ng mga nasa kalagayan na lalong pang aba.

Ginoong Pasta: A, putris! Pag-aralan nila ang pinag-aralan ninyo at gawin nila ang ginawa ko, nagging alila ako ng lahat
ng prayle, samantalang hawak ko ang gramatika, nag-aral ako.

Isagani: Ngunit ilan sa mga nais matuto ang maaabot sa naabot ninyo? Isa sa sampung libo?

Ginoong Pasta: Puwes! Ano ang kailang nang higit sa roon? Totoong marami ang mga abogado, ang karamihan ay
pumapasok lamang bilang tagasulat. Mga doktor? Sila-sila’y ng-aaway at halos magpatayan sa pag-aagawan ng isang
maysakit. Manggagawa, binta, magsasaka ang kailangan natin! At upang maging mabuting magsasaka, ay hindi
kailangang matutu ng maraming retorika. Pangarap! Mga Kahibangan! Bibigyan ko kayo ng napakainam na payo
sapagkat ikaw ay matalino. Estudyante kayo ng medisina. Kung kayo’y lisensiyado na’y mag-asawa kayo ng isang
mayaman at masambahing dalaga.

(Tumayo si Ginoong Pasta at inakbayan si Isagani)

Ginoong Pasta: Harapin ninyo ang pangagamot at huwag kayong makialam sa bayan. Maaalala rin ninyo ako, at
sasabihing may atwiran kapag kayo’y nagkaroon ng mga uban, mga ubang katulad nito.

Isagani: Kung ako po’y magkakaroon na ng ubang katulad niyan, at kapag inililingon ko ang aking katawan sa nakaraan at
naktang kong wala akong nagawa kundi ang para sa sarili lamang hindi para sa bayang nagkaloob sa akin ng lahat ng
bagay, amg bawat irban ay magiging isang tinik at hindi ko ipagkakapuri kundi bagkus ikahihiya.

Wakas

You might also like