You are on page 1of 3

SIMOUN – Isang napakayamang mag-aalahas at isang matalik na kaibigan at tagapayo ng

Kapitan Heneral. Makapangyarihan siya kaya’t iginagalang at pinangingilagan ng mga Indio at


maging ng mga prayle. Mapanghimagsik, kumakatawan sa bahagi ng lipunang Pilipino na
lumaban sa pang-aapi ng pamamahala at nais niyang ibagsak ang pamahalaan sa anumang paraan.

Basilio - – Sumasagisag sa bahagi ng mga edukadong Pilipino na sa pagiging bantad na sa


kaapihan ay naging manhid na sa pangangailangang ikabubuti ng lipunan. Nilunok niya ang
pangmamaliit sa kanya ng kapwa mag-aaral at ng mga guro dahil sa kanyang anyo at kalagayan
sa buhay. Nagtagumpay siya at nakapanggamot agad kahit hindi pa natatanggap ang diploma
ng pagtatapos.

Isagani – Siya ay pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez. Maliban pa rito
si Isagani ay isa sa may hangaring magkaroon ng sariling akademya para sa wikang kastila ang
Pilipinas. Sumasagisag sa mga kabataang mapusok na ang kanilang ideyalismo at hindi maaaring
asahan sa panahon ng kagipitan.

Senyor Pasta – Kumakatawan sa isang bahagi ng lipunang naging mabuti lamang sa mga taong
makapagbibigay sa kanya ng mabuting kalagayan sa buhay. Nangibabaw sa kanya ang pagmamahal
sa sarili kaysa pagmamahal sa lipunang kinabibilangan niya.

5.Placido Penitente – Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning


pampaaralan. Estudyanteng kasama sa paghiling ng pagtatatag ng akademya sa wikang Kastila.
Nagkaroon siya ng paghahangad na mangibang bansa, subalit nang siya’y pakitaan ni Simoun
ng palatandaan ng paghihimagsik, natakot siya at hindi siya makapagpasya kung aanib o hindi.

Pecson – Siya ay isa sa mga estudyanteng may hangaring magkaroon ng Akademya ng Wikang
Kastila sa Pilipinas ngunit hindi siya umaasang matutupad ang hangaring ito.
Siya ay walang kamalay-malay sa mga mapanghimagsik na gawain ni Simoun. Ang kinatawan nina
Placido at Pecson ay ang bahagi ng lipunan na hindi pa naisasadiwa ang pagkakaroon ng malasakit sa lipunan at
sa bayan.

7.Padre Florentino – isang paring Pilipino at sinasabing kumakatawan kay Padre Florentino Lopez
ng Calamba, isang kaibigan ni Rizal. Naniniwala siya na ang Pilipinas ay magiging malaya rin balang araw subalit
ang kalayaan ay makakamtan hindi sa pamamagitan ng pandaraya, katiwalian, krimen, bisyo, kundi sa pag-ibig,
pagsasakit at mabuting gawa. Nananalig siyang ang taongmabuti at makatwiran ay nararapat na magsakit upang
ang kanyang diwa atkaisipan ay matanto at makalat. Isang mabuti at kagalang-galang na paring pilipino,
si Padre Florentino. Pinilit lamang siya ng inang maging lingkod ng Diyos dahil sa kanyang
panata. Siya ang kumupkop sa pamangking si Isagani nang maulila ito sa magulang.
Chino Quiroga – isang mangangalakal na Intsik na nagtatago ng armas para sa manghihimagsik.
Sinasagisag niya ang banyagang kultura na nahahandang tumulong sa mapanghimagsik. isang mayamang
mangangalakal na intsik na nais magtayo ng kosulado sa Pilipinas; nagkautang na siyam
nalibong piso kay Simoun.

Padre Irene – prayleng Kastila na tumutulong upang maitatag ang Akademyang Espanyol. Siya ay
simbolo ng mga Kastila na may pagmamalasakit sa mga Pilipino. Isang paring Kanonigo na minamaliit at
gaanong iginagalang ni Padre Camorra. Siya ang nilapitan ng mga mag-aaral upang mamagitan
at maipasa’ ang panukalang magkaroon mg akademya sa pagtuturo ng wikang Kastila ang mga
estudyante. Naging tagaganap siya ng huling habilin ng kaibigang si Kapitan Tiago.

Kapitan Tiyago – Sinasagisag niya ang mga dating mayayamang unti-unting nawawalan ng pag-aaring yaman.

Ben Zayb – isang mamamahayag na Kastila na sumusulat ng mga artikulong laban sa mga Pilipino. Isang
mamahayag, mababa ang tingin niya kay padre Camorra. Utak sa lumalabas na magaganda at
mabubuting balita tungkol sa Kapitan Heneral at sa iba pang matatas na opisyal upang
mapalapit sa mga tao.

Padre Sibyla – pari paroko ng Binondo, dating bise-rektor ng Kolehiyo ng SanJuan de Letran. Isang matikas at
matalinong paring Dominiko. Siya ang Vice-Rector ng Unibersidad ng Santo Tomas. Salungat
siya sa pagpasa’ ng panukala upang makapag-aral at matutong wikang Kastila ang mga mag-
aaral.

Padre Camorra – pari paroko ng Kumbento ng Tiyani. Isang batang paring Pransiskano na
mahilig makipag-tungayaw kay Ben Zayb sa kung ano-anong bagay na maibigan. Siya ang kura
ng Tiani. Wala siyang galang sa kababaihan lalo na sa magagandang dilag.

Don Custodio – isang Kastilang opisyal sa pamahalaan. Likas na matalino, siya ang susi upang
mapahintulutang magbukas na isang paaralang nagtuturo ng wikang kastila. Si Ginoong Pasta
ay isang bantog na manananggol. Sinadya ito ni Isagani upang pakiusapan na kung maari ay
mamagitan ng sang-ayon sa kanila kung sakaling sumangguni si Don Custodio. Ngunit nabigo siya
dahil nagpasiya ang abogado na huwag makialam dahil maselan ang usapan.
P. Salvi – prayleng Pransiskano: dating kura ng San Diego at kasalukuyang paring tagapayo ng kumbento
ng Sta. Clara. Isang paring Pransiskano na pinakikinggan at iganagalang ng iba pa niyang
kasamahang prayle. Siya ay mapag-isip. Umibig nang lubos kay Maria Clara at kompesor ng
dalagang ito ni Kapitan Tiago

KAPITAN HENERAL – hiniral siya na pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. SIMBOLISMO –


larawan siya ng pabiglabigla at makapritsong humatol. Hindi niya alintana ang kapakanan ng
kanyang pinamumunuan.

MATAAS NA KAWANI – kagalanggalang, tumutupad sa tungkulin , may paninindigan at may


pananagutan

SANDOVAL – Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral.

PADRE FERNANDEZ – Isang paring Dominiko na bukas ang isip sa pagbabago lalo na sa
edukasyon ng mga mag-aaral. Sang-ayon siya sa adhikain ng mga makabagong mag-aaral sa
pag-aaral ng wikang Kastila. Hindi siya nalulugod sa tiwaling gawain ng mga pinuno at kawani ng
pamahalaan at ng mga kapwa niya prayle.

Kabesang tales - Si Kabesang Tales ay ay ang naghahangad ng karapatan sa


pagmamay-ari ng lupang sinasaka sa inaangkin ng mga prayle.
Si Hermana Penchang ay isang masimbahing manang at siya ay naging amo ni
Juli.

http://kabanata4byandreacanaya.blogspot.com/

You might also like