You are on page 1of 13

Ang Talambuhay ni Dr.

Jose Rizal
Filipino 10: Q4 Reviewer
ni Jenneah Icah V. Eyao

Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda


- tinaguriang pambansang bayani ng Pilipinas
- ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna
- ikapitong anak
Mga Magulang ni Rizal:
- Ama: Francisco Engracio Mercado y Alejandro
- Ina: Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos
Mga Kapatid ni Rizal:
1. Saturnina
2. Paciano
3. Narcisa
4. Olympia
5. Lucia
6. Maria
7. Concepcion
8. Josefa
9. Trinidad
10. Soledad
Ang Kanyang Ina – unang guro ni Rizal
Sa edad na tatlong taon, tinuruan ng kanyang ina si Rizal ng abakada.
Sa edad na siyam na taon, ipinadala siya sa Binan, Laguna upang mag-aral.
Nag-aral si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila noong Enero, 1872 kung saan
nagtapos siya ng may mataas na karangalan.
Pumasok si Rizal sa Pamantasan ng Santo Tomas upang mag-aral ng Filosofia y Letras
at agham at pagsasaka naman sa Ateneo.
Ateneo Municipal de Manila – agham at pagsasaka
Pamantasan ng Santo Tomas – Filosofia y Letras at medisina
Ipinagpatuloy ni Rizal ang pag-aaral ng medisina at Filosofia y Letras sa Madrid,
Espanya na natapos noong 1885.
Bakit inaral at natuto si Rizal ng iba’t ibang wika?
Ito ay bilang paghahanda sa kanyang paglalakbay sa iba’t ibang bansa sa Europa at
dahil dito, siya ay naging isang dalubwika

Agosto, 1887 – bumalik si Rizal sa Pilipinas


Pebrero, 1888 – umalis si Rizal sa Pilipinas
Umalis si Rizal sa Pilipinas dahil umiiwas siya sa galit ng mga Kastila sa
pagkakalathala ng Noli Me Tangere.
Hunyo, 1892 – bumalik muli si Rizal sa Pilipinas

La Liga Filipina
- itinatag ni Rizal noong bumalik siya sa Pilipinas (Hunyo, 1892)
- ang layunin ng samahan ay magkaroon ng pagkakaisa ang mga Pilipino at
magkaroon ng pagbabago sa pamamalakad ng pamamahalaan sa pamamagitan
ng mapayapang kaparaanan.
Bakit hinuli at ipinatapon si Rizal sa Dapitan?
Dahil sa bintang sa kanya na may kinalaman siya sa paghihimagsik sa mga panahong
iyon.

Apat na Taon – namalagi si Rizal sa Dapitan kung saan nanggamot siya ng mga may
sakit, hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, at tinuruan ang mga
batang naroon
Taong 1896 - habang naglalakbay si Rizal patungong Espanya, hinuli siya pagdating sa
Barcelona at ibinalik sa Pilipinas
Fort Santiago – lugar kung saan ipiniit si Rizal
Bagumbayan – lugar kung saan nilitis at nahatulang barilin si Rizal
Disyembre 30, 1896 – binaril si Rizal sa Bagumbayan na ngayon ay Luneta
Mga Tauhan sa El Filibusterismo
Filipino 10: Q4 Reviewer
ni Jenneah Icah V. Eyao

Simoun
- isang napakayamang mag-aalahas at kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan-
Heneral.
- makapangyarihan siya kaya't iginagalang at pinangingilagan ng mga Indio at
maging ng mga prayle man.
- nais niyang udyukan ang damdamin ng mga makabayang Pilipino sa palihim at
tahimik niyang paghahasik ng rebolusyon; linisin ang bayan; at lipulin ang lahat
ng masasama kahit pa siya mismo ay inuusig din ng kanyang budhi sa paraang
kanyang ginagawa.
Kapitan Heneral
- hinirang siya ng Espanya bilang pinakamatas na pinuno ng pamahalaan.
- sinasabi niyang kailangan pagbutihin ang kanyang tungkulin at gawain.
- nais niyang magpakita ng kasipagan at pagpapahalaga sa oras kaya ginagawa
niyang importanteng pagpapasiya habang naglilibang at nagmamadali
- larawan siya ng pinunong pabigla-bigla at makapritsong humatol
- hindi niya alintana ang kapakanan ng kanyang pinamumunuan
- salungat siya lagi sa pasya ng mataas na kawani.
Mataas na Kawani
- siya ay isang Espanyol at mataas na kawani ng pamahalaan na kagalanggalang;
tumutupad sa tungkulin; may paninindigan; at may kapanagutan.
- siya ay may mabuting kalooban para sa kapakanan ng mga makabagong mag-
aaral na nagsusulong ng pagtuturo ng wikang-kastila
- lagi siyang salungat kapag hindi pinag-isipan at hindi mabuti o hindi pinag-
aralang masusi ang panukala ng mga opisyal at kawani
- maging ang pasiya ng Kapitan Heneral ay kanyang sinasalungat at tinutuligsa
kapag ito ay hindi marapat at mabuti
- siya ay mapanuri at makatarungan.
Padre Florentino
- isang mabuti at kagalanggalang na paring Pilipino si Padre Florentino
- pinilit lamang siya ng inang maging lingkod ng Diyos dahil sa kanyang panata
- siya ang kumupkop sa pamangking si Isagani nang maulila ito sa magulang.
Padre Bernardo Salvi
- isang paring Pransiskano na pinakikinggan at iginagalang ng iba pa niyang
kasamahang prayle.
- siya ay mapag-isip.
- umibing ng lubos kay Maria Clara at kompesor ng dalagang ito ni Kapitan Tiago.
Padre Hernando Sibyla
- isang matikas at matalinong paring Dominiko.
- siya ang Vice Rector ng Unibersidad ng Santo Tomas.
- salungat siya sa pagpasa ng panukala upang makapag-aral at matuto ng wikang
Kastila ang mga mag-aaral.
Padre Irene
- isang paring Kanonigo na minamaliit at di gaanong iginagalang ni Padre
Camorra.
- siya ang nilapitan ng mga mag-aral upang mamagitan at maipasa ang
panukalang magkaroon ng akademya sa pagtuturo ng wikang Kastila ang mga
estudyante.
- naging tagaganap siya ng huling habilin ng kaibigang si Kapitan Tiago.
Padre Fernandez
- isang paring Dominiko na bukas ang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon ng
mga mag-aaral.
- sang-ayon siya sa adhikain ng mga makabagong mag-aaral sa pag-aaral ng
wikang Kastila.
- hindi siya nalulugod sa tiwalang gawain ng mga pinuno at kawani ng
pamahalaan at ng mga kapwa niya prayle.
Padre Camorra
- isang batang paring Franciscano na mahilig makipagtungayaw kay Ben Zayb sa
kung ano-anong bagay na maibigan.
- siya ang kura ng Tiani.
- wala siyang galang sa kababaihan lalo na sa magagandang dilag.
Padre Milon
- isang paring Dominiko na propesor sa Pisika at Kemika.
- mabuti siyang pilosopo at bantog siya sa husay sa pagkikipagtalo, subalit hindi
niya lubusang maiparanas o maituro ng mahusay ang aralin sa mga mag-aaral.
- makikita sa kanya ang maling sistema ng edukasyon sa bansa.
Telesforo Juan de Dios
- kilala rin bilang Kabesang Tales
- ang napakasipag na magsasaka na dating kasama sa mayayamang may lupain.
- umunlad siya dahil mahusay niyang ginamit ang kanyang kinitang pera.
- pinili siyang maging Kabesa ng Barangay ng kanyang mga kanayon dahil sa
kanyang kasipagan at pagiging mabuting tao.
Juliana o Juli
- ang pinakamagandang dalaga sa Tiani na anak ni Kabesang Tales.
- larawan siya ng Pilipinang madasalin, matiisin, masunurin at madiskarte sa
buhay para makatulong sa pamilya.
- tunay siyang mapagmahal sa pamilya.
- tapat at marunong din siyang maghintay sa katipang si Basilio.
Tata Selo
- ang kumalinga sa batang si Basilio sa gubat nang tumakas siya mula sa mga
guwardiya sibil sa Noli Me Tangere.
- siya ang maunawaing tatay ni Kabesang Tales.
- mapagmahal na lolo siya nina Juli at Tano.
- tiniis niya ang matinding kasawian at pighati ng mga mahal niya sa buhay.
Tano / Carolino
- anak ni Kabesang Tales na tahimik at kusang-loob na sumunod sa kagustuhan
ng amang siya’y magsundalo
- nawala nang matagal na panahon
Basilio
- nalampasan niya ang mga hilahil ng buhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan
Tiago
- nagpunyagi siya sa pag-aaral
- nilunok niya ang pangmamaliit sa kanya ng kapwa mag-aaral at ng mga guro
dahil sa kanyang anyo at kalagayan sa buhay
- nagtagumpay siya at nakapanggamot agad kahit hindi pa natatanggap ang
diploma ng pagtatapos
Isagani
- isang malalim na makata o manunugma
- mahusay siyang makipagtalo
- matapang siya sa pagpapahayag ng kanyang pinaniniwalaan kaninuman
- matuwid siya at ayaw sa likong paraan sa pagkakamit ng adhikain
- pamangkin siya ng butihing si Padre Florentino
Makaraig
- isang mag-aaral sa abogasya na nangunguna sa panawagang pagbubukas ng
akademya sa pagtuturo ng Kastila.
- siya ay masipag mag-aral, mahusay makipagtalo, mapitagan, nakalulugod na
mag-aaral, at palabasa ng iba't ibang aklat kaya't nangunguna sa pagbabago.
- siya ay napakayaman at bukas-palad sa kapwa.
Placido Penitente
- mahinahon at mapagtimpi ang kahulugan ng kanyang pangalan na pilit niyang
pinaninindigan kahit pa lubhang kinaiinisan din niya ang pangalang ito.
- kapag siya ay napuno, parang bulkan siyang sumasabog at walang
kinatatakutan.
Pecson
- mapanuring mag-aaral si Pecson.
- masigasig siyang makipagtalo upang mailabas ang matalinong kaisipan at
kasagutan sa iba't ibang usapin.
- hindi siya agad naniniwala sa mga balibalita lamang kaya tila lumalabas sa iba
na siya ay mapangambahin at laging nag-aalala.
Juanito Pelaez
- isang mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero.
- laging inaabuso at tinatakot si Placido.
- may kapansanang pisikal subalit hindi niya naipakitang sagabal ito sa kanyang
pagkatao dahil nakakamit pa rin niya ang mga gusto.
- masugid siyang manliligaw ni Paulita Gomez na pinaburan ng kanyang tiyahing
si Donya Victorina.
Sandoval
- isang tunay na Espanyol si Sandoval na lubos na kaisa sa adhikain ng mga
estudyanteng Pilipino.
- mahilig makipagdebate ng kahit anong paksa upang siya ay mahangaan.
- nais niyang mailabas ang katotohanan sa isang usapin.
Tadeo
- siya ay mag-aaral na lubhang tamad at laging nagsasakit-sakitan tuwing
makakikita ng propesor.
- hangad niyang laging walang pasok sa paaralan upang makapaglakwatsa.
- siya ay may kahambugan; walang ambisyon sa buhay; at malaswang magsalita.
- nagdudunung-dunungan siya at nagyayabang sa mga walang-muwang na
nilalang.

Paulita Gomez
- isang masayahin at napakagandang dalagang hinahangaan ng karamihang
lalaki.
- pamangkin siya ni Donya Victorina at kasintahan ni Isagani.
- larawan siya ng dalagang laging maayos at maalaga sa sarili.
Donya Victorina de Espadaña
- larawan si Donya Victorina ng isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa
kanyang lahi.
- inaalimura, tinutuligsa, at itinatakwil ang mga Indiong kanyang kalipi.
Don Tiburcio de Espadaña
- isang espanyol na asawa ni Dony a Victorina na nagtago at nagpasiyang di na
muling pakita sa asawa dahil sa kapritso nito.
- siya ang larawan ng mga lalaking walang buto, sunod-sunuran, at takot sa
asawa.
Don Santiago delos Santos / Kapitan Tiago
- dating kaibigan ng mga prayle subalit ngayo’y masama na ang loob niya sa mga
ito.
- nawalan ng kahulugan ang kanyang buhay nang pumasok si Maria Clara sa
monasteryo.
- nalulong siya sa sabong at paghithit ng apyan.
- nawala siya sa katinuan.
- siya ang naging kasangkapan sa pagbabagong-buhay ni Basilio.
Maria Clara delos Santos
- ang tanging babaeung inibig ni Simoun sa kanyang buhay.
- isa siya sa mga dahilan ng pagbabalik ni Ibarra sa katauhan ni Simoun sa
Pilipinas.
- nais siyang kunin at itakas ni Simoun mula sa monasteryo.
Kapitan Basilio
- isang mayamang mamamayan na taga-San Diego.
- S iya ang ama ni Sinang at asawa ni Kapitana Tika.
- galante sa mga pinuno at kawani ng pamahalaan at sa mga prayle upang
maiwasan ang problema o kagipitan sa mga pabor na kanyang kakailanganin.
Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo
- nakapag-asawa ng maganda at mayamang mestisa.
- umangat ang kanyang posisyon hanggang naging opisyal na tagapayo ng
Kapitan Heneral dahil sa likas niyang talino.
- ang mga salitang masipag, mapanuri, matalino, palaisip ay ilan lamang sa
mahuhusay na bansag sa kanya dahil ito sa mabuting panulat ni Ben Zayb na
kanyang kaibigan.
- alam na alam ni Don Custodio ang kanyang tungkulin subalit kakatwa ang
kanyang mga panukala at pasiya sa mga ito.
Ben Zayb
- ang mamamahayag na malayang mag-isip at minsan ay kakatwa ang paksang
nais niyang isulat magkaroon lamang ng ilalathala.
- mababa ang pagtingin niya kay Padre Camorra.
- siya ang utak sa lumalabas na magaganda at mabubuting balita tungkol sa
Kapitan Heneral at sa iba pang matataas na opisyal upang mapalapit siya sa
mga ito.
Ginoong Pasta
- naging alila siya ng mga prayle habang nag-aaral bago siya naging pinakatanyag
na abogadong Pilipino.
- dati siyang kaklase ni Padre Florentino
- mapanuri at namimili siya ng kausap
- takot siyang mamagitan para sa kaunlaran ng mga mag-aaral at walang
malasakit sa kanilang iniisip na kabutihan
Pepay
- isang kaakit-akit na mananayaw.
- siya ay maputi at kaiba ang kulay sa karaniwang Pilipina.
- mahilig siyang humingi ng mga pabor sa kaibigang si Don Custodio na
nahihibang sa kanyang alindog.
- kaibigan din niya si Juanito Pelaez.
Hermana Bali
- isang batikang panggingera.
- siya ang nangunguna sa pagbibigay-payo sa mga may suliranin sa kanilang
baryo.
- siya ang nagpayo kay Juli na magpaalipin nang kapusin ang amang si Tales.
- siya rin ang nagbalita kay Juli tungkol sa pagkakulong ni Basilio.
Hermana Penchang
- isang masimbahing manang.
- naging panginoon ni Juli.
- mapanghusga siya sa mga taong sawimpalad-pinarurusahan daw ng Diyos ang
may mga suliranin dahil makasalanan.
- takot siya sa mga prayle kaya ayaw tumulong sa inaakala niyang kalaban ng
mga ito.
Kapitana Tika
- asawa ni Kapitan Basilio at ina ni Sinang.
- ayaw niyang mapaghalatang nagugustuhan nilang mag-ina ang magaganda at
mamahaling alahas upang hindi raw taasan ni Simoun ang presyo ng kanilang
mga ibig na alahas.
Sinang
- ang isa sa matalik na kaibigan ni Maria Clara sa Noli Me Tangere.
- siya ay nakapag-asawa na sa nobelang ito.
- mabiro at masayahin pa rin.
- siya ay anak ng mayamang si Kapitan Basilio at ni Kapitana Tika.
- mahilig siya sa antigo, mamahalin, at magagandang alahas.
Kabesang Andang
- butihing ina ni Placido Penitente.
- kahit balo na, matiyaga niyang pinag-aral ang anak.
- naghigpit siya ng sinturon para sa sarili mabigyan lamang ng edukasyon ang
anak.
- siya ay larawan ng ulirang magulang dahil sinisiguro niyang matutugunan ang
mga pangangailangan ng anak.
Quiroga
- isang mayamang mangangalakal na Intsik si Quiroga.
- halos kontrolado niya ang takbo ng kalakalan.
- iniaangkop niya ang ugali depende sa kanyang kaharap.
- isinusulong ni Quiroga ang pagkakaroon ng konsulado ng mga Intsik sa bansa.
Don Timoteo Pelaez
- siya ang ama ni Juanito Pelaez.
- larawan siya ng mapandustang mangangalakal.
- siya ang nakabili ng tahanan ni Kapitan Tiago sa murang halaga.
- naging kasosyo siya sa negosyo ni Simoun.
Mr. Leeds
- mahusay sa mahika.
- napaniwala niya ang mga manonood at nakapag-usig sa budhi ni Padre Salvi sa
kanyang palabas.
Kapitan ng Barko
- isang beteranong marinero ang kapitan ng barko.
- siya ay may malawak na karanasan sa paglalakbay sa iba't ibang panig ng
mundo noong kanyang kabataan lulan ng matutulin at malalaking barko.
Sinong
- ang kutserong dalawang ulit na nahuli ng guardiya sibil bago mag-noche buena
dahil sa wala siyang sedula at wala ring ilaw ang kanyang kalesa.
- naging kutsero siya ni Simoun sa huli at naging kasapi sa lihim niyang kilusan.
Camaroncocido
- ang tanging nilalang sa siyudad na walang pakialam sa pinagkakaguluhan ng
lahat sa siyudad na opereta mula sa Pransiya.
- dati siyang mamamahayag at anak ng kilalang pamilyang Espanyol pero sa
kadahilanang hindi nabanggit sa nobela ay namumuhay nang maralita at
namamalimos.
Tiyo Kiko
- isang matandang pandak na buhay na buhay ang mga mata.
- nabubuhay sa pagbabalita ng mga palabas at pagpapaskil ng mga anunsiyo.
- kaibigan siya ni Camaroncocido.
- isa siyang mahirap na Indio.
Maestro
- ang guro sa Tiani na naging mahusay sa paggawa ng paputok
Kalihim
- ang tagatala at tagapagpaliwanag ng mahahalagang usapin sa Kapitan Heneral
upang mapag-usapan, maipasa, o maibasura.
Mr. Jouy
- ang nagdala ng pangkat ng mang-aawit na Pranses para sa isang opera sa
Maynila.
Hukom Pamayapa
- mabalasik, magaspang ang ugali, may pagnanasang tumingin sa babae,
hiningan ng tulong ni Hermana Bali at Juli upang mapalaya si Basilio.
Kababayan ni Tadeo
- baguhan sa lungsod, mausisa, walangmuwang sa maraming bagay,
mapaniwalain, at madaling mabola at mapagyabangan ni Tadeo.
Orenda
- masipag at mayamang mag-aalahas ng Sta. Cruz.
Tinay
- dalagitang nakalaro ni Isagani ng sungka.
Chichoy
- ang nakasaksi ng mga pangyayari sa kasalan na siyang nagkuwento sa mga tao
sa tahanan ng mga Orenda.
Momoy
- matanda sa magkakapatid na Orenda
- kasintahan ni Sensia.
Sensia
- maganda, masiglang dalaga, at palabiro.
Kapitana Loleng
- masipag at matalinong kapitana
Kapitan Toringgoy
- si Domingo na walang inatupag kundi mamasyal at makipagkuwentuhan
samantalang nagtatrabaho ang kanyang pamilya.
Tia Tentay
- tiyahin ni Sensia na nagsabing demonyo si Simoun na nabili ang kaluluwa ng
mga Kastila.
Binday
- isa sa mga dalagang Orenda, tapat at kaibig-ibig
D. Eulogio Badana
- reteradong sarhento ng karabinero
Armendia
- isang marangal na piloto at masugid na Carlista
D. Eusebio Picote
- ang namamahala ng aduana
D. Bonifacio Talon
- sapatero at talabatero
Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
Filipino 10: Q4 Reviewer
ni Jenneah Icah V. Eyao

El Filibusterismo
- ikalawang obra maestra ng ating pambansyang bayani
- karugtong ng Noli Me Tangere na nauna niyang isinulat
- labing-isang taong gulang siya nang unang marinig ang salitang Filibustero na
naging batayan niya sa pagbuo ng pamagat ng kanyang nobela
Marso 1887 – matagumpay na lumabas ang unang nobela ni Rizal na Noli Me Tangere
kung saan maraming humanga sa kanyang katapangang isulat ang kasamaan at
pagmamalabis ng mga Espanyol
Agosto 1887 – bumalik si Rizal sa Pilipinas mula sa Espanya; ginamot niya ang mata
ng kanyang ina; nakausap niya si Leonor Rivera at kinamusta ang pagtanggap ng mga
Pilipino sa kanyang isinulat na nobelang Noli Me Tangere
Pebrero 1888 – sa paghihimok ni Gobernador Heneral Emilio Terrero, palihim na
umalis sa Pilipinas si Rizal at nagtungo sa iba’t ibang bansa maging sa Amerika at
Europa
Taong 1890 – sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo sa London subalit ayon
kay Maria Odulio de Guzman, binalangkas ni Rizal ang pagkatha ng El Filibusterismo
noong mga huling buwan ng 1884 at mga unang buwan ng 1885 habang isinusulat pa
lamang niya ang Noli Me Tangere kung saan patong-patong na suliranin ang kanyang
naranasan habang isinusulat ang El Filibusterismo

Mga Suliraning Naranasan ni Rizal habang Isinusulat ang El Filibusterismo:


 kinapos siya ng panustos kaya sadya siyang naghigpit ng sinturon
 naging balakid sa kanyang konsentrasyon sa pagsusulat ang kanyang love life,
pamilya, at kaibigan (nakarating sa kanyang kaalaman na ang kanyang pinaka-
iniibig na si Leonor Rivera ay ipinakasal sa ibang lalaki, inuusig din ng
pamahalaang Espanyol ang kanyang pamilya dahil sa usapin sa lupa at mga
maling paratang, samantalang ang kanyang mga kasamahan sa La Solidaridad
ay lumayo na rin sa kanya)

Marso 29, 1891 – natapos ang pagsusulat sa El Filibusterismo at nakahanap ng


murang palimbagan sa Ghent, Belgium kung saan ipinadala ni Rizal ang manuskrito sa
kaibigang si Jose Alejandrino (sa kasamaang palad, mahigit isang daang pahina pa
lang ang naiimprinta nang maipahinto ito dahil sa kakulangan sa pambayad, hindi kasi
dumating ang mga inaasahang salapi ni Rizal mula sa pamilya sa Pilipinas, pati na rin
ang mga pangakong tulong ng mga mayayamang kaibigan)
Setyembre 1891 – dumating ang mayamang kaibigan na si Valentin Ventura at siya
ang gumastos sa pagpapatuloy ng paglilimbag ng nobela (bilang pagtanaw ng utang na
loob, inialay ni Rizal ang isang panulat at ang orihinal na manuskrito ng El
Filibusterismo kasama na rin ang nilimbag at linagdaang sipi ng naturang nobela)
Taong 1925 – binili ng pamahalaan ang orihinal na kopya ng nobela kay Valentin
Ventura

Ang El Filibusterismo ay pagpupugay ni Rizal sa tatlong paring martir na binitay sa


Bagumbayan noong Pebrero 1872 na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Borguz,
at Padre Jacinto Zamora.

You might also like