You are on page 1of 4

Simoun-Isang napakayamang mag-aalahas at kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan-

Heneral. Makapangyarihan siya kaya't iginagalang at pina- ngingilagan ng mga Indio at


maging ng mga prayle. Nais niyang udyukan ang damdamin ng mga makabayang
Pilipino sa palihim at tahimik niyang paghahasik ng rebolusyon; linisin ang bayan; at
lipulin ang lahat ng masasama kahit pa siya mismo ay inuusig din ng kanyang budhi sa
paraang kanyang ginagawa.

Kapitan Heneral-Hinirang siya ng Espanya bilang pinakamataas na pinunò ng


pamahalaan. Sinasabi niyang kailangang pagbutihin ang kanyang tungkulin at gawain.
Nais niyang mag- pakita ng kasipagan at pagpapahalaga sa oras kayâ ginagawa niya ang
importanteng pagpapasiya habang naglilibang at nagmamadali. Larawan siya ng
pinunong pabigla-bigla at makapritsong humatol. Hindi niya alintana ang kapakanan ng
kanyang pinamumunuan. Salungat siya lagi sa pasiya ng Mataas na Kawani.

Mataas na Kawani-Siya ay isang Espanyol at mataas na kawani ng pamahalaan na


kagalang- galang; tumutupad sa tungkulin; may paninindigan; at may kapanagutan. Siya
ay may mabuting kalooban para sa kapakanan ng mga makabagong mag-aaral na
nagsusulong ng pagtuturo ng wikang Kastila. Lagi siyang salungat kapag hindi pinag-
isipan at di mabuti o di masusing pinag-aralan ang panukala ng mga opisyal at kawani.
Maging ang pasiya ng Kapitan Heneral ay kanyang sinasalungat at tinutuligsa kapag ito
ay hindi marapat at mabuti. Siya ay mapanuri at makatarungan.

Padre Florentino-Isang mabuti at kagalang- galang na paring Pilipino si Padre


Florentino. Pinilit lamang siya ng inang maging lingkod ng Diyos dahil sa kanyang
panata. Siya ang kumupkop sa pamangking si Isagani nang maulila ito sa magulang.

Padre Bernardo Salvi-Isang paring Pransiskano na pinakikinggan at iginagalang ng iba


pa niyang kasamahang prayle. Siya ay mapag- isip. Umibig siya nang lubos kay Maria
Clara at naging kompesor ng dalagang ito at ni Kapitan Tiago.

Padre Hernando Sibyla-Isang matikas at matalinong paring Dominiko. Siya ang Vice-
Rector ng Unibersidad ng Santo Tomas. Salungat siya sa pagpasá ng panukala upang
makapag-aral at matuto ng wikang Kastila ang mga mag-aaral.

Padre Irene-Isang paring Kanonigo minamaliit at di gaanong iginagalang ni Padre


Camorra. Siya ang nilapitan ng mga mag-aaral upang mamagitan at maipasá ang
panukalang magkaroon ng akademya sa pagtuturo ng wikang Kastila ang mga
estudyante. Naging tagaganap siya ng huling habilin ng kaibigang si Kapitan Tiago. a
Padre Fernandez-Isang paring Dominiko na bukas ang isip sa pagbabago lalo na sa
edukasyon ng mga mag-aaral. Sang-ayon siya sa adhikain ng mga makabagong mag-aaral
sa pag-aaral ng wikang Kastila. Hindi siya nalulugod sa tiwaling gawain ng mga pinunò
at kawani ng pamahalaan at ng mga kapwa niya prayle.
Padre Camorra-Isang Pransiskano na mahilig makipag-tungayaw kay Ben Zayb sa
kung ano-anong bagay na maibigan. Siya ang kura ng Tiani. Wala siyang galang sa
kababaihan lalo na sa magagandang dilag.

Padre Millon-Isang paring Dominiko propesor sa Pisika at Kemika. Mabuti siyang


pilosopo at bantog siya sa husay sa pakikipagtalo subalit hindi niya lubusang maiparanas
maituro nang mahusay ang aralin sa mga mag- aaral. Makikita sa kanya ang maling
sistema ng edukasyon sa bansa.

Telesforo Juan de Dios-Kilala rin bilang si Kabesang Tales, ang napakasipag na


magsasaka na dating kasamá sa mayayamang may lupain. Umunlad siya dahil mahusay
niyang ginamit ang kinitang pera. Pinili siyang maging Kabesa de Barangay ng kanyang
mga kanayon dahil sa kanyang kasipagan at pagiging mabuting tao.

Juliana o Juli-Ang pinakamagandang dalaga sa Tiani na anak ni Kabesang Tales.


Larawan siya ng Pilipinang madasalin, matiisin, masunurin, at madiskarte sa buhay para
makatulong sa pamilya. Tunay siyang mapagmahal sa pamilya. Tapat sa katipang si
Basilio.

Tata Selo-ang kumalinga sa batang si Basilio sa gubat nang tumakas siya mula sa mga
guwardiya sibil sa Noli Me Tangere. Siya ang maunawaing tatay ni Kabesang Tales.
Mapagmahal na lolo siya nina Juli at Tano. Tiniis niya ang matinding kasawian at pighati
ng mga mahal niya sa buhay

Tano/Carolino-Anak ni Kabesang Tales na tahimik at kusang-loob na sumunod sa


kagustuhan ng amang siya'y magsundalo. Nawala nang matagal na panahon.

Basilio-Nalampasan niya ang mga hilahil ng buhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan
Tiago. Nagpunyagi siya sa pag-aaral. Nilunok niya ang pangmamaliit sa kanya ng kapwa
mag-aaral at ng mga guro dahil sa kanyang anyo at kalagayan sa buhay. Nagtagumpay
siya at nakapanggamot agad kahit hindi pa natatanggap ang diploma ng pagtatapos.
Isagani-Isang malalim na makata. Mahusay siyang makipagtalo. Matapang siya sa
pagpa- pahayag ng kanyang pinaniniwalaan kaninuman. Matuwid siya at ayaw sa likong
paraan sa pagkakamit ng adhikain. Pamangkin siya ng butihing si Padre Florentino.

Makaraig-Isang mag-aaral sa abogasya na nangunguna sa panawagang pagbubukas ng


akademya sa pagtuturo ng Kastila. Siya ay masipag mag-aral, mahusay makipagtalo,
mapitagan, nakalulugod na mag-aaral, at palabasá ng iba't ibang aklat kaya't nangunguna
sa pagbabago. Siya ay napakayaman at bukás-palad sa kapwa.
Placido Penitente-Mahinahon at mapagtimpi
ang kahulugan ng kanyang pangalan na pilit kahit ра lubhang niyang pinaninindigan
kinaiinisan din niya ang pangalang ito. Kapag siya ay napunô, parang bulkan siyang
sumasabog at walang kinatatakutan.

Pecson-Mapanuring mag-aaral si Pecson. Masigasig siyang makipagtalo upang mailabas


ang matalinong kaisipan at kasagutan sa iba't ibang usapin. Hindi siya agad naniniwala sa
mga bali- balita lámang kayâ tila lumalabas sa iba na siya ay mapangambahin at laging
nag-aalala.
Juanito Pelaez-Isang mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero. Laging inaabuso at
tinatakot si Placido. May kapansanang pisikal subalit hindi niya naipakitang sagabal ito
sa kanyang pagkatao dahil nakakamit pa rin niya ang kanyang mga gusto. Masugid
siyang manliligaw ni Paulita Gomez na pinaburan ng tiyahin niyang si Donya Victorina.

Sandoval-Isang tunay na Espanyol si Sandoval na lubos na kaisa sa adhikain ng mga


estudyanteng Pilipino. Mahilig makipagdebate ng kahit anong paksa upang siya ay
mahangaan. Nais niyang mailabas ang katotohanan sa isang usapin.
Tadeo-Siya ay mag-aaral na lubhang tamad at laging nagsasakit-sakitan tuwing
makakikita ng propesor. Hangad niyang laging walang pasok sa paaralan upang
makapaglakwatsa. Siya ay may kahambugan; walang ambisyon sa buhay; at malaswang
magsalita. Nagdudunong-dunungan siya at nagyayabang sa mga walang-muwang na
nilalang.
Paulita Gomez-Isang masayahin at napaka- gandang dalagang hinahangaan ng
karamihan sa mga lalaki. Pamangkin siya ni Donya Victorina at kasintahan ni Isagani.
Larawan siya ng dalagang laging maayos at maalaga sa sarili.
Donya Victorina de Espadaña-Larawan si Donya Victorina ng isang Pilipinang walang
pagpapahalaga sa kanyang lahi. Inaalimura, tinutuligsa, at itinatakwil ang mga Indiong
kanyang kalipi.

Don Tiburcio de Espandaña-Isang Espanyol na asawa ni Donya Victorina na nagtago at


nagpasiyang di na muling pakita sa asawa dahil sa kapritso nito. Siya ang larawan ng mga
lalaking walang buto, sunod-sunuran, at takot sa asawa.
Don Santiago "Kapitan Tiago" delos Santos- Dating kaibigan ng mga prayle subalit
sumámâ ang loob sa mga ito. Nawalan ng kahulugan ang kanyang buhay nang pumasok
si Maria Clara sa monasteryo. Nalulong siya sa sabong at paghithit ng apyan (opium).
Nawala siya sa katinuan. Siya ang naging kasangkapan sa pagbabagong-buhay ni Basilio.
Maria Clara delos Santos-Ang tanging babaeng inibig ni Ibarra sa kanyang buhay. Isa
siya sa mga dahilan ng pagbabalik ni Ibarra sa katauhan ni Simoun sa Pilipinas. Nais
siyang itakas ni Simoun mula sa monasteryo.
Kapitan Basilio-Isang mayamang-mamamayan na taga-San Diego. Siya ang ama ni
Sinang at asawa ni Kapitana Tika. Galante sa mga pinunò at kawani ng pamahalaan at sa
mga prayle upang maiwasan ang problema o kagipitan sa mga pabor na kanyang
kakailanganin.
Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo-Nakapag-asawa ng maganda at
mayamang mestisa. Umangat ang kanyang posisyon hanggang naging opisyal na
tagapayo ng Kapitan Heneral dahil sa likás niyang talino. Ang mga salitang masipag,
mapanuri, matalino, palaisip ay ilan lámang sa mahuhusay na bansag sa kanya dahil ito sa
mabuting panulat ni Ben Zayb.
Ben Zayb-Ang mamamahayag na malayang mag-isip, at minsan ay kakatwa ang
paksang nais niyang isulat magkaroon lámang ng ilalathala. Mababa ang pagtingin niya
kay Padre Camorra. Siya ang utak sa lumalabas na magaganda at mabubuting balita
tungkol sa Kapitan Heneral at sa iba pang matataas na opisyal upang mapalapit siya sa
mga ito.
Ginoong Pasta-Naging alila siya ng mga prayle habang nag-aaral bago siya naging
pinakatanyag na abogadong Pilipino. Dati siyang kaklase ni Padre Florentino. Mapanuri
at namimili siya ng kausap.Takót siyang mamagitan para sa kaunlaran ng mga mag-aaral
at tila walang malasakit sa kanilang iniisip na kabutihan. ≫
Pepay-Isang kaakit-akit na mananayaw. Siya ay maputi at kaiba ang kulay sa
karaniwang Pilipina. Mahilig siyang humingi ng mga pabor kay Don Custodio na
nahihibang sa kanyang alindog. Kaibigan din niya si Juanito Pelaez.
Hermana Bali-Isang batikang pangginggera. Siya ang nangunguna sa pagbibigay-payo
sa mga may suliranin sa kanilang baryo. Siya ang nagpayo kay Juli na magpaalipin nang
kapusin sa pananalapi ang amang si Tales. Siya rin ang nagbalita kay Juli tungkol sa
pagkakulong ni Basilio.
Hermana Penchang-Isang masimbahing manang. Naging amo ni Juli. Mapanghusga
siya sa mga taong sawimpalad-pinarurusahan daw ng Diyos ang may mga suliranin dahil
makasalanan. Takót siya sa mga prayle kaya ayaw tumulong sa inaakala niyang kalaban
ng mga ito.
Kapitana Tika-Asawa ni Kapitan Basilio at ina ni Sinang. Ayaw niyang magpahalatang
nagugustuhan nilang mag-ina ang magaganda at mamahaling alahas upang hindi raw
taasan ni Simoun ang presyo ng kanilang mga ibig na alahas.
Sinang-Ang isa sa matalik na kaibigan ni Maria Clara sa Noli Me Tangere. Siya ay
nakapag-asawa na sa nobelang ito. Mabiro at masayahin pa rin. Siya ay anak ng
mayamang si Kapitan Basilio at ni Kapitana Tika. Mahilig siya sa antigo, mamahalin, at
magagandang alahas.
Kabesang Andang-Butihing ina ni Placido Penitente. Kahit balo na, matiyaga niyang
pinag- aral ang anak. Naghigpit siya ng sinturon para sa sarili mabigyan lámang ng
edukasyon ang anak. Siya ay larawan ng ulirang magulang dahil sinisiguro niyang
matutugunan ang pangangailangan ng anak.
Quiroga-Isang mayamang mangangalakal na Intsik si Quiroga. Halos kontrolado niya
ang takbo ng kalakalan. Iniaangkop niya ang ugali depende sa kanyang kaharap.
Isinusulong ni Quiroga ang pagkakaroon ng konsulado ng mga Intsik sa bansa.
Don Timoteo Pelaez-Siya ang ama ni Juanito Pelaez. Larawan siya ng mapandustang
mangangalakal. Siya ang nakabili ng tahanan ni Kapitan Tiago sa murang halaga. Naging
kasosyo siya sa negosyo ni Simoun.
Mr. Leeds-Mahusay sa mahika. Napaniwala niya ang mga manonood at nakapag-usig sa
budhi ni Padre Salvi sa kanyang palabas.
Kapitan ng Barko-Isang beteranong marinero ang kapitan ng barko. Siya ay may
malawak na karanasan sa paglalakbay sa iba't ibang panig ng mundo lulan ng matutulin at
malalaking barko noong kabataan.
Sinong-Ang kutserong dalawang ulit na nahúli ng guardiya sibil bago mag-noche buena
dahil sa wala siyang sedula at wala ring ilaw ang kanyang kalesa. Naging kutsero siya ni
Simoun sa hulí at naging kasapi sa lihim niyang kilusan. Camaroncocido-Ang tanging
nilalang sa siyudad na walang pakialam sa pinagkakaguluhan ng lahat sa siyudad na
opereta mula sa Pransiya. Dati siyang mamamahayag at anak ng kilalang pamilyang
Espanyol pero sa kadahilanang hindi nabanggit sa nobela ay namumuhay nang maralita at
namamalimos.
Tiyo Kiko-Isang matandang pandak na buhay na buhay ang mga mata. Nabubuhay sa
pagbabalita ng mga palabas at pagpapaskil ng mga anunsiyo. Kaibigan siya ni
Camaroncocido. Isa siyang mahirap na Indio.

You might also like