You are on page 1of 5

MGA TAUHAN NG EL FILIBUSTERISMO

1. Simoun
-dating Crisostomo Ibarra na nagpapanggap na isang mag-aalahas na mayaman
-unang tagapayo ng Kapitan Heneral at kapanalig ng mga mayayaman at ng mga taong kabilang sa
pamahalaan
-kilala sa pagsusuot ng salaming de-kulay at nagtataglay ng makapal na balbas upang itago ang kanyang
tunay na katauhan

2. Kapitan Heneral
-hinirang ng Espanya bilang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan
- nais niyang magpakita ng kasipagan at pagpapahalaga sa oras kaya ginagawa niya ang importanteng
pagpapasya habang naglilibang at nagmamadali
- larawan ng pinunong pabigla-bigla at makapritsong humatol
- hindi alintana ang kapakanan ng kanyang pinamumunuan at salungat siya lagi sa pasiya ng Mataas na
Kawani

3. Mataas na Kawani
- isang Espanyol at mataas na kawani ng pamahalaan na kagalang-galang; tumutupad sa tungkulin; may
paninindigan; at may kapanagutan
- lagi siyang salungat kapag hindi pinag-isipan at di mabuti o di pinag-aralang masusi ang panukala ng
mga opisyal at kawani
- maging ang pasiya ng Kapitan Heneral ay sinasalungat niya at tinutuligsa
- mapanuri at makatarungan

4. Padre Florentino
- isang mabuti at kagalang-galang na paring Pilipino
- pinilit lamang ng inang maging lingkod ng Diyos dahil sa kaniyang panata
- siya ang kumupkop sa pamangking si Isagani nang maulila ito sa magulang
- isa sa mga taong tinanggihan ng mangangalakal ng alahas nang humingi siya ng tulong ngunit sa
dakong huli ay binigyan pa rin siya ng tulong

5. Padre Bernardo Salvi


- isang paring Pransiskano na pinakikinggan at iginagalang ng iba pa niyang kasamahang prayle
- siya ay mapag-isip
- umiibig nang lubos kay Maria Clara at kompesor ng dalaga sa beateryo ng Santa Clara

6. Padre Hernando Sibyla


- isang matikas at matalinong Dominiko
- Vice-Rector ng Unibersidad ng Santo Tomas
- salungat sa pagpasa ng panukala upang makapag-aral at matuto ng wikang Kastila ang mga mag-aaral
(estudyanteng Indiyo)

7. Padre Irene
- isang paring kanonigo na kilala sa kanyang ahit at mamula-mulang mukha
- panig sa pagkakaroon ng paaralang magtuturo ng wikang Espanyol sa mamamayang katutubo
- naging tagaganap ng huling habilin bilang siya ang kaibigan at kompesor ni Kapitan Tiyago

8. Padre Fernandez
- isang paring Dominiko na bukas ang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon ng mga mag-aaral
- sang-ayon sa adhikain ng mga makabagong mag-aaral sa pag-aaral ng wikang Kastila
- hindi nalulugod sa tiwaling gawain ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan at ng mga kapwa niya
prayle

9. Padre Camorra
- isang batang paring Pransiskano na mahilig makipag-tungayaw kay Ben Zayb sa kung ano-anong bagay
na maibigan
- kura ng Tiani
- walang galang sa mga kababaihan lalo na sa magagandang dilag

10. Padre Millon


- isang paring Dominiko na propesor sa Pisika at Kemika
- mabuti siyang pilosopo at bantog sa husay sa pakikipagtalo subalit hindi lubusang maiparanas o
maituro nang mahusay ang aralin sa mga mag-aaral
- makikita sa kanya ang maling sistema ng edukasyon sa bansa

11. Telesforo Juan de Dios


- kilala rin bilang Kabesang Tales
- anak ni Tandang Selo na dating napakasipag na magsasaka na kasama sa mamamayang may lupain
- piniling maging Kabesa ng Baranggay ng mga kanayon dahil sa kasipagan at pagiging mabuting tao
- ama nina Tano at Juli
- nagkaroon ng suliranin dahil sa panggigipit ng mga pinuno at sa dakong huli ay nagpasiyang sumama sa
mga tulisan

12. Juliana o Juli


- ang pinakamagandang dalaga sa Tiana na anak ni Kabesang Tales
- larawan ng Pilipinang madasalin, matiisin, masunurin, at madiskarte sa buhay para makatulong sa
pamilya
- kababata at babaeng minamahal ni Basilio
- nagsilbi bilang katulong ni Hermana Penchang

13. Tata Selo


- kumalinga sa batang si Basilio sa gubat nang tumakas siya mula sa mga guwardiya sibil sa Noli Me
Tangere
- ang maunawaing tatay ni Kabesang Tales at mapagmahal na Lolo nina Tano at Juli
- tiniis niya ang matinding kasawian at pighati ng mga mahal niya sa buhay
- ang mga suliraning ito ay naging sanhi ng isang kasawiang dumapo sa kanyang buhay

14. Tano/ Carolino


- anak ni Kabesang Tales na tahimik at kusang-loob na sumunod sa kagustuhan ng amang siya ay
magsundalo
- nawala nang matagal na panahon
- nakasagupa sila ng isang pangkat ng mga rebelde habang naglalakad kasama ang mga bilanggo at mga
kasamahan niya

15. Basilio
- anak ni Sisa na inampon ni Kapitan Tiyago at pinag-aral ng medisina; nagpunyagi sa pag-aaral
- nagtagumpay siya at nakapanggamot agad kahit hindi pa natatanggap ang diploma ng pagtatapos
- marami ang nakakaalam na kasintahan niya ang kababatang si Juli
- minsan ay hinikayat ni Simoun na sumama sa isasagawa niyang balak

16. Isagani
- kilala bilang isang makata at estudyante sa Ateneo Municipal
- mahusay makipagtalo at matapang sa pagpapahayag ng kanyang pinaniniwalaan kaninuman
- matuwid at ayaw sa likong paraan sa pagkakamit ng adhikain
- pamangkin ni Padre Florentino
- kasintahan ni Paulita Gomez

17. Makaraig/Macaraig
- isang mag-aaral sa abogasya na nangunguna sa panawagang pagbubukas ng akademya sa pagtuturo ng
Kastila
- naging masigasig sa pakikipaglaban upang maitatag ang isang paaralan para sa pag-aaral ng wikang
Kastila
- masipag mag-aral, mahusay makipagtalo, mapitagan, nakalulugod na mag-aaral, at palabasa kaya
nangunguna sa pagbabago
- napakayaman at bukas-palad sa kapwa

18. Placido Penitente (mahinahon at mapagtimpi)


- estudyanteng mula sa Batangas na kilala sa galing sa pakikipagdebate at pagsasalita sa wikang Latin
- pilit pinaninindigan kahit lubhang kinaiinisan din niya ang kahulugan ng kaniyang pangalan
- kapag siya ay napuno, parang bulkan siyang sumabog at walang kinatatakutan

19. Pecson
- isang mapanuring mag-aaral
- masigasig makipagtalo upang mailabas ang matalinong kaisipan at kasagutan sa iba't-ibang usapin
- hindi agad naniniwala sa mga bali-balita lamang kaya tila lumabas sa iba na siya ay mapangambahin at
laging nag-aalala
20. Juanito Pelaez
- isang mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero
- laging inaabuso at tinatakot si Placido
- may kapansanang pisikal subalit hindi niya maipakitang sagabal ito sa kanyang pagkatao dahil
nakakamit pa rin niya ang mga gusto
- masugid na manliligaw ni Paulita Gomez na pinaburan ng kanyang tiyahing si Donya Victorina

21. Sandoval
- isang tunay na Espanyol na lubos na kaisa sa adhikain ng mga estudyanteng Pilipino
- kasama sa nagpasimula ng samahang nagbabalak na magtayo ng paaralang magtuturo ng wikang
Kastila sa mga katutubong estudyante
- mahilig makipagdebate ng kahit anong paksa upang siya ay mahangaan
- nais mailabas ang katotohanan sa isang usapin

22. Tadeo
- mag-aaral na lubhang tamad at laging nagsasakit-sakitan tuwing makakakita ng propesor
- hangad laging walang pasok sa paaralan upang makapaglakwatsa
- may kahambugan, walang ambisyon sa buhay, at malaswang magsalita
- nagdudunug-dunugan at nagyayabang sa mga walang-muwang na nilalang

23. Paulita Gomez


- isang masayahin at napakagandang dalagang hinahangaan ng karamihang lalaki
- pamangkin ni Donya Victorina at kasintahan ni Isagani na dahil sa pag-aalala sa maaaring maging buhay
niya sa mga darating na panahon ay napilitang magpakasal sa isang mayamang binata na si Juanito
Pelaez
- larawan ng dalagang laging maayos at maalaga sa sarili

24. Donya Victorina de Espadaña


- isang babaeng Indiyo na nakapag-asawa ng pilay at bungal na Espanyol
- itinuturing niya ang kanyang sarili na may lahing Espanyol
- larawan ng isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi at itinatakwil ang mga Indiyong
kaniyang kalipi

25. Don Tiburcio de Espadaña


- isang Espanyol na asawa ni Donya Victorina na nagtago at nagpasiyang di na muling magpakita sa
asawa dahil sa kapritso nito
- larawan ng mga lalaking walang buto, sunod-sunuran, at takot sa asawa

26. Don Santiago delos Santos (Kapitan Tiyago)


- ama ni Maria Clara na pumasok sa beateryo ng Santa Clara
- pinag-aral si Basilio ng medisina
- dating kaibigan ng mga prayle pero ngayon ay masama na ang loob sa mga ito
- nalulong sa sabong at paghithit ng apyan kaya't nawala sa katinuan
- naging kasangkapan sa pagbabagong-buhay ni Basilio

27. Maria Clara delos Santos


- ang tanging babaeng inibig ni Simoun sa kaniyang buhay
- isa sa mga dahilan ng pagbabalik ni Ibarra sa katauhan ni Simoun sa Pilipinas
- nais kunin at itakas ni Simoun mula sa monasteryo

28. Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo


- nakapag-asawa ng maganda at mayamang mestiza
- umangat ang posisyon hanggang naging opisyal na tagapayo ng Kapitan Heneral dahil sa likas niyang
talino
- ang mga salitang MASIPAG, MAPANURI, MATALINO, at PALAISIP, ay ilan lamang sa mga bansag sa
kanya dahil sa mabuting panulat ni Ben Zayb
- itinuturing ang kanyang sarili bilang ama ng mga Indiyo

29. Ben Zayb


- kilalang peryodista sa isang pahayagan na madalas hingian ng payo at opinyon ng ilang pinuno ng
pamahalaan
- mamamahayag na malayang mag-isip at minsan ay kakatawa ang paksang nais niyang isulat magkaroon
lamang ng ilalathala
- utak sa likod ng magagandang balitang lumalabas tungkol kay Kapitan Heneral at sa iba pang opisyal na
malapit sa kanya

30. Ginoong Pasta


- kinikilalang tagapayo ng mga prayle sa mga suliranin tungkol sa batas
- naging alila ng mga prayle habang nag-aaral bago naging pinakatanyag na abogadong Pilipino
- dating kaklase ni Padre Florentino
- mapanuri at namimili ng kausap

31. Pepay
- kaakit-akit na mananayaw
- maputi at kaiba ang kulay sa karaniwang Pilipina
- mahilig humingi ng pabor sa kaibigan si Don Custodio na nahihibang sa kanyang alindog
- kaibigan ni Juanito Pelaez

32. Hermana Bali


- batikang panggingera (mahilig sa sugal)
- nangunguna sa pagbibigay-payo sa mga may suliranin sa kanilang baryo
- siya ang nagpayo kay Juli na magpaalipin nang kapusin ang amang si Tales
- siya ang nagbalita kay Juli tungkol sa pagkakakulong ni Basilio

33. Hermana Penchang


- isang masimbahing manang
- naging panginoon ni Juli
- mapanghusga sa mga taong sawimpalad (pinarusahan daw ng Diyos ang mga may suliranin dahil
makasalanan)
- takot sa mga prayle kaya ayaw tumulong sa inaakala niyang kalaban ng mga ito

34. Kapitana Tika


- asawa ni Kapitan Basilio at ina ni Sinang
- ayaw magpahalatang nagugustuhan nilang mag-ina ang magaganda at mamahaling alahas upang hindi
taasan ni Simoun ang presyo ng kanilang mga ibig na alahas.

35. Sinang
- isa sa matalik na kaibigan ni Maria Clara sa Noli Me Tangere
- nakapag-asawa na sa El Fili; mabiro at masayahin pa rin
- anak ng mayamang si Kapitan Basilio at ni Kapitana Tika
- mahilig sa antigo, mamahalin, at magagandang alahas

36. Kabesang Andeng


- butihing ina ni Placido Penitente
- kahit balo na, matiyaga niyang pinag-aral ang anak
- naghigpit ng sinturon para sa sarili mabigyan lamang ng edukasyon ang anak
- larawan ng ulirang magulang dahil sinisiguro niyang matutugunan ang mga pangangailangan ng anak

37. Quiroga
- isang mayamang mangangalakal na intsik na nagnanais na magtayo ng konsulado ng bansang Tsina sa
Pilipinas
- halos kontrolado ang takbo ng kalakalan
- iniaangkop niya ang ugali depende sa kanyang kaharap

38. Don Timoteo Pelaez


- ama ni Juanito Pelaez
- larawan ng mapandustang mangangalakal
- nakabili ng tahanan ni Kapitan Tiyago sa murang halaga
- naging kasosyo sa Negosyo ni Simoun

39. Mr. Leeds


- misteryosong Amerikano na nagtatanghal sa perya sa Quiapo
- mahusay sa musika
- napaniwala ang mga manonood at nakapag-usig sa budhi ni Padre Salvi sa kanyang palabas

40. Sinong
- kutserong dalawang beses na nahuli sa guwardiya sabil bago mag-Noche Buena dahil sa wala siyang
sedula at wala ring ilaw ang kanyang kalesa
- ang pambubugbog ng guwardiya sibil ang pamaskong natanggap niya
- naging kutsero ni Simoun sa huli at naging kasapi sa lihim niyang kilusan

41. Tiyo Kiko


- matandang pandak na buhay na buhay ang mga mata
- nabubuhay sa pagbabalita ng mga palabas at pagpapaskil ng mga anunsiyo
- kaibigan ni Camaroncocido
- isang mahirap na Indiyo

42. Camaroncocido
- tanging nilalang sa siyudad na walang pakialam sa pinagkakaguluhan ng lahat sa siyudad na operatta
mula sa Pransiya
- dating mamamahayag at anak ng kilalang pamilyang Espanyol pero sa kadahilanang hindi binanggit sa
nobela ay namumuhay nang maralita at namamalimos

43. Kapitan ng Barko


- isang beteranong mariner
- may malawak na karanasan sa paglalakbay sa iba’t-ibang panig ng mundo noong kanyang kabataan
lulan ng matutulin at malalaking barko

You might also like