You are on page 1of 4

Simoun- .

● Si Crisostomo Ibarra ng Noli Me Tangere nagkukunwaring mayamang mag-aalahas.


● Nakasalaming may kulay upang hindi makilala ng mga nais niyang paghigantihan.
● Naging kaibigan at tagapayo rin siya ng Kapitan Heneral.

Basilio- 
● Si Basilio ay estudyante ng medisina;
● Kasintahan niya si Juli;
● Kalaunan ay naging kakampi niya si Simoun

Juli-
● Si Juli ay anak ni Kabesang Tales;
● Apo ni Tandang Selo;
● Katipan siya ni Basilio;
● Hinalay ni Padre Camora na matagal nang may pagnanasa sa kanya.

Kabesang Tales- 
● Si Kabesang Tales ay ama nina Juli at Carolino;
● Siya ay isang magsasaka na naging tulisan na naghimagsik na tinugis noon ng
pamahalaan.
● Naghangad ng Karapatan sa lupang sinasaka na inaangkin ng mga pari.

Tandang Selo- 
● Si Tandang Selo ay ama ni Kabesang Tales;
● Nabaril ng kanyang sariling apo.

Carolino- 
● Si Carolino ay anak ni Kabesang Tales at kapatid ni Juli;
● Isa siyang guwardiya sibil;
● Nakapatay sa kanyang lolo na si Tandang Selo.

Isagani- 
● Si Isagani ay estudyanteng makata;
● Pamangkin ni Padre Florentino;
● Kasintahan niya si Paulita;
● Isa rin siya sa mga mag-aaral na sumusuporta sa hangarin na magkaroon ng
eskwelahan para sa wikang Kastila ang Pilipinas.
Paulita Gomez- 
● Si Paulita Gomez ay kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.

Juanito Pelaez- 
● estudyanteng kabilang sa kilalang angkang may dugong kastila;
● Mag-aaral na may kayabangan ngunit kinagigiliwan ng mga propesor;
● Nakatuluyan ni Paulita Gomez sa bandang huli.

Placido Penitente-
● Si Placido Penitente ay probinsiyanong estudyante na nag-aaral sa Maynila;
● Ang mag-aaral na nawalan ng ganang magtapos ng pag-aaral dahil sa mga suliraning
pampaaralan.

Don Custodio- "Buena Tinta"


● Ang tagapagpasya sa usaping Akademya ng Wikang Kastila.

Ben Zayb- 
● isang manunulat sa pahayagan ngunit hindi totoo sa kanyang mga salita;
● Ginagawan niya ng sariling bersyon ang mga pangyayari o balita;
● Laging iniisip ang pansariling kagustuhan at hindi ng katotohanan.

Padre Camora-
● Si Padre Camora ang mukhang artilyerong Kura ng Tiyani;
● Ang paring gumahasa kay Juli;
● Nagkaroon siya ng sugat sa kamay at bukol sa ulo dahil sa panloloob sa
bahay-liwaliwan.

Padre Fernandez- 
● Si Padre Fernandez ay isang Dominikanong propesor;
● Isang paring may malayang paninindigan.

Padre Salvi- 
● Si Padre Salvi ay isang Pransiskanong dating kura ng San Diego;
● may pagtingin kay Maria Clara

Padre Sibyla- 
● Si Padre Sibyla ay Dominikanong vice- rector ng Unibersidad ng Santo Tomas

Padre Florentino- 
● Si Padre Florentino ang amain ni Isagani;
● Pinagtapatan ni Simoun ng tunay niyang katauhan bago siya malagutan ng hininga

Macaraig- 
● Si Macaraig ay mayamang estudyanteng
● sumusuporta sa pagtatag ng Akademya ng Kastila
● nawawala sa oras ng kagipitan

Sandoval- 
● Si Sandoval ay estudyanteng Kastila na kapanalig ng mga mag- aaral sa usapin ng
Akademya ng Wikang Kastila.

Pecson- 
● Si Pecson ay kabilang sa mga estudyanteng nagsusulong para sa akademya ng Wikang
Kastila;
● Isa sa mga mag-aaral na nagtalumpati sa panciteria Macanista de Buen Gusto kung
saan ay kanyang tinuligsa ang mga pari.

Tadeo- 
● Si Tadeo ay kabilang sa mga estudyanteng nagsusulong para sa Akademya ng wikang
Kastila
● Isang estudyanteng tamad
● mag-aral at nagdadahilang may sakit ngunit nakakapasa pa rin sa klase.

Ginoong Pasta-
● Tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.

Ginoong Leeds-
● Si Ginoong Leeds ay ang misteryosong Amerikano na nagtatanghal sa perya

Donya Victorina- 
● Si Donya Victorina ay Pilipinang nagpapanggap na Europea;
● Tiyahin siya ni Paulita Gomez.

Quiroga- 
● Si Quiroga ay isang negosyanteng Tsino;
● Nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas;
● Sa kanyang tindahan pansamantalang ipinatago ni Simoun ang mga sandata at pulbura
na gagamitin sa himagsikan

Mataas na Kawani-
● kapanalig ng mga Indio
Kapitan Basilio- 
● isa sa mga Kapitan ng San Diego

Kabesang Andang- 
● ina ni Placido na taga-Batangas.

Hermana Bali- 
● Si Hermana Bali ang nanghimok kay Juli upang manghingi ng tulong kay Padre Camora
na mapalaya ang kasintahan ni Basilio

Hermana Penchang-
● Si Hermana Penchag ang mayaman at madasaling amo o pinaglingkuran ni Juli noong
mga panahong kailangan niya ng pandagdag na salapi para may ipantubos sa ama na
binihag ng mga tulisan

You might also like