You are on page 1of 1

MGA TAUHAN

BASILIO- ang mag-aaral ng medisina at naging utusan kay Kapitan Tiyago. Kasintahan ni Huli.
SIMOUN- ang taong di kilala ni Basilio na tumulong sa kanya labintatlong taon na ang nakalipas.
KAPITAN TIYAGO- tinanggap niya si Basilio bilang isang utusan, tinulungan niya si Basilio upang
makapag-aral.
HULI- kasintahan ni Basilio.

 Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan
Heneral ngunit siya ay si Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
 Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.
 Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.
 Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng
mga prayle.
 Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
 Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
 Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.
 Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.

 Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.


 Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
 Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
 Padre Florentino - ang amain ni Isagani
 Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta
 Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
 Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may
dugong Kastila
 Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya
ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
 Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
 Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
 Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.

 Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.


 Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
 Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
 Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.
 Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.
 Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
 Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio.
 Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na
anyo.
 Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni Camaroncocido.
 Gertrude - mang-aawit sa palabas.
 Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.
 Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.

You might also like