You are on page 1of 4

MGA TAUHAN AT TAGPUAN SA

EL FILIBUSTERISMO
Mga Tagpuan:
• Bapor Tabo - naglalakbay sa Ilog Pasig papuntang Laguna. Hugis tabo ito at
malaki na nahahati sa dalawang lebel ang itaas at ibaba ng kubyerta.
• Ibabaw ng Kubyerta - nakapuwesto o makikita ang matataas/mayayamang tao.
• Ilalim ng Kubyerta - nakapuwesto ang mahihirap o nasa mababang antas ng
lipunan.
• Simenteryo- dito inaakala ni Simoun nakalibing ang kaniyang ama
• San Diego- kung saan ipinatayo ni Simoun ang paaralang pinapangarap ng
kaniyang ama
• Bahay ni Macaraig- lugar kung saan nagtitipon-tipon ang mga mag-aaral
• Bahay ni Hermana Penchang- kung saan nanilbihan si Huli
• Gubat ng mga Ibarra - nagbigti ang ninuno ni Ibarra sa puno ng balete
• Illalim ng puno ng balete - nakalibing sina Sisa at ang lalaking ketongin. Dito rin
nahukay ni Simoun ang alahas.
• Laguna - lugar kung saan patungo ang bapor tabo
• Lupa ni Tales - kinamkam/kinuha ng mga prayle

Mga Tauhan
▪ Simoun
▪ Ang mag-aalahas na mayaman. Ang tagapayo ng Kapitan Heneral. Ang
tunay niyang katauhan ay si Crisostomo Ibarra na bumalik upang
maghiganti.
▪ Isagani
▪ Ang kasintahan ni Paulita at pamangkin ni Padre Florentino.
▪ Basilio
▪ Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli. Siya rin ang anak ni
Sisa.
▪ Kabesang Tales
▪ Naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na
inaangkin ng mga prayle.
▪ Tandang Selo
▪ Ang ama ni Kabesang Tales na binaril ng kanyang apo
▪ Senyor Pasta
▪ Tagapayo ng mga prayle sa suliraning legal
▪ Ben Zayb
▪ Mamamahayag sa pahayagan na si Ibañez

▪ Placido Penitente
▪ ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning
pampaaralan.
▪ Padre Camorra
▪ Ang paring mukhang artilyero
▪ Padre Fernandez
▪ Paring Dominikong may paninindigang malaya
▪ Padre Salvi
▪ Paring Fransiskanong dating kura ng San Diego
▪ Padre Florentino
▪ Amain ni Isagani
▪ Don Custodio
▪ kilala sa tawag na Buena Trinta
▪ Padre Irene
▪ Kaanib ng mga kabataan sa pagtatag ng Akademya ng Wikang Kastila
▪ Juanito Pelaez
▪ ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang
angkang may dugóng Kastila
▪ Makaraig
▪ Mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag
ng Akademya ng Wikang Kastila
▪ Sandoval
▪ Kawaning Kastila na sang-ayon sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
▪ Donya Victorina
▪ Napagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina at tiyahin ni
Paulita
▪ Paulita Gomez
▪ Ang kasintahan ni Isagani na ipapakasal kay Juanito Pelaez
▪ Quiroga
▪ Mangangalakan na Intsik na nagnanais na magkaroon ng konsulado sa
Pilipinas
▪ Juli
▪ Anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio
▪ Hermana Bali
▪ naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
▪ Hermana Penchang
▪ Mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli
▪ Ginoong Leeds
▪ Ang Amerikanong nagtatanghal sa perya
▪ Imuthis
▪ Ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
▪ Pepay
▪ Ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibígan daw ni Don Custodio.
▪ Camaroncocido
▪ Isang Espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang
panlabas na anyo.
▪ Tiyo Kiko
▪ Matalik na kaibígan ni Camaroncocido.
▪ Gertrude
▪ Mang-aawit sa palabas.
▪ Paciano Gomez
▪ Kapatid ni Paulita.
▪ Don Tiburcio
▪ Asawa ni Donya Victorina.

https://philnews.ph/2019/12/17/mga-tauhan-ng-el-filibusterismo-na-isinulat-ni-
joserizal/

You might also like