You are on page 1of 6

Kabanata 15

Si G. Pasta

Dumating si Isagani sa tahanan ni G. Pasta, isang mahu-say na manananggol sa Manila at


tanungan ng mga prayle. Naghintay siya ng ilang sandali sapagka't maraming kliyente ang abugado. Nang
dumating ang kanyang taning ay pumasok ang binata sa tanggapan. Isang ubo ang ibinati sa kanya ng
manananggol. Palihim siyang sinulyapan na tila sinusuri siya ng manananggol nguni't di man lamang siya
pinaupo. Nagpa-tuloy ito sa pagsusulat.

Nagkaroon ng pagkakataong magmatyag-matyag ang bi-nata. Napuna niyang malaki ang itinanda
ng manananggol. Madalang na at mapuputi ang buhok nito. Maliban sa bulungan ng mga kawaning nasa
kanugnog na silid at sa langingit ng plumang isinusulat ay walang ingay na maririnig sa bupete.

Sa wakas ay natapos din ang pagsusulat ng abugado. Ibi-naba niya ang pluma, itinaas ang ulo, at
nang makilala si Isa-gani'y ngumiti at inabot ang kamay niya rito.

"Ah, binata, kayo pala! Maupo kayo at patawarin ninyo ako, hindi ko alam na kayo pala. Kumusta
ang inyong amain?"

Lumakas ang loob ni Isagani at umaasang magtatagumpay siya. Sa mailing mga pangungusap ay
isinalaysay niya ang mga pangyayari samantalang pinag-aaralan ang anyo ng kau-sap. Pinakinggan siya ni
G. Pasta nang mahinusay. Nagkun-wa ang abugadong hindi pa alam ng mga bagay na ion. Ngu-ni't nang
banggitin ni Isagani ang tungkol sa Bise-Rektor, mga prayle, Kapitan-Heneral, isang panukala at ang
layunin sa kan-ya ng binata, ay nagulimlim ang kanyang mukha.

"Ito'y lupain ng mga panukala," ang bulalas niya. "Mag-patuloy kayo.

Hindi nawalan ng loob ang binata. Ibinalita niya ang ga-gawing paraan sa paglutas sa kanilang
hinihiling. Tinapos ni-ya ang pagbabalita sa pamamagitan ng pag-asa na siya, si G. Pasta, ay kikiling sa
kanila sakaling pagsanggunian siya ni Don Custodio, na siyang inaasahang mangyayari ng lahat.

Nguni't.ang kalooban ni G. Pasta ay yari na. Hindi siya makikialam sa usaping ion. Batid niyang
lahat ang nangyari sa Los Banyos. Alam niyang may dalawang pangkat doon at hindi nag-lisa si Pari Irene,
na siyang nagmungkahing ang usa-pin ay pabahala sa Lupon, na pawang kabaliataran sa tunay na
nangyari. Magtatagumpay na sana sina Pari Irene. Pari Fernandez, ang Kondeza, ang isang mangangalakal
na siyang magbibili ng mga kagamitan ng Akademya, at ang Mataas na Kawani, nang maisip ni' Pari Sibyla
ang Lupon ng Paaralan. Dito ipinabahala ng Bise-Rektor ang usapin upang magkaroon siya ng panahong
makapaghanda.

Ang lahat ng iyo'y nasa isip ni G. Pasta kaya't nang ma-tapos sa pagsasalita si Isagani ay tinangka
niyang lituhin ang binata. Bumanggit siya ng palikaw-likaw a bagay at inilayo sa paksa ang usapan.
Binanggit niya ang kung anu-anong ba-tas at mga nakalagdang utos hanggang sa muntik nang siya ang
malito, sa halip na ang binata.

"Hindi namin hangad na kayo'y ilagay sa kagipitan," ang malumanay na tugon ni Isagani. "Iligtas
kami ng Diyos sa paglalagay sa kagipitan sa isang tong lubhang mahalaga sa mga Pilipino! Bagama't di ko
lubos na nababatid ang mga ba-gay ay naniniwala po ako na hindi masama ang hangarin naming
makitulong sa mga adhikain ng Pamahalaan. Ang mga layunin namin at ng Pamahalaan ay lisa,
nagkakaiba nga la-mang sa kaparaanan."

Napangiti si G. Pasta. Unti-unti nang lumayo sa paksa ng pag-uusap ang binata, gaya ng ibig
niyang mangyari.

"Nariyan nga ang kid," aniya. "Kapuri-puri nga ang tu-mulong sa Pamahalaan kung ang pagtulong
ay sa pamamagitan ng pangangayupapa, pagsunod sa kanyang maibigan, at hindi sa pamamagitan ng
pagsalungat sa mga paraan at pagkukuro ng maa namamahala. Kung gayon ay kasalanan ngang dapat
parusahan ang pagtatangkang kumilos nang laban sa mga kuru-kuro ng Pamahalaan, kahit na ang
nilalayon ay higit na mabuti kaysa kanya, sapagkat ang gayo’y makasisira kanyang karangalan na siyang
batong batayan ng lahat ng Pamahalaan sa pananakop."

Palagay ang loob ni G. Pasta na ang kanyang sinabi’y nakalito sa binata. Nagpakaigi siya sa pagkakaupo,
sumandal, at nag-anyong walang malay kahit na sa sarili’y nagtatawa. Gayunma'y sumagot din si Isagani.

“Inaakala ko pong ang isang Pamahalaan, hanggang lalong niyayanig ay dapat humanap ng lalong
matibay na batayan. Ang pinagbabatayang lakas ng isang pamahalaang nanakop ay siyang pinakamahina
sa lahat sapagka't iya'y wala sa kanila, kundi nasa nasasakupan. Ang batayang katarungan at Katwira'y
inaakala kong siyang lalong matibay."

Napaangat ang ulo ng manananggol. Nakikipagtalo sa kanya ang isang binata. Siya - ang bantog na si
Pasta!

"'Binata, ang mga hakang iyan ay huwag mong isipin," aniya. "lya'y mapanganib. Ang payo ko'y hayaan sa
kanyang gawain ang Pamahalaan."

"Ang mga Pamahalaa'y itinatag sa kabubuti ng mga mamamayan. Marapat nitong dinggin ang kahilingan
ng mga tao sapagka't sila at di iba ang higit na nakatatalos ng kanilang kailangan."

"Ang humahawak sa Pamahalaan ay mga mamamayan din, at lalo pang marurunong," ani G. Pasta.

"At sapagka't mga tao nga'y mangyayari ring magkamali, kaya't di dapat magbingi-bingihan sa kuru-kuro
ng iba," ang sagot naman ni Isagani.

"Kailangang magtiwala sa kanya. Hinaharap niya ang lahat ng bagay.

"May salawikain ang mga Kastila: Kung hindi liyak ay walang gatas," ani Isagani. "Sa ibang sabily kung
hindi hihingi ay hindi bibigyan."

"Taliwas, lubhang taliwas," ang sagot ng abugado. Sa pamahalaa'y kabaligtaran ang nangyayari…”

usa

Napahinto siya na tila nag-aalinlangan.

"Ibinigay sa atin ng Pamahalaan ang hindi natin hinihi-

ngi, at hindi maaaring hingin sapagka't ang paghingi'y manga-


ngahulugang nakalilimot siya at di tumutupad sa tungkulin."

"Ang pagmumungkahi sa kanya ng mga dapat gawin, sa-

mantalang hindi tinatangkang salungatin, ay mangangahulu-

gang siya'y maaaring magkamali. At tulad ng tinuran ko na'y

nakasisira iyan sa katatagan ng Pamahalaan. Hindi ito nalala-

man ng mga karaniwang tao, at ang mga binata' gumagawa

nang hindi ito iniisip. Hindi isinasaalang-alang ang ibubunga

ng paghingi.

"Ipagpaumanhin ninyo," ang putol ni Isagani na namuhi sa

ikinatwiran ng abugado, "nguni't kapag ang bayan ay humingi

sa Pamahalaan nang mahinusay, ito ay umaasang ang hinihi-

ngiy mabuti, at nahahandang magbigay. Ang ganyang mga

pagkilos, sa halip na ikagalit, ay dapat niyang ikagalak, sa-

pagka't siya'y pinupuri. Ang anak ay sa ina humihingi at hindi

sa ina-inahan. Ang Pamahalaan, sa aking palagay, ay hindi

isang kung sinong maaaring makabatid at makakita ng lahat.

Magkagayon man ay hindi rin dapat na magdamdam sapagka't

nariyan ang mga prayleng dasal nang dasal, hingi ng hingi

sa Diyos na nakababatid at nakakakita sa lahat. Kayo na rin

ang hingi nang hingi sa mga hukuman ng Pamahalaan ding ito,

nguni't ni ang Diyos ni ang Pamahalaan iya'y hindi nagdaram-

dam. Batid ng lahat na ang Pamahalaan ay kailangang tulu-

ngan ng bayan, marapat na ipadama at ipakita sa kanya ang

katotohanan ng mga bagay-bagay. Kayo na rin ay hindi na-

nanalig sa inyong mga ikinatwiran. Batid ninyong ang isang

pamahalaa'y maninil kung sa hangad na ipagparangalan ang

kanyang lakas, ay ipinagkakait ang mga hinihingi sapagka't

di nagtitiwala o natatakot. Talos ninyong mga alipin lamang

ang hindi maaaring humingi. Ang bayang namumuhi sa kan-


yang Pamahalaan ay walang dapat hingin sa kanya kundi ang

magbitiw ng tungkulin.

"

Umiling-iling ang abugado at sinalat-salat ang upaw na buhok.

"Ahem! iya'ly mga masasamang aral, masasamang haka!" aniya. "Nagpapakilalang kayo'y lubhang bata at
walang kara. nasan. Tingnan ninyo ang nangyayari sa ating binata sa Madrid na humihingi ng pagbabago.
Pinaratangan silang nagpi-pilibustero at hindi makauwi rito. At anu-ano ang kanilang hinihingi? Mga
bagay na banal at kinkilalang di-mapanganib.

May mga bagay na maseselan na hindi ko maipaliliwanag sa inyo. Oo, may iba pang katwirang
nagbubunsod sa isang ma-tinong pamahalaan na tumanggi sa kahilingan ng mga tao, ma-ging ang
hinihiling na iya'y karapat-dapat o hindi. . . ngunit mangyayaring makatagpo tayo ng mga pinunong palalo
at ma-hangin. . . may mga katwiran nga.

• . iba-iba ang palakad ng

iba-ibang namamahala. ..

in

*Napahinto ang manananggol at napatitig kay Isagani. Iki-numpas niya ang kamay na tila ibig
magpaliwanag ng isang bagay.

"Nahuhulaan ko ang ibig ninyong turan," ani Isagani at malungkot na ngumiti. "big ninyong sabihin na
ang isang Pa-mahalaan, sapagka't di-wasto ang pagkakatatag ay nananangan lamang sa mga pala-
palagay. :

."

"Hindi, hindi iyan!" ang tutol ng abugado at may hinanap sa bunton ng mga kasulatan. "Hindi iyan. Ang
ibig kong sa-bihi'y. . . nguni't nasaan kaya ang aking salamin."

"Hayan po," ang turo ni Isagani.

Isinuot it ng abugado at nagkunwang may tinitingnan sa kanyang mga kasulatan. Nakita niyang
naghihintay pa ang binata.

"May sasabihin sana ako sa ino. . . nalimutan ko na, nasa dulo ng aking dila," aniya. "Hinadlangan ninyo
ako, ngunit walang bagay ion. Kung alam lamang nino ang kaguluhan sa ulo ko! Napakarami akong
gawain!"

Naunawaan ni Isagani na siya'y pinaaalis na kaya't tu-mindig.

"Kung gayon," aniya, "layo'y.


"Ah, mabuti na ang iwan niryo sa Pamahalaan ang bagay na lyon. Sinabi ninyong salungat ang Bise-
Rektor sa pagtutu-fo ng. wikang Kastila? Marahil nga ngunit hindi sa simulain kundi sa paraan. Nabalitang
ang Rektor ay darating na may dalang panukala ng pagbabago sa pagtuturo. Maghintay-hin-tay kayo.
Harapin ninyo ang pag-aaral at malapit na ang pag-susulit. . . 'tayka... diyablol Kay-inam ninyong
magsalita ng Kastila, ano pa ang inyong pinagkakaabalahan? Ano ang in-yong hangad na iya'y maituro?
Natitiyak kong kaisa ko sa pagkukuro si Pari Florentinol Ikumusta nino ako sa kanya."

"Ang laging sinasabi sa akin ng aking amain," ang tugon ni Isagani, "ay ibigin ang iba tulad ng sa sarli.
Naparito ako hindi para sa sarili kundi sa ngalan ng iba pang nasa lalong kadusta-dustang kalagayan."

"Diyablol Gawin nila ang mga ginawa mo. Magsunog din sila ng kilay at maupawan ng buhok na tulad ko.
Naniniwala akong kung kaya kayo marunong ng Kastila' sapagka't nag-aral kayo. Hindi kayo Kastila. Kung
gayo'y mag-aral silang tulad ninyo at gumawang tulad ko. Naging alila ako ng mga prayle. Samantalang
hinahalo kong kaliwang kamay ang ka-nilang tsokolate'y hawak naman ng aking kanan ang aklat. At
natuto ako, salamat sa Diyos, na di nangailangan ng guro, o akademya o pahintulot ng Pamahalaan.
Manalig kayo, siya na may nasang matuto, ay matututo, at magiging matalino."

"Ilan na sa mga nais matuto ang nagging tulad ninyo?

Isa sa isang angaw o higit pa!"

"Puwes! At bakit pa hahangaring humigit?" anang abuga-do at nagkibit ng balikat. "Napakarami nang
abugado, at ang karamiha'y nagging tagasulat na lamang. Doktor? Nag-aaway-away sila ngayon at nag-
aagawan sa magagmot. Mga mang-gagawa-binata; mga. manggagawa ang ating kailangan para sa
pagsasaka!"

Naunawaan ni Isagani na nag-aaksaya lamang siya ng pa-nahon nguni't hindi nakapigil sa pagsagot ng:
"Tunay ngang marami nano mga abugado at doktor," ani-ya, "ngunit hindi lubhang marami, sapagka' may
mga bayan tayong wala nito. At kung sakaling marami man ay mga ma-bababang uri naman. Hindi
mapipigil sa pag-aaral ang mga binata, at kung walang kursong laan kundi ang dalawang iyan ay bakit pa
sesayangin ang kanilang pagod? At kung ang pag-tuturo kahit na hindi mainam, ay hindi makapigil sa
pagiging abugado at doktor ng marami ay bakit hindi ito pagbutihin, yamang kailangan din lamang?
Gayunman kung ang hangariy magkaroon tayo ng isang bansang magsasaka, ay hindi maka-sasama ang
pagtuturo sa kanila at pagbibigay ng karunungan upang magwasto sa kanilang kabuhayan at upang
mabatid ang mga bagay na hanggang ngayo' y hindi pa nila batid."

"Bah! Bah!' ang bulalas ng manananggol, na ipiniksi ang mga kamay. "Mga pangarap, kahibangan! Upang
maging ma-buting magsasaka'y hindi kailangan ang retorika! Ah, may ipapayo ako sa inyo."

Tumindig si G. Pasta at magiliw na ipinatong ang kamay sa balikat ni Isagani.

"Kayo'y papayuhan ko, pagka't nakikita kong matalino ka-yo. Mag-aral kayo ng panggagamot? Pag-aralan
ninyong ma-buti ang paglalapat ng emplasto at ng linta, at huwag ninyong pagagalingin ni palulubhain
ang inyong gagamutin. Kapag may pahintulot na kayo ay pakasal sa isang dalagang mayaman at
madasalin. Singilin nino nang mahal ang ingong gagamutin at huwag makialam sa bayan. Magsimba
kayo, mangumpisal gaya ng ginagawa ng iba. Pasasalamatan ningo ako pagdating ng araw. At lagi ninyong
isaisip na ang kawanggawa'y sa taha-nan nagsisimula sapagka't ang tao'y di dapat humanap ng ka-
ligayahan sa daigdig nang higit para sa kanya, wika nga ni Bentham. Pag kayo'y sumali sa mga kaululan ay
hindi kayo magkakaroon ng hanapbuhay o asawa. Pagatawanan lamang kayo at lalayuan ng sailing mga
kababayan. Maniwala kayo sa akin, sasabihin ninyong hindi ako nagbulaan kapag nagka-roon na kayo ng
uban sa ulong katulad ko!"

Hinimas-himas ng matandang manananggol ang mapuputi niyang buhok at malungkot na ngumiti.

"Ginoo," ani Isagani na malungkot din, "Kapag nagkaroon na ako ng bang katulad ninyo at lumingon sa
aking kahapon at nakitang ang mga nagawa ko'y para sa sarili lamang at hin-di sa bayang nagbigay sa
akin ng lahat at lahat, kapag nagka-gayon, ginoo, ang bawa't maputing buhok ko'y magsisilbing li-nik at
sa halip na matuwa'y mahihiya ako|"

Pagkasabi noon ay yumukod at nagpaalam. Tila парако sa kinatatayuan ang matandang manananggol.
Nalarawan sa kanyang mukha ang pagkamangha. Pinakinggan niya ang mga papalayong yabag ng binata
at pagkuwa'y umupo.

"Kaawa-awang binatal" ang bulong niya. "Ang mga haka niya'y siya ring sumaisip kong minsan! Ano pa
ang nanai-sin ng isang tao kundi ang makapagsabing, "Ang lahat ng ito'y ginawa ko para sa Inang Bayan!
Ang buong buhay ko'y inilaan ko sa kanya" Mga putong na laurel, mga tuyong dahong tu-matabing sa
mga tinik at uod! Hindi kabuhayan iyan! Hindi karangalan iyan! Iya'y hindi magbibigay ng kakanin at
maka-pagpapanalo sa mga usapin. Bagkus kabaligtaran pa ngal Ba-wa't bansa'y may sariling ugali, may
sailing panahon at mga sakit, kaiba a ugali at panahon at sakit ng ibang bansa."

Sumandali siyang napahinto at pagkaraa'y ibinulong na muli.

"Kaawa-awang binatal Kung lahat sana'y mag-isip at Ki-kilos ng tulad niya, ay hindi ko sinasabing hindi...
kaawa-awang binata! Kaawa-awang Florentino!"

You might also like