You are on page 1of 16

“EL FILIBUSTERISMO”

By

Jose Rizal

Alday
Alejandre
Aquino
Cantago
Dela Cruz
Flores
Leung
Resurreccion
Simeon
Sorquia
FADE IN:

KABANATA 15:SENYOR PASTA

Bahay ni Senyor Pasta, maraming tao sa paligid, mga


kliyente ng abogado. Papunta si Isagani sa lugar ni Senyor
Pasta.

NARRATOR(KAELA)

Nagsadya si Isagani sa bahay ng abogado,


para kausapin ito ukol sa desisyon tungkol
sa Akedemya ng Wikang Kastila. Maraming
kliyente ang abogado kaya matagal
naghintay ang binata. Maya-maya ay
dumating na ang kaniyang pagkakataong
makausap ang abogado.

Pumasok ng opisina ang binata. Nasa mesa ang abogado, may


sinusulat. Tumigil ito upang tignan ang bagong dating, at
ngumiti nang makilala ang binata, at inabot ang kaniyang
kamay.

SENYOR PASTA(ZY)

Kumusta ka, binata! Ngunit maupo ka,


ipagpaumanhin mo.. Hindi ko alam na ikaw
pala. At ang tiyo mo?

ISAGANI(LANZ)

Nagkaroon na po ng desisyon ang Kapitan


Heneral at ang kaniyang mga kasama sa Los
Baños tungkol sa Academia de Castellano.

(Titigil ang mga aktor sa kanilang lugar)

NARRATOR(KAELA)

Nakinig si Senyor Pasta, walang


ipinakikitang damdamin sa simula. Bagaman
batid na niya ang mga pagkilos ng mga
estudyante at ng mahinuha niya kung ano
ang kailangan sa kaniya at marinig ang

2
kauganayan ng mga makapangyarihang tao sa
proyekto, biglang bumulalas ang ang
abogado

SENYOR PASTA(ZY)

Bayan ito ng mga proyekto! Ngunit


magpatuloy ka, magpatuloy ka!

ISAGANI(LANZ)

Nagpagdesisyunan po nilang ibigay ang


kapangyarihan ng pagdedesisyon kay Don
Custudio. At nanalig po ang mga kabataan
na kayo po ay mamamagitan ukol sa panig
nila sakaling sangguniin po kayo ni Don
Custudio. Sana po ay payuhan niyo po-

(Titigil ang mga aktor sa kanilang lugar)

NARRATOR (KAELA)

Hindi na natapos ni Isagani ang kaniyang nais


sabihin ng biglang makita na nakasimangot ang
abogado.

Nakapagpasiya na si Senyor Pasta:hindi siya


makikialam sa asuntong iyon, kasangguni man o
sinasangguni.Maraming taong makapangygarihan ang
nahahati sa dalawang panig at ayaw niyang galitin
ang kahit sino.

Kaya napagdesisyunan niyang lituhin muna ang


binata.

SENYOR PASTA(ZY)

Oo! Walang ibang makahihigit sa akin sa


pag-ibig sa bayan at mithiing progresista,
ngunit… hindi ako makapapangako…Hindi ko
alam kung nauunawaan ninyo ang aking

3
katayuan, isang katyuang maselan…
napakarami kong interes na
inaalagaan…Dapat akong kumilos sa loob ng
mga hanggahan ng mahigpit na pag-iingat …
Isa itong pananagutan”

(Titigil ang mga aktor sa kanilang lugar)

NARRATOR(KAELA)

Nais ng abogadong lituhin ang binata,


ngunit sa dami ng kaniyang mga sinabi -
dagsa ng mga pangungusap at mga bagay na
tungkol sa bansa, pati siya ay nalito sa
laberinto ng kaniyang mga sinipi at
pahayag.

ISAGANI(LANZ)

Hindi namin kayo ibig ilagay sa anumang


kagipitan. Huwag itulot ng Diyos na
gambalain namin kahit saglit ang isang tao
na napakahalaga ang buhay sa nakararaming
Filipino! Ngunit kahit napakaliit ng alam
ko sa mga batas, sa mga utos ng hari, mga
tadhana’t pasiyang umiiral sa ating bansa,
hindi po ako naniniwala na maaaring
magdulot ng masama ang pagtataguyod sa
mataas na layunin ng gobyerno, sa
pagsisikap na matamo ang kaniyang mabuting
interpretasyon. Iisa po ang hinahabol
nating layunin at nagkakaiba lamang tayo
sa mga pamamaraan.

Ngumiti si Senyor Pasta

SENYOR PASTA(ZY)

Iyan na nga, iyang-iyan ang quid na


sinasabi ng lahat. Maliwanag na kapuri-
puring tumulong sa gobyerno kapag
tinutulungang may pagpapakumbaba,
sinusunod ang mga pasiya nito - ang
wastong diwa ng mga batas sang-ayon sa mga
wastong paniniwala ng mga namamahala - at

4
kapag hindi sumasalungat sa matagal na’t
pangkaraniwang anyo ng pag-iisip ng mga
tao na nangangalaga sa kapakakanan ng
lahat sa lipunan. At dahil dito, kriminal,
dapat parusahan sapagkat pagkakasala laban
sa mataas na simulain ng kapangyarihan ang
magtangka ng isang pagkilos na salungat sa
mga pagkukusa nito kahit ipinalagay na
higit itong mabuti kaysa namamahala, at
sapagkat ang ganiyang mga gawain ay
makakasama sa karangalan-ang unang base at
saligan ng itinayong mga gusaling
kolonyal.

(Titigil ang mga aktor sa kanilang lugar)

NARRATOR(KAELA)

At nakatitiyak na nakabaliw kay Isagani


ang gayong tirada, boung taimtim na
pinagbuti ng abogado ang upo sa kaniyang
silyon bagaman tumatawa ang kalooban.

ISAGANI(LANZ)

Iniisip ko pa na hahanap ng saligang


lalong matibay ang mga gobyerno kapag
nanganganib…Napakahina ng karangalan
bilang saligan ng gobyernong kolonyal,
sapagkat wala ito sa kaniya kundi nasa
mabuting kalooban ng mga pinamamahalaan
habang ibig nila itong kilalanin… Higit na
matibay po, sa palagay ko , ang katarungan
o katwiran bilang saligan.

(Titigil ang mga aktor sa kanilang lugar)

5
NARRATOR(KAELA)

Napaangat ng ulo ang abogado.Ano?


Nanagahas sumagot at makipagtalo ang
binatang ito sa kaniya, siyang si Senyor
Pasta? Hindi pa ba ito nalilito sa
kaniyang mga dakilang pangungusap?

SENYOR PASTA(ZY)

Binata, kailangang itabi ang ganiyanng mga


kaisipan dahil mapanganib.Ang sinasabi ko
sa iyo, hayaang kumilos ang gobyerno.

ISAGANI(LANZ)

Ginawa po ang mga gobyerno ukol sa


kinabutihan ng mga sambayanan,, at upang
magampanang maayos ang layon ng mga
ito,kailangang sumunod ito sa
ipinahihiwatig ng mga mamamayan na higit
na nakaaalam sa kanilang mga
pangangailangan.

SENYOR PASTA (ZY)

Mga mamamayan din ang mga bumubuo sa


gobyerno at sila ang higit na nakapag-aral

ISAGANI(LANZ)

Ngunit, tulad po ng ibang tao, nagkakamali


kaya hindi dapat maging bingi sa kuro-kuro
ng iba

SENYOR PASTA (ZY)

Kailanagang magtiwala sa kanila,


ibinibigay nila ng lahat ng makakaya.

ISAGANI(LANZ)

May isang salawikaing lantay na Espanyol


na nagsasabing: el que no llora no mama:
“Ang hindi umiyak, walang gatas.” Ang
hindi humingi hindi bibigyan.

6
SENYOR PASTA (ZY)

Ang kabaligtaran! Sa gobyernong ito, ang


kabilgtaran ang nangyayari.

Binigyan tayo ng gobyerno ng mga bagay na


hindi natin hinihingi, na hindi natin
maaring hingin…sapagjat ang
paghingi…nangangahulugan ang paghingi na
may kakulangan at samakatuwid hindi ito
tumutupad sa tungkulin…Ang magmumungkahi
ng isang paraan, magtangkang pumatnubay
nito , kahit hindi upang kalabanin ito, ay
pagpapalagay na maari itong magkamali, at
nasabi ko na sa iyo, ang ganitong mga
pagpapalagay ay banta sa pag-iral ng mga
gobyernong kolonyal…Hindi ito naiisip ng
karaniwang tao at hindi ito alam ng mga
batang padalos-dalos, hindi nakauunawa,
hindi nais umunawa sa salungat ng bisa ng
paghingi, sa subsersibong nilalaman ng
ideang ito.

ISAGANI(LANZ)

Ipagpatawad po ninyo. Kapag humingi ang


bayan sa paraang legal ng isang bagay sa
gobyerno, dahil inaakala nilang mabuti ito
at handang magbigay ng ng isang kabutihan,
ay dapat ikatuwa, sa halip ikagalit,ang
paghingi. Hinihingan ang isang ina, hindi
kailanman ang isang madrasta. Ang gobyerno
po, sa aking di-dalubhasang palagay, ay
hindi isang maalam-sa-lahat na maaring
makita at makinita ang lahat. At
magkagayon man, hindi ito dapat masaktan,
sapagkat dito nga po’y may Simbahan tayo
na walang ginagawa kundi humingi aat
humingi sa Diyos na nakakikita at
nakababatid ng lahat, at kayo man naman ay
humihiling at humihingi ng maraming bagay
sa hukuman ng gobyernong ito, at hanggang
sa ngayon,hindi nagpapakitang nasasaktan

7
ang Diyos at ang hukuman. Nasa isip ng
lahat na ang gobyerno, bilang isang
institusyong likha ng tao, ay
nangangailangan ng tulong ng lahat,
nangangailanagan ito ng magpapakita at
magpapalaam sa mga tunay na pangyayari.
Kayo na rin po ay hindi naniniwala sa
katotohanan ng inyong pagtutol. Kayo na
rin ang nakaaalam na malupit at mapaniil
ang gobyerno na, upang magpakita ng lakas
at independensiya, ay ipinagkakait ang
lahat dahil sa takot o sa kawalan ng
tiwala, at mga bayan lamang na sinisiil at
inaalipin ang may tungkuling huwag humingi
ng kahit ano. Walang dapat hingin ang
bayang napopoot sa kanilang gobyerno kundi
ang magbitiw ito sa kapangyarihan.

SENYOR PASTA (ZY)

Hmm! Masamang doktrina iyan, masamang


teorya, hmm! Malinaw na nakikitang bata ka
pa at walang karanasan sa buhay. Tingnan
ang nangyayari sa mga kabataang walang
karanasang sa buhay. Tingnan ang
nangyayari sa mga kabataang walang
karanasang nasa Madrid at humihingi ng
napakaraming reporma. Pinaratangan silang
lahat ng filibusterismo, marami sa kanila
ang hindi makapangahas umuwi. At
magkagayon man, ano ang hinihingi nila?
Mga bagay na banal, luma na, at alam ng
lahat na hindi makasasama…Ngunit may mga
bagay na hindi mapaliwanag, napakaselan …
siya … inaamin ko sa iyo na may iba pang
mga dahilan bukod sa mga nabanggit na
nagtutulak sa isang matinong gobyerno para
sistematikong ipagkait ang mga lunggati ng
bayan…. hindi… Gayunman, maaring mangyari
na makatagpo tayo ng mga pinunong
napakahangal at katawa-tawa … Ngunit lagi
nang may iba pang dahilan … kahit na
lubhang makatarungan ang hinihingi … Iba’t
iba ang kalagayan ng mga gobyerno..

8
ISAGANI(LANZ)

Nahuhulaan ko ang ibig ninyong sabihin.


Ibig ninyong sabihin na dahil hindi ganap
ang pagkakabuo sa isang gobyernong
kolonyal, at sapagkat nakasalig ito sa mga
batayang

SENYOR PASTA (ZY)

Hindi, hindi, hindi iyan, hindi!

Naghanap ng papel sa mesa ang abogado

Hindi, ibig sabihin… Nasaan ba ang aking


anteohos?

ISAGANI(LANZ)

Narito po

Hands to glasses, and Pasta wears it

SENYOR PASTA (ZY)

Mayroon akong ibig sabihin … ibig kong


sabihin,ngunit nakalimutan ko na … pinutol
ako ng kapusukan mo … isang munting bagay
… Kung alam mo lamang ang gulo sa ulo ko,
napakarami kong gagawin!

ISAGANI

Kung gayon po, kami’y…

SENYOR PASTA

A! Makabubuting iwan ninyo ang asunto sa


kamay ng gobyerno. Ito ang magpapasya
sang-ayon sa minamarapat nito … Sabi mo,
tutol ang Bise Rektor sa pagtuturo ng
Kastila. Marahil, tutol siya, hindi sa
nilalaman kundi sa anyo. Sinasabing may

9
dalang isang proyektong reporma sa
pagtuturo ang Rektor na paparito …
Maghintay muna kayo, bigyan ninyo ng
panahon ang panahon, mag-aral kayo dahil
nalalapit na ang eksamen at karamba! Ikaw
na nagsasalita nang mabuti ng Kastila at
matatas na magpahayag, bakit ka pumapasok
sa gulo? Ano ang interes mong ituro ito ng
bukod? Natitiyak kong magkatulad ang
palagay namin ni Padre Florentino!
Ipakihatid ang aking mga pagbati.

ISAGANI

Ang akin pong amain, lagi niyang


ibinibilin na isipin ko ang iba tulad ng
sa akin. Hindi ako naparito alang-alang sa
sarili. Naparito ako sa ngalan ng mga
higit na nangangailangan.

SENYOR PASTA

Demonyo! Gawin nila ang ginagawa ninyo,


magsunog ng kilay sa pag-aaral, at
makalbong tulad ko sa pagsasaulo ng buo-
buong talata … at naniniwala ako, kung
nagsasalita ka ng Espanyol, dahil pinag-
aralan mo. Hindi ka taga-Maynila at hindi
ka anak ng Espanyol! Aba, matuto silang
tulad mo at gawin nila ang ginawa ko …
Naging utusan ako ng lahat ng fraile,
ipinaghahanda ko sila ng tsokolate at
habang hinahalo ko ng kanang kamay sa
pamamagitan ng batidor, hawak ko sa kaliwa
ang gramatika. Natuto ako at, salamay sa
Diyos, hindi ako nangangailangan ng iba
pang mga maestro at ng mga akademya at ng
mga pahintulot ng gobyerno … Maniwala ka
sa akin : Ang ibig matuto, matuto at
dudunong.

ISAGANI (LANZ)

Ngunit ilan ang magiging tulad ninyo sa


ibig matuto, isa sa sampung libo, o higit
pa?

10
SENYOR PASTA

Psst!At bakit kailangan pa? Labis ang mga


abogado, marami ang pumapasok na lamang na
eskribyente. Mga doktor? Nag-iinsultuhan,
nagsisiraan, at nagpapatayan sa pag-
aagawan sa isang maysakit … Mga bisig,
ginoo, mga bisig ang kailangan ukol sa
agrikultura!

ISAGANI

Wala pong alinlangan, na maraming doktor


at abogado. Ngunit hindi ko po masasabing
labis dahil may mga bayang wala. At kung
labis man po sa dami, marahil kulang naman
sa kalidad. At, sapagkat hindi po
mahadlangan ang kabataan sa pag-aaral at
wala nang iba pang karera dito, bakit po
pababayaang masayang ang kanilang panahon
at pagsisikap? At kung hindi po
makahahadlang ang kahinaan sa pagtuturo sa
marami upang maging abogado at doktor,
kung sa dulo’y magkakaroon lamang din
tayo, bakit hindi pa po ang mabubuting
uri? Sa kabilang dako, kahit na po nais
lamang natin gawin ang bayang ito na isang
bayan ng mga magsasaka, isang bayan ng mga
manggagawa, at ipagbawal ang lahat ng
gawaing intelektwal, wala po akong
nakikitang masama na turuan ang mga
magsasaka at manggagawa, upang mabigay man
lamang sa kanila ang isang edukasyong
magpapahintulot sa kanila pagkatapos na
mapabuti ang kanilang sarili at ang
kanilang gawain, upang mailagay sila sa
isang katayuang maunawaan ang maraming
bagay na hindi pa nila nalalaman sa ngayon

SENYOR PASTA

Aba, ba, ba! Hindi kailangan ang maraming


retorika upang maging isang mahusay na
magsasaka. Mga pangarap, mga kahibangan,
ideolohiya! Sige, ibig mong makinig sa

11
isang payo? Bibigyan kita ng isa at
napakabuti dahil nakikita kong matalino ka
at hindi masasayang ang payo. Nag-aaral ka
ba ng Medisina? Kung gayon, ibuhos mo ang
sarili sa pag-aaral kung paano maglagay ng
mga emplasto at gumagamit ng mga linta, at
huwag ka kailanman magtatangkang pabutihin
os pasamain ang kapalaran ng mga katulad
mo. Kapag natanggap mo na ang iyong
lisensiyado, mag-asawa ka ng mga katulad
mo. Kapag natanggap mo na ang iyong
lisensiyado, mag-asawa ka ng isaang
mayaman at deboteng dalaga, pagsikapang
manggamot at makasingil nang mabuti,
iwasan ang lahat ng bagay na may kinalaman
sa pangkalahatang kalagayan ng bayan,
magsimba, mangumpisal, at mangumunyon
kapag ginagawa ng karamihan, at makikita
mo pagkatapos kung gaano mo ako dapat
pasalamatan at makikita ko ito kung buhay
pa ako. Lagi mong tandaan na nagsisimula
rin sa sarili ang kawanggawang nauunawaang
mabuti. Hindi dapat maghanap sa lupa ang
isang tao nang higit pa sa pinakamataas na
kaligayahang pansarili, tulad ng sabi ni
Bentham. Kapag pumasok ka sa mga
Quijotismo, mga pangangarap, hindi ka
magkakaroon ng karera, hindi makapag-
aasawa, at hindi magiging anuman.
Itatakwil ka ng lahat at ang mga kababayan
mo na rin ang magtatawa sa iyong kawalang-
malay. Maniwala ka sa akin, maalala mo
ako’t sasabihing tama kapag may mga uban
ka nang tulad ko, mga ubang tulad nito.

ISAGANI

Kapag may mga uban na po akong tulad ng sa


inyo, at ginugunita ang nakaraan at makita
kong gumawa ako alang-alang sa sarili
lamang, hindi gumawa ang magagawa’t
nararapat gawin ukol sa bayang nagbigay sa
akin ng lahat, ukol sa mga mamamayang
tumutulong sa aking mabuhay, kapag

12
nagkagayon po, magiging tinik sa akin ang
bawat uban, at sa halip na ikaluwalhati
ko’y dapat kong ikahiya!

SENYOR PASTA

Kawawang binata! Ganoon ding kaisipan ang


sumagi sa isip ko isang araw! Ano pa ang
hihigit sa hangaring masabi na: Ginawa ko
ito alang-alang sa Inang-Bayan, inialay ko
ang buhay ukol sa kabutihan ng kapuwa?
Koronang laurel, ibinabad sa kapaitan, mga
tuyong dahong bumabalot sa mga tinik at
uod. Hindi iyan ang buhay. Hindi iyan
nagdudulot ng makakain, hindi nagtatamo ng
karangalan. Halos nagagamit lamang na
salsa ang laurel; hindi nagbibigay ng
katahimikan, ni hindi nakapagpapanalo ng
mga asunto. Baka ang baligtaran! May
sariling moral ang bawat bansa, gaya ng
pangyayaring may sariling klima at
sariling mga karamdamang naiiba sa klima
at mga karamdaman ng ibang mga bansa!
Kawawang binata! Kung lahat sana’y nag-
iisip at gumagawang tulad niya, hindi ko
sinasabi na hindi…Kawawang binata!
Kawawang Florentino!

FADE OUT:

THE END

FADE IN:

KABANATA 17: ANG PERYA SA QUIAPO

Scene description/opening

KUTSERO

Tabi, Tabi!

13
PADRE CAMORRA

At iyan, at iyan, ha, dene-tinta? At ang


dalagang iyon? Ano ang masasabi mo?
Punyemas, kailan kaya ako magiging kura ng
Quiapo? (Nakita si Paulita) Anong gandang
dalaga!

BEN ZAYB

Vamos, Padre, kurutin ninyo ang sariling


tiyan at bayaan kaming manahimik

PADRE CAMORRA

Suwerte niya’t hindi tagabayan ka

CHARACTER NAME 8

Tingnan ninyo, narito si Padre


Camorra!(May tama pa ng champagne)

PADRE CAMORRA

At sino naman ang kahawig ng pigurang ito,


Ben Zayb? (ChuChu)

Eh, Ben Zayb, hindi ba’t tonto ang umisip niyan?

PERYODISTA

Puwes, hindi ko makita ang ibig ninyong


sabihin! Pero, punyemas! Hindi ba ninyo
nakikita ang titulo? La Prensa Filipina.
Prensa ang instrumentong ginagamit na
plantsa ng matanda at prensa rin ang
tinatawag ditong imprenta! (Nagtawanan ang
lahat at tumawa ring siyang-siya si Ben
Zayb)

BEN ZAYB

Kahit sino’y makapagsasabi na si Quiroga


ang tsinong iyan, pero pag pinagmasdang
mabuti’y kamukha ni Padre Irene. At ano

14
ang masasabi ninyo sa Indio-Ingles na
iyan? Kamukha ni Simoun!

LAHAT

(1st Person)Siya nga!(2nd Person)Siya nga!


(3rd Person)Siyang-siya nga!

BEN ZAYB

Pero nasaa si Simoun? Dapat bilhin ito ni


Simoun!

PADRE CAMORRA

Punyemas! Napakakuripot na Amerikano!


Natakot na siya ang pagbayarin natin
pagpasok sa gabinete ni Mr. Leeds.

BEN ZAYB

Hindi! Natatakot siyang mapasubo. Nahulaan


yata ang birong naghihintay sa kaniyang
kaibigang si Mr. Leeds at ayaw sumali.
Makikita ninyo, epekto lang ng mga salamin
ang lahat, Sapagkat tingnan ninyo… Sa
dulo, makikita ninyo na kaso ng optika ang
lahat

CHARACTER NAME 2

Character Name 2

CHARACTER NAME 3

Character Name 3

CHARACTER NAME 4

Character Name 4

CHARACTER NAME 5

Character Name 5

Scene description

CHARACTER NAME 1

Dialogue

15
CHARACTER NAME 2

Character Name 2

CHARACTER NAME 3

Character Name 3

CHARACTER NAME 4

Character Name 4

(Parenthetical information)

CHARACTER NAME 5

Character Name 5

CHARACTER NAME 6

Character Name 6

CHARACTER NAME 7

Character Name 7

CHARACTER NAME 8

Character Name 8

Scene description

FADE OUT:

THE END

16

You might also like