You are on page 1of 2

Pangkat: Ikatlong Pangkat Petsa: Marso 16, 2023

Guro: Ms. Gizelle Tagle Seksyon: 10-Serenity

Kabanata 15: Si Senyor Pasta

Mga Tauhan
• Isagani
• Senyor Pasta

Buod
Bumisita si Isagani sa tanggapan ni Senyor Pasta. Siya ay nakipag-usap dito at ikinuwento
ang kanilang balak at plano. Humingi si Isagani ng pabor na kausapin sana ni Senyor Pasta si
Don Custodia at kumbinsihin itong sumang-ayon at pumanig sa kanila. Subalit sa kabila ng
pagkukumbinsi at pagpapaliwanag na sila ay may sapat nang kaalaman at ang planong ito ay
para sa ikabubuti ng lahat, tinanggihan pa rin ito ni Senyor Pasta dahil ayaw niyang makialam
dito at mas makakabuti raw na pumasya na lamang sila sa pamahalaan at hayaang ito na
lamang ang kumilos hinggil dito.

Mga Karanasan na may Kauganayan sa Kasalukuyan

Sagot sa Katanungan
1. Anong uri ng tulong sa pamahalaan ang kapuri-puri ayon kay Senyor Pasta?

Sinabi ni Senyor Pasta na ang pamahalaan ang may kakayahang malutas ang gulo na
kanilang pinagtutuunan ng pansin. Dahil sa kanilang karanasan at sapat na kaalaman
sa pagsugpo ng ganitong mga problema, pinayuhan niya si Isagani na mas mabuting
ipaubaya na lang nila ito sa pamahalaan at huwag nang mag-aksaya ng oras sa
paghahanap ng solusyon.

2. Paano nagging abogado si Senyor Pasta ayon sa pahayag ni isagani?

Ayon sa pahayag ni Isagani, si Senyor Pasta ay naging makasarili at nagpasyang mag-


abogado para sa kaniyang sariling kapakanan at hindi para sa bayan na nagbigay sa
kaniya ng lahat. Hindi niya binibigyang pansin ang masa at ang kapakanan ng
kaniyang bayan, dahil ang kaniyang tanging pakay ay magkaroon ng mapayapa at
masaganang buhay.
3. Ilahad ang mga argumento nina Senyor Pasta at Isagani kaugnay sa proyektong
hinihingi ng mga estudyante.

Dahil sila ay mga estudyante, tinanggihan ni Senyor Pasta ang hinihiling nilang tulong.
Dahil dito, nagalit at nagkasagutan ang dalawa, habang nagpapaliwanag ng kanilang
panig. Sinabi ni Isagani na sapat na ang kanilang kaalaman upang bigyan ng pansin
ang isyung ito. Ngunit, matibay ang paninindigan ni Senyor Pasta na mas maganda na
ipaubaya ito sa pamahalaan kung saan ay "siguradong" mabilis itong malulutas. Dahil
dito, nailantad ang pagiging makasarili si Senyor Pasta, na nagpapakita ng kawalan ng
interes sa kapakanan ng kaniyang bayan at mamamayan. Ang mahalaga lamang sa
kaniya ay ang kanyang sariling kaligtasan at hindi ang kabutihan ng kanyang bayan.

You might also like