You are on page 1of 2

Kabanata 13:

1. Ang silid na pinagdarausan ng klase sa pisika ay isang mahaba't rektangular na bulwagan, maluluwang
ang bintanan nito at narerehasan ng bakal. Sa magkabilang tabi ng silid, may tatlong baitang na batong
natatapakan ng kahoy. Doon nakaupo ang mga estudyanteng nakaayos ayon sa pagkasunod-sunod ng
letra ng mga apilyedo nito. Katapat ng pintuan, sa ilalim ng larawan ni Santo Tomas de Aquino, nakaupo
ang propesor.

2. Ano ang masasabi Ninyo sa gabineteng kinalalagyan ng mga kasangkapan sa pisika?

Ang gabineteng kinalalagyan ng mga kasangkapan sa pisika ay nilagay lamang para maging palamuti at
magsilbing panlinlang at pagpapakita sa mga dayuhan at mga may mataas na tungkulin. Ginawa ito para
maipamukha na maganda ang ginagawang pagturo sa Kolehiyo ng San Juan de Letran kahit na hindi
naman ito ginagamit.

3. Bakit ang hangad ng mga propesor ay makita ng mga dayuhan at mga may mataas na tungkulin ang
kanilang gabineta?

Hangad ng mga propesor na makita ng mga dayuhan at mga may mataas na tungkulin ang kanilang
gabineta upang hindi masabi ng mga ito na nahuhuli ang Kolehiyo ng San Juan de Letran sa ibang bansa
sa kahusayan sa pagtuturo.

4. Sino si Padre Millon? Ano ang masasabi Ninyo tungkol sa kaniya?

Si Padre Millon ay nakapagtapos sa pilosopiya at teolohiya at mahilig sa metapisika (mga teorya). Siya ay
nagturo ng kimika at pisika, magkaslungat na mga asignatura. Siya lamang ang nagtatanong sa mga mag-
aaral at ayaw na siya ay matanungan. Nagtutungayaw at nagmumura siya ng estudyante. Ikinatutuwa
niya ang katangahan ng estudyante at kinaiinisan ang tamang pagtugon sa kanyang mga tanong.

5. Ano ang masasabi Ninyo tungkol sa batang mataba sa loob ng klase?

Ang batang mataba sa loob ng klase ay inaantok at naghikab at naginata.

6. Ano ang paksa na pinagtalunan sa klase?

Ang paksang pinagtalunan sa klase ay tungkol sa pisiks kung ano ang bumubuo sa salaming bubog.

7. Bakit nilait si Placido ng kanyang propesor?

Nilait si Placido ng kanyang propesor dahil hinid ito nakasagot sa tanong na ibinigay niya.

8. Ano ang naging hangga ng pagtatalo ni Placido at ng kanyang propesor?

Ang paksa ng pagtatalo ni Placido at ng kanyang propesor ay tungkol sa penitencia ni Placido. Ayon sa
propesor ay labinlima na ang liban ni Placido. Ngunit ayon naman kay Placido na aapat daw ang liban
niya at ikalima ang pagkahuli nya.

9. Masisisi ba Ninyo si Placido sa kanyang ginagawang pag-alis sa klase? Bakit?

Hindi ko masisisi si Placido sa kanyang ginawang pag-alis sa klase dahil hindi na niya nakayanan ang pag-
aalipusta ni Padre Millon. Walang karapatan ang Pari na mang alipusta ng kapwa kahit na ito ay isang
pari.
10. Ano ang pagkakaiba ng pagtuturo ng mga propesor sa pagtuturo ng mga guro ngayon? Ipaliwanag.

Malaki ang kakaibahan ng pagtuturo ng mga propesor noon sa pagtuturo ng mga guro ngayon dahil noon
may mga kagamitan sa pagtuturo pero hindi naman ginagamit o pawang palamuti lamang sa loob ng silid
hindi kagaya ngayon na lahat ng paraan ay ginagawa ng mga guro para lamang maituro ng mabuti ang
mga paksa. Ang mabisang pagtuturo ay kinakailangan din ng aktwal na karanasan ng isang mag-aaral
kung paano ginagawa o ano ang nangyayari patungkol sa kanilang pinag-aaralan. Kung kaya’t kung hindi
magagamit ang mga kasangkapan sa pagtuturo mas walang maiintindihan ang mga mag-aaral.

Kabanata 16:

You might also like