You are on page 1of 2

Espiritual na Pakikinabang

O Hesus ko, naniniwala ako na ikaw


ay tunay na naririyan sa Banal na Sakramento.
Minamahal Kita ng higit sa lahat
at ninanais ko na Ikaw ay tanggapin sa aking kaluluwa.
Bagama’t sa sandaling ito ay hindi Kita matatanggap
sa paraang sakramental,
pumarito ka man lamang sa aking puso
sa paraang espiritwal.
Tinatanggap Kita na Ikaw na naririto
at buong puso akong nakikipag-isa sa Iyo.
Huwag mong pahintulutang ako’y mapahiwalay sa Iyo. 
Amen.

ORATIO IMPERATA

Makapangyarihan at mapagmahal na Ama, lumalapit kami sa Iyo sa aming


pangangailangan, upang hilingin ang proteksiyon laban sa COVID 19 na
nagpapahirap sa marami at kumikitil ng maraming buhay.
Nagmamakaawa kami, Mapagmahal na Ama, na gabayan Mo ang mga taong
nag-aaral kung saan nanggaling at sanhi ng epidemyang ito at sa mabilis na
pagkalat nito.
 
Gabayan Mo ang mga kamay at isipan ng mga eksperto sa medikal na maaari
silang maglingkod sa mga may sakit na may kakayanan at pakikiramay, at sa
mga gobyerno at pribadong ahensya ay silang dapat makapaghanap ng lunas
at solusyon sa epidemyang ito.
 
Iligtas Mo kami sa lahat ng uri ng karamdaman. Pagalingin Mo ang mga
maysakit. At buhayin Mo sa amin ang pagkakawanggawa upang kalingain
namin ang bawat isa.
 
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong Anak Mo na
nabubuhay at naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
magpasawalang hanggan. Amen!
 
Mahal na Birhen, mapagpagaling sa mga may sakit,
ipanalangin Mo kami!
San Raphael ang Arkanghel, ipanalangin Mo kami!
San Roque, ipanalangin Mo kami!
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin Mo kami!
San Pedro Calungsod, ipanalangin Mo kami!

You might also like