You are on page 1of 1

ORATIO EMPERATA LABAN SA COVID-19

Ama naming mapagmahal,


Lumalapit kami sa Iyo sa aming pangangailangan,
Upang hilinging kami ay ipag-adyaMo sa sakit na dulot ng Covid-19
Na kumitil na ng maraming buhay at patuloy na kumakalat sa
Ib’t-ibang bayan at bansa.

Hinihiling naming ang iyong biyaya


Sa lahat ng mga nag-aaral ng pinagmulan ng salot na ito.
Patnubayan mo ang lahat ng dalubhasa sa medisina na tumutulong sa
mga maysakit
Upang sila’y mapuno ng matibay na pagmamalasakit at pagdamay.

Ipinapanalangin namin ang mga pamahalaan na naghahanap ng lunas at


kagalingan
Para sa mga pinahihirapan ng sakit dulot ng salot na ito
Ipinagkakatiwala namin sa iyo ang lahat ng nagdurusa dahil sa sakit na ito
Pagalingin Mo po sila at bigyan ng mabuting kalusugan.

Pukawin MO ang aming kalooban


upang maging handa kaming tulungan ang mga maysakit at
nangangailangan.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong Anak Mo,


Na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, magpasawalang hanggan,
Amen..

Mahal na Birhen, Mapag-ampon sa mga kristiyano…


… Ipanalangin Mo kami..
San Raphael, ang Arkanghel….

San Roque….

San Lorenzo Ruiz….

San Pedro Calungsod…..

You might also like