You are on page 1of 2

ORATIO IMPERATA PARA SA COVID-19

Makapangyarihan at mapagmahal na Ama,


nagsusumamo kami sa iyo upang hilingin
ang iyong patnubay laban sa COVID 19
na nagpapahirap sa marami at kumitil na ng mga buhay.

Gabayan mo ang mga dalubhasang naatasan


na tumuklas ng mga lunas at paraan
upang ihinto ang paglaganap nito.

Patnubayan mo ang mga lumilingap sa maysakit


upang ang kanilang pagkalinga ay malakipan
ng husay at malasakit.

Itinataas namin ang mga nagdurusa.


Makamtan nawa nila ang mabuting kalusugan.
Lingapin mo rin ang mga kumakalinga sa kanila.
Pagkamtin mo ng kapayapaang walang hanggan ang mga
pumanaw na.

Pagkalooban mo kami ng biyaya na magtulong-tulong tungo


sa ikabubuti ng lahat.
Pukawin mo sa amin ang pagmamalasakit sa mga nangangailangan.
Nagsusumamo kami sayo na ihinto na ang paglaganap ng virus
at ipagadya kami sa lahat ng mga tao.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo


na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, magpasawalang hanggan. Amen.

Dumudulog kami sa iyong patnubay, Mahal na Ina ng Diyos.


Pakinggan mo ang aming mga kahilingan sa aming
pangangailangan at ipagadya mo kami sa lahat ng kasamaan,
maluwalhati at pinagpalang Birhen. Amen.

Mahal na Birhen, mapagpagaling sa maysakit, ipanalangin mo kami.


San Rafael Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Roque, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.
PANALANGIN PARA KAY SAN ISIDRO LABRADOR
Patron ng mga Magsasaka

Ama naming makapangyarihan,


Ikaw ang may-ari sa tanang kinapal
at ikaw ang tumawag sa aming paglilingkod
para pangasiwaan ang tanang umiiral sa Sansinukob.

Ang may kababaang-loob at maaasahang pagganap ni San Isidro


sa kanyang pagsasaka ay amin nawang matularan
sa lahat ng aming pasisikap na magkaroon ng makakain ang lahat
sa masaganang hapag ng buhay
at maglingkod sa kapakanan ng aming kapwa tao.

Ipahintulot mo na ang aming gawain sa araw-araw


ay maging panalangin ng papuri sa iyong karangalan
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

AMEN

You might also like