You are on page 1of 1

ORATIO IMPERATA

LABAN SA PAGLAGANAP NG CORONAVIRUS DISEASE 2019


(Salin sa Tagalog mula sa CBCP)

Diyos Ama namin, lumalapit kami sa iyo para sa aming kahilingan


na kami ay iyong proteksyunan laban sa Coronavirus Disease 2019
na kumitil na ng maraming buhay at nakaapekto na sa sangkatauhan.

Nanalangin kami para sa Iyong biyaya


para sa mga taong inatasan na pag-aralan
ang kalikasan at ang sanhi ng virus na ito,
gayundin upang mapahinto ang patuloy nitong paglaganap.
Gabayan Mo po ang mga inatasang mangalaga sa kalusugan
na kanila nawang magampanan ang kanilang tungkulin
nang buong husay at may malasakit.
Gabayan Mo po ang mga kawani ng pamahalaan
at ang mga nasa pribadong institusyon
sa kanilang paghahanap ng lunas upang masugpo ang epidemyang ito.

Ipinapanalangin namin ang lahat ng mga naapektuhan.


Nawa ay hilumin Mo po ang kanilang karamdaman.

Ipagkaloob Mo po nawa sa amin ang iyong biyaya


upang kami ay patuloy na makagawa ng kabutihan para sa lahat
at makatulong sa lahat ng mga nangangailangan.

Ipinapanalangin po namin ito


sa pamamagitan ng aming Panginoong Jesukristong Iyong Anak,
na nabubuhay at naghahari kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.

Maria, aming Ina at tulong ng mga Kristiyano, ipanalangin mo po kami.


San Rafael Arkanghel, ipanalangin mo po kami.
Santa Maria Magdalena, ipanalangin mo po kami.
San Roque, ipanalangin mo po kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo po kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo po kami.

You might also like