You are on page 1of 1

MGA PAALALA UPANG MAIWASAN ANG PAGLAGANAP

NG CORONAVIRUS DISEASE 2019 SA ATING SIMBAHAN


(Babasahin bago magsimula ang bawat Misa.)

Bilang pakikiisa po ng ating Parokya sa pagsisikap na masugpo ang paglaganap ng


coronavirus disease 2019, narito po ang ilang mga paalala batay sa mga tagubilin ng
CBCP:
1. Sundin po natin ang mga tagubilin ng Department of Health tungkol sa malimit
at wastong paghuhugas ng kamay at sa tamang mga gawi o kilos kapag tayo ay
uubo o magbabahin.
2. Hinihiling po na magsuot ng face mask ang mga magsisimba na may ubo, sipon,
lagnat o mga may mahihinang kalusugan.
3. Iminumungkahi po ang pagdadala at paggamit ng alcohol pagkatapos humawak
sa anumang bagay na nahawakan na ng iba saan man tayo pumunta, kabilang
na po ang simbahan.
4. Ang mga lalagyan po ng agua bendita o holy water malapit sa pangunahing
pintuan ng simbahan ay pansamantalang hindi muna lalagyan ng laman. Sa
halip, bago at pagkatapos ng Misa ay may mga lay liturgical ministers po na
malapit sa pangunahing pintuan ng simbahan na maaari kayong lapitan kung
nais ninyong magpawisik ng holy water. Kung nais ninyong magpabasbas ng mga
rosaryo, imahen o iba pang religious article, magtungo lamang po sa sacristy
pagkatapos ng Misa.
5. Sa halip po na mga basket ay gagamitin po muna natin ang mga buslo bilang
lalagyan ng inyong tulong para sa Simbahan.
6. Sa pag-awit ng Ama Namin, iwasan natin ang paghahawak-hawak ng kamay.
7. Isagawa natin ang pagbibigayan ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagngiti o
pagyuko lamang sa ating kapwa nagsisimba.
8. Ipinakikusap po na ang pagtanggap ng Banal na Komunyon ay isagawa natin sa
pamamagitan ng kamay. Ipinapaalala lamang po na tiyaking walang kahit maliit
na bahagi o múmo ng konsagradong Ostiya ang maiiwan sa inyong palad o
maipapagpag sapagkat ito ay sinasampalatayanan natin na Katawan ni Kristo.
9. Iwasan po muna natin ang pagmamano sa mga pari. Sa halip, maari ninyong
iyuko ang inyong ulo sa harap ng pari na siya namang maglulukob o bahagyang
magdadampi ng kanyang kamay sa inyong ulo bilang pagbabasbas.
10. Ipinakikiusap po sa lahat na iwasan ang paghalik o paghawak sa mga banal
na imahen sa panahong ito ng epidemya. Ang inyong pananalangin sa harap ng
mga imaheng ito ay sapat na upang ipahayag ang inyong pamimintuho sa
Panginoon at sa mga banal.

Darasalin natin kaugnay ng bawat Misa ang Oratio Imperata Laban sa Paglaganap ng
Coronavirus Disease 2019.

You might also like