You are on page 1of 4

Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon

ANG MISA NG SAMBAYANAN

PASIMULA

ANTIPONA SA PAGPASOK
Basahin kung walang pambungad na awit.

Nang si Hesus ay binyagan, Nagsalita ang Diyos Ama,


nabuksan ang kalangitan “Narito ang sinisinta,
at ang Espiritung Banal ginigiliw ko tuwina.
ay lumapag sa ulunan Ikinalulugod siya
kalapati’y anyong taglay. ng puso ko’t kaluluwa.”

PAGBATI

P: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.


B: Amen.

P: Sumainyo ang Panginoon.


B: At sumaiyo rin.

P: Nang pumila si Hesus para magpabinyag kay Juan Bautista sa Ilog Jordan, hudyat iyon
ng simula ng gawain ni Hesus para sa sanlibutan. Inilalarawan din dito ang
pakikisangkot ni Hesus sa buhay ng tao. Bagama’t wala siyang kasalanan, pinili niyang
humanay sa mga tao para ibigay sa atin ang pagliligtas ng Diyos. Inilalarawan din sa
pagbibinyag kay Hesus ang kanyang pagtalima sa kalooban ng Ama. Sa pagdiriwang
natin sa kapistahang ito, magbalik-tanaw tayo sa tinanggap nating binyag at tandaan
ang karangalan natin bilang mga anak ng Diyos na patuloy na tinatawag na tumalikod
sa kasalanan at mabuhay ayon sa turo ni Hesus.

ANG PAGBABASBAS AT PAGWIWISIK NG BANAL NA TUBIG

Pagkatapos ng pagbati, ang paring nakatayo sa harap ng upuan ay paharap sa mga taong nag-aanyaya na
manalanging basbasan ng Diyos ang tubig na nasa lalagyan sa harap ng tanan. Ang mga sumusunod o anumang
katumbas nito ay ipahahayag ng pari.

P: Mga kapatid kong minamahal,


hilingin natin sa Ama nating makapangyarihan
na marapatin niyang basbasan
itong tubig na iwiwisik ngayon
bilang paggunita sa tinanggap nating binyag noon.
Pagkalooban nawa niya tayo ng panibagong lakas
para sa pamamalaging matapat
sa Espiritu Santo na ating tinanggap.

Lahat ay tahimik na mananalangin nang saglit. Ang pari ay magpapatuloy sa pagdarasal nang magkadaop ang mga
kamay.
Ama naming makapangyarihan,
niloob mong sa tubig na bukal ng buhay
at tagapagdulot ng kalinisan
ang kalooban nami’y magkamit ng kadalisayan
at ng iyong buhay na ibinibigay sa mga hinirang.
Hinihiling naming marapatin mong basbasan +
ang tubig na ito na ngayo’y nais naming mawisik sa aming katawan.
Ipagkaloob mong sariwain nito sa amin ang buhay
na iyong ibinigay sa amin noong kami’y binyagan
at ipagsanggalang nawa ito sa tanang kasamaan
ang aming buong katauhan
upang makadulog kami sa iyo nang may kadalisayan
sa ikapagkakamit namin ng kaloob mong kaligtasan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
B: Amen.

Kapag umiiral sa pook ng pagdiriwang ang kaugaliang haluan ng asin ang banal na tubig, babasbasan ng pari ang
asin habang kanyang ipinahahayag ang sumusunod na panalangin.

P: Ama naming makapangyarihan,


hinihiling naming iyong marapating basbasan +
ang asing ito
pakundangan sa iyong pag-uutos kay propeta Eliseo
na lagyan ng asin ang tubig para ito linisin at pasarapin.
Ipagkaloob mong saan man iwisik ang pinaghalong ito na asin at tubig
ay magkaroon nawa ng pagkapawi ng tanang kasamaan
at magdulot ng pananahang lubos ng Espiritu Santo
sa pamamagitan ni Hesukristo magpasawalang hanggan.
B: Amen.

Pagkatapos, tahimik na ihahalo ang asin sa tubig.

Pagkaraan, hahawakan ng pari ang pangwisik at kanyang wiwisikan ang kanyang sarili at ang mga tagapaglingkod
gayun din ang kaparian at ang sambayanan at makalilibot siya sa loob ng simbahan para ito ay gampanan.

Habang ito’y ginaganap, isa sa mga sumusunod na awit ay gagawing pansaliw sa pagwiwisik.

(Awit: Isang Pananampalataya)

Pagkabalik sa upuan at kapag tapos na ang pag-awit, ang paring nakaharap sa mga nagsisimba at nakadaop ang
mga kamay ay magpapahayag:
P: Dalisayin nawa tayo ng makapangyarihang Diyos
sa ating mga kasalanan,
at pakundangan sa pagdiriwang na ito
ng pagpupuri at pagpapasalamat
pagindapatin nawa niya tayo
na makapakinabang sa piging niya
sa buhay na walang hanggan.
B: Amen.

PAPURI SA DIYOS SA KAITAASAN

P&B: Papuri sa Diyos sa kaitaasan


at sa lupa’y kapayapaan
sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagka’t ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataastaasan,
kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

PANALANGING PAMBUNGAD

P: Manalangin tayo.

Ama naming makapagyarihan,


nagpakita bilang taong katulad namin ang iyong Anak.
Sa pamamagitan niyang naging aming kawangis
kami nawa’y maging kanyang kaparis
kasama mo at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
B: Amen.
MINISTRI SA LITURHIYA
Parokya ng Santa Maria Magdalena
Enero 2019

You might also like