You are on page 1of 1

PAMBUNGAD NA PANANALITA

Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon


Ika-12 ng Enero 2020

Sa hudyat ng mga tagapaglingkod na natitipon malapit sa pangunahing pintuan ng simbahan o


kapilya, babasahin ng commentator ang sumusunod:

Ipinagdiriwang po natin ngayon


ang Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon.
Kasama ng Pagdalaw ng mga Pantas at ng Himala sa Kasalan sa Cana,
ang Pagbibinyag sa Panginoon ay isa sa mga misteryo
ng kanyang unang pagpapahayag sa mga tao.
Ang Kapistahang ito ang pagtatapos
ng panahon ng Pasko ng Pagsilang ng Panginoon.

Hindi kinakailangan ni Hesus na mabinyagan


sapagkat siya’y walang bahid ng kasalanan.
Gayunman, siya’y lumusong sa Ilog Jordan
at nagpabinyag kay San Juan Bautista
bilang pagsunod sa kalooban ng Ama,
bilang pag-ako sa mga kasalanan ng sangkatauhan,
bilang hudyat ng daranasin niyang kamatayan,
at bilang pagpapanabal sa lahat ng tubig sa sanlibutan
upang magamit sa pagbibinyag.
Sa kanyang pag-ahon mula sa tubig,
ipinahayag ng Diyos Ama
ang kanyang natatanging kalagayan bilang Anak ng Diyos –
isang karangalan na ibinabahagi niya sa atin
sa pamamagitan na sakramento ng binyag.

Sa pasimula ng Banal na Misa ngayong araw na ito,


babasbasan ang tubig na iwiwisik sa atin
bilang paalaala sa binyag na ating tinanggap.

Tumayo po ang lahat at makiisa sa pambungad na awit.

You might also like