You are on page 1of 12

Iglesia Filipina Independiente

Parokya ni San Nikolas de Tolentino

Altar Knights Handbook


A Guide to Serving God and the People

Called to Serve
Version 2.0
September 2021
Panimula:

Pagbati ng Kapayapaan!

Ang parokya ay lubos na nagagalak sa iyong pagpasok sa ministeryo ng pagiging Acoleto.


Ang iyong paglilingkod at dedikasyon ay isang mahalagang bahagi ng katatagan ng ating
simbahan. Ito ay isang napakalaking prebilehiyo na makibahagi sa pakikipagtipan kay
Kristo sa pamamagitan ng pag-aalala ala sa kanyang pagpapakasakit at muling
pagkabuhay. Umaasa ang parokya sa pagiging huwaran mo sa iyong kapwa nang may
respeto at disiplina.

Ang pangunahing tungkulin ng isang Sakristan ay ang pagtulong sa bawat gawain ng Pari,
bilang kinatawan ng bawat mananampalataya, sa mga oras na inaalala sa banal na
dambana ang pag-aalay ni Kristo ng kanyang sarili para sa ating katubusan. Ang banal na
Altar sa liturhiyang pagdiriwang ay nanatiling katangi-tangi, kung saan ang bawat kilos
ng isang Acoleto ay may katumbas na senyales at simbolo. Samakatuwid, kailangang
maglingkod nang may dignidad at paggalang.

Ang layunin ng libretang ito ay magbigay direksyon sa bawat gawain ng ating parokya at
gabay sa pagtulong sa pari sa dambana ng Panginoon. Kami ay umaasa at dumadalangin
na ikaw ay buong pusong magpupursigi na matutunan ang napapaloob sa handbbook na
ito at maisagawa ang ninanais ng simbahan sa bawat kasapi ng mga Acoletos.

Kaisa sa pananampalataya kay Kristo,

DAISY RENZE RESULTAY REV. FR. RODERICK D. MIRANDA


Nakatalagang Pinuno Kura Paroko
Samahan ng mga Acoletos

Inihanda ni:

ROY VINCENT B. GARCIA


Punong Tagapamahala
Samahan ng mga Acoletos
ALTAR SERVER’S PRAYER

Open my mouth, O Lord, to bless your Holy Name.


Cleanse my heart from all evil and distracting thoughts.
Enlighten my understanding and inflame my will
that I may serve more worthily at your Holy Altar.

O Mary, Mother of God, obtain for me


the most important grace of knowing my vocation in life.
Grant me a true spirit of faith and humble obedience
so that I may ever see the Priest as a representative of God and
willingly follow him in the Way, the Truth, and the Life of Christ. Amen

BASIC RULES

✓ Ikaw ay naririto upang maglingkod sa Panginoon sa abot ng makakaya at ang iyong


pangunahing gawain ay ang tulungan ang pari sa kanyang gawain.
✓ Kailangan ang bawat miyembro ay dumalo sa mga training sessions
✓ Ang bawat Sakristan ay may tungkuling dumalo sa banal sa misa kung saan sila ay
naka-schedule. Kung may mga pagkakataon na ikaw ay hindi makakatugon sa iyong
gawain, nararapat lamang na ikaw ay humanap ng kapalit at ipagbigay alam sa
namumuno.
✓ Dumating sa simbahan 20 minutes bago ang banal na misa.
✓ Laging magbigay atensyon sa kung bawat kilos at gawain ng Pari habang nasa misa.
Laging isa-isip na nakikita ng lahat ng parokyano ang bawat gawain ng isang
Sakristan.
✓ Siguruhing may updated na schedule kada buwan.

ANG WASTONG KASUOTAN AT PAGHAHANDA SA BAHAY

➢ Basahin ang manual kasama ang iyong magulang hanggang sa malaman mo ang
iyong mga tungkulin
➢ Iwasan ang pagkakaroon ng matingkad na make-up at nail polish, gayundin ang labis
na accessories at mahabang hikaw.
➢ Ang bawat miyembro ay may pangunahing kasuotan na dapat gamitin sa oras ng
paglilingkod. Ito ay ang mga sumusunod:
❖ White T-shirt or Polo Shirt
❖ Black Pants
❖ Black socks
❖ Clean black shoes
❖ Sutana
❖ Wooden cross necklace
PAGKAKASUNOD-SUNOD NG BANAL NA MISA
PARTS OF THE MASS WHAT THE SERVER DOES
INTRODUCTORY RITES
Panimulang Awit at Prusisyon Patungo sa Altar Mabagal na paglakad. Mauuna ang Thurifer at
boat-bearer, acolytes, bell ringer, at assistant
minister
Paggalang sa Banal na Altar Luminya sa harap ng Altar, at yumuko kasabay ng
Pari
Pag-antanda ng Krus Tumayo sa harap ng upuan nang magkalapat ang
mga kamay, mag-antanda ng Krus
Greeting Tumayo sa harap ng upuan, magkalapat ang
kamay
Penitential Rite (“Nagkasala ako..” Lumuhod nang nakaharap sa Tabernacle, at
bigkasin ang panalangin
Luwalhati/Papuri Tumayo sa harap ng upuan nang magkalapat ang
mga kamay
Opening Prayer Humarap sa Pari nang magkalapat ang mga
kamay, at yumuko
LITURGY OF THE WORD
First Reading Umupo at makinig
Awit ng Koro Maaaring lumabas ang Thurifer upang ayusin ang
thurible, bumalik sa Altar bago ang second reading.
Second Reading Umupo at makinig
Aklamasyon Tumayo nang magkalapat ang mga kamay, kukunin
ng Acolytes ang kandelaryo papunta sa harap ng
holy table. Aantayin ang pari saka pupunta sa
Pulpito
Ebanghelyo Tumayo nang magkalapat ang mga kamay,
humarap sa Pari
Humiliya Umupo at makinig
Pagpapahayag ng pananampalataya Tumayo at humarap sa Tabernacle nang
magkalapat ang mga kamay, banggitin ang Credo
Panalangin ng Bayan Lumuhod nang nakaharap sa Tabernacle, sumagot
sa bawat panalangin nang “Panginoon, dinggin mo
ang aming Panalangin”
Pagbabahagi ng Kapayapaan Pagbibigay ng kapayapaan sa pari, kapwa
Sakristan, at sa Kongregasyon
LITURGY OF THE EUCHARIST
Paghahanda sa Altar at pag-aalay ng mga handog Pag-aayos ng assistant minister sa chalice at missal;
pagsundo ng Acolytes at Crucifer sa mga alay
Kukuhanin ng Sakristan ang cruets papunta sa
Paghahanda ng Pari sa Tinapay at Alak credence table. Pagkatapos, ang insenso at ang
paghuhugas sa kamay ng Pari at sa mga ministro.
Pag-anyaya sa Panalangin sa mga Handog Tumayo at humarap sa Holy Table nang
magkalapat ang mga kamay
Aklamasyon at Prepasyo Striking of breast, pagtunog ng bell sa “Banal,
banal” at “Hosanna”
Lumuhod nang nakaharap sa Holy Table habang
pinapatunog ang bell sa pagtataas ng tinapay at
Pag-aalaala alak
“Act of receiving” at genuflection (bowing) kasabay
ng pari sa pagbaba ng tinapay at alak
Lumuhod nang nakaharap sa Holy Table habang
Panalangin sa Eukaristiya pinapatunog ang bell at kampana sa pagtataas ng
tinapay at alak
Panalangin sa Panginoon *Ama Namin” Lumapit sa harap ng Holy Table, maghawak hawak
ng kamay, at umawit ng Panalangin
Paghahati ng Tinapay Lumuhod nang nakaharap sa Holy Table habang
pinapatunog ang bell sa paghahati ng tinapay
Lumuhod nang nakaharap sa Holy Table habang
pinapatunog ang bell sa pagtataas ng Tinapay at
Imbitasyon sa Banal na Eukaristiya Alak
Pagtanggap sa Komunyon. Pag-aayos ng Holy Table
at pagbibigay ng tubig sa Pari pagkatapos ng
Pakikibahagi sa Banal na Komunyon Komunyon
CONCLUDING RITES
Announcements (if any) Umupo at makinig
Pag-awit ng Lupang Hinirang Humarap sa bandila habang umaawit
I-aabot ang hyssop sa Pari. Kukunin ang
processional candles and cross, ang bell, at pipila sa
Pagbabasbas at Paghayo harap ng chancel.

PAGKATAPOS NG BANAL NA MISA

➢ Pagkatapos ng pangwakas na panalangin, ibalik ang processional cross and candles,


bell, at lahat ng kagamitan sa Sacristia.
➢ Sinupin ang sutana nang maayos, Ingatan na wag marumihan ang laylayan ng
sutana.
➢ Siguruhing maayos at malinis ang credence table bago umalis ng simbahan.

MGA GAMIT AT BAHAGI NG SIMBAHAN

Parts of the Church


❖ Pews - Upuan ng mga tao sa loob ng simbahan
❖ Sedilia - Upuan ng mga sakristan at pari
❖ Aisle - Gitnang bahagi ng simbahan
❖ Chancel - Unang tatlong hagdan paakyat sa Altar
❖ Side altar - Tinatawag ring Adoration Chapel. Isang maliit na lugar-dalanginan kung
saan nakalagak ang imahe ng Santo Sepulcro at ang monstrance
❖ Altar - Makikita sa harap na bahagi ng simbahan kung saan ginaganap ang misa
❖ Holy table - Dito nagaganap ang pag-aalaala sa pagpapakasakit ni Kristo, ang
pag-consecrate sa tinapay at alak bilang katawan at dugo ni Kristo
❖ Tabernacle - Ang pinakasagradong bagay na kung saan nakalagay ang katawan ni
Kristo
❖ Sanctuary lamp - Ito ay ilaw na matatagpuan sa Tabernacle. Nakasindi ang ilaw na
ito kapag ang Katawan ni Kristo ay nasa loob ng Tabernacle.
❖ Choir seat - Lugar kung saan nakaupo ang koro
❖ Lectern - Dito binabasa ang mga readings at salmo
❖ Pulpit - Dito ang lugar kung saan nagaganap ang Gospel at Homily
❖ Rostrum - Dito inilalagay ang missal at ang collects
❖ Book stand - Ginagamit sa altar kung saan nakalagay ang sacramentary
❖ Holy water font - Ito ang lagayan ng holy water na makikita sa pagpasok sa
simbahan
❖ Baptismal Font - Lugar kung saan ginaganap ang sakramento ng pagbibinyag. Dito
rin nakaimbak ang reserbang holy water
❖ Sacristy - Ito ay isang silid kung saan nakatago ang mga gamit sa simbahan. Dito rin
makikita ang sagradong damit ng mga Sakristan; lugar kung saan sila naghahanda at
nagbibihis
❖ Offertory table - Ito ay isang lamesa kung saan nakalagay ang mga handog na
iniaalay sa dambana
❖ Vestibule - Ito ang pinakaharap na pintuan ng simbahan

Vestments
❖ Cassock - Ito ang itinatawag sa mahabang kasuotan ng mga sakristan na ang
butones ay nasa gitna, mula sa leeg hanggang sa ibabang bahagi. Ito ay maaaring
may kulay na puti, itim o pula.
❖ Mitre/Mitra - Ito ang tawag sa pa-triangulong sukat na isinusuot ng Bishop at
Supreme Bishop sa oras ng prusisyon, Homily, at pagbibigay ng basbas ng paghayo.
❖ Skull cap - Ito ang pabilog na isinusuot ng Bishop at Supreme Bishop sa oras ng
panalangin at eucharist
❖ Crozier / Bishop’s staff - Ito ang tungkod na ginagamit ng Bishop bilang simbolo ng
pagiging isang Pastol ng Simbahan
❖ Alb - Ito ay mahaba at puting kasuotan na ginagamit ng mga deacon, pari, at iba
pang ministro. Karaniwan itong nilalagyan ng cincture.
❖ Chasuble - Ito ay kasuotan ng Pari at iba pang matataas na ministro na karaniwang
may iba’t ibang kulay base sa ordo. Ito ay maluwag at mahabang tela na ipinapatong
sa stole at alb/cassock
❖ Stole - Ito ay isang pahabang tela na ipinapatong sa cassock ng pari sa kanyang leeg
papunta sa harap na bahagi, at ng deacon mula sa kaliwang balikat pababa sa
kanang bahagi.
❖ Surplice - Ito ang panglabas na puting kasuotan na ipinapatong sa stole. Ito ay
maluwag at may mahabang manggas, at ang haba ay hanggang sa tuhod.
❖ Cincture - Ito ang puting tali na ginagamit sa alb.
❖ Dalmatic - Ito ang tawag sa kasuotan ng Deacon, na ipinapatong sa cassock at stole
❖ Humeral Veil - Ito ang tawag sa parisukat na tela na ginagamit ng Pari sa oras na
kanyang bibitbitin ang Monstrance sa pagdiriwang ng Huling Hapunan.
❖ Cope – A large semi-circular cloak, held at the front by a clasp or band of fabric. It is
used during benediction of the Blessed Sacrament.
❖ Pectoral Cross – The Bishop’s cross necklace. It is worn under his chasuble and the
dalmatic, under the cope but above the mozeta.
❖ Bishop’s Ring – The ring worn by the Bishop at all times as a sign that he is wedded
to Christ in the service of the Church.
❖ Pallium – A vestment given by the pope to a residential Arch Bishop. They wear it
above their chasuble in their jurisdictional territory.

Oils
❖ Chrism/Krisma - Ito ang langis na binabasbasan tuwing Sabado de Gloria,
ginagamit ito sa tuwing may inoordina o itinatalaga ang Bishop
❖ Oil for the Sick - Ito ang ginagamit sa pagbabasbas sa mga may sakit
❖ Oil of Catechumens - Ito ang langis na ginagamit sa pagbibinyag

Holy Sacraments
❖ Priest host - Ito ang malaking ostiya na hinahati ng Pari sa pag-aalaala sa
sakrispisyo ni Kristo.
❖ People’s host - Ito ang maliliit na ostiya na ibinabahagi sa kongregasyon bilang
katawan ni Kristo
❖ Ciborium - Isang sisidlan kung saan nakalagay ang hosts o ostiya
❖ Chalice - Ito ay ang pinaglalagyan ng alak na ginagamit ng Pari sa misa, na nagiging
Dugo ni Kristo matapos ang konsekrasyon
❖ Cup - Ang tawag sa ibang baso na paglalagyan ng alak mula sa chalice. Ginagamit ng
mga Eucharistic Ministers at mga Apostoles
❖ Cruets - ito ang pinaglalagyan ng tubig at alak na inilalagay ng Pari sa chalice
❖ Flagons - malaking lalagyan ng alak na inihahandog sa altar para sa malaking bilang
ng kongregasyon
❖ Pyx - isang maliit na lagayan ng Banal na Sakramento na dinadala sa mga may sakit
❖ Monstrance - hugis araw na gintong bakal naginagamit sa huling hapunan tuwing
Mahal na Araw. Dito inilalagay ang katawan ni Kristo.
❖ Thaberstand/Lunette - Ito ang pinapatungan ng Katawan ni Kristo sa monstrance
na ginagamit sa pagdiriwang ng Huling Hapunan
❖ Communion Plate - A plate with a handle used by an Altar Server in catching a
Eucharistic Crumbs.

Books/References
❖ Bible - Dito napapaloob ang mga salita ng Diyos at turo ni Kristo. Nahahati ito sa
bago at lumang tipan
❖ Collects - Dito napapaloob ang koleksyon ng mga panalangin sa misa ng iba’t ibang
pagdiriwang
❖ Ordo/Gospel book - Ito ang nagsisilbing kalendaryo ng Simbahan kung saan
makikita ang iba’t ibang pagdiriwang, ang mga readings at gospel na nakatakda sa
bawat misa
❖ Sacramentary - Dito matatagpuan ang pagkakasunod-sunod ng banal na misa na
ginagamit ng Pari.
❖ Lectionary - Ito ang binabasa ng Lectors sa una at ikalawang pagbasa

Others
❖ Credence table - Ito ay lamesa na pinaglalagyan ng mga ginagamit sa misa
❖ Altar cloth - Ito ang nagsisilbing damit ng altar. Ang apat na kulay nito ang
nagsisilbing hudyat ng pagbabago sa panahon ng Simbahan na naaayon sa ordo.
❖ Ampulla - Ito ay isang bote na pinaglalagyan ng banal na Krisma
❖ Pall - Hugis parisukat na pantakip sa chalice
❖ Paten - Hugis bilog na metal na pinaglalagyan ng Priest’ host sa oras ng
konsekrasyon
❖ Corporal - Pinakamalaking hugis ng panyo inilalagay sa holy table kung saan
nakapatong ng chalice
❖ Purificator - Ito ang panyo na ginagamit sa paglilinis ng chalice
❖ Chalice Veil - Isang panyo na may sapat na sukat upang takpan ang chalice at paten
❖ Finger Towel - Ito ang panyo na ginagamit sa paghuhugas ng kamay
❖ Pitcher and Basin - Ito ang ipinanghuhugas sa mga kamay ng Pari at ministro
❖ Lavabo Towel - Ito ang tawag sa finger towel, pitcher and basin
❖ Thurible - Ito ay isang bakal na sisidlan ng uling at insenso na ginagamit sa misa. Ito
ay may bakal na takip at kadena.
❖ Incense Boat - Dito nakalagay ang insenso na inilalagay sa thurible
❖ Sanctus Bell - Pinapatunog sa mahahalagang bahagi ng misa uang magbigay hudyat
sa mga tao
❖ Processional cross - Makikita ang Krus sa ibabaw ng mataas na bakal. Makikitang
ginagamit sa unahang bahagi ng prusisyon.
❖ Processional candles - Ang mga kandelarKrus. Ginagamit rin ito upang magbigay
liwanag sa Pari sa oras ng gospel
❖ Sacristan - Indibidwal na ang tungkulin ay pangalagaan at paglingkuran ang
sacristia, sanctuaryo, sutana, mga banal na sakramento at tulungan ang Pari sa banal
na gawain
❖ Acolytes - Sila ang may hawak ng processional candles
❖ Crucifer - Siya ang may hawak ng processional cross
❖ Bell Ringer - Siya ang may hawak ng bells
❖ Boat bearer - Siya ang may hawak ng incense boat
❖ Thurifer - Siya ang may hawak ng thurible
❖ Assistant Minister - Karaniwang ginagampanan ng isang Sakristan na may higit na
kaalaman sa misa at sa iba’t-ibang tungkulin ng sakristan sa oras ng misa.
❖ Eucharistic Minister - Sila ang mga ministro na tumutulong sa Pari na magbahagi
ng katawan at dugo ni Kristo sa kongregasyon
❖ Commentator - Siya ang kinatawan ng kongregasyon na tumutugon sa Pari sa oras
ng misa
❖ Lectors - Sila ang gumaganap sa pagbasa ng Luma at Bagong Tipan
❖ Clergy - Sila ang mga taong may iba’t ibang tungkulin sa oras ng misa (i.e. Sacristan,
Choir, Lectors, Eucharistic Minister, Commentator,
❖ Deacon - Ito ay inoordina sa mga taong naglilingkod sa kongregasyon pagkatapos
nilang mag-aral bilang seminarista.
❖ Celebrant - Ito ang tawag sa kura paroko na namumuno sa pagdiriwang ng banal na
misa
❖ Concelebrant - Ito ang tawag sa mga pari na tumutulong sa kura paroko sa
pagdaraos ng banal na misa
❖ Bishop - Siya ang namumuno sa isang diyosesis (diocese)
❖ Diocese - Ito ay binubuo ng mga kapilya, parokya, at misyon
❖ Supreme Bishop - Siya ang pinakamataas na pinuno ng ating simbahan.
Pinangangalagaan nya ang lahat ng diyosesis at parokya.
❖ Congregation - Ito ang tawag sa mga nagsisimba sa simbahan
❖ Asperger - Ito ang tawag sa nagbibigay ng bendisyon sa tao o sa anumang banal na
bagay
❖ Paschal candle - Ito ang kandila na ginagamit tuwing Sabado de Gloria na
sumisimbolo sa muling pagkabuhay ni Kristo
❖ Cathedral - Ito ang tawag sa parokya kung saan nakabase ang Bishop at ang
Supreme Bishop
❖ Chapel - Ito ang tawag sa sangay ng simbahan sa isang parokya.

Parts of the Mass


❖ Aspergil - Ito ang tawag sa pagbabasbas
❖ Consecration of the Mass - Pinakamataas na bahagi ng misa na kung saan kinikilala
ang tinapay at alak bilang katawan at dugo ni Kristo
❖ Elevation - Ang bahagi ng misa kung saan itinataas ng pari ang katawan at dugo ni
Kristo
❖ Eucharist - Bahagi ng misa kung saan ibinabahagi ang katawan at dugo ni Kristo. Ito
ay tinatawag din bilang Communion
❖ Communion - Tumukoy sa pakikipagkaisa natin kay Kristo sa pamamagitan ng
pagtanggap ng Kanyang katawan at dugo
❖ Gospel - Ito ang unang bahagi ng misa kung saan ibinabahagi ng pari ang mga turo
ni Kristo sa mga aklat sa Bagong Tipan
❖ Homily - Ito ang bahagi ng misa kung saan nangangaral ang pari tungkol sa Gospel
Liturgical Vestments

Skull Cap Mitre Crozier Cassock

Alb Chasuble Stole Surplice

Cincture Dalmatic Humeral Veil

Pallium Cope Mozeta


Tungkulin sa Misa

Pagkarating sa simbahn ng senior knights, itatalaga nya ang ibang sakristan sa


kani-kanilang tungkulin. Nakalagay sa chart sa ibaba ang mga tungkulin na dapat
gawin depende sa bilang ng mga Sakristan sa misa.

Tungkulin base sa bilang ng Sakristan


Server
1 2* 3* 4 5 6 7
1 A,C,D B,C A,C A,E A,C A A
2 B,D B,D,E B,C B B B
3 B,F B,D B B B
4 F D,E C C
5 F D,E D
6 F E
7 F

CODE Mga Tungkulin


Before Mass:
✓ Ilagay ang processional candles sa altar. Sindihan ito bago magsimula
ang misa
A During Mass:
✓ Tungkulin ang pagiging Crucifer
✓ Pangunguna sa procession patungo sa altar sa pagsisimula ng misa,
pag-aalay, at pagtatapos ng misa.
Before Mass:
✓ Ilagay ang processional cross sa sacristya.
During Mass:
B ✓ Tungkulin ang pagiging Acolytes
✓ Paghawak ng processional candles patungo sa pulpit sa oras ng Gospel
✓ Pangunguna sa procession patungo sa altar sa pagsisimula ng misa,
pag-aalay, at pagtatapos ng misa.
Before Mass:
✓ Ihanda ang hyssop at inuming tubig ng Pari sa credence table.
✓ Ilagay ang bell sa offertory table
✓ Ihanda ang lavabo towel sa credence table
During Mass:
C ✓ Tungkulin ang pagiging Bell Ringer.
✓ Kuhanin ang cruets/flagon pagkatapos lagyan ng Pari ang chalice
✓ Pagbibigay ng hyssop sa Pari pagkatapos ng panalangin
✓ Paghuhugas ng kamay ng Pari at mga ministro
✓ Pagliligpit ng holy table pagkatapos ng consecration ng katawan ni
Kristo. Ilagay ang mga panyo, pall, at paten sa credence table

Before Mass:
✓ Ihanda ang chalice, purificator, paten, pall, corporal. Ilagay ito nang
magkakasunod sa credence table.
✓ Ihanda ang ciborium at cruets/flagon sa offertory table. Siguruhing
may priest’s host at people’s host ang ciborium; at mompo ang
cruets/flagon
D ✓ Siguruhing nakalagay sa rostrum ang bible
During Mass:
✓ Tungkulin ang pagiging Assistant Minister.
✓ Pag-assist sa Pari sa lahat ng bahagi ng misa at sa 1st at 2nd readers
✓ Paglagay ng microphone sa pulpit pagkatapos ng 2nd reading
✓ Pag-assist sa panalangin ng bayan
✓ Ihanda ang corporal, chalice, purificator, paten, pall sa holy table bago
ang pag-aalay.
✓ Paghawak sa ciborium sa Banal na Komunyon
✓ Pagbibilang ng communants at parishoners
E Before Mass:
✓ Siguruhin na may lamang incense ang incense boat
During Mass:
✓ Tungkulin ang pagiging Boat Bearer.
✓ Laging gabayan ang Thurifer kung sya ay nangngailangan ng tulong sa
paghahanda ng thurible
✓ Sumama sa Thurifer sa Gospel at sa pag-iinsenso sa mga handog, at sa
mga sakramento.
F Before Mass:
✓ Ihanda ang thurible. Siguruhing may sapat na baga ang mga uling
bago ito gamitin ng Pari.
During Mass:
✓ Tungkulin ang pagiging Thurifer.
✓ Ginagamit ang thurible sa procession, Gospel, paghahanda ng mga
handog,

# of swings Who/What are you incensing?


3 triple swings Obispo Maximo at Obispo
3 double swings Ang Banal na Sakramento at ang Pari
3 single swings Ang mga ministro; mga Sakristan; at
(center, right, left) parokyano
Mass Coach Assessment Form

Area of Focus Proficient Area of Focus Proficient


(Y/N) (Y/N)
Arrived 15 min prior Kneeling
Hair Standing
Jewelry Sitting
Cassock length & condition Eyes
Socks Carrying the Cross
Shoes Carrying the Candles
Preparation of the Altar Bell Ringing
Folding Hands Incensing
Handling Items Assistant Minister
Silence Credo
Bowing Prayer over Gifts
Walking

Comments:

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Name of Server: _____________________________________________

Signature of Evaluator/Mass Coach: _______________________ Date: ___________________

Called to Serve
Version 2.0
September2021

You might also like