TEXT 1 Gud ___ po sa lahat. Last week, napag-usapan natin ang mga postures na ating ikinikilos sa Banal na Misa – Pagtayo, Pag-upo at Pagluhod. Ito’y ginagawa natin nang sabay-sabay bilang iisang katawang nagpupuri, nakikinig at sumasamba sa Diyos. 2 Ngayon naman po, pag-usapan naman natin yung mga gestures o yung mga mas maliliit na kilos na ginagamit din upang maisapuso at maisabuhay ang diwa ng liturhiya. May mga gestures na naangkop at hinihingi o ipinapayo na gawin natin. Subali’t may mga kilos ding matatawag na mali o kalabisan at dala lang ng kultura’t kasaysayan dito sa atin. 3 Ang isang gesture na talagang unique sa ating mga Katoliko ay ang “Sign of the Cross” o pag-aantada. Ang sign of the cross ay isang pagpapakita, na ginaganap natin ang misa sa “Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo” at bilang pagpapahiwatig ng ating paniniwala sa iisang Diyos na may tatlong persona. Pansinin po natin na ito’y ginagawa sa “Ngalan” – iisang pangalan lang, na ibinunyag ni Hesus mismo bago Siya umakyat sa langit (Mateo 28:19). Ang sign of the cross ay isang gesture na ginagawa na ng mga Kristiyano kahit noong 2nd century pa lamang. Ang “Triple Sign of the Cross” ay ginagawa sa noo, sa labi at sa dibdib bago basahin ang Mabuting Balita, upang hilingin sa Panginoon na maging bukas ang ating isip at puso, at maging karapatdapat na magpahayag ng Salita ng Diyos. 4 Bago tayo pumapasok sa mga pews o upuan ng simbahan, isang gesture ng paggalang ang pag-genuflect o yung panandaling pagluhod sa isang tuhod. Ang iba’y nagba-bow naman kung mahirap para sa kanila ang genuflection. 5 Ang pagkatok sa dibdib ay ginagawa natin sa tinatawag na “mea culpa” o pag-amin na tayo’y nagkasala, at pagpapakita na ating “dinidibdib” ang ating pagsisisi. Maaari ring katukin ang dibdib sa Agnus Dei o Kordero ng Diyos, sa pagsagot ng “Have mercy on us,” o “Kaawaan mo kami.” 6 Kung talagang dadamhin ang Banal na Misa, maraming beses din na tayo’y yumuyukod o tumutungo. Ang pagyukod at pag-antada ay maaaring gawin pagkatapos ng “mea culpa”, kapag sinabi ng pari na “Kaawaan nawa tayo ng Diyos . . .” Ipinapayo ring tumungo sa “Kyrie” kapag sinabing “Panginoon, kaawaan mo kami.” Pwede ring tumungo sa tuwing mababanggit ang pangalan ni Hesus, halimbawa’y sa “Gloria.” Kapag nagkaroon ng “Asperges” o pagbabasbas ng pari, tayo rin ay tutungo at mag-aantada. Sa panahon ng Annunciaton at Pasko, tumutungo rin tayo sa “Incarnatus” o ang bahagi ng Credo na sinasabing “by the power of the Holy Spirit, was incarnate of the Virgin Mary and became man.” 7 Kung may mga gestures na legitimate o maaaring gawin sa Misa, may mga gestures din na illegitimate o hindi nararapat, lalo na sa ating dumadalo sa Misa. Ang tawag sa mga gestures na ito ay “liturgical abuse.” 8 Ang pinakamadalas na gawing liturgical abuse ay ang paglalahad ng kamay o pagkakapit-kamay sa “Ama Namin.” Ang paglalahad ng kamay ay para sa pari lamang, sapagka’t siya ang namamagitan sa Diyos at kumakatawan kay Kristo. Ang pagkakapit-kamay naman ay nauso lang noong panahon ng Edsa Revolution, nang harangan ng mga relihiyoso’t laiko ang daan ng mga tangke patungo sa Camp Crame upang sugurin ang mga nag-aklas. Ang Simbahan ay hindi Camp Crame at hindi rin kalye. Wala rin tayong pinipigilang mga tanke. Ano ang nararapat na gesture sa Ama Namin kung gayon? Simple lang po. Pagdaupin ang dalawang kamay at tumungo. 9 Isa pang abuse ay sa pagpapahayag ng Kapayapaan. Very common na ang paggawa ng “Peace sign” na nauso noong panahon ng mga “Hippie.” Hindi po tayo mga Hippie. Nababawasan din ang kataimtiman o solemnity ng misa kapag tayo’y umaalis sa upuan upang kamayan o halikan at mag-peace sign sa mga kaibigan, kamag-anak at iba pang tao. Ang simpleng pagbati, pag-kamay o paghalik sa myembro ng pamilya o kaibigan at pagsasabi ng “Peace be with you” nang buong taimtim ay sapat na upang maibahagi ang Kapayapaan ng Diyos sa atin. 10 Hindi rin nakakatakas ang mga pari sa lirutgical abuse. Kapag inanyayahan tayo ng pari sa pagtatapos ng Eucharistic Prayer, na sabihin din ang “Through Him, with Him and In Him”, o “sa pamamagitan ni Kristo, kasama Niya’t sa Kanya,” ito’y lirutgical abuse sapagka’t ang Eucharistic prayer na ito’y para lang sa mga pari. Hindi po tayo dapat na sumasabay dito. 11 At, last na po, isang pagpapakita ng pitagan at paggalang kung, sa pagtatapos ng Misa, ay hintayin nating mag-recess o lumabas na ang pari’t iba pang naglilingkod. Alalahanin natin na ang pari ang “Alter Christus” o kumakatawan kay Hesus sa liturhiya. Kawalang-galang ang ma-late at maunang lumabas ng Simbahan kaysa sa kinatawan ni Hesus, na Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari. 12 Sa mga munting aral na ito, sana’y napalawak ang ating kaalaman at mapalalim ang ating pagpapahalaga’t kataimtiman sa Banal na Misa. Amen.