You are on page 1of 2

HAMON NG KWARESMA

5 Minute Catechesis – 09 March 2014


SLIDES TEXT

Good _____ brothers and sisters..ang pagninilay po natin sa panahong ito ay


nakasentro sa Kuwaresma or season of Lent. Siguro’y dapat na pong
mabago ang pananaw natin about the Lenten season --- nakagisnan na kasi
1
ng marami na kapag binanggit mo ang salitang Kuwaresma – ito’y malungkot,
full of sacrifice and guilt. Yes it’s true there’s a call to repentance at pagninilay
pero siguro’y mas maganda po na maging positibo ang pananaw natin dito.

Lent comes from the Middle English word Lenten which means springtime and
2
its official liturgical color is violet.

Natutunan po natin last Sunday na nung Ash Wednesday nagsisimula ang Lent
o Kuwaresma ending on Holy Thursday. The season of Lent lasts for 40
3 weekdays – di po isinasama sa bilang ang araw ng Linggo…this is because
Sundays are always considered a celebration of the Resurrection of our
Lord…so hindi po siya kasama sa pagpenitensya ng Kuwaresma.

Ang totoong hamon ng Lent sa atin ay ang pagnilayan ang sinasabi ng pari sa
atin noong nilagyan tayo ng abo sa Ash Wednesday… : “Turn away from sin
4 and be faithful to the gospel” or “You are dust, and to dust you shall
return.” It really makes us reflect dipo ba brothers and sisters? Kasi it’s not
everyday na ini-isip natin na may hangganan ang buhay natin.

Ano po ba ang kahalagahan ng 40 days of Lent o Kuwaresma bago mag


Easter Sunday? Ito po ay base sa dalawang kaganapan sa bibliya: iyong una
5 po ay ang 40 years na naglakbay ang mga Israelita sa desierto..at ang
ikalawa naman po ay iyong 40 days where our Lord Jesus fasted and
prayed sa desierto—kung san tinukso siya ni Satanas.

Ipinapaganap ng simbahan ang 40 days pagka’t tulad ng bayang Israel at tulad


6 din ni Hesus, tayo rin po ay dumadaan sa mga pagsubok ng buhay at mga
tukso ng diablo.

Ito po ang dahilan kung bakit tuwing Kuwaresma tayo po ay hinihikayat na mag
7 fasting, mag- abstinence, mangumpisal and to do acts of mercy – ang
lahat ng ito’y ginagawa upang lalo nating matularan ang Panginoong Hesus…
Ayon sa Catechism ng Simbahang Katoliko: Ang panahon at mga araw ng pag
pepenitensya within the liturgical year tulad ng Kwaresma at bawat Biyernes ay
8
maituturing nating mga napakahalagang pagkakataon na makaisa natin ang
Panginoon, kahi’t sa maliit mang bagay, sa kanyang sakripisyo sa Kalbaryo.

Dito po naaangkop ang pagdarasal nang taimtim, pagkakaroon ng


penitential liturgies, mga pilgrimage o pagdalaw sa mga banal na lugar,
lahat bilang pagpapakita ng taos-pusong pagsisisi. Ang kusang-loob na
pagtanggi sa sariling kasiyahan – fasting, abstinence, pagtulong sa mahihirap
9
at pagbabahagi sa kapwa (tulad ng pagbibigay sa mga charity at missionary
works.) (CCC 1438) ay mga acts of voluntary penance upang ipakita ang ating
pagsisisi, sa gayo’y magkamit tayo ng pagpapatawad at mga indulgences o
indulhensya.

Alam nyo po napakahalaga when our Lord Jesus fasted and prayed for 40
10 days and 40 nights sa desierto dahil ito po ang nagsilbing paghahanda ng
kanyang sarili para sa kanyang misyon na magtatapos sa kanyang kamatayan.

Pagpapatunay na si Hesus ang Bagong Adan na pinagtagumpayan ang mga


11 tukso ng demonyo at nanatiling tapat sa Diyos Ama…Hindi tulad ng bayang
Israel na paulit ulit na sumuway sa kalooban ng Diyos doon sa disyerto.

Jesus proved he was God’s Servant ..… malayo sa ipinakitang karupukan


12
ng Bayang Israel

Isn’t Lent a good time to check kung gaano po tayo ka-faithful sa ating
13 Panginoon..? Kung gaano at paano natin pinagsisikapang tupdin ang kanyang
mga kautusan sa ating buhay.

Nawa’y maging mithiin po natin to be one with JESUS… sa panahong ito ng


Kuwaresma… na kapag natapos po ang Kuwaresmang ito ay maging higit na
14
malalim ang ating pagkilala, pananalig at pagmamahal sa Panginoon.
Maraming salamat po.

You might also like