You are on page 1of 2

SEMANA SANTA

5 Min Cathechesis – 13 April 2014

Why do Catholics celebrate Holy Week? The purpose of Holy Week is to reenact, relive, and participate in the
passion of Jesus Christ. Mataimtim po nating ginugunita ang Sakripisyo ng ating Mahal na Panginoon. Para sa
mga Griyegong Kristiyano.. Holy Week is called “Sacred and Great Week”. ..dahil dito’y naging kaugalian ang
pagninilay.. ang pagdarasal..pag-aayuno at pagpe penitensya sa mga kasalanang nagawa.

Ang pagdaraos ng Mahal na Araw ay sinimulan ng mga unang Kristiyano. Tuwing pista ng Passover (isang
pagdiriwang ng mga Hudyo na ginugunita ang pagpapalaya sa mga Hudyo mula sa pagkalipin sa Ehipto), kung
kalian nagsimula ang pasyon o pagdurusa ni Hesus ay matiyaga silang naglalakabay patungong Jerusalem. Dito
ay kanilan inaalala ng buong taimtim ang mga pangyayari noong mga huling araw ng Panginoong Hesus
hanggang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay .

Holy Week starts with Palm Sunday o Linggo ng Palaspas. ..Ipinagdiriwang ng Palm Sunday ang matagumpay na
pagdating ni Hesus sa Herusalem kung saan nagbigay-pugay ang mga tao sa kanyang pagpasok sa Banal na
Lungsod (Matthew 21: 1-9)… Subali’t ilang araw lamang ang lilipas, at ang mga tao ring ito ang mamumuhi sa
kanya at maghahangad ng kanyang kamatayan.

Sa Holy Thursday ginanap ang Huling Hapunan (tinatawag ding Hapunan ng Panginoon o Hapunang Mistiko) ito
ang ang huling pagsasalo sa pagkain ni Hesus at nang kanyang Labindalawang Alagad at iba pang mga disipulo
bago ang kaniyang kamatayan. Dito sa hapunang ito itinatag ng Panginoon ang Sakramento ng Banal na
Eukaristiya.

Sa Biyernes Santo or Good Friday naman, pinagninilayan ang pagdakip, paglilitis, crucifixion, kamatayan, at
paglibing kay Hesus.…Naniniwala ang lahat ng mga Kristiyano na namatay si Hesukristo sa krus para tubusin ang
mundo sa kasalanan. Sa araw na ito, tayo’y nakiki-isa sa Sakripisyo ng Ating Tagapagligtas. Nakakalungkot pong
isipin na nawawala ang pagka sagrado ng araw na ito.

Ang Holy Saturday o Sabado de Gloria ang huling araw ng Holy Week, inaalala sa araw na ito ang paghimlay ng
katawán ni Hesukristo sa kanyan libingan. Habang siya’y nahimlay ay bumabâ naman ang kaniyang káluluwa sa
Sheol (ang tinutukoy na "Kinaroroónan ng mga Yumao" ) upang ipahayag ang Mabuting Balita sa mga kaluluwa
roon at sa gayo’y buksan sa kanila ang pinto ng Langit.

Nang kinilala na ng Emperyong Romano ang pananampalatayang Kristiyano, naglabas ng batas ang mga
emperador ng Western at Eastern Roman empire na nagbabawal di lamang ang anumang kasiyahan o palaro, at
gayon din ang pagtatrabaho, negosyo at mga gawain sa palasyo. Ipinaunawa sa lahat na ang mga banal na araw
ay di dapat mabahiran ng makamundong kasiyahan. Kailangang maglaan ng panahon para sa pagdarasal at
pagninilay.

At di lang yan Nagbibigay pa po ng amnestiya ang emperador upang mapalaya ang mga nakakulong sa piitan. Sa
mga korte naman, iniaatras ang mga reklamo o kaso alang-alang sa kamatayan ni Hesus.

Bilang pagsunod sa kaugaliang ito..minabuti ng mga hari at pinuno sa mga sumunod na siglo na huwag talagang
magtrabaho kapag Holy Week… sila’y nagkukulong sa monasterio upang makapagnilay at makapag dasal.

Sana po ay maibalik natin ang pagiging sagrado ng Mahal na Araw. Let us make a concerted effort to give our
Savior the due importance, reverence and gratefulness through a more solemn observance of the holiest of all
weeks. Kung nais nating matagpuan ang tunay na kahulugan ng ating buhay, kung nais nating maging
makabuluhan ang ating direksyon, then let us honor our Lord Jesus this Holy Week.

**Mga maaring gawin sa Holy Week pls chk OLMC schedule of activities: Maki-isa po tayo sa mga
pagdiriwang na gagawin sa simbahan… we can attend holy mass daily mula Palm Sunday hanggang Holy
Thursday.. mag Visita Iglesia with family and friend sa gabi ng Holy Thursday… isang napaka gandang
tradisyon ng mga Pilipinong Katoliko…tayo po’y mangumpisal…pakinggan at pagnilyan ang 7 Last Words ni
Hesus …o kaya’y sumali sa Good Friday procession.. Ilan lamang ito sa beautiful ways na maging sagrado ang
ating Mahal na Araw.

You might also like