You are on page 1of 2

SEVEN CAPITAL SINS (Ang Pitong Malubhang Kasalanan)

December 8, 2013

Slide 1 Magandang Umaga po. Noong isang Linggo, sinabi natin na ang Advent ay
panahon ng pagtitika o pagsisisisi. Pagsisisi po saan? Sa kasalanan. Kaya’t
ngayong Linggo, sa pagpapatuloy ng ating munting Katesismo, talakayin natin
ang tungkol sa Kasalanan. Mayroon pong pinangalanan ang Simbahan na 7
Capital Sins at ito po ang paksa sa araw na ito.

Slide 2 Sabi ni Pope John Paul II: Ang taimitim na pagdaraos ng Advent ay mabisang
daan patungo kay Kristo. Kung kaya’t samantalahin natin ang panahong ito
upang ihanda ang ating puso sa Kanyang pagdating. Pagnilayan natin kung
paano natin nasaktan si Kristo, at aminin at pagsisisihan ang ating mga
Kasalanan.

Slide 3 Ang Kasalanan ay naglalayo sa atin sa Diyos. Ito ay pagtalikod sa Kanyang


pagmamahal at pagtakwil sa kanyang kagustuhan dahil mas pinipili nating
sundin ang ating makamundong pagnanasa. Ang Kasalanan ay nakakasugat sa
ating pagkatao at nakapagpapalayo ng ating puso sa pagmamahal ng Diyos.

Slide 4 Paano ba tayo hihingi ng awa at kapatawaran sa Diyos? Unang-una, kailangan


muna nating aminin na tayo ay nagkasala. Kaya kilalanin po natin ang 7 Capital
Sins upang mapagnilayan kung anong mga kasalanan ang ating nagawa.

Slide 5 Ang 7 capital sins ay mga kasalanang pinagmumulan pa ng iba pang kasalanan.
Tinatawag itong deadly o nakamamatay sapagka’t sinisikil nito ang pagpasok
ng sanctifying grace (o biyayang nagpapabanal) – ito ang buhay na binibigay ng
Diyos sa sating kaluluwa.

Slide 6 Ang 7 deadly sins ay Pride, Avarice o Greed, Lust, Anger, Gluttony, Envy at
Sloth…Isa-isahin po natin ang mga ito.

Slide 7 Pride (Pagmamataas) – ito ay yung malabis na pagmamahal sa sarili at sariling


kahusayan. Ang isang mapagmataas na tao ay tumatangging isuko ang kanyang
talino at pagpapasya sa Panginoon, at umaayaw ring sumunod sa mga utos ng
Diyos.

Slide 8 Ang Greed o Kasakiman ay ang malabis na pagmamahal sa mga pag-aari at


kayamanan. Ang laging nasa isip ng sakim na tao ay kung paano pa
magkakamal ng mas marami pang kayamanan. Walang kasiyahan o kabusugan
ang taong sakim.

Slide 9 Ang Lust ay malabis na pagnanasa. Karaniwan, iniuugnay ang Lust sa


pagnanasang seksuwal. Ang pagnanasang seksuwal ay nagbubunsod ng iba
pang kasalanan – rape, prostitution, incest, pedophilia, atbp. Ang Lust ay
naiiba sa pagnanais ng mag-asawa na magtalik upang pagsaluhan ang kanilang
pagmamahalan sa loob ng kanilang kasal.

Slide Ang Wrath o Poot ay ang malabis na paghahangad ng paghihiganti. Kapag


10 tayo’y nagalit na nasa tamang katuwiran, ito ay hindi maituturing na
kasalanan. Subali’t kung ito’y gagamitin sa paghihiganti, o nagiging sanhi ng
paglabag sa batas , ito po ay kasalanan.

Slide Ang Gluttony ay kasibaan sa pagkain at inumin. Ang pagkain nang labis sa
11 kaysa kinakailangan ay gluttony. Gayon din ang pagkuha ng sobrang pagkain
na di naman kayang ubusin. At yung pagkain ng bawal sa kalusugan ay
Gluttony rin.
Slide Ang Envy o Inggit ay ang pagnanasa sa pag-aari ng iba. Inggit din po ang
12 pagkainis o kalungkutan sa tagumpay ng iba. Ang Crab mentality nating mga
Pilipino ay dahil sa ating pagkamainngitin.

Totoong maraming namamatay sa inggit.

Slide Ang Sloth o Katamaran ay kakulangan sa pagsusumikap na pisikal o ispirituwal.


13 Ito ay pagsasaisang-tabi ng mga dapat na gawing tungkulin o pag-iwas din sa
sariling pagbabago.

Slide BIlang mga Kristiyano, tayo po ay inaatasang mahalin ang Panginoon nating
14 Diyos nang buong puso, kaluluwa, isip at lakas. Ating ipakita ang pagmamahal
na ito sa pamamagitan nang pangungumpisal sa lalong madaling panahon.
Magsikap din tayong umiwas sa kasalanan sapagka’t mahal natin si Hesus. Nais
natin Siyang patuluyin sa ating puso bilang Panginoon at Tagapagligtas
ngayong panahon ng Advent.

You might also like