You are on page 1of 2

02 Feb 2014 5 Minute Catechism

PLEASE DON’T BE LATE


1 GOOD ________ brothers and sisters.. napaka sarap isipin na nakaka ilang
linggo napo tayong nag fa five minute catechism before the holy
mass.Today ang pag uusapan po natin ay isang topic na lubhang
makakatulong para po lalong lumago ang ating buhay espiritwal.. Wag po
kayong matawa ngunit kailangan po nating pag usapan ang sakit na napaka
Pinoy – wala pong iba kundi ang “kakayahan” natin to be late for
appointments.
2 As Filipinos marami po tayong mga katangian na maaring ipagmalaki o
ipagpasalamat tulad ng pagiging: masipag.. friendly and hospitable,
3 matatag at nakaka bangon sa gitna ng mabibigat na trahedia.. at may
pananalig po tayo sa Diyos… ngunit kung may positive traits po tayo ay
mayroon din naman tayong mga kahinaan… Aminin
4 Halimbawa ng bad attitude : iyong BAHALA na attitude,na we often say ok
nayan kahit di pa –ok..
5 Meron din po tayong Mañana habit—yon pong ipinagpapabukas ang
puede namang gawin ngayon – sa kaka delay natin ayan na de delay rin
ang ating pag-unlad…
Pero iyong isa po talagang kailangang himayin na masamang ugali po ay
Arriving Late-- dahil nadadamay pati na pagsamba natin sa Diyos.
6 Ang “abilidad” o “talent” natin sa pagiging Late o dili kaya’y di talaga
sumisipot sa appointments ay dapat po talagang baguhin.
7 Peligroso po ito sapagkat di lamang pagiging late sa trabaho o sa eskwela
ang pinag uusapan kundi pati narin po pagiging late natin sa banal na misa.
8 Siguro po’y may mga pagkakataon na may valid reason tayo kung kaya’t di
tayo nakarating ON TIME for the mass: like kung tayo’y na aksidente o flat
tire..o may mga alagang bata o maysakit na biglang nasuka o dili kaya’y
nagdudumi.
Pero kung wala rin lang pong totoo at makatarungang dahilan..ay wala po
tayong excuse na ma late po sa misa
9 Ang misa po ay nahahati into 2 main parts: ito ay ang
1) Liturgy of the Word – yun pong panimula, pagbasa at hanggang sa
prayers of the faithful; at
2) the Eucharistic liturgy na nagsisimula sa Offertory hanggang sa
Communion.
10 Ayon po sa Constitution on the Sacred Liturgy, Sacrosanctum Concilium,
No. 56.
Nahati man sa dalawa, They are so closely connected that they form
but one single act of worship." Pareho pong mahalaga ang una at
ikalawang bahagi ng misa.
11 Ang sabi naman po sa Instruction Concerning Worship of the Eucharistic
Mystery, Inaestimabile Donum na inapprove po ni Pope John Paul II noong
1980:
A person should not approach the table of the bread of the Lord without
having first been at the Table of his Word.
Nangangahulugan po na - If you don't bother to get to Mass before the
readings, you may not go to Holy Communion. These are the Pope's words,
not mine.
12 Maari pong i-consider na isang kasalanan ang pagiging late o di pag simba
kapag intentional o sinasadya at kapag sinisira nito ang magandang
ugnayan natin sa Panginoon… our friendship with God.
13 Paka isipin na lang po nating ang Misa ay Espesyal na Pa Anyaya sa atin ng
Panginoon… di po ba kapag may hinanda tayong special dinner o party at
may mga inimbitayong mga bisita –tapos di sila dadalo nang walang pasabi
man lang o kaya’y darating kung kelan patapos na ang handaan..diba
masasaktan tayo ?
14 Ang banal na misa ang maituturing na pinaka espesyal na handaan sa lahat
sapagkat dito’y matatanggap natin mismong Katawan at Dugo ng ating
Panginoong Hesus. Let’s pray for the grace to avoid na talaga being late for
holy mass and all our impt. appointments. Thank you po.

You might also like