You are on page 1of 2

Emmanuel sa Bagong Taon

5 Minute Catechesis – 03 January 2016


Slide TEXT
1 Good ___ brothers and sisters. Natapos na po ang Pasko at Bagong Taon,
pero parang dama pa rin natin ang Pasko, di po ba?. Yun pong mga
nagdaang linggo ng preparasyon para sa season na ito, hindi ba
nakakamangha kung paano tayo lubos na naging busy? Kabi-kabilang
shopping, pag-iisip ng mga pangregalo, pag-iisip din ng ihahanda sa
Pasko’t Bagong Taon, paghahanda sa out-of-town trips, etc.
2 Pero, looking back, at siguro, para na rin sa isang mas malawak na
perspective ngayong Bagong Taon, magbalik-tanaw tayo kung paano ba
natin pinaghandaan ang pagdating ni Hesus. Hindi po siguro maiiwasan
ang pagka-busy natin sa panahon ng Pasko. Busy sa pamilya, mga anak at
inaanak, mga kaibigan at busy din ang iba sa mga gawaing Simbahan.
3 Sa gitna ng kasiyahang ito, ay ang katotohanang marami rin ang nag-iisa,
nalulungkot, natatakot at nangungulila. Yung iba naman, maaring
napapaligiran nga ng pansin at pagmamahal subali’t nahaharap sila sa
mabigat na pagdurusa – may sakit na cancer, may asawang nasa bingit ng
kamatayan, may anak na alibugha.
4 Mayroon din tayong mga kapatid na nasa war-torn areas, yung hindi
natitigil ang digmaan. Lahat sila ay biktima ng kadilimang lumaganap dahil
sa kasalanang nagawa at patuloy na ginagawa natin. Paano nga ba
magdiriwang ang mga taong nasa ganitong nakahahapis na kalagayan?
5 Ito po ang sitwasyon ng mundo, kung kaya’t lalo lang nagiging mas
obvious na kailangan talaga natin ng isang Tagapagligtas. Isang Mesiyas na
mag-aalis ng kadiliman at magpapakita ng pag-asa, pagmamahal at daan
kung saan wala nang lungkot, wala nang sakit, wala nang digmaaan at
wala nang kasalanan.
6 Alalahanin natin na ang Mesiyas na pinakahintay-hintay ng mundo ay
dumating, hindi bilang isang Hari. Bagkus, siya’y isinilang na isang munting
sanggol na mahina at kailangan pa ng pag-aaruga. Lumaki Siya bilang
isang paslit at isang abang karpintero sa mundong may mga ulila, may
sakit, may digmaan, may poot at may pagkahapis. Emmanuel – God with
us, ang Diyos ay kapiling natin.
7 Totoong ang Diyos ay dumating at bagama’t inako Niya ang lahat ng ating
kasalanan, inatasan din Niya tayong maging munting “mesiyas” din sa
ating kapuwa: Pakainin ang nagugutom, painumin ang nauuhaw, bisitahin
ang may sakit at mga bilanggo, maging daan ng kapayapaan.
8 Kung kaya’t matapos tayong magsaya, mag-party, magpalitan ng regalo,
magpakasasa sa pagkain at inumin nitong nakaraang Pasko’t Bagong
Taon, huwag nating sayangin ang ginawa nating preparasyon noong
Advent. Itanong natin sa ating sarili, “Handa ba akong maging “Kristo” sa
aking kapuwa? Handa ba akong patuluyin si Kristo sa aking puso upang
matularan ko ang Kanyang gawa at kaisipan?
9 Ngayong Bagong Taon, sana ay mapatunayan nga natin na si Kristo ay
nasa atin. Emmanuel – God with us. Katulad ni Hesus, damayan nawa
natin ang ating mga kapatid sa kanilang paghihirap;
10 Katulad ni Hesus, maging liwanag nawa tayo na magpapakita ng pag-asa
sa natatakot, nalulungkot, naliligaw at nalilito.

11 Katulad ni Hesus, tanggapin nawa natin ang mga mumunting paghihirap


sa ating buhay at ialay ito bilang panalangin para sa nakararanas ng mas
malubhang pagdurusa;

12 Katulad ni Hesus, nawa’y makapag-ambag tayo ng lunas sa mga hinaharap


na problema ng mga nakapaligid sa atin;

13 Katulad ni Hesus, makapaglaan nawa tayo ng ilang saglit, sa gitna ng ating


kabusy-han, na manalangin sa Diyos, sapagka’t higit itong mahalaga kaysa
anumang tungkuling ating ginagampanan.

14 Sa ating pagpupunyagi na maging katulad ni Hesus, na laging dumadamay


sa mga kapos-palad, umaakay sa mga nawawala, nagbibigay awa sa mga
api at saya sa mga nalulumbay, ay nagiging tunay na kapiling natin si
Hesus. Nagaganap ang tunay na Emmanuel – God is with us, at
napararating natin ang Diyos sa mga taong hindi Siya matagpuan. Manatili
nawa Siya na kapiling natin sa buong taon at sa mga susunod pang
panahon. Happy New Year po sa lahat!

You might also like