You are on page 1of 16

ANG KAHALAGAHAN NG WIKA SA

MGA PANALANGIN AT LITURHIYA SA SEMINARYO

Iniharap sa Kaguruan ng
Departamento ng Pilosopiya,
Seminario Mayor del Santissimo Rosario

nina:
Niño Kevin V. Angeles
George R. Atole
Joseph Arian R. Daza
Wilmark V. de Leon
Rene S. Ramos
Kenneth D. Resureccion
KABANATA I

PANIMULA

1. Panimula

Sa anong pamamaraan pa nga ba makakausap ng tao ang Diyos kung hindi sa pamamagitan

ng panalangin? At sa paanong paraan din ba makakausap ng Diyos ang tao kung hindi sa

pamamagitan rin ng panalangin? Madalas nating maririnig sa ating mga magulang at mga

matatanda na ang pagdarasal ay ang ating pakikipag-ugnayan o komunikasyon sa Diyos. Sa

panalangin, tayo ay nakapagpupuri sa Panginoon, nakapagpapasalamat sa Kanyang kabutihan,

humihingi ng Kanyang kapatawaran at habag, at nagtataas ng ating mga pangangailangan at

mga hinaing. Isa ring panalangin ang tahimik na pagdarasal o silent prayer, kung saan ang

Diyos ang siyang kumakausap sa atin kung bukas an gating puso. Tunay ngang kailangan natin

ang panalangin, hindi lang upang mabuhay, kundi ito ang kagustuhan ng Panginoon, na

“magdasal tayo nang walang humpay” (1 Tesalonika 5:17)

At sino nga ba ang mas nangangailangan ng pagdarasal kundi iyong mga tinawag ng Diyos

at nagdesisyong sumunod sa Kanya sa pagpapari? Tunay ngang bahagi na hindi lamang ng

skedyul kundi ng buhay ng seminaryo at ng mga seminarista ang pagdarasal. Sa katunayan,

bahagi sa apat na aspeto ng paghubog o formation ang aspetong ispritwal, kasama ng mga

aspetong intelektwal, pantao at pastoral. Sa mga apat na aspetong ito ng paghubog, sinasabing

gulugod ang ispitwal na aspeto. Sino nga ba namang seminarista ang nagdesisyong mabuhay

na ibinibigay ang kanyang sarili sa Diyos ang mabubuhay nang hindi lamang makikipag-

ugnayan sa Panginoon na tumawag sa kanya.


Ang mga panalangin at liturhiyang ipinagdiriwang sa seminaryo ay mapapansing hindi

lamang nagkakaiba-iba sa pangkalahatan, kundi nagkakaiba-iba rin maging sa wikang

ginagamit. May mga araw na hindi sa mga pamilyar na wikang Ingles o Bikol ipagdiwang ang

Banal na Misa o darasalin ang orasyon, kundi sa iba pang wika, tulad ng Filipino, at maging

sa mga banyagang wika tulad ng Kastila at Latin. Kung kaya, napagkasunduan ng mga

mananaliksik na suriin kung nakaapekto nga ang pagkakaiba-iba ng wika sa pagninilay ng mga

seminarista sa bawat gawaing ispiritwal sa seminaryo.

2. Pamagat

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Ang Kahalagahan ng Wika sa mga Panalangin

at Liturhiya sa Seminaryo.”

3. Layunin

Ang pananaliksik na ito na nagbibigay linaw sa kahalagahan ng wika sa mga panalangin at

liturhiya sa seminaryo ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:

1. Ano ang kahalagahan ng wika sa antas ng pagninilay sa mga panalangin at liturhiya sa

seminaryo;

2. Sa anong wika pinakanakapagninilay ang mga seminarista sa mga panalangin at

liturhiya; at

3. Mayroon bang pagkakaiba sa antas ng pagninilay sa mga panalangin at liturhiya sa

seminaryo na ipinagdiriwang sa iba’t-ibang wika?


KABANATA II

LITERATURA AT PAG-AARAL

Mahalagang malaman natin sa pagnanaliksik na ito ang kahulugan ng liturhiya. Ayon sa

Saligang Batas tungkol sa Banal na Liturhiya, Sacrosanctum Concilium, isang dokumento ng

Ikalawang Lupon sa Vaticano (Vatican II), ang liturhiya ay ang “pagganap sa makaparing

tungkulin ni Hesukristo. Sa liturhiya, ang pagpapakabanal ng tao ay ipinapahiwatig sa mga tandang

nahihiwatigan sa mga pakiramdam, at naisasagawa sa paraang makakatutugon sa mga tandang ito;

sa liturhiya, ang buong pagsambang pampubliko ay isinasagawa ng Katawang Mistiko ni

Hesukristo, alalaong baga, ng Ulo at ng Kanyang mga miyembro” (blg. 7, talata 2). Kung kaya,

ang liturhiya ay tumutukoy sa Panalangin ng Kristiyano (Officium Divinum o Divine Office)

(tingnan, blg. 83-100), mga Sakramento at Sakramental (tingnan, blg. 59-82), at higit sa lahat, ang

Eukaristiya (tingnan, blg. 47-58).

Kung kaya naman, nang matapos ang Vatican II noong ika-8 ng Disyembre, 1965, ayon na

rin sa parehong dokumento, “masigasig na hinahangad ng Inang Simbahan na ang lahat ng

mananampalataya ay patunguhin sa pakikiisang may ganap na kamalayan at aktibo sa mga

pagdiriwang liturhiko na siyang hinihingi ng likas na katangian ng liturhiya” (blg. 14, talata 1).

At upang lalong lumitaw ang “pakikiisang may ganap na kamalayan at aktibo” sa liturhiya,

pinahintulutan ng parehong dokumento ng konsilyo ang paggamit ng wikang bernakular o sariling

wika sa liturhiya para sa mas ikabubuti ng mga mananampalataya (tingnan, blg. 36, numero 2).

Samantala, tinutukoy naman ng panalangin iyong alin man sa pious exercises (Directory

on Popular Piety and the Liturgy, blg. 7), devotions (ibid., blg. 8), o popular piety (ibid., blg. 9).

Ayon sa parehong dokumentong Directory on Popular Piety and the Liturgy, ang mga ito,
“bagama’t hindi bahagi ng Liturhiya, ay itinuturing na nasa pagkakatugma sa diwa, pamantayan,

at ritmo ng Liturhiya. Bukod dito, [ang mga ito] ay pinapasigla nang ilang antas ng Liturhiya at

pinatutungo ang baying Kristiyano sa Liturhiya” (blg. 10). Ang mga panalanging ito, sa

kalagitnaan ng ikapito at ikalabinglimang siglo, ay ipinagdiriwang na sa wikang bernakular o

sariling wika na kaagapay ng liturhiya, na ipinagdiriwang naman sa wikang Latin (tingnan, blg.

28). Isa sa mga ito ay ang Rosaryo (tingnan, blg. 197-202).

Ayon naman sa That Christ May be Formed in Us, ang manwal ng paghubog na ginagamit

sa Arkidiyosesis ng Caceres, upang “linangin sa mga seminarista ang ispiritwalidad na nagbibigay-

diin hindi lamang sa karaniwang (communal) uri ng panalangin at buhay liturhiko kundi maging

sa panalangin meditativ at afektiv” (p. 22), binagyang-diin ang “pagdiriwang ng Misa sa iba’t

ibang wika (e.g. Ingles, Latin, Kastila, Bikol, at Pilipino)” (idem.) at ang “pagdarasal ng mga

panalanging debosyonal na may ispesyal na diin sa mga debosyon kay Maria” (p. 23).
KABANATA III

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa mga baitang 11

at 12 ng senior high school department ng Diyosesanong Seminaryo ng San Benito, San Fernando,

Camarines Sur, sa unang semestre ng taong-paghubog 2017-2018.

Sa kasalukuyan, may kabuuang 19 na seminarista ang nag-aaral ng senior high school sa

Diyosesanong Seminaryo ng San Benito. Labing-limang mag-aaral na nagmula sa mga ito ang

hiningan ng kanilang mga opinyon at saloobin.

Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondente sa mga baitang 11 at 12 sapagkat sila ang

pinakamadaling makatutugon sa mga pangangailangan sa pananaliksik na ito. Bukod dito, bilang

mga batang nagsisimula pa lamang sa seminaryo, mahalaga ring malaman ang kanilang saloobin

sa pagkakaiba-iba ng wika sa mga panalangin at liturhiya sa seminaryo, at kung paano ito

nakaaapekto sa antas ng kanilang pagninilay.

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga

mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na naglalayong makapangalap ng mga

datos upang masuri ang antas ng pagninilay ng mga seminarista sa mga panalangin at liturhiya sa

seminaryo na ipinagdiriwang sa seminaryo. Ang Banal na Misa ang siyang kumakatawan sa

liturhiya sa kabuuan, at ang Santo Rosaryo naman para sa panalangin. Ipinangkat sa tatlo ang

dating limang wika na ginagamit sa mga panalangin: ang Ingles, lokal na wika na kinabibilangan

ng Filipino at Bikol, at banyagang wika na kinbibilangan ng Kastila at Latin. Tingnan ang kopya

ng sarbey-kwestyoneyr na ginamit ng mga mananaliksik.


Talalahanayan 1

Sarbey-Kyestyoneyr hinggil sa Antas ng Pagninilay sa mga Panalangin at Liturhiya na

Ipinagdiriwang sa Seminaryo

Bilugan ang bilang 4 kung “lubos na sumasang-ayon,” 3 kung “sumasang-ayon,” 2 kung “di-
sumasang-ayon” at 1 kung “lubos na di-sumasang-ayon.”

Ang Banal na Misa [Ingles]


1. Ako ay nakasasabay sa mga tugon sa mga panalangin sa Misa na 4 3 2 1
ipinagdiriwang sa wikang Ingles
2. Ako ay nakapagninilay sa Salita ng Diyos na nakapaloob sa mga pagbasa 4 3 2 1
mula sa Aklat ng Banal na Kasulatan, lalong lalo na sa Ebanghelyo.
3. Ako ay nakapagninilay sa misteryo ng pagpapakasakit, pagkamatay at 4 3 2 1
muling pagkabuhay ng Panginoon na inaalala sa pagdiriwang ng Huling
Hapunan.
4. Tinatanggap ko si Kristo sa Banal na Komunyon. 4 3 2 1
5. Sa kabuuan, ako ay nakakapanalangin at nakapagninilay sa misteryo ng 4 3 2 1
Banal na Misa na ipinagdiriwang sa wikang Ingles
Ang Banal na Misa [Lokal na Wika (Filipino at Bikol)]
1. Ako ay nakasasabay sa mga tugon sa mga panalangin sa Misa na 4 3 2 1
ipinagdiriwang sa mga lokal na wika (Filipino at Bikol).
2. Ako ay nakapagninilay sa Salita ng Diyos na nakapaloob sa mga pagbasa 4 3 2 1
mula sa Aklat ng Banal na Kasulatan, lalong lalo na sa Ebanghelyo.
3. Ako ay nakapagninilay sa misteryo ng pagpapakasakit, pagkamatay at 4 3 2 1
muling pagkabuhay ng Panginoon na inaalala sa pagdiriwang ng Huling
Hapunan.
4. Tinatanggap ko si Kristo sa Banal na Komunyon. 4 3 2 1
5. Sa kabuuan, ako ay nakakapanalangin at nakapagninilay sa misteryo ng 4 3 2 1
Banal na Misa na ipinagdiriwang sa mga lokal na wika (Filipino at
Bikol).
Ang Banal na Misa [Banyagang Wika (Kastila at Latin)]
1. Ako ay nakasasabay sa mga tugon sa mga panalangin sa Misa na 4 3 2 1
ipinagdiriwang sa banyagang wika (Kastila at Latin).
2. Ako ay nakapagninilay sa Salita ng Diyos na nakapaloob sa mga pagbasa 4 3 2 1
mula sa Aklat ng Banal na Kasulatan, lalong lalo na sa Ebanghelyo.
3. Ako ay nakapagninilay sa misteryo ng pagpapakasakit, pagkamatay at 4 3 2 1
muling pagkabuhay ng Panginoon na inaalala sa pagdiriwang ng Huling
Hapunan.
4. Tinatanggap ko si Kristo sa Banal na Komunyon. 4 3 2 1
5. Sa kabuuan, ako ay nakakapanalangin at nakapagninilay sa misteryo ng 4 3 2 1
Banal na Misa na ipinagdiriwang sa banyagang wika (Kastila at Latin).
Ang Santo Rosaryo [Ingles]
1. Ako ay nakasasabay sa mga panalangin ng Santo Rosaryo sa wikang 4 3 2 1
Ingles.
2. Ako ay nakapagninilay sa mga misteryo ng Santo Rosaryo, na walang iba 4 3 2 1
kundi ang buhay ni Hesus kasama si Maria.
Ang Santo Rosaryo [Lokal na Wika (Filipino at Bikol)]
1. Ako ay nakasasabay sa mga panalangin ng Santo Rosaryo sa mga lokal 4 3 2 1
na wika (Filipino at Bikol).
2. Ako ay nakapagninilay sa mga misteryo ng Santo Rosaryo, na walang iba 4 3 2 1
kundi ang buhay ni Hesus kasama si Maria.
Ang Santo Rosaryo [Banyagang Wika (Kastila at Latin)]
1. Ako ay nakasasabay sa mga panalangin ng Santo Rosaryo sa sa 4 3 2 1
banyagang wika (Kastila at Latin).
2. Ako ay nakapagninilay sa mga misteryo ng Santo Rosaryo, na walang iba 4 3 2 1
kundi ang buhay ni Hesus kasama si Maria.

Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa iba’t ibang

mga hanguan sa aklatan gaya ng mga libro, artikulo sa dyaryo, journals at pamanahong-papel na

may kinalaman sa tema ng pananaliksik. Isa pa, may mga datos ding nagmula sa Internet.

Sa bawat estudyante, kukunin ang magkakahiwalay na mean sa bawat isa sa tatlong

pangkat ng wika. Pagkatapos, ang mga datos ay susuriin sa pamamagitan ng istatistikal na

pamamaraang analysis of variance o ANOVA.


KABANATA IV

INTERPRETASYON AT PRESENTASYON NG DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon:

Sa bawat estudyante, ito ang magkakahiwalay na mean sa bawat isa sa tatlong pangkat ng

wika. Dahil ito ay mean, 1 ang maaring pinakamababang iskor at 4 naman ang pinakamataas.

Talahanayan 2

Mean ng Bawat Pangkat ng Wika sa Bawat Estudyante

Pansinin ang susunod na talahanayan, kung saan ipinapakita ang buod ng mga datos.
Talahanayan 3

Ang susunod ay ang grapikal na representasyon ng mga datos sa tatlong pangkat ng wika

at ang kani-kanilang mga mean at standard deviation.

Grap 1

Mean at Standard Deviation sa Bawat Pangkat ng Wika


Mapapansin sa grap na ito na halos pantay ang antas ng pagninilay sa mga liturhiya at

panalangin na dinarasal sa wikang Ingles at sa mga lokal na wika, ang Filipino at Bikol. Sa

kabilang dako, higit na mas mataas ang mga ito kung ikukumpara sa mga banyagang wika, ang

Latin at Kastila. Datapwat, ang may pinakamataas na antas ng pagninilay na may mean na 3.43 at

standard deviation na 0.4581 ay ang mga lokal na wika, Filipino at Bicol, na hindi nalalayo at

halos pantay sa Ingles, na may mean na 0.4333 at may standard deviation na 0.4635.

Pinakamababa naman ang banyagang wika, na may mean na 2.6667 at standard deviation na

0.6701.

Ang sumusunod ay ang talahanayan ng pagkompyut sa pamamaraang statistikal na analysis

of variance (ANOVA).

Talahanayan 4

Ang level of significance ay isinet sa ɑ = 0.05. Ang value ng p sa degrees of freedom na (2,

42) sa nasabing level of significance ay 0.000272. At dahil mas kaunti ang value ng p kung

ikukumpara sa nakompyut na F na may valueng 10.04712, ang resulta ay sinasabing significant.


KABANATA V

KONKLUSYON

1. Konklusyon

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod

na kongklusyon:

1. Ang kahalagahan ng wika sa antas ng pagninilay sa mga panalangin at liturhiya sa

seminaryo ay inilahad sa Kabanata 2, Literatura at Pag-aaral, at maging sa mga

ipinakitang resulta at datos sa Kabanata 4, Interpretasyon at Presentasyon ng mga

Datos;

2. Sa mga lokal na wikang Bikol at Filipino pinakanakapagninilay ang mga

seminarista sa mga panalangin at liturhiya, bagama’t hindi nalalayo ang antas ng

pagninilay sa mga panalanging dinarasal sa Ingles; at

3. Mayroong pagkakaiba sa antas ng pagninilay sa mga panalangin at liturhiya sa

seminaryo na ipinagdiriwang sa iba’t-ibang wika.

2. Rekomendasyon

Kaugnay sa pag-aaral na naisagawa at sa mga resulta na natamo, buong-

pagpapakumbabang inererekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

a. Para sa iba pang mga mananaliksik, ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral na ito sa

pamamagitan ng pagpapalaki sa mga bilang ng respondente o maging sa katayuan ng mga

respondente, halimbawa, ang pagsarbey sa mga nag-aaral ng junior high school, o kaya

naman ay iyong mga nag-aaral ng pilosopiya at teolohiya. Maaari ring ipagpatuloy ang
pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pagkuha ng mga respondente mula sa ibang seminaryo

o bahay-hubugan (formation houses).


b. Bibliograpi

Aklat

Holy Rosary Major Seminary (2002). That Christ May be Formed in Us (Vol. 2, pp. 22-23). Naga
City: Willprint

Web Sources

Pope Paul VI (1965, December 4). Constitution on the Sacred Liturgy. Sacrosanctum Concilium.
Retrieved from
http://www.vatican.va/archive/hist_councils/ii_vatican_council/documents/vat-
ii_const_19631204_sacrosanctum-concilium_en.html

Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments (2001, December).
Directory on Popular Piety and the Liturgy. Principles and Guidelines. Retrieved from
http://www.vatican.va/roman_curia/congregations/ccdds/documents/rc_con_ccdds_doc_2
0020513_vers-direttorio_en.html
c. Resume ng mga Mananaliksik

Pangalan: ANGELES, NIÑO KEVIN V.


Araw ng Kapanganakan: Pebrero 27, 1995
Tirahan: Bahi, Garchitorena, Camarines Sur
Ama: Rogelio Angeles Trabaho: Magsasaka
Ina: Cecille V. Angeles Trabaho: Maybahay

EDUKASYON
Mababang Paaralan: Paaralang Elementarya ng Bahi 2007
Mataas na Paaralan: Pambansang Mataas na Paaralan ng Bahi 2007
Kolehiyo: Seminario Mayor del Santissimo Rosario Kasalukuyan

Kasabihan: “Ang oras ay oras lamang.” (Time is just time.)

Pangalan: ATOLE, GEORGE R.


Araw ng Kapanganakan: Marso 1, 1999
Tirahan: Belen St., Goa, Camarines Sur
Ama: Rolly F. Atole Trabaho: Mensahero
Ina: Nancy R. Atole Trabaho: Guro

EDUKASYON
Mababang Paaralan: Paaralang Sentral ng Goa 2011
Mataas na Paaralan: Pambansang Mataas na Paaralan ng San Rafael 2015
Kolehiyo: Seminario Mayor del Santissimo Rosario Kasalukuyan
Iba pang Paaralan: Seminario Propedeutico del Santissimo Rosario 2016

Kasabihan: “Ang oras ay pilak.” (Time is silver.)

Pangalan: DAZA, JOSEPH ARIAN R.


Araw ng Kapanganakan: Mayo 20, 1998
Tirahan: 076 Antipolo Young, Nabua, Camarines Sur
Ama: Alexander D. Daza Trabaho: Mangangalakal
Ina: Renee R. Daza Trabaho: Maybahay

EDUKASYON
Mababang Paaralan: Huwarang Paaralang Sentral ng Nabua 2011
Mataas na Paaralan: Pambansang Mataas na Paaralan ng Nabua 2015
Kolehiyo: Seminario Mayor del Santissimo Rosario Kasalukuyan
Iba pang Paaralan: Seminario Propedeutico del Santissimo Rosario 2016

Kasabihan: “Mahalin at paglingkuran ang Panginoon.”


Pangalan: DE LEON, WILMARK V.
Araw ng Kapanganakan: Setyembre 7, 1998
Tirahan: Antipolo, Minalabac, Camarines Sur
Ama: Wilson M. de Leon
Ina: Susan V. de Leon

EDUKASYON
Mababang Paaralan: Paaralang Elementarya ng Irayang Solong 2011
Mataas na Paaralan: Pambansang Mataas na Paaralan ng Antipolo 2015
Kolehiyo: Seminario Mayor del Santissimo Rosario Kasalukuyan

Kasabihan: “Upang malaman ang mabuti, kailangan ay gawin ito.” (To know
the good is to do it.)

Pangalan: RAMOS, RENE S.


Araw ng Kapanganakan: Enero 14, 1998
Tirahan: Zone 7 Pamukid, San Fernando, Camarines Sur
Ama: Reace A. Ramos
Ina: Margie S. Ramos

EDUKASYON
Mababang Paaralan: Paaralang Elementarya ng Pamukid 2010
Mataas na Paaralan: Pambansang Mataas na Paaralan ng PAmukid 2014
Kolehiyo: Seminario Mayor del Santissimo Rosario Kasalukuyan

Kasabihan: “Mabuhay hanggang sa kapuspusan.” (Live life to the fullest.)

Pangalan: RESURECCION, KENNETH D.


Araw ng Kapanganakan: Abril 5, 1998
Tirahan: Zone 2 Grijalvo, San Fernando, Camarines Sur
Ama: Nelson Resureccion
Ina: Amor Resureccion

EDUKASYON
Mababang Paaralan: Paaralang Sentral ng San Fernando 2010
Mataas na Paaralan: Pambansang Mataas na Paaralan ng Camarines Sur 2014
Kolehiyo: Bicol State College of Applied Science and Technology 2015
Seminario Mayor del Santissimo Rosario Kasalukuyan

Kasabihan: “Ang umibig at ibigin.” (To love and to be loved.)

You might also like