You are on page 1of 10

CONFESSION

KUMPISAL

Si Hesus ang nagtatag ng Sakramento ng Kumpisal nang sabihin niya sa mga apostol: Tulad nang isinugo ako ng Ama, isinusugo ko rin kayo. Tanggapin ninyo ang Espirito Santo. Patatawarin ang mga kasalanan ninuman na inyong patawarin; at pananatilihin naman sa sinuman ang inyong panatilihin. (Juan 20:22-23)

KUMPISAL
Kailangan nating lahat ang Sakarmento ng Kumpisal dahil lahat tayo ay makasalanan.

KUMPISAL
Dapat bang mangumpisal sa pari?
Hindi tama na ating sabihin na walang kabuluhan ang pagkukumpisal sa pari bagkus ay magkumpisal ng kasalanan nang tuwiran sa Diyos. Ibinigay ni Hesus ang magpatawad ng mga kasalanan kay Pedro, sa mga apostol at sa kanilang mga kahalili.

KUMPISAL
Ang Parabola ng Alibughang Anak.

Bunga ng Kumpisal
Pinapawi ng kumpisal ang lahat ng mga kasalanan at binibigyan tayo ng grasyang nagpapabanal.
*

* Tayo ay Pinagkakasundo sa Simbahan


Ang indulhensya ay ang pagpapatawad sa temporal na parusa sa kasalanan.

Ang Ministro
Ang Ministro ng kumpisal ay ang Obispo at ang pari. Hindi maaaring ibunyag ng pari ang mga kasalanang ikinumpisal

Sino ang makatanggap ng sakramento ng Kumpisal?


Ang bawat Katolikong Kristyano ay makatanggap ng Sakarmento ng Kumpisal kung pagsisihan niya ang kanyang mga kasalanan at mangakong hindi na magkasalanang muli. Dapat tayong mangumpisal tuwing tayo ay nakagagawa ng kasalanang mortal.

Paraan ng Pagkumpisal
Bago tumanggap ng Sakramento ng Kumpisal, kailangan natin usisain ang ating budhi, magsisi sa ating mga kasalanan, at mangakong hindi na muling gagawa ng kasalanan. Sa pag-uusisa ng budhi, kailangan natin ng masusing pagsusuri sa tulong ng Sampung Utos ng Diyos.

Sampung Utos ng Diyos


1. Ako ang Panginoon mong Diyos, huwag kayong magkaroon ng ibang diyos maliban sa akin. 2. Huwag ninyong gamitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos nang walang kabuluhan. 3. Tandaan at ipangiling ninyo ang banal na araw ng Panginoon. 4. Igalang ninyo ang inyong ama at inyong ina. 5. Huwag kayong papatay 6. Huwag kayong mangangalunya 7. Huwag kayong magnanakaw 8. Huwag kayong sasaksi nang walang katotohanan sa inyong kapwa 9. Huwag ninyong pagnasaan ang asawa ng inyong kapwa. 10. Huwag ninyong pagnasaan ang pag-aari ng inyong kapwa

You might also like