You are on page 1of 225

ITINUTURO NG BIBLIYA

ANO BA Talaga
ANG ITINUTURO
NG BIBLIYA?
bh-TG
ANO BA Talaga
ANG ITINUTURO
NG BIBLIYA?
ANG AKLAT NA ITO AY KAY

Pinagkunan ng mga larawan: ˛ Pahina 7: Courtesy American Bible Society


˛ Pahina 19: Lupa: NASA photo ˛ Pahina 24-5: WHO photo by Edouard Boubat
˛ Pahina 88-9: Pagsabog: Based on USAF photo;
bata: Based on WHO photo by W. Cutting

5 2005
Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
Reserbado ang Lahat ng Karapatan
MGA TAGAPAGLATHALA
Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.
Brooklyn, New York, U.S.A.
Inilimbag 2009
Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi
ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya
na tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon.
Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatan
ay mula sa makabagong-wikang
Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
What Does the Bible Really Teach?
Tagalog (bh-TG)
Made in the United States of America
Gawa sa Estados Unidos ng Amerika
MGA NILALAMAN

KABANATA PAHINA
Ito ba ang Layunin ng Diyos? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 3
1. Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 8
2. Ang Bibliya—Isang Aklat Mula sa Diyos 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 18
3. Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 27
4. Sino si Jesu-Kristo? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 37
5. Ang Pantubos—Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos 9 9 9 9 9 47
6. Nasaan ang mga Patay? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 57
7. Ang Tunay na Pag-asa Para sa
Iyong Namatay na mga Mahal sa Buhay 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 66
8. Ano ba ang Kaharian ng Diyos? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 76
9. Nabubuhay Na ba Tayo sa “mga Huling Araw”? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 86
10. Mga Espiritung Nilalang
—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 96
11. Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa? 9 9 9 9 9 9 106
12. Pamumuhay sa Paraang Nakalulugod sa Diyos 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 115
13. Ang Makadiyos na Pangmalas sa Buhay 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 125
14. Kung Paano Magiging
Maligaya ang Iyong Buhay Pampamilya 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 134
15. Ang Pagsambang Sinasang-ayunan ng Diyos 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 144
16. Manindigan Ka Para sa Tunay na Pagsamba 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 154
´
17. Maging Malapıt sa Diyos sa Panalangin 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 164
18. Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 174
19. Manatili sa Pag-ibig ng Diyos 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 184
Apendise 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 194
Ito ba ang Layunin ng Diyos?
MAGBASA ka ng kahit na anong diyaryo.
Manood ka ng telebisyon, o makinig sa ra-
dyo. Napakaraming kuwento ng krimen,
digmaan, at terorismo! Pag-isipan mo na-
man ang sarili mong mga kabalisahan.
Marahil ay lubha kang nababagabag dahil
sa pagkakasakit o pagkamatay ng isang ma-
hal sa buhay. Maaaring nadarama mo ang
gaya ng nadama ng mabuting taong si Job,
na nagsabing siya ay “tigmak ng kapighati-
an.”—Job 10:15.
Tanungin ang iyong sarili:
ˇ Ito ba ang layunin ng Diyos para sa
akin at sa buong sangkatauhan?
ˇ Saan ako makasusumpong ng tulong
para malutas ang mga problema ko?
ˇ May pag-asa pa kayang makita natin
ang kapayapaan sa lupa?
Ang Bibliya ay nagbibigay ng kasiya-
siyang mga sagot sa mga tanong na ito.
4

ITINUTURO NG BIBLIYA
NA PAIIRALIN NG DIYOS ANG
MGA KALAGAYANG ITO SA LUPA.

“Papahirin niya ang bawat luha sa


kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon
ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng
paghiyaw o ng kirot pa man.”—Apocalipsis 21:4

“Aakyat ang pilay


na gaya ng lalaking usa.”
—Isaias 35:6

“Madidilat
ang mga mata
ng mga bulag.”
—Isaias 35:5
“Ang lahat ng nasa mga alaalang
libingan ay . . . lalabas.”
—Juan 5:28, 29

“Walang sinumang
tumatahan
ang magsasabi:
‘Ako ay may sakit.’ ”
—Isaias 33:24

“Magkakaroon ng
saganang butil sa lupa.”
—Awit 72:16
6 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

MAKINABANG SA ITINUTURO NG BIBLIYA


Huwag kaagad ipagpalagay na ang ini-
haharap sa naunang mga pahina ay
pangangarap lamang nang gising. Na-
ngako ang Diyos na tutuparin niya ang
mga bagay na ito, at ipinaliliwanag ng
Bibliya kung paano niya gagawin ito.
Ngunit higit pa riyan ang
maitutulong ng Bibliya. Ini-
lalaan nito ang susi sa
pagtatamasa mo ng isang
tunay na kasiya-siyang bu-
hay maging sa ngayon.
Pag-isipan mo sandali ang
iyong mga kabalisahan at
mga problema. Maaaring
kabilang dito ang kawalan
ng pera, problema sa pa-
milya, mahinang kalusugan,
o pagkamatay ng isang minama-
hal. Matutulungan ka ng Bibliya na
harapin ang mga problema sa ngayon,
at mabibigyan ka nito ng kaginhawahan sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na tulad nito:

ˇ Bakit tayo nagdurusa?


ˇ Paano natin mahaharap ang mga kabalisahan sa buhay?
ˇ Paano magiging mas maligaya ang ating buhay pampamilya?
ˇ Ano ang nangyayari sa atin kapag namatay tayo?
ˇ Makikita pa kaya nating muli ang ating mga mahal sa buhay
na namatay na?
ˇ Paano tayo makatitiyak na tutuparin ng Diyos ang kaniyang
mga pangako para sa hinaharap?
Ito ba ang Layunin ng Diyos? 7

Ang pagbabasa mo ng aklat na ito ay nagpapakitang nais


mong malaman ang itinuturo ng Bibliya. Matutulungan ka ng
aklat na ito. Mapapansin mo na ang mga parapo ay may katum-
bas na mga tanong sa ibaba ng pahina. Milyun-milyon na ang
nasiyahan sa paggamit ng tanong-sagot na pamamaraan kapag
tinatalakay ang Bibliya kasama ng mga Saksi ni Jehova. Umaasa
kaming masisiyahan ka rin dito. Nawa’y pagpalain ka ng Diyos
habang tinatamasa mo ngayon ang kapana-panabik at kasiya-
siyang karanasan na malaman kung ano talaga ang itinuturo ng
Bibliya!

MAGING PAMILYAR SA IYONG BIBLIYA


BINUBUO ng 66 na mga aklat at mga liham ang Bibliya. Hinati
ang mga ito sa mga kabanata at talata para mas madaling hana-
pin ang mga teksto. Kapag binabanggit ang mga teksto sa publika-
syong ito, ang unang numero pagkatapos ng pangalan ng aklat ay
tumutukoy sa kabanata ng aklat o liham ng Bibliya, at ang kasunod
na numero naman ay tumutukoy sa talata. Halimbawa, ang teks-
tong “2 Timoteo 3:16” ay nangangahulugang ikalawang liham kay
Timoteo, kabanata 3, talata 16.
Madali kang magiging pamilyar sa Bibliya kung hahanapin mo
sa iyong Bibliya ang mga tekstong binabanggit sa publikasyong
ito. Gayundin, bakit hindi pasimulan ang isang programa ng araw-
araw na pagbabasa ng Bibliya? Kung magbabasa ka ng tatlo hang-
gang limang kabanata bawat araw, mababasa mo ang buong Bi-
bliya sa loob ng isang taon.
KABANATA 1

Ano ba ang Katotohanan


Tungkol sa Diyos?
Talaga bang nagmamalasakit sa iyo ang Diyos?
Anong uri siya ng Diyos? May pangalan ba siya?
´ ´
Posible bang mapalapıt sa Diyos?

NAPAPANSIN mo ba kung paano magtanong ang mga bata? Ma-


rami ang nagsisimulang magtanong sa sandaling matuto silang
magsalita. Mababanaag sa kanilang mga mata ang pananabik na
magtanong sa iyo ng mga bagay na gaya ng: Bakit po asul ang ku-
lay ng langit? Bakit po kaya kumukutitap ang mga bituin? Sino
po ba ang nagturo sa mga ibon na umawit? Maaaring pagsika-
pan mong mabuti na sagutin ang mga ito, pero hindi ito laging
madali. Kahit ang pinakamahusay mong sagot ay
maaaring sundan nila ng isa pang tanong: Ba-
kit po?
2 Hindi lamang ang mga bata ang nag-

tatanong. Habang lumalaki tayo, patuloy


tayong nagtatanong. Ginagawa natin ito
para makarating sa ating pupuntahan, ma-
laman ang mga panganib na dapat nating
iwasan, o masapatan ang ating pagiging
mausisa. Ngunit maraming tao ang waring
tumigil na sa pagtatanong, lalo na
ng pinakamahahalagang katanu-
ngan. Sa paanuman, hindi na sila
naghahanap ng mga kasagutan.
3 Pag-isipan ang tanong na nasa

1, 2. Bakit kadalasan nang mabuti ang magtanong?


3. Bakit marami ang tumigil na sa pagsisikap na mala-
man ang mga sagot sa pinakamahahalagang tanong?
Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos? 9

pabalat ng aklat na ito, ang mga tanong sa paunang salita, o ang


mga tanong sa pasimula ng kabanatang ito. Ang mga ito ay ilan
lamang sa pinakamahahalagang bagay na puwede mong itanong.
Pero maraming tao ang sumuko na sa paghahanap ng mga sagot.
Bakit? Nasa Bibliya ba ang mga sagot? Inaakala ng iba na napaka-
hirap maunawaan ang mga sagot nito. Nag-aalala naman ang iba
na baka nakakahiyang magtanong. At sinasabi ng iba na ang ga-
yong mga tanong ay masasagot lamang ng relihiyosong mga lider
at mga guro. Ano sa palagay mo?
4 Malamang na interesado kang malaman ang mga sagot sa

mahahalagang katanungan sa buhay. Walang-alinlangang naiisip


mo rin kung minsan: ‘Ano kaya ang layunin ng buhay? Ganito na
lamang ba ang buhay? Anong uri talaga Siya ng Diyos?’ Mabu-
ting itanong ang mga bagay na ito, at mahalaga na huwag kang
tumigil hanggang sa masumpungan mo ang kasiya-siya at ma-
aasahang mga sagot. Ganito ang sinabi ng tanyag na gurong si
Jesu-Kristo: “Patuloy na humingi, at ibibigay ito sa inyo; patuloy
na maghanap, at kayo ay makasusumpong; patuloy na kumatok,
at bubuksan ito sa inyo.”—Mateo 7:7.
5 Kung ‘patuloy mong hahanapin’ ang mga sagot sa mahaha-

lagang tanong na ito, masusumpungan mo na ang paghahanap


dito ay maaaring maging lubhang kasiya-siya. (Kawikaan 2:1-5)
Anuman ang maaaring sinabi sa iyo ng ibang tao, may sagot sa
mga tanong na ito, at puwede mong masumpungan ang mga ito
—sa Bibliya. Hindi naman mahirap unawain ang mga sagot. Higit
pa rito, nagdudulot ang mga ito ng pag-asa at kagalakan. At ma-
tutulungan ka ng mga ito na magkaroon ng kasiya-siyang buhay
ngayon. Bilang pasimula, isaalang-alang natin ang isang tanong
na gumugulo sa isipan ng maraming tao.
MANHID BA AT WALANG MALASAKIT ANG DIYOS?
6 Ipinalalagay ng maraming tao na ang sagot sa tanong na iyan
ay oo. ‘Kung nagmamalasakit ang Diyos,’ ang sabi nila, ‘tiyak
na ibang-iba sana ang daigdig, hindi ba?’ Nakikita natin sa ating
4, 5. Ano ang ilan sa pinakamahahalagang bagay sa buhay na maaari nating
itanong, at bakit natin dapat hanapin ang mga sagot?
6. Bakit maraming tao ang nag-aakala na ang Diyos ay walang malasakit sa pag-
durusa ng tao?
10 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

paligid ang isang daigdig na punung-puno ng digmaan, poot, at


kahapisan. At bilang mga indibiduwal, tayo ay nagkakasakit, nag-
durusa, at namamatayan ng mga mahal sa buhay. Kaya naman,
marami ang nagsasabi, ‘Kung nagmamalasakit ang Diyos sa atin
at sa ating mga problema, tiyak na hindi niya hahayaang mang-
yari ang gayong mga bagay, hindi ba?’
7 Ang masaklap pa rito, naiimpluwensiyahan kung minsan ng

relihiyosong mga guro ang mga tao na isiping manhid ang Diyos.
Paano? Kapag may nangyayaring sakuna, sinasabi nila na kaloo-
ban ito ng Diyos. Sa diwa, sinisisi ng gayong mga guro ang Diyos
sa masasamang bagay na nangyayari. Iyan ba ang katotohanan
hinggil sa Diyos? Ano ba talaga ang itinuturo ng Bibliya? Su-
masagot ang Santiago 1:13: “Kapag nasa ilalim ng pagsubok,
huwag sabihin ng sinuman: ‘Ako ay sinusubok ng Diyos.’ Sa-
pagkat sa masasamang bagay ay hindi masusubok ang Diyos ni
sinusubok man niya ang sinuman.” Kaya hindi ang Diyos
ang pinagmumulan ng kabalakyutan na nakikita mo sa daig-
dig sa palibot mo. (Job 34:10-12) Totoo, pinahihintulutan niyang
mangyari ang masasamang bagay. Ngunit may malaking pagka-
kaiba ang pagpapahintulot na mangyari ang isang bagay at ang
pagiging sanhi nito.
8 Halimbawa, sabihin natin na isang matalino at maibiging

ama ang may malaki nang anak na nakapisan pa rin sa kaniyang


mga magulang. Nang magrebelde ang anak at magpasiyang uma-
lis na sa bahay, hindi siya pinigilan ng kaniyang ama. Masama
ang naging pamumuhay ng anak at nasuong ito sa gulo. Ang ama
ba ang sanhi ng mga problema ng kaniyang anak? Hindi. (Lucas
15:11-13) Sa katulad na paraan, hindi pinipigilan ng Diyos ang
mga tao kapag pinili nilang tahakin ang isang masamang landa-
sin, ngunit hindi siya ang sanhi ng mga problemang bunga nito.
Kung gayon, tiyak na hindi makatuwirang sisihin ang Diyos sa la-
hat ng problema ng sangkatauhan.
7. (a) Paano naimpluwensiyahan ng relihiyosong mga guro ang marami na isi-
ping manhid ang Diyos? (b) Ano ba talaga ang itinuturo ng Bibliya hinggil sa
mga pagsubok na maaaring nararanasan natin?
8, 9. (a) Paano mo mailalarawan ang pagkakaiba ng pagpapahintulot na umi-
ral ang labis na kasamaan at ng pagiging sanhi nito? (b) Bakit magiging
di-makatuwiran kung pupunahin natin ang pasiya ng Diyos na pahintulutan
ang sangkatauhan na itaguyod ang isang masuwaying landasin?
Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos? 11

9 May mabubuting dahilan ang Diyos kung bakit pinahintu-


lutan niya ang sangkatauhan na tahakin ang isang masamang
landasin. Bilang ating marunong at makapangyarihang Mayla-
lang, hindi niya kailangang ipaliwanag sa atin ang kaniyang mga
dahilan. Gayunman, dahil sa pag-ibig ay ginawa ito ng Diyos.
Marami ka pang matututuhan hinggil sa mga dahilang ito sa Ka-
banata 11. Ngunit makatitiyak ka na hindi ang Diyos ang dahilan
ng mga problemang kinakaharap natin. Sa kabaligtaran, ibinibi-
gay niya sa atin ang tanging pag-asa para malutas ang mga ito!
—Isaias 33:2.
10 Karagdagan pa, ang Diyos ay banal. (Isaias 6:3) Nanganga-

hulugan ito na siya ay dalisay at malinis. Walang mababakas


na kasamaan sa kaniya. Kaya lubusan tayong makapagtitiwa-
la sa kaniya. Pero hindi tayo makapagtitiwala nang ganiyan sa
mga tao, yamang nagiging tiwali sila kung minsan. Kahit ang
pinakamatapat na taong may awtoridad ay madalas na walang ka-
pangyarihang lunasan ang pinsalang idinudulot ng masasamang
tao. Ngunit ang Diyos ay makapangyarihan-sa-lahat. Kaya niya at
talagang aalisin niya ang lahat ng naging epekto ng labis na ka-
samaan sa sangkatauhan. Kapag kumilos ang Diyos, wawakasan
niya ang kasamaan magpakailanman!—Awit 37:9-11.
ANO ANG NADARAMA NG DIYOS HINGGIL SA
KAWALANG-KATARUNGANG NARARANASAN NATIN?
11 Samantala, ano kaya ang nadarama ng Diyos hinggil sa

nangyayari sa daigdig at sa iyong buhay? Una sa lahat, itinu-


turo ng Bibliya na ang Diyos ay “maibigin sa katarungan.” (Awit
37:28) Kaya naman napakahalaga sa kaniya kung ano ang tama
at kung ano ang mali. Kinapopootan niya ang lahat ng uri ng
kawalang-katarungan. Sinasabi ng Bibliya na ang Diyos ay “nasak-
tan sa kaniyang puso” nang mapuno ng kasamaan ang daigdig
noon. (Genesis 6:5, 6) Hindi nagbabago ang Diyos. (Malakias 3:6)
Kinapopootan pa rin niya ang pagdurusang nagaganap sa bu-
ong daigdig. At ayaw ng Diyos na makitang nagdurusa ang mga
10. Bakit tayo makapagtitiwala na aalisin ng Diyos ang mga epekto ng labis na
kasamaan?
11. (a) Ano ang nadarama ng Diyos hinggil sa kawalang-katarungan? (b) Ano
ang nadarama ng Diyos hinggil sa iyong pagdurusa?
12 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

tao. “Siya ay nagmamalasakit sa inyo,” ang sabi sa Bibliya.—1 Pe-


dro 5:7.
12 Paano tayo nakatitiyak na ayaw ng Diyos na makitang may

nagdurusa? Heto pa ang karagdagang patotoo. Itinuturo ng Bibli-


ya na ang tao ay ginawa ayon sa larawan ng Diyos. (Genesis 1:26)
Kaya may mabubuting katangian tayo dahil may mabubuting ka-
tangian ang Diyos. Halimbawa, nababagabag ka ba kapag nakikita
mong nagdurusa ang inosenteng mga tao? Kung nababagabag
ka sa kawalang-katarungang ito, makatitiyak ka na mas matindi pa
ang nadarama ng Diyos hinggil dito.
13 Ang isa sa pinakamabubuting katangian ng tao ay ang kakaya-

hang umibig. Nakikita rin dito ang katangian ng Diyos. Itinuturo


ng Bibliya na “ang Diyos ay pag-ibig.” (1 Juan 4:8) Umiibig tayo
dahil umiibig ang Diyos. Pakikilusin ka ba
Kung nais mong ng pag-ibig upang wakasan ang pagduru-
makilala ka ng isang
tao, hindi ba sinasabi
sa at kawalang-katarungang nakikita mo sa
mo sa kaniya ang daigdig? Kung may kapangyarihan kang ga-
iyong pangalan? win iyan, gagawin mo ba ito? Siyempre
Isinisiwalat sa atin ng naman! Makatitiyak ka rin na wawakasan
Diyos ang kaniyang ng Diyos ang pagdurusa at kawalang-kata-
pangalan sa Bibliya
rungan. Ang mga pangakong binanggit sa
paunang salita ng aklat na ito ay hin-
di lamang mga pangarap o mga pag-asang
walang saligan. Tiyak na magkakatotoo
ang mga pangako ng Diyos! Ngunit para
makapagtiwala sa gayong mga pangako, ka-
ilangan mong makilala pa nang higit ang
Diyos na nangako ng mga ito.
NAIS NG DIYOS NA MAKILALA MO SIYA
14 Kung nais mong makilala ka ng isang

tao, ano ang malamang na gagawin mo?

12, 13. (a) Bakit tayo nagtataglay ng mabubuting


katangian na gaya ng pag-ibig, at paano naaapektu-
han ng pag-ibig ang ating pangmalas sa daigdig?
(b) Bakit ka nakatitiyak na talagang may gagawin
ang Diyos hinggil sa mga problema sa daigdig?
14. Ano ang pangalan ng Diyos, at bakit natin da-
pat gamitin ito?
Itinuturo ng Bibliya
na si Jehova ang maibiging
Maylalang ng uniberso

Hindi mo ba sasabihin sa taong iyon ang pangalan mo? May pa-


ngalan ba ang Diyos? Maraming relihiyon ang nagsasabi na ang
pangalan niya ay “Diyos” o “Panginoon,” ngunit ang mga ito ay
hindi naman personal na mga pangalan. Mga titulo ang mga ito,
kung paanong ang “hari” at “presidente” ay mga titulo rin. Itinu-
turo ng Bibliya na maraming titulo ang Diyos. Kabilang sa mga
ito ang “Diyos” at “Panginoon.” Gayunman, itinuturo rin ng Bi-
bliya na may personal na pangalan ang Diyos: Jehova. Sinasabi
ng Awit 83:18: “Ikaw, na ang pangalan ay Jehova, ikaw lamang
ang Kataas-taasan sa buong lupa.” Kung wala ang pangalang iyan
sa salin ng iyong Bibliya, baka gusto mong tingnan ang Apendi-
se sa pahina 195-7 ng aklat na ito para malaman mo kung bakit.
Ang totoo, lumilitaw ang pangalan ng Diyos nang libu-libong ulit
14 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

sa sinaunang mga manuskrito ng Bibliya. Kaya, gusto ni Jehova na


malaman mo ang kaniyang pangalan at gamitin mo ito. Sa diwa,
ginagamit niya ang Bibliya para ipakilala sa iyo ang kaniyang sarili.
15 Binigyan mismo ng Diyos ang kaniyang sarili ng isang pa-

ngalan na punung-puno ng kahulugan. Ang kaniyang pangalang


Jehova ay nangangahulugan na kayang tuparin ng Diyos ang
anumang pangakong binitiwan niya at anumang layuning naisip
niya.1 Natatangi ang pangalan ng Diyos, wala itong katulad. Siya
lamang ang nagmamay-ari nito. Sa maraming paraan, natatangi si
Jehova. Paano?
16 Nakita natin na sinabi ng Awit 83:18 hinggil kay Jehova:

1 Marami pang impormasyon hinggil sa kahulugan at pagbigkas sa pangalan


ng Diyos sa Apendise sa pahina 195-7.

15. Ano ang kahulugan ng pangalang Jehova?


16, 17. Ano ang matututuhan natin tungkol kay Jehova mula sa sumusunod
na mga titulo: (a) “Makapangyarihan-sa-lahat”? (b) “Haring walang hanggan”?
(c) “Maylalang”?

Nasasalamin sa
pag-ibig na nadarama
ng isang mabuting ama
sa kaniyang mga anak
ang mas masidhing
pag-ibig sa atin ng
ating makalangit
na Ama
Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos? 15

“Ikaw lamang ang Kataas-taasan.” Sa katulad na paraan, si Jehova


lamang ang tinutukoy bilang “Makapangyarihan-sa-lahat.” Sina-
sabi ng Apocalipsis 15:3: “Dakila at kamangha-mangha ang iyong
mga gawa, Diyos na Jehova, ang Makapangyarihan-sa-lahat. Matu-
wid at totoo ang iyong mga daan, Haring walang hanggan.” Ang
titulong “Makapangyarihan-sa-lahat” ay nagtuturo sa atin na si Je-
hova ang pinakamakapangyarihang persona na umiiral. Walang
kapantay ang kaniyang kapangyarihan; ito ay nakahihigit sa lahat.
At ipinaaalaala sa atin ng titulong “Haring walang hanggan” na
si Jehova ay natatangi sa isa pang diwa. Noon pa man ay umiiral
na siya. Sinasabi ng Awit 90:2: “Mula pa sa panahong walang tak-
da hanggang sa panahong walang takda [o, magpakailanman] ay
ikaw ang Diyos.” Hindi ba gumaganyak ng pagpipitagan ang ga-
yong mga pananalita?
17 Natatangi rin si Jehova sa bagay na siya lamang ang May-

lalang. Ganito ang mababasa sa Apocalipsis 4:11: “Ikaw ang


karapat-dapat, Jehova, na Diyos nga namin, na tumanggap ng
kaluwalhatian at ng karangalan at ng kapangyarihan, sapagkat ni-
lalang mo ang lahat ng bagay, at dahil sa iyong kalooban ay umiral
sila at nalalang.” Lahat ng bagay na maiisip mo—mula sa di-naki-
kitang espiritung mga nilalang sa langit, sa maraming bituing
nakikita sa kalangitan sa gabi, sa mga prutas na lumalaki sa mga
punungkahoy hanggang sa mga isda na lumalangoy sa mga kara-
gatan at mga ilog—ay umiiral dahil si Jehova ang Maylalang!
´ ´
MAAARI KA BANG MAPALAPIT KAY JEHOVA?
18 Waring nangangamba ang ilang tao kapag nababasa nila ang

kahanga-hangang mga katangian ni Jehova. Nangangamba sila


na napakataas ng Diyos para maabot nila, na hindi sila kailan-
´ ´
man mapapalapıt sa kaniya o magkakaroon ng halaga sa gayon
katayog na Diyos. Pero tama ba ang kaisipang ito? Ang kabalig-
taran nito ang siyang itinuturo ng Bibliya. Sinasabi nito hinggil
kay Jehova: “Sa katunayan, hindi siya malayo sa bawat isa sa atin.”
(Gawa 17:27) Hinihimok pa nga tayo ng Bibliya: “Lumapit kayo sa
Diyos, at lalapit siya sa inyo.”—Santiago 4:8.
´ ´
18. Bakit nadarama ng ilang tao na hindi sila kailanman mapapalapıt sa Diyos,
ngunit ano ang itinuturo ng Bibliya?
16 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
´ ´
Paano ka mapapalapıt sa Diyos? Unang-una, ipagpatuloy mo
19

ang ginagawa mo ngayon—ang pag-aaral hinggil sa Diyos. Sinabi


ni Jesus: “Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan,
ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging
tunay na Diyos, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.” (Juan
17:3) Oo, itinuturo ng Bibliya na ang pagkatuto hinggil kay Jeho-
va at kay Jesus ay umaakay sa “buhay na walang hanggan”! Gaya
ng nabanggit na, “ang Diyos ay pag-ibig.” (1 Juan 4:16) Marami
pang ibang magaganda at kalugud-lugod na katangian si Jeho-
va. Halimbawa, sinasabi ng Bibliya na si Jehova ay “isang Diyos
na maawain at magandang-loob, mabagal sa pagkagalit at sagana
sa maibiging-kabaitan at katotohanan.” (Exodo 34:6) Siya ay “ma-
buti at handang magpatawad.” (Awit 86:5) Matiisin ang Diyos.
(2 Pedro 3:9) Matapat siya. (Apocalipsis 15:4) Habang higit mong
binabasa ang Bibliya, matutuklasan mo kung paano ipinakita ni
Jehova na taglay niya ang mga ito at ang iba pang kalugud-lugod
na mga katangian.
20 Totoo, hindi mo nakikita ang Diyos dahil isa siyang di-

nakikitang espiritu. (Juan 1:18; 4:24; 1 Timoteo 1:17) Ngunit


sa pamamagitan ng pag-aaral hinggil sa kaniya sa mga pahina
ng Bibliya, makikilala mo siya bilang isang persona. Gaya ng si-
nabi ng salmista, maaari mong “mamasdan ang kaigayahan ni
Jehova.” (Awit 27:4; Roma 1:20) Habang mas marami kang natu-
tutuhan tungkol kay Jehova, magiging mas totoo siya sa iyo at
magkakaroon ka ng mas maraming dahilan para ibigin siya at
´ ´
mapalapıt sa kaniya.
21 Unti-unti mong mauunawaan kung bakit itinuturo ng Bi-

bliya na ituring natin si Jehova bilang ating Ama. (Mateo 6:9)


Hindi lamang dahil nagmula sa kaniya ang ating buhay kundi
nais niya ang pinakamagandang buhay na posible para sa atin
—na siyang nanaisin ng sinumang maibiging ama para sa kani-
yang mga anak. (Awit 36:9) Itinuturo rin ng Bibliya na maaaring
´ ´
19. (a) Ano ang unang hakbang upang mapalapıt tayo sa Diyos, at ano ang ka-
pakinabangan nito? (b) Anong mga katangian ng Diyos ang lubhang kaakit-akit
sa iyo?
´ ´
20-22. (a) Nahahadlangan ba ang ating pagsisikap na mapalapıt sa Diyos da-
hil hindi natin siya nakikita? Ipaliwanag. (b) Baka himukin ka ng ilang taong
nagmamalasakit na gawin ang ano, ngunit ano ang dapat mong gawin?
Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos? 17

maging mga kaibigan ni Jehova ang mga tao. (Santiago 2:23)


Akalain mo—puwede kang maging kaibigan ng Maylalang ng
uniberso!
22 Habang dumarami ang iyong natututuhan sa Bibliya, baka

himukin ka ng ilang taong nagmamalasakit na itigil mo na


ang gayong pag-aaral. Baka mag-alala sila na babaguhin mo ang
iyong mga paniniwala. Ngunit huwag mong hayaang pigilan ka
ng sinuman sa pagbuo ng pinakamainam na pakikipagkaibigan
na puwede mong tamasahin kailanman.
23 Siyempre pa, may mga bagay na hindi mo mauunawaan

sa simula. Kailangan ang kapakumbabaan para humingi ng tu-


long, pero huwag kang mag-atubili dahil lamang sa nahihiya ka.
Sinabi ni Jesus na mabuti ang maging mapagpakumbaba, gaya
ng isang munting bata. (Mateo 18:2-4) At gaya ng alam natin,
maraming tanong ang mga bata. Nais ng Diyos na masumpu-
ngan mo ang mga sagot. Pinuri ng Bibliya ang ilan na naging
sabik na matuto tungkol sa Diyos. Maingat nilang sinuri ang Ka-
sulatan upang tiyakin na ang natututuhan nila ay katotohanan.
—Gawa 17:11.
24 Ang pagsusuri sa Bibliya ang pinakamainam na paraan

upang matuto hinggil kay Jehova. Naiiba ito sa lahat ng iba


pang aklat. Sa anong paraan? Tatalakayin sa susunod na kabana-
ta ang paksang iyan.
23, 24. (a) Bakit dapat na patuloy kang magtanong hinggil sa iyong natutu-
tuhan? (b) Ano ang paksa ng susunod na kabanata?

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA


ˇ Personal na nagmamalasakit sa iyo ang Diyos.
—1 Pedro 5:7.
ˇ Jehova ang personal na pangalan ng Diyos.
—Awit 83:18.
´
ˇ Inaanyayahan ka ni Jehova na maging malapıt
sa kaniya.—Santiago 4:8.
ˇ Si Jehova ay maibigin, mabait, at maawain.
—Exodo 34:6; 1 Juan 4:8, 16.
KABANATA 2

Ang Bibliya
—Isang Aklat Mula sa Diyos
Sa anu-anong paraan naiiba ang Bibliya
sa lahat ng iba pang aklat?
Paano ka matutulungan ng Bibliya na harapin
ang personal na mga problema?
Bakit ka makapagtitiwala sa mga hulang
nakaulat sa Bibliya?

NAAALAALA mo ba nang makatanggap ka ng isang espesyal na


regalo mula sa isang mahal na kaibigan? Malamang na hindi la-
mang kapana-panabik na karanasan iyon kundi nakaaantig-puso
rin naman. Sa katunayan, may sinasabi ang regalo hinggil sa nag-
bigay nito—na pinahahalagahan niya ang inyong pagkakaibigan.
Walang-alinlangang nagpasalamat ka sa regalo ng iyong maalala-
haning kaibigan.
2 Ang Bibliya ay isang regalo mula sa Diyos, isang bagay na tala-

gang maipagpapasalamat natin. Isinisiwalat ng natatanging aklat


na ito ang mga bagay na hindi natin kailanman malalaman sa
ibang paraan. Halimbawa, sinasabi nito sa atin ang tungkol sa
paglalang sa mabituing kalangitan, sa lupa, at sa unang lalaki
at babae. Naglalaman ang Bibliya ng maaasahang mga simulain
upang tulungan tayong harapin ang mga suliranin at kabalisahan
sa buhay. Ipinaliliwanag nito kung paano tutuparin ng Diyos ang
kaniyang layunin at kung paano niya paiiralin ang mas mabu-
buting kalagayan sa lupa. Talaga ngang isang kapana-panabik na
regalo ang Bibliya!
3 Ang Bibliya ay isa ring nakaaantig-pusong regalo, sapagkat

1, 2. Sa anu-anong paraan naging isang kapana-panabik na regalo mula sa Diyos


ang Bibliya?
3. Ano ang sinasabi sa atin tungkol kay Jehova ng bagay na inilaan niya sa atin
ang Bibliya, at bakit ito nakaaantig-puso?
19

Makukuha ang “Bagong Sanlibutang Salin ng Banal


na Kasulatan” sa maraming wika

may isinisiwalat ito tungkol sa Nagbigay nito, ang Diyos na Je-


hova. Ang paglalaan niya ng gayong aklat ay katibayan na nais
niyang makilala natin siya nang lubusan. Sa katunayan, matutu-
´ ´
lungan ka ng Bibliya na mapalapıt kay Jehova.
4 Kung may kopya ka ng Bibliya, tiyak na hindi ka nag-iisa. Ang

kabuuan o ang ilang bahagi ng Bibliya ay inilathala na sa mahigit


na 2,300 wika at sa gayo’y makukuha ng mahigit sa 90 por-
siyento ng populasyon ng daigdig. Sa katamtaman, mahigit na
isang milyong Bibliya ang ipinamamahagi bawat linggo! Bilyun-
bilyong kopya ng kabuuan o bahagi ng Bibliya ang nagawa na.
Tiyak na walang ibang aklat na gaya ng Bibliya.
5 Karagdagan pa, ang Bibliya ay “kinasihan ng Diyos.” (2 Timo-

teo 3:16) Sa anong paraan? Ang Bibliya mismo ang sumasagot:


“Ang mga tao ay nagsalita mula sa Diyos habang ginagabayan
sila ng banal na espiritu.” (2 Pedro 1:21) Upang ilarawan: Ma-
aaring magpagawa ng sulat ang isang negosyante sa kaniyang
sekretarya. Nilalaman ng sulat na iyon ang mga kaisipan at ta-
gubilin ng negosyante. Samakatuwid, sulat niya talaga ito, hindi
ng sekretarya. Sa katulad na paraan, nilalaman ng Bibliya ang
4. Ano ang hinahangaan mo hinggil sa pamamahagi ng Bibliya?
5. Sa anong paraan “kinasihan ng Diyos” ang Bibliya?
20 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

mensahe ng Diyos at hindi ng mga lalaking sumulat nito. Kaya


ang buong Bibliya ay tunay na “salita ng Diyos.”—1 Tesalonica
2:13.

MAGKAKATUGMA AT TUMPAK ANG NILALAMAN NITO


Isinulat ang Bibliya sa loob ng 1,600 taon. Nabuhay ang
6

mga manunulat nito sa magkakaibang panahon at iba’t iba ang


kanilang katayuan sa buhay. Ang ilan ay mga magsasaka, ma-
ngingisda, at mga pastol. Ang iba naman ay mga propeta,
hukom, at mga hari. Ang manunulat ng Ebanghelyo na si Lu-
cas ay isang doktor. Sa kabila ng iba’t ibang pinagmulan ng mga
manunulat nito, magkakatugma ang nilalaman ng Bibliya mula
pasimula hanggang wakas.1
7 Sinasabi sa atin ng unang aklat ng Bibliya kung paano nag-

simula ang mga problema ng sangkatauhan. Ipinakikita naman


ng huling aklat na magiging isang paraiso, o hardin, ang bu-
ong lupa. Ang lahat ng nilalaman ng Bibliya ay sumasaklaw sa
libu-libong taon ng kasaysayan at may kaugnayan sa paanuman
sa pagsisiwalat ng layunin ng Diyos. Kahanga-hanga ang pagka-
katugma ng mga nilalaman ng Bibliya, pero iyan naman talaga
ang aasahan natin sa isang aklat na mula sa Diyos.
8 Ang Bibliya ay tumpak pagdating sa siyensiya. Naglalaman

pa nga ito ng impormasyon na maituturing na una sa panahon


nito. Halimbawa, ang aklat ng Levitico ay naglalaman ng mga
batas para sa sinaunang Israel may kaugnayan sa kuwarentenas
at kalinisan samantalang walang kaalam-alam ang mga bansa
sa palibot nila tungkol sa mga bagay na ito. Noong panahong
mali ang mga pala-palagay tungkol sa hugis ng lupa, binanggit
naman ng Bibliya na ito ay bilog, o globo. (Isaias 40:22) Tum-
1 Bagaman sinasabi ng ilang tao na sinasalungat ng ilang bahagi ng Bibliya
ang ibang bahagi nito, walang basehan ang gayong pag-aangkin. Tingnan ang
kabanata 7 ng aklat na Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? na inilathala ng
mga Saksi ni Jehova.

6, 7. Bakit lalo nang kapansin-pansin ang pagkakatugma ng mga nilalaman ng


Bibliya?
8. Magbigay ng mga halimbawang nagpapakita na ang Bibliya ay tumpak pag-
dating sa siyensiya.
Ang Bibliya—Isang Aklat Mula sa Diyos 21

pak na sinabi ng Bibliya na ang lupa ay ‘nakabitin sa wala.’ (Job


26:7) Siyempre, hindi naman isang aklat-aralin sa siyensiya ang
Bibliya. Ngunit kapag may binabanggit itong mga bagay tung-
kol sa siyensiya, ito ay tumpak. Hindi ba ito ang aasahan natin
sa isang aklat na mula sa Diyos?
9 Tumpak din at maaasahan ang Bibliya pagdating sa kasaysa-

yan. Espesipiko ang mga ulat nito. Inilalakip ng mga ito hindi
lamang ang mga pangalan kundi pati na rin ang pinagmu-
lang angkan ng mga indibiduwal.1 Kabaligtaran ng mga sekular
na istoryador, na kadalasang hindi bumabanggit sa pagkatalo
ng kanilang sariling bayan, ang mga manunulat ng Bibliya ay
matapat, anupat iniuulat pa nga ang mismong mga pagkaka-
mali nila at ng kanilang bansa. Halimbawa, sa aklat ng Bibliya
na Mga Bilang, inamin ng manunulat na si Moises ang ka-
niya mismong malubhang pagkakamali na naging dahilan ng
matinding pagsaway sa kaniya. (Bilang 20:2-12) Bibihira ang
gayong katapatan sa iba pang ulat ng kasaysayan, ngunit ma-
susumpungan ito sa Bibliya sapagkat isa itong aklat na mula sa
Diyos.
ISANG AKLAT NG PRAKTIKAL NA KARUNUNGAN
10 Dahil kinasihan ng Diyos ang Bibliya, ito’y “kapaki-paki-
nabang sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid ng mga
bagay-bagay.” (2 Timoteo 3:16) Oo, ang Bibliya ay isang praktikal
na aklat. Mababanaag dito ang malalim na kaunawaan hinggil sa
kalikasan ng tao. Hindi ito kataka-taka, sapagkat ang Awtor nito,
ang Diyos na Jehova, ang siyang Maylalang! Mas nauunawaan
niya ang ating pag-iisip at damdamin kaysa sa atin. Karagdagan
pa, alam ni Jehova kung ano ang kailangan natin upang maging
maligaya. Alam din niya kung anong mga landasin ang dapat na-
ting iwasan.
1 Halimbawa, pansinin ang detalye ng talaangkanan ni Jesus na masusumpu-
ngan sa Lucas 3:23-38.

9. (a) Sa anu-anong paraan ipinakikita ng Bibliya na ito ay tumpak at maaasa-


han pagdating sa kasaysayan? (b) Dahil sa katapatan ng mga manunulat nito,
ano ang masasabi hinggil sa Bibliya?
10. Bakit hindi kataka-taka na isang praktikal na aklat ang Bibliya?
Inihula ng
manunulat ng
Bibliya na si Isaias
ang pagbagsak
ng Babilonya

11 Isaalang-alang ang talumpati ni Jesus na tinatawag na Ser-


mon sa Bundok, na nakaulat sa Mateo kabanata 5 hanggang 7.
Sa obra maestrang pagtuturo na ito, nagsalita si Jesus tungkol sa
ilang paksa, lakip na ang paraan upang masumpungan ang tunay
na kaligayahan, kung paano aayusin ang mga di-pagkakasundo,
kung paano mananalangin, at kung paano magkakaroon ng was-
11, 12. (a) Anong mga paksa ang tinalakay ni Jesus sa kaniyang Sermon sa
Bundok? (b) Anong iba pang praktikal na mga bagay ang tinatalakay sa Bibli-
ya, at bakit hindi naluluma ang payo nito?
Ang Bibliya—Isang Aklat Mula sa Diyos 23

tong pangmalas sa materyal na mga bagay. Mabisa at praktikal pa


rin sa ngayon ang mga salita ni Jesus gaya noong bigkasin niya
ang mga ito.
12 Ang ilang simulain sa Bibliya ay tumatalakay sa buhay

pampamilya, kaugalian sa trabaho, at pakikipag-ugnayan sa iba.


Kumakapit sa lahat ng tao ang mga simulain sa Bibliya, at la-
ging kapaki-pakinabang ang mga payo nito. Ang karunungan
na masusumpungan sa Bibliya ay binuod sa mga salita ng Diyos
sa pamamagitan ni propeta Isaias: “Ako, si Jehova, ang iyong
Diyos, ang Isa na nagtuturo sa iyo upang makinabang ka.”—Isa-
ias 48:17.
ISANG AKLAT NG HULA
13 Naglalaman ang Bibliya ng maraming hula, na karami-
han ay natupad na. Isaalang-alang ang isang halimbawa. Sa
pamamagitan ni propeta Isaias, na nabuhay noong ikawa-
long siglo B.C.E., inihula ni Jehova na mawawasak ang lunsod
ng Babilonya. (Isaias 13:19; 14:22, 23) Ibinigay ang mga detal-
ye upang ipakita kung paano ito mismo mangyayari. Tutuyuin
ng sumasalakay na mga hukbo ang ilog ng Babilonya at magma-
martsa papasok sa lunsod nang walang labanan. Hindi lamang
iyan. Binanggit pa nga sa hula ni Isaias ang pangalan ng hari na
lulupig sa Babilonya—si Ciro.—Isaias 44:27–45:2.
14 Pagkalipas ng mga 200 taon—noong gabi ng Oktubre 5/6,

539 B.C.E.—isang hukbo ang nagkampo malapit sa Babilonya.


Sino ang kumandante nito? Isang hari ng Persia na nagnganga-
lang Ciro. Sa gayo’y handa na ang mga kalagayan para sa
katuparan ng isang kamangha-manghang hula. Ngunit malulu-
pig kaya ng hukbo ni Ciro ang Babilonya nang walang labanan,
gaya ng inihula?
15 May kapistahan ang mga Babilonyo nang gabing iyon at

kampante sila sa likod ng naglalakihang mga pader ng kanilang


lunsod. Samantala, buong-kahusayang inilihis ni Ciro ang tubig
ng ilog na dumadaloy sa lunsod. Di-nagtagal at bumabaw na ang
13. Kinasihan ni Jehova si propeta Isaias na iulat ang anong mga detalye hing-
gil sa Babilonya?
14, 15. Paano natupad ang ilang detalye ng hula ni Isaias hinggil sa Babilonya?
24 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

tubig anupat nakatawid ang kaniyang mga tauhan sa sahig ng


ilog at nakalapit sa mga pader ng lunsod. Pero paano makapa-
pasok ang hukbo ni Ciro sa mga pader ng Babilonya? Sa hindi
malamang kadahilanan, naiwang bukas ang mga pinto ng lun-
sod nang gabing iyon!
16 Ganito ang inihula may kaugnayan sa Babilonya: “Hindi

siya kailanman tatahanan, ni mananahanan man siya sa sali’t


salinlahi. At doon ay hindi magtatayo ng kaniyang tolda ang Ara-
be, at hindi pahihigain doon ng mga pastol ang kanilang mga
kawan.” (Isaias 13:20) Binanggit ng hulang ito hindi lamang ang
pagbagsak ng lunsod. Ipinakita nito na hindi na kailanman tata-
hanan ang Babilonya. Makakakita ka ng katibayan ng katuparan
ng mga salitang ito. Ang di-tinatahanang kinaroroonan ng sinau-
nang Babilonya—mga 80 kilometro sa timog ng Baghdad, Iraq—
ay patotoo na natupad ang sinabi ni Jehova sa pamamagitan
ni Isaias: “Wawalisin ko siya ng walis ng pagkalipol.”—Isaias 14:
22, 23.1
1 Para sa higit na impormasyon tungkol sa hula sa Bibliya, tingnan ang pahi-
na 27-9 ng brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao, na inilathala ng mga
Saksi ni Jehova.

16. (a) Ano ang inihula ni Isaias hinggil sa huling kahihinatnan ng Babilonya?
(b) Paano natupad ang hula ni Isaias na hindi na tatahanan ang Babilonya?
Ang Bibliya—Isang Aklat Mula sa Diyos 25

17 Hindi ba’t nakapagpapatibay ng pananampalataya na isaa-


lang-alang ang Bibliya bilang isang aklat ng maaasahang hula?
Tutal, kung tinupad ng Diyos na Jehova ang kaniyang mga pa-
ngako noon, taglay natin ang lahat ng dahilan para magtiwalang
tutuparin din niya ang kaniyang pangako na isang paraisong
lupa. (Bilang 23:19) Sa katunayan, tayo ay may “pag-asa sa buhay
na walang hanggan na ipinangako ng Diyos, na hindi makapag-
sisinungaling, bago pa ang lubhang mahabang mga panahon.”
—Tito 1:2.1
´
“ANG SALITA NG DIYOS AY BUHAY”
18 Mula sa ating tinalakay sa kabanatang ito, maliwanag na

talagang isang natatanging aklat ang Bibliya. Gayunman, ang


1 Ang pagkawasak ng Babilonya ay isa lamang halimbawa ng natupad na hula
sa Bibliya. Kabilang sa iba pang halimbawa ang pagkawasak ng Tiro at Nineve.
(Ezekiel 26:1-5; Zefanias 2:13-15) Gayundin, binanggit ng hula ni Daniel ang
sunud-sunod na pandaigdig na mga imperyo na hahawak ng kapangyarihan
pagkatapos ng Babilonya. Kabilang sa mga ito ang Medo-Persia at Gresya. (Da-
niel 8:5-7, 20-22) Tingnan ang Apendise, pahina 199-201, para sa pagtalakay sa
maraming hula hinggil sa Mesiyas na natupad kay Jesu-Kristo.

17. Paano nakapagpapatibay ng pananampalataya ang katuparan ng hula sa Bi-


bliya?
18. Anong mapuwersang pananalita ang binanggit ng Kristiyanong apostol na
si Pablo tungkol sa “salita ng Diyos”?

Mga guho ng Babilonya


26 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

kahalagahan nito ay higit pa kaysa sa pagkakatugma-tugma ng


mga nilalaman nito, sa pagiging tumpak pagdating sa siyensiya at
sa kasaysayan, sa praktikal na karunungan, at sa maaasahang hula
nito. Sumulat ang Kristiyanong apostol na si Pablo: “Ang salita ng
´
Diyos ay buhay at may lakas at mas matalas kaysa sa anumang
tabak na may dalawang talim at tumatagos maging hanggang sa
paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, at ng mga kasukasuan at ng
kanilang utak sa buto, at may kakayahang umunawa ng mga kai-
sipan at mga intensiyon ng puso.”—Hebreo 4:12.
19 Ang pagbabasa ng “salita,” o mensahe, ng Diyos sa Bibli-

ya ay maaaring bumago sa ating buhay. Matutulungan tayo nito


na lalong suriin ang ating sarili. Maaari nating sabihin na iniibig
natin ang Diyos, ngunit ang ating pagtugon sa itinuturo ng kani-
yang kinasihang Salita, ang Bibliya, ang siyang magsisiwalat ng
ating totoong kaisipan, maging ang mismong intensiyon ng ating
puso.
20 Ang Bibliya ay talagang isang aklat mula sa Diyos. Isa itong

aklat na dapat basahin, pag-aralan, at pakamahalin. Ipakita ang


iyong pasasalamat sa regalong ito ng Diyos sa pamamagitan ng
patuloy na pagsusuri sa mga nilalaman nito. Habang ginagawa
mo ito, magkakaroon ka ng malalim na unawa sa layunin ng
Diyos para sa sangkatauhan. Tatalakayin sa susunod na kabanata
kung ano ang layuning iyan at kung paano ito matutupad.
19, 20. (a) Paano ka matutulungan ng Bibliya na suriin ang iyong sarili?
(b) Paano mo maipakikita ang pasasalamat sa natatanging regalo ng Diyos, ang
Bibliya?

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA


ˇ Ang Bibliya ay kinasihan ng Diyos at samakatu-
wid ay tumpak at maaasahan.—2 Timoteo 3:16.
ˇ Ang impormasyong masusumpungan sa Salita ng
Diyos ay praktikal sa pang-araw-araw na buhay.
—Isaias 48:17.
ˇ Ang mga pangako ng Diyos na masusumpungan
sa Bibliya ay tiyak na matutupad.—Bilang 23:19.
KABANATA 3

Ano ang Layunin ng Diyos


Para sa Lupa?
Ano ang layunin ng Diyos para sa sangkatauhan?
Paano hinamon ang Diyos?
Ano ang magiging kalagayan ng buhay
sa lupa sa hinaharap?

NAPAKAGANDA ng layunin ng Diyos para sa lupa. Gusto ni Je-


hova na mapuno ang lupa ng masasaya at malulusog na tao.
Sinasabi ng Bibliya na ‘ang Diyos ay nagtanim ng isang hardin
sa Eden’ at na ‘pinatubo niya ang bawat punungkahoy na kana-
is-nais sa paningin at mabuting kainin.’ Pagkatapos lalangin ng
Diyos ang unang lalaki at babae, sina Adan at Eva, inilagay Niya
sila sa napakagandang tahanang iyon at sinabi sa kanila: “Mag-
palaanakin kayo at magpakarami at punuin ninyo ang lupa at
supilin iyon.” (Genesis 1:28; 2:8, 9, 15) Kaya layunin ng Diyos na
magkaanak ang mga tao, palawakin ang mga hangganan ng ta-
hanang hardin na iyon hanggang sa masaklaw ang buong lupa,
at alagaan ang mga hayop.
2 Sa palagay mo kaya’y matutupad pa ang layunin ng Diyos

na Jehova na mabuhay ang mga tao sa isang paraisong lupa?


“Sinalita ko nga iyon,” ang sabi ng Diyos, “gagawin ko rin na-
man.” (Isaias 46:9-11; 55:11) Oo, tiyak na tutuparin ng Diyos
ang kaniyang layunin! Sinabi niya na “hindi niya nilalang [ang
lupa] na walang kabuluhan” kundi ‘inanyuan niya ito upang
tahanan.’ (Isaias 45:18) Ano bang uri ng mga tao ang nais ng
Diyos na mabuhay sa lupa? At gaano katagal niya gustong mani-
rahan sila rito? Sumasagot ang Bibliya: “Ang mga matuwid ang
1. Ano ang layunin ng Diyos para sa lupa?
2. (a) Paano natin nalaman na matutupad ang layunin ng Diyos para sa lupa?
(b) Anong uri ng mga tao ang sinasabi ng Bibliya na mabubuhay magpakailan-
man?
28 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

magmamay-ari ng lupa, at tatahan sila roon magpakailanman.”


—Awit 37:29; Apocalipsis 21:3, 4.
3 Maliwanag na hindi pa ito nangyayari. Ang mga tao ngayon

ay nagkakasakit at namamatay; naglalabanan pa nga sila at nag-


papatayan. May nangyaring hindi maganda. Gayunman, tiyak
na hindi layunin ng Diyos na ang lupa ay maging gaya ng naki-
kita natin sa ngayon! Ano ba ang nangyari? Bakit hindi natupad
ang layunin ng Diyos? Walang aklat ng kasaysayan na isinulat ng
tao ang makapagsasabi sa atin ng sagot sapagkat ang problema
ay nagsimula sa langit.
ANG PINAGMULAN NG ISANG KAAWAY
4Sinasabi sa atin ng unang aklat ng Bibliya ang tungkol sa
isang mananalansang sa Diyos na dumating sa hardin ng Eden.
Inilarawan siya bilang “serpiyente,” ngunit hindi siya basta isang
hayop lamang. Ipinakikilala siya ng huling aklat ng Bibliya bi-
lang “ang tinatawag na Diyablo at Satanas, na siyang nagliligaw
sa buong tinatahanang lupa.” Tinatawag din siyang “orihinal na
serpiyente.” (Genesis 3:1; Apocalipsis 12:9) Ginamit ng maka-
pangyarihang anghel na ito, o di-nakikitang espiritung nilalang,
ang isang serpiyente para makausap si Eva, kung paanong napa-
lilitaw ng isang dalubhasang tao ang kaniyang tinig na parang
nanggagaling sa isang kalapit na manika o tau-tauhan. Wa-
lang-alinlangang naroroon ang espiritung personang iyon nang
ihanda ng Diyos ang lupa para sa mga tao.—Job 38:4, 7.
5 Gayunman, yamang sakdal ang lahat ng nilalang ni Jeho-

va, sino ang gumawa sa “Diyablo” na ito, ang “Satanas” na


ito? Sa simpleng pananalita, ginawang Diyablo ng isa sa maka-
pangyarihang mga espiritung anak ng Diyos ang kaniyang sarili.
Paano ito naging posible? Buweno, sa ngayon ang isang tao na
dating disente at matapat ay maaaring maging isang magna-
nakaw. Paano nangyayari iyan? Maaaring hayaan ng isang tao
na tumubo ang maling pagnanasa sa kaniyang puso. Kung pa-
3. Anu-anong malulungkot na kalagayan ang umiiral ngayon sa lupa, at nag-
babangon ito ng anu-anong tanong?
4, 5. (a) Sino talaga ang nakipag-usap kay Eva sa pamamagitan ng isang serpi-
yente? (b) Paano maaaring maging magnanakaw ang isang dating disente at
matapat na tao?
Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa? 29

tuloy niyang iisipin ito, titindi ang maling pagnanasang iyon.


Pagkatapos, kapag nagkaroon ng pagkakataon, maaaring isaga-
wa niya ang maling pagnanasang pinag-iisipan niya.—Santiago
1:13-15.
6 Ganito ang nangyari kay Satanas na Diyablo. Maliwanag na

narinig niya na sinabi ng Diyos kina Adan at Eva na magpalaana-


kin sila at punuin ang lupa ng kanilang mga supling. (Genesis
1:27, 28) ‘Aba, maaaring ako ang sambahin ng lahat ng taong
ito sa halip na ang Diyos!’ ang maliwanag na naisip ni Sata-
nas. Kaya tumubo ang maling pagnanasa sa kaniyang puso. Sa
dakong huli, kumilos siya upang linlangin si Eva sa pamamagi-
tan ng pagsasabi rito ng mga kasinungalingan tungkol sa Diyos.
(Genesis 3:1-5) Kaya siya naging “Diyablo,” na nangangahulu-
gang “Maninirang-puri.” Kasabay nito, siya ay naging “Satanas,”
na nangangahulugang “Mananalansang.”
7 Sa pamamagitan ng mga kasinungalingan at pandaraya, si-

nulsulan ni Satanas na Diyablo sina Adan at Eva na sumuway


sa Diyos. (Genesis 2:17; 3:6) Bilang resulta, namatay sila nang
maglaon, gaya ng sinabi ng Diyos na mangyayari sa kanila kung
susuway sila. (Genesis 3:17-19) Yamang naging di-sakdal si Adan
nang magkasala siya, ang lahat ng kaniyang supling ay nagma-
na ng kasalanan mula sa kaniya. (Roma 5:12) Maaaring ilarawan
ang situwasyong ito sa pamamagitan ng isang liyanera na gina-
gamit sa pagluluto ng tinapay. Kung may yupi ang liyanera, ano
ang mangyayari sa bawat tinapay na niluto sa liyanerang iyon?
Bawat tinapay ay may yupi, o kapintasan. Sa katulad na para-
an, namana ng bawat tao ang “yupi” ng di-kasakdalan mula kay
Adan. Iyan ang dahilan kung bakit tumatanda at namamatay ang
lahat ng tao.—Roma 3:23.
8 Nang akayin ni Satanas sina Adan at Eva sa pagkakasala

laban sa Diyos, siya sa katunayan ay namuno ng isang rebel-


yon. Hinamon niya ang paraan ng pamamahala ni Jehova. Sa
6. Paano naging Satanas na Diyablo ang isang makapangyarihang espiritung
anak ng Diyos?
7. (a) Bakit namatay sina Adan at Eva? (b) Bakit tumatanda at namamatay ang
lahat ng supling ni Adan?
8, 9. (a) Anong hamon ang maliwanag na ibinangon ni Satanas? (b) Bakit hin-
di agad pinuksa ng Diyos ang mga rebelde?
30 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

diwa ay sinasabi ni Satanas: ‘Masamang tagapamahala ang


Diyos. Nagsisinungaling siya at nagkakait ng mabubuting bagay
sa kaniyang mga nasasakupan. Hindi kailangan ng mga tao na
pamahalaan sila ng Diyos. Puwede silang magpasiya para sa kani-
lang sarili kung ano ang mabuti at masama. At mas mapapabuti
sila sa ilalim ng aking pamamahala.’ Paano haharapin ng Diyos
ang gayong nakaiinsultong akusasyon? Iniisip ng ilan na pinatay

Paano maiaalok ni Satanas kay Jesus


ang lahat ng kaharian sa sanlibutan
kung hindi sa kaniya ang mga ito?
Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa? 31

na lamang sana ng Diyos ang mga rebelde. Pero masasagot kaya


niyan ang hamon ni Satanas? Mapatutunayan ba nito na tama
ang paraan ng pamamahala ng Diyos?
9 Ang sakdal na katarungan ni Jehova ay hindi magpapahin-

tulot sa kaniya na patayin agad ang mga rebelde. Ipinasiya niya


na kailangan ang panahon para lubusang masagot ang hamon
ni Satanas at mapatunayan na sinungaling ang Diyablo. Kaya
nagpasiya ang Diyos na pahihintulutan niya ang mga tao na pa-
mahalaan ang kanilang sarili sa loob ng ilang panahon sa ilalim
ng impluwensiya ni Satanas. Tatalakayin sa Kabanata 11 ng aklat
na ito kung bakit ginawa iyan ni Jehova at kung bakit pinahintu-
lutan niyang lumipas ang napakahabang panahon bago lutasin
ang mga isyung ito. Gayunman, makabubuting pag-isipan na-
tin ito: Tama bang maniwala sina Adan at Eva kay Satanas, na
wala pang anumang nagagawang mabuti para sa kanila? Tama
bang maniwala sila na si Jehova, na nagkaloob ng lahat ng bagay
na taglay nila, ay malupit at sinungaling? Ano ang gagawin mo
kung ikaw ang naroroon?
10 Mabuting pag-isipan ang mga tanong na ito sapagkat na-

papaharap ang bawat isa sa atin sa ngayon sa gayunding mga


isyu. Oo, may pagkakataon kang suportahan ang panig ni Jeho-
va bilang sagot sa hamon ni Satanas. Maaari mong tanggapin si
Jehova bilang iyong Tagapamahala at makatutulong ka para pa-
tunayang sinungaling si Satanas. (Awit 73:28; Kawikaan 27:11)
Nakalulungkot, iilan lamang sa bilyun-bilyong tao sa daigdig
na ito ang nagpapasiyang gawin ito. Nagbabangon ito ng isang
mahalagang tanong, Talaga bang itinuturo ng Bibliya na pina-
mamahalaan ni Satanas ang sanlibutang ito?

SINO ANG NAMAMAHALA SA SANLIBUTANG ITO?


11Hindi kailanman nag-alinlangan si Jesus na si Satanas
ang tagapamahala ng sanlibutang ito. Sa isang makahimalang
10. Paano mo susuportahan ang panig ni Jehova bilang sagot sa hamon ni Sa-
tanas?
11, 12. (a) Paano isiniwalat ng pagtukso kay Jesus na si Satanas ang tagapa-
mahala ng sanlibutang ito? (b) Ano pa ang nagpapatunay na si Satanas ang
tagapamahala ng sanlibutang ito?
32 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

paraan, minsan ay ipinakita ni Satanas kay Jesus “ang lahat ng


mga kaharian ng sanlibutan at ang kanilang kaluwalhatian.”
Pagkatapos ay nangako si Satanas kay Jesus: “Lahat ng mga ba-
gay na ito ay ibibigay ko sa iyo kung susubsob ka at gagawa ng
isang gawang pagsamba sa akin.” (Mateo 4:8, 9; Lucas 4:5, 6)
Pag-isipan ito. Magiging isang tukso kaya kay Jesus ang alok na
iyan kung hindi si Satanas ang tagapamahala ng mga kahari-
ang ito? Hindi itinanggi ni Jesus na kay Satanas ang lahat ng
gobyernong ito sa sanlibutan. Tiyak na itinanggi sana iyan ni
Jesus kung hindi si Satanas ang kapangyarihan na nasa likod
ng mga ito.
12 Sabihin pa, si Jehova ang Diyos na Makapangyarihan-

sa-lahat, ang Maylalang ng kamangha-manghang uniberso.


(Apocalipsis 4:11) Gayunman, walang sinasabi ang Bibliya na
ang Diyos na Jehova o si Jesu-Kristo ang tagapamahala ng san-
libutang ito. Sa katunayan, espesipikong tinukoy ni Jesus si
Satanas bilang “ang tagapamahala ng sanlibutang ito.” (Juan
12:31; 14:30; 16:11) Tinukoy pa nga ng Bibliya si Satanas na Di-
yablo bilang “diyos ng sistemang ito ng mga bagay.” (2 Corinto
4:3, 4) Hinggil sa mananalansang na ito, o Satanas, sumulat
ang Kristiyanong apostol na si Juan: “Ang buong sanlibutan ay
nasa kapangyarihan ng isa na balakyot.”—1 Juan 5:19.
KUNG PAANO AALISIN ANG SANLIBUTAN NI SATANAS
Sa bawat lumilipas na taon, ang sanlibutan ay nagiging la-
13

long mapanganib. Namamayani rito ang nagdidigmaang mga


hukbo, di-tapat na mga pulitiko, mapagpaimbabaw na relihi-
yosong mga lider, at pusakal na mga kriminal. Imposible nang
mabago ang sanlibutan sa kabuuan. Isinisiwalat ng Bibliya na
malapit na ang panahon na papawiin ng Diyos ang napakasa-
mang sanlibutang ito sa kaniyang digmaan ng Armagedon. Ito
ang magbibigay-daan sa isang matuwid na bagong sanlibutan.
—Apocalipsis 16:14-16.
14 Pinili ng Diyos na Jehova si Jesu-Kristo na maging Taga-

13. Bakit kailangan ang isang bagong sanlibutan?


14. Sino ang pinili ng Diyos na maging Tagapamahala ng Kaniyang Kaharian,
at paano ito inihula?
Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa? 33

pamahala ng Kaniyang makalangit na Kaharian, o gobyerno.


Matagal nang inihula ng Bibliya: “Sa atin ay ipinanganak ang
isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at
ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kani-
yang pangalan ay tatawaging . . . Pangulo ng Kapayapaan.
Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay
hindi magkakaroon ng wakas.” (Isaias 9:6, 7, Ang Biblia) May
kaugnayan sa gobyernong ito, tinuruan ni Jesus ang kaniyang
mga tagasunod na manalangin: “Dumating nawa ang iyong
kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa
langit, gayundin sa lupa.” (Mateo 6:10) Gaya ng makikita natin
sa kalaunan sa aklat na ito, malapit nang alisin ng Kaharian ng
Diyos ang lahat ng gobyerno ng sanlibutang ito, at ito mismo
ang papalit sa lahat ng pamahalaang ito. (Daniel 2:44) Pagka-
tapos ay pasasapitin ng Kaharian ng Diyos ang isang paraisong
lupa.
MALAPIT NA ANG ISANG BAGONG SANLIBUTAN!
15 Tinitiyak sa atin ng Bibliya: “May mga bagong langit at
isang bagong lupa na ating hinihintay ayon sa . . . pangako
[ng Diyos], at sa mga ito ay tatahan ang katuwiran.” (2 Pedro
3:13; Isaias 65:17) Kung minsan kapag binabanggit ng Bibliya
ang “lupa,” tinutukoy nito ang mga tao na nabubuhay sa lupa.
(Genesis 11:1) Kaya ang matuwid na “bagong lupa” ay isang li-
punan ng mga tao na sinasang-ayunan ng Diyos.
16 Nangako si Jesus na sa dumarating na bagong sanlibutan,

ang mga sinang-ayunan ng Diyos ay tatanggap ng regalong “bu-


hay na walang hanggan.” (Marcos 10:30) Pakisuyong buklatin
ang iyong Bibliya sa Juan 3:16 at 17:3, at basahin kung ano ang
sinabi ni Jesus na dapat nating gawin upang tumanggap ng bu-
hay na walang hanggan. Isaalang-alang ngayon mula sa Bibliya
ang mga pagpapala na tatamasahin ng mga magiging kuwalipi-
kado para sa kamangha-manghang regalong iyan mula sa Diyos
sa dumarating na Paraiso sa lupa.
15. Ano ang “bagong lupa”?
16. Ano ang isang di-matutumbasang regalo mula sa Diyos para sa mga sina-
sang-ayunan niya, at ano ang dapat nating gawin para tumanggap nito?
34 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Mawawala na ang kabalakyutan, digmaan, krimen, at kara-


17

hasan. “Ang balakyot ay mawawala na . . . Ngunit ang maaamo


ang magmamay-ari ng lupa.” (Awit 37:10, 11) Iiral ang kapa-
yapaan dahil ‘patitigilin ng Diyos ang mga digmaan hanggang
sa dulo ng lupa.’ (Awit 46:9; Isaias 2:4) Pagkatapos ay “sisibol
ang matuwid, at ang kasaganaan ng kapayapaan hanggang sa
mawala na ang buwan”—at nangangahulugan iyan ng magpa-
kailanman!—Awit 72:7.
18 Mabubuhay sa katiwasayan ang mga mananamba ni Jeho-

va. Noong panahon ng Bibliya, hangga’t sumusunod ang mga


Israelita sa Diyos, tiwasay ang kanilang buhay. (Levitico 25:18,
19) Tunay ngang magiging kapana-panabik na tamasahin ang
gayunding katiwasayan sa Paraiso!—Isaias 32:18; Mikas 4:4.
19 Hindi na magkakaroon ng kakapusan sa pagkain. “Mag-

kakaroon ng saganang butil sa lupa,” ang awit ng salmista.


“Sa taluktok ng mga bundok ay mag-uumapaw.” (Awit 72:16)
Pagpapalain ng Diyos na Jehova ang kaniyang mga matuwid,
at “ang lupa ay tiyak na magbibigay ng bunga nito.”—Awit
67:6.
20 Magiging paraiso ang buong lupa. Tatayuan ng magaganda

at bagong mga tahanan at hardin ang lupain na dating sinira


ng makasalanang mga tao. (Isaias 65:21-24; Apocalipsis 11:18)
Sa paglipas ng panahon, ang mga bahagi ng lupa na nasupil
na ay palalawakin hanggang sa ang buong globo ay maging
kasingganda at kasimbunga ng hardin ng Eden. At tiyak na ‘bu-
buksan ng Diyos ang kaniyang kamay at sasapatan ang nasa ng
bawat bagay na may buhay.’—Awit 145:16.
21 Magkakaroon ng kapayapaan sa pagitan ng mga tao at

mga hayop. Kakaing magkakasama ang maiilap at maaamong


hayop. Maging ang munting bata ay hindi matatakot sa mga
17, 18. Paano tayo makatitiyak na magkakaroon ng kapayapaan at katiwasayan
sa buong lupa?
19. Paano natin nalaman na magiging sagana ang pagkain sa bagong sanlibu-
tan ng Diyos?
20. Bakit tayo makatitiyak na magiging paraiso ang buong lupa?
21. Ano ang nagpapakita na iiral ang kapayapaan sa pagitan ng mga tao at mga
hayop?
36 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

hayop na itinuturing sa ngayon na mapanganib.—Isaias 11:6-9;


65:25.
22 Mawawala na ang sakit. Bilang Tagapamahala sa makala-

ngit na Kaharian ng Diyos, si Jesus ay gagawa ng mas dakilang


pagpapagaling kaysa sa ginawa niya noong siya ay narito sa
lupa. (Mateo 9:35; Marcos 1:40-42; Juan 5:5-9) Sa gayon, “wa-
lang sinumang tumatahan ang magsasabi: ‘Ako ay may sakit.’ ”
—Isaias 33:24; 35:5, 6.
23 Bubuhaying muli ang mga namatay nating mahal sa buhay

taglay ang pag-asang hindi na sila mamamatay. Bubuhaying muli


ang lahat ng natutulog sa kamatayan na nasa alaala ng Diyos. Sa
katunayan, “magkakaroon ng pagkabuhay-muli kapuwa ng mga
matuwid at mga di-matuwid.”—Gawa 24:15; Juan 5:28, 29.
24 Isang napakagandang kinabukasan ang naghihintay sa

mga nagpapasiyang matuto tungkol sa ating Dakilang May-


lalang, ang Diyos na Jehova, at maglingkod sa kaniya!
Ang dumarating na Paraiso sa lupa ang tinutukoy ni Jesus
nang mangako siya sa manggagawa ng kasamaan na namatay
kasama niya: “Makakasama kita sa Paraiso.” (Lucas 23:43) Napa-
kahalaga na matuto tayo nang higit pa tungkol kay Jesu-Kristo,
na sa pamamagitan niya ay magiging posible ang lahat ng pag-
papalang ito.
22. Ano ang mangyayari sa sakit?
23. Bakit magdudulot ng kagalakan sa ating puso ang pagkabuhay-muli?
24. Ano ang nadarama mo hinggil sa pamumuhay sa Paraiso sa lupa?

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA


ˇ Matutupad ang layunin ng Diyos na gawing
paraiso ang lupa.—Isaias 45:18; 55:11.
ˇ Si Satanas ang namamahala ngayon sa sanlibu-
tan.—Juan 12:31; 1 Juan 5:19.
ˇ Sa dumarating na bagong sanlibutan, ipagkaka-
loob ng Diyos ang maraming pagpapala sa
sangkatauhan.—Awit 37:10, 11, 29.
KABANATA 4

Sino si Jesu-Kristo?
Ano ba ang pantanging papel ni Jesus?
Saan siya nagmula?
Ano ba ang kaniyang personalidad?
´
MARAMING bantog na tao sa daigdig. Ang ilan ay kilalang-kila-
´
la sa kanilang sariling komunidad, lunsod, o bansa. Ang iba
naman ay tanyag sa buong daigdig. Gayunman, hindi naman
nangangahulugan na kung alam mo ang pangalan ng isang
bantog na tao ay talagang kilala mo na siya. Hindi ito nanga-
ngahulugan na alam mo ang mga detalye hinggil sa kaniyang
pinagmulan at kung ano talaga ang personalidad niya.
2 Ang mga tao sa palibot ng daigdig ay may nalalaman tung-

kol kay Jesu-Kristo, bagaman nabuhay siya sa lupa mga 2,000


taon na ang nakalilipas. Gayunman, marami ang nalilito kung
sino talaga si Jesus. Sinasabi ng ilan na isa lamang siyang mabu-
ting tao. Inaangkin naman ng iba na isa lamang siyang propeta.
Naniniwala naman ang iba pa na si Jesus ang Diyos at dapat
siyang sambahin. Dapat nga ba?
3 Mahalagang malaman mo ang katotohanan tungkol kay

Jesus. Bakit? Sapagkat sinasabi ng Bibliya: “Ito ay nangangahu-


lugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng
kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa
na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.” (Juan 17:3) Oo, ang pagkaalam
ng katotohanan hinggil sa Diyos na Jehova at kay Jesu-Kristo
ay maaaring umakay sa buhay na walang hanggan sa isang
paraisong lupa. (Juan 14:6) Bukod diyan, ipinakita ni Jesus
1, 2. (a) Bakit ang pagkakaroon ng kabatiran hinggil sa isang bantog na tao
ay hindi nangangahulugang talagang kilala mo siya? (b) Sa ano nalilito ang
mga tao tungkol kay Jesus?
3. Bakit mahalaga na malaman mo ang katotohanan tungkol kay Jesus?
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ang pinakamabuting halimbawa kung


paano mamumuhay at kung paano pakiki-
tunguhan ang iba. (Juan 13:34, 35) Sa unang
kabanata ng aklat na ito, tinalakay natin ang katotoha-
nan tungkol sa Diyos. Talakayin naman natin ngayon kung ano
talaga ang itinuturo ng Bibliya hinggil kay Jesu-Kristo.
ANG IPINANGAKONG MESIYAS
4 Sa loob ng matagal na panahon bago pa isilang si Jesus, ini-
hula na sa Bibliya ang pagdating ng isa na isusugo ng Diyos
bilang Mesiyas, o Kristo. Ang mga titulong “Mesiyas” (mula
sa salitang Hebreo) at “Kristo” (mula sa salitang Griego)
ay kapuwa nangangahulugang “Pinahiran.” Ang ipina-
ngakong Isa na ito ay papahiran, o hihirangin ng
4. Ano ang kahulugan ng mga titulong “Mesiyas” at “Kristo”?

Nang bautismuhan siya, si Jesus


ay naging Mesiyas, o Kristo
Sino si Jesu-Kristo? 39

Diyos sa isang pantanging posisyon. Sa susunod na mga ka-


banata ng aklat na ito, mas marami pa tayong matututuhan
tungkol sa mahalagang papel ng Mesiyas sa katuparan ng mga
pangako ng Diyos. Malalaman din natin ang mga pagpapalang
maidudulot sa atin ni Jesus maging sa ngayon. Gayunman,
bago isilang si Jesus, walang-alinlangang marami ang nag-isip,
‘Sino kaya ang magiging Mesiyas?’
5 Noong unang siglo C.E., lubusang kumbinsido ang mga

alagad ni Jesus ng Nazaret na siya ang inihulang Mesiyas. (Juan


1:41) Isa sa mga alagad, isang lalaking nagngangalang Simon
Pedro, ang hayagang nagsabi kay Jesus: “Ikaw ang Kristo.” (Ma-
teo 16:16) Ngunit paano nakatitiyak ang mga alagad na iyon
—at paano tayo makatitiyak—na si Jesus nga ang ipinangakong
Mesiyas?
6 Ang mga propeta ng Diyos na nabuhay bago si Jesus ay

humula ng maraming detalye tungkol sa Mesiyas. Ang mga de-


talyeng ito ay tutulong sa iba na makilala siya. Maaari nating
ilarawan ang mga bagay-bagay sa ganitong paraan: Ipagpala-
gay nating inutusan kang magpunta sa isang abalang istasyon
ng bus o tren o sa isang paliparan para sunduin ang isang ta-
ong hindi mo pa nakita kailanman. Hindi ba makatutulong
kung may magbibigay sa iyo ng ilang detalye hinggil sa kani-
ya? Sa katulad na paraan, sa pamamagitan ng mga propeta sa
Bibliya, nagbigay si Jehova ng halos detalyadong paglalarawan
kung ano ang gagawin ng Mesiyas at kung ano ang daranasin
niya. Ang katuparan ng maraming hulang ito ay tutulong sa
mga tapat na makilala siyang mabuti.
7 Isaalang-alang ang dalawa lamang na halimbawa. Una, ma-

higit na 700 taon patiuna, inihula ni propeta Mikas na ang


ipinangakong Isa ay isisilang sa Betlehem, isang maliit na
bayan sa lupain ng Juda. (Mikas 5:2) Saan ba aktuwal na isini-
lang si Jesus? Aba, sa mismong bayang iyon! (Mateo 2:1, 3-9)
5. Sa ano lubusang kumbinsido ang mga alagad ni Jesus may kaugnayan sa
kaniya?
6. Ilarawan kung paano tinulungan ni Jehova ang mga tapat na makilala ang
Mesiyas.
7. Ano ang dalawa sa mga hulang natupad may kaugnayan kay Jesus?
40 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Ikalawa, maraming siglo patiuna, tinukoy ng hula na nakaulat


sa Daniel 9:25 ang mismong taon kung kailan lilitaw ang Me-
siyas—29 C.E.1 Pinatutunayan ng katuparan nito at ng iba pang
hula na si Jesus nga ang ipinangakong Mesiyas.
8 Naging maliwanag ang karagdagang patotoo na si Jesus ang

Mesiyas noong magtatapos ang 29 C.E. Iyan ang taon nang


lumapit si Jesus kay Juan na Tagapagbautismo para magpabau-
tismo sa Ilog Jordan. Nangako si Jehova na bibigyan niya si
Juan ng isang tanda upang makilala nito ang Mesiyas. Nakita
ni Juan ang tanda na iyon noong bautismuhan si Jesus. Ganito
ang sinasabi ng Bibliya na nangyari: “Pagkatapos na mabautis-
muhan ay kaagad na umahon si Jesus mula sa tubig; at, narito!
ang langit ay nabuksan, at nakita niyang bumababa na tulad
ng isang kalapati ang espiritu ng Diyos na lumalapag sa kaniya.
Narito! May tinig din mula sa langit na nagsabi: ‘Ito ang aking
Anak, ang minamahal, na aking sinang-ayunan.’ ” (Mateo 3:16,
17) Pagkatapos makita at marinig ang pangyayari, hindi nag-
alinlangan si Juan na si Jesus ay isinugo ng Diyos. (Juan 1:32-
34) Nang ibuhos sa kaniya ang espiritu, o aktibong puwersa ng
Diyos nang araw na iyon, si Jesus ay naging Mesiyas, o Kristo,
ang isa na hinirang upang maging Lider at Hari.—Isaias 55:4.
9 Malinaw na ipinakikita ng katuparan ng hula sa Bibliya at

ng mismong patotoo ng Diyos na Jehova na si Jesus ang ipina-


ngakong Mesiyas. Ngunit sinasagot ng Bibliya ang dalawa pang
mahahalagang tanong tungkol kay Jesu-Kristo: Saan siya nag-
mula? At ano ba ang kaniyang personalidad?
SAAN NAGMULA SI JESUS?
Itinuturo ng Bibliya na nabuhay si Jesus sa langit bago siya
10

pumarito sa lupa. Inihula ni Mikas na isisilang ang Mesiyas sa


Betlehem at sinabi rin niya na ang Kaniyang pinanggalingan
1 Para sa paliwanag hinggil sa hula ni Daniel na natupad may kaugnayan
kay Jesus, tingnan ang Apendise, pahina 197-9.

8, 9. Anong patotoo hinggil sa pagiging Mesiyas ni Jesus ang naging malinaw


noong bautismuhan siya?
10. Ano ang itinuturo ng Bibliya hinggil sa pag-iral ni Jesus bago siya pumari-
to sa lupa?
Sino si Jesu-Kristo? 41

ay “mula noong unang mga panahon.” (Mikas 5:2) Sa mara-


ming pagkakataon, sinabi mismo ni Jesus na nabuhay siya sa
langit bago siya isilang bilang tao. (Juan 3:13; 6:38, 62; 17:4, 5)
Bilang isang espiritung nilalang sa langit, may pantanging ka-
ugnayan si Jesus kay Jehova.
11 Si Jesus ang pinakamamahal na Anak ni Jehova—at may

makatuwiran namang dahilan. Tinatawag siyang “panganay sa


lahat ng nilalang,” sapagkat siya ang unang nilalang ng Diyos.1
(Colosas 1:15) May iba pang dahilan kung bakit natatangi ang
Anak na ito. Siya ang “bugtong na Anak.” (Juan 3:16) Nanga-
ngahulugan ito na si Jesus lamang ang nag-iisang tuwirang
nilalang ng Diyos. Si Jesus din ang nag-iisang ginamit ng Diyos
nang lalangin Niya ang lahat ng iba pang bagay. (Colosas 1:16)
Tinatawag din si Jesus na “Salita.” (Juan 1:14) Sinasabi nito sa
atin na naging tagapagsalita siya ng Diyos, na walang-alinla-
ngang naghahatid ng mga mensahe at mga tagubilin sa iba
pang mga anak ng Ama, kapuwa mga espiritu at mga tao.
12 Ang panganay na Anak ba ay kapantay ng Diyos, gaya

ng paniniwala ng ilan? Hindi iyan ang itinuturo ng Bibliya.


Gaya ng napansin natin sa naunang parapo, nilalang ang Anak.
Kung gayon, maliwanag na mayroon siyang pasimula, saman-
talang ang Diyos na Jehova ay walang pasimula o wakas. (Awit
90:2) Hindi man lamang inisip ng bugtong na Anak na maging
kapantay ng kaniyang Ama. Maliwanag na itinuturo ng Bibliya
na mas dakila ang Ama kaysa sa Anak. (Juan 14:28; 1 Corinto
11:3) Si Jehova lamang ang “Diyos na Makapangyarihan-sa-
lahat.” (Genesis 17:1) Samakatuwid, wala siyang kapantay.2
1 Tinatawag si Jehova na Ama dahil siya ang Maylalang. (Isaias 64:8) Yamang
nilalang ng Diyos si Jesus, tinatawag siyang Anak ng Diyos. Sa gayunding da-
hilan, ang iba pang espiritung mga nilalang at maging ang taong si Adan ay
tinatawag na mga anak ng Diyos.—Job 1:6; Lucas 3:38.
2 Para sa karagdagang patotoo na ang panganay na Anak ay hindi kapantay
ng Diyos, tingnan ang Apendise, pahina 201-4.

11. Paano ipinakikita ng Bibliya na si Jesus ang pinakamamahal na Anak ni Je-


hova?
12. Paano natin nalaman na ang panganay na Anak ay hindi kapantay ng
Diyos?
42 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Nagkaroon ng matalik na pagsasamahan si Jehova at ang


13

kaniyang panganay na Anak sa loob ng bilyun-bilyong taon


—matagal na panahon bago pa nilalang ang mabituing kala-
ngitan at ang lupa. Tiyak na gayon na lamang ang pag-ibig
nila sa isa’t isa! (Juan 3:35; 14:31) Ang minamahal na Anak
na ito ay kagayang-kagaya ng kaniyang Ama. Iyan ang dahilan
kung bakit tinukoy ng Bibliya ang Anak bilang “ang lara-
wan ng di-nakikitang Diyos.” (Colosas 1:15) Oo, kung paanong
maaaring maging kagayang-kagaya ng isang anak na tao ang
kaniyang ama sa iba’t ibang paraan, makikita sa makalangit na
Anak na ito ang mga katangian at personalidad ng kaniyang
Ama.
14 Handang iwan ng bugtong na Anak ni Jehova ang langit

at bumaba rito sa lupa upang mabuhay bilang tao. Pero baka


isipin mo, ‘Paano naisilang bilang tao ang isang espiritung
nilalang?’ Upang maisakatuparan ito, gumawa ng himala si Je-
hova. Inilipat niya ang buhay ng kaniyang panganay na Anak
mula sa langit tungo sa sinapupunan ng isang Judiong birhen
na nagngangalang Maria. Walang taong ama ang nasasangkot.
Kaya nagsilang si Maria ng isang sakdal na anak na lalaki at pi-
nanganlan niya itong Jesus.—Lucas 1:30-35.
ANO BA ANG PERSONALIDAD NI JESUS?
Ang sinabi at ginawa ni Jesus habang nasa lupa ay tumu-
15

tulong sa atin na makilala siya nang lubos. Higit pa riyan, sa


pamamagitan ni Jesus ay makikilala natin nang higit si Jeho-
va. Bakit gayon? Tandaan na ang Anak na ito ay isang sakdal
na larawan ng kaniyang Ama. Iyan ang dahilan kung bakit
sinabi ni Jesus sa isa sa kaniyang mga alagad: “Siya na naka-
kita sa akin ay nakakita rin sa Ama.” (Juan 14:9) Maraming
sinasabi sa atin ang apat na aklat ng Bibliya na nakila-
la bilang mga Ebanghelyo—Mateo, Marcos, Lucas, at Juan—
13. Ano ang ibig sabihin ng Bibliya nang tukuyin nito ang Anak bilang “ang
larawan ng di-nakikitang Diyos”?
14. Paano isinilang bilang tao ang bugtong na Anak ni Jehova?
15. Bakit natin masasabi na sa pamamagitan ni Jesus ay makikilala natin nang
higit si Jehova?
Sino si Jesu-Kristo? 43

hinggil sa buhay, gawain, at personal na mga katangian ni


Jesu-Kristo.
16 Kilalang-kilala´ si Jesus bilang “Guro.” (Juan 1:38; 13:13)

Ano ba ang itinuro niya? Pangunahin na, ang kaniyang men-


sahe ay ang “mabuting balita ng kaharian”—samakatuwid
nga, ang Kaharian ng Diyos, ang makalangit na gobyerno na
mamamahala sa buong lupa at magpapasapit ng walang-kata-
pusang mga pagpapala sa masunuring mga tao. (Mateo 4:23)
Kaninong mensahe ito? Si Jesus mismo ang nagsabi: “Ang iti-
nuturo ko ay hindi sa akin, kundi sa kaniya na nagsugo sa
akin,” samakatuwid nga, kay Jehova. (Juan 7:16) Alam ni Jesus
na gusto ng kaniyang Ama na marinig ng mga tao ang tungkol
sa mabuting balita ng Kaharian. Sa Kabanata 8, mas marami pa
tayong matututuhan tungkol sa Kaharian ng Diyos at kung ano
ang isasakatuparan nito.
17 Saan nagturo si Jesus? Saanman siya makasumpong ng

mga tao—sa lalawigan o sa mga karatig na lupain gayundin sa


mga lunsod, nayon, pamilihan, at sa kanilang mga tahanan.
Hindi hinintay ni Jesus na lapitan siya ng mga tao. Siya ang
lumapit sa kanila. (Marcos 6:56; Lucas 19:5, 6) Bakit nagpa-
gal nang husto si Jesus at gumugol ng napakaraming panahon
sa pangangaral at pagtuturo? Sapagkat ito ang kalooban ng
Diyos para sa kaniya. Laging ginagawa ni Jesus ang kalooban
ng kaniyang Ama. (Juan 8:28, 29) Ngunit may iba pang dahi-
lan kung bakit siya nangaral. Nahabag siya sa maraming tao na
naglabasan para makita siya. (Mateo 9:35, 36) Pinabayaan sila
ng kanilang relihiyosong mga lider, na dapat sana’y nagtutu-
ro sa kanila ng katotohanan tungkol sa Diyos at sa kaniyang
mga layunin. Alam ni Jesus na kailangang-kailangang marinig
ng mga tao ang mensahe ng Kaharian.
18 Si Jesus ay isang lalaking may magiliw na pagmamahal

at matinding damdamin. Kaya para sa iba, siya ay mabait at


16. Ano ang pangunahing mensahe ni Jesus, at saan nagmula ang kaniyang
mga itinuro?
17. Saan nagturo si Jesus, at bakit siya nagpagal nang husto sa pagtuturo sa iba?
18. Anong mga katangian ni Jesus ang pinakagusto mo?
Nangaral si Jesus saanman siya makasumpong ng mga tao

madaling lapitan. Maging ang mga bata ay panatag ang loob sa


kaniya. (Marcos 10:13-16) Hindi nagtatangi si Jesus. Kinapopo-
otan niya ang katiwalian at kawalang-katarungan. (Mateo 21:
12, 13) Noong panahong hindi gaanong iginagalang at bini-
bigyan ng karapatan ang mga babae, pinakitunguhan niya sila
nang may dignidad. (Juan 4:9, 27) Si Jesus ay totoong mapag-
pakumbaba. Sa isang pagkakataon, hinugasan niya ang paa ng
kaniyang mga apostol, isang gawain na kadalasang ginagampa-
nan ng isang hamak na lingkod.
19 Palaisip si Jesus sa mga pangangailangan ng iba. Lalo itong

nakita nang gumawa siya ng mga makahimalang pagpapaga-


ling sa pamamagitan ng kapangyarihan ng espiritu ng Diyos.
(Mateo 14:14) Halimbawa, isang lalaking may ketong ang lu-
mapit kay Jesus at nagsabi: “Kung ibig mo lamang, mapalilinis
mo ako.” Nadama mismo ni Jesus ang kirot at pagdurusa ng
lalaking ito. Palibhasa’y nahabag siya, iniunat ni Jesus ang
kaniyang kamay at hinipo ang lalaki, na sinasabi: “Ibig ko.
19. Anong halimbawa ang nagpapakita na si Jesus ay palaisip sa mga panga-
ngailangan ng iba?
45

Luminis ka.” At napagaling ang lalaking may sakit! (Marcos


1:40-42) Maguguniguni mo ba kung ano ang nadama ng lala-
king iyon?
TAPAT HANGGANG WAKAS
20 Ipinakita ni Jesus ang pinakamainam na halimbawa ng
matapat na pagsunod sa Diyos. Nanatili siyang tapat sa kani-
yang makalangit na Ama sa ilalim ng lahat ng uri ng kalagayan
at sa kabila ng lahat ng anyo ng pagsalansang at pagdurusa.
Matatag at matagumpay na nilabanan ni Jesus ang mga tukso
ni Satanas. (Mateo 4:1-11) May pagkakataon noon na ang ilan
sa mismong mga kamag-anak ni Jesus ay hindi nanampalataya
sa kaniya, na sinasabi pa ngang “nasisiraan na siya ng kani-
yang isip.” (Marcos 3:21) Ngunit hindi nagpaimpluwensiya si
Jesus sa kanila; nagpatuloy siya sa pagganap ng gawaing inia-
tas ng Diyos. Sa kabila ng mga pang-iinsulto at pang-aabuso,
napanatili ni Jesus ang pagpipigil sa sarili, anupat hindi niya
20, 21. Paano nagpakita si Jesus ng halimbawa ng matapat na pagsunod sa
Diyos?
46 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

kailanman sinikap na pinsalain ang mga sumalansang sa kani-


ya.—1 Pedro 2:21-23.
21 Nanatiling tapat si Jesus hanggang kamatayan—isang ma-

lupit at masakit na kamatayan sa kamay ng kaniyang mga


kaaway. (Filipos 2:8) Isaalang-alang kung ano ang tiniis niya
sa huling araw ng kaniyang buhay bilang tao. Siya ay inares-
to, inakusahan ng huwad na mga saksi, hinatulan ng tiwaling
mga hukom, inalipusta ng mga mang-uumog, at pinahirapan
ng mga sundalo. Habang nakapako sa pahirapang tulos bago
siya malagutan ng hininga, sumigaw siya: “Naganap na!” (Juan
19:30) Gayunman, sa ikatlong araw pagkamatay ni Jesus, siya
ay binuhay-muli ng kaniyang makalangit na Ama tungo sa
espiritung buhay. (1 Pedro 3:18) Pagkalipas ng ilang linggo, bu-
malik siya sa langit. Doon ay “umupo [siya] sa kanan ng Diyos”
at naghihintay na tumanggap ng kapangyarihan bilang hari.
—Hebreo 10:12, 13.
22 Ano ang naisakatuparan ni Jesus sa pananatili niyang tapat

hanggang kamatayan? Sa katunayan, ang kamatayan ni Jesus


ay nagbukas sa atin ng pagkakataon para sa walang-hanggang
buhay sa isang paraisong lupa, alinsunod sa orihinal na layu-
nin ni Jehova. Tatalakayin sa susunod na kabanata kung paano
iyan naging posible sa pamamagitan ng kamatayan ni Jesus.
22. Ano ang naisakatuparan ni Jesus sa pananatili niyang tapat hanggang ka-
matayan?

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA


ˇ Pinatutunayan ng natupad na hula at ng mis-
mong patotoo ng Diyos na si Jesus ang Mesiyas,
o Kristo.—Mateo 16:16.
ˇ Nabuhay si Jesus sa langit bilang isang espiritung
nilalang sa loob ng matagal na panahon bago pa
siya pumarito sa lupa.—Juan 3:13.
ˇ Si Jesus ay isang guro, isang lalaki na may magiliw
na pagmamahal, at isang halimbawa ng sakdal na
pagsunod sa Diyos.—Mateo 9:35, 36.
KABANATA 5

Ang Pantubos
—Ang Pinakamahalagang Regalo
ng Diyos
Ano ba ang pantubos?
Paano ito inilaan?
Paano ka makikinabang dito?
Paano mo maipakikita
na pinahahalagahan mo ito?

ANO ang pinakamahalagang regalong natanggap mo? Hindi


naman kailangang maging mamahalin ang isang regalo para
maging mahalaga. Kung sa bagay, hindi naman sinusukat ang
tunay na halaga ng isang regalo sa salaping ipinambili rito. Sa
halip, kapag ang isang regalo ay nagdulot sa iyo ng kaligayahan
o napunan nito ang isang tunay na pangangailangan sa iyong
buhay, malaki ang halaga nito sa iyo.
2 Sa maraming regalo na maaaring hinahangad mong ma-

tanggap, mayroong isa na nakahihigit sa lahat. Kaloob ito ng


Diyos sa sangkatauhan. Marami nang ibinigay si Jehova sa atin,
ngunit ang pinakamahalagang regalo niya sa atin ay ang haing
pantubos ng kaniyang Anak, si Jesu-Kristo. (Mateo 20:28) Gaya
ng makikita natin sa kabanatang ito, ang pantubos ang pina-
kamahalagang regalo na puwede mong matanggap, sapagkat
makapagdudulot ito sa iyo ng di-mapapantayang kaligayahan
at makasasapat sa pinakamahahalagang pangangailangan mo.
Sa katunayan, ang pantubos ang pinakadakilang kapahayagan
ng pag-ibig ni Jehova para sa iyo.
1, 2. (a) Kailan nagkakaroon ng malaking halaga sa iyo ang isang regalo?
(b) Bakit masasabing ang pantubos ang pinakamahalagang regalo na maaari
mong matanggap?
48 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ANO BA ANG PANTUBOS?


Sa simpleng pananalita, ang pantubos ang paraan ni Je-
3

hova upang tubusin, o iligtas, ang sangkatauhan mula sa


kasalanan at kamatayan. (Efeso 1:7) Upang maunawaan ang
kahulugan ng turong ito sa Bibliya, kailangan nating balikan
ang nangyari sa hardin ng Eden. Upang maunawaan natin
kung bakit gayon na lamang kahalaga sa atin ang regalong
pantubos, kailangan muna nating maintindihan kung ano ang
naiwala ni Adan noong magkasala siya.
4 Nang lalangin ni Jehova si Adan, binigyan Niya ito ng

isang bagay na talagang mahalaga—sakdal na buhay bilang tao.


Pag-isipan kung ano ang kahulugan nito para kay Adan. Pa-
libhasa’y ginawang sakdal ang kaniyang katawan at isip, hindi
siya kailanman magkakasakit, tatanda, o mamamatay. Bilang
sakdal na tao, mayroon siyang pantanging kaugnayan kay Je-
hova. Sinasabi ng Bibliya na si Adan ay “anak ng Diyos.”
(Lucas 3:38) Kaya matalik ang kaugnayan ni Adan sa Diyos na
Jehova, katulad ng kaugnayan ng isang anak sa isang maibi-
ging ama. Nakipagtalastasan si Jehova sa kaniyang makalupang
anak, anupat binigyan si Adan ng kasiya-siyang mga atas at ipi-
naalam sa kaniya kung ano ang inaasahan sa kaniya.—Genesis
1:28-30; 2:16, 17.
5 Ginawa si Adan “ayon sa larawan ng Diyos.” (Genesis 1:27)

Hindi naman iyan nangangahulugang magkamukha si Adan


at ang Diyos. Gaya ng natutuhan natin sa Kabanata 1 ng ak-
lat na ito, si Jehova ay isang di-nakikitang espiritu. (Juan 4:24)
Kaya walang dugo at katawang laman si Jehova. Ang pagkaka-
gawa ayon sa larawan ng Diyos ay nangangahulugang nilalang
si Adan na may mga katangiang kagaya ng sa Diyos, kasama
na ang pag-ibig, karunungan, katarungan, at kapangyarihan. Si
Adan ay kagaya ng kaniyang Ama sa isa pang mahalagang para-
an dahil mayroon siyang kalayaang magpasiya. Kaya naman, si
3. Ano ba ang pantubos, at ano muna ang kailangan nating maintindihan
upang maunawaan kung gaano kahalaga ang regalong ito?
4. Ano ang kahulugan para kay Adan ng sakdal na buhay bilang tao?
5. Ano ang ibig sabihin ng Bibliya nang banggitin nito na si Adan ay ginawa
“ayon sa larawan ng Diyos”?
Ang Pantubos—Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos 49

Adan ay hindi gaya ng isang makina na umaandar lamang alin-


sunod sa pagkakadisenyo o pagkakaprograma rito. Sa halip,
makagagawa siya ng personal na mga desisyon, at makapa-
mimili sa tama at mali. Kung pinili sana niyang sundin ang
Diyos, mabubuhay siya magpakailanman sa Paraiso sa lupa.
6 Kung gayon, maliwanag na nang sumuway si Adan sa

Diyos at mahatulang mamatay, napakalaking halaga ang ibi-


nayad niya. Dahil sa kaniyang kasalanan, naiwala niya ang
kaniyang sakdal na buhay bilang tao lakip na ang lahat ng pag-
papala nito. (Genesis 3:17-19) Nakalulungkot, naiwala ni Adan
ang napakahalagang buhay na ito hindi lamang para sa kani-
yang sarili kundi pati na rin sa kaniyang magiging mga
supling. Ganito ang sabi ng Salita ng Diyos: “Sa pamamagitan
ng isang tao [si Adan] ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan
at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan, at sa gayon
ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao sapagkat silang
lahat ay nagkasala.” (Roma 5:12) Oo, nagmana tayong lahat
ng kasalanan mula kay Adan. Kaya naman, sinabi ng Bibliya
na “ipinagbili” niya ang kaniyang sarili at ang kaniyang mga
supling sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan. (Roma 7:14)
Walang pag-asa si Adan o si Eva dahil kusang-loob nilang pinili
na sumuway sa Diyos. Pero kumusta naman ang kanilang mga
supling, kabilang na tayo?
7 Sinagip ni Jehova ang sangkatauhan sa pamamagitan

ng pantubos. Ano ba ang pantubos? Ang ideya ng pantu-


bos ay pangunahin nang nagsasangkot ng dalawang bagay.
Una, ang pantubos ang halagang ibinabayad upang mapala-
ya o matubos ang isang bagay. Maihahambing ito sa halagang
ibinabayad para matubos ang isang batang kinidnap. Ikala-
wa, ang pantubos ang halagang pantakip, o pambayad, sa
halaga ng isang bagay. Kagaya naman ito ng halagang ibina-
bayad bilang pantakip sa nagawang pinsala. Halimbawa, kung
6. Nang sumuway si Adan sa Diyos, ano ang naiwala niya, at paano naapektu-
han ang kaniyang mga supling?
7, 8. Ang isang pantubos ay pangunahin nang nagsasangkot ng anong dala-
wang bagay?
50 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

makaaksidente ang isang tao, kailangan niyang bayaran ang


eksaktong halaga na katumbas ng bagay na nasira.
8 Paano matatakpan ang napakalaking kawalan na idinulot

ni Adan sa ating lahat at sa gayon ay mapalaya tayo mula sa


pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan? Isaalang-alang natin
ang pantubos na inilaan ni Jehova at kung paano ka makikina-
bang dito.
KUNG PAANO INILAAN NI JEHOVA ANG PANTUBOS
Yamang isang sakdal na buhay ng tao ang naiwala, walang
9

di-sakdal na buhay ng tao ang makatutubos dito kailanman.


(Awit 49:7, 8) Ang kailangan ay isang pantubos na katumbas
ng naiwala. Alinsunod ito sa simulain ng sakdal na katarungan
na masusumpungan sa Salita ng Diyos, na nagsasabi: “Kalulu-
wa ang magiging para sa kaluluwa.” (Deuteronomio 19:21) Kaya
ano ang makapagtatakip sa halaga ng sakdal na kaluluwa, o bu-
hay ng tao, na naiwala ni Adan? Ang “katumbas na pantubos”
na kailangan ay isang sakdal na buhay rin ng tao.—1 Timoteo
2:6.
10 Paano inilaan ni Jehova ang pantubos? Isinugo niya sa lupa

ang isa sa kaniyang mga sakdal na espiritung anak. Pero hindi


isinugo ni Jehova ang basta sinumang espiritung nilalang. Isi-
nugo niya ang isa na pinakamahalaga sa kaniya, ang kaniyang
bugtong na Anak. (1 Juan 4:9, 10) Kusang-loob na iniwan ng
Anak na ito ang kaniyang makalangit na tahanan. (Filipos 2:7)
Gaya ng nalaman natin sa nakaraang kabanata ng aklat na ito,
gumawa si Jehova ng himala nang ilipat niya ang buhay ng
Anak na ito sa bahay-bata ni Maria. Sa pamamagitan ng banal
na espiritu ng Diyos, isinilang si Jesus na isang sakdal na tao at
hindi siya saklaw ng parusa ng kasalanan.—Lucas 1:35.
11 Paano magsisilbing pantubos ang isang tao para sa mara-

mi, sa katunayan, para sa milyun-milyong tao? Buweno, paano


ba naging makasalanan ang milyun-milyong tao? Alalahanin
na dahil sa pagkakasala, naiwala ni Adan ang mahalagang pag-
9. Anong uri ng pantubos ang kailangan?
10. Paano inilaan ni Jehova ang pantubos?
11. Paano magsisilbing pantubos ang isang tao para sa milyun-milyong tao?
Ang Pantubos—Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos 51

aaring sakdal na buhay bilang tao. Kaya naman, hindi niya


ito maipamamana sa kaniyang mga supling. Sa halip, tanging
kasalanan at kamatayan ang maipamamana niya. Si Jesus, na ti-
natawag sa Bibliya na “huling Adan,” ay nagkaroon ng sakdal
na buhay bilang tao, at hindi siya kailanman nagkasala. (1 Co-
rinto 15:45) Sa diwa, hinalinhan ni Jesus si Adan upang iligtas
tayo. Sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng kaniyang sakdal na
buhay at walang-kapintasang pagsunod sa Diyos, binayaran ni
Jesus ang halaga ng kasalanan ni Adan. Sa gayo’y nagdulot ng
pag-asa si Jesus sa mga supling ni Adan.—Roma 5:19; 1 Corinto
15:21, 22.
12 Detalyadong inilalarawan ng Bibliya ang pagdurusang bi-
´
nata ni Jesus bago siya mamatay. Naranasan niya ang matinding
panghahagupit, malupit na pagbabayubay, at napakasakit na ka-
matayan sa pahirapang tulos. (Juan 19:1, 16-18, 30; Apendise,
pahina 204-6) Bakit kailangang magdusa si Jesus nang labis-
labis? Sa isa sa mga susunod na kabanata ng aklat na ito,
makikita natin na kinuwestiyon ni Satanas kung mayroon bang
sinumang taong lingkod si Jehova na mananatiling tapat sa ila-
lim ng pagsubok. Dahil sa pagbabata nang may katapatan sa
kabila ng matinding pagdurusa, naibigay ni Jesus ang pinaka-
mainam na sagot sa hamon ni Satanas. Pinatunayan ni Jesus
na kayang panatilihin ng isang sakdal na taong may kalayaang
magpasiya ang ganap na katapatan sa Diyos anuman ang gawin
ng Diyablo. Tiyak na tuwang-tuwa si Jehova sa katapatan ng ka-
niyang minamahal na Anak!—Kawikaan 27:11.
13 Paano binayaran ang pantubos? Nang ika-14 na araw ng

buwan ng Nisan ng mga Judio noong 33 C.E., pinahintulutan


ng Diyos na patayin ang kaniyang sakdal at walang-kasala-
nang Anak. Sa gayo’y inihain ni Jesus ang kaniyang sakdal na
buhay bilang tao “nang minsanan.” (Hebreo 10:10) Sa ikat-
long araw pagkamatay ni Jesus, binuhay siyang muli ni Jehova
bilang espiritung nilalang. Sa langit, iniharap ni Jesus sa Diyos
ang halaga ng kaniyang sakdal na buhay bilang tao na iniha-
in bilang pantubos na kapalit ng mga supling ni Adan. (Hebreo
12. Ano ang napatunayan ng pagdurusa ni Jesus?
13. Paano binayaran ang pantubos?
Ibinigay ni Jehova
ang kaniyang bugtong
na Anak bilang
pantubos sa atin
Ang Pantubos—Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos 53

9:24) Tinanggap ni Jehova ang halaga ng hain ni Jesus bilang


pantubos na kinakailangan upang tubusin ang sangkatau-
han mula sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan.—Roma 3:
23, 24.
KUNG PAANO KA MAKIKINABANG SA PANTUBOS
14 Sa kabila ng ating makasalanang kalagayan, makapagtata-
masa tayo ng walang katumbas na mga pagpapala dahil sa
pantubos. Talakayin natin ang ilan sa mga kapakinabangang
idudulot ng pinakamahalagang kaloob na ito mula sa Diyos sa
kasalukuyan at sa hinaharap.
15 Kapatawaran ng mga kasalanan. Dahil sa minanang di-

kasakdalan, kailangan nating makipagpunyagi nang puspusan


upang gawin ang tama. Lahat tayo ay nagkakasala sa salita man
o sa gawa. Ngunit sa pamamagitan ng haing pantubos ni Jesus,
makatatanggap tayo ng “kapatawaran ng ating mga kasalanan.”
(Colosas 1:13, 14) Subalit para matamo ang kapatawarang iyan,
kailangang tayo ay tunay na nagsisisi. Kailangan din nating
magsumamo kay Jehova nang may kapakumbabaan, na hinihi-
ngi ang kaniyang kapatawaran salig sa ating pananampalataya
sa haing pantubos ng kaniyang Anak.—1 Juan 1:8, 9.
16 Isang malinis na budhi sa harap ng Diyos. Ang isang bag-

bag na budhi ay madaling umakay sa kawalang pag-asa at


pagkadama na wala tayong halaga. Gayunman, sa pamamagi-
tan ng kapatawaran na naging posible dahil sa pantubos, tayo’y
may-kabaitang binigyan ni Jehova ng pagkakataon na samba-
hin siya taglay ang malinis na budhi sa kabila ng ating
di-kasakdalan. (Hebreo 9:13, 14) Ito ang dahilan kung kaya may
kalayaan tayong makipag-usap kay Jehova. Sa gayon, malaya
tayong makalalapit sa kaniya sa panalangin. (Hebreo 4:14-16)
Ang pagpapanatili ng isang malinis na budhi ay nagbibigay ng
kapayapaan ng isip, nagtataguyod ng paggalang sa sarili, at nag-
dudulot ng kaligayahan.
14, 15. Upang matanggap ang “kapatawaran ng ating mga kasalanan,” ano ang
dapat nating gawin?
16. Ano ang tumutulong sa atin na sambahin ang Diyos taglay ang isang ma-
linis na budhi, at ano ang kahalagahan ng gayong budhi?
Ang pagsisikap na higit
na makilala si Jehova
ay isang paraan upang
maipakita mo na iyong
pinahahalagahan
ang kaniyang
regalong pantubos

17 Ang pag-asang buhay na walang hanggan sa isang paraisong

lupa. “Ang kabayaran na ibinabayad ng kasalanan ay kamata-


yan,” ang sabi ng Roma 6:23. Idinagdag ng talata ring iyon:
“Ngunit ang kaloob na ibinibigay ng Diyos ay buhay na walang
hanggan sa pamamagitan ni Kristo Jesus na ating Panginoon.”
Sa Kabanata 3 ng aklat na ito, tinalakay natin ang mga pag-
papala ng dumarating na makalupang Paraiso. (Apocalipsis 21:
3, 4) Lahat ng mga pagpapalang iyon sa hinaharap, pati na ang
buhay na walang hanggan sa sakdal na kalusugan, ay naging
posible dahil namatay si Jesus para sa atin. Upang matamo ang
mga pagpapalang iyon, kailangan nating ipakita na pinahahala-
gahan natin ang regalong pantubos.
PAANO MO MAIPAKIKITA ANG IYONG PAGPAPAHALAGA?
18 Bakit tayo dapat magpasalamat nang lubos kay Jehova dahil

sa pantubos? Buweno, ang isang regalo ay lalo nang mahalaga


kung nagsasangkot ito ng pagsasakripisyo ng panahon, pagsisi-
kap, o gastos sa bahagi ng nagbigay. Naaantig ang ating puso
kapag nakikita natin na ang isang regalo ay kapahayagan ng
tunay na pag-ibig sa atin ng nagbigay. Ang pantubos ang pina-
kamahalaga sa lahat ng regalo, sapagkat ginawa ng Diyos ang
17. Anong mga pagpapala ang naging posible dahil namatay si Jesus para sa
atin?
18. Bakit tayo dapat magpasalamat kay Jehova sa paglalaan ng pantubos?
Ang Pantubos—Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos 55

pinakamalaking sakripisyo kailanman upang mailaan ito. “Ga-


yon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan anupat
ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak,” ang sabi ng Juan
3:16. Ang pantubos ang pinakanamumukod-tanging patotoo ng
pag-ibig ni Jehova para sa atin. Katibayan din ito ng pag-ibig ni
Jesus, sapagkat kusang-loob niyang ibinigay ang kaniyang bu-
hay alang-alang sa atin. (Juan 15:13) Kung gayon, ang regalong
pantubos ay dapat kumumbinsi sa atin na iniibig tayo ni Jeho-
va at ng kaniyang Anak bilang mga indibiduwal.—Galacia 2:20.
19 Kung gayon, paano mo maipakikita na pinahahalagahan

mo ang regalo ng Diyos na pantubos? Una sa lahat, gumawa ng


pagsisikap upang higit na makilala ang Dakilang Tagapagbigay, si
Jehova. (Juan 17:3) Ang pag-aaral ng Bibliya gamit ang publika-
syong ito ay tutulong sa iyo na magawa iyan. Habang dumarami
ang kaalaman mo tungkol kay Jehova, sisidhi ang iyong pag-ibig
sa kaniya. Ang pag-ibig namang ito ang mag-uudyok sa iyo na
palugdan siya.—1 Juan 5:3.
20 Manampalataya sa haing pantubos ni Jesus. Sinabi mismo

ni Jesus: “Siya na nananampalataya sa Anak ay may buhay na


walang hanggan.” (Juan 3:36) Paano tayo mananampalataya
kay Jesus? Ang gayong pananampalataya ay ipinakikita hindi la-
mang sa salita. “Ang pananampalataya na walang mga gawa ay
patay,” ang sabi ng Santiago 2:26. Oo, ang tunay na pananam-
palataya ay pinatutunayan ng “mga gawa,” o ng ating mga kilos.
Ang isang paraan para maipakita natin na may pananampala-
taya tayo kay Jesus ay ang paggawa ng ating buong makakaya
upang tularan siya hindi lamang sa salita kundi maging sa gawa.
—Juan 13:15.
21 Dumalo sa taunang pagdiriwang ng Hapunan ng Panginoon.

Noong gabi ng Nisan 14, 33 C.E., pinasimulan ni Jesus ang isang


espesyal na pagdiriwang na tinatawag sa Bibliya na “hapunan
ng Panginoon.” (1 Corinto 11:20; Mateo 26:26-28) Tinatawag
ding Memoryal ng kamatayan ni Kristo ang pagdiriwang na ito.
19, 20. Sa anu-anong paraan mo maipakikita na pinahahalagahan mo ang re-
galo ng Diyos na pantubos?
21, 22. (a) Bakit tayo dapat dumalo sa taunang pagdiriwang ng Hapunan ng
Panginoon? (b) Ano ang ipaliliwanag sa Kabanata 6 at 7?
56 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Pinasinayaan ito ni Jesus upang tulungan ang kaniyang mga


apostol at ang lahat ng tunay na Kristiyanong nabuhay kasu-
nod nila na alalahaning ibinigay niya ang kaniyang kaluluwa, o
buhay, bilang pantubos sa pamamagitan ng kaniyang kamata-
yan bilang sakdal na tao. Hinggil sa pagdiriwang na ito, iniutos
ni Jesus: “Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.”
(Lucas 22:19) Ang pagdiriwang ng Memoryal ay nagpapaalaala
sa atin ng dakilang pag-ibig na ipinakita kapuwa ni Jehova at ni
Jesus may kaugnayan sa pantubos. Maipakikita natin ang ating
pagpapahalaga sa pantubos sa pamamagitan ng pagdalo sa tau-
nang pagdiriwang ng Memoryal ng kamatayan ni Jesus.1
22 Ang paglalaan ni Jehova ng pantubos ay tunay na isang di-

matutumbasang regalo. (2 Corinto 9:14, 15) Maging ang mga


namatay na ay makikinabang sa walang katumbas na regalong
ito. Ipaliliwanag ng Kabanata 6 at 7 kung paano.
1 Para sa higit pang impormasyon hinggil sa kahulugan ng Hapunan ng Pa-
nginoon, tingnan ang Apendise, pahina 206-8.

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA


ˇ Ang pantubos ang paraan ni Jehova upang tu-
busin ang sangkatauhan mula sa kasalanan at
kamatayan.—Efeso 1:7.
ˇ Inilaan ni Jehova ang pantubos sa pamamagitan
ng pagsusugo ng kaniyang bugtong na Anak sa
lupa upang mamatay para sa atin.—1 Juan 4:9, 10.
ˇ Sa pamamagitan ng pantubos, natatamo natin
ang kapatawaran ng mga kasalanan, isang malinis
na budhi, at ang pag-asang buhay na walang
hanggan.—1 Juan 1:8, 9.
ˇ Ipinakikita natin na ating pinahahalagahan ang
pantubos sa pamamagitan ng pagsisikap na higit
na makilala si Jehova, pananampalataya sa haing
pantubos ni Jesus, at pagdalo sa Hapunan ng Pa-
nginoon.—Juan 3:16.
KABANATA 6

Nasaan ang mga Patay?


Ano ang nangyayari sa atin kapag tayo ay namatay?
Bakit tayo namamatay?
Nakaaaliw bang malaman ang katotohanan
tungkol sa kamatayan?

ITO ang mga tanong na pinag-iisipan ng mga tao sa loob ng libu-


libong taon na. Mahahalagang tanong ang mga ito. Sinuman tayo
o saanman tayo nakatira, nasasangkot tayong lahat sa sagot sa mga
tanong na ito.
2 Sa nakaraang kabanata, tinalakay natin kung paano binuksan

ng haing pantubos ni Jesu-Kristo ang daan tungo sa buhay na


walang hanggan. Natutuhan din natin na inihula ng Bibliya na
darating ang panahon na “hindi na magkakaroon ng kamatayan.”
(Apocalipsis 21:4) Samantala, lahat tayo ay namamatay. “Batid ng
´
mga buhay na sila ay mamamatay,” ang sabi ng matalinong si Ha-
ring Solomon. (Eclesiastes 9:5) Sinisikap nating mabuhay nang
mas mahaba hangga’t maaari. Gayunman, iniisip pa rin natin
kung ano ang mangyayari sa atin kapag namatay tayo.
3 Kapag namatay ang ating mga mahal sa buhay, nagdada-

lamhati tayo. At maaaring maitanong natin: ‘Ano na kaya ang


nangyayari sa kanila? Nagdurusa ba sila? Binabantayan kaya nila
tayo? Matutulungan ba natin sila? Makikita pa kaya natin silang
muli?’ Iba-iba ang sagot ng mga relihiyon sa daigdig sa mga ta-
nong na ito. Itinuturo ng ilan na kung mabuti ka, pupunta ka sa
langit pero kung masama ka, masusunog ka sa isang pahirapang
dako. Itinuturo naman ng ibang relihiyon na sa kamatayan, nag-
tutungo ang mga tao sa daigdig ng mga espiritu upang makasama
ang kanilang mga ninuno. Itinuturo pa ng ibang relihiyon na
1-3. Anu-ano ang itinatanong ng mga tao tungkol sa kamatayan, at anu-anong
mga sagot ang ibinibigay ng iba’t ibang relihiyon?
58 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

nagtutungo ang mga namatay sa daigdig ng mga patay upang ha-


tulan at pagkatapos ay sumasailalim sa reinkarnasyon, o muling
pagsilang sa ibang katawan.
4 Ang lahat ng gayong mga turo ng relihiyon ay may iisang

saligang ideya—na may bahagi sa ating katawan na nananatiling


´
buhay pagkamatay ng pisikal na katawan. Ayon sa halos lahat ng
relihiyon noon at ngayon, waring nabubuhay raw tayo magpakai-
lanman taglay ang kakayahang makakita, makarinig, at mag-isip.
Pero paano mangyayari iyan? Ang ating mga pandama, pati na
ang ating mga kaisipan, ay nakadepende lahat sa paggana ng ating
utak. Sa kamatayan, hindi na gumagana ang utak. Ang ating mga
alaala, damdamin, at pandama ay hindi na patuloy na gumagana
sa ganang sarili nito sa isang misteryosong paraan. Nawawala na
ang mga ito kapag namatay na ang ating utak.
ANO BA TALAGA ANG NANGYAYARI SA KAMATAYAN?
Ang nangyayari sa kamatayan ay hindi misteryo kay Jehova,
5

ang Maylalang ng utak. Alam niya ang katotohanan, at ipinaliwa-


nag niya sa kaniyang Salita, ang Bibliya, ang kalagayan ng mga
patay. Ganito ang maliwanag na turo nito: Kapag namatay ang
isang tao, hindi na siya umiiral. Ang kamatayan ay kabaligtaran
ng buhay. Ang patay ay hindi nakakakita o nakaririnig o naka-
´
pag-iisip. Walang anumang bahagi natin ang nananatiling buhay
pagkamatay ng katawan. Wala tayong imortal na kaluluwa o espi-
ritu.1
6 Matapos maobserbahan ni Solomon na alam ng mga buhay ´
na sila ay mamamatay, sumulat siya: “Kung tungkol sa mga pa-
tay, sila ay walang anumang kabatiran.” Pagkatapos ay pinalawak
niya ang saligang katotohanang iyan sa pagsasabing hindi kaya ng
mga patay na umibig ni mapoot man at na “walang gawa ni katha
man ni kaalaman man ni karunungan man sa [libingan].” (Ecle-
siastes 9:5, 6, 10) Sa katulad na paraan, sinasabi ng Awit 146:4 na
kapag namatay ang isang tao, “maglalaho ang kaniyang pag-iisip.”
1 Para sa pagtalakay sa mga salitang “kaluluwa” at “espiritu,” pakisuyong ting-
nan ang Apendise, sa pahina 208-11.

4. Ano ang saligang ideya ng maraming relihiyon tungkol sa kamatayan?


5, 6. Ano ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa kalagayan ng mga patay?
Nasaan ang mga Patay?

Tayo ay mortal at hindi nananatiling buhay


pagkamatay ng ating katawan. Ang buhay na ti-
natamasa natin ay kagaya ng apoy sa kandila.
Kapag pinatay ang apoy, hindi ito napunta sa
kung saan. Hindi na ito umiiral.

KUNG ANO ANG SINABI NI JESUS


TUNGKOL SA KAMATAYAN
7 Nagsalita si Jesu-Kristo tungkol sa kalagayan

ng mga patay. Binanggit niya ito nang mamatay


´ ´
si Lazaro, isang taong kilalang-kilala niya. Sina-
bi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Si Lazaro
na ating kaibigan ay namamahinga.” Inaka-
la ng mga alagad na ang ibig sabihin ni Jesus
ay natutulog lamang si Lazaro para gumaling
sa pagkakasakit. Nagkamali sila. Ganito ang pa-
liwanag ni Jesus: “Si Lazaro ay namatay.” (Juan
11:11-14) Pansinin na inihambing ni Jesus ang Saan napunta
ang apoy?
kamatayan sa pamamahinga at pagtulog. Si La-
zaro ay wala sa langit ni sa nag-aapoy na
impiyerno. Hindi niya nakasama ang mga anghel o ang kaniyang
mga ninuno. Si Lazaro ay hindi ipinanganak-muli na ibang tao.
Siya ay namamahinga na sa kamatayan, na parang natutulog nang
napakahimbing. Inihahalintulad din ng iba pang teksto ang ka-
matayan sa pagtulog. Halimbawa, nang pagbabatuhin ang alagad
na si Esteban hanggang sa mamatay, sinabi ng Bibliya na siya ay
“natulog.” (Gawa 7:60) Sa katulad na paraan, sumulat si apostol
Pablo hinggil sa ilan noong panahon niya na “natulog” na sa ka-
matayan.—1 Corinto 15:6.
8 Orihinal bang layunin ng Diyos na mamatay ang tao?

Hinding-hindi! Ginawa ni Jehova ang tao para mabuhay magpa-


kailanman sa lupa. Gaya ng naunang natutuhan natin sa aklat na
ito, inilagay ng Diyos ang unang taong mag-asawa sa isang na-
pakagandang paraiso. Pinagpala niya sila ng sakdal na kalusugan.
Walang ibang hangad si Jehova para sa kanila kundi ang mabuti.
7. Paano ipinaliwanag ni Jesus kung saan maihahalintulad ang kamatayan?
8. Paano natin nalaman na hindi layunin ng Diyos na mamatay ang mga tao?
60 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Mayroon bang sinumang maibiging magulang na gustong duma-


nas ang kaniyang mga anak ng hapis na dulot ng katandaan at
kamatayan? Siyempre wala! Iniibig ni Jehova ang kaniyang mga
anak at nais niyang magtamasa sila ng walang-katapusang kaliga-
yahan sa lupa. May kaugnayan sa mga tao, ganito ang sinabi ng
Bibliya: “Ang panahong walang takda ay inilagay [ni Jehova] sa
kanilang puso.” (Eclesiastes 3:11) Nilalang tayo ng Diyos na may
hangaring mabuhay magpakailanman. At gumawa siya ng paraan
upang matupad ang hangaring iyan.

Ginawa ni Jehova ang


mga tao para mabuhay
magpakailanman sa lupa
Nasaan ang mga Patay? 61

KUNG BAKIT NAMAMATAY ANG MGA TAO


9 Kung gayon, bakit namamatay ang mga tao? Upang masum-
pungan ang sagot, kailangan nating isaalang-alang kung ano ang
nangyari noong iisa pa lamang ang lalaki at iisa pa lamang ang ba-
bae sa lupa. Ganito ang paliwanag ng Bibliya: “Pinatubo ng Diyos
na Jehova mula sa lupa ang bawat punungkahoy na kanais-nais
sa paningin at mabuting kainin.” (Genesis 2:9) Gayunman, may
isang pagbabawal. Sinabi ni Jehova kay Adan: “Mula sa bawat
punungkahoy sa hardin ay makakakain ka hanggang masiyahan.
Ngunit kung tungkol sa punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti
at masama ay huwag kang kakain mula roon, sapagkat sa araw na
kumain ka mula roon ay tiyak na mamamatay ka.” (Genesis 2:16,
17) Hindi naman mahirap sundin ang utos na ito. Marami pang
ibang punungkahoy na mapagkukunan ng pagkain sina Adan at
Eva. Ngunit nagkaroon sila ngayon ng isang pantanging pagkaka-
taon para ipakita ang kanilang pasasalamat sa Isa na nagbigay sa
kanila ng lahat ng bagay, lakip na ang sakdal na buhay. Ang kani-
lang pagkamasunurin ay magpapakita rin na iginagalang nila ang
awtoridad ng kanilang makalangit na Ama at nais nila ang kani-
yang maibiging patnubay.
10 Nakalulungkot, pinili ng unang taong mag-asawa na sumu-

way kay Jehova. Sa pamamagitan ng isang serpiyente, tinanong ni


Satanas si Eva: “Talaga bang sinabi ng Diyos na huwag kayong ka-
kain mula sa bawat punungkahoy sa hardin?” Sumagot si Eva: “Sa
bunga ng mga punungkahoy sa hardin ay makakakain kami. Ngu-
nit kung tungkol sa pagkain ng bunga ng punungkahoy na nasa
gitna ng hardin, sinabi ng Diyos, ‘Huwag kayong kakain mula
roon, ni huwag ninyong hihipuin iyon upang hindi kayo mama-
tay.’ ”—Genesis 3:1-3.
11 “Tiyak na hindi kayo mamamatay,” ang sabi ni Satanas. “Na-

lalaman ng Diyos na sa mismong araw na kumain kayo mula roon


ay madidilat nga ang inyong mga mata at kayo nga ay magiging
tulad ng Diyos, na nakakakilala ng mabuti at masama.” (Genesis
9. Ano ang ipinagbawal ni Jehova kay Adan, at bakit hindi naman mahirap sun-
din ang utos na ito?
10, 11. (a) Paano sinuway ng unang mag-asawang tao ang Diyos? (b) Bakit ser-
yosong bagay ang pagsuway nina Adan at Eva?
62 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

3:4, 5) Nais papaniwalain ni Satanas si Eva na makikinabang siya


kung kakainin niya ang ipinagbabawal na bunga. Ayon kay Sata-
nas, makapagpapasiya si Eva para sa kaniyang sarili kung ano ang
tama at kung ano ang mali; magagawa niya kung ano ang gusto
niyang gawin. Nagparatang din si Satanas na nagsinungaling si Je-
hova tungkol sa magiging resulta ng pagkain sa bunga. Naniwala
naman si Eva kay Satanas. Kaya pumitas siya ng ilan sa mga bunga
at kinain ito. Pagkatapos ay binigyan niya ang kaniyang asawa,
at kumain din ito. Hindi sila kumilos nang ganoon dahil sa ka-
walang-alam. Alam nila na ang kanilang ginawa ay ang mismong
kabaligtaran ng iniutos ng Diyos. Sa pagkain sa bunga, sinadya ni-
lang suwayin ang isang simple at makatuwirang utos. Hinamak
nila ang kanilang makalangit na Ama at ang kaniyang awtoridad.

Si Adan ay mula sa alabok,


at bumalik siya sa alabok
Nasaan ang mga Patay? 63

Talagang hindi mapatatawad ang gayong kawalang-galang sa kani-


lang maibiging Maylalang!
12 Bilang paglalarawan: Ano kaya ang madarama mo kung pag-

katapos mong palakihin at alagaan ang isang anak ay sumuway ito


sa iyo sa paraang nagpapakita na wala siyang paggalang o pag-ibig
sa iyo? Tiyak na napakasakit nito para sa iyo. Ngayon, gunigunihin
kung gaano katinding sakit ang tiyak na nadama ni Jehova nang
kapuwa tahakin nina Adan at Eva ang landas ng pagsalansang sa
kaniya.
13 Walang dahilan si Jehova para buhayin magpakailanman ang

masuwaying sina Adan at Eva. Namatay sila, gaya ng sinabi niyang


mangyayari sa kanila. Hindi na umiral sina Adan at Eva. Hindi
sila napunta sa daigdig ng mga espiritu. Alam natin ito dahil sa
sinabi ni Jehova kay Adan pagkatapos Niyang papagsulitin ito da-
hil sa kaniyang pagsuway. Sinabi ng Diyos: “Ikaw ay [babalik] sa
lupa, sapagkat mula riyan ka kinuha. Sapagkat ikaw ay alabok
at sa alabok ka babalik.” (Genesis 3:19) Ginawa ng Diyos si Adan
mula sa alabok ng lupa. (Genesis 2:7) Bago iyan, hindi umiiral si
Adan. Samakatuwid, nang sabihin ni Jehova na babalik si Adan sa
alabok, ang ibig Niyang sabihin ay babalik si Adan sa kalagayan ng
di-pag-iral. Si Adan ay magiging walang buhay gaya ng alabok na
pinagkunan sa kaniya.
14 Buhay´
sana ngayon sina Adan at Eva, ngunit namatay sila da-
hil pinili nilang sumuway sa Diyos at sa gayo’y nagkasala sila.
Namamatay tayo dahil naipasa ni Adan ang kaniyang makasala-
nang kalagayan gayundin ang kamatayan sa lahat ng kaniyang
mga inapo. (Roma 5:12) Ang kasalanang iyan ay katulad ng
isang nakapanghihilakbot na minanang sakit na hindi matataka-
san ng sinuman. Isang sumpa ang resulta nito, kamatayan. Ang
kamatayan ay isang kaaway at hindi isang kaibigan. (1 Corin-
to 15:26) Kaylaking pasasalamat natin na naglaan si Jehova ng
pantubos para sagipin tayo mula sa kahila-hilakbot na kaaway na
ito!
12. Ano ang makatutulong sa atin na maunawaan kung ano ang nadama ni Je-
hova nang tahakin nina Adan at Eva ang landas ng pagsalansang sa kaniya?
13. Ano ang sinabi ni Jehova na mangyayari kay Adan sa kamatayan, at ano
ang ibig sabihin nito?
14. Bakit tayo namamatay?
64 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

KAPAKI-PAKINABANG NA MALAMAN
ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA KAMATAYAN
15 Nakaaaliw ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa kalagayan ng

mga patay. Gaya ng nakita na natin, hindi dumaranas ng kirot


o pighati ang mga patay. Walang dahilan para matakot sa kanila,
dahil hindi naman nila tayo kayang saktan. Hindi nila kailangan
ang ating tulong, at hindi nila tayo kayang tulungan. Hindi natin
sila makakausap, at hindi nila tayo makakausap. Maraming lider ng
relihiyon ang may-kabulaanang nag-aangkin na kaya nilang tulu-
ngan ang mga namatay na, at binibigyan naman sila ng pera ng
mga taong naniniwala sa kanila. Ngunit ang pagkaalam ng kato-
tohanan ay nagsasanggalang sa atin mula sa panlilinlang ng mga
nagtuturo ng gayong mga kasinungalingan.
16 Magkatugma ba ang itinuturo ng iyong relihiyon at ang iti-

nuturo ng Bibliya tungkol sa mga patay? Ang karamihan ay hindi.


Bakit? Dahil naimpluwensiyahan ni Satanas ang kanilang mga
turo. Ginagamit niya ang huwad na relihiyon upang papaniwalain
ang mga tao na pagkamatay ng kanilang katawan, patuloy silang
mabubuhay sa daigdig ng mga espiritu. Isa itong kasinungalingan
na isinasama ni Satanas sa iba pang kasinungalingan upang ilayo
ang mga tao sa Diyos na Jehova. Paano?
17 Gaya ng nabanggit na, itinuturo ng ilang relihiyon na kung

masama ang isang tao, magtutungo siya sa isang lugar ng maapoy


na pagpapahirap upang magdusa roon magpakailanman pagkama-
tay niya. Hindi nagpaparangal sa Diyos ang turong ito. Si Jehova
ay Diyos ng pag-ibig at hinding-hindi niya pahihirapan ang mga
tao sa ganitong paraan. (1 Juan 4:8) Ano kaya ang madarama mo
sa isang tao na pinarurusahan ang isang masuwaying bata sa pa-
mamagitan ng paglalagay ng mga kamay nito sa apoy? Igagalang
mo ba ang ganitong tao? Sa katunayan, gugustuhin mo bang ma-
kilala man lamang siya? Tiyak na hindi! Malamang na iisipin mong
napakalupit niya. Gayunman, gusto ni Satanas na maniwala tayo
na pinahihirapan ni Jehova ang mga tao sa apoy magpakailanman
—sa loob ng di-mabilang na bilyun-bilyong taon!
15. Bakit nakaaaliw malaman ang katotohanan tungkol sa kamatayan?
16. Sino ang nakaimpluwensiya sa mga turo ng maraming relihiyon, at sa anong
paraan?
17. Bakit hindi nagpaparangal kay Jehova ang turo hinggil sa walang-hanggang
pagpapahirap?
Nasaan ang mga Patay? 65

18 Ginagamit din ni Satanas ang ilang relihiyon para ituro na


pagkamatay, ang mga tao ay nagiging mga espiritu na dapat iga-
lang at parangalan ng mga nabubuhay. Ayon sa turong ito, ang
espiritu ng mga patay ay maaaring maging makapangyarihang
mga kaibigan o nakatatakot na mga kaaway. Maraming tao ang
naniniwala sa kasinungalingang ito. Kinatatakutan nila ang mga
patay at pinararangalan at sinasamba ang mga ito. Sa kabaligtaran,
itinuturo ng Bibliya na natutulog ang mga patay at ang nararapat
lamang na sambahin ay ang tunay na Diyos, si Jehova, na ating
Maylalang at Tagapaglaan.—Apocalipsis 4:11.
19 Ang pagkaalam ng katotohanan tungkol sa mga patay ay nag-

sasanggalang sa iyo upang hindi ka mailigaw ng relihiyosong mga


kasinungalingan. Tumutulong din ito sa iyo na maunawaan ang
iba pang mga turo sa Bibliya. Halimbawa, nang maunawaan mo
na ang mga tao ay hindi nagtutungo sa daigdig ng mga espiritu sa
kamatayan, nagkaroon ng tunay na kahulugan sa iyo ang panga-
kong buhay na walang hanggan sa isang paraisong lupa.
20 Matagal nang panahon ang nakalilipas, ganito ang itinanong

ng matuwid na taong si Job: “Kung ang isang matipunong lalaki


ay mamatay mabubuhay pa ba siyang muli?” (Job 14:14) Mabubu-
hay pa kayang muli ang isang taong walang buhay na natutulog sa
kamatayan? Lubhang nakaaaliw ang itinuturo ng Bibliya hinggil
sa bagay na ito, gaya ng ipakikita ng susunod na kabanata.
18. Ang pagsamba sa mga patay ay salig sa anong relihiyosong kasinungalingan?
19. Ang pagkaalam ng katotohanan tungkol sa kamatayan ay tumutulong sa atin
na maunawaan ang anong iba pang turo ng Bibliya?
20. Anong tanong ang tatalakayin sa susunod na kabanata?

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA


ˇ Ang mga patay ay hindi nakakakita o nakaririnig
o nakapag-iisip.—Eclesiastes 9:5.
ˇ Ang mga patay ay namamahinga; hindi sila nag-
durusa.—Juan 11:11.
ˇ Tayo ay namamatay dahil sa minana nating kasa-
lanan kay Adan.—Roma 5:12.
KABANATA 7

Ang Tunay na Pag-asa Para sa Iyong


Namatay na mga Mahal sa Buhay
Paano natin nalaman na talagang magkakaroon
ng pagkabuhay-muli?
Ano ang nadarama ni Jehova sa pagbuhay-muli
sa mga patay?
Sinu-sino ang bubuhaying muli?

GUNIGUNIHING tumatakas ka mula sa isang mabagsik na kaa-


way. Mas malakas siya at mas mabilis kaysa sa iyo. Alam mong
siya’y walang-awa dahil nakita mo nang pinatay niya ang ilan
sa iyong mga kaibigan. Gaanuman katindi ang pagsisikap mong
´ ´
matakasan siya, papalapıt siya nang papalapıt sa iyo. Waring
wala nang pag-asa. Subalit biglang-bigla, dumating ang isang ta-
gapagligtas. Di-hamak na mas malakas siya kaysa sa iyong
kaaway, at nangako siyang tutulungan ka niya. Kaylaking pasa-
salamat mo!
2 Sa diwa, talagang hinahabol ka ng gayong kaaway. Lahat

tayo ay hinahabol nito. Gaya ng natutuhan natin sa naunang


kabanata, tinatawag ng Bibliya ang kamatayan na isang kaaway.
Hindi ito matatakasan ni malalabanan man ng sinuman sa atin.
Nakita na ng karamihan sa atin na inagaw ng kaaway na ito ang
buhay ng mga taong minamahal natin. Ngunit di-hamak na
mas makapangyarihan si Jehova kaysa sa kamatayan. Siya ang
maibiging Tagapagligtas at naipakita na niyang kaya niyang ta-
lunin ang kaaway na ito. At nangangako siyang lubusan niyang
lilipulin ang kaaway na ito, ang kamatayan. Itinuturo ng Bibliya:
“Bilang huling kaaway, ang kamatayan ay papawiin.” (1 Corin-
to 15:26) Magandang balita iyan!
1-3. Anong kaaway ang humahabol sa ating lahat, at bakit magdudulot sa atin
ng kaginhawahan ang pagsasaalang-alang sa itinuturo ng Bibliya?
Ang Tunay na Pag-asa Para sa Iyong Namatay na mga Mahal sa Buhay 67

3 Isaalang-alang natin sandali kung paano tayo naaapektuhan


kapag sumasalakay ang kaaway na kamatayan. Tutulong ito sa
atin na maunawaan ang isang bagay na makapagpapaligaya sa
atin. Alam mo, nangako kasi si Jehova na ang mga patay ay
muling mabubuhay. (Isaias 26:19) Iyan ang pag-asa na pagkabu-
hay-muli.

KAPAG NAMATAY ANG ISANG MAHAL SA BUHAY


4 Namatayan ka na ba ng mahal sa buhay? Ang kirot, pig-
hati, at pagkadama ng pagiging walang kalaban-laban ay waring
hindi kayang batahin. Sa gayong mga panahon, kailangan na-
ting bumaling sa Salita ng Diyos para sa kaaliwan. (2 Corinto 1:
3, 4) Tinutulungan tayo ng Bibliya na maunawaan kung ano ang
nadarama ni Jehova at ni Jesus hinggil sa kamatayan. Ganap na
masasalamin kay Jesus ang mga katangian ng kaniyang Ama, at
batid niya kung gaano kasakit ang mamatayan ng mahal sa buhay.
(Juan 14:9) Kapag nasa Jerusalem siya noon, madalas dalawin ni
Jesus si Lazaro at ang mga ate nito, sina Maria at Marta, na nakatira
sa karatig-bayan na Betania. Naging matalik silang magkakaibi-
gan. Ganito ang sabi ng Bibliya: “Iniibig . . . ni Jesus si Marta at ang
kaniyang kapatid na babae at si Lazaro.” (Juan 11:5) Ngunit nama-
tay si Lazaro, gaya ng nalaman natin sa naunang kabanata.
5 Ano ang nadama ni Jesus nang mamatay ang kaniyang

kaibigan? Sinasabi ng ulat na pinuntahan ni Jesus ang mga


kamag-anak at kaibigan ni Lazaro na nagdadalamhati dahil sa ka-
nilang kawalan. Pagkakita sa kanila, lubhang naantig si Jesus. Siya
ay “dumaing sa espiritu at nabagabag.” Pagkatapos, sinabi ng ulat,
“si Jesus ay lumuha.” (Juan 11:33, 35) Ang pagdadalamhati ba ni
Jesus ay nangangahulugang nawalan na siya ng pag-asa? Hindi.
Sa katunayan, alam ni Jesus na isang kamangha-manghang bagay
ang malapit nang maganap. (Juan 11:3, 4) Gayunpaman, nadama
niya ang kirot at lumbay na dulot ng kamatayan.
4. (a) Bakit may matututuhan tayo hinggil sa damdamin ni Jehova mula sa
reaksiyon ni Jesus sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay? (b) Nagkaroon si Je-
sus ng anong natatanging pakikipagkaibigan?
5, 6. (a) Paano tumugon si Jesus nang makasama niya ang nagdadalamhating
pamilya at mga kaibigan ni Lazaro? (b) Bakit nakapagpapatibay-loob sa atin ang
pagdadalamhati ni Jesus?
68 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Sa isang paraan, ang pagdadalamhati ni Jesus ay nakapagpapa-


6

tibay-loob sa atin. Itinuturo nito sa atin na kinapopootan ni Jesus


at ng kaniyang Ama, si Jehova, ang kamatayan. Pero kayang laba-
nan at daigin ng Diyos na Jehova ang kaaway na iyan! Tingnan
natin kung anong kapangyarihan ang ipinagkaloob ng Diyos kay
Jesus.

“LAZARO, LUMABAS KA!”


Inilibing si Lazaro sa isang yungib, o kuweba, at hiniling
7

ni Jesus na alisin ang bato na nakatakip sa pasukan nito. Tumu-


tol si Marta dahil malamang na nagsisimula nang mabulok ang
katawan ni Lazaro yamang apat na araw na ang nakalilipas. (Juan
11:39) Mula sa pangmalas ng tao, tila wala nang pag-asa.
8 Iginulong ang bato, at sumigaw si Jesus: “Lazaro, lumabas ka!”

Ano ang nangyari? “Ang taong namatay ay lumabas.” (Juan 11:43,


44) Maguguniguni mo ba ang kagalakan ng mga taong naroro-
on? Si Lazaro man ay kanilang kapatid, kamag-anak, kaibigan, o
kapitbahay, alam nilang patay na siya. Gayunman, heto siya—ang
mismong taong minamahal nila—nakatayong muli kasama nila.
Marahil ay napakahirap paniwalaan ito. Walang alinlangan na
marami ang buong-kagalakang yumakap kay Lazaro. Kaylaking ta-
gumpay laban sa kamatayan!
9 Hindi inangkin ni Jesus na ginawa niya ang kagila-gilalas na

himalang ito sa sarili lamang niyang kapangyarihan. Sa kaniyang


panalangin bago tawagin si Lazaro, niliwanag niya na si Jehova
ang Bukal ng kaniyang kapangyarihang bumuhay-muli. (Juan 11:
41, 42) Hindi ito ang tanging pagkakataon na ginamit ni Jehova
ang kaniyang kapangyarihan sa ganitong paraan. Ang pagkabu-
hay-muli ni Lazaro ay isa lamang sa siyam na himala ng
pagkabuhay-muli na nakaulat sa Salita ng Diyos.1 Kasiya-siyang
basahin at pag-aralan ang mga ulat na ito. Itinuturo sa atin ng
1 Ang ibang mga ulat ay masusumpungan sa 1 Hari 17:17-24; 2 Hari 4:32-37;
13:20, 21; Mateo 28:5-7; Lucas 7:11-17; 8:40-56; Gawa 9:36-42; at 20:7-12.

7, 8. Bakit waring wala nang pag-asa ang kalagayan ni Lazaro sa mga taong
nagmamasid, ngunit ano ang ginawa ni Jesus?
9, 10. (a) Paano isiniwalat ni Jesus ang Bukal ng kaniyang kapangyarihang bu-
muhay-muli kay Lazaro? (b) Ano ang ilan sa mga kapakinabangan ng pagbabasa
sa mga ulat ng Bibliya tungkol sa pagkabuhay-muli?
Binuhay-muli ni apostol
Pedro ang Kristiyanong
babaing si Dorcas.
—Gawa 9:36-42
Binuhay-muli ni Elias ang anak ng
isang balo.—1 Hari 17:17-24

Ang pagkabuhay-muli ni Lazaro


ay nagdulot ng malaking
kagalakan.—Juan 11:38-44
70 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

mga ito na ang Diyos ay hindi nagtatangi, yamang kasama sa mga


binuhay-muli ang mga bata at matanda, lalaki at babae, Israeli-
ta at di-Israelita. At kaylaking kagalakan ang inilalarawan sa mga
talatang ito! Halimbawa, nang ibangon ni Jesus ang isang batang
babae mula sa mga patay, ang kaniyang mga magulang ay “halos
mawala . . . sa kanilang sarili sa napakasidhing kagalakan.” (Mar-
cos 5:42) Oo, binigyan sila ni Jehova ng dahilan para matamasa
ang kagalakang hinding-hindi nila malilimutan.
10 Siyempre pa, namatay rin nang maglaon ang mga binuhay-

muli ni Jesus. Nangangahulugan ba ito na walang saysay ang


pagbuhay-muli sa kanila? Hinding-hindi. Pinatutunayan ng mga
ulat na ito ng Bibliya ang mahalagang mga katotohanan at bini-
bigyan tayo nito ng pag-asa.
MATUTO MULA SA MGA ULAT NG PAGKABUHAY-MULI
Itinuturo ng Bibliya na ang mga patay ay “walang anumang
11
´
kabatiran.” Hindi sila buhay at wala na silang malay saanmang
dako. Pinatutunayan ng ulat tungkol kay Lazaro ang katotoha-
nang ito. Nang mabuhay siyang muli, pinanabik ba ni Lazaro ang
mga tao ng mga paglalarawan niya sa langit? O tinakot ba niya
sila ng kakila-kilabot na mga kuwento tungkol sa nag-aapoy na im-
piyerno? Hindi. Ang Bibliya ay hindi naglalaman ng gayong mga
pananalita mula kay Lazaro. Sa loob ng apat na araw na siya’y pa-
tay, ‘wala siyang anumang kabatiran.’ (Eclesiastes 9:5) Si Lazaro ay
natulog lamang sa kamatayan.—Juan 11:11.
12 Itinuturo rin sa atin ng ulat hinggil kay Lazaro na totoo ang

pagkabuhay-muli at hindi gawa-gawa lamang. Ibinangon ni Jesus


si Lazaro sa harap ng isang pulutong ng mga saksi. Hindi iti-
nanggi maging ng relihiyosong mga lider, na napopoot kay Jesus,
ang himalang ito. Sa halip, sinabi nila: “Ano ang ating gagawin,
sapagkat ang taong ito [si Jesus] ay gumagawa ng maraming tan-
da?” (Juan 11:47) Maraming tao ang nagtungo roon upang makita
ang binuhay-muling si Lazaro. Bilang resulta, mas marami pa ang
´
nanampalataya kay Jesus. Nakita nila kay Lazaro ang buhay na pa-
totoo na si Jesus ay isinugo ng Diyos. Napakatibay ng patotoong
11. Paano nakatutulong ang ulat hinggil sa pagkabuhay-muli ni Lazaro upang
patunayan ang katotohanang nakaulat sa Eclesiastes 9:5?
12. Bakit tayo makatitiyak na talagang nangyari ang pagkabuhay-muli ni La-
zaro?
Ang Tunay na Pag-asa Para sa Iyong Namatay na mga Mahal sa Buhay 71

ito anupat ang ilan sa mga Judiong relihiyosong lider na mati-


gas ang puso ay nagplanong patayin kapuwa si Jesus at si Lazaro.
—Juan 11:53; 12:9-11.
13 Pagiging di-makatotohanan ba na tanggapin ang pagkabu-

hay-muli bilang isang tunay na pangyayari? Hindi, sapagkat


itinuro ni Jesus na balang-araw, ang “lahat ng nasa mga alaalang
libingan” ay bubuhaying muli. (Juan 5:28) Si Jehova ang Mayla-
lang ng lahat ng buhay. Mahirap bang paniwalaan na kaya niyang
lalanging muli ang buhay? Siyempre pa, malaki ang papel na gi-
nagampanan ng memorya ni Jehova. Matatandaan kaya niya ang
namatay nating mga mahal sa buhay? Di-mabilang na trilyun-
trilyong bituin ang makikita sa uniberso, gayunma’y binigyan ng
Diyos ng pangalan ang bawat isa! (Isaias 40:26) Kung gayon, ka-
yang tandaan ng Diyos na Jehova ang bawat detalye hinggil sa
ating namatay na mga mahal sa buhay, at handa siyang buhayin
silang muli.
14 Gayunman, ano naman kaya ang nadarama ni Jehova hing-

gil sa pagbuhay-muli sa mga patay? Itinuturo ng Bibliya na


nasasabik siyang buhaying muli ang mga patay. Nagtanong ang
tapat na lalaking si Job: “Kung ang isang matipunong lalaki
ay mamatay mabubuhay pa ba siyang muli?” Tinutukoy ni Job
ang paghihintay sa libingan hanggang sa dumating ang panahon
para alalahanin siya ng Diyos. Sinabi niya kay Jehova: “Ikaw ay ta-
tawag, at ako ay sasagot sa iyo. Ang gawa ng iyong mga kamay ay
mimithiin mo.”—Job 14:13-15.
15 Isip-isipin na lamang! Minimithi talaga ni Jehova na bu-

haying muli ang mga patay. Hindi ba nakaaantig-damdaming


malaman na ganiyan ang nadarama ni Jehova? Pero kumusta
naman ang pagkabuhay-muli sa hinaharap? Sinu-sino ba ang bu-
buhaying muli, at saan?
“LAHAT NG NASA MGA ALAALANG LIBINGAN”
16 Maraming itinuturo sa atin ang mga ulat ng Bibliya sa
13. Ano ang saligan natin upang maniwala na talagang kayang buhaying muli
ni Jehova ang mga patay?
14, 15. Gaya ng inilalarawan ng sinabi ni Job, ano ang nadarama ni Jehova
hinggil sa pagbuhay-muli sa mga patay?
16. Bubuhaying muli ang mga patay upang mabuhay sa anong mga kalagayan?
72 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

pagkabuhay-muli tungkol sa magaganap na pagkabuhay-muli sa


hinaharap. Muling nakapiling ng mga taong binuhay-muli rito
mismo sa lupa ang kanilang mga mahal sa buhay. Ganiyan din
ang mangyayari sa pagkabuhay-muli sa hinaharap—subalit magi-
ging mas mainam pa. Gaya ng natutuhan natin sa Kabanata 3,
layunin ng Diyos na maging isang paraiso ang buong lupa. Kaya
ang mga patay ay hindi bubuhaying-muli sa isang daigdig na
lipos ng digmaan, krimen, at sakit. Magkakaroon sila ng pagka-
kataong mabuhay magpakailanman sa lupang ito sa mapayapa at
maligayang kalagayan.
17 Sinu-sino ang bubuhaying muli? Sinabi ni Jesus na “lahat

ng nasa mga alaalang libingan ay makaririnig ng kaniyang ti-


nig [ni Jesus] at lalabas.” (Juan 5:28, 29) Gayundin, sinasabi ng
Apocalipsis 20:13: “Ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kani-
ya, at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay
na nasa kanila.” Ang “Hades” ay tumutukoy sa karaniwang
libingan ng sangkatauhan. (Tingnan ang Apendise, pahina 212-
13.) Mawawalan ng laman ang pangkalahatang libingang ito.
Lahat ng bilyun-bilyong patay na namamahinga roon ay mabu-
buhay-muli. Ganito ang sabi ni apostol Pablo: “Magkakaroon ng
pagkabuhay-muli kapuwa ng mga matuwid at mga di-matuwid.”
(Gawa 24:15) Ano ang kahulugan nito?
18 Kabilang sa “mga matuwid” ang marami sa mga tao na naba-

basa natin sa Bibliya na nabuhay bago pumarito sa lupa si Jesus.


Baka maisip mo sina Noe, Abraham, Sara, Moises, Ruth, Esther, at
maraming iba pa. Ang ilan sa mga lalaki at babaing ito na may pa-
nanampalataya sa Diyos ay tinatalakay sa ika-11 kabanata ng Mga
Hebreo. Ngunit kabilang din sa “mga matuwid” ang mga lingkod
ni Jehova na namatay sa ating panahon. Dahil sa pag-asa na pag-
kabuhay-muli, maaari tayong mapalaya mula sa anumang takot
na mamatay.—Hebreo 2:15.
19 Kumusta naman ang lahat ng mga taong hindi naglingkod o

sumunod kay Jehova dahil hindi naman nila siya nakilala? Ang
17. Gaano karami ang bubuhaying muli?
18. Sinu-sino ang kabilang sa “mga matuwid” na bubuhaying muli, at paano
ka maaaring personal na maapektuhan ng pag-asang ito?
19. Sino ang “mga di-matuwid,” at anong pagkakataon ang may-kabaitang ibi-
nibigay ni Jehova sa kanila?
Ang Tunay na Pag-asa Para sa Iyong Namatay na mga Mahal sa Buhay 73

bilyun-bilyong ito na “mga di-matuwid” ay hindi malilimutan.


Sila rin ay bubuhaying muli at bibigyan ng panahon para matuto
tungkol sa tunay na Diyos at maglingkod sa kaniya. Sa loob ng
sanlibong taon, bubuhaying muli ang mga patay at bibigyan ng
pagkakataong makasama ng tapat na mga tao sa lupa sa pagliling-
kod kay Jehova. Magiging isang kapana-panabik na panahon ito.
Ang yugtong ito ang tinatawag sa Bibliya na Araw ng Paghuhu-
kom.1
20 Nangangahulugan ba ito na bubuhaying muli ang bawat ta-

ong nabuhay noon? Hindi. Sinasabi ng Bibliya na ang ilan sa mga


namatay ay nasa “Gehenna.” (Lucas 12:5) Nakuha ang pangalang
Gehenna mula sa isang tapunan ng basura na matatagpuan sa la-
bas ng sinaunang Jerusalem. Doon sinusunog ang mga bangkay
at mga basura. Ang mga bangkay na itinatapon doon ay itinutu-
ring ng mga Judio na hindi karapat-dapat sa paglilibing o sa
pagkabuhay-muli. Kaya ang Gehenna ay isang angkop na simbo-
lo ng walang-hanggang pagkapuksa. Bagaman magkakaroon ng
´
papel si Jesus sa paghuhukom sa mga buhay at sa mga patay,
si Jehova ang pangwakas na Hukom. (Gawa 10:42) Hinding-hindi
niya bubuhaying muli yaong mga hinatulan na niya bilang napa-
kasama at ayaw magbago.

ANG MAKALANGIT NA PAGKABUHAY-MULI


21 Tinutukoy rin ng Bibliya ang isa pang uri ng pagkabu-
hay-muli, ang buhay bilang espiritung nilalang sa langit. Iisang
halimbawa lamang ng ganitong uri ng pagkabuhay-muli ang na-
kaulat sa Bibliya, yaong kay Jesu-Kristo.
22 Pagkamatay ni Jesus bilang tao, hindi pinahintulutan ni Je-

hova na manatili ang Kaniyang tapat na Anak sa libingan. (Awit


16:10; Gawa 13:34, 35) Binuhay-muli ng Diyos si Jesus, ngunit
hindi bilang tao. Ipinaliwanag ni apostol Pedro na si Kristo ay
“pinatay sa laman, ngunit binuhay sa espiritu.” (1 Pedro 3:18)
1 Para sa higit na impormasyon tungkol sa Araw ng Paghuhukom at sa sali-
gan ng paghuhukom, pakisuyong tingnan ang Apendise, pahina 213-15.

20. Ano ang Gehenna, at sino ang nagtutungo roon?


21, 22. (a) Ano ang isa pang uri ng pagkabuhay-muli? (b) Sino ang kauna-
unahang pinagkalooban ng pagkabuhay-muli tungo sa espiritung buhay?
74 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Talagang isang pambihirang himala ito. Muling nabuhay si Jesus


bilang isang makapangyarihang espiritung persona! (1 Corinto
15:3-6) Si Jesus ang kauna-unahang pinagkalooban ng ganitong
maluwalhating uri ng pagkabuhay-muli. (Juan 3:13) Ngunit hin-
di siya ang huli.
23 Sa pagkaalam na malapit na siyang bumalik sa langit, sina-

bi ni Jesus sa kaniyang tapat na mga tagasunod na ‘maghahanda


siya ng dako’ sa langit para sa kanila. (Juan 14:2) Tinukoy ni Je-
sus yaong mga magtutungo sa langit bilang kaniyang “munting
kawan.” (Lucas 12:32) Ilan ang mapapabilang sa maituturing
na maliit na grupong ito ng tapat na mga Kristiyano? Ayon sa
Apocalipsis 14:1, ganito ang sabi ni apostol Juan: “Nakita ko, at,
narito! ang Kordero [si Jesu-Kristo] na nakatayo sa Bundok Sion,
at ang kasama niya ay isang daan at apatnapu’t apat na libo na
may pangalan niya at pangalan ng kaniyang Ama na nakasulat sa
kanilang mga noo.”
24 Ang 144,000 Kristiyanong ito, kabilang na ang tapat na mga

apostol ni Jesus, ay bubuhaying muli tungo sa langit. Kailan


magaganap ang kanilang pagkabuhay-muli? Isinulat ni apos-
tol Pablo na ito ay magaganap sa panahon ng pagkanaririto
ni Kristo. (1 Corinto 15:23) Gaya ng matututuhan mo sa Kaba-
nata 9, nabubuhay na tayo ngayon sa panahong iyan. Kaya
ang iilang nalalabi pa ng 144,000 na mamamatay sa ating
panahon ay kaagad-agad na bubuhaying muli tungo sa langit.
(1 Corinto 15:51-55) Gayunman, ang karamihan sa sangkatau-
han ay may pag-asang buhaying muli sa hinaharap sa Paraisong
lupa.
25 Oo, talagang tatalunin ni Jehova ang ating kaaway na ka-

matayan, at maglalaho na ito magpakailanman! (Isaias 25:8)


Gayunman, maaaring maisip mo, ‘Ano ang gagawin sa langit
ng mga bubuhaying muli roon?’ Magiging bahagi sila ng isang
kamangha-manghang pamahalaan ng Kaharian sa langit. Mas
marami pa tayong malalaman tungkol sa pamahalaang iyan sa
susunod na kabanata.
23, 24. Sinu-sino ang bumubuo sa “munting kawan” ni Jesus, at ilan sila?
25. Ano ang isasaalang-alang sa susunod na kabanata?
Ang Tunay na Pag-asa Para sa Iyong Namatay na mga Mahal sa Buhay 75

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA


ˇ Ang ulat ng Bibliya tungkol sa pagkabuhay-muli
ay nagbibigay sa atin ng tiyak na pag-asa.
—Juan 11:39-44.
ˇ Nananabik si Jehova na buhaying muli ang mga
patay.—Job 14:13-15.
ˇ Ang lahat ng nasa karaniwang libingan ng sangka-
tauhan ay bubuhaying muli.—Juan 5:28, 29.

Sa Paraiso, babangon ang mga patay at muling


makakapiling ng kanilang mga mahal sa buhay
KABANATA 8

Ano ba ang Kaharian ng Diyos?


Ano ang sinasabi sa atin ng Bibliya tungkol sa
Kaharian ng Diyos?
Ano ang gagawin ng Kaharian ng Diyos?
Kailan tutuparin ng Kaharian ang kalooban
ng Diyos sa lupa?

MILYUN-MILYONG tao sa buong daigdig ang pamilyar sa pana-


langin na tinatawag ng marami na Ama Namin, o Panalangin
ng Panginoon. Ang dalawang katawagang ito ay tumutukoy sa
isang tanyag na panalanging ibinigay mismo ni Jesu-Kristo bi-
lang modelo. Lubhang makahulugan ang panalanging ito, at
ang pagsasaalang-alang sa unang tatlong kahilingan nito ay tu-
tulong sa iyo na matuto nang higit pa hinggil sa kung ano talaga
ang itinuturo ng Bibliya.
2 Sa pasimula ng modelong panalanging ito, tinagubilinan ni

Jesus ang kaniyang mga tagapakinig: “Manalangin kayo, kung


gayon, sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit, paka-
banalin nawa ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong
kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa
langit, gayundin sa lupa.’ ” (Mateo 6:9-13) Ano ang kahalagahan
ng tatlong kahilingang ito?
3 Marami na tayong natutuhan tungkol sa pangalan ng Diyos

na Jehova. At sa paanuman ay natalakay na natin ang kaloo-


ban ng Diyos—kung ano ang nagawa na niya at gagawin pa para
sa sangkatauhan. Gayunman, ano ang tinutukoy ni Jesus nang
sabihin niya na ipanalangin natin: “Dumating nawa ang iyong
1. Anong tanyag na panalangin ang susuriin ngayon?
2. Ano ang tatlo sa mga bagay na itinuro ni Jesus na ipanalangin ng kaniyang
mga alagad?
3. Ano ang kailangan nating malaman tungkol sa Kaharian ng Diyos?
Ano ba ang Kaharian ng Diyos? 77

kaharian”? Ano ba ang Kaharian ng Diyos? Paano mapababanal


ang pangalan ng Diyos sa pagdating nito? At paano nauugnay
ang pagdating ng Kaharian sa pagtupad sa kalooban ng Diyos?
KUNG ANO ANG KAHARIAN NG DIYOS
4 Ang Kaharian ng Diyos ay isang pamahalaan na itinatag ng
Diyos na Jehova na may isang Haring pinili ng Diyos. Sino ba
ang Hari ng Kaharian ng Diyos? Si Jesu-Kristo. Si Jesus bilang
Hari ay mas dakila kaysa sa lahat ng mga tagapamahalang tao
at siya’y tinatawag na “Hari niyaong mga namamahala bilang
mga hari at Panginoon niyaong mga namamahala bilang mga
panginoon.” (1 Timoteo 6:15) May kapangyarihan siyang gu-
mawa ng higit na kabutihan kaysa sa sinumang tagapamahalang
tao, kahit na ang pinakamahusay pa sa kanila.
5 Mula saan mamamahala ang Kaharian ng Diyos? Buweno,

nasaan ba si Jesus? Tiyak na natatandaan mong pinatay siya sa


isang pahirapang tulos, at pagkatapos ay binuhay siyang muli.
Hindi nagtagal pagkatapos nito, umakyat siya sa langit. (Gawa
2:33) Samakatuwid, doon matatagpuan ang Kaharian ng Diyos
—sa langit. Iyan ang dahilan kung bakit tinatawag ito sa Bibliya
na isang “makalangit na kaharian.” (2 Timoteo 4:18) Bagaman
nasa langit ang Kaharian ng Diyos, pamamahalaan nito ang
lupa.—Apocalipsis 11:15.
6 Bakit namumukod-tangi si Jesus bilang Hari? Una, hin-

di siya mamamatay. Sa paghahambing kay Jesus sa mga taong


hari, tinatawag siya sa Bibliya na “ang isa na tanging nagtataglay
ng imortalidad, na tumatahan sa di-malapitang liwanag.” (1 Ti-
moteo 6:16) Nangangahulugan ito na mamamalagi ang lahat ng
kabutihang gagawin ni Jesus. At tiyak na gagawa siya ng dakila
at mabubuting bagay.
7 Isaalang-alang ang hulang ito ng Bibliya tungkol kay Jesus:

“Sasakaniya ang espiritu ni Jehova, ang espiritu ng karunungan


at ng pagkaunawa, ang espiritu ng payo at ng kalakasan, ang
4. Ano ba ang Kaharian ng Diyos, at sino ang Hari nito?
5. Mula saan mamamahala ang Kaharian ng Diyos, at ano ang pamamahalaan
nito?
6, 7. Bakit namumukod-tangi si Jesus bilang Hari?
78 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

espiritu ng kaalaman at ng pagkatakot kay Jehova; at magkaka-


roon siya ng kasiyahan sa pagkatakot kay Jehova. At hindi siya
hahatol ayon lamang sa nakita ng kaniyang mga mata, ni sasa-
way man ayon lamang sa narinig ng kaniyang mga tainga.
At sa katuwiran ay hahatulan niya ang mga maralita, at sa ka-
tapatan ay sasaway siya alang-alang sa maaamo sa lupa.” (Isaias
11:2-4) Ipinakikita ng mga pananalitang ito na si Jesus ay ma-
giging isang matuwid at mahabaging Hari sa mga tao sa lupa.
Gusto mo ba ng ganiyang tagapamahala?
8 Ito pa ang isang katotohanan tungkol sa Kaharian ng Diyos:

Hindi mag-isang mamamahala si Jesus. Magkakaroon siya ng


mga kasamang tagapamahala. Halimbawa, sinabi ni apostol
Pablo kay Timoteo: “Kung patuloy tayong magbabata, mama-
mahala rin tayong magkakasama bilang mga hari.” (2 Timoteo
2:12) Oo, sina Pablo, Timoteo, at iba pang mga tapat na pinili ng
Diyos ay mamamahalang kasama ni Jesus sa makalangit na Ka-
harian. Ilan ang magkakaroon ng pribilehiyong iyan?
9 Gaya ng binanggit sa Kabanata 7 ng aklat na ito, binigyan

si apostol Juan ng isang pangitain kung saan nakita niya “ang


Kordero [si Jesu-Kristo] na nakatayo sa Bundok Sion [ang ka-
niyang maharlikang posisyon sa langit], at ang kasama niya ay
isang daan at apatnapu’t apat na libo na may pangalan niya at
pangalan ng kaniyang Ama na nakasulat sa kanilang mga noo.”
Sinu-sino ang 144,000 ito? Si Juan mismo ang nagsabi sa atin:
“Ito ang mga patuloy na sumusunod sa Kordero saanman siya
pumaroon. Ang mga ito ay binili mula sa sangkatauhan bilang
mga unang bunga sa Diyos at sa Kordero.” (Apocalipsis 14:1, 4)
Oo, sila ay tapat na mga tagasunod ni Jesu-Kristo na panta-
nging pinili upang mamahalang kasama niya sa langit. Matapos
ibangon mula sa kamatayan tungo sa buhay sa langit, “mama-
mahala sila bilang mga hari sa ibabaw ng lupa” kasama si Jesus.
(Apocalipsis 5:10) Mula pa noong panahon ng mga apostol,
pumipili na ang Diyos ng tapat na mga Kristiyano para makum-
pleto ang bilang na 144,000.
8. Sinu-sino ang mamamahalang kasama ni Jesus?
9. Ilan ang mamamahalang kasama ni Jesus, at kailan sila sinimulang piliin ng
Diyos?
Ano ba ang Kaharian ng Diyos? 79

10 Isang napakamaibiging kaayusan na mamahala sa sangka-


tauhan si Jesus at ang 144,000. Unang-una, naranasan ni Jesus
na maging isang tao at magdusa bilang isang tao. Sinabi ni Pa-
blo na si Jesus ay “hindi ang isa na hindi magawang makiramay
sa ating mga kahinaan, kundi ang isa na sinubok sa lahat ng ba-
gay tulad natin, ngunit walang kasalanan.” (Hebreo 4:15; 5:8)
Ang kaniyang mga kasamang tagapamahala ay nagdusa rin at
nagbata bilang mga tao. Bukod diyan, nakipagpunyagi sila sa
di-kasakdalan at tiniis ang lahat ng uri ng sakit. Tiyak na mauu-
nawaan nila ang mga problema na napapaharap sa mga tao!
ANO BA ANG GAGAWIN NG KAHARIAN NG DIYOS?
11 Nang sabihin ni Jesus na dapat ipanalangin ng kaniyang
mga alagad na dumating nawa ang Kaharian ng Diyos, sinabi rin
niya na dapat nilang ipanalangin na maganap nawa ang kalo-
oban ng Diyos “kung paano sa langit, gayundin sa lupa.” Nasa
langit ang Diyos, at lagi namang ginagawa ng tapat na mga ang-
hel doon ang kaniyang kalooban. Gayunman, sa Kabanata 3 ng
aklat na ito, nalaman natin na isang napakasamang anghel ang
huminto sa paggawa ng kalooban ng Diyos at naging dahilan
upang magkasala sina Adan at Eva. Sa Kabanata 10, marami pa
tayong matututuhan kung ano ang itinuturo ng Bibliya tungkol
sa napakasamang anghel na iyan, na nakilala natin bilang Sa-
tanas na Diyablo. Si Satanas at ang mga anghelikong espiritung
nilalang na piniling sumunod sa kaniya—tinatawag na mga de-
monyo—ay sandaling pinahintulutan na manatili sa langit. Kaya
naman, hindi lahat ng nasa langit noon ay gumagawa ng kaloo-
ban ng Diyos. Nagbago iyan nang magsimulang mamahala ang
Kaharian ng Diyos. Ang bagong iniluklok na Hari, si Jesu-Kristo,
ay nakipagdigma kay Satanas.—Apocalipsis 12:7-9.
12 Inilalarawan ng sumusunod na makahulang mga pananali-

ta kung ano ang mangyayari: “Narinig ko ang isang malakas na


10. Bakit isang maibiging kaayusan na mamahala sa sangkatauhan si Jesus at
ang 144,000?
11. Bakit sinabi ni Jesus na dapat ipanalangin ng mga alagad niya na maganap
nawa ang kalooban ng Diyos sa langit?
12. Anong dalawang mahahalagang pangyayari ang inilalarawan sa Apocalip-
sis 12:10?
80 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

tinig sa langit na nagsabi: ‘Ngayon ay naganap na ang kaligtasan


at ang kapangyarihan at ang kaharian ng ating Diyos at ang aw-
toridad ng kaniyang Kristo, sapagkat ang tagapag-akusa sa ating
mga kapatid [si Satanas] ay naihagis na, na siyang umaaku-
sa sa kanila araw at gabi sa harap ng ating Diyos!’ ” (Apocalipsis
12:10) Napansin mo ba ang dalawang napakahalagang pangya-
yari na inilarawan sa talatang iyan ng Bibliya? Una, nagsimula
nang mamahala ang Kaharian ng Diyos sa ilalim ni Jesu-Kristo.
Ikalawa, pinalayas si Satanas sa langit at inihagis dito sa lupa.
13 Ano ang naging resulta ng dalawang pangyayaring iyon?

May kaugnayan sa nangyari sa langit, ganito ang mababasa na-


tin: “Dahil dito ay matuwa kayo, kayong mga langit at kayo na
tumatahan diyan!” (Apocalipsis 12:12) Oo, nagsasaya ang tapat
na mga anghel sa langit dahil, ngayong wala na si Satanas at ang
kaniyang mga demonyo, ang lahat ng nasa langit ay tapat sa
Diyos na Jehova. May ganap at walang-patid na kapayapaan at
pagkakaisa roon. Nagaganap na ang kalooban ng Diyos sa langit.
14 Ngunit kumusta naman dito sa lupa? Ganito ang sinasabi

ng Bibliya: “Sa aba ng lupa at ng dagat, sapagkat ang Diyablo


ay bumaba na sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam na
mayroon na lamang siyang maikling yugto ng panahon.” (Apo-
´
calipsis 12:12) Galıt si Satanas dahil pinalayas siya sa langit at
dahil maikli na lamang ang kaniyang natitirang panahon. Dahil
sa kaniyang galit, nagdulot siya ng kabagabagan, o ‘kaabahan,’
sa lupa. Marami pa tayong matututuhan tungkol sa ‘kaabahang’
iyan sa susunod na kabanata. Ngunit habang nasa isipan iyan,
maaari nating itanong, Paano tutuparin ng Kaharian ang kalo-
oban ng Diyos sa lupa?
15 Buweno, alalahanin kung ano ang kalooban ng Diyos para

sa lupa. Nalaman mo ito sa Kabanata 3. Sa Eden, ipinakita ng


Diyos na kalooban niyang ang lupang ito ay maging isang pa-
ˆ
raiso na puno ng di-namamatay at matuwid na lahi ng tao. Si
Satanas ang dahilan ng pagkakasala nina Adan at Eva, at iyan
13. Ano ang naging resulta ng pagpapalayas kay Satanas sa langit?
14. Ano ang nangyari dahil inihagis si Satanas dito sa lupa?
15. Ano ang kalooban ng Diyos para sa lupa?
Ano ba ang Kaharian ng Diyos? 81

ay nakaapekto sa katuparan ng kalooban ng Diyos para sa lupa


ngunit hindi naman ito nagbago dahil dito. Nananatili pa rin
ang layunin ni Jehova na “ang mga matuwid ang magmamay-
ari ng lupa, at tatahan sila roon magpakailanman.” (Awit 37:29)
At isasakatuparan iyan ng Kaharian ng Diyos. Sa anong paraan?
16 Isaalang-alang ang hulang masusumpungan sa Daniel 2:44.

Ganito ang mababasa natin doon: “Sa mga araw ng mga ha-
ring iyon ay magtatatag ang Diyos ng langit ng isang kaharian
na hindi magigiba kailanman. At ang kaharian ay hindi isasalin
sa iba pang bayan. Dudurugin nito at wawakasan ang lahat ng
mga kahariang ito, at iyon ay mananatili hanggang sa mga pa-
nahong walang takda.” Ano ang sinasabi nito sa atin tungkol sa
Kaharian ng Diyos?
17 Una, sinasabi nito sa atin na itatatag ang Kaharian ng Diyos

“sa mga araw ng mga haring iyon,” o habang umiiral ang iba
pang mga kaharian. Ikalawa, sinasabi nito sa atin na ang Ka-
harian ay mananatili magpakailanman. Hindi ito malulupig at
hahalinhan ng ibang pamahalaan. Ikatlo, nalaman natin na
magkakaroon ng digmaan sa pagitan ng Kaharian ng Diyos at
ng mga kaharian ng sanlibutang ito. Magtatagumpay ang Ka-
harian ng Diyos. Sa dakong huli, ito na lamang ang matitirang
pamahalaan sa buong sangkatauhan. Pagkatapos ay tatamasa-
hin ng mga tao ang pinakamahusay na pamamahalang
mararanasan nila kailanman.
18 Maraming sinasabi ang Bibliya tungkol sa pangwakas na

digmaan sa pagitan ng Kaharian ng Diyos at ng mga pamaha-


laan ng sanlibutang ito. Halimbawa, itinuturo nito na habang
papalapit ang kawakasan, maghahasik ng mga kasinungalingan
ang napakasasamang espiritu upang linlangin ang “mga hari ng
buong tinatahanang lupa.” Sa anong layunin? “Upang tipunin
sila [ang mga hari] sa digmaan ng dakilang araw ng Diyos na
Makapangyarihan-sa-lahat.” Titipunin ang mga hari sa lupa sa
“dako na sa Hebreo ay tinawag na Har-Magedon.” (Apocalipsis
16, 17. Ano ang sinasabi sa atin ng Daniel 2:44 tungkol sa Kaharian ng Diyos?
18. Ano ang tawag sa pangwakas na digmaan sa pagitan ng Kaharian ng Diyos
at ng mga pamahalaan ng sanlibutang ito?
82 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

16:14, 16) Dahil sa mga nabanggit sa dalawang talatang iyon,


ang pangwakas na digmaan sa pagitan ng mga pamahalaan ng
tao at ng Kaharian ng Diyos ay tinatawag na digmaan ng Har-
Magedon, o Armagedon.
19 Ano ang isasakatuparan ng Kaharian ng Diyos sa pamama-

gitan ng Armagedon? Isiping muli kung ano ang kalooban ng


Diyos para sa lupa. Nilayon ng Diyos na Jehova na ang lupa ay
mapuno ng matuwid at sakdal na lahi ng tao na maglilingkod sa
kaniya sa Paraiso. Ano kaya ang nakahahadlang upang maganap
ang kaloobang iyan sa ngayon? Una, makasalanan tayo, at nag-
kakasakit at namamatay. Ngunit natutuhan natin sa Kabanata 5
na namatay si Jesus para sa atin upang mabuhay tayo mag-
pakailanman. Malamang na natatandaan mo ang mga salitang
nakaulat sa Ebanghelyo ni Juan: “Gayon na lamang ang pag-
ibig ng Diyos sa sanlibutan anupat ibinigay niya ang kaniyang
bugtong na Anak, upang ang bawat isa na nananampalataya sa
kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng buhay na wa-
lang hanggan.”—Juan 3:16.
20 Isa pang problema ang napakasamang mga bagay na gina-

gawa ng maraming tao. Sila ay nagsisinungaling, nandaraya, at


gumagawa ng imoralidad. Ayaw nilang gawin ang kalooban ng
Diyos. Ang mga taong gumagawa ng napakasamang mga bagay
ay lilipulin sa digmaan ng Diyos sa Armagedon. (Awit 37:10) At
ang isa pang dahilan kung bakit hindi nagaganap ang kalooban
ng Diyos sa lupa ay dahil hindi pinasisigla ng mga pamahalaan
ang mga tao na gawin ito. Maraming pamahalaan ang mahina,
malupit, o tiwali. Tahasang sinasabi ng Bibliya: “Ang tao ay na-
nunupil sa tao sa kaniyang ikapipinsala.”—Eclesiastes 8:9.
21 Pagkatapos ng Armagedon, iisang gobyerno na lamang ang

mamamahala sa sangkatauhan, ang Kaharian ng Diyos. Gaga-


win ng Kahariang iyan ang kalooban ng Diyos at magdudulot
ng kamangha-manghang mga pagpapala. Halimbawa, aalisin
nito si Satanas at ang kaniyang mga demonyo. (Apocalipsis
19, 20. Ano ang nakahahadlang upang maganap ang kalooban ng Diyos sa
lupa ngayon?
21. Paano tutuparin ng Kaharian ang kalooban ng Diyos sa lupa?
Ang pagpapalayas kay Satanas at sa
kaniyang mga demonyo sa langit ay
nagdulot ng kaabahan sa lupa. Malapit
nang magwakas ang gayong mga kaguluhan
84 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

20:1-3) Ikakapit ang bisa ng hain ni Jesus upang hindi na mag-


kasakit at mamatay ang tapat na mga tao. Sa halip, sa ilalim
ng pamamahala ng Kaharian ay mabubuhay sila magpakailan-
man. (Apocalipsis 22:1-3) Gagawing paraiso ang lupa. Sa gayon,
tutuparin ng Kaharian ang kalooban ng Diyos sa lupa at
pababanalin ang pangalan ng Diyos. Ano ang kahulugan nito?
Nangangahulugan ito na sa dakong huli, sa ilalim ng Kaharian
ng Diyos, ang pangalan ni Jehova ay pararangalan ng lahat ng
nabubuhay.
KAILAN KIKILOS ANG KAHARIAN NG DIYOS?
Nang sabihin ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod na ipa-
22

nalangin, “Dumating nawa ang iyong kaharian,” maliwanag na


hindi pa dumarating ang Kaharian noong panahong iyon. Du-
mating ba ito nang umakyat si Jesus sa langit? Hindi, dahil
sinabi kapuwa nina Pedro at Pablo na matapos buhaying muli si
Jesus, ang hula sa Awit 110:1 ay natupad sa kaniya: “Ang sina-
bi ni Jehova sa aking Panginoon ay: ‘Umupo ka sa aking kanan
hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway bilang tuntungan
ng iyong mga paa.’ ” (Gawa 2:32-34; Hebreo 10:12, 13) May pa-
nahon pa ng paghihintay.
23 Gaano katagal? Noong ika-19 na siglo, kinalkula ng ta-

imtim na mga estudyante ng Bibliya na ang panahon ng


paghihintay ay magwawakas noong 1914. (Hinggil sa petsang
22. Paano natin nalaman na hindi dumating ang Kaharian ng Diyos noong
nasa lupa si Jesus o karaka-raka pagkatapos na siya ay buhaying muli?
23. (a) Kailan nagsimulang mamahala ang Kaharian ng Diyos? (b) Ano ang ta-
talakayin sa susunod na kabanata?

Sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian, magaganap


ang kalooban ng Diyos sa lupa kung paano sa langit
Ano ba ang Kaharian ng Diyos? 85

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA


ˇ Ang Kaharian ng Diyos ay isang makalangit na
pamahalaan na si Jesu-Kristo ang Hari, at 144,000
ang kinuha mula sa sangkatauhan upang mama-
halang kasama niya.—Apocalipsis 14:1, 4.
ˇ Nagsimulang mamahala ang Kaharian noong
1914, at magmula noon ay pinalayas si Satanas sa
langit at inihagis dito sa lupa.—Apocalipsis 12:9.
ˇ Malapit nang lipulin ng Kaharian ng Diyos ang
mga pamahalaan ng tao, at ang lupa ay magi-
ging isang paraiso.—Apocalipsis 16:14, 16.

ito, tingnan ang Apendise, pahina 215-18.) Ang mga pangyayari


sa daigdig na nagsimulang maganap noong 1914 ay nagpapatu-
nay na tama ang kalkulasyon ng taimtim na mga estudyanteng
ito ng Bibliya. Ipinakikita ng katuparan ng hula sa Bibliya na
noong 1914, si Kristo ay naging Hari at nagsimulang mamahala
ang makalangit na Kaharian ng Diyos. Kaya naman, nabubuhay
tayo sa “maikling yugto ng panahon” na natitira kay Satanas.
(Apocalipsis 12:12; Awit 110:2) Masasabi rin natin nang may ka-
tiyakan na hindi na magtatagal at kikilos na ang Kaharian ng
Diyos upang tuparin ang kalooban ng Diyos sa lupa. Kapana-
panabik ba sa iyo ang balitang ito? Naniniwala ka bang totoo
ito? Tutulungan ka ng susunod na kabanata na makitang tala-
gang itinuturo ng Bibliya ang mga bagay na ito.
KABANATA 9

Nabubuhay Na ba Tayo sa
“mga Huling Araw”?
Anong mga pangyayari sa ating panahon
ang inihula sa Bibliya?
Ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos na magiging
ugali ng mga tao sa “mga huling araw”?
Anong mabubuting bagay ang inihula ng Bibliya
hinggil sa “mga huling araw”?

NANOOD ka na ba ng balita sa telebisyon at pagkatapos ay nai-


sip mo, ‘Ano na lamang ang mangyayari sa daigdig na ito?’ Ang
masasaklap na bagay ay nangyayari nang biglaan at di-inaasa-
han anupat hindi kayang hulaan ng mga tao kung ano ang
mangyayari bukas. (Santiago 4:14) Gayunman, alam ni Jehova
kung ano ang magaganap sa hinaharap. (Isaias 46:10) Matagal
nang inihula ng kaniyang Salita, ang Bibliya, hindi lamang ang
masasamang bagay na nangyayari sa ating panahon kundi pati
na rin ang kapana-panabik na mga bagay na malapit nang ma-
ganap.
2 Binanggit ni Jesu-Kristo ang tungkol sa Kaharian ng Diyos,

na siyang tatapos sa kasamaan at babago sa lupa upang maging


isang paraiso. (Lucas 4:43) Gustong malaman ng mga tao kung
kailan darating ang Kaharian. Sa katunayan, tinanong si Jesus
ng kaniyang mga alagad: “Ano ang magiging tanda ng iyong
pagkanaririto at ng katapusan ng sistema ng mga bagay?” (Ma-
teo 24:3) Bilang sagot, sinabi sa kanila ni Jesus na ang Diyos na
Jehova lamang ang nakaaalam kung kailan eksaktong darating
ang wakas ng sistemang ito ng mga bagay. (Mateo 24:36) Ngu-
1. Saan tayo makakakuha ng impormasyon tungkol sa hinaharap?
2, 3. Ano ang itinanong ng mga alagad kay Jesus, at paano siya sumagot?
Nabubuhay Na ba Tayo sa “mga Huling Araw”? 87

nit inihula naman ni Jesus ang mga bagay na magaganap sa


lupa bago magdulot ang Kaharian ng tunay na kapayapaan at
katiwasayan sa sangkatauhan. Nagaganap na ngayon ang kani-
yang inihula!
3 Bago natin suriin ang ebidensiya na nabubuhay na tayo sa

“katapusan ng sistema ng mga bagay,” isaalang-alang muna na-


tin sandali ang isang digmaan na walang sinumang tao ang
nakasaksi. Nangyari ito sa di-nakikitang daigdig ng mga espiri-
tu, at naaapektuhan tayo ng naging resulta nito.
ISANG DIGMAAN SA LANGIT
4 Ipinaliwanag ng nakaraang kabanata sa aklat na ito na si
´
Jesu-Kristo ay naging Hari sa langit noong taong 1914. (Daniel 7:
13, 14) Di-nagtagal pagkatapos niyang maging Hari, kumilos si
Jesus. “Sumiklab ang digmaan sa langit,” ang sabi ng Bibliya. “Si
Miguel [isa pang pangalan ni Jesus] at ang kaniyang mga anghel
ay nakipagbaka sa dragon [si Satanas na Diyablo], at ang dragon
at ang mga anghel nito ay nakipagbaka.”1 Natalo si Satanas at
ang kaniyang balakyot na mga anghel, ang mga demonyo, sa
digmaang iyon at pinalayas sila sa langit at inihagis sa lupa. Nag-
saya ang tapat na mga espiritung anak ng Diyos dahil wala na
roon si Satanas at ang kaniyang mga demonyo. Ngunit hindi
mararanasan ng mga tao ang gayong kagalakan. Sa halip, inihu-
la ng Bibliya: “Sa aba ng lupa . . . sapagkat ang Diyablo ay
bumaba na sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam na
mayroon na lamang siyang maikling yugto ng panahon.”—Apo-
calipsis 12:7, 9, 12.
5 Pakisuyong pansinin kung ano ang magiging resulta ng

digmaan sa langit. Dahil sa kaniyang poot, magpapasapit si


Satanas ng kaabahan, o kaguluhan, sa mga nasa lupa. Gaya
ng makikita mo, nabubuhay na tayo ngayon sa panahong
1 Para sa impormasyon na nagpapakitang ang Miguel ay isa pang pangalan
ni Jesu-Kristo, tingnan ang Apendise, pahina 218-19.

4, 5. (a) Ano ang nangyari sa langit di-nagtagal matapos mailuklok si Jesus bi-
lang Hari? (b) Ayon sa Apocalipsis 12:12, ano ang magiging resulta ng digmaan
sa langit?
88

iyan ng kaabahan. Ngunit ito ay maitutu-


ring na sandali lamang—‘maikling yugto
lamang ng panahon.’ Natatanto iyan ma-
ging ni Satanas. Tinutukoy ng Bibliya ang
yugtong ito bilang “mga huling araw.”
(2 Timoteo 3:1) Kaylaki ngang kagala-
kan natin na malapit nang alisin ng Diyos
ang impluwensiya ng Diyablo sa lupa!
Isaalang-alang natin ang ilan sa mga ba-
gay na inihula sa Bibliya na nagaganap
mismo ngayon. Pinatutunayan ng mga
ito na nabubuhay na tayo sa mga huling
araw at na malapit nang magdulot ang
Kaharian ng Diyos ng walang-hanggang
mga pagpapala sa mga umiibig kay Jeho-
va. Una, suriin natin ang apat na bahagi
ng tanda na sinabi ni Jesus na magiging
pagkakakilanlan ng panahong kinabubu-
hayan natin.
MALALAKING KAGANAPAN
SA MGA HULING ARAW
6 “Ang bansa ay titindig laban sa ban-

sa at ang kaharian laban sa kaharian.”


(Mateo 24:7) Milyun-milyong tao ang na-
matay sa mga digmaan noong nakalipas
na siglo. Isang Britanong istoryador ang
sumulat: “Ang ika-20 siglo ang pinaka-
madugo sa nakaulat na kasaysayan. . . .
Ito ay isang siglo ng halos walang-patid
na digmaan, na may iilang maikling
yugto lamang na walang organisadong
labanan.” Ganito ang sabi ng isang ulat
mula sa Worldwatch Institute: “Tatlong
beses na mas maraming tao ang naging
6, 7. Paano natutupad sa ngayon ang mga salita ni
Jesus tungkol sa digmaan at kakapusan sa pagkain?
89

biktima ng digmaan noong [ika-20] siglo


kaysa sa lahat ng digmaan mula noong
unang siglo AD hanggang 1899.” Mahi-
git na 100 milyong tao na ang namatay
bunga ng mga digmaan mula noong
1914. Kahit na alam natin ang pighati
ng mawalan ng isang mahal sa buhay sa
digmaan, hindi natin lubusang mauuna-
waan ang hapis at kirot na nadarama ng
milyun-milyong tao na nawalan ng mahal
sa buhay.
7 “Magkakaroon ng mga kakapusan sa

pagkain.” (Mateo 24:7) Sinasabi ng mga


mananaliksik na malaki ang isinulong ng
produksiyon ng pagkain sa nakalipas na
30 taon. Magkagayunman, patuloy pa rin
ang kakapusan sa pagkain dahil mara-
ming tao ang walang sapat na pera para
makabili ng pagkain o kaya ay walang lu-
pang mapagtatamnan. Sa papaunlad na
mga bansa, mahigit sa isang bilyon katao
ang nabubuhay lamang sa kita na isang
dolyar o wala pa bawat araw. Dumaranas
ang karamihan sa kanila ng matinding
gutom. Tinataya ng World Health Orga-
nization na malnutrisyon ang isang
pangunahing dahilan ng pagkamatay ng
mahigit na limang milyong bata taun-
taon.
8 “Magkakaroon ng malalakas na lin-

dol.” (Lucas 21:11) Ayon sa U.S. Geological


Survey, mula noong 1990 lamang, nag-
karoon na ng katamtamang bilang na
17 malalakas na lindol bawat taon na
8, 9. Ano ang nagpapakitang nagkakatotoo na ang
mga hula ni Jesus tungkol sa mga lindol at mga sa-
lot?
90

kayang-kayang sumira ng mga gusali at


bumitak sa lupa. At sa katamtaman,
nagkakaroon ng malalakas na lindol taun-
taon na kayang-kayang magpabagsak ng
mga gusali. Ganito ang sabi ng isa pang
pinagkukunan ng impormasyon: “Daan-
daang libong buhay ang kinitil ng mga
lindol sa nakalipas na 100 taon at ka-
kaunti lamang ang nagawa ng pagsulong
sa teknolohiya upang mabawasan ang bi-
lang ng mga namamatay.”
9 “Magkakaroon ng . . . mga salot.” (Lu-

cas 21:11) Sa kabila ng mga pagsulong


sa medisina, sinasalot ng dati at bagong
mga sakit ang sangkatauhan. Sinasabi
´
ng isang ulat na 20 kilalang sakit—kabi-
lang na ang tuberkulosis, malarya, at
kolera—ang naging lalong pangkarani-
wan nitong nakalipas na mga dekada, at
nagiging mas mahirap gamutin ang ilang
uri ng sakit. Sa katunayan, di-kukulangin
sa 30 bagong sakit ang lumitaw. Nakama-
matay ang ilan sa mga ito at wala pang
nalalamang lunas.
ANG MGA TAO
SA MGA HULING ARAW
10 Bukod sa pagtukoy sa ilang kagana-

pan sa daigdig, inihula ng Bibliya na


makikita sa mga huling araw ang pag-
babago sa lipunan ng tao. Inilarawan ni
apostol Pablo ang magiging katangian ng
mga tao sa pangkalahatan. Sa 2 Timoteo
3:1-5, mababasa natin: “Sa mga huling
araw ay darating ang mga panahong ma-
panganib na mahirap pakitunguhan.” Sa
10. Anu-anong pag-uugali na inihula sa 2 Timoteo
3:1-5 ang nakikita mo ngayon sa mga tao?
91

bahagi, sinabi ni Pablo na ang mga tao ay


magiging mga
ˇ maibigin sa kanilang sarili
ˇ maibigin sa salapi
ˇ masuwayin sa mga magulang
ˇ di-matapat
ˇ walang likas na pagmamahal
ˇ walang pagpipigil sa sarili
ˇ mabangis
ˇ maibigin sa mga kaluguran kaysa
maibigin sa Diyos
ˇ may anyo ng makadiyos na debosyon
ngunit nagbubulaan sa kapangyari-
han nito
11 Ganiyan na ba ang mga tao sa in-

yong komunidad? Walang alinlangan na


ganiyan na nga sila. Sa lahat ng dako
ay makakakita ka ng mga taong masasa-
ma ang ugali. Ipinakikita nito na malapit
nang kumilos ang Diyos, sapagkat sinasa-
bi ng Bibliya: “Kapag sumisibol ang mga
balakyot na gaya ng pananim at namumu-
kadkad ang lahat ng nagsasagawa ng
bagay na nakasasakit, iyon ay upang mali-
pol sila magpakailanman.”—Awit 92:7.

MAGAGANDANG KAGANAPAN!
12Talagang lipos ng kaabahan ang mga
huling araw, gaya ng inihula ng Bibliya.
11. Paano inilalarawan ng Awit 92:7 ang mangya-
yari sa mga balakyot?
12, 13. Paano sumagana ang “tunay na kaalaman”
sa ‘panahong ito ng kawakasan’?
92 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Gayunman, sa magulong daigdig na ito, may magagandang ka-


ganapan naman sa mga mananamba ni Jehova.
13 “Ang tunay na kaalaman ay sasagana,” ang inihula ng

aklat ng Bibliya na Daniel. Kailan kaya iyan mangyayari? Sa


“panahon ng kawakasan.” (Daniel 12:4) Lalung-lalo na mula
noong 1914, tinulungan ni Jehova na sumulong sa pagkau-
nawa sa Bibliya ang mga talagang nagnanais na paglingkuran
siya. Sumulong ang kanilang pagkaunawa sa mahahalagang ka-
totohanan tungkol sa pangalan at layunin ng Diyos, sa haing
pantubos ni Jesu-Kristo, sa kalagayan ng mga patay, at sa pagka-
buhay-muli. Karagdagan pa, natutuhan ng mga mananamba ni
Jehova kung paano mamuhay sa paraang kapaki-pakinabang sa
kanila at nagdudulot ng kapurihan sa Diyos. Nakapagtamo rin
sila ng mas malinaw na kaunawaan sa papel ng Kaharian ng
Diyos at kung paano nito itutuwid ang mga bagay-bagay sa lupa.
Ano ang ginagawa nila sa kaalamang ito? Ang tanong na iyan ay
umaakay sa atin sa isa pang hula na natutupad sa mga huling
araw na ito.
14 “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa

buong tinatahanang lupa,” ang sabi ni Jesu-Kristo sa kaniyang


hula tungkol sa “katapusan ng sistema ng mga bagay.” (Ma-
teo 24:3, 14) Sa buong lupa, ang mabuting balita ng Kaharian
—kung ano ang Kaharian, ano ang gagawin nito, at paano natin
matatamasa ang mga pagpapala nito—ay ipinangangaral sa ma-
higit na 230 lupain at 400 wika. Milyun-milyong Saksi ni Jehova
ang masigasig na nangangaral ng mabuting balita ng Kaharian.
Nagmula sila sa “lahat ng mga bansa at mga tribo at mga ba-
yan at mga wika.” (Apocalipsis 7:9) Nagdaraos ang mga Saksi
ng walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya sa mil-
yun-milyong tao na nagnanais makaalam kung ano talaga ang
itinuturo ng Bibliya. Tunay ngang isang kahanga-hangang katu-
paran ng hula, lalo na yamang inihula ni Jesus na ang mga
tunay na Kristiyano ay magiging “mga tudlaan ng pagkapoot ng
lahat ng mga tao”!—Lucas 21:17.
14. Gaano na kalawak ang pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian sa nga-
yon, at sinu-sino ang nangangaral nito?
“Ang mabuting balitang ito ng
kaharian ay ipangangaral sa
buong tinatahanang lupa.”
—Mateo 24:14
94 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ANO ANG GAGAWIN MO?


Yamang napakaraming hula sa Bibliya ang natutupad sa
15

ngayon, hindi ka ba sumasang-ayon na nabubuhay na tayo


sa mga huling araw? Kapag naipangaral na ang mabuting ba-
lita ayon sa nais ni Jehova, tiyak na darating “ang wakas.”
(Mateo 24:14) Tumutukoy “ang wakas” sa panahong aalisin
na ng Diyos ang kasamaan sa lupa. Para lipulin ang lahat ng
kusang sumasalansang sa Kaniya, gagamitin ni Jehova si Je-
sus at ang makapangyarihang mga anghel. (2 Tesalonica 1:6-9)
Ang mga bansa ay hindi na maililigaw pa ni Satanas at ng kani-
yang mga demonyo. Pagkatapos niyan, ang Kaharian ng Diyos
ay magdudulot ng maraming pagpapala sa lahat ng nagpapasa-
kop sa matuwid na pamamahala nito.—Apocalipsis 20:1-3; 21:
3-5.
16 Yamang malapit na ang wakas ng sistema ni Satanas, ka-

ilangan nating itanong sa ating sarili, ‘Ano ba ang dapat na


ginagawa ko?’ Isang matalinong hakbang na sikaping makila-
la nang higit si Jehova at alamin ang kaniyang mga kahilingan
para sa atin. (Juan 17:3) Seryosohin ang iyong pag-aaral ng Bibli-
ya. Ugaliin mong regular na makisama sa iba na nagsisikap na
gawin ang kalooban ni Jehova. (Hebreo 10:24, 25) Kumuha ng
saganang kaalaman na inilalaan ng Diyos na Jehova sa mga tao
sa buong daigdig, at gumawa ng kinakailangang mga pagbabago
sa iyong buhay upang matamasa mo ang lingap ng Diyos.—San-
tiago 4:8.
17 Inihula ni Jesus na ipagwawalang-bahala ng karamihan sa

mga tao ang ebidensiya na nabubuhay na tayo sa mga huling


araw. Ang pagkapuksa ng masasama ay darating nang bigla-
an at di-inaasahan. Gaya ng isang magnanakaw sa gabi, tiyak na
mabibigla rito ang karamihan sa mga tao. (1 Tesalonica 5:2) Nag-
babala si Jesus: “Kung paano ang mga araw ni Noe, magiging
gayon ang pagkanaririto ng Anak ng tao. Sapagkat gaya nila no-
15. (a) Naniniwala ka ba na nabubuhay na tayo sa mga huling araw, at bakit?
(b) Ano ang magiging kahulugan ng “wakas” para sa mga sumasalansang kay
Jehova at sa mga nagpapasakop sa pamamahala ng Kaharian ng Diyos?
16. Anong matalinong mga hakbang ang dapat mong gawin?
17. Bakit mabibigla ang karamihan sa mga tao sa pagkapuksa ng masasama?
Nabubuhay Na ba Tayo sa “mga Huling Araw”? 95

ong mga araw na iyon bago ang baha, na kumakain at umiinom,


ang mga lalaki ay nag-aasawa at ang mga babae ay ibinibigay
sa pag-aasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa arka; at
hindi sila nagbigay-pansin hanggang sa dumating ang baha at ti-
nangay silang lahat, magiging gayon ang pagkanaririto ng Anak
ng tao.”—Mateo 24:37-39.
18 Kaya naman, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagapakinig:

“Bigyang-pansin ninyo ang inyong sarili na ang inyong mga


puso ay hindi mapabigatan ng labis na pagkain at labis na pag-
inom at mga kabalisahan sa buhay, at bigla na lang na ang araw
na iyon ay kagyat na mapasainyo na gaya ng silo. Sapagkat dara-
ting ito sa lahat ng mga nananahanan sa ibabaw ng buong lupa.
Manatiling gising, kung gayon, na nagsusumamo sa lahat ng pa-
nahon na magtagumpay kayo sa pagtakas mula sa lahat ng mga
bagay na ito na nakatalagang maganap, at sa pagtayo [nang may
pagsang-ayon] sa harap ng Anak ng tao.” (Lucas 21:34-36) Mata-
linong isapuso ang mga salita ni Jesus. Bakit? Sapagkat ang mga
nagtataglay ng lingap ng Diyos na Jehova at ng “Anak ng tao,” si
Jesu-Kristo, ay may pag-asang makaligtas sa wakas ng sistema ng
mga bagay ni Satanas at mabuhay magpakailanman sa kamang-
ha-manghang bagong sanlibutan na napakalapit na!—Juan 3:16;
2 Pedro 3:13.
18. Anong babala ni Jesus ang dapat nating isapuso?

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA


ˇ Makikilala ang mga huling araw dahil sa mga
digmaan, kakapusan sa pagkain, lindol, at mga
salot.—Mateo 24:7; Lucas 21:11.
ˇ Sa mga huling araw, marami ang mga
maibigin sa kanilang sarili, sa salapi, at sa mga
kaluguran ngunit hindi maibigin sa Diyos.
—2 Timoteo 3:1-5.
ˇ Sa mga huling araw na ito, ipinangangaral ang
mabuting balita ng Kaharian sa buong daigdig.
—Mateo 24:14.
KABANATA 10

Mga Espiritung Nilalang—Kung


Paano Nila Tayo Naaapektuhan
Tinutulungan ba ng mga anghel ang mga tao?
Paano iniimpluwensiyahan ng mga balakyot na
espiritu ang mga tao?
Dapat ba tayong matakot sa mga balakyot na espiritu?

KARANIWAN na, upang makilala mo ang isang tao, kailangang


makilala mo rin ang kaniyang pamilya. Sa katulad na paraan,
upang makilala mo ang Diyos na Jehova, kailangang makilala mo
nang higit ang kaniyang pamilya ng mga anghel. Tinatawag ng Bi-
bliya ang mga anghel na “mga anak ng Diyos.” (Job 38:7) Kaya,
ano ba ang dako nila sa layunin ng Diyos? May ginampanan na ba
silang papel sa kasaysayan ng tao? Naaapektuhan ba ng mga ang-
hel ang iyong buhay? Kung oo, paano?
2 Daan-daang beses na binabanggit ng Bibliya ang mga ang-

hel. Isaalang-alang natin ang ilan sa mga pagtukoy na ito upang


makilala natin nang higit ang mga anghel. Saan ba nagmula ang
mga anghel? Sinasabi ng Colosas 1:16: “Sa pamamagitan niya [ni
Jesu-Kristo] ang lahat ng iba pang bagay ay nilalang sa langit at sa
ibabaw ng lupa.” Kaya naman, ang lahat ng espiritung nilalang na
tinatawag na mga anghel ay isa-isang nilalang ng Diyos na Jeho-
va sa pamamagitan ng kaniyang panganay na Anak. Gaano kaya
karami ang mga anghel? Ipinakikita ng Bibliya na daan-daang mil-
yong anghel ang nilalang, at silang lahat ay makapangyarihan.
—Awit 103:20.1
1 Hinggil sa matuwid na mga anghel, sinasabi ng Apocalipsis 5:11: “Ang bi-
lang nila ay laksa-laksang mga laksa,” o “sampung libong tigsasampung libo.”
(Talababa sa New World Translation of the Holy Scriptures—With References) Kaya
ipinahihiwatig ng Bibliya na daan-daang milyong anghel ang nilalang.

1. Bakit natin gugustuhing makilala ang mga anghel?


2. Saan nagmula ang mga anghel, at gaano sila karami?
Mga Espiritung Nilalang—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan 97

3 Sinasabi sa atin ng Salita ng Diyos, ang Bibliya, na nang itatag


ang lupa, “sumigaw sa pagpuri ang lahat ng mga anak ng Diyos.”
(Job 38:4-7) Kaya matagal nang umiiral ang mga anghel bago pa
lalangin ang mga tao, bago pa man lalangin ang lupa. Ipinakiki-
ta rin ng mga talatang ito ng Bibliya na may damdamin ang mga
anghel, dahil sinasabi nito na sila ay “magkakasamang humiyaw
nang may kagalakan.” Pansinin na ang “lahat ng mga anak ng
Diyos” ay magkakasamang nagsaya. Nang panahong iyon, ang la-
hat ng mga anghel ay bahagi ng isang nagkakaisang pamilya na
naglilingkod sa Diyos na Jehova.

PAG-ALALAY AT PROTEKSIYON NG MGA ANGHEL


4 Magmula nang masaksihan nila ang paglalang sa unang
mga tao, nagpakita na ng matinding interes ang tapat na mga
espiritung nilalang sa lumalaking pamilya ng tao at sa pagsasaka-
tuparan ng layunin ng Diyos. (Kawikaan 8:30, 31; 1 Pedro 1:11, 12)
Gayunman, sa paglipas ng panahon, napansin ng mga anghel na
ang karamihan sa pamilya ng tao ay tumalikod sa paglilingkod sa
kanilang maibiging Maylalang. Tiyak na ikinalungkot ito ng tapat
na mga anghel. Sa kabilang panig naman, kapag may kahit isang
taong nanumbalik kay Jehova, “nagkakaroon ng kagalakan sa git-
na ng mga anghel.” (Lucas 15:10) Yamang gayon na lamang ang
pagmamalasakit ng mga anghel sa kapakanan ng mga nagliling-
kod sa Diyos, hindi kataka-takang paulit-ulit na ginamit ni Jehova
ang mga anghel upang palakasin at ipagsanggalang ang kaniyang
tapat na mga lingkod sa lupa. (Hebreo 1:7, 14) Isaalang-alang ang
ilang halimbawa.
5 Dalawang anghel ang tumulong sa matuwid na taong si Lot at

sa kaniyang mga anak na babae upang makaligtas sa pagkapuksa


ng balakyot na mga lunsod ng Sodoma at Gomorra sa pamama-
gitan ng pag-akay sa kanila palayo sa lugar na iyon. (Genesis 19:
15, 16) Pagkalipas ng maraming siglo, si propeta Daniel ay iniha-
gis sa yungib ng mga leon, ngunit hindi siya nasaktan at ganito
3. Ano ang sinasabi sa atin ng Job 38:4-7 tungkol sa mga anghel?
4. Paano ipinakikita ng Bibliya na interesado ang tapat na mga anghel sa gina-
gawa ng mga tao?
5. Anong mga halimbawa ng pag-alalay ng mga anghel ang masusumpungan
natin sa Bibliya?
98 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ang sinabi niya: “Isinugo ng aking Diyos ang kaniyang anghel


at itinikom ang bibig ng mga leon.” (Daniel 6:22) Noong unang
siglo C.E., isang anghel ang nagpalaya kay apostol Pedro mula sa
bilangguan. (Gawa 12:6-11) Bukod diyan, inalalayan ng mga ang-
hel si Jesus sa pasimula ng kaniyang ministeryo sa lupa. (Marcos
1:13) At di-nagtagal bago mamatay si Jesus, nagpakita sa kaniya
ang isang anghel at “pinalakas siya.” (Lucas 22:43) Tiyak na kay-
laking kaaliwan nito para kay Jesus sa napakahalagang panahong
iyon sa kaniyang buhay!
6 Sa ngayon, hindi na nagpapakita ang mga anghel sa bayan

ng Diyos sa lupa. Bagaman hindi nakikita ng mga mata ng tao,


ipinagsasanggalang pa rin ng makapangyarihang mga anghel ng
Diyos ang kaniyang bayan, lalung-lalo na mula sa anumang bagay
na nakapipinsala sa espirituwal. Sinasabi ng Bibliya: “Ang anghel
ni Jehova ay nagkakampo sa buong palibot niyaong mga may ta-
kot sa kaniya, at inililigtas niya sila.” (Awit 34:7) Bakit malaking
kaaliwan para sa atin ang mga pananalitang ito? Dahil may ma-
panganib na mga balakyot na espiritung nilalang na gusto tayong
lipulin! Sino sila? Saan sila nagmula? Paano nila tayo sinisikap na
saktan? Upang malaman ang sagot, isaalang-alang natin sandali
ang isang bagay na nangyari sa pasimula ng kasaysayan ng tao.

MGA ESPIRITUNG NILALANG NA MGA KAAWAY NATIN


Gaya ng natutuhan natin sa Kabanata 3 ng aklat na ito, isa sa
7

mga anghel ang naghangad na mamahala sa iba at sa gayo’y tuma-


likod sa Diyos. Nang maglaon, ang anghel na ito ay nakilala bilang
Satanas na Diyablo. (Apocalipsis 12:9) Sa loob ng 16 na siglo ma-
tapos niyang linlangin si Eva, nagtagumpay si Satanas na italikod
sa Diyos ang halos lahat ng tao maliban sa ilang tapat, gaya nina
Abel, Enoc, at Noe.—Hebreo 11:4, 5, 7.
8 Noong panahon ni Noe, nagrebelde ang ibang mga ang-

hel laban kay Jehova. Iniwan nila ang kanilang dako sa pamilya
ng Diyos sa langit, bumaba rito sa lupa, at nagkatawang-tao. Ba-
6. (a) Paano ipinagsasanggalang ng mga anghel ang bayan ng Diyos sa nga-
yon? (b) Anu-anong tanong ang isasaalang-alang natin ngayon?
7. Gaano katagumpay si Satanas sa pagsisikap na italikod sa Diyos ang mga tao?
8. (a) Paano naging demonyo ang ilan sa mga anghel? (b) Upang makaligtas
sa Baha noong panahon ni Noe, ano ang kinailangang gawin ng mga demonyo?
Mga Espiritung Nilalang—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan 99

kit? Ganito ang mababasa natin sa Genesis 6:2: “Napansin ng mga


anak ng tunay na Diyos ang mga anak na babae ng mga tao, na
sila ay magaganda; at kumuha sila ng kani-kanilang mga asawa,
samakatuwid ay lahat ng kanilang pinili.” Ngunit hindi pinahin-
tulutan ng Diyos na Jehova na magpatuloy ang ginagawa ng mga
anghel na ito at ang idinulot nitong kasamaan sa sangkatauhan.
Nagpasapit siya ng pangglobong baha sa lupa na tumangay sa la-
hat ng napakasamang mga tao at ang iniligtas lamang niya ay ang
kaniyang tapat na mga lingkod. (Genesis 7:17, 23) Kaya napilitan
ang mga rebeldeng anghel, o mga demonyo, na iwan ang kanilang
katawang-tao at bumalik sa langit bilang mga espiritung nilalang.
Pumanig sila sa Diyablo, na naging “tagapamahala ng mga demo-
nyo.”—Mateo 9:34.

“Isinugo ng aking Diyos ang kaniyang


anghel at itinikom ang bibig ng mga leon.”
—Daniel 6:22
100 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

9 Nang bumalik sa langit ang masuwaying mga anghel, sila ay


itinakwil, gaya ng kanilang tagapamahala na si Satanas. (2 Pedro
2:4) Bagaman hindi na sila nakapagkakatawang-tao ngayon, may
napakasamang impluwensiya pa rin sila sa mga tao. Sa katunayan,
sa tulong ng mga demonyong ito, ‘inililigaw ni Satanas ang buong
tinatahanang lupa.’ (Apocalipsis 12:9; 1 Juan 5:19) Paano? Pangu-
nahin nang ginagamit ng mga demonyo ang mga pamamaraang
dinisenyo upang iligaw ang mga tao. (2 Corinto 2:11) Talakayin
natin ang ilan sa mga pamamaraang ito.
KUNG PAANO INILILIGAW NG
MGA DEMONYO ANG MGA TAO
10 Upang iligaw ang mga tao, gumagamit ang mga demonyo ng

espiritismo. Ang pagsasagawa ng espiritismo ay pakikisangkot sa


mga demonyo, kapuwa sa tuwirang paraan at sa pamamagitan ng
isang espiritista. Hinahatulan ng Bibliya ang espiritismo at binaba-
balaan tayo nito na huwag makisangkot sa lahat ng bagay na may
kaugnayan dito. (Galacia 5:19-21) Gumagamit ng espiritismo ang
mga demonyo kung paanong gumagamit ng pain ang mga mangi-
ngisda. Iba’t ibang pain ang ginagamit ng isang mangingisda para
makahuli ng iba’t ibang uri ng isda. Sa katulad na paraan, iba’t
ibang anyo ng espiritismo ang ginagamit ng mga balakyot na espi-
ritu upang mapasailalim sa kanilang impluwensiya ang lahat ng
uri ng tao.
11 Ang isang uri ng pain na ginagamit ng mga demonyo ay

ang panghuhula. Ano ba ang panghuhula? Ito ay ang pagtatang-


kang alamin ang tungkol sa hinaharap o ang isang bagay na
hindi pa nalalaman. Ang ilang anyo ng panghuhula ay astrolohi-
ya, paggamit ng mga barahang tarot, pagtingin sa bolang kristal,
pagbasa ng palad, at paghahanap ng mahiwagang mga pangita-
in, o mga tanda, sa panaginip. Bagaman iniisip ng maraming
tao na ang panghuhula ay di-nakapipinsala, ipinakikita ng Bibli-
ya na magkasabuwat ang mga manghuhula at ang mga balakyot
na espiritu. Halimbawa, binabanggit ng Gawa 16:16-18 ang “isang
demonyo ng panghuhula” na naging dahilan upang makapagsa-
9. (a) Ano ang nangyari sa mga demonyo nang bumalik sila sa langit? (b) Ano
ang tatalakayin natin hinggil sa mga demonyo?
10. Ano ang espiritismo?
11. Ano ang panghuhula, at bakit natin ito dapat iwasan?
Gumagamit ng iba’t ibang paraan ang mga demonyo
upang linlangin ang mga tao

gawa ng “sining ng panghuhula” ang isang batang babae. Ngunit


naiwala niya ang kakayahang ito nang palabasin sa kaniya ang de-
monyo.
12 Ang isa pang paraan na inililigaw ng mga demonyo ang mga

tao ay ang paghimok sa kanila na sumangguni sa mga patay. Ang


mga taong namimighati dahil sa pagkamatay ng isang mahal sa
buhay ay kadalasang nalilinlang ng maling mga ideya tungkol
sa mga patay. Maaaring magbigay ang isang espiritista ng panta-
nging impormasyon o magsalita sa isang tinig na waring kaboses
ng namatay na indibiduwal. Bilang resulta, maraming tao ang
´
nakukumbinsi na ang mga patay ay talagang buhay at na ang
pakikipag-ugnayan sa kanila ay tutulong sa mga nabubuhay na
makayanan ang kanilang pamimighati. Ngunit sa katunayan, ang
gayong “kaaliwan” ay huwad at mapanganib. Bakit? Dahil kayang
gayahin ng mga demonyo ang tinig ng isang namatay na indibi-
duwal at magbigay ng impormasyon sa isang espiritista tungkol sa
namatay. (1 Samuel 28:3-19) Karagdagan pa, gaya ng natutuhan
natin sa Kabanata 6, hindi na umiiral ang mga patay. (Awit 115:17)
12. Bakit mapanganib na subuking makipagtalastasan sa mga patay?
KUNG PAANO
LALABANAN
ANG MGA BALAKYOT
NA ESPIRITU

ˇ Itapon ang mga bagay


na may kaugnayan sa
espiritismo
ˇ Mag-aral ng Bibliya
ˇ Manalangin sa Diyos
Mga Espiritung Nilalang—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan 103

Kaya ang “sinumang sumasangguni sa patay” ay nailigaw na ng


mga balakyot na espiritu at kumikilos laban sa kalooban ng Diyos.
(Deuteronomio 18:10, 11; Isaias 8:19) Kaya nga, mag-ingat laban
sa ganitong mapanganib na pain na ginagamit ng mga demonyo.
13 Hindi lamang inililigaw ng mga balakyot na espiritu ang mga

tao kundi tinatakot din naman nila ang mga ito. Sa ngayon, alam
ni Satanas at ng kaniyang mga demonyo na “maikling yugto ng
panahon” na lamang ang natitira bago sila gapusin, kung kaya na-
pakabagsik nila ngayon higit kailanman. (Apocalipsis 12:12, 17)
Magkagayunman, libu-libong tao na dating nabubuhay sa takot
araw-araw dahil sa gayong mga balakyot na espiritu ang nakalaya
na. Paano nila ito nagawa? Ano ang maaaring gawin ng isang tao
kahit sangkot na siya sa espiritismo?

KUNG PAANO LALABANAN


ANG MGA BALAKYOT NA ESPIRITU
14 Sinasabi sa atin ng Bibliya kung paano lalabanan ang mga

balakyot na espiritu at kung paano makalalaya sa kanila. Ting-


nan ang halimbawa ng unang-siglong mga Kristiyano sa lunsod
ng Efeso. Nagsagawa ng espiritismo ang ilan sa kanila bago naging
mga Kristiyano. Nang ipasiya nilang lumaya mula sa espiritismo,
ano ang ginawa nila? Ganito ang sinasabi ng Bibliya: “Tinipon
ng marami sa mga nagsasagawa ng sining ng mahika ang kani-
lang mga aklat at sinunog ang mga iyon sa harap ng lahat.”
(Gawa 19:19) Sa pagsira sa kanilang mga aklat sa mahika, nag-
pakita ng halimbawa ang mga bagong Kristiyanong iyon para sa
mga nagnanais na labanan ang mga balakyot na espiritu sa nga-
yon. Kailangang itapon ng mga taong nagnanais na maglingkod
kay Jehova ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa espiritismo.
Kasama na riyan ang mga aklat, magasin, pelikula, poster, at mga
rekord sa musika na humihimok sa isa na magsagawa ng espiritis-
mo anupat ginagawang waring kaakit-akit at kapana-panabik ito.
Kalakip din dito ang mga anting-anting o iba pang mga bagay na
isinusuot para magsilbing proteksiyon laban sa masama.—1 Corin-
to 10:21.
´
13. Ano ang nagawa ng marami na dating takot sa mga demonyo?
14. Tulad ng unang-siglong mga Kristiyano sa Efeso, paano tayo makalalaya sa
mga balakyot na espiritu?
104 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

15 Mga ilang taon pagkatapos sirain ng mga Kristiyano sa Efe-


so ang kanilang mga aklat sa mahika, sumulat sa kanila si apostol
Pablo: “Tayo ay may pakikipagbuno . . . laban sa balakyot na mga
puwersang espiritu.” (Efeso 6:12) Hindi pa sumusuko ang mga de-
monyo. Sinisikap pa rin nilang makalamang. Kaya, ano pa ang
kailangang gawin ng mga Kristiyanong iyon? “Higit sa lahat,” ang
sabi ni Pablo, “kunin ninyo ang malaking kalasag ng pananampa-
lataya, na siyang ipanunugpo ninyo sa lahat ng nag-aapoy na mga
suligi ng isa na balakyot [si Satanas].” (Efeso 6:16) Habang mas
matibay ang ating kalasag ng pananampalataya, mas malakas ang
ating panlaban sa balakyot na mga puwersang espiritu.—Mateo
17:20.
16 Kung gayon, paano natin mapatitibay ang ating pananampa-

lataya? Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bibliya. Ang katatagan ng


isang pader ay nakadepende nang malaki sa tibay ng pundasyon
nito. Sa katulad na paraan, ang katatagan ng ating pananampalata-
ya ay nakadepende nang malaki sa tibay ng pundasyon nito, ang
tumpak na kaalaman sa Salita ng Diyos, ang Bibliya. Kung babasa-
hin natin at pag-aaralan ang Bibliya araw-araw, magiging matibay
ang ating pananampalataya. Tulad ng isang matibay na pader, ang
gayong pananampalataya ay magsasanggalang sa atin mula sa im-
pluwensiya ng mga balakyot na espiritu.—1 Juan 5:5.
17 Ano pang hakbang ang kinailangang gawin ng mga Kristiya-

nong iyon sa Efeso? Kinailangan nila ng karagdagang proteksiyon


dahil nabubuhay sila sa isang lunsod na lipos ng demonismo.
Kaya sinabi ni Pablo sa kanila: ‘Sa bawat uri ng panalangin at
pagsusumamo ay magpatuloy kayo sa pananalangin sa bawat
pagkakataon sa pamamagitan ng espiritu.’ (Efeso 6:18) Yamang
nabubuhay rin tayo sa isang daigdig na lipos ng demonismo,
ang marubdob na pananalangin kay Jehova para sa kaniyang pro-
teksiyon ay napakahalaga upang malabanan ang mga balakyot na
espiritu. Siyempre pa, kailangan nating gamitin ang pangalan ni
Jehova sa ating mga panalangin. (Kawikaan 18:10) Kaya kailangan
tayong patuloy na manalangin sa Diyos na “iligtas [tayo] mula sa
15. Upang malabanan ang balakyot na mga puwersang espiritu, ano ang kaila-
ngan nating gawin?
16. Paano natin mapatitibay ang ating pananampalataya?
17. Anong hakbang ang kailangan upang malabanan ang mga balakyot na es-
piritu?
Mga Espiritung Nilalang—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan 105

isa na balakyot,” si Satanas na Diyablo. (Mateo 6:13) Sasagutin ni


Jehova ang gayong marubdob na mga panalangin.—Awit 145:19.
18 Mapanganib ang mga balakyot na espiritu, ngunit hindi tayo

dapat matakot sa kanila kung lalabanan natin ang Diyablo at


´
magiging malapıt tayo sa Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng
Kaniyang kalooban. (Santiago 4:7, 8) Limitado ang kapangyari-
han ng mga balakyot na espiritu. Pinarusahan na sila noong
panahon ni Noe, at napapaharap sila sa kanilang pangwakas na
kahatulan sa hinaharap. (Judas 6) Tandaan din na ipinagsasang-
galang tayo ng makapangyarihang mga anghel ni Jehova. (2 Hari
6:15-17) Gustung-gusto ng mga anghel na iyon na magtagum-
pay tayo sa ating pakikipaglaban sa mga balakyot na espiritu.
Sa diwa, pinatitibay-loob tayo ng matuwid na mga anghel. Kung
´
gayon, manatili tayong malapıt kay Jehova at sa kaniyang pamil-
ya ng tapat na mga espiritung nilalang. Nawa’y iwasan din natin
ang bawat uri ng espiritismo at laging ikapit ang payo ng Salita
ng Diyos. (1 Pedro 5:6, 7; 2 Pedro 2:9) Sa gayon ay makatitiyak
tayo ng tagumpay sa ating pakikipaglaban sa mga balakyot na es-
piritung nilalang.
19 Ngunit bakit pinahihintulutan ng Diyos ang masasamang

espiritu at ang kasamaan na naging dahilan ng labis-labis na pag-


durusa ng mga tao? Sasagutin ang tanong na iyan sa susunod na
kabanata.
18, 19. (a) Bakit tayo makatitiyak ng tagumpay sa ating pakikipaglaban sa mga
balakyot na espiritung nilalang? (b) Anong tanong ang sasagutin sa susunod na
kabanata?

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA


ˇ Tinutulungan ng tapat na mga anghel ang mga
naglilingkod kay Jehova.—Hebreo 1:7, 14.
ˇ Inililigaw ni Satanas at ng kaniyang mga demonyo
ang mga tao at itinatalikod ang mga ito mula sa
Diyos.—Apocalipsis 12:9.
ˇ Kung gagawin mo ang kalooban ng Diyos at sa-
salansangin ang Diyablo, tatakas si Satanas mula
sa iyo.—Santiago 4:7, 8.
KABANATA 11

Bakit Kaya Pinahihintulutan ng


Diyos ang Pagdurusa?
Ang Diyos ba ang sanhi ng pagdurusa sa daigdig?
Anong usapin ang ibinangon sa hardin ng Eden?
Paano kaya papawiin ng Diyos ang mga epekto
ng pagdurusa ng tao?

PAGKATAPOS ng isang kahila-hilakbot na labanan sa isang


lupaing sinalanta ng digmaan, inilibing nang sama-sama ang
libu-libong napatay na sibilyang babae at bata sa isang hukay na
napalilibutan ng maliliit na krus. Ang bawat krus ay may nakasu-
lat na: “Bakit?” Kung minsan, iyan ang pinakamasakit na tanong
sa lahat. Malungkot na itinatanong ito ng mga tao kapag nama-
tayan sila ng kanilang inosenteng mga mahal sa buhay, nawasak
ang kanilang bahay, o dumanas sila ng labis-labis na pagdurusa
dahil sa digmaan, sakuna, sakit, o krimen. Gusto nilang mala-
man kung bakit sumapit sa kanila ang gayong mga trahedya.
2 Bakit kaya pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa? Kung

ang Diyos na Jehova ay makapangyarihan-sa-lahat, maibigin,


ˆ
marunong, at makatarungan, bakit punung-puno ng poot at ka-
walang-katarungan ang daigdig? Napag-isip-isip mo na rin ba
ang mga bagay na ito?
3 Mali bang itanong kung bakit pinahihintulutan ng Diyos

ang pagdurusa? Nangangamba ang ilan na ang pagtatanong ng


gayon ay nangangahulugan na wala silang sapat na pananampa-
lataya o na wala silang galang sa Diyos. Gayunman, kapag binasa
mo ang Bibliya, masusumpungan mong naitanong din ang mga
1, 2. Anong uri ng pagdurusa ang nararanasan ng mga tao sa ngayon, na uma-
akay sa marami na magbangon ng anong mga tanong?
3, 4. (a) Ano ang nagpapakita na hindi maling itanong kung bakit pinahihin-
tulutan ng Diyos ang pagdurusa? (b) Ano ang nadarama ni Jehova hinggil sa
kasamaan at pagdurusa?
107

Wawakasan ni Jehova ang lahat ng pagdurusa

ito ng mga taong tapat at may takot sa Diyos. Halimbawa, ti-


nanong ni propeta Habakuk si Jehova: “Bakit mo ipinakikita sa
akin yaong nakasasakit, at patuloy kang tumitingin sa kabagaba-
gan? At bakit nasa harap ko ang pananamsam at karahasan, at
bakit may pag-aaway, at bakit may hidwaan?”—Habakuk 1:3.
4 Pinagalitan ba ni Jehova ang tapat na propetang si Habakuk

dahil sa pagtatanong niya ng gayong mga bagay? Hindi. Sa ha-


lip, inilakip ng Diyos ang taimtim na mga salita ni Habakuk sa
kinasihang ulat ng Bibliya. Tinulungan din siya ng Diyos na ma-
unawaan nang higit ang mga bagay-bagay at magkaroon ng mas
matibay na pananampalataya. Ganiyan din ang gustong gawin
ni Jehova para sa iyo. Tandaan, itinuturo ng Bibliya na “siya ay
nagmamalasakit sa [iyo].” (1 Pedro 5:7) Napopoot ang Diyos sa
kasamaan at sa pagdurusang idinudulot nito nang higit kaysa ka-
nino pa man. (Isaias 55:8, 9) Kung gayon, bakit labis-labis ang
pagdurusa sa daigdig?

BAKIT LABIS-LABIS ANG PAGDURUSA?


5Tinatanong ng mga taong mula sa iba’t ibang relihiyon ang
kanilang relihiyosong mga lider at guro kung bakit labis-labis
ang pagdurusa. Kadalasan, ang sagot ay dahil kalooban ng Diyos
5. Anu-anong dahilan kung minsan ang ibinibigay upang ipaliwanag ang pag-
durusa ng tao, pero ano ba ang itinuturo ng Bibliya?
108 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ang pagdurusa at na matagal na niyang itinakda ang lahat ng


magaganap, pati na ang kapaha-pahamak na mga pangyayari.
Marami ang sinabihan na ang mga daan ng Diyos ay mahiwaga
o nagpapasapit siya ng kamatayan sa mga tao—maging sa mga
bata—upang makasama niya sila sa langit. Gayunman, gaya ng
natutuhan mo, hindi kailanman naging sanhi ng kasamaan ang
Diyos na Jehova. Sinasabi ng Bibliya: “Malayong gumawi nang
may kabalakyutan ang tunay na Diyos, at na gumawi nang di-
makatarungan ang Makapangyarihan-sa-lahat!”—Job 34:10.
6 Alam mo ba kung bakit may-kamaliang isinisisi ng mga tao

sa Diyos ang lahat ng pagdurusa sa daigdig? Kadalasan na, sini-


sisi nila ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat dahil inaakala
nilang siya ang tunay na tagapamahala ng sanlibutang ito. Hin-
di nila alam ang isang simple ngunit mahalagang katotohanan
na itinuturo ng Bibliya. Natutuhan mo ang katotohanang iyan sa
Kabanata 3 ng aklat na ito. Ang tunay na tagapamahala ng sanli-
butang ito ay si Satanas na Diyablo.
7 Maliwanag na sinasabi ng Bibliya: “Ang buong sanlibutan ay

nasa kapangyarihan ng isa na balakyot.” (1 Juan 5:19) Kung pag-


iisipan mo ito, hindi ba makatuwiran naman iyan? Ipinakikita
ng sanlibutang ito ang personalidad ng di-nakikitang espiritung
nilalang na “nagliligaw sa buong tinatahanang lupa.” (Apoca-
lipsis 12:9) Si Satanas ay lipos ng pagkapoot, mapanlinlang, at
malupit. Kaya ang sanlibutan, sa ilalim ng kaniyang impluwen-
ˆ
siya, ay puno ng poot, panlilinlang, at kalupitan. Iyan ang isang
dahilan kung bakit labis-labis ang pagdurusa.
8 Ang ikalawang dahilan ng labis-labis na pagdurusa ay ang

pagiging di-sakdal at makasalanan ng sanlibutan mula nang ma-


ganap ang rebelyon sa hardin ng Eden, gaya ng tinalakay sa
Kabanata 3. May tendensiya ang makasalanang mga tao na ma-
kipagtunggali upang maging angat sa iba, at nagbunga ito ng
mga digmaan, paniniil, at pagdurusa. (Eclesiastes 4:1; 8:9) Ang
ikatlong dahilan ng pagdurusa ay “ang panahon at ang di-inaa-
6. Bakit may-kamaliang isinisisi ng maraming tao sa Diyos ang pagdurusa sa
daigdig?
7, 8. (a) Paano ipinakikita ng sanlibutan ang personalidad ng tagapamahala
nito? (b) Paano nakaragdag sa pagdurusa ang di-kasakdalan ng tao at “ang pa-
nahon at ang di-inaasahang pangyayari”?
Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa? 109

sahang pangyayari.” (Eclesiastes 9:11) Sa isang sanlibutang wala


si Jehova bilang mapagsanggalang na Tagapamahala, maaaring
magdusa ang mga tao dahil nagkataong nasa maling lugar sila sa
maling pagkakataon.
9 Naaaliw tayong malaman na hindi ang Diyos ang sanhi ng

pagdurusa. Hindi siya ang may kagagawan ng mga digmaan, kri-


men, paniniil, o maging ng likas na mga kasakunaang nagiging
dahilan ng pagdurusa ng mga tao. Gayunman, gusto nating ma-
laman, Bakit kaya pinahihintulutan ni Jehova ang lahat ng
pagdurusang ito? Kung siya ang Makapangyarihan-sa-lahat, may
kapangyarihan siyang patigilin ito. Kung gayon, bakit ayaw ni-
yang gamitin ang kapangyarihang iyan? Tiyak na may mabuting
dahilan ang maibiging Diyos na nakilala natin.—1 Juan 4:8.
IBINANGON ANG ISANG MAHALAGANG USAPIN
10 Upang malaman natin kung bakit pinahihintulutan ng
Diyos ang pagdurusa, kailangan nating balikan ang panahon
nang magsimula ang pagdurusa. Nang udyukan ni Sata-
nas sina Adan at Eva na sumuway kay Jehova, bumangon ang
isang mahalagang tanong. Hindi kinuwestiyon ni Satanas ang
kapangyarihan ni Jehova. Tiyak na alam ni Satanas na walang li-
mitasyon ang kapangyarihan ni Jehova. Sa halip, kinuwestiyon
ni Satanas ang karapatang mamahala ni Jehova. Sa pagtawag sa
Diyos na isang sinungaling na nagkakait ng mabuti sa kaniyang
mga nasasakupan, pinaratangan ni Satanas si Jehova na isang
masamang tagapamahala. (Genesis 3:2-5) Ipinahiwatig ni Sata-
nas na mas mapabubuti ang sangkatauhan kung wala ang
pamamahala ng Diyos. Isa itong pagtuligsa sa soberanya o kara-
patang mamahala ni Jehova.
11 Nagrebelde sina Adan at Eva laban kay Jehova. Sa diwa,

sinabi nila: “Hindi namin kailangan si Jehova bilang aming Ta-


gapamahala. Makapagpapasiya kami para sa aming sarili kung
ano ang tama at kung ano ang mali.” Paano kaya lulutasin
ni Jehova ang usaping iyan? Paano niya ipababatid sa lahat ng
9. Bakit tayo makatitiyak na may mabuting dahilan si Jehova sa pagpapahin-
tulot na magpatuloy ang pagdurusa?
10. Ano ang kinuwestiyon ni Satanas, at paano?
11. Bakit hindi na lamang pinuksa ni Jehova ang mga rebelde sa Eden?
Mas kuwalipikado ba ang estudyante kaysa sa guro?

matatalinong nilalang na ang mga rebeldeng iyon ay mali at na


ang kaniyang daan ang talagang pinakamainam? Baka sabihin
ng isa na dapat sana ay pinuksa na lamang ng Diyos ang mga re-
belde at nagsimula na lamang muli. Ngunit nasabi na ni Jehova
ang kaniyang layunin na punuin ang lupa ng mga supling nina
Adan at Eva, at nais niyang mabuhay sila sa isang makalupang
paraiso. (Genesis 1:28) Laging tinutupad ni Jehova ang kaniyang
mga layunin. (Isaias 55:10, 11) Bukod diyan, ang pagpuksa sa
mga rebelde sa Eden ay hindi makasasagot sa tanong na ibina-
ngon hinggil sa karapatan ni Jehova na mamahala.
12 Isaalang-alang natin ang isang ilustrasyon. Ipagpalagay na

ipinaliliwanag ng isang guro sa kaniyang mga estudyante kung


paano bibigyan ng solusyon ang isang mahirap na problema.
Isang matalino ngunit rebeldeng estudyante ang nagsabing mali
ang paraan ng guro sa pagbibigay ng solusyon sa problema.
Upang ipahiwatig na walang kakayahan ang guro, iginiit ng re-
beldeng ito na may mas mahusay siyang paraan para mabigyan
ng solusyon ang problema. Inisip naman ng ilang estudyante
na tama siya, at nagrebelde rin sila. Ano ang gagawin ng guro?
12, 13. Ilarawan kung bakit pinahintulutan ni Jehova si Satanas na maging ta-
gapamahala ng sanlibutang ito at kung bakit pinahintulutan ng Diyos ang mga
tao na pamahalaan ang kanilang sarili.
Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa? 111

Kung paaalisin niya sa klase ang mga rebelde, ano ang magiging
epekto nito sa ibang mga estudyante? Hindi kaya sila maniwala
na tama ang kanilang kapuwa estudyante at ang mga kumampi
sa kaniya? Baka mawala ang respeto ng iba pang estudyante sa
guro, anupat iniisip nila na takot itong mapatunayang siya ang
mali. Ngunit sabihin nating pinahintulutan ng guro ang rebel-
de na ipakita sa klase kung paano nito bibigyan ng solusyon ang
problema.
13 Ginawa ni Jehova ang kagaya ng ginawa ng guro. Tandaan

na hindi lamang ang mga rebelde sa Eden ang nasasangkot. Mil-


yun-milyong anghel ang nagmamasid. (Job 38:7; Daniel 7:10)
Ang paraan ng pagharap ni Jehova sa rebelyon ay lubhang
makaaapekto sa lahat ng anghel na iyon at sa bandang huli sa la-
hat ng matatalinong nilalang. Kaya ano ang ginawa ni Jehova?
Pinahintulutan niya si Satanas na ipakita kung paano nito pama-
mahalaan ang sangkatauhan. Pinahintulutan din ng Diyos ang
mga tao na pamahalaan ang kanilang sarili sa ilalim ng patnubay
ni Satanas.
14 Alam ng guro sa ating ilustrasyon na mali ang rebelde at

ang mga estudyanteng kumampi rito. Ngunit alam din ng guro


na ang pagbibigay sa kanila ng pagkakataon upang subukang
patunayan ang kanilang punto ay magiging kapaki-pakinabang
sa buong klase. Kapag nabigo ang mga rebelde, makikita ng la-
hat ng matatapat na estudyante na tanging ang guro lamang ang
kuwalipikado para manguna sa klase. Mauunawaan nila kung
bakit pagkatapos nito ay aalisin ng guro sa kaniyang klase ang
mga rebelde. Sa katulad na paraan, alam ni Jehova na ang la-
hat ng tapat-pusong tao at anghel ay makikinabang kapag nakita
nilang nabigo si Satanas at ang kaniyang kapuwa mga rebelde
at na hindi kayang pamahalaan ng mga tao ang kanilang sarili.
Gaya ni Jeremias noong sinauna, malalaman nila ang napakaha-
lagang katotohanang ito: “Nalalaman kong lubos, O Jehova, na
ang lakad ng makalupang tao ay hindi sa kaniyang sarili. Hin-
di sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng kaniyang
hakbang.”—Jeremias 10:23.
14. Ano ang magiging kapakinabangan sa pasiya ni Jehova na pahintulutan ang
mga tao na pamahalaan ang kanilang sarili?
112 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

BAKIT KAYA NAPAKATAGAL?


15 Gayunman, bakit pinahintulutan ni Jehova na magpatuloy
ang pagdurusa nang napakatagal? At bakit hindi niya pinigi-
lang mangyari ang masasamang bagay? Buweno, isaalang-alang
ang dalawang bagay na hindi gagawin ng guro sa ating ilus-
trasyon. Una, hindi niya pipigilan ang rebeldeng estudyante na
iharap ang solusyon nito. Ikalawa, hindi tutulungan ng guro
ang rebelde na patunayan ang solusyon nito. Sa katulad na para-
an, isaalang-alang ang dalawang bagay na ipinasiya ni Jehova na
hindi niya gagawin. Una, hindi niya pinigilan ang pagsisikap ni
Satanas at ng mga pumanig dito na patunayang tama sila. Kaya
kailangang palipasin ang panahon. Sa loob ng libu-libong taon
ng kasaysayan ng tao, nasubukan na ng sangkatauhan ang lahat
ng anyo ng pamamahala sa sarili, o pamahalaan ng tao. Nakaga-
wa ng ilang pagsulong ang sangkatauhan sa siyensiya at sa iba
pang larangan, ngunit ang kawalang-katarungan, karalitaan, kri-
men, at digmaan ay lalo pang lumalala. Napatunayan na ngayon
na bigo ang pamamahala ng tao.
16 Ikalawa, hindi tinulungan ni Jehova si Satanas na pamahala-

an ang sanlibutang ito. Halimbawa, kung pinigilan ng Diyos ang


kakila-kilabot na mga krimen, hindi ba niya pinatutunayan, sa
diwa, na tama ang mga rebelde? Kung gagawin ito ng Diyos, hin-
di kaya maisip ng mga tao na marahil ay kaya nilang pamahalaan
ang kanilang sarili nang walang kapaha-pahamak na mga resul-
ta? Kung kikilos si Jehova sa gayong paraan, magiging kasabuwat
siya sa isang kasinungalingan. Gayunman, “imposibleng magsi-
nungaling ang Diyos.”—Hebreo 6:18.
17 Gayunman, paano na ang lahat ng pinsalang naidulot ng

matagal nang rebelyon laban sa Diyos? Dapat nating tandaan


na si Jehova ay makapangyarihan-sa-lahat. Kung gayon, kaya ni-
yang pawiin ang mga epekto ng pagdurusa ng tao, at iyan
nga ang gagawin niya. Gaya ng natutuhan na natin, maisasau-
15, 16. (a) Bakit pinahintulutan ni Jehova na magpatuloy ang pagdurusa nang
napakatagal? (b) Bakit hindi pinigilan ni Jehova ang mga bagay na gaya ng ka-
kila-kilabot na mga krimen?
17, 18. Ano ang gagawin ni Jehova sa lahat ng pinsalang idinulot ng pamama-
hala ng tao at ng impluwensiya ni Satanas?
Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa? 113

li sa dating kalagayan ang ating nasirang planeta kapag ginawa


nang Paraiso ang lupa. Aalisin ang mga epekto ng kasalanan sa
pamamagitan ng pananampalataya sa haing pantubos ni Jesus,
at papawiin ang mga epekto ng kamatayan sa pamamagitan ng
pagkabuhay-muli. Sa gayo’y gagamitin ng Diyos si Jesus “upang
sirain ang mga gawa ng Diyablo.” (1 Juan 3:8) Tutuparin ni Jeho-
va ang lahat ng ito sa tamang panahon. Nagagalak tayo na hindi
siya kumilos kaagad, sapagkat ang kaniyang pagtitiis ay nagbigay
sa atin ng pagkakataong matuto ng katotohanan at mapagling-
kuran siya. (2 Pedro 3:9, 10) Samantala, aktibong hinahanap ng
Diyos ang taimtim na mga mananamba at tinutulungan silang
batahin ang anumang pagdurusa na maaaring maranasan nila sa
maligalig na sanlibutang ito.—Juan 4:23; 1 Corinto 10:13.
18 Maaaring mag-isip ang ilan, Hindi kaya nahadlangan sana

ang lahat ng pagdurusang ito kung nilalang lamang ng Diyos


sina Adan at Eva sa paraang hindi sila makapagrerebelde? Para
masagot ang tanong na iyan, kailangan mong alalahanin ang
isang mahalagang regalo na ibinigay sa iyo ni Jehova.
PAANO MO GAGAMITIN ANG REGALO NG DIYOS?
19 Gaya ng binanggit sa Kabanata 5, nilalang ang mga tao
na may kalayaang magpasiya. Batid mo ba kung gaano kahala-
gang regalo iyan? Gumawa ang Diyos ng napakaraming hayop,
at ang mga ito ay pangunahin nang kumikilos da-
hil sa instinct o likas na paggawi. (Kawikaan 30:24)
Gumagawa ang tao ng mga robot na puwedeng
iprograma para sundin ang bawat utos. Matutu-
wa kaya tayo kung ganiyan ang pagkakagawa sa
atin ng Diyos? Tiyak na hindi. Natutuwa tayo
dahil may kalayaan tayong pumili kung anong
uri ng pagkatao ang gusto natin, kung anong
19. Anong mahalagang regalo ang
ibinigay sa atin ni Jehova, at bakit
natin dapat pahalagahan ito?

Tutulungan ka ng Diyos
na batahin ang pagdurusa
114 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

landasin sa buhay ang tatahakin natin, kung sino ang magiging


mga kaibigan natin, at iba pa. Nalulugod tayong magkaroon ng
antas ng kalayaan, at iyan ang gusto ng Diyos na tamasahin na-
tin.
20 Hindi natutuwa si Jehova kung napipilitan lamang tayong

maglingkod sa kaniya. (2 Corinto 9:7) Upang ilarawan: Ano ang


higit na magpapasaya sa isang magulang—ang pagsasabi ng isang
anak ng “Mahal ko po kayo” dahil inutusan siyang sabihin ito o
ang kusang pagsasabi niya nito mula sa puso? Kaya ang tanong
ay, Paano mo gagamitin ang kalayaang magpasiya na ibinigay ni
Jehova sa iyo? Maling-mali ang naging paggamit nina Satanas,
Adan, at Eva sa kanilang kalayaang magpasiya. Itinakwil nila ang
Diyos na Jehova. Ano naman kaya ang gagawin mo?
21 May pagkakataon kang gamitin ang kamangha-manghang

regalo na kalayaang magpasiya sa pinakamainam na paraan.


Maaari kang sumama sa milyun-milyong pumapanig kay Jeho-
va. Pinasasaya nila ang Diyos dahil aktibo silang nakikibahagi sa
pagpapatunay na si Satanas ay isang sinungaling at bigung-bigo
siya bilang tagapamahala. (Kawikaan 27:11) Magagawa mo rin
iyan kung pipiliin mo ang tamang landasin sa buhay. Ipaliliwa-
nag ito sa susunod na kabanata.
20, 21. Paano natin magagamit sa pinakamainam na paraan ang regalo na ka-
layaang magpasiya, at bakit natin gugustuhing gawin iyan?

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA


ˇ Hindi ang Diyos ang sanhi ng masasamang kala-
gayan sa daigdig.—Job 34:10.
ˇ Sa pagtawag sa Diyos na isang sinungaling at sa
pagsasabing nagkakait Siya ng mabuti sa Kaniyang
mga nasasakupan, kinuwestiyon ni Satanas ang
karapatang mamahala ni Jehova.—Genesis 3:2-5.
ˇ Gagamitin ni Jehova ang kaniyang Anak, ang
Tagapamahala ng Mesiyanikong Kaharian, upang
wakasan ang lahat ng pagdurusa ng tao at pawiin
ang mga epekto nito.—1 Juan 3:8.
KABANATA 12

Pamumuhay sa Paraang
Nakalulugod sa Diyos
Paano ka magiging kaibigan ng Diyos?
Paano ka nasasangkot sa hamon ni Satanas?
Anong paggawi ang hindi nakalulugod kay Jehova?
Paano ka makapamumuhay sa paraang
nakalulugod sa Diyos?

ANONG uri ng tao ang pipiliin mong maging kaibigan? Mala-


mang na gugustuhin mong makasama ang isa na kapareho mo
ng mga pananaw, hilig, at pamantayan. At marahil ay mapapala-
´
pıt ka sa isa na may magagandang katangian, gaya ng katapatan
at kabaitan.
2 Sa buong kasaysayan, pinili ng Diyos ang ilang tao para ma-

ging matatalik niyang kaibigan. Halimbawa, tinawag ni Jehova si


Abraham na kaniyang kaibigan. (Isaias 41:8; Santiago 2:23) Tinu-
koy ng Diyos si David na “isang lalaking kalugud-lugod sa aking
puso” dahil siya ang uri ng tao na iniibig ni Jehova. (Gawa 13:22)
At itinuring ni Jehova si propeta Daniel bilang isa na “lubhang ka-
lugud-lugod.”—Daniel 9:23.
3 Bakit sina Abraham, David, at Daniel ay itinuring ni Jehova na

kaniyang mga kaibigan? Buweno, sinabi niya kay Abraham: “Pi-


nakinggan mo ang aking tinig.” (Genesis 22:18) Kaya si Jehova ay
´
nagiging malapıt sa mga mapagpakumbabang gumagawa ng ka-
niyang hinihiling sa kanila. “Sundin ninyo ang aking tinig,” ang
sabi niya sa mga Israelita, “at ako ang magiging inyong Diyos, at
kayo mismo ang magiging aking bayan.” (Jeremias 7:23) Kung su-
sundin mo si Jehova, magiging kaibigan ka rin niya!
1, 2. Magbigay ng ilang halimbawa ng mga taong itinuring ni Jehova bilang
kaniyang matatalik na kaibigan.
3. Bakit pinipili ni Jehova ang ilang tao para maging kaibigan niya?
116 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

PINALALAKAS NI JEHOVA ANG KANIYANG MGA KAIBIGAN


4 Pag-isipan kung ano ang kahulugan ng pakikipagkaibigan sa

Diyos. Sinasabi ng Bibliya na humahanap si Jehova ng mga pag-


kakataon “upang ipakita ang kaniyang lakas alang-alang sa mga
may pusong sakdal sa kaniya.” (2 Cronica 16:9) Paano maipaki-
kita ni Jehova ang kaniyang lakas alang-alang sa iyo? Ang isang
paraan ay binanggit sa Awit 32:8, kung saan mababasa natin:
“Pagkakalooban kita,” ang sabi ni Jehova, “ng kaunawaan at tutu-
ruan kita hinggil sa daan na dapat mong lakaran. Magpapayo ako
habang ang aking mata ay nakatingin sa iyo.”
5 Isa nga itong nakaaantig-damdaming kapahayagan ng pag-

mamalasakit ni Jehova! Paglalaanan ka niya ng kinakailangang


patnubay at babantayan ka niya habang ikinakapit mo ito. Nais
ng Diyos na tulungan kang malampasan ang mga pagsubok.
(Awit 55:22) Kaya kung paglilingkuran mo si Jehova nang buong
puso, makapagtitiwala ka gaya ng salmista na nagsabi: “Lagi kong
inilalagay si Jehova sa harap ko. Sa dahilang siya ay nasa aking ka-
nan, hindi ako makikilos.” (Awit 16:8; 63:8) Oo, matutulungan ka
ni Jehova na mamuhay sa paraang nakalulugod sa kaniya. Ngunit
gaya ng alam mo, may kaaway ang Diyos na gustong humadlang
sa iyo sa paggawa mo nito.

ANG HAMON NI SATANAS


6 Ipinaliwanag sa Kabanata 11 ng aklat na ito kung pa-
ano hinamon ni Satanas na Diyablo ang soberanya ng Diyos.
Pinaratangan ni Satanas ang Diyos na isang sinungaling at ipina-
hiwatig na di-makatarungan si Jehova sa hindi pagpapahintulot
kina Adan at Eva na magpasiya para sa kanilang sarili kung ano
ang tama at kung ano ang mali. Pagkatapos magkasala nina Adan
at Eva at magsimulang mapuno ang lupa ng kanilang mga sup-
ling, kinuwestiyon ni Satanas ang motibo ng lahat ng tao. “Ang
mga tao ay naglilingkod sa Diyos hindi dahil mahal nila siya,”
ang paratang ni Satanas. “Kung bibigyan lamang ako ng pagka-
kataon, maitatalikod ko ang lahat laban sa Diyos.” Ipinakikita ng
4, 5. Paano ipinakikita ni Jehova ang kaniyang lakas alang-alang sa kaniyang
bayan?
6. Ano ang paratang ni Satanas hinggil sa mga tao?
Pamumuhay sa Paraang Nakalulugod sa Diyos 117

salaysay hinggil sa taong nagngangalang Job na ito ang palagay


ni Satanas. Sino ba si Job, at paano siya nasangkot sa hamon ni
Satanas?
7 Nabuhay si Job mga 3,600 taon na ang nakalilipas. Isa siyang

mabuting tao, dahil sinabi ni Jehova: “Walang sinumang tulad


niya sa lupa, isang lalaking walang kapintasan at matuwid, na
natatakot sa Diyos at lumilihis sa kasamaan.” (Job 1:8) Si Job ay
kalugud-lugod sa Diyos.
8 Kinuwestiyon ni Satanas ang motibo ni Job sa paglilingkod

sa Diyos. Sinabi ng Diyablo kay Jehova: “Hindi ka ba naglagay ng


bakod sa palibot [ni Job] at sa palibot ng kaniyang sambahayan
at sa palibot ng lahat ng kaniyang pag-aari sa buong paligid? Ang
gawa ng kaniyang mga kamay ay iyong pinagpala, at ang kani-
yang mga alagang hayop ay lumaganap sa lupa. Ngunit, upang
mapaiba naman, iunat mo ang iyong kamay, pakisuyo, at gala-
win mo ang lahat ng kaniyang pag-aari at tingnan mo kung
hindi ka niya susumpain nang mukhaan.”—Job 1:10, 11.
9 Kaya iginiit ni Satanas na naglilingkod si Job sa Diyos dahil

lamang sa nakukuha niyang pakinabang. Nagparatang din ang


Diyablo na kung susubukin si Job, tatalikuran nito ang Diyos.
Paano tumugon si Jehova sa hamon ni Satanas? Yamang nasa-
sangkot sa usapin ang motibo ni Job, pinahintulutan ni Jehova si
Satanas na subukin si Job. Sa ganitong paraan, maliwanag na ma-
kikita kung talagang iniibig ni Job ang Diyos o hindi.

SINUBOK SI JOB
10 Di-nagtagal at sinubok ni Satanas si Job sa iba’t ibang paraan.
Ang ilan sa mga hayupan ni Job ay ninakaw, at ang iba ay pinatay.
Ang karamihan sa kaniyang mga lingkod ay pinaslang. Nagdu-
lot ito ng paghihirap sa kabuhayan. Sumapit pa ang karagdagang
trahedya nang mamatay ang sampung anak ni Job dahil sa isang
bagyo. Subalit sa kabila ng kahila-hilakbot na mga pangyayaring
ito, “hindi nagkasala si Job ni nagpatungkol man sa Diyos ng anu-
mang di-wasto.”—Job 1:22.
7, 8. (a) Bakit namumukod-tangi si Job sa mga tao nang panahong iyon?
(b) Paano kinuwestiyon ni Satanas ang motibo ni Job?
9. Paano tumugon si Jehova sa hamon ni Satanas, at bakit?
10. Anong mga pagsubok ang sumapit kay Job, at paano siya tumugon?
Ginantimpalaan si Job dahil sa
kaniyang tapat na landasin
Pamumuhay sa Paraang Nakalulugod sa Diyos 119

11 Hindi sumuko si Satanas. Marahil ay naisip niya na bagaman


kayang batahin ni Job ang pagkawala ng kaniyang mga pag-aari,
mga lingkod, at mga anak, tatalikuran nito ang Diyos kapag nag-
kasakit ito. Pinahintulutan ni Jehova si Satanas na pasapitan si
Job ng isang nakapandidiri at makirot na sakit. Ngunit maging ito
man ay hindi naging dahilan upang mawalan ng pananampalata-
ya si Job sa Diyos. Sa halip, matatag niyang sinabi: “Hanggang sa
pumanaw ako ay hindi ko aalisin sa akin ang aking katapatan!”
—Job 27:5.
12 Hindi alam ni Job na si Satanas ang sanhi ng kaniyang mga

suliranin. Palibhasa’y hindi niya alam ang mga detalye hinggil


sa hamon ng Diyablo sa soberanya ni Jehova, nangamba si Job
na ang Diyos ang dahilan ng kaniyang mga problema. (Job 6:4;
16:11-14) Gayunman, nanatili siyang tapat kay Jehova. At ang
pag-aangkin ni Satanas na naglilingkod si Job sa Diyos dahil sa
makasariling mga dahilan ay napatunayang kasinungalingan sa
pamamagitan ng tapat na landasin ni Job!
13 Ang katapatan ni Job ay naglaan kay Jehova ng isang mapu-

wersang sagot sa mapang-insultong hamon ni Satanas. Si Job ay


talagang kaibigan ni Jehova, at ginantimpalaan siya ng Diyos da-
hil sa kaniyang tapat na landasin.—Job 42:12-17.
KUNG PAANO KA NASASANGKOT
14Ang usaping ibinangon ni Satanas hinggil sa katapatan sa
Diyos ay hindi lamang nakatuon kay Job. Nasasangkot ka rin. Ma-
liwanag na ipinakikita ito sa Kawikaan 27:11, kung saan sinasabi
ng Salita ni Jehova: “Magpakarunong ka, anak ko, at pasayahin
mo ang aking puso, upang masagot ko siya na tumutuya sa akin.”
Ipinakikita ng mga salitang ito, na isinulat daan-daang taon na
ang nakalipas pagkamatay ni Job, na tinutuya pa rin ni Satanas
ang Diyos at inaakusahan ang Kaniyang mga lingkod. Kapag na-
mumuhay tayo sa paraang nakalulugod kay Jehova, sa katunayan
11. (a) Ano ang ikalawang akusasyon ni Satanas hinggil kay Job, at paano tu-
mugon si Jehova? (b) Paano tumugon si Job nang dapuan siya ng makirot na
sakit?
12. Paano sinagot ni Job ang hamon ng Diyablo?
13. Ano ang nangyari dahil tapat si Job sa Diyos?
14, 15. Bakit natin masasabi na ang hamon ni Satanas may kaugnayan kay Job
ay kumakapit sa lahat ng tao?
120 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ay tumutulong tayo sa pagsagot sa huwad na mga paratang ni Sa-


tanas, at sa gayo’y napasasaya natin ang puso ng Diyos. Ano ang
nadarama mo hinggil sa bagay na iyan? Hindi ba napakainam na
magkaroon ng bahagi sa pagsagot sa may-kasinungalingang mga
pag-aangkin ng Diyablo, kahit na nangangahulugan ito ng pagga-
wa ng ilang pagbabago sa iyong buhay?
15 Pansinin na sinabi ni Satanas: “Lahat ng pag-aari ng isang tao

ay ibibigay niya alang-alang sa kaniyang kaluluwa.” (Job 2:4) Sa


pagsasabing “isang tao,” niliwanag ni Satanas na ang kaniyang
paratang ay kapit hindi lamang kay Job kundi sa lahat ng tao. Na-
pakahalagang punto iyan. Kinukuwestiyon ni Satanas ang iyong
katapatan sa Diyos. Kapag nagkaroon ng mga problema, gustong
makita ng Diyablo na sumuway ka sa Diyos at iwan mo ang ma-
tuwid na landasin. Paano kaya ito maaaring gawin ni Satanas?
16 Gaya ng tinalakay sa Kabanata 10, gumagamit si Satanas ng

iba’t ibang pamamaraan sa pagsisikap na italikod ang mga tao


sa Diyos. Sa isang banda, sumasalakay siya “tulad ng isang leong
umuungal, na naghahanap ng masisila.” (1 Pedro 5:8) Kaya ma-
aaring makita ang impluwensiya ni Satanas kapag sinasalansang
ng mga kaibigan, kamag-anak, o ng iba pa ang iyong pagsisikap
na mag-aral ng Bibliya at magkapit ng iyong mga natututuhan.1
(Juan 15:19, 20) Sa kabilang panig naman, si Satanas ay “laging
nag-aanyong isang anghel ng liwanag.” (2 Corinto 11:14) Maaa-
ring gumamit ang Diyablo ng tusong mga paraan upang iligaw
ka at akayin palayo sa makadiyos na paraan ng pamumuhay. Ma-
aari rin niyang gamitin ang pagkasira ng loob, anupat marahil ay
ipadama sa iyo na hindi mo mapaluluguran ang Diyos kahit ka-
ilan. (Kawikaan 24:10) Si Satanas man ay kumikilos na gaya ng
“isang leong umuungal” o nagkukunwang “isang anghel ng li-
wanag,” hindi nagbabago ang kaniyang hamon: Sinasabi niyang
1 Hindi naman ito nangangahulugang tuwirang kinokontrol ni Satanas ang
mga sumasalansang sa iyo. Ngunit si Satanas ang diyos ng sistemang ito ng mga
bagay, at ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan niya. (2 Corinto 4:4;
1 Juan 5:19) Kaya makaaasa tayo na ang pamumuhay sa makadiyos na paraan
ay magiging isang di-popular na landasin, at sasalansangin ka ng ilan.

16. (a) Sa anu-anong pamamaraan sinisikap ni Satanas na italikod ang mga tao
sa Diyos? (b) Paano maaaring gamitin ng Diyablo ang mga pamamaraang ito
laban sa iyo?
Pamumuhay sa Paraang Nakalulugod sa Diyos 121

kapag napaharap ka sa mga pagsubok o mga tukso, hihinto ka


na sa paglilingkod sa Diyos. Paano mo masasagot ang kaniyang
hamon at mapatutunayan ang iyong katapatan sa Diyos, gaya ng
ginawa ni Job?
PAGSUNOD SA MGA UTOS NI JEHOVA
17 Masasagot mo ang hamon ni Satanas kung mamumuhay ka
sa paraang nakalulugod sa Diyos. Ano ba ang kasangkot dito? Ga-
nito ang sagot ng Bibliya: “Iibigin mo si Jehova na iyong
Diyos nang iyong buong puso at nang iyong buong kaluluwa at
nang iyong buong lakas.” (Deuteronomio 6:5) Habang sumisid-
hi ang iyong pag-ibig sa Diyos, sisidhi rin ang iyong hangaring
gawin ang hinihiling niya sa iyo. “Ito ang kahulugan ng pag-ibig
sa Diyos,” ang isinulat ni apostol Juan, “na tuparin natin ang ka-
niyang mga utos.” Kung iniibig mo si Jehova nang iyong buong
puso, masusumpungan mo na “ang kaniyang mga utos ay hindi
pabigat.”—1 Juan 5:3.
18 Ano ba ang mga utos ni Jehova? Ang ilan sa mga ito ay

nagsasangkot sa mga paggawing kailangan nating iwasan. Ha-


limbawa, pansinin ang kahon sa pahina 122, na pinamagatang
“Iwasan ang mga Kinapopootan ni Jehova.” Masusumpungan
mong nakalista roon ang mga paggawing maliwanag na hina-
hatulan ng Bibliya. Sa unang tingin, ang ilang gawaing nakatala
ˆ
roon ay waring hindi naman ganoon kasama. Ngunit kapag bi-
nulay-bulay mo na ang binanggit na mga kasulatan, malamang
na makikita mo ang karunungan ng mga kautusan ni Jeho-
va. Ang paggawa mo ng mga pagbabago sa iyong paggawi
ang maaaring maging pinakamalaking hamon na mapapaha-
rap sa iyo kailanman. Gayunman, ang pamumuhay sa paraang
nakalulugod sa Diyos ay nagdudulot ng malaking kasiyahan at
kaligayahan. (Isaias 48:17, 18) At ito ay isang bagay na kaya mong
abutin. Paano natin nalaman iyan?
19 Hindi kailanman humihiling si Jehova nang higit sa ma-

kakaya natin. (Deuteronomio 30:11-14) Mas alam niya kaysa sa


17. Ano ang pangunahing dahilan sa pagsunod sa mga utos ni Jehova?
18, 19. (a) Ano ang ilan sa mga utos ni Jehova? (Tingnan ang kahon sa pahi-
na 122.) (b) Paano natin nalaman na hindi naman labis-labis ang hinihiling ng
Diyos sa atin?
122 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

atin ang ating potensiyal at mga limitasyon. (Awit 103:14) Bu-


kod diyan, mabibigyan tayo ni Jehova ng lakas para sundin siya.
Sumulat si apostol Pablo: “Ang Diyos ay tapat, at hindi niya
hahayaang tuksuhin kayo nang higit sa matitiis ninyo, kundi ka-
lakip ng tukso ay gagawa rin siya ng daang malalabasan upang
mabata ninyo iyon.” (1 Corinto 10:13) Upang matulungan kang
magbata, mapaglalaanan ka pa nga ni Jehova ng “lakas na higit
sa karaniwan.” (2 Corinto 4:7) Pagkatapos batahin ang maraming
pagsubok, masasabi ni Pablo: “Sa lahat ng bagay ay may lakas ako
dahil sa kaniya na nagbibigay ng kapangyarihan sa akin.”—Filipos
4:13.

IWASAN ANG MGA KINAPOPOOTAN NI JEHOVA


Pagpatay.—Exodo 20:13; 21: Karahasan.—Awit 11:5;
22, 23. Kawikaan 22:24, 25; Malakias 2:16;
Seksuwal na imoralidad. Galacia 5:20, 21.
—Levitico 20:10, 13, 15, 16; Masamang pananalita.
Roma 1:24, 26, 27, 32; —Levitico 19:16; Efeso 5:4;
1 Corinto 6:9, 10. Colosas 3:8.
Espiritismo.—Deuteronomio 18: Maling paggamit ng dugo.
9-13; 1 Corinto 10:21, 22; —Genesis 9:4; Gawa 15:
Galacia 5:20, 21. 20, 28, 29.
Idolatriya. Hindi paglalaan sa pamilya.
—1 Corinto 10:14.
—1 Timoteo 5:8.
Paglalasing.
Pakikibahagi sa mga
—1 Corinto 5:11.
digmaan o sa mga usaping
Pagnanakaw.—Levitico 6:2, 4; pulitikal ng sanlibutang ito.
Efeso 4:28. —Isaias 2:4; Juan 6:15; 17:16.
Pagsisinungaling. Paggamit ng tabako o
—Kawikaan 6:16, 19; Colosas 3:9; ng tinatawag na drogang
Apocalipsis 22:15.
panlibangan.—Marcos 15:23;
Kasakiman.—1 Corinto 5:11. 2 Corinto 7:1.
Pamumuhay sa Paraang Nakalulugod sa Diyos 123

PAGLINANG NG MAKADIYOS NA MGA KATANGIAN


20Siyempre pa, ang pagpapalugod kay Jehova ay nagsasangkot
ng higit pa kaysa sa basta pag-iwas sa mga bagay na kinapopoo-
tan niya. Kailangan mo ring ibigin ang iniibig niya. (Roma 12:9)
´
Hindi ka ba napapalapıt sa mga indibiduwal na kapareho mo ng
mga pananaw, hilig, at pamantayan? Ganiyan din si Jehova. Kaya
pag-aralan mong ibigin ang mga bagay na gustung-gusto ni Jehova.
Ang ilan sa mga ito ay inilalarawan sa Awit 15:1-5, kung saan maba-
basa natin ang tungkol sa mga itinuturing ng Diyos na kaniyang
20. Anong makadiyos na mga katangian ang dapat mong linangin, at bakit ma-
halaga ang mga ito?
124 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

mga kaibigan. Ipinakikita ng mga kaibigan ni Jehova ang tinata-


wag ng Bibliya na “mga bunga ng espiritu.” Kabilang dito ang mga
katangiang gaya ng “pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, mahabang
pagtitiis, kabaitan, kabutihan, pananampalataya, kahinahunan,
pagpipigil sa sarili.”—Galacia 5:22, 23.
21 Ang regular na pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya ay tutulong

sa iyo na malinang ang makadiyos na mga katangian. At ang pag-


kaalam naman sa mga hinihiling ng Diyos ay tutulong sa iyo na
maiayon ang iyong mga kaisipan sa pag-iisip ng Diyos. (Isaias 30:20,
21) Habang pinasisidhi mo ang iyong pag-ibig kay Jehova, sisidhi
rin ang iyong hangaring mabuhay sa paraang nakalulugod sa Diyos.
22 Kailangan ang pagsisikap para makapamuhay sa paraang

nakalulugod kay Jehova. Ang iyong pagbabago sa buhay ay ini-


hahalintulad ng Bibliya sa paghuhubad mo ng iyong lumang
personalidad at pagsusuot ng bagong personalidad. (Colosas 3:
9, 10) Ngunit hinggil sa mga utos ni Jehova, ganito ang isinulat
ng salmista: “Sa pag-iingat ng mga iyon ay may malaking gantim-
pala.” (Awit 19:11) Masusumpungan mo rin na ang pamumuhay
sa paraang nakalulugod sa Diyos ay lubhang kapaki-pakinabang. Sa
paggawa nito, masasagot mo ang hamon ni Satanas at mapasasaya
mo ang puso ni Jehova!
21. Ano ang tutulong sa iyo na malinang ang makadiyos na mga katangian?
22. Ano ang maisasakatuparan mo kung mamumuhay ka sa paraang nakalulu-
god sa Diyos?

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA


ˇ Maaari kang maging kaibigan ng Diyos sa pama-
magitan ng pagsunod sa kaniya.—Santiago 2:23.
ˇ Hinamon ni Satanas ang katapatan ng lahat ng
tao.—Job 1:8, 10, 11; 2:4; Kawikaan 27:11.
ˇ Dapat nating iwasan ang mga gawaing hindi na-
kalulugod sa Diyos.—1 Corinto 6:9, 10.
ˇ Mapalulugdan natin si Jehova kung kapopootan
natin ang kinapopootan niya at iibigin ang inii-
big niya.—Roma 12:9.
KABANATA 13

Ang Makadiyos na
Pangmalas sa Buhay
Ano ang pangmalas ng Diyos sa buhay?
Ano ang pangmalas ng Diyos sa aborsiyon?
Paano natin ipinakikita ang paggalang sa buhay?

“SI Jehova ay totoo ngang Diyos,” ang sabi ni propeta Jeremias.


´
“Siya ang Diyos na buhay.” (Jeremias 10:10) Bukod diyan, ang
Diyos na Jehova ang Maylalang ng lahat ng bagay na may buhay.
Ganito ang sabi ng makalangit na mga nilalang hinggil sa kaniya:
“Nilalang mo ang lahat ng bagay, at dahil sa iyong kalooban ay
umiral sila at nalalang.” (Apocalipsis 4:11) Sa isang awit ng papuri
sa Diyos, sinabi ni Haring David: “Nasa iyo ang bukal ng buhay.”
(Awit 36:9) Kung gayon, ang buhay ay isang regalo mula sa Diyos.
2 Si Jehova rin ang tumutustos sa ating buhay. (Gawa 17:28) Ini-

lalaan niya ang pagkain na kinakain natin, ang tubig na iniinom


natin, ang hangin na nilalanghap natin, at ang lupa na tinitirhan
natin. (Gawa 14:15-17) Ginawa ito ni Jehova sa paraang makapag-
dudulot ng kasiyahan sa buhay. Ngunit upang masiyahan nang
lubusan sa buhay, kailangan nating matutuhan ang mga kautusan
ng Diyos at sundin ang mga ito.—Isaias 48:17, 18.

PAGPAPAKITA NG PAGGALANG SA BUHAY


3 Nais ng Diyos na igalang natin ang buhay—ang sa atin at sa
´ ´
iba. Halimbawa, noong panahon nina Adan at Eva, galıt na galıt
ang kanilang anak na si Cain sa kaniyang nakababatang kapatid
na si Abel. Binabalaan ni Jehova si Cain na ang kaniyang galit ay
maaaring umakay sa malubhang pagkakasala. Ipinagwalang-baha-
la ni Cain ang babalang iyon. ‘Dinaluhong niya si Abel na
kaniyang kapatid at pinatay niya ito.’ (Genesis 4:3-8) Pinarusahan
1. Sino ang lumalang ng lahat ng bagay na may buhay?
2. Ano ang ginagawa ng Diyos upang tustusan ang ating buhay?
3. Ano ang pangmalas ng Diyos sa pagpaslang kay Abel?
IPINAKIKITA NATIN ANG PAGGALANG SA BUHAY

ˇ sa pamamagitan ng hindi
pagkitil sa buhay ng isang
di-pa-naisisilang na sanggol

ˇ sa pamamagitan
ng pagtigil sa
maruruming bisyo

ˇ sa pamamagitan
ng lubusang
pag-aalis sa
ating puso ng
anumang poot
sa ating kapuwa
Ang Makadiyos na Pangmalas sa Buhay 127

ni Jehova si Cain dahil sa pagpaslang nito sa kaniyang kapatid.


—Genesis 4:9-11.
4 Makalipas ang libu-libong taon, binigyan ni Jehova ng mga

kautusan ang bayan ng Israel upang tulungan silang paglingkuran


siya sa kaayaayang paraan. Dahil ibinigay ang mga kautusang ito
sa pamamagitan ni propeta Moises, tinatawag kung minsan ang
mga ito na Kautusang Mosaiko. Ganito ang sabi ng bahagi ng Ka-
utusang Mosaiko: “Huwag kang papaslang.” (Deuteronomio 5:17)
Ipinakita nito sa mga Israelita na pinahahalagahan ng Diyos ang
buhay ng tao at na dapat pahalagahan ng mga tao ang buhay ng
iba.
5 Kumusta naman ang buhay ng isang di-pa-naisisilang na sang-

gol? Buweno, ayon sa Kautusang Mosaiko, ang maging sanhi ng


kamatayan ng isang sanggol na nasa sinapupunan ng kaniyang
ina ay isang pagkakasala. Oo, maging ang gayong buhay ay maha-
laga kay Jehova. (Exodo 21:22, 23; Awit 127:3) Nangangahulugan
ito na mali ang aborsiyon.
6 Kalakip sa paggalang sa buhay ang pagkakaroon ng tamang

pangmalas sa ating kapuwa. Sinasabi ng Bibliya: “Ang bawat isa na


napopoot sa kaniyang kapatid ay mamamatay-tao, at alam ninyo
na walang mamamatay-tao ang may buhay na walang hanggan na
nananatili sa kaniya.” (1 Juan 3:15) Kung nais natin ng buhay na
walang hanggan, kailangan nating lubusang alisin sa ating puso
ang anumang poot sa ating kapuwa, dahil ang poot ang ugat ng
karamihan sa mga karahasan. (1 Juan 3:11, 12) Napakahalaga na
matutuhan nating ibigin ang isa’t isa.
7 Kumusta naman ang pagpapakita ng paggalang sa atin mis-

mong buhay? Karaniwan nang ayaw mamatay ng mga tao, ngunit


isinasapanganib ng ilan ang kanilang buhay alang-alang sa kalu-
guran. Halimbawa, marami ang gumagamit ng tabako, nganga,
o droga bilang libangan. Ang gayong mga substansiya ay naka-
pipinsala sa katawan at kadalasang pumapatay sa mga gumagamit
nito. Hindi itinuturing ng isang taong namihasa sa paggamit ng
4. Sa Kautusang Mosaiko, paano idiniin ng Diyos ang tamang pangmalas sa bu-
hay?
5. Ano ang dapat maging pangmalas natin sa aborsiyon?
6. Bakit hindi natin dapat kapootan ang ating kapuwa?
7. Ano ang ilang gawain na nagpapakita ng kawalang-galang sa buhay?
128 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

mga substansiyang ito na banal ang buhay. Ang mga gawaing ito
ay marumi sa paningin ng Diyos. (Roma 6:19; 12:1; 2 Corinto
7:1) Upang mapaglingkuran ang Diyos sa kaayaayang paraan, kai-
langan nating itigil ang gayong mga gawain. Bagaman maaaring
napakahirap gawin ito, mabibigyan tayo ni Jehova ng kinakaila-
ngang tulong. At pinahahalagahan niya ang ginagawa nating
pagsisikap na ituring ang ating buhay bilang isang mahalagang re-
galo mula sa kaniya.
8 Kung may paggalang tayo sa buhay, palagi tayong magiging

palaisip sa kaligtasan. Hindi tayo magiging pabaya at hindi tayo


makikipagsapalaran para lamang sa kaluguran o katuwaan. Iiwa-
san natin ang walang-ingat na pagmamaneho at ang marahas o
mapanganib na mga isport. (Awit 11:5) Ganito ang sinabi ng kau-
tusan ng Diyos sa sinaunang Israel: “Kung magtatayo ka ng isang
bagong bahay [na may patag na bubong], gagawa ka rin ng isang
halang [o, mababang pader] para sa iyong bubong, upang hin-
di ka makapaglagay ng pagkakasala sa dugo sa iyong bahay dahil
baka may sinumang mahulog at mula roon siya mahulog.” (Deu-
teronomio 22:8) Kaayon ng simulaing itinakda sa kautusang iyan,
panatilihing ligtas ang mga dako sa inyong tahanan gaya ng mga
hagdanan para walang matalisod, mahulog, at lubhang masaktan.
Kung may sasakyan ka, tiyakin mong ligtas itong gamitin. Huwag
hayaang maging panganib sa iyo at sa iba ang iyong tahanan o ang
iyong sasakyan.
9 Kumusta naman ang buhay ng isang hayop? Banal din iyan

sa Maylalang. Pinahihintulutan ng Diyos ang pagpatay sa mga


hayop para makakuha ng pagkain at pananamit o para ipagsang-
galang ang mga tao mula sa panganib. (Genesis 3:21; 9:3; Exodo
21:28) Gayunman, ang pagiging malupit sa mga hayop o pagpatay
sa mga ito dahil lamang sa isport ay mali at pagpapakita ng ganap
na pagwawalang-bahala sa kabanalan ng buhay.—Kawikaan 12:10.
PAGPAPAKITA NG PAGGALANG SA DUGO
10Matapos patayin ni Cain ang kaniyang kapatid na si Abel,
sinabi ni Jehova kay Cain: “Ang dugo ng iyong kapatid ay sumi-
8. Bakit dapat tayong maging palaisip sa kaligtasan?
9. Kung may paggalang tayo sa buhay, paano natin tatratuhin ang mga hayop?
10. Paano ipinakita ng Diyos na magkaugnay ang buhay at ang dugo?
Ang Makadiyos na Pangmalas sa Buhay 129

sigaw sa akin mula sa lupa.” (Genesis 4:10) Nang banggitin ng


Diyos ang dugo ni Abel, ang tinutukoy niya ay ang buhay ni Abel.
Kinitil ni Cain ang buhay ni Abel, at ngayon ay kailangang paru-
sahan si Cain. Para bang ang dugo, o buhay, ni Abel ay humihingi
ng katarungan kay Jehova. Ang kaugnayan ng buhay at dugo ay
muling ipinakita pagkatapos ng Baha noong panahon ni Noe.
Bago ang Baha, mga prutas, gulay, butil, at mga nuwes lamang
ang kinakain ng mga tao. Pagkatapos ng Baha, sinabi ni Jehova
kay Noe at sa kaniyang mga anak: “Bawat gumagalang hayop na
´
buhay ay magiging pagkain para sa inyo. Gaya ng luntiang pana-
nim, ibinibigay kong lahat iyon sa inyo.” Gayunman, ibinigay ng
Diyos ang pagbabawal na ito: “Tanging ang laman na kasama ang
kaluluwa nito [o, buhay]—ang dugo nito—ang huwag ninyong ka-
kainin.” (Genesis 1:29; 9:3, 4) Maliwanag na para kay Jehova, may
malapit na kaugnayan ang buhay at ang dugo ng isang nilalang.
11 Ipinakikita natin ang paggalang sa dugo sa pamamagitan ng

hindi pagkain dito. Sa Kautusan na ibinigay ni Jehova sa mga Is-


raelita, iniutos niya: “Kung tungkol sa sinumang tao . . . na sa
pangangaso ay makahuli ng isang mailap na hayop o ng isang
ibon na makakain, ibubuhos nga niya ang dugo niyaon at ta-
takpan niya iyon ng alabok. . . . Sinabi ko sa mga anak ni Israel:
‘Huwag ninyong kakainin ang dugo ng anumang uri ng laman.’ ”
(Levitico 17:13, 14) Ang utos ng Diyos na huwag kumain ng dugo
ng hayop, na unang ibinigay kay Noe mga 800 taon bago nito, ay
may bisa pa rin. Maliwanag ang pangmalas ni Jehova: Puwedeng
kainin ng kaniyang mga lingkod ang karne ng hayop pero hindi
ang dugo. Dapat nilang ibuhos ang dugo sa lupa—sa diwa ay ibi-
nabalik sa Diyos ang buhay ng nilalang.
12 Isang nakatutulad na utos ang itinakda sa mga Kristiyano.

Ang mga apostol at iba pang mga lalaki na inatasang ma-


nguna sa mga tagasunod ni Jesus noong unang siglo ay nagtipon
upang pagpasiyahan kung anong mga utos ang dapat sundin ng
lahat sa kongregasyong Kristiyano. Ito ang naging pasiya nila:
11. Anong paggamit ng dugo ang ipinagbabawal ng Diyos mula pa noong pa-
nahon ni Noe?
12. Anong utos hinggil sa dugo ang ibinigay noong unang siglo sa pamamagi-
tan ng banal na espiritu na kapit pa rin sa ngayon?
130 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

“Minagaling ng banal na espiritu at namin mismo na huwag


nang magdagdag ng higit pang pasanin sa inyo, maliban sa mga
bagay na ito na kinakailangan, na patuloy na umiwas sa mga
bagay na inihain sa mga idolo at sa dugo at sa mga bagay na bi-
nigti [hindi napatulo ang dugo] at sa pakikiapid.” (Gawa 15:28,
29; 21:25) Kaya dapat tayong ‘patuloy na umiwas sa dugo.’ Sa
paningin ng Diyos, ang paggawa natin niyan ay kasinghalaga ng
pag-iwas natin sa idolatriya at seksuwal na imoralidad.
13 Kasama ba ang pagpapasalin ng dugo sa utos na umiwas sa

dugo? Oo. Bilang paglalarawan: Ipagpalagay na sinabi sa iyo ng


doktor na umiwas ka sa mga inuming de-alkohol. Nangangahu-
lugan ba lamang iyan na hindi ka dapat uminom ng inuming
de-alkohol pero puwede kang magturok nito sa iyong mga ugat?
Siyempre hindi! Sa katulad na paraan, ang pag-iwas sa dugo ay
nangangahulugang hindi natin ito ipapasok sa ating katawan sa
anumang paraan. Kaya ang utos na umiwas sa dugo ay nanga-
ngahulugang hindi natin pahihintulutan ang sinuman na salinan
tayo ng dugo sa ating mga ugat.
14 Paano naman kung ang isang Kristiyano ay malubhang na-

pinsala o nangangailangan ng maselang operasyon? Ipagpalagay


na sinabi ng doktor na kailangan siyang salinan ng dugo dahil
kung hindi ay mamamatay siya. Siyempre, hindi gustong ma-
matay ng Kristiyano. Sa pagsisikap na ingatan ang mahalagang
regalo na buhay mula sa Diyos, tatanggapin niya ang ibang uri
ng paggamot na hindi nagsasangkot ng maling paggamit sa dugo.
Kaya, sisikapin niyang magpagamot sa gayong paraan hangga’t
maaari at tatanggapin niya ang mga alternatibo sa dugo.
15 Lalabagin ba ng isang Kristiyano ang kautusan ng Diyos

para lamang pahabain nang kaunti ang kaniyang buhay sa


sistemang ito ng mga bagay? Sinabi ni Jesus: “Ang sinu-
mang nagnanais magligtas ng kaniyang kaluluwa [o, buhay]
ay mawawalan nito; ngunit ang sinumang mawalan ng kaniyang
kaluluwa alang-alang sa akin ay makasusumpong nito.” (Ma-
13. Ilarawan kung bakit kasama sa utos na umiwas sa dugo ang pagpapasalin
ng dugo.
14, 15. Kung sasabihin ng mga doktor na kailangang magpasalin ng dugo ang
isang Kristiyano, paano siya tutugon, at bakit?
Ang Makadiyos na Pangmalas sa Buhay

teo 16:25) Ayaw nating mamatay. Ngunit


kung lalabagin natin ang kautusan ng
Diyos sa pagsisikap na iligtas ang ating
kasalukuyang buhay, nanganganib na ma-
iwala natin ang ating pag-asa na buhay
na walang hanggan. Kung gayon, isang
katalinuhan na magtiwala sa pagiging
tama ng kautusan ng Diyos, anupat lu-
busang nananalig na mamatay man tayo
sa anumang dahilan, aalalahanin tayo ng
ating Tagapagbigay-Buhay sa pagkabuhay-
muli at isasauli sa atin ang mahalagang
regalo na buhay.—Juan 5:28, 29; Hebreo
11:6.
16 Sa ngayon, matatag na kapasiyahan

ng tapat na mga lingkod ng Diyos na


sundin ang kaniyang tagubilin hinggil sa
dugo. Hindi sila kakain nito sa anumang
anyo. Ni tatanggap man ng dugo dahil sa
medikal na mga kadahilanan.1 Nakatitiyak Kung sinabi sa iyo ng
sila na alam ng Maylalang ng dugo kung doktor na umiwas ka
ano ang pinakamabuti para sa kanila. Na- sa inuming de-alkohol,
niniwala ka bang alam niya kung ano ang ituturok mo ba ito sa
iyong mga ugat?
pinakamabuti para sa kaniyang mga ling-
kod?

ANG TANGING WASTONG PAGGAMIT SA DUGO


17 Idiniin ng Kautusang Mosaiko ang tanging wastong pagga-
mit sa dugo. Hinggil sa pagsambang hinihiling sa sinaunang mga
Israelita, iniutos ni Jehova: “Ang kaluluwa [o, buhay] ng laman ay
nasa dugo, at ako mismo ang naglagay niyaon sa ibabaw ng altar
1 Para sa impormasyon hinggil sa mga alternatibo sa pagsasalin ng dugo, ting-
nan ang pahina 13-17 ng brosyur na Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong
Buhay? na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

16. Ano ang matatag na kapasiyahan ng mga lingkod ng Diyos hinggil sa dugo?
17. Sa sinaunang Israel, ano ang tanging paggamit sa dugo na kaayaaya sa Diyos
na Jehova?
132 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

upang maipambayad-sala ninyo para sa inyong mga kaluluwa,


sapagkat ang dugo ang nagbabayad-sala.” (Levitico 17:11) Kapag
nagkakasala ang mga Israelita, makapagtatamo sila ng kapatawa-
ran sa pamamagitan ng paghahandog ng hayop at paglalagay ng
kaunting dugo nito sa altar sa tabernakulo o sa templo ng Diyos
nang maglaon. Ang gayong mga hain ang tanging wastong pag-
gamit sa dugo.
18 Ang mga tunay na Kristiyano ay wala sa ilalim ng Kautu-

sang Mosaiko at sa gayo’y hindi naghahandog ng mga haing


hayop at hindi naglalagay ng dugo ng hayop sa altar. (Hebreo
10:1) Gayunman, ang paggamit ng dugo sa altar noong pana-
hon ng sinaunang Israel ay lumalarawan sa mahalagang hain ng
Anak ng Diyos, si Jesu-Kristo. Gaya ng natutuhan natin sa Ka-
banata 5 ng aklat na ito, ibinigay ni Jesus ang kaniyang buhay
bilang tao para sa atin sa pamamagitan ng pagtitigis ng kani-
18. Anu-anong kapakinabangan at pagpapala ang matatamo natin sa pagtitigis
ng dugo ni Jesus?

Paano mo maipapakita ang paggalang sa buhay at dugo?


Ang Makadiyos na Pangmalas sa Buhay 133

yang dugo bilang hain. Pagkatapos ay umakyat siya sa langit


at iniharap sa Diyos nang minsanan ang halaga ng kaniyang
itinigis na dugo. (Hebreo 9:11, 12) Iyan ang naging saligan sa ka-
patawaran ng ating mga kasalanan at nagbukas ng daan upang
magtamo tayo ng buhay na walang hanggan. (Mateo 20:28;
Juan 3:16) Tunay ngang napakahalaga ng pagkakagamit sa du-
gong iyon! (1 Pedro 1:18, 19) Makapagtatamo tayo ng kaligtasan
tanging sa pamamagitan ng pananampalataya sa halaga ng itini-
gis na dugo ni Jesus.
19 Talaga ngang makapagpapasalamat tayo nang lubusan sa

Diyos na Jehova sa maibiging kaloob na buhay! At hindi ba


iyan ang dapat mag-udyok sa atin na sabihin sa iba ang tung-
kol sa pagkakataong magtamo ng buhay na walang hanggan salig
sa pananampalataya sa hain ni Jesus? Ang makadiyos na pagma-
malasakit sa buhay ng ating kapuwa ang magpapakilos sa atin na
gawin ito nang may pananabik at sigasig. (Ezekiel 3:17-21) Kung
masikap nating gaganapin ang pananagutang ito, masasabi na-
tin ang gaya ng nasabi ni apostol Pablo: “Ako ay malinis sa dugo
ng lahat ng tao, sapagkat hindi ko ipinagkait na sabihin sa inyo
ang lahat ng layunin ng Diyos.” (Gawa 20:26, 27) Ang pagsasabi
sa mga tao tungkol sa Diyos at sa kaniyang mga layunin ay isang
mainam na paraan upang ipakita na may matindi tayong pagga-
lang sa buhay at dugo.
19. Ano ang dapat nating gawin upang maging “malinis sa dugo ng lahat ng tao”?

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA


ˇ Ang buhay ay isang regalo mula sa Diyos.
—Awit 36:9; Apocalipsis 4:11.
ˇ Ang aborsiyon ay mali, yamang ang buhay
ng di-pa-naisisilang na sanggol ay mahalaga sa
paningin ng Diyos.—Exodo 21:22, 23; Awit 127:3.
ˇ Ipinakikita natin ang paggalang sa buhay sa pama-
magitan ng hindi pagsasapanganib nito at hindi
pagkain ng dugo.—Deuteronomio 5:17; Gawa 15:
28, 29.
KABANATA 14

Kung Paano Magiging Maligaya


ang Iyong Buhay Pampamilya
Ano ang kailangan upang maging mabuting
asawang lalaki?
Paano magtatagumpay ang isang babae bilang asawa?
Ano ang nasasangkot sa pagiging mahusay na magulang?
Paano makatutulong ang mga anak upang maging
maligaya ang buhay pampamilya?

NAIS ng Diyos na Jehova na maging maligaya ang iyong bu-


hay pampamilya. Ang kaniyang Salita, ang Bibliya, ay naglalaan
ng mga panuntunan para sa bawat miyembro ng pamilya, anupat
inilalarawan ang papel na nais ng Diyos na gampanan ng bawat
isa. Kapag ginagampanan ng mga miyembro ng pamilya ang kani-
kanilang papel alinsunod sa payo ng Diyos, talagang kasiya-siya
ang mga resulta. Sinabi ni Jesus: “Maligaya yaong mga nakikinig sa
salita ng Diyos at tumutupad nito!”—Lucas 11:28.
2 Ang kaligayahan ng pamilya ay pangunahin nang nakasalalay

sa pagkilala natin na ang pamilya ay nagmula kay Jehova, ang isa


na tinawag ni Jesus na “Ama [Natin].” (Mateo 6:9) Umiiral ang ba-
wat pamilya sa lupa dahil sa ating makalangit na Ama—at tiyak na
alam niya kung ano ang makapagpapaligaya sa mga pamilya. (Efe-
so 3:14, 15) Kaya, ano ba ang itinuturo ng Bibliya hinggil sa papel
ng bawat miyembro ng pamilya?

NAGMULA SA DIYOS ANG KAAYUSAN NG PAMILYA


3Nilalang ni Jehova ang unang mga tao, sina Adan at Eva, at
pinagsama sila bilang mag-asawa. Inilagay niya sila sa isang ma-
1. Ano ang susi sa maligayang buhay pampamilya?
2. Sa pagkilala natin sa ano nakasalalay ang kaligayahan ng pamilya?
3. Paano inilalarawan ng Bibliya ang pasimula ng pamilya ng tao, at bakit natin
alam na totoo ang sinasabi nito?
Kung Paano Magiging Maligaya ang Iyong Buhay Pampamilya 135

gandang paraisong tahanan dito sa lupa—ang hardin ng Eden—at


sinabi sa kanila na magluwal ng mga anak. “Magpalaanakin kayo
at magpakarami at punuin ninyo ang lupa,” ang sabi ni Jehova.
(Genesis 1:26-28; 2:18, 21-24) Hindi ito isang kuwento o alamat
lamang, sapagkat ipinakita ni Jesus na totoo ang sinasabi ng Ge-
nesis tungkol sa pasimula ng buhay pampamilya. (Mateo 19:4, 5)
Bagaman napapaharap tayo sa maraming problema at ang buhay
ngayon ay hindi kagaya ng nilayon ng Diyos, tingnan natin kung
bakit posible ang kaligayahan sa loob ng pamilya.
4 Makatutulong ang bawat miyembro ng pamilya upang maging

maligaya ang buhay pampamilya sa pamamagitan ng pagtulad sa


Diyos sa pagpapakita ng pag-ibig. (Efeso 5:1, 2) Subalit paano natin
matutularan ang Diyos yamang hindi naman natin siya nakikita?
Maaari nating malaman kung paano kumikilos si Jehova sapag-
kat isinugo niya sa lupa ang kaniyang panganay na Anak mula sa
langit. (Juan 1:14, 18) Noong siya ay nasa lupa, gayon na lamang
kahusay ang pagtulad ng Anak na ito, si Jesu-Kristo, sa kaniyang
makalangit na Ama anupat kapag nakita o narinig mo si Jesus, para
mo na ring nakasama at narinig si Jehova. (Juan 14:9) Kaya kung
pag-aaralan natin ang hinggil sa pag-ibig na ipinakita ni Jesus at
susundan ang kaniyang halimbawa, ang bawat isa sa atin ay maka-
tutulong upang maging mas maligaya ang buhay pampamilya.
ISANG HUWARAN PARA SA MGA ASAWANG LALAKI
5 Sinasabi ng Bibliya na dapat pakitunguhan ng mga asawang la-
laki ang kani-kanilang asawang babae katulad ng pakikitungo ni
Jesus sa kaniyang mga alagad. Isaalang-alang ang tagubiling ito ng
Bibliya: “Mga asawang lalaki, patuloy na ibigin ang inyu-inyong
asawang babae, kung paanong inibig din ng Kristo ang kongregasyon
at ibinigay ang kaniyang sarili ukol dito . . . Sa ganitong paraan
dapat ibigin ng mga asawang lalaki ang kani-kanilang asawang ba-
bae na gaya ng sa kanilang sariling mga katawan. Siya na umiibig
sa kaniyang asawang babae ay umiibig sa kaniyang sarili, sapagkat
walang taong napoot kailanman sa kaniyang sariling laman; kundi
4. (a) Paano makatutulong ang bawat miyembro ng pamilya upang maging mali-
gaya ang pamilya? (b) Bakit napakahalagang pag-aralan ang buhay ni Jesus upang
maging maligaya ang pamilya?
5, 6. (a) Paano nagsisilbing halimbawa para sa mga asawang lalaki ang paraan
ng pakikitungo ni Jesus sa kongregasyon? (b) Ano ang dapat gawin upang mata-
mo ang kapatawaran sa mga kasalanan?
136 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

pinakakain at inaaruga niya ito, gaya ng ginagawa rin ng Kristo sa


kongregasyon.”—Efeso 5:23, 25-29.
6 Ang pag-ibig ni Jesus para sa kaniyang kongregasyon ng mga

alagad ay nagsisilbing sakdal na halimbawa para sa mga asawang la-


laki. ‘Inibig sila ni Jesus hanggang sa wakas,’ anupat inihandog ang
kaniyang buhay para sa kanila, bagaman hindi sila sakdal. (Juan
13:1; 15:13) Sa katulad na paraan, hinihimok ang mga asawang la-
laki: “Patuloy na ibigin ang inyu-inyong asawang babae at huwag
kayong magalit sa kanila nang may kapaitan.” (Colosas 3:19) Ano
ang makatutulong sa asawang lalaki na ikapit ang gayong payo, lalo
na kung paminsan-minsan ay kumikilos ang kaniyang asawa nang
padalus-dalos? Dapat niyang alalahanin ang kaniyang sariling mga
pagkakamali at kung ano ang dapat niyang gawin upang matamo
niya ang kapatawaran ng Diyos. Ano nga ba ang dapat niyang ga-
win? Dapat niyang patawarin ang mga nagkakasala sa kaniya, at
kasama na riyan ang kaniyang asawa. Siyempre pa, ganoon din
naman ang dapat gawin ng asawang babae. (Mateo 6:12, 14, 15) Na-
kikita mo ba kung bakit sinasabi ng ilan na ang isang matagumpay
na pag-aasawa ay pagsasama ng dalawang mahusay magpatawad?
7 Dapat ding pansinin ng mga asawang lalaki na si Jesus ay

laging nagpapakita ng konsiderasyon sa kaniyang mga alagad. Isi-


naalang-alang niya ang kanilang mga limitasyon at pisikal na mga
pangangailangan. Halimbawa, nang mapagod sila, sinabi niya:
“Halikayo, kayo mismo, nang sarilinan sa isang liblib na dako at
magpahinga nang kaunti.” (Marcos 6:30-32) Karapat-dapat din ang
mga asawang babae sa maalalahaning konsiderasyon. Inilalarawan
sila ng Bibliya bilang “mas mahinang sisidlan” at ang mga asa-
wang lalaki ay inuutusan na pag-ukulan sila ng ‘karangalan.’ Bakit?
Sapagkat ang asawang lalaki at asawang babae ay parehong may ba-
hagi sa “di-sana-nararapat na biyaya ng buhay.” (1 Pedro 3:7) Dapat
tandaan ng mga asawang lalaki na nagiging mahalaga sa Diyos ang
isang tao, hindi dahil sa lalaki o babae siya, kundi dahil sa katapa-
tan ng isa.—Awit 101:6.
8 Sinasabi ng Bibliya na ang asawang lalaki “na umiibig sa kani-

7. Ano ang isinaalang-alang ni Jesus, na nagbibigay ng anong halimbawa para sa


mga asawang lalaki?
8. (a) Paanong ang asawang lalaki “na umiibig sa kaniyang asawang babae ay
umiibig sa kaniyang sarili”? (b) Ano ang kahulugan ng pagiging “isang laman”
para sa asawang lalaki at sa kaniyang asawa?
Kung Paano Magiging Maligaya ang Iyong Buhay Pampamilya 137

yang asawang babae ay umiibig sa kaniyang sarili.” Ito ay dahil sa


ang mag-asawa ay ‘hindi na dalawa, kundi isang laman,’ gaya ng
binanggit ni Jesus. (Mateo 19:6) Kaya ang kanilang seksuwal na in-
teres ay dapat na limitado lamang sa isa’t isa. (Kawikaan 5:15-21;
Hebreo 13:4) Magagawa nila ito kung magpapakita sila ng walang
pag-iimbot na pagmamalasakit sa mga pangangailangan ng isa’t
isa. (1 Corinto 7:3-5) Kapansin-pansin ang paalaalang ito: “Walang
taong napoot kailanman sa kaniyang sariling laman; kundi pinaka-
kain at inaaruga niya ito.” Kailangang ibigin ng mga asawang lalaki
ang kani-kanilang asawa gaya ng pag-ibig nila sa kanilang sarili, na
isinasaisip na magsusulit sila sa kanilang sariling ulo, si Jesu-Kristo.
—Efeso 5:29; 1 Corinto 11:3.
9 Binanggit ni apostol Pablo ang ‘magiliw na pagmamahal na

taglay ni Kristo Jesus.’ (Filipos 1:8) Ang pagiging magiliw ni Je-


sus ay isang nakagiginhawang katangian, isa na kinawiwilihan ng
mga babae na naging mga alagad niya. (Juan 20:1, 11-13, 16) At mi-
nimithi ng mga asawang babae ang magiliw na pagmamahal ng
kani-kanilang asawang lalaki.
ISANG HALIMBAWA PARA SA MGA ASAWANG BABAE
10 Ang pamilya ay isang organisasyon, at upang gumana nang
maayos, kailangan nito ang isang ulo. Kahit si Jesus ay may Isa na
pinagpapasakupan bilang kaniyang Ulo. “Ang ulo . . . ng Kristo ay
ang Diyos,” kung paanong “ang ulo naman ng babae ay ang la-
laki.” (1 Corinto 11:3) Ang pagpapasakop ni Jesus sa pagkaulo ng
Diyos ay isang mainam na halimbawa, yamang tayong lahat ay
may ulo na dapat nating pagpasakupan.
11 Nagkakamali ang di-sakdal na mga lalaki at madalas na hindi

nakaaabot sa pamantayan ng pagiging huwarang mga ulo ng pa-


milya. Kung gayon, ano ang dapat gawin ng asawang babae? Hindi
niya dapat maliitin ang ginagawa ng kaniyang asawa o sikaping
agawin ang pagkaulo nito. Makabubuting tandaan ng asawang ba-
bae na sa pangmalas ng Diyos, ang tahimik at mahinahong espiritu
ay napakahalaga. (1 Pedro 3:4) Sa pagpapakita ng gayong espiritu,
masusumpungan ng asawang babae na mas madaling magpakita
9. Anong katangian ni Jesus ang binanggit sa Filipos 1:8, at bakit dapat ipakita ng
mga asawang lalaki ang katangiang ito sa kani-kanilang asawa?
10. Paano nagpakita ng halimbawa si Jesus para sa mga asawang babae?
11. Ano ang dapat maging saloobin ng asawang babae sa kaniyang asawa, at ano
ang maaaring maging epekto ng kaniyang paggawi?
138 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ng makadiyos na pagpapasakop, maging sa ilalim ng mapanubok


na mga kalagayan. Karagdagan pa, sinasabi ng Bibliya: “Ang asa-
wang babae ay dapat na magkaroon ng matinding paggalang
sa kaniyang asawang lalaki.” (Efeso 5:33) Pero paano kung hindi
kinikilala ng asawang lalaki si Kristo bilang kaniyang Ulo? Hini-
himok ng Bibliya ang mga asawang babae: “Magpasakop kayo sa
inyu-inyong asawang lalaki, upang, kung ang sinuman ay hindi
masunurin sa salita, mawagi sila nang walang salita sa pamamagi-
tan ng paggawi ng kani-kanilang asawang babae, dahil sa pagiging
mga saksi sa inyong malinis na paggawi na may kalakip na matin-
ding paggalang.”—1 Pedro 3:1, 2.
12 Ang asawa man niya ay kapananampalataya o hindi, ang asa-

wang babae ay hindi naman nagpapakita ng kawalang-galang kung


mataktika siyang magpapahayag ng opinyon na naiiba sa opinyon
ng kaniyang asawa. Maaaring tama ang pangmalas ng asawang ba-
bae, at maaaring makinabang ang buong pamilya kung makikinig
ang asawang lalaki sa kaniya. Bagaman hindi sang-ayon si Abraham
nang irekomenda ng kaniyang asawang si Sara ang isang praktikal
na solusyon sa isang partikular na problema ng sambahayan, si-
nabi ng Diyos kay Abraham: “Pakinggan mo ang kaniyang tinig.”
(Genesis 21:9-12) Sabihin pa, kapag gumawa ng panghuling pasiya
ang asawang lalaki na hindi naman salungat sa kautusan ng Diyos,
ipinakikita ng asawang babae ang kaniyang pagpapasakop sa pama-
magitan ng pagsuporta rito.—Gawa 5:29; Efeso 5:24.
13 Sa pagtupad sa kaniyang papel, malaki ang magagawa ng

asawang babae sa pangangalaga sa pamilya. Halimbawa, ipinakiki-


ta ng Bibliya na dapat “ibigin [ng mga babaing may asawa] ang
kani-kanilang asawa, na ibigin ang kanilang mga anak, na maging
matino ang pag-iisip, malinis, mga manggagawa sa tahanan, mabu-
ti, nagpapasakop sa kani-kanilang asawa.” (Tito 2:4, 5) Ang asawang
babae at ina na gumagawi sa ganitong paraan ay magtatamo ng
namamalaging pag-ibig at paggalang ng kaniyang pamilya. (Kawi-
kaan 31:10, 28) Gayunman, yamang ang pag-aasawa ay pagsasama
ng di-sakdal na mga indibiduwal, ang ilang sukdulang kalagayan ay
maaaring humantong sa paghihiwalay o diborsiyo. Ipinahihintulot
ng Bibliya ang paghihiwalay sa ilalim ng ilang partikular na kalaga-
12. Bakit hindi mali para sa asawang babae na ipahayag ang kaniyang mga opin-
yon sa magalang na paraan?
13. (a) Ano ang hinihimok ng Tito 2:4, 5 na gawin ng mga babaing may asawa?
(b) Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa paghihiwalay at diborsiyo?
Anong mainam na halimbawa ang ipinakita ni Sara
sa mga asawang babae?

yan. Subalit ang paghihiwalay ay isang seryosong bagay, sapagkat


nagpapayo ang Bibliya: “Ang asawang babae ay hindi dapat humi-
walay sa kaniyang asawa; . . . at hindi dapat iwan ng asawang lalaki
ang kaniyang asawa.” (1 Corinto 7:10, 11) At tanging ang pakikia-
pid ng isa sa kanila ang maka-Kasulatang saligan para sa diborsiyo.
—Mateo 19:9.

ISANG SAKDAL NA HALIMBAWA PARA SA MGA MAGULANG


14 Nagpakita si Jesus ng sakdal na halimbawa para sa mga magu-

lang sa paraan ng pakikitungo niya sa mga bata. Nang sikapin ng


ilan na hadlangan ang maliliit na bata sa paglapit kay Jesus, sinabi
niya: “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata; huwag ninyo
silang tangkaing pigilan.” Sinasabi ng Bibliya na pagkatapos nito ay
“kinuha niya sa kaniyang mga bisig ang mga bata at pinasimulan
silang pagpalain, na ipinapatong sa kanila ang kaniyang mga ka-
may.” (Marcos 10:13-16) Yamang naglaan ng panahon si Jesus para
sa maliliit na bata, hindi ba’t gayundin ang dapat mong gawin para
sa iyong mga anak? Kailangan nila ang malaking panahon mo at
hindi ang tira-tira lamang. Kailangan mong maglaan ng panahon
para turuan sila, yamang iyan ang itinagubilin ni Jehova na dapat
gawin ng mga magulang.—Deuteronomio 6:4-9.
14. Paano pinakitunguhan ni Jesus ang mga bata, at ano ang kailangan ng mga
bata mula sa kanilang mga magulang?
140 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
ˆ
15 Habang lalong sumasama ang daigdig na ito, kailangan ng
mga anak ang mga magulang na magsasanggalang sa kanila mula
sa mga taong nagsisikap na saktan sila, gaya ng mga seksuwal
na nang-aabuso ng mga bata. Isaalang-alang kung paano ipinag-
sanggalang ni Jesus ang kaniyang mga alagad, na magiliw niyang
tinawag na “mumunting mga anak.” Nang siya ay arestuhin at ma-
lapit nang patayin, gumawa ng paraan si Jesus para makatakas sila.
(Juan 13:33; 18:7-9) Bilang magulang, kailangan mong maging
alisto sa mga pagtatangka ng Diyablo na pinsalain ang iyong ma-
liliit na anak. Kailangan mo silang bigyan ng patiunang babala.1
1 Masusumpungan ang tulong sa pagsasanggalang sa mga bata sa kabanata 32
ng aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

15. Ano ang magagawa ng mga magulang upang ipagsanggalang ang kanilang
mga anak?

Ano ang matututuhan ng mga magulang sa paraan


ng pakikitungo ni Jesus sa mga bata?
Kung Paano Magiging Maligaya ang Iyong Buhay Pampamilya 141

(1 Pedro 5:8) Nanganganib ang kanilang pisikal, espirituwal, at mo-


ral na kaligtasan higit kailanman.
16 Noong gabi bago mamatay si Jesus, nagtalo ang kaniyang mga

alagad kung sino sa kanila ang mas dakila. Sa halip na magalit sa


kanila, patuloy na namanhik sa kanila si Jesus sa maibiging paraan
sa pamamagitan ng salita at halimbawa. (Lucas 22:24-27; Juan 13:
3-8) Kung ikaw ay isang magulang, nakikita mo ba kung paano mo
matutularan ang halimbawa ni Jesus sa iyong paraan ng pagtutu-
wid sa iyong mga anak? Totoo, kailangan nila ang disiplina, ngunit
dapat itong gawin sa “wastong antas” at hindi kailanman sa galit.
Hindi mo gugustuhing magsalita nang padalus-dalos na “gaya ng
mga saksak ng tabak.” (Jeremias 30:11; Kawikaan 12:18) Ang disi-
plina ay dapat ilapat sa paraang makikita ng iyong anak sa dakong
huli na angkop ito.—Efeso 6:4; Hebreo 12:9-11.

ISANG HUWARAN PARA SA MGA BATA


17 May matututuhan ba ang mga bata kay Jesus? Oo! Sa pama-
magitan ng kaniyang sariling halimbawa, ipinakita ni Jesus kung
paano dapat sumunod ang mga anak sa kanilang mga magulang.
“Kung ano ang itinuro sa akin ng Ama,” ang sabi niya, “ito ang
. . . sinasalita ko.” Idinagdag pa niya: “Lagi kong ginagawa ang
mga bagay na kalugud-lugod sa kaniya.” (Juan 8:28, 29) Si Jesus ay
masunurin sa kaniyang makalangit na Ama, at sinasabi ng Bibliya
sa mga anak na sundin ang kanilang mga magulang. (Efeso 6:1-3)
Bagaman isang sakdal na bata si Jesus, sinunod niya ang kaniyang
mga magulang na tao, sina Jose at Maria, na mga di-sakdal. Tiyak
na nakapagdulot ito ng kaligayahan sa bawat miyembro ng pamil-
ya ni Jesus!—Lucas 2:4, 5, 51, 52.
18 Maaari bang humanap ng mga paraan ang mga anak upang

higit nilang matularan si Jesus at sa gayo’y mapaligaya ang kani-


lang mga magulang? Totoo, maaaring nahihirapan kung minsan
ang mga kabataan na sundin ang kanilang mga magulang, ngunit
16. Ano ang matututuhan ng mga magulang sa paraan ng pakikitungo ni Jesus sa
di-kasakdalan ng kaniyang mga alagad?
17. Sa anu-anong paraan nagpakita si Jesus ng sakdal na halimbawa para sa mga
bata?
18. Bakit laging sinusunod ni Jesus ang kaniyang makalangit na Ama, at sino
ang maligaya kapag sinusunod ng mga anak ang kanilang mga magulang sa nga-
yon?
142 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

iyan ang nais ng Diyos na gawin ng mga anak. (Kawikaan 1:8; 6:20)
Laging sinusunod ni Jesus ang kaniyang makalangit na Ama, ma-
ging sa ilalim ng mahihirap na kalagayan. Minsan, nang kalooban
ng Diyos na gawin ni Jesus ang isang bagay na talagang mahirap,
sinabi ni Jesus: “Alisin mo sa akin ang kopang ito [isang partikular
na kahilingan].” Magkagayunman, ginawa ni Jesus ang hiniling ng
Diyos, dahil naunawaan niya na alam ng kaniyang Ama kung ano
ang pinakamabuti para sa kaniya. (Lucas 22:42) Kapag natutong su-
munod ang mga anak, mapaliligaya nila nang husto ang kanilang
mga magulang at ang kanilang makalangit na Ama.1—Kawikaan
23:22-25.
19 Tinukso ng Diyablo si Jesus, at makatitiyak tayo na tutuksu-

hin din niya ang mga kabataan na gumawa ng mali. (Mateo 4:


1-10) Ginagamit ni Satanas na Diyablo ang panggigipit ng mga
kasamahan, na maaaring mahirap labanan. Kung gayon, napaka-
halaga nga na huwag makisama ang mga bata sa mga gumagawa
ng masama! (1 Corinto 15:33) Nakisama ang anak na babae
ni Jacob na si Dina sa mga hindi mananamba ni Jehova, at hu-
mantong ito sa maraming problema. (Genesis 34:1, 2) Isipin kung
paano maaaring masaktan ang pamilya kung ang isa sa mga mi-
yembro nito ay masangkot sa seksuwal na imoralidad!—Kawikaan
17:21, 25.
1 Ang tanging pagkakataon na ma-
aaring suwayin ng isang bata ang ka-
niyang mga magulang ay kung hihili-
ngin ng mga ito sa kaniya na labagin
ang kautusan ng Diyos.—Gawa 5:29.

19. (a) Paano tinutukso ni Satanas


ang mga bata? (b) Ano ang maaaring
maging epekto sa mga magulang ng
masamang paggawi ng mga anak?

Ano ang dapat isaisip


ng mga kabataan
kapag tinutukso sila?
Kung Paano Magiging Maligaya ang Iyong Buhay Pampamilya 143

ANG SUSI NG KALIGAYAHAN SA PAMILYA


20 Mas madaling harapin ang mga problema sa pamilya kapag
ikinakapit ang payo ng Bibliya. Sa katunayan, ang pagkakapit ng
gayong payo ang susi ng kaligayahan sa pamilya. Kaya mga asa-
wang lalaki, ibigin ninyo ang inyong asawa, at pakitunguhan siya
gaya ng pakikitungo ni Jesus sa kongregasyon. Mga asawang babae,
magpasakop sa pagkaulo ng inyong asawa, at tularan ang halimba-
wa ng may-kakayahang asawang babae na inilarawan sa Kawikaan
31:10-31. Mga magulang, sanayin ang inyong mga anak. (Kawika-
an 22:6) Mga ama, ‘mamuno kayo sa inyong sariling sambahayan
sa mahusay na paraan.’ (1 Timoteo 3:4, 5; 5:8) At mga anak, sun-
din ang inyong mga magulang. (Colosas 3:20) Walang sinuman sa
pamilya ang sakdal, dahil lahat ay nagkakamali. Kaya maging ma-
pagpakumbaba, anupat humihingi ng kapatawaran sa isa’t isa.
21 Tunay na naglalaman ang Bibliya ng saganang kapaki-pakina-

bang na payo at tagubilin hinggil sa buhay pampamilya. Bukod


diyan, itinuturo nito sa atin ang tungkol sa bagong sanlibutan ng
ˆ
Diyos at isang makalupang paraiso na puno ng maliligayang tao na
sumasamba kay Jehova. (Apocalipsis 21:3, 4) Talaga ngang kamang-
ha-manghang pag-asa ang naghihintay! Kahit ngayon, matatamasa
natin ang maligayang buhay pampamilya kung ating ikakapit ang
mga tagubilin ng Diyos na makikita sa kaniyang Salita, ang Bibliya.
20. Upang matamasa ang maligayang buhay pampamilya, ano ang dapat gawin
ng bawat miyembro ng pamilya?
21. Anong kamangha-manghang pag-asa ang naghihintay, at paano tayo maka-
pagtatamasa ng maligayang buhay pampamilya ngayon?

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA


ˇ Dapat ibigin ng mga asawang lalaki ang kani-kanilang
asawa gaya ng pag-ibig nila sa kanilang sariling katawan.
—Efeso 5:25-29.
ˇ Dapat ibigin ng mga asawang babae ang kanilang pamil-
ya at igalang ang kani-kanilang asawa.—Tito 2:4, 5.
ˇ Kailangang ibigin, turuan, at ipagsanggalang ng mga ma-
gulang ang kanilang mga anak.—Deuteronomio 6:4-9.
ˇ Kailangang sundin ng mga anak ang kanilang mga ma-
gulang.—Efeso 6:1-3.
KABANATA 15

Ang Pagsambang Sinasang-ayunan


ng Diyos
Kalugud-lugod ba sa Diyos ang lahat ng relihiyon?
Paano natin makikilala ang tunay na relihiyon?
Sinu-sino ang tunay na mga mananamba ng Diyos
sa lupa sa ngayon?

LUBHANG nagmamalasakit sa atin ang Diyos na Jehova at nais


niyang makinabang tayo mula sa kaniyang maibiging patnubay.
Kung sasambahin natin siya sa tamang paraan, magiging maligaya
tayo at maiiwasan ang maraming problema sa buhay. Matatamo
rin natin ang kaniyang pagpapala at tulong. (Isaias 48:17) Gayun-
man, daan-daang relihiyon ang nag-aangking itinuturo nila ang
katotohanan tungkol sa Diyos. Subalit malaki ang pagkakaiba ng
kani-kanilang mga turo hinggil sa kung sino ang Diyos at kung
ano ang inaasahan niya sa atin.
2 Paano mo malalaman ang tamang paraan ng pagsamba kay

Jehova? Hindi mo na kailangang pag-aralan at paghambi-hambi-


ngin ang mga turo ng lahat ng relihiyon. Ang kailangan mo
lamang alamin ay kung ano talaga ang itinuturo ng Bibliya tung-
kol sa tunay na pagsamba. Bilang paglalarawan: Sa maraming
lupain, problema ang pekeng salapi. Kung ibinigay sa iyo ang tra-
baho na kilalanin ang gayong pekeng salapi, paano mo gagawin
ito? Sa pamamagitan ba ng pagsasaulo sa hitsura ng bawat uri ng
pekeng salapi? Hindi. Mas mabuti pang gugulin mo ang iyong pa-
nahon para pag-aralan ang tunay na salapi. Kapag alam mo na
kung ano ang hitsura ng tunay na salapi, makikilala mo na kung
ano ang peke. Sa katulad na paraan, kapag natutuhan natin kung
paano makikilala ang tunay na relihiyon, malalaman na natin
kung anong mga relihiyon ang huwad.
1. Paano tayo makikinabang kung sasambahin natin ang Diyos sa tamang paraan?
2. Paano natin matututuhan ang tamang paraan ng pagsamba kay Jehova, at
anong ilustrasyon ang tumutulong sa atin na maunawaan ito?
Ang Pagsambang Sinasang-ayunan ng Diyos 145

3 Mahalaga na sambahin natin si Jehova sa paraang sinasang-


ayunan niya. Naniniwala ang maraming tao na lahat ng relihiyon
ay kalugud-lugod sa Diyos, ngunit hindi iyan ang itinuturo ng Bi-
bliya. Ni hindi nga sapat ang basta sabihin ng isang tao na siya
ay isang Kristiyano. Sinabi ni Jesus: “Hindi ang bawat nagsasabi sa
akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit,
kundi ang isa na gumagawa ng kalooban ng aking Ama na nasa
langit.” Kung gayon, para matamo ang pagsang-ayon ng Diyos, ka-
ilangan nating matutuhan kung ano ang hinihiling ng Diyos sa
atin at gawin ito. Tinawag ni Jesus ang mga hindi gumagawa ng
kalooban ng Diyos na “mga manggagawa ng katampalasanan.”
(Mateo 7:21-23) Tulad ng pekeng salapi, wala talagang halaga ang
huwad na relihiyon. Masaklap pa nito, totoong nakapipinsala ang
gayong relihiyon.
4 Binibigyan ni Jehova ng pagkakataon ang lahat ng nasa lupa

na magtamo ng buhay na walang hanggan. Ngunit upang mabu-


hay magpakailanman sa Paraiso, kailangan nating sambahin ang
Diyos sa wastong paraan at mamuhay ngayon sa paraang kaayaa-
ya sa kaniya. Nakalulungkot, marami ang tumatangging gawin ito.
Iyan ang dahilan kung kaya sinabi ni Jesus: “Pumasok kayo sa ma-
kipot na pintuang-daan; sapagkat malapad at maluwang ang daan
na umaakay patungo sa pagkapuksa, at marami ang mga pumapa-
sok dito; samantalang makipot ang pintuang-daan at masikip ang
daan na umaakay patungo sa buhay, at kakaunti ang mga naka-
susumpong nito.” (Mateo 7:13, 14) Ang tunay na relihiyon ay
umaakay sa buhay na walang hanggan. Ang huwad na relihiyon
ay umaakay sa pagkapuksa. Ayaw ni Jehova na mapuksa ang sinu-
mang tao, at iyan ang dahilan kung bakit binibigyan niya ang mga
tao sa lahat ng dako ng pagkakataong matuto tungkol sa kaniya.
(2 Pedro 3:9) Kung gayon, ang paraan ng ating pagsamba sa Diyos
ay nangangahulugan ng ating buhay o kamatayan.
KUNG PAANO MAKIKILALA ANG TUNAY NA RELIHIYON
5 Paano ba masusumpungan ang ‘daan patungo sa buhay’?

3. Ayon kay Jesus, ano ang dapat nating gawin kung nais nating matamo ang pag-
sang-ayon ng Diyos?
4. Ano ang kahulugan ng mga salita ni Jesus hinggil sa dalawang daan, at saan
umaakay ang bawat isa sa mga daang ito?
5. Paano natin makikilala ang mga nagsasagawa ng tunay na relihiyon?
146 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Sinabi ni Jesus na ang tunay na relihiyon ay makikita sa buhay


ng mga tao na nagsasagawa nito. “Sa kanilang mga bunga ay
makikilala ninyo sila,” ang sabi niya. “Bawat mabuting punung-
kahoy ay nagluluwal ng mainam na bunga.” (Mateo 7:16, 17) Sa
ibang pananalita, makikilala ang mga nagsasagawa ng tunay na
relihiyon sa kanilang mga paniniwala at paggawi. Bagaman hin-
di sila sakdal at nakagagawa ng mga pagkakamali, ang tunay na
mga mananamba bilang isang grupo ay nagsisikap na gawin ang
kalooban ng Diyos. Isaalang-alang natin ang anim na aspekto na
nagpapakilala sa mga nagsasagawa ng tunay na relihiyon.
6 Ibinabatay ng mga lingkod ng Diyos sa Bibliya ang kanilang

mga turo. Sinasabi mismo ng Bibliya: “Ang lahat ng Kasulatan ay


kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang sa pagtuturo, sa pag-
saway, sa pagtutuwid ng mga bagay-bagay, sa pagdidisiplina sa
katuwiran, upang ang tao ng Diyos ay maging lubos na may ka-
kayahan, lubusang nasangkapan ukol sa bawat mabuting gawa.”
(2 Timoteo 3:16, 17) Sumulat si apostol Pablo sa kaniyang mga
kapuwa Kristiyano: “Nang tanggapin ninyo ang salita ng Diyos,
na inyong narinig mula sa amin, tinanggap ninyo ito, hindi bi-
lang salita ng mga tao, kundi, gaya ng kung ano nga ito sa totoo,
bilang ang salita ng Diyos.” (1 Tesalonica 2:13) Kaya naman, ang
mga paniniwala at mga gawain ng tunay na relihiyon ay hin-
di batay sa mga pangmalas o tradisyon ng tao. Nagmumula ang
mga ito sa kinasihang Salita ng Diyos, ang Bibliya.
7 Nagpakita si Jesu-Kristo ng wastong halimbawa sa pamamagi-

tan ng pagtuturo niya batay sa Salita ng Diyos. Sa panalangin sa


kaniyang makalangit na Ama, sinabi niya: “Ang iyong salita ay
katotohanan.” (Juan 17:17) Naniniwala si Jesus sa Salita ng Diyos,
at ang lahat ng kaniyang itinuro ay alinsunod sa Kasulatan. Ma-
dalas sabihin ni Jesus: “Nasusulat.” (Mateo 4:4, 7, 10) Pagkatapos
ay sisipiin ni Jesus ang isang kasulatan. Sa katulad na paraan, ang
bayan ng Diyos sa ngayon ay hindi nagtuturo ng kanilang sari-
ling mga ideya. Naniniwala sila na ang Bibliya ay Salita ng Diyos,
at matatag nilang ibinabatay ang kanilang mga turo sa sinasabi
nito.
6, 7. Paano itinuturing ng mga lingkod ng Diyos ang Bibliya, at paano nagpaki-
ta ng halimbawa si Jesus hinggil sa bagay na ito?
ANG MGA SUMASAMBA SA TUNAY NA DIYOS AY
ˇ gumagamit ng Bibliya bilang batayan ng kanilang mga turo
ˇ sumasamba lamang kay Jehova at ipinakikilala nila ang kaniyang
pangalan
ˇ nagpapakita ng tunay na pag-ibig sa isa’t isa
ˇ tumatanggap kay Jesus bilang ang paraan ng Diyos para sa
kaligtasan
ˇ hindi bahagi ng sanlibutan
ˇ nangangaral na ang Kaharian ng Diyos ang tanging pag-asa ng tao
148 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

8 Si Jehova lamang ang sinasamba ng mga nagsasagawa ng tunay


na relihiyon at ipinakikilala nila ang kaniyang pangalan. Ipinaha-
yag ni Jesus: “Si Jehova na iyong Diyos ang sasambahin mo, at
sa kaniya ka lamang mag-uukol ng sagradong paglilingkod.” (Ma-
teo 4:10) Kaya naman, si Jehova lamang ang sinasamba ng mga
lingkod ng Diyos. Bahagi ng pagsambang ito ang pagsasabi sa mga
tao kung ano ang pangalan ng tunay na Diyos at kung anong uri
siya ng Diyos. Sinasabi ng Awit 83:18: “Ikaw, na ang pangalan ay
Jehova, ikaw lamang ang Kataas-taasan sa buong lupa.” Nagpaki-
ta si Jesus ng parisan sa pagtulong sa iba na makilala ang Diyos,
gaya ng sinabi niya sa panalangin: “Inihayag ko ang iyong panga-
lan sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sanlibutan.” (Juan
17:6) Sa katulad na paraan, itinuturo sa iba ng tunay na mga mana-
namba sa ngayon ang tungkol sa pangalan ng Diyos, sa kaniyang
layunin, at sa kaniyang mga katangian.
9 Ang bayan ng Diyos ay nagpapakita ng tunay at di-mapag-

imbot na pag-ibig sa isa’t isa. Sinabi ni Jesus: “Sa ganito malalaman


ng lahat na kayo ay aking mga alagad, kung kayo ay may pag-ibig
sa isa’t isa.” (Juan 13:35) May gayong pag-ibig ang sinaunang mga
Kristiyano para sa isa’t isa. Napagtatagumpayan ng makadiyos na
pag-ibig ang mga hadlang dahil sa lahi, katayuan sa lipunan, at
hangganan ng mga bansa at pinagbubuklod ang mga tao sa isang
di-napapatid na bigkis ng tunay na kapatiran. (Colosas 3:14) Wa-
lang gayong maibiging kapatiran ang mga miyembro ng huwad
na relihiyon. Paano natin nalaman iyan? Pinapatay nila ang isa’t
isa dahil sa pambansa o pang-etnikong mga di-pagkakaunawaan.
Ang tunay na mga Kristiyano ay hindi humahawak ng sandata
para patayin ang kanilang mga kapatid na Kristiyano o ang iba pa.
Sinasabi ng Bibliya: “Ang mga anak ng Diyos at ang mga anak ng
Diyablo ay makikilala dahil sa bagay na ito: Ang bawat isa na hin-
di nagpapatuloy sa paggawa ng katuwiran ay hindi nagmumula sa
Diyos, ni siya man na hindi umiibig sa kaniyang kapatid. . . . Da-
pat tayong magkaroon ng pag-ibig sa isa’t isa; hindi tulad ni Cain,
na nagmula sa isa na balakyot at pumatay sa kaniyang kapatid.”
—1 Juan 3:10-12; 4:20, 21.
8. Ano ang nasasangkot sa pagsamba kay Jehova?
9, 10. Sa anu-anong paraan nagpapakita ng pag-ibig sa isa’t isa ang tunay na mga
Kristiyano?
Ang Pagsambang Sinasang-ayunan ng Diyos 149

10 Siyempre pa, ang tunay na pag-ibig ay nangangahulugan ng


higit pa kaysa sa basta hindi pagpatay sa iba. Walang pag-iimbot
na ginagamit ng tunay na mga Kristiyano ang kanilang panahon,
lakas, at ari-arian para tulungan at patibayin ang isa’t isa. (Hebreo
10:24, 25) Tinutulungan nila ang isa’t isa sa panahon ng kapig-
hatian, at tapat silang makitungo sa iba. Sa katunayan, ikinakapit
nila sa kanilang buhay ang payo ng Bibliya na ‘gumawa ng mabu-
ti sa lahat.’—Galacia 6:10.
11 Tinatanggap ng tunay na mga Kristiyano si Jesu-Kristo bi-

lang ang paraan ng Diyos para sa kaligtasan. Sinasabi ng Bibliya:


“Walang kaligtasan sa kanino pa man, sapagkat walang ibang pa-
ngalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao na siya nating
dapat ikaligtas.” (Gawa 4:12) Gaya ng nakita natin sa Kabanata 5,
ibinigay ni Jesus ang kaniyang buhay bilang pantubos sa masunu-
ring mga tao. (Mateo 20:28) Bukod diyan, si Jesus ang hinirang ng
Diyos upang maging Hari sa makalangit na Kaharian na mama-
mahala sa buong lupa. At hinihiling ng Diyos na sundin natin si
Jesus at ikapit ang kaniyang mga turo kung nais natin ng buhay
na walang hanggan. Kaya sinasabi ng Bibliya: “Siya na nana-
nampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; siya na
sumusuway sa Anak ay hindi makakakita ng buhay.”—Juan 3:36.
12 Ang tunay na mga mananamba ay hindi bahagi ng sanlibu-

tan. Nang litisin sa harap ng Romanong tagapamahala na si Pilato,


sinabi ni Jesus: “Ang kaharian ko ay hindi bahagi ng sanlibutang
ito.” (Juan 18:36) Saanmang bansa sila nakatira, ang tunay na
mga tagasunod ni Jesus ay mga sakop ng kaniyang makalangit na
Kaharian kung kaya mahigpit silang nananatiling neutral sa puli-
tikal na mga gawain ng sanlibutan. Hindi sila nakikibahagi sa mga
alitan nito. Gayunman, ang mga mananamba ni Jehova ay hin-
di nakikialam kung piliin man ng iba na sumali sa isang partido
pulitikal, kumandidato, o bumoto. At bagaman neutral ang tunay
na mga mananamba ng Diyos pagdating sa pulitika, sila naman ay
masunurin sa batas. Bakit? Dahil inuutusan sila ng Salita ng Diyos
na “magpasakop” sa “nakatataas na mga awtoridad” ng gobyerno.
(Roma 13:1) Kapag may pagkakasalungatan sa hinihiling ng Diyos
11. Bakit mahalaga na tanggapin si Jesu-Kristo bilang ang paraan ng Diyos para
sa kaligtasan?
12. Ano ang nasasangkot sa pagiging hindi bahagi ng sanlibutan?
150 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

at hinihiling ng pulitikal na sistema, tinutularan ng tunay na mga


mananamba ang mga apostol, na nagsabi: “Dapat naming sundin
ang Diyos bilang tagapamahala sa halip na mga tao.”—Gawa 5:29;
Marcos 12:17.
13 Ipinangangaral ng tunay na mga tagasunod ni Jesus na ang

Kaharian ng Diyos ang tanging pag-asa ng sangkatauhan. Inihula


ni Jesus: “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipanganga-
13. Ano ang pangmalas ng tunay na mga tagasunod ni Jesus sa Kaharian ng Diyos,
at ano ang ginagawa nila dahil dito?

Sa paglilingkod kay Jehova kasama ng kaniyang bayan, di-hamak na


mas malaki ang makakamit mo kaysa sa maaaring mawala sa iyo
Ang Pagsambang Sinasang-ayunan ng Diyos 151

ral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga


bansa; at kung magkagayon ay darating ang wakas.” (Mateo 24:14)
Sa halip na himukin ang mga tao na umasa sa mga tagapamaha-
lang tao para lutasin ang kanilang mga problema, inihahayag ng
tunay na mga tagasunod ni Jesu-Kristo ang makalangit na Kaha-
rian ng Diyos bilang ang tanging pag-asa ng sangkatauhan. (Awit
146:3) Tinuruan tayo ni Jesus na idalangin ang sakdal na pama-
halaang iyan nang sabihin niya: “Dumating nawa ang iyong
kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa la-
ngit, gayundin sa lupa.” (Mateo 6:10) Inihula ng Salita ng Diyos na
“dudurugin [ng makalangit na Kahariang ito] at wawakasan ang
lahat ng mga kahariang ito [na umiiral ngayon], at iyon ay mana-
natili hanggang sa mga panahong walang takda.”—Daniel 2:44.
14 Salig sa tinalakay natin, tanungin ang iyong sarili: ‘Anong re-

lihiyosong grupo ang gumagamit ng Bibliya bilang batayan ng


lahat ng kanilang turo at nagpapakilala sa pangalan ni Jehova?
Anong grupo ang nagpapakita ng makadiyos na pag-ibig, nana-
nampalataya kay Jesus, hindi bahagi ng sanlibutan, at naghahayag
na ang Kaharian ng Diyos ang tanging pag-asa ng sangkatauhan?
Sa lahat ng relihiyosong grupo sa lupa, alin ang nakatutugon sa la-
hat ng kahilingang ito?’ Maliwanag na ipinakikita ng katotohanan
na ang grupong ito ay ang mga Saksi ni Jehova.—Isaias 43:10-12.

ANO ANG GAGAWIN MO?


15 Ang basta paniniwala sa Diyos ay hindi sapat para mapalug-
dan siya. Sa katunayan, sinasabi ng Bibliya na maging ang mga
demonyo ay naniniwala na umiiral ang Diyos. (Santiago 2:19)
Gayunman, maliwanag na hindi nila ginagawa ang kalooban ng
Diyos at hindi niya sila sinasang-ayunan. Upang sang-ayunan ng
Diyos, hindi lamang tayo dapat maniwala na umiiral siya kun-
di kailangan din nating gawin ang kaniyang kalooban. Kailangan
din nating humiwalay sa huwad na pagsamba at malugod na tang-
gapin ang tunay na pagsamba.
16 Ipinakita ni apostol Pablo na hindi tayo dapat makibahagi

14. Sa palagay mo, anong relihiyosong grupo ang nakatutugon sa mga kahilingan
ng tunay na pagsamba?
15. Ano pa ang hinihiling ng Diyos bukod sa basta paniniwalang umiiral siya?
16. Kung tungkol sa pakikibahagi sa huwad na relihiyon, ano ang dapat gawin?
152 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

sa huwad na pagsamba. Sumulat siya: “ ‘Lumabas kayo mula sa


kanila, at humiwalay kayo,’ sabi ni Jehova, ‘at tigilan na nin-
yo ang paghipo sa maruming bagay’; ‘at tatanggapin ko kayo.’ ”
(2 Corinto 6:17; Isaias 52:11) Kaya iniiwasan ng tunay na
mga Kristiyano ang anumang may kaugnayan sa huwad na pag-
samba.
17 Ipinakikita ng Bibliya na lahat ng anyo ng huwad na relihi-

yon ay bahagi ng “Babilonyang Dakila.”1 (Apocalipsis 17:5) Ang


pangalang iyan ay nagpapaalaala sa atin hinggil sa sinaunang
lunsod ng Babilonya, kung saan nagsimula ang huwad na relihi-
yon pagkatapos ng Baha noong panahon ni Noe. Maraming turo
at kaugalian na karaniwan ngayon sa huwad na relihiyon ang
nagsimula noon pa man sa Babilonya. Halimbawa, sinasamba ng
mga Babilonyo ang trinidad, o tatluhang diyos. Sa ngayon, ang
pangunahing doktrina ng maraming relihiyon ay ang Trinidad.
Ngunit maliwanag na itinuturo ng Bibliya na mayroon lamang
iisang tunay na Diyos, si Jehova, at na si Jesu-Kristo ang kani-
yang Anak. (Juan 17:3) Naniniwala rin ang mga Babilonyo na ang
mga tao ay may imortal na kaluluwa na nananatiling buhay pag-
kamatay ng katawan at maaaring magdusa ang kaluluwang ito sa
isang dako ng pagpapahirap. Sa ngayon, itinuturo ng karamihan
sa mga relihiyon ang paniniwala sa imortal na kaluluwa o espiri-
tu na maaaring magdusa sa apoy ng impiyerno.
18 Yamang lumaganap sa buong lupa ang sinaunang pagsamba

ng mga Babilonyo, ang makabagong Babilonyang Dakila ay maa-


aring angkop na ipakilala bilang ang pandaigdig na imperyo ng
huwad na relihiyon. At inihula ng Diyos na ang imperyong
ito ng huwad na relihiyon ay biglang magwawakas. (Apocalipsis
18:8) Nakikita mo ba kung bakit napakahalaga na ihiwalay mo
ang iyong sarili sa lahat ng pitak ng Babilonyang Dakila? Nais ng
Diyos na Jehova na “lumabas [ka agad] sa kaniya” habang may
panahon pa.—Apocalipsis 18:4.
1 Para sa higit na impormasyon kung bakit kumakatawan ang Babilonyang
Dakila sa pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon, tingnan ang Apendi-
se, pahina 219-20.

17, 18. Ano ang “Babilonyang Dakila,” at bakit apurahan na “lumabas . . . sa ka-
niya”?
Ang Pagsambang Sinasang-ayunan ng Diyos 153

19 Dahil sa iyong desisyon na tumigil sa pagsasagawa ng huwad


na relihiyon, baka ipasiya ng ilan na huwag nang makisama sa
iyo. Gayunman, sa paglilingkod kay Jehova kasama ng kaniyang
bayan, di-hamak na mas malaki ang makakamit mo kaysa sa ma-
aaring mawala sa iyo. Gaya ng sinaunang mga alagad ni Jesus
na iniwan ang ibang bagay para sumunod sa kaniya, magkakaro-
on ka ng maraming espirituwal na kapatid. Magiging bahagi ka
ng isang malaki at pandaigdig na pamilya ng milyun-milyong tu-
nay na Kristiyano, na nagpapakita ng tunay na pag-ibig sa iyo.
At magkakaroon ka ng kapana-panabik na pag-asang mabuhay
magpakailanman “sa darating na sistema ng mga bagay.” (Mar-
cos 10:28-30) Marahil sa kalaunan, ang mga tumalikod sa iyo
dahil sa mga paniniwala mo ay magbigay-pansin din sa itinutu-
ro ng Bibliya at maging mga mananamba ni Jehova.
20 Itinuturo ng Bibliya na malapit nang wakasan ng Diyos ang

masamang sistemang ito ng mga bagay at hahalinhan ito ng


isang matuwid na bagong sanlibutan sa ilalim ng pamamahala
ng kaniyang Kaharian. (2 Pedro 3:9, 13) Tunay ngang magi-
ging isang kamangha-manghang sanlibutan iyon! At sa matuwid
na bagong sanlibutang iyon, magkakaroon na lamang ng iisang
relihiyon, isang tunay na anyo ng pagsamba. Hindi ba’t katalinu-
han para sa iyo na gumawa na ngayon ng kinakailangang mga
hakbang upang makisama sa tunay na mga mananamba?
19. Ano ang makakamit mo sa paglilingkod kay Jehova?
20. Anong kinabukasan ang naghihintay sa mga nagsasagawa ng tunay na relihi-
yon?

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA


ˇ Iisa lamang ang tunay na relihiyon.—Mateo 7:
13, 14.
ˇ Makikilala ang tunay na relihiyon sa mga turo at
gawain nito.—Mateo 7:16, 17.
ˇ Isinasagawa ng mga Saksi ni Jehova ang pagsam-
ba na sinasang-ayunan ng Diyos.—Isaias 43:10.
KABANATA 16

Manindigan Ka Para sa
Tunay na Pagsamba
Ano ang itinuturo ng Bibliya hinggil sa
paggamit ng mga imahen?
Ano ang pangmalas ng mga Kristiyano sa
relihiyosong mga kapistahan?
Paano mo ipaliliwanag sa iba ang iyong
mga paniniwala nang hindi sila masasaktan?

IPAGPALAGAY na nalaman mong may palihim na nagtatapon


ng nakalalasong basura sa inyong pamayanan. Dahil dito, na-
nganganib ngayon ang buhay ng mga tao sa inyong lugar. Ano
ang gagawin mo? Tiyak na lalayo ka hangga’t maaari. Ngunit
kahit na nagawa mo na iyan, mapapaharap ka pa rin sa seryo-
song tanong na ito, ‘Nalason kaya ako?’
2 Ganiyan din ang kalagayan kung tungkol sa huwad na

relihiyon. Itinuturo ng Bibliya na ang gayong pagsamba ay na-


hawahan ng maruruming turo at mga kaugalian. (2 Corinto
6:17) Iyan ang dahilan kung bakit mahalaga na lumabas ka sa
“Babilonyang Dakila,” ang pandaigdig na imperyo ng huwad
na relihiyon. (Apocalipsis 18:2, 4) Ginawa mo na ba ito? Kung
oo, karapat-dapat kang papurihan. Ngunit higit pa ang nasa-
sangkot kaysa sa basta paghihiwalay ng iyong sarili o pag-alis
mula sa huwad na relihiyon. Pagkatapos nito, dapat mong ta-
nungin ang iyong sarili, ‘Mayroon pa bang naiwang anumang
bahid ng huwad na relihiyon sa akin?’ Talakayin natin ang
ilang halimbawa.
1, 2. Ano ang dapat mong itanong sa iyong sarili pagkatapos mong iwan ang
huwad na relihiyon, at sa palagay mo, bakit kaya ito mahalaga?
155

MGA IMAHEN AT PAGSAMBA SA MGA NINUNO


3 Ang ilan ay matagal nang may mga imahen o dambana sa ka-
nilang tahanan. Totoo rin ba ito sa iyo? Kung oo, baka madama
mo na kakatwa o mali na manalangin sa Diyos nang walang ga-
yong nakikitang pantulong. Baka napamahal na nga sa iyo ang
ilan sa mga bagay na ito. Ngunit ang Diyos ang siyang magsasabi
kung paano siya dapat sambahin, at itinuturo ng Bibliya na ayaw
niyang gumamit tayo ng mga imahen. (Exodo 20:4, 5; Awit 115:
4-8; Isaias 42:8; 1 Juan 5:21) Kaya maaari kang manindigan para
sa tunay na pagsamba kung sisirain mo ang anumang bagay na
pag-aari mo na may kaugnayan sa huwad na pagsamba. Tiyak na
ang dapat maging pangmalas mo rito ay gaya ng pangmalas ni
Jehova—bilang isang bagay na “karima-rimarim.”—Deuterono-
mio 27:15.
4 Ang pagsamba sa mga ninuno ay karaniwan din sa maraming

3. (a) Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa paggamit ng mga imahen, at bakit
maaaring nahihirapan ang ilan na tanggapin ang pangmalas ng Diyos? (b) Ano
ang dapat mong gawin sa anumang bagay na pag-aari mo na may kaugnayan sa
huwad na pagsamba?
4. (a) Paano natin nalaman na walang saysay ang pagsamba sa mga ninuno?
(b) Bakit pinagbawalan ni Jehova ang kaniyang bayan na makibahagi sa anu-
mang anyo ng espiritismo?
156 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

huwad na relihiyon. Bago natutuhan ang katotohanan sa Bibli-


ya, naniniwala ang ilan na ang mga patay ay may malay sa
isang di-nakikitang daigdig at na kaya nilang tulungan o pin-
salain ang mga nabubuhay. Marahil ay nagsisikap ka noon nang
husto para mapaglubag ang iyong namatay na mga ninuno. Pero
gaya ng natutuhan mo sa Kabanata 6 ng aklat na ito, ang mga
patay ay hindi na umiiral at walang malay saanmang dako. Kaya
naman, walang saysay ang mga pagsisikap na makipagtalastasan
sa kanila. Anumang mensahe na waring nanggaling sa isang na-
matay nang mahal sa buhay ay nagmula talaga sa mga demonyo.
Kaya naman, pinagbawalan ni Jehova ang mga Israelita na sika-
ping makipag-usap sa mga patay o makibahagi sa anumang anyo
ng espiritismo.—Deuteronomio 18:10-12.
5 Kung ang paggamit ng mga imahen o pagsamba sa mga ni-

nuno ay bahagi ng dati mong paraan ng pagsamba, ano ang


maaari mong gawin? Basahin at bulay-bulayin mo ang mga teks-
to sa Bibliya na nagpapakita kung ano ang pangmalas ng Diyos
sa mga bagay na ito. Araw-araw na idalangin kay Jehova ang
iyong hangaring manindigan para sa tunay na pagsamba, at hili-
ngin sa kaniya na tulungan kang mag-isip na kagaya niya.—Isaias
55:9.
PASKO—HINDI IPINAGDIWANG NG
SINAUNANG MGA KRISTIYANO
6 Ang pagsamba ng isang tao ay maaaring marumhan ng

huwad na relihiyon kung popular na mga kapistahan ang


pag-uusapan. Halimbawa, isaalang-alang ang Pasko. Ang Pasko
diumano’y nagpapagunita sa kapanganakan ni Jesu-Kristo, at ipi-
nagdiriwang ito ng halos lahat ng relihiyon na nag-aangking
Kristiyano. Gayunman, walang katibayan na ipinagdiwang ng
unang-siglong mga alagad ni Jesus ang gayong kapistahan. Gani-
to ang sabi ng aklat na Sacred Origins of Profound Things: “Sa loob
ng dalawang siglo mula nang isilang si Kristo, walang nakaaalam,
5. Ano ang maaari mong gawin kung ang paggamit ng mga imahen o pagsam-
ba sa mga ninuno ay bahagi ng dati mong pagsamba?
6, 7. (a) Ano ang diumano’y ginugunita sa Pasko, at ipinagdiwang ba ito ng
unang-siglong mga tagasunod ni Jesus? (b) Saan nauugnay ang mga pagdiriwang
ng kaarawan noong panahon ng sinaunang mga alagad ni Jesus?
Manindigan Ka Para sa Tunay na Pagsamba 157

at iilang tao lamang ang interesado, kung kailan talaga siya isini-
lang.”
7 Kahit na alam pa ng mga alagad ni Jesus ang eksaktong petsa

ng kaniyang kapanganakan, hindi nila ito ipagdiriwang. Bakit?


Sapagkat, gaya ng sinabi ng The World Book Encyclopedia, “iti-
nuturing [ng sinaunang mga Kristiyano] na ang selebrasyon ng
kapanganakan ninuman ay isang kaugaliang pagano.” Ang ta-
nging pagdiriwang ng kaarawan na binanggit sa Bibliya ay yaong
sa dalawang tagapamahala na hindi sumasamba kay Jehova. (Ge-
nesis 40:20; Marcos 6:21) Ipinagdiriwang din ang mga kaarawan
bilang pagpaparangal sa mga bathalang pagano. Halimbawa, tu-
wing Mayo 24, ipinagdiriwang ng mga Romano ang kaarawan
ng diyosang si Diana. Kinabukasan, ipinagdiriwang naman nila
ang kaarawan ng kanilang diyos-araw, si Apolo. Samakatuwid,
ang mga pagdiriwang ng kaarawan ay nauugnay sa paganismo at
hindi sa Kristiyanismo.
8 May isa pang dahilan kung bakit hindi ipagdiriwang ng

unang-siglong mga Kristiyano ang kaarawan ni Jesus. Mala-


mang na alam ng mga alagad niya na ang mga pagdiriwang ng
kaarawan ay nauugnay sa pamahiin. Halimbawa, naniniwala
ang maraming Griego at Romano noong sinaunang panahon
na isang espiritu ang naroroon kapag isinisilang ang isang tao
at habang-buhay na ipagsasanggalang ng espiritu ang taong
iyon. “Ang espiritung ito ay may misteryosong kaugnayan sa
diyos na siyang may kaarawan sa [mismong] araw kung kai-
lan isinilang ang indibiduwal,” ang sabi ng aklat na The Lore
of Birthdays. Tiyak na hindi matutuwa si Jehova sa anumang
pagdiriwang na mag-uugnay kay Jesus sa pamahiin. (Isaias 65:
11, 12) Kung gayon, bakit ipinagdiriwang ng maraming tao ang
Pasko?
ANG PINAGMULAN NG PASKO
9 Lumipas pa ang ilang daang taon mula nang mabuhay si Je-
sus dito sa lupa bago sinimulang alalahanin ng mga tao ang
8. Ipaliwanag ang kaugnayan ng mga pagdiriwang ng kaarawan at ng pamahiin.
9. Paano napili ang Disyembre 25 bilang petsa para ipagdiwang ang kapangana-
kan ni Jesus?
158 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

kaniyang kapanganakan tuwing Disyembre 25. Ngunit hin-


di iyan ang petsa ng kapanganakan ni Jesus, dahil lumilitaw na
nangyari ito sa buwan ng Oktubre.1 Kaya bakit Disyembre 25
ang napili? Malamang na “nais ng [ilan na nag-angking Kristiya-
no noong dakong huli] na ang petsa ay makasabay ng paganong
kapistahang Romano na gumugunita sa ‘araw ng kapanganakan
ng di-malupig na araw.’ ” (The New Encyclopædia Britannica) Sa
panahon ng taglamig, kung kailan waring pinakamahina ang
araw, nagdaraos ang mga pagano ng mga seremonya upang
pabalikin ang pinagmumulang ito ng init at liwanag mula sa ma-
layong paglalakbay nito. Ang Disyembre 25 ang inaakalang petsa
ng pasimula ng pagbabalik nito. Sa pagsisikap na makumberte
ang mga pagano, tinanggap ng relihiyosong mga lider ang kapis-
tahang ito at sinikap na magmukha itong “Kristiyano.”2
10 Matagal nang alam na pagano ang pinagmulan ng Pas-

ko. Dahil sa di-makakasulatang pinagmulan nito, ipinagbawal


ang Pasko sa Inglatera at sa ilang ko-
lonya ng Amerika noong ika-17 siglo. Kakainin mo ba
Pinagmulta pa nga ang sinumang hindi ang isang kendi na
napulot sa kanal?
magtrabaho sa araw ng Pasko. Gayun-
man, di-nagtagal at bumalik ang dating
mga kaugalian, at nadagdagan pa ng ilang
bagong kaugalian. Muli na namang na-
ging malaking kapistahan ang Pasko, at
nananatili itong gayon hanggang sa nga-
yon sa maraming lupain. Subalit dahil sa
mga kaugnayan ng Pasko sa huwad na re-
lihiyon, ang mga nagnanais palugdan ang
Diyos ay hindi nagdiriwang nito o ng
1 Tingnan ang Apendise, pahina 221-2.
2 Ang Saturnalia ay isa ring salik sa pagkakapili
ng Disyembre 25. Ang kapistahang ito na nagpa-
parangal sa Romanong diyos ng agrikultura ay gi-
naganap tuwing Disyembre 17-24. Ang piging, ka-
sayahan, at pagbibigayan ng regalo ay nagaganap sa
panahon ng Saturnalia.

10. Bakit hindi nagdiriwang ng Pasko ang ilang tao


noon?
Manindigan Ka Para sa Tunay na Pagsamba 159

anumang iba pang kapistahan na nag-ugat sa pagsambang pa-


gano.1
TALAGA BANG MAHALAGA KUNG SAAN
NAGMULA ANG MGA KAPISTAHAN?
11 Sumasang-ayon ang ilan na ang mga kapistahang gaya ng

Pasko ay may paganong pinagmulan, ngunit nadarama pa rin


nila na hindi naman maling ipagdiwang ang mga ito. Sa katu-
nayan, hindi iniisip ng karamihan sa mga tao ang tungkol sa
huwad na pagsamba kapag ipinagdiriwang nila ang mga kapis-
tahan. Ang mga okasyong ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon
sa mga pamilya na magsama-sama. Ganiyan din ba ang nada-
rama mo? Kung oo, malamang na pag-ibig sa pamilya at hindi
pag-ibig sa huwad na relihiyon ang waring nagpapahirap sa iyo
na manindigan para sa tunay na pagsamba. Makaaasa ka na nais
ni Jehova, ang isa na nagpasimula ng pamilya, na magkaroon
ka ng mabuting kaugnayan sa iyong mga kamag-anak. (Efeso 3:
14, 15) Ngunit maaari mong patibayin ang gayong mga buklod
sa mga paraang sinasang-ayunan ng Diyos. May kaugnayan sa
bagay na dapat maging pangunahin sa atin, sumulat si apostol
Pablo: “Patuloy ninyong tiyakin kung ano ang kaayaaya sa Pangi-
noon.”—Efeso 5:10.
12 Maaaring nadarama mo na ang pinagmulan ng mga kapis-

tahan ay wala namang kaugnayan sa paraan ng pagdiriwang sa


mga ito sa ngayon. Talaga bang mahalaga kung saan nagmula
ang mga kapistahan? Oo! Bilang paglalarawan: Ipagpalagay na
nakakita ka ng isang kendi sa kanal. Pupulutin mo ba ang ken-
ding iyon at kakainin ito? Siyempre hindi! Marumi ang kending
iyon. Tulad ng kending iyon, ang mga kapistahan ay waring ka-
nais-nais, ngunit napulot ang mga ito sa maruruming lugar.
Upang makapanindigan para sa tunay na pagsamba, kailangan
nating magkaroon ng pangmalas na kagaya ng kay propeta
1 Para sa pagtalakay kung ano ang pangmalas ng tunay na mga Kristiyano sa
iba pang popular na mga kapistahan, tingnan ang Apendise, pahina 222-3.

11. Bakit nagdiriwang ng kapistahan ang ilang tao, ngunit ano ang dapat ma-
ging pangunahin sa atin?
12. Ilarawan kung bakit natin dapat iwasan ang mga kaugalian at mga pagdiri-
wang na may masamang pinagmulan.
160 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Isaias, na nagsabi sa tunay na mga mananamba: “Huwag kayong


humipo ng anumang bagay na marumi.”—Isaias 52:11.
GUMAMIT NG KAUNAWAAN SA PAKIKITUNGO SA IBA
13 Maaaring bumangon ang mga hamon kapag pinili mong hin-
di makibahagi sa mga kapistahan. Halimbawa, baka magtaka ang
mga katrabaho mo kung bakit hindi ka nakikisali sa ilang gawaing
may kaugnayan sa kapistahan sa iyong pinagtatrabahuhan. Paano
kung bigyan ka ng regalo sa Pasko? Mali bang tanggapin ito? Paa-
no kung hindi mo naman kapananampalataya ang iyong asawa?
Ano ang maaari mong gawin upang matiyak na hindi makadara-
ma ang inyong mga anak na sila’y pinagkakaitan dahil sa hindi
pagdiriwang ng mga kapistahan?
14 Kailangan ang mahusay na pagpapasiya upang maunawaan

kung paano haharapin ang bawat situwasyon. Kung nagkataong


may bumati sa iyo may kaugnayan sa isang kapistahan, maaari
mong pasalamatan ang bumati. Ngunit ipagpalagay na ang bu-
mati sa iyo ay isa na lagi mong nakakausap o isang katrabaho. Sa
ganiyang situwasyon, baka nanaisin mong magpaliwanag. Sa la-
hat ng pagkakataon, maging mataktika. Nagpapayo ang Bibliya:
“Ang inyong pananalita nawa ay laging may kagandahang-loob,
na tinimplahan ng asin, upang malaman kung paano kayo dapat
magbigay ng sagot sa bawat isa.” (Colosas 4:6) Maging magalang.
Mataktikang ipaliwanag ang iyong paninindigan. Linawin mo na
wala ka namang tutol sa pagbibigayan ng regalo at sa mga salu-
salo ngunit mas gusto mong makibahagi sa mga gawaing ito sa
ibang panahon.
15 Paano kung may gustong magregalo sa iyo? Nakadepende ito

nang malaki sa mga kalagayan. Maaaring sabihin ng nagbigay:


“Alam kong hindi ka nagdiriwang ng kapistahan. Pero, gusto ko
pa ring ibigay ito sa iyo.” Maaari mong ipasiya na ang pagtang-
gap ng regalo sa gayong mga kalagayan ay hindi naman kagaya
ng pakikibahagi sa kapistahan. Siyempre pa, kung ang nagbigay ay
hindi pamilyar sa iyong mga paniniwala, maaari mong banggitin
13. Anong mga hamon ang maaaring bumangon kapag hindi ka nakikibahagi
sa mga kapistahan?
14, 15. Ano ang maaari mong gawin kung may bumati sa iyo may kaugnayan
sa isang kapistahan o kung may gustong magregalo sa iyo?
Manindigan Ka Para sa Tunay na Pagsamba 161

sa kaniya na hindi ka nagdiriwang ng kapistahan. Makatutulong


ito upang ipaliwanag kung bakit tinanggap mo ang isang regalo
ngunit hindi ka nagbigay ng regalo sa okasyong iyon. Sa kabilang
panig naman, magiging katalinuhan na huwag tanggapin ang
isang regalo kung ibinigay ito nang may maliwanag na intensiyon
na ipakitang hindi ka naninindigan sa iyong mga paniniwala o na
makikipagkompromiso ka alang-alang sa materyal na pakinabang.

KUMUSTA NAMAN ANG MGA MIYEMBRO NG PAMILYA?


16 Paano kung ang paniniwala ng mga miyembro ng iyong pa-

milya ay iba sa paniniwala mo? Muli, maging mataktika. Hindi


naman kailangang gawing isyu ang bawat kaugalian o selebrasyon
na gustong ipagdiwang ng iyong mga kamag-anak. Sa halip, iga-
lang ang kanilang pananaw, kung paanong gusto mo ring igalang
nila ang iyong pananaw. (Mateo 7:12) Iwasan ang anumang pagki-
los na magsasangkot sa iyo sa kapistahan. Gayunpaman, maging
makatuwiran kung tungkol sa mga bagay na wala namang kaug-
nayan sa aktuwal na pagdiriwang. Sabihin pa, dapat na lagi kang
kumilos sa paraang hindi mababagabag ang iyong mabuting bud-
hi.—1 Timoteo 1:18, 19.
17 Ano ang magagawa mo upang hindi madama ng inyong mga

anak na pinagkakaitan sila dahil sa hindi pagdiriwang ng di-


makakasulatang mga kapistahan? Nakadepende ito nang malaki
sa ginagawa mo sa ibang panahon ng taon. Nagsasaayos ang ilang
magulang ng mga panahon para bigyan ng regalo ang kanilang
mga anak. Ang isa sa pinakamagandang regalo na maibibigay mo
sa iyong mga anak ay ang iyong panahon at maibiging atensiyon.

ISAGAWA ANG TUNAY NA PAGSAMBA


18Upang mapalugdan ang Diyos, dapat mong tanggihan ang
huwad na pagsamba at manindigan para sa tunay na pagsamba.
Ano ang kalakip dito? Sinasabi ng Bibliya: “Isaalang-alang natin
ang isa’t isa upang mag-udyukan sa pag-ibig at sa maiinam na
16. Paano ka magiging mataktika sa pagharap sa mga bagay na may kaugnayan sa
mga kapistahan?
17. Paano mo matutulungan ang iyong mga anak upang hindi nila madamang pi-
nagkakaitan sila kapag nakikita nilang nagdiriwang ng mga kapistahan ang iba?
18. Paano ka matutulungan ng pagdalo sa Kristiyanong mga pagpupulong upang
manindigan para sa tunay na pagsamba?
162 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

gawa, na hindi pinababayaan ang ating pagtitipon, gaya ng


kinaugalian ng iba, kundi nagpapatibayang-loob sa isa’t isa, at la-
lung-lalo na samantalang inyong nakikita na papalapit na ang
araw.” (Hebreo 10:24, 25) Ang Kristiyanong mga pagpupulong ay
masasayang pagkakataon para sambahin mo ang Diyos sa paraang
sinasang-ayunan niya. (Awit 22:22; 122:1) Sa mga pagpupulong
na ito, may “pagpapalitan ng pampatibay-loob” ang tapat na mga
Kristiyano.—Roma 1:12.
19 Ang isa pang paraan upang makapanindigan ka para sa tunay

na pagsamba ay ang sabihin sa iba ang tungkol sa mga bagay na


natutuhan mo mula sa pag-aaral ng Bibliya kasama ng mga Saksi
ni Jehova. Maraming tao ang talagang “nagbubuntunghininga at
dumaraing” dahil sa kasamaan na nagaganap sa daigdig ngayon.
(Ezekiel 9:4) Marahil ay may kakilala kang ilang tao na ganiyan
ang nadarama. Bakit hindi ipakipag-usap sa kanila ang iyong sa-
lig-Bibliyang pag-asa para sa hinaharap? Habang nakikisama ka sa
tunay na mga Kristiyano at nakikipag-usap sa iba tungkol sa ka-
mangha-manghang mga katotohanan sa Bibliya na natutuhan
mo, mapapansin mo na anumang pagnanais na makibahagi sa
mga kaugalian ng huwad na pagsamba na maaaring nasa puso mo
pa ay unti-unting maglalaho. Makatitiyak ka na ikaw ay magiging
maligayang-maligaya at tatanggap ng maraming pagpapala kung
maninindigan ka para sa tunay na pagsamba.—Malakias 3:10.
19. Bakit mahalaga na ipakipag-usap mo sa iba ang tungkol sa mga bagay na
iyong natutuhan mula sa Bibliya?

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA


ˇ Walang dako sa tunay na pagsamba ang mga
imahen ni ang pagsamba sa mga ninuno.—Exodo
20:4, 5; Deuteronomio 18:10-12.
ˇ Mali ang makibahagi sa mga pagdiriwang na
may paganong pinagmulan.—Efeso 5:10.
ˇ Dapat maging mataktika ang tunay na mga
Kristiyano kapag ipinaliliwanag nila sa iba ang
kanilang mga paniniwala.—Colosas 4:6.
Nagdudulot ng tunay na
kaligayahan ang pagsasagawa
ng tunay na pagsamba
KABANATA 17

´
Maging Malapıt sa Diyos
sa Panalangin
Bakit tayo dapat manalangin sa Diyos?
Ano ang dapat nating gawin upang dinggin
tayo ng Diyos?
Paano sinasagot ng Diyos ang ating
mga panalangin?

KUNG ihahambing sa napakalawak na uniberso, napakaliit la-


mang ng lupa. Sa katunayan, para kay Jehova, “ang Maylikha ng
langit at lupa,” ang mga bansa ng sangkatauhan ay gaya ng isang
maliit na patak ng tubig mula sa timba. (Awit 115:15; Isaias 40:15)
Ngunit sinasabi ng Bibliya: “Si Jehova ay malapit sa lahat ng tu-
matawag sa kaniya, sa lahat ng tumatawag sa kaniya sa katapatan.
Ang nasa ng mga may takot sa kaniya ay kaniyang isasagawa, at
ang kanilang paghingi ng tulong ay kaniyang diringgin.” (Awit
145:18, 19) Isip-isipin na lamang kung ano ang kahulugan niyan!
Ang makapangyarihan-sa-lahat na Maylalang ay malapit sa atin at
pakikinggan niya tayo kung ‘tatawag tayo sa kaniya sa katapatan.’
Kaylaking pribilehiyo nga natin na makalapit sa Diyos sa panala-
ngin!
2 Subalit kung nais nating dinggin ni Jehova ang ating mga

panalangin, kailangan tayong manalangin sa kaniya sa paraang


sinasang-ayunan niya. Paano natin magagawa ito kung hindi na-
tin nauunawaan ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa panalangin?
Napakahalagang malaman natin kung ano ang sinasabi ng Kasu-
latan tungkol sa bagay na ito, sapagkat tinutulungan tayo ng
´
panalangin na maging lalong malapıt kay Jehova.
1, 2. Bakit natin dapat ituring na isang malaking pribilehiyo ang panalangin,
at bakit natin kailangang malaman kung ano ang itinuturo ng Bibliya tungkol
dito?
165

Handang makinig
“ang Maylikha ng
langit at lupa” sa
ating mga panalangin

BAKIT TAYO DAPAT MANALANGIN KAY JEHOVA?


3 Ang isang mahalagang dahilan kung bakit tayo dapat mana-
langin kay Jehova ay sapagkat inaanyayahan niya tayong gawin
ito. Pinasisigla tayo ng kaniyang Salita: “Huwag kayong mabali-
sa sa anumang bagay, kundi sa lahat ng bagay sa pamamagitan
ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pasasa-
lamat ay ipaalam ang inyong mga pakiusap sa Diyos; at ang
kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ay
magbabantay sa inyong mga puso at sa inyong mga kakayahang
pangkaisipan sa pamamagitan ni Kristo Jesus.” (Filipos 4:6, 7)
Tiyak na hindi natin gustong ipagwalang-bahala ang gayong
mabait na paglalaan sa atin ng Kataas-taasang Tagapamahala ng
uniberso!
4 Ang isa pang dahilan kung bakit dapat manalangin ay sapag-

kat napatitibay ng regular na pananalangin kay Jehova ang ating


kaugnayan sa kaniya. Ang tunay na magkakaibigan ay nag-uusap
hindi lamang kapag may kailangan sila sa isa’t isa. Sa halip, ang
matatalik na magkakaibigan ay interesado sa isa’t isa, at ang ka-
nilang pagkakaibigan ay nagiging mas matibay habang malaya
3. Ano ang isang mahalagang dahilan kung bakit tayo dapat manalangin kay
Jehova?
4. Paano napatitibay ng regular na pananalangin kay Jehova ang ating kaugna-
yan sa kaniya?
166 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

nilang ipinahahayag ang kanilang mga kaisipan, ikinababahala,


at damdamin. Sa ilang aspekto, ganiyan din ang kalagayan kung
tungkol sa pakikipag-ugnayan natin sa Diyos na Jehova. Sa tulong
ng aklat na ito, marami kang natutuhan sa mga itinuturo ng Bibli-
ya hinggil kay Jehova, sa kaniyang personalidad, at sa kaniyang
mga layunin. Nakilala mo siya bilang isang tunay na persona.
Ang panalangin ay nagbibigay sa iyo ng pagkakataong ipahayag
ang iyong mga kaisipan at niloloob sa iyong makalangit na Ama.
´
Habang ginagawa mo ito, napapalapıt ka kay Jehova.—Santiago
4:8.
ANONG MGA KAHILINGAN ANG DAPAT NATING MAABOT?
5 Dinirinig ba ni Jehova ang lahat ng panalangin? Isaalang-

alang kung ano ang sinabi niya sa rebelyosong mga Israelita


noong panahon ni propeta Isaias: “Kahit nananalangin kayo ng
marami, hindi ako nakikinig; ang inyo mismong mga kamay
ay napuno ng pagbububo ng dugo.” (Isaias 1:15) Kaya maaaring
hindi pakinggan ng Diyos ang ating mga panalangin dahil sa
ilang bagay na ginagawa natin. Kung gayon, upang pakinggan
ng Diyos nang may pagsang-ayon ang ating mga panalangin,
kailangan nating maabot ang ilang pangunahing mga kahili-
ngan.
6 Ang isang pangunahing kahilingan ay na magkaroon tayo

ng pananampalataya. (Marcos 11:24) Sumulat si apostol Pablo:


“Kung walang pananampalataya ay imposibleng palugdan [ang
Diyos] nang lubos, sapagkat siya na lumalapit sa Diyos ay da-
pat na maniwala na siya nga ay umiiral at na siya ang nagiging
tagapagbigay-gantimpala doon sa mga may-pananabik na huma-
hanap sa kaniya.” (Hebreo 11:6) Ang pagkakaroon ng tunay na
pananampalataya ay hindi lamang basta pagkilala na umiiral ang
Diyos at na pinakikinggan at sinasagot niya ang mga panala-
ngin. Ang pananampalataya ay pinatutunayan sa pamamagitan
ng ating mga gawa. Dapat nating ipakita ang malinaw na katiba-
yan na may pananampalataya tayo sa pamamagitan ng paraan ng
ating pamumuhay sa araw-araw.—Santiago 2:26.
5. Ano ang nagpapakita na hindi dinirinig ni Jehova ang lahat ng panalangin?
6. Upang dinggin ng Diyos ang ating mga panalangin, ano ang isang panguna-
hing kahilingan, at paano natin ito maaabot?
´
Maging Malapıt sa Diyos sa Panalangin 167

7 Hinihiling din ni Jehova sa mga lumalapit sa kaniya sa pana-


langin na gawin ito nang may kapakumbabaan at kataimtiman.
Hindi ba’t may dahilan tayo upang maging mapagpakumbaba
kapag nakikipag-usap kay Jehova? Kapag nagkaroon ng pagkaka-
taon ang mga tao na makausap ang isang hari o presidente,
kadalasan nang ginagawa nila ito sa magalang na paraan, anupat
kinikilala ang mataas na posisyon ng tagapamahala. Kung gayon,
lalo tayong dapat maging magalang kapag lumalapit kay Jehova!
(Awit 138:6) Sa katunayan, siya ang “Diyos na Makapangyari-
han-sa-lahat.” (Genesis 17:1) Kapag nananalangin tayo sa Diyos,
dapat makita sa ating paraan ng paglapit sa kaniya na mapagpa-
kumbaba nating kinikilala ang ating katayuan sa harap niya. Ang
gayong kapakumbabaan ay tutulong din sa atin na manalangin
nang taimtim mula sa ating puso, anupat iniiwasan ang rutin at
paulit-ulit na mga panalangin.—Mateo 6:7, 8.
8 Ang isa pang kahilingan upang dinggin tayo ng Diyos ay

kumilos tayo alinsunod sa ating mga panalangin. Inaasahan


ni Jehova na gagawin natin ang ating buong makakaya upang
kumilos alinsunod sa ating ipinananalangin. Halimbawa, kung
idinadalangin natin na, “Ibigay mo sa amin ngayon ang aming
tinapay para sa araw na ito,” kailangan nating magpagal sa anu-
mang makukuhang trabaho na kaya nating gawin. (Mateo 6:11;
2 Tesalonica 3:10) Kung nananalangin tayo na tulungan tayong
mapagtagumpayan ang isang kahinaan sa laman, dapat tayong
maging maingat upang maiwasan ang mga kalagayan at mga si-
tuwasyon na maaaring umakay sa atin sa tukso. (Colosas 3:5)
Bukod sa pangunahing mga kahilingang ito, may mga tanong
tungkol sa panalangin na kailangan nating sagutin.
PAGSAGOT SA ILANG KATANUNGAN
HINGGIL SA PANALANGIN
9 Kanino tayo dapat manalangin? Tinuruan ni Jesus ang kani-

yang mga tagasunod na manalangin sa “Ama [natin] na nasa


langit.” (Mateo 6:9) Kung gayon, sa Diyos na Jehova lamang tayo
7. (a) Bakit tayo dapat maging magalang kapag nakikipag-usap kay Jehova sa
panalangin? (b) Kapag nananalangin sa Diyos, paano natin maipakikita ang ka-
pakumbabaan at kataimtiman?
8. Paano tayo kikilos alinsunod sa ating idinadalangin?
9. Kanino tayo dapat manalangin, at sa pamamagitan nino?
168 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

dapat manalangin. Gayunman, hinihiling ni Jehova na kilalanin


natin ang posisyon ng kaniyang bugtong na Anak, si Jesu-Kristo.
Gaya ng natutuhan natin sa Kabanata 5, isinugo si Jesus dito sa
lupa upang tubusin tayo sa kasalanan at kamatayan. (Juan 3:16;
Roma 5:12) Siya ang hinirang na Mataas na Saserdote at Hukom.
(Juan 5:22; Hebreo 6:20) Kaya naman, sinasabi sa atin ng Kasu-
latan na manalangin tayo sa pamamagitan ni Jesus. Siya mismo
ang nagsabi: “Ako ang daan at ang katotohanan at ang buhay. Wa-
lang sinumang makaparoroon sa Ama kundi sa pamamagitan ko.”
(Juan 14:6) Upang dinggin ang ating mga panalangin, kay Jeho-
va lamang tayo dapat manalangin sa pamamagitan ng kaniyang
Anak.
10 May kinakailangan bang espesipikong posisyon kapag nana-

nalangin tayo? Wala. Walang hinihiling si Jehova na anumang


espesipikong posisyon, ng kamay man o ng buong katawan. Itinu-
turo ng Bibliya na kaayaayang manalangin sa iba’t ibang posisyon.
Kabilang dito ang nakaupo, nakayuko, nakaluhod, at nakatayo.
(1 Cronica 17:16; Nehemias 8:6; Daniel 6:10; Marcos 11:25) Ang
talagang mahalaga ay, hindi ang isang espesipikong posisyon na
nakikita ng iba, kundi ang tamang saloobin ng puso. Sa katuna-
yan, sa araw-araw na gawain natin o kapag napapaharap tayo sa
kagipitan, maaari tayong manalangin nang tahimik saanman
tayo naroroon. Dinirinig ni Jehova ang gayong mga panalangin
bagaman hindi napapansin ng mga nasa paligid natin na nanana-
langin tayo.—Nehemias 2:1-6.
11 Ano ang maaari nating idalangin? Ganito ang paliwanag ng

Bibliya: “Anumang bagay ang hingin natin ayon sa kaniyang kalo-


oban, tayo ay pinakikinggan niya [ni Jehova].” (1 Juan 5:14) Kaya
maaari nating ipanalangin ang anumang bagay na ayon sa kalo-
oban ng Diyos. Kalooban ba niya na ipanalangin natin ang
personal na mga bagay na ikinababahala natin? Oo naman! Ang
pananalangin kay Jehova ay maihahalintulad sa pakikipag-usap sa
isang matalik na kaibigan. Maaari tayong magsalita nang may ka-
layaan, anupat ‘ibinubuhos ang ating puso’ sa Diyos. (Awit 62:8)
Angkop na humiling tayo ng banal na espiritu, sapagkat tutulong
10. Bakit walang hinihiling na espesipikong posisyon kapag nananalangin tayo?
11. Ano ang ilang personal na bagay na angkop na ipanalangin natin?
´
Maging Malapıt sa Diyos sa Panalangin 169

ito sa atin na gawin ang tama. (Lucas 11:13) Maaari rin tayong hu-
miling ng patnubay upang makagawa ng matatalinong pasiya at
ng lakas upang maharap ang mga suliranin. (Santiago 1:5) Kapag
nagkakasala tayo, dapat tayong humingi ng kapatawaran salig sa
hain ni Kristo. (Efeso 1:3, 7) Sabihin pa, hindi lamang personal na
mga bagay ang dapat maging paksa ng ating mga panalangin. Da-
pat nating palawakin ang ating mga panalangin upang ilakip ang
ibang mga tao—mga miyembro ng pamilya gayundin ang mga ka-
pananampalataya.—Gawa 12:5; Colosas 4:12.
12 Dapat nating unahin sa ating mga panalangin ang mga bagay

na may kaugnayan sa Diyos na Jehova. Tiyak na may dahilan tayo


upang ipahayag ang taos-pusong papuri at pasasalamat sa kani-
ya dahil sa lahat ng kabutihan niya. (1 Cronica 29:10-13) Ibinigay
ni Jesus ang modelong panalangin, na nakaulat sa Mateo 6:9-13,
kung saan itinuro niya sa atin na idalangin natin na pakabanalin
nawa ang pangalan ng Diyos, samakatuwid nga, ituring itong sa-
grado, o banal. Ang sumunod na binanggit niya ay na dumating
nawa ang Kaharian ng Diyos at na mangyari nawa ang kani-
yang kalooban sa lupa kung paano sa langit. Pagkatapos banggitin
ang mahahalagang bagay na ito tungkol kay Jehova, saka lamang
binigyang-pansin ni Jesus ang personal na mga bagay. Kapag iniu-
ukol din natin sa Diyos ang pinakamahalagang dako sa ating mga
panalangin, ipinakikita natin na interesado tayo hindi lamang sa
ating sariling kapakanan.
13 Gaano ba dapat kahaba ang ating mga panalangin? Walang

ibinigay na anumang limitasyon ang Bibliya kung gaano kahaba


dapat ang pribado o pampublikong mga panalangin. Maaari itong
isang maikling panalangin bago kumain o isang mahabang pri-
badong panalangin kung saan ibinubuhos natin ang ating puso
kay Jehova. (1 Samuel 1:12, 15) Gayunman, hinatulan ni Jesus ang
mapagmatuwid-sa-sariling mga indibiduwal na gumagawa ng ma-
haba at pakitang-taong mga panalangin sa harap ng iba. (Lucas
20:46, 47) Hindi humahanga si Jehova sa gayong mga panala-
ngin. Ang mahalaga ay manalangin tayo mula sa ating puso. Kaya
12. Paano natin maaaring unahin sa ating mga panalangin ang mga bagay na
may kaugnayan sa ating makalangit na Ama?
13. Ano ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa haba ng kaayaayang mga pana-
langin?
170 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

naman, ang haba ng kaayaayang mga panalangin ay maaaring iba-


iba depende sa mga pangangailangan at mga kalagayan.
14 Gaano tayo kadalas dapat manalangin? Pinasisigla tayo ng Bi-

bliya na “manalangin nang patuluyan,” na “magmatiyaga . . . sa


pananalangin,” at “manalangin . . . nang walang lubay.” (Mateo
26:41; Roma 12:12; 1 Tesalonica 5:17) Sabihin pa, ang mga pa-
nanalitang ito ay hindi naman nangangahulugang dapat tayong
manalangin kay Jehova sa bawat sandali. Sa halip, hinihimok
tayo ng Bibliya na manalangin nang regular, anupat patuluyang
pinasasalamatan si Jehova dahil sa kaniyang kabutihan sa atin at
umaasa sa kaniya para sa patnubay, kaaliwan, at lakas. Hindi ba’t
nakaaaliw malaman na hindi nililimitahan ni Jehova kung gaano
kahaba o kadalas tayo maaaring makipag-usap sa kaniya sa pa-
nalangin? Kung talagang pinahahalagahan natin ang pribilehiyo
ng panalangin, makasusumpong tayo ng maraming pagkakataon
upang manalangin sa ating makalangit na Ama.
15 Bakit tayo dapat magsabi ng “Amen” sa pagtatapos ng pa-

nalangin? Ang salitang “amen” ay nangangahulugang “tiyak,”


o “mangyari nawa.” Ipinakikita ng mga halimbawa sa Kasulatan
na angkop na magsabi ng “Amen” sa pagtatapos ng personal o
pampublikong mga panalangin. (1 Cronica 16:36; Awit 41:13) Sa
pagsasabi ng “Amen” sa pagtatapos ng ating panalangin, ipinaha-
hayag nating taimtim ang ating mga pananalita. Kapag sinasabi
natin ang “Amen”—tahimik man o malakas—sa pagtatapos ng
pampublikong panalangin, ipinakikita natin na sumasang-ayon
tayo sa mga kaisipang ipinahayag.—1 Corinto 14:16.
KUNG PAANO SINASAGOT NG DIYOS
ANG ATING MGA PANALANGIN
16 Talaga bang sinasagot ni Jehova ang mga panalangin? Oo, ga-

yon nga! May matibay na saligan tayo para magtiwalang sinasagot


ng “Dumirinig ng panalangin” ang taimtim na mga panalangin
ng milyun-milyong tao. (Awit 65:2) Maaaring sagutin ni Jehova
ang ating mga panalangin sa iba’t ibang paraan.
14. Ano ang ibig sabihin ng Bibliya kapag pinasisigla tayo nito na “manalangin
nang patuluyan,” at ano ang nakaaaliw sa bagay na ito?
15. Bakit tayo dapat magsabi ng “Amen” sa pagtatapos ng personal at pampu-
blikong mga panalangin?
16. Sa ano tayo makapagtitiwala kung tungkol sa panalangin?
´
Maging Malapıt sa Diyos sa Panalangin 171

17Ginagamit ni Jehova ang kaniyang mga anghel at ang kani-


yang mga lingkod dito sa lupa upang sagutin ang mga panalangin.
(Hebreo 1:13, 14) Marami nang karanasan ng mga indibiduwal na
nanalangin sa Diyos na tulungan silang maunawaan ang Bibliya
at di-nagtagal ay natagpuan sila ng isa sa mga lingkod ni Je-
hova. Pinatutunayan ng gayong mga karanasan ang patnubay ng
mga anghel sa pangangaral ng Kaharian. (Apocalipsis 14:6) Upang
sagutin ang ating mga panalangin sa panahon ng kagipitan, maa-
aring udyukan ni Jehova ang isang Kristiyano na tulungan tayo.
17. Bakit masasabing ginagamit ng Diyos ang kaniyang mga anghel at ang mga
lingkod niya rito sa lupa upang sagutin ang ating mga panalangin?

Naririnig ang iyong


panalangin sa
anumang pagkakataon
Bilang tugon sa ating mga
panalangin, maaaring udyukan
ni Jehova ang isang Kristiyano
na tulungan tayo

—Kawikaan 12:25; Santiago


2:16.
18 Ginagamit din ng Diyos

na Jehova ang kaniyang


banal na espiritu at ang ka-
niyang Salita, ang Bibliya,
upang sagutin ang mga pa-
nalangin ng mga lingkod
niya. Maaari niyang sagutin
ang ating mga panalangin
na tulungan tayong maha-
rap ang mga pagsubok sa
pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng patnubay at lakas sa tu-
long ng kaniyang banal na espiritu. (2 Corinto 4:7) Kadalasan na
ang sagot sa ating mga panalangin para sa patnubay ay nagmu-
mula sa Bibliya, kung saan tinutulungan tayo ni Jehova na
gumawa ng matatalinong pasiya. Maaaring masumpungan natin
ang nakatutulong na mga kasulatan sa panahon ng ating personal
na pag-aaral ng Bibliya at habang nagbabasa tayo ng mga publika-
syong Kristiyano, gaya ng aklat na ito. Ang mga punto sa Kasulatan
na kailangan nating isaalang-alang ay maaaring maitawag-pansin
sa atin sa pamamagitan ng mga tinatalakay sa Kristiyanong
pagpupulong o sa pamamagitan ng mga komento ng isang nag-
mamalasakit na matanda sa kongregasyon.—Galacia 6:1.
19 Kapag waring naaantala si Jehova sa pagsagot sa ating mga pa-

nalangin, hindi naman ito nangangahulugang hindi niya kayang


sagutin ang mga ito. Sa halip, dapat nating tandaan na sinasa-
got ni Jehova ang mga panalangin ayon sa kaniyang kalooban at
sa kaniyang takdang panahon. Di-hamak na mas alam niya kaysa
sa atin kung ano ang mga kailangan natin at kung paano sasapa-
18. Paano ginagamit ni Jehova ang kaniyang banal na espiritu at ang kaniyang
Salita upang sagutin ang mga panalangin ng kaniyang mga lingkod?
19. Ano ang dapat nating tandaan kapag waring hindi sinasagot kung minsan ang
ating mga panalangin?
173

tan ang mga ito. Kadalasan ay hinahayaan niya


tayong ‘patuloy na humingi, maghanap, at
kumatok.’ (Lucas 11:5-10) Sa gayong pagmama-
tiyaga, ipinakikita natin sa Diyos ang ating
masidhing hangarin at tunay na pananampalata-
ya. Karagdagan pa, maaaring sagutin ni Jehova
ang ating mga panalangin sa paraang hindi na-
tin namamalayan. Halimbawa, maaari niyang
sagutin ang ating panalangin hinggil sa isang
partikular na pagsubok, hindi sa pamamagitan
ng pag-aalis sa suliranin, kundi sa pagbibigay sa
atin ng lakas para mabata ito.—Filipos 4:13.
20 Kaylaki ngang pasasalamat natin na ang

Maylalang ng napakalawak na unibersong ito ay


malapit sa lahat ng tumatawag sa kaniya sa ta-
mang paraan sa pamamagitan ng panalangin!
(Awit 145:18) Lubusan nawa nating samantala-
hin ang mahalagang pribilehiyo ng panalangin. Kung gagawin
natin ito, magkakaroon tayo ng maligayang pag-asa na maging la-
´
long malapıt kay Jehova, ang Dumirinig ng panalangin.
20. Bakit natin dapat lubusang samantalahin ang mahalagang pribilehiyo ng pa-
nalangin?

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA


ˇ Ang regular na pananalangin kay Jehova ay tumutulong
´
sa atin na maging lalong malapıt sa kaniya.—Santiago
4:8.
ˇ Upang dinggin ng Diyos ang ating mga panalangin, ka-
ilangan nating manalangin nang may pananampalataya,
kapakumbabaan, at kataimtiman.—Marcos 11:24.
ˇ Kay Jehova lamang tayo dapat manalangin sa pamama-
gitan ng kaniyang Anak.—Mateo 6:9; Juan 14:6.
ˇ Ginagamit ni Jehova, ang “Dumirinig ng panalangin,”
ang kaniyang mga anghel, ang mga lingkod niya rito sa
lupa, ang kaniyang banal na espiritu, at ang kaniyang
Salita upang sagutin ang mga panalangin.—Awit 65:2.
KABANATA 18

Ang Bautismo at
ang Iyong Kaugnayan sa Diyos
Paano isinasagawa ang bautismong Kristiyano?
Anong mga hakbang ang kailangan mong gawin
upang maging kuwalipikado sa bautismo?
Paano ginagawa ng isang tao ang pag-aalay
sa Diyos?
Ano ang pantanging dahilan sa pagpapabautismo?

“NARITO! Isang dakong may tubig; ano ang nakapipigil sa akin


upang mabautismuhan?” Iyan ang tanong ng isang Etiopeng
opisyal ng korte noong unang siglo. Pinatunayan sa kaniya
ng isang Kristiyanong nagngangalang Felipe na si Jesus ang ipi-
nangakong Mesiyas. Palibhasa’y lubhang naantig sa kaniyang
1. Bakit hiniling ng isang Etiopeng opisyal
ng korte na siya ay mabautismuhan?
Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos 175

natutuhan sa Kasulatan, kumilos ang Etiope. Ipinahayag niya


na nais niyang mabautismuhan!—Gawa 8:26-36.
2 Kung maingat mong pinag-aralan ang naunang mga kaba-

nata ng aklat na ito kasama ng isa sa mga Saksi ni Jehova,


baka nadarama mong handa ka na ring tanungin ang iyong
sarili, ‘Ano ang nakapipigil sa akin upang magpabautismo?’ Sa
puntong ito ay natutuhan mo na ang tungkol sa pangako ng
Bibliya na buhay na walang hanggan sa Paraiso. (Lucas 23:43;
Apocalipsis 21:3, 4) Natutuhan mo na rin ang tungkol sa tunay
na kalagayan ng mga patay at ang pag-asang pagkabuhay-muli.
(Eclesiastes 9:5; Juan 5:28, 29) Marahil ay nakikisama ka na sa
mga Saksi ni Jehova sa mga pagpupulong ng kanilang kongre-
gasyon at nakita mo na mismo kung paano nila isinasagawa ang
tunay na relihiyon. (Juan 13:35) Mahalaga sa lahat, malamang
na nagkakaroon ka na ng personal na kaugnayan sa Diyos na Je-
hova.
3 Paano mo maipakikita na nais mong paglingkuran ang

Diyos? Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod: “Humayo


kayo at gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng mga ban-
sa, na binabautismuhan sila.” (Mateo 28:19) Si Jesus mismo ang
nagpakita ng halimbawa sa pamamagitan ng pagpapabautismo
sa tubig. Hindi siya winisikan ng tubig, at hindi basta binuhusan
ng tubig ang kaniyang ulo. (Mateo 3:16) Ang salitang “bautis-
muhan” ay nagmula sa salitang Griego na nangangahulugang
“ilubog.” Kung gayon, ang bautismong Kristiyano ay nanganga-
hulugan ng lubusang paglulubog sa tubig.
4 Ang bautismo sa tubig ay isang kahilingan para sa lahat ng

nagnanais na magkaroon ng kaugnayan sa Diyos na Jehova.


Ang bautismo ay pangmadlang pagpapahayag ng iyong pagna-
nais na paglingkuran ang Diyos. Ipinakikita nito na nalulugod
kang gawin ang kalooban ni Jehova. (Awit 40:7, 8) Gayunman,
para maging kuwalipikado sa bautismo, kailangan mong gawin
ang ilang hakbang.
2. Bakit mo dapat seryosong pag-isipan ang bautismo?
3. (a) Ano ang iniutos ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod? (b) Paano isinasa-
gawa ang bautismo sa tubig?
4. Ano ang ipinakikita ng bautismo sa tubig?
176 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

KAILANGAN ANG KAALAMAN AT PANANAMPALATAYA


5 Sinimulan mo nang gawin ang unang hakbang. Paano? Sa
pagkuha ng kaalaman tungkol sa Diyos na Jehova at kay Jesu-
Kristo, marahil sa pamamagitan ng sistematikong pag-aaral ng
Bibliya. (Juan 17:3) Ngunit marami pang dapat matutuhan. Nais
ng mga Kristiyano na ‘mapuspos ng tumpak na kaalaman sa
kalooban ng Diyos.’ (Colosas 1:9) Malaking tulong sa bagay na
ito ang pagdalo sa mga pagpupulong ng kongregasyon ng
mga Saksi ni Jehova. Mahalagang dumalo sa mga pagpupulong
na ito. (Hebreo 10:24, 25) Ang regular na pagdalo sa mga pagpu-
pulong ay tutulong sa iyo na sumulong sa kaalaman tungkol sa
Diyos.
6 Siyempre pa, hindi mo naman kailangang malaman ang

lahat ng bagay sa Bibliya upang maging kuwalipikado ka sa bau-


tismo. Ang Etiopeng opisyal ng korte ay may kaalaman, ngunit
kailangan niya ng tulong upang maunawaan ang ilang baha-
gi ng Kasulatan. (Gawa 8:30, 31) Sa katulad na paraan, marami
ka pang dapat matutuhan. Sa katunayan, walang katapusan ang
iyong pag-aaral tungkol sa Diyos. (Eclesiastes 3:11) Ngunit bago
ka mabautismuhan, kailangan mong malaman at tanggapin ka-
hit man lamang ang pangunahing mga turo ng Bibliya. (Hebreo
5:12) Kasama sa gayong mga turo ang katotohanan tungkol sa
kalagayan ng mga patay at ang kahalagahan ng pangalan ng
Diyos at ng kaniyang Kaharian.
7 Subalit hindi sapat ang kaalaman lamang, sapagkat ‘kung

walang pananampalataya ay imposibleng palugdan nang lubos


ang Diyos.’ (Hebreo 11:6) Sinasabi sa atin ng Bibliya na nang
marinig ng ilang tao sa sinaunang lunsod ng Corinto ang
mensaheng Kristiyano, ‘nagsimula silang maniwala at mabau-
tismuhan.’ (Gawa 18:8) Sa katulad na paraan, ang pag-aaral ng
Bibliya ay dapat tumulong sa iyo na malipos ng pananampala-
taya na ito nga ang kinasihang Salita ng Diyos. Ang pag-aaral
5. (a) Ano ang unang hakbang upang maging kuwalipikado sa bautismo?
(b) Bakit mahalaga ang Kristiyanong mga pagpupulong?
6. Gaano karaming kaalaman sa Bibliya ang dapat mong matamo upang ma-
ging kuwalipikado sa bautismo?
7. Ano ang dapat maging epekto sa iyo ng pag-aaral ng Bibliya?
Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos 177

ng Bibliya ay dapat tumulong sa iyo na magkaroon ng pana-


nampalataya sa mga pangako ng Diyos at sa kapangyarihang
magligtas ng hain ni Jesus.—Josue 23:14; Gawa 4:12; 2 Timoteo
3:16, 17.
PAGBABAHAGI SA IBA NG KATOTOHANAN SA BIBLIYA
8 Habang sumisidhi ang pananampalataya sa iyong puso,
masusumpungan mong mahirap sarilinin ang iyong natututu-
han. (Jeremias 20:9) Lubha kang mauudyukang sabihin sa iba
ang tungkol sa Diyos at sa kaniyang mga layunin.—2 Corinto
4:13.
9 Sa mataktikang paraan, maaari mong simulang ibahagi sa

iyong mga kamag-anak, kaibigan, kapitbahay, at mga katraba-


ho ang mga katotohanan sa Bibliya. Di-magtatagal, nanaisin mo
nang makibahagi sa organisadong pangangaral ng mga Saksi ni
Jehova. Sa puntong iyan, malayang ipakipag-usap ang bagay na
ito sa Saksi na nagtuturo sa iyo ng Bibliya. Kung lumilitaw na
kuwalipikado ka na para sa pangmadlang ministeryo, gagawa ng
mga kaayusan upang ikaw at ang iyong guro ay kausapin ng da-
lawang matatanda sa kongregasyon.
10 Makatutulong ito upang lalo mong makilala ang ilan sa

Kristiyanong matatanda na nagpapastol sa kawan ng Diyos.


(Gawa 20:28; 1 Pedro 5:2, 3) Kapag nakita ng matatandang ito
na nauunawaan mo at pinaniniwalaan ang pangunahing mga
turo sa Bibliya, namumuhay ka alinsunod sa mga simulain ng
Diyos, at na talagang nais mong maging isang Saksi ni Jeho-
va, ipaaalam nila sa iyo na kuwalipikado ka nang makibahagi sa
pangmadlang ministeryo bilang di-bautisadong mamamahayag
ng mabuting balita.
11 Sa kabilang panig, baka kailangan mong gumawa ng ilang

pagbabago sa iyong istilo ng pamumuhay at mga kinaugalian


8. Ano ang magpapakilos sa iyo na ibahagi sa iba ang iyong natututuhan?
9, 10. (a) Kanino mo maaaring simulang ibahagi ang katotohanan sa Bibliya?
(b) Ano ang dapat mong gawin kung nais mo nang makibahagi sa organisadong
pangangaral ng mga Saksi ni Jehova?
11. Anong mga pagbabago ang kailangang gawin ng ilan bago sila maging ku-
walipikado sa pangmadlang ministeryo?
178 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

upang maging kuwalipikado sa pangmadlang ministeryo. Maa-


aring kasama rito ang paghinto mo sa paggawa ng ilang bagay
na lingid sa kaalaman ng iba. Kaya, bago ka magtanong hing-
gil sa pagiging di-bautisadong mamamahayag, kailangang hindi
ka na gumagawa ng malulubhang kasalanan, gaya ng seksuwal
na imoralidad, paglalasing, at pag-abuso sa droga.—1 Corinto 6:
9, 10; Galacia 5:19-21.
PAGSISISI AT PAGKAKUMBERTE
12 May iba pang hakbang na dapat gawin bago ka maging
kuwalipikado sa bautismo. Ganito ang sabi ni apostol Pedro:
“Magsisi kayo, at manumbalik upang mapawi ang inyong mga
kasalanan.” (Gawa 3:19) Ang pagsisisi ay pagkadama ng taim-
tim na kalungkutan sa isang bagay na nagawa mo. Maliwanag
na angkop ang pagsisisi kung ang isang tao ay may imoral na
pamumuhay, ngunit kailangan din ito kahit na ang isa ay mai-
tuturing na namuhay nang malinis sa moral. Bakit? Dahil ang
lahat ng tao ay makasalanan at nangangailangan ng kapatawa-
ran ng Diyos. (Roma 3:23; 5:12) Bago ka nag-aral ng Bibliya,
hindi mo pa alam ang kalooban ng Diyos. Kaya paano mo ma-
sasabing lubusan kang nakapamuhay alinsunod sa kaniyang
kalooban? Kung gayon, kailangan ang pagsisisi.
13 Ang pagsisisi ay dapat sundan ng pagkakumberte, o

‘panunumbalik.’ Higit pa ang dapat mong gawin bukod sa pag-


kadama ng kalungkutan. Kailangan mong talikuran ang iyong
dating paraan ng pamumuhay at maging lubusang determina-
do na magmula ngayon, gagawin mo na ang tama. Ang pagsisisi
at pagkakumberte ay mga hakbang na dapat mong gawin bago
mabautismuhan.
PAG-AALAY NG IYONG SARILI
14May isa pang mahalagang hakbang na dapat gawin bago
mabautismuhan. Kailangan mong ialay ang iyong sarili sa
Diyos na Jehova.
12. Bakit kailangan ang pagsisisi?
13. Ano ang pagkakumberte?
14. Anong mahalagang hakbang ang dapat mong gawin bago mabautismuhan?
Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos 179

15 Kapag iniaalay mo ang iyong sarili sa Diyos na Jehova


sa marubdob na panalangin, nangangako kang ibibigay mo sa
kaniya ang iyong bukod-tanging debosyon magpakailanman.
(Deuteronomio 6:15) Subalit bakit naman gugustuhin ng si-
numan na gawin iyan? Buweno, ipagpalagay na nagsimulang
manligaw ang isang lalaki sa isang babae. Habang lalong nakiki-
lala ng lalaki ang babae at nakikita ang magagandang katangian
nito, lalong naaakit ang lalaki sa kaniya. Sa kalaunan, natural la-
mang na hilingin ng lalaki sa babae na magpakasal ito sa kaniya.
Totoo, ang pag-aasawa ay mangangahulugan ng pagsasabalikat
ng karagdagang mga pananagutan. Ngunit pakikilusin siya ng
pag-ibig para gawin ang mahalagang hakbang na iyan.
16 Nang makilala mo si Jehova at ibigin siya, napakilos ka na

paglingkuran siya nang walang pag-aatubili o nang walang iti-


natakdang kundisyon sa pagsamba sa kaniya. Ang sinumang
nagnanais na sumunod sa Anak ng Diyos, si Jesu-Kristo, ay kai-
langan ‘magtatwa ng kaniyang sarili.’ (Marcos 8:34) Itinatatwa
natin ang ating sarili kung tinitiyak natin na ang ating perso-
nal na mga naisin at mga tunguhin ay hindi nakahahadlang sa
ating lubusang pagsunod sa Diyos. Kung gayon, bago ka mabau-
tismuhan, ang paggawa ng kalooban ng Diyos na Jehova ang
siyang dapat maging pangunahing layunin mo sa buhay.—1 Pe-
dro 4:2.
DAIGIN ANG TAKOT NA MABIGO
17 Nag-aatubili ang ilan na ialay ang kanilang sarili kay Jehova
dahil waring nangangamba sila sa gayon kaseryosong hakbang.
Baka ikinatatakot nila na mananagot sila sa Diyos bilang nakaa-
lay na Kristiyano. Palibhasa’y natatakot na baka mabigo nila si
Jehova, iniisip nila na mas mabuti pang huwag nang mag-alay sa
kaniya.
18 Habang natututuhan mong ibigin si Jehova, mapakikilos

ka na ialay ang iyong sarili sa kaniya at gawin ang iyong


15, 16. Ano ang kahulugan ng pag-aalay ng iyong sarili sa Diyos, at ano ang
nagpapakilos sa isang tao na gawin ito?
17. Bakit maaaring nag-aatubili ang ilan na ialay ang kanilang sarili sa Diyos?
18. Ano ang makapagpapakilos sa iyo na ialay ang iyong sarili kay Jehova?
Ang pagtatamo ng tumpak
na kaalaman sa Salita ng Diyos
ay isang mahalagang hakbang
tungo sa pagiging kuwalipikado
sa bautismo

Dapat kang pakilusin ng


pananampalataya na
ibahagi sa iba
ang iyong paniniwala

buong makakaya para tuparin


ito. (Eclesiastes 5:4) Pagka-
tapos mag-alay, tiyak na nanaisin mong “lumakad nang
karapat-dapat kay Jehova upang palugdan siya nang lubos.” (Co-
losas 1:10) Dahil sa iyong pag-ibig sa Diyos, hindi mo iisiping
napakahirap gawin ang kaniyang kalooban. Walang alinlangan
na sasang-ayon ka kay apostol Juan, na sumulat: “Ito ang kahu-
lugan ng pag-ibig sa Diyos, na tuparin natin ang kaniyang
mga utos; gayunma’y ang kaniyang mga utos ay hindi pabigat.”
—1 Juan 5:3.
19 Hindi mo kailangang maging sakdal upang maialay ang

iyong sarili sa Diyos. Alam ni Jehova ang iyong mga limitasyon at


hindi siya kailanman umaasa nang higit sa makakaya mo. (Awit
19. Bakit hindi ka dapat matakot na ialay ang iyong sarili sa Diyos?
Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos 181

103:14) Nais niyang magtagumpay ka at susuportahan at tutulu-


ngan ka niya. (Isaias 41:10) Makatitiyak ka na kung magtitiwala
ka kay Jehova nang iyong buong puso, siya ang “magtutuwid ng
iyong mga landas.”—Kawikaan 3:5, 6.
SAGISAGAN ANG IYONG PAG-AALAY
SA PAMAMAGITAN NG PAGPAPABAUTISMO
20 Ang pagsasaalang-alang sa mga bagay na katatalakay lamang

natin ay makatutulong sa iyo na mag-alay nang personal kay


20. Bakit hindi maaaring manatiling pribado ang pag-aalay kay Jehova?

Inialay mo na ba
ang iyong sarili sa Diyos Ang bautismo ay
sa panalangin? nangangahulugang namatay
na tayo sa ating dating
paraan ng pamumuhay at
nabuhay upang gawin
ang kalooban ng Diyos
182 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Jehova sa panalangin. Ang lahat ng talagang umiibig sa Diyos ay


dapat ding ‘gumawa ng pangmadlang pagpapahayag ukol sa ka-
ligtasan.’ (Roma 10:10) Paano mo gagawin iyan?
21 Ipaalam sa koordineytor ng lupon ng matatanda ng inyong

kongregasyon na gusto mo nang magpabautismo. Isasaayos niya


na repasuhin sa iyo ng ilang matatanda ang mga tanong na
sumasaklaw sa pangunahing mga turo sa Bibliya. Kapag sumang-
ayon ang matatandang ito na kuwalipikado ka, sasabihin nila
sa iyo na maaari kang mabautismuhan sa darating na asamblea
o kombensiyon.1 Isang pahayag na nagpapaalaala sa kahulugan
ng bautismo ang karaniwang ibinibigay sa gayong mga okasyon.
Pagkatapos, aanyayahan ng tagapagsalita ang lahat ng kandida-
to sa bautismo na sagutin ang dalawang simpleng tanong bilang
isang paraan ng berbal na “pangmadlang pagpapahayag” ng ka-
nilang pananampalataya.
22 Ang bautismo mismo ang nagpapakilala sa iyo sa madla na

ikaw ay nag-alay na sa Diyos at isa na ngayong Saksi ni Jehova.


Ang mga kandidato sa bautismo ay lubusang inilulubog sa tubig
upang ipakita sa madla na nag-alay na sila kay Jehova.

ANG KAHULUGAN NG IYONG BAUTISMO


23 Sinabi ni Jesus na ang kaniyang mga alagad ay babau-
tismuhan “sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng banal na
espiritu.” (Mateo 28:19) Nangangahulugan ito na kinikilala ng
kandidato sa bautismo ang awtoridad ng Diyos na Jehova at ni
Jesu-Kristo. (Awit 83:18; Mateo 28:18) Kinikilala rin niya ang
papel at gawain ng banal na espiritu, o aktibong puwersa, ng
Diyos.—Galacia 5:22, 23; 2 Pedro 1:21.
24 Gayunman, ang bautismo ay hindi lamang basta paglu-

1 Ang bautismo ay regular na bahagi ng taunang mga asamblea at mga kom-


bensiyon na idinaraos ng mga Saksi ni Jehova.

21, 22. Paano mo magagawa ang “pangmadlang pagpapahayag” ng iyong pa-


nanampalataya?
23. Ano ang kahulugan ng pagbabautismo “sa pangalan ng Ama at ng Anak at
ng banal na espiritu”?
24, 25. (a) Ano ang isinasagisag ng bautismo? (b) Anong tanong ang dapat
masagot?
Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos 183

lubog sa tubig. Ito ay sumasagisag sa isang napakahalagang


bagay. Ang paglubog sa tubig ay sumasagisag na namatay
ka na sa dati mong landasin sa buhay. Ang pag-ahon naman
´
sa tubig ay nagpapahiwatig na buhay ka na ngayon upang
gawin ang kalooban ng Diyos. Tandaan din na sa Diyos na Je-
hova ka mismo nag-alay, hindi sa isang gawain, layunin, sa
ibang tao, o sa isang organisasyon. Ang iyong pag-aalay at
´
bautismo ay pasimula ng isang napakalapıt na pakikipagkai-
bigan sa Diyos—isang matalik na kaugnayan sa kaniya.—Awit
25:14.
25 Ang bautismo ay hindi gumagarantiya ng kaligtasan. Ga-

nito ang isinulat ni apostol Pablo: “Patuloy kayong gumawa


ukol sa inyong sariling kaligtasan nang may takot at pangi-
nginig.” (Filipos 2:12) Ang bautismo ay pasimula lamang. Ang
tanong ay, Paano ka makapananatili sa pag-ibig ng Diyos? Sa-
sagutin ito ng huling kabanata.

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA


ˇ Ang bautismong Kristiyano ay nagsasangkot ng
lubusang paglulubog sa tubig at hindi ng pagwi-
wisik lamang.—Mateo 3:16.
ˇ Ang mga hakbang na umaakay sa bautismo
ay nagsisimula sa pagkuha ng kaalaman at pag-
papakita ng pananampalataya na sinusundan ng
pagsisisi, pagkakumberte, at pag-aalay ng sarili sa
Diyos.—Juan 17:3; Gawa 3:19; 18:8.
ˇ Upang maialay mo ang iyong sarili kay Jehova,
dapat mong itatwa ang iyong sarili, kung paa-
nong itinatwa ng mga tao ang kanilang sarili
upang sundan si Jesus.—Marcos 8:34.
ˇ Ang bautismo ay sagisag na namatay na ang
isa sa kaniyang dating paraan ng pamumuhay at
nabuhay upang gawin ang kalooban ng Diyos.
—1 Pedro 4:2.
KABANATA 19

Manatili sa Pag-ibig ng Diyos


Ano ang ibig sabihin ng ibigin ang Diyos?
Paano tayo makapananatili sa pag-ibig ng Diyos?
Paano gagantimpalaan ni Jehova ang mga nananatili
sa kaniyang pag-ibig?

GUNIGUNIHIN ang iyong sarili na naglalakad sa


daan sa isang araw na mabagyo. Lalong dumilim
ang kalangitan. Nagsimulang kumidlat, duma-
Gagawin mo gundong ang kulog, at pagkatapos ay bumuhos
bang kanlungan ang ulan. Dali-dali kang naghanap ng kanlu-
si Jehova sa ngan. Doon sa tabi ng daan, nakakita ka ng
mabagyong mga masisilungan. Ito ay matibay, tuyo, at kaayaaya.
panahong ito?
Kaylaki nga ng pasasalamat mo sa ligtas na da-
kong iyon!
2 Nabubuhay tayo sa mabagyong panahon.

Ang mga kalagayan sa daigdig ay palubha nang


palubha. Ngunit may isang ligtas na dako, isang
kanlungan kung saan maiingatan tayo mula sa
permanenteng pinsala. Ano ito? Pansinin ang iti-
nuturo ng Bibliya: “Sasabihin ko kay Jehova:
‘Ikaw ang aking kanlungan at aking moog, ang
aking Diyos, na pagtitiwalaan ko.’ ”—Awit 91:2.
3 Gunigunihin iyan! Si Jehova, ang Maylalang

at Soberano ng uniberso, ay maaari nating ma-


ging nagsasanggalang na kanlungan. Maiingatan
niya tayong ligtas, sapagkat di-hamak na mas
makapangyarihan siya kaysa sa sinuman o anu-
man na maaaring puminsala sa atin. Kahit na
1, 2. Saan tayo makasusumpong ng ligtas na kanlungan
sa ngayon?
3. Paano natin magiging kanlungan si Jehova?
Manatili sa Pag-ibig ng Diyos 185

mapinsala tayo, kayang pawiin ni Jehova ang lahat ng masasamang


epekto nito. Paano natin magiging kanlungan si Jehova? Kailangan
tayong magtiwala sa kaniya. Karagdagan pa, hinihimok tayo ng Sa-
lita ng Diyos: “Panatilihin ang inyong sarili sa pag-ibig ng Diyos.”
(Judas 21) Oo, kailangan nating manatili sa pag-ibig ng Diyos, anu-
pat pinananatili ang isang maibiging buklod sa ating makalangit
na Ama. Sa gayon, makatitiyak tayo na siya ang ating kanlungan.
Ngunit paano tayo magkakaroon ng gayong buklod?
PAGKILALA AT PAGTUGON SA PAG-IBIG NG DIYOS
4 Upang manatili sa pag-ibig ng Diyos, kailangang mabatid na-
tin kung paano ipinakikita ni Jehova ang kaniyang pag-ibig sa
atin. Pag-isipan ang ilan sa mga turo sa Bibliya na natutuhan mo
sa tulong ng aklat na ito. Bilang Maylalang, ibinigay ni Jehova sa
ˆ
atin ang lupa bilang kalugud-lugod na tahanan natin. Pinuno niya
ito ng saganang pagkain at tubig, likas na yaman, kawili-wiling
buhay-hayop, at magandang tanawin. Bilang Awtor ng Bibliya, isi-
niwalat sa atin ng Diyos ang kaniyang pangalan at ang kaniyang
mga katangian. Bukod diyan, isinisiwalat ng kaniyang Salita na isi-
nugo niya rito sa lupa ang kaniya mismong minamahal na Anak,
anupat pinahintulutang magdusa at mamatay si Jesus alang-alang
sa atin. (Juan 3:16) At ano ang kahulugan para sa atin ng regalong
iyan? Nagbibigay ito sa atin ng pag-asa na matamo ang isang ka-
mangha-manghang kinabukasan.
5 Ang ating pag-asa sa hinaharap ay nakasalalay rin sa isa pang

bagay na ginawa ng Diyos. Nagtatag si Jehova ng isang makalangit


na pamahalaan, ang Mesiyanikong Kaharian. Malapit na nitong
wakasan ang lahat ng pagdurusa at gawing paraiso ang lupa.
Isip-isipin iyan! Mabubuhay tayo roon sa kapayapaan at kaligaya-
han magpakailanman. (Awit 37:29) Samantala, binibigyan tayo ng
Diyos ng patnubay kung paano tayo mamumuhay sa ngayon sa
pinakamainam na paraang posible. Ibinigay rin niya sa atin ang
´
kaloob na panalangin, isang bukas na linya ng pakikipagtalastasan
sa kaniya. Ilan lamang ito sa mga paraan na ipinakikita ni Jehova
ang kaniyang pag-ibig para sa sangkatauhan sa pangkalahatan at
sa iyo bilang indibiduwal.
4, 5. Ano ang ilan sa mga paraan na ipinakikita ni Jehova ang kaniyang pag-
ibig sa atin?
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Ang napakahalagang tanong


6

na dapat mong isaalang-alang ay


ito: Paano ako tutugon sa pag-ibig
ni Jehova? Marami ang magsasabi,
“Buweno, dapat lamang na ibigin
ko rin si Jehova.” Ganiyan ba ang
nadarama mo? Sinabi ni Jesus na
ang pinakadakila sa lahat ng utos ay
ito: “Iibigin mo si Jehova na iyong Diyos nang iyong buong puso
at nang iyong buong kaluluwa at nang iyong buong pag-iisip.”
(Mateo 22:37) Tiyak na marami kang dahilan para ibigin ang
Diyos na Jehova. Ngunit ang pagkadama ba na may gayon kang
pag-ibig ang tanging nasasangkot sa pag-ibig kay Jehova nang
iyong buong puso, kaluluwa, at pag-iisip?
7 Gaya ng inilalarawan sa Bibliya, ang pag-ibig sa Diyos ay hi-

git pa kaysa sa damdamin. Sa katunayan, bagaman napakahalaga


ng pagkadama ng pag-ibig kay Jehova, ang damdaming iyan ay pa-
simula lamang ng tunay na pag-ibig sa kaniya. Napakahalaga ng
buto ng mansanas upang magkaroon ng namumungang puno ng
mansanas. Gayunman, kung gusto mo ng mansanas, masisiyahan
ka ba kung ang ibibigay lamang sa iyo ay buto ng mansanas? Si-
yempre hindi! Sa katulad na paraan, ang pagkadama ng pag-ibig
sa Diyos na Jehova ay pasimula lamang. Ganito ang itinuturo ng
Bibliya: “Ito ang kahulugan ng pag-ibig sa Diyos, na tuparin na-
tin ang kaniyang mga utos; gayunma’y ang kaniyang mga utos ay
hindi pabigat.” (1 Juan 5:3) Upang maging totoo ang pag-ibig sa
Diyos, dapat itong magluwal ng mainam na bunga. Dapat itong
ipakita sa gawa.—Mateo 7:16-20.
8 Ipinakikita natin ang ating pag-ibig sa Diyos kapag sinusu-

nod natin ang kaniyang mga utos at ikinakapit ang kaniyang


mga simulain. Hindi naman napakahirap gawin ito. Sa halip na
makapagpabigat, ang mga kautusan ni Jehova ay dinisenyo
upang tulungan tayong magkaroon ng maganda, maligaya, at ka-
siya-siyang buhay. (Isaias 48:17, 18) Sa pamumuhay alinsunod sa
6. Paano ka maaaring tumugon sa pag-ibig na ipinakikita ni Jehova sa iyo?
7. May higit pa bang nasasangkot sa pag-ibig sa Diyos bukod sa pagkadama
nito? Ipaliwanag.
8, 9. Paano natin maipakikita ang ating pag-ibig at pagpapahalaga sa Diyos?
Manatili sa Pag-ibig ng Diyos 187

patnubay ni Jehova, ipinakikita natin sa ating makalangit na Ama


na talagang pinahahalagahan natin ang lahat ng ginagawa niya
para sa atin. Nakalulungkot, iilan lamang sa daigdig sa ngayon ang
nagpapakita ng gayong pagpapahalaga. Ayaw nating maging di-
mapagpahalaga, gaya ng ilang taong nabuhay noong narito pa sa
lupa si Jesus. Pinagaling ni Jesus ang sampung ketongin, ngunit
isa lamang ang bumalik upang pasalamatan siya. (Lucas 17:12-17)
Tiyak na nais nating maging gaya ng isa na nagpasalamat at hindi
gaya ng siyam na walang utang na loob!
9 Kung gayon, anong mga utos ni Jehova ang kailangan nating

sundin? Marami sa mga utos na ito ang natalakay na natin sa aklat


na ito, pero repasuhin natin ang ilan. Ang pagsunod sa mga utos
ng Diyos ay tutulong sa atin na manatili sa pag-ibig ng Diyos.
´
MAGING LALONG MALAPIT KAY JEHOVA
10 Ang pagkatuto tungkol kay Jehova ay isang napakahalagang
´
hakbang upang maging malapıt sa kaniya. Ito ay dapat maging
isang patuluyang proseso. Kung nasa labas ka sa isang napakala-
mig na gabi at nagpapainit ka sa harap ng apoy,
10. Ipaliwanag kung bakit mahalaga na patuloy na kumu-
ha ng kaalaman tungkol sa Diyos na Jehova.

Tulad ng apoy, ang iyong pag-ibig kay Jehova


ay nangangailangan ng panggatong upang
manatili itong nagniningas
188 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

hahayaan mo bang unti-unting humina ang apoy hanggang sa ma-


matay ito? Hindi. Patuloy kang maglalagay ng panggatong upang
manatiling maningas at mainit ang apoy. Maaaring nakasalalay rito
ang mismong buhay mo! Kung paanong nagsisilbing panggatong
ang kahoy sa apoy, “ang mismong kaalaman sa Diyos” naman ang
nagpapaningas ng ating pag-ibig kay Jehova.—Kawikaan 2:1-5.
´
11 Nais ni Jesus na mapanatiling buhay at maningas ng kaniyang
mga tagasunod ang kanilang pag-ibig kay Jehova at sa Kaniyang
mahalagang Salita ng katotohanan. Nang siya’y buhaying muli, iti-
nuro ni Jesus sa dalawa sa kaniyang mga alagad ang tungkol sa ilan
sa mga hula sa Hebreong Kasulatan na natupad sa kaniya. Ano ang
naging epekto nito? Sinabi nila sa dakong huli: “Hindi ba nagnini-
ngas ang ating mga puso habang nagsasalita siya sa atin sa daan,
habang lubusan niyang binubuksan ang Kasulatan sa atin?”—Lu-
cas 24:32.
12 Nang una mong matutuhan kung ano talaga ang itinuturo ng

Bibliya, napansin mo ba na ang iyong puso ay nagsimulang mag-


ningas nang may kagalakan, sigasig, at pag-ibig sa Diyos? Tiyak na
gayon nga. Ganiyan din ang nadama ng marami. Ang hamon nga-
´
yon ay ang mapanatiling buhay ang masidhing damdaming iyan at
mapalago ito. Hindi natin gustong gayahin ang kalakaran ng sanli-
butan sa ngayon. Inihula ni Jesus: “Ang pag-ibig ng nakararami ay
lalamig.” (Mateo 24:12) Paano mo maiiwasang lumamig ang iyong
pag-ibig kay Jehova at sa mga katotohanan sa Bibliya?
13 Patuloy kang kumuha ng kaalaman tungkol sa Diyos na Je-

hova at kay Jesu-Kristo. (Juan 17:3) Bulay-bulayin, o pag-isipang


mabuti, ang natututuhan mo mula sa Salita ng Diyos, anupat tina-
tanong ang iyong sarili: ‘Ano ba ang itinuturo nito sa akin tungkol
sa Diyos na Jehova? Ano pang karagdagang dahilan ang ibinibigay
nito sa akin upang siya ay ibigin ko nang buong puso, pag-iisip,
at kaluluwa?’ (1 Timoteo 4:15) Sa pamamagitan ng gayong pagbu-
bulay-bulay, mapananatili mong maningas ang iyong pag-ibig kay
Jehova.
14 Ang isa pang paraan upang mapanatiling maningas ang iyong

11. Ano ang naging epekto ng pagtuturo ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod?
12, 13. (a) Ano ang nangyayari sa pag-ibig sa Diyos at sa Bibliya ng karamihan
sa mga tao sa ngayon? (b) Paano natin maiiwasang lumamig ang ating pag-ibig?
´
14. Paano makatutulong ang panalangin upang mapanatili nating buhay ang
ating pag-ibig kay Jehova?
Manatili sa Pag-ibig ng Diyos 189

pag-ibig kay Jehova ay ang regular na pananalangin. (1 Tesaloni-


ca 5:17) Sa Kabanata 17 ng aklat na ito, natutuhan natin na ang
panalangin ay isang mahalagang regalo mula sa Diyos. Kung paa-
´
nong lumalago ang ugnayan ng mga tao dahil sa regular at bukas
na pakikipagtalastasan, ang ating kaugnayan kay Jehova ay nana-
´
natiling mainit at buhay kapag regular tayong nananalangin sa
kaniya. Napakahalaga na huwag nating hahayaan kailanman na
maging mekanikal ang ating mga panalangin—rutin na mga sali-
ta lamang na inuulit-ulit natin nang walang tunay na damdamin
o kahulugan. Kailangang makipag-usap tayo kay Jehova gaya ng
pakikipag-usap ng isang anak sa kaniyang minamahal na ama. Sa-
bihin pa, nais nating maging magalang sa pakikipag-usap, ngunit
´
bukas, tapat, at mula sa puso. (Awit 62:8) Oo, ang personal na pag-
aaral ng Bibliya at marubdob na pananalangin ay napakahalagang
mga aspekto ng ating pagsamba, at tinutulungan tayo ng mga ito
na manatili sa pag-ibig ng Diyos.
MAKASUMPONG NG KAGALAKAN SA IYONG PAGSAMBA
15 Ang personal na pag-aaral ng Bibliya at pananalangin ay mga

gawa ng pagsamba na maaari nating gawin nang pribado. Suba-


lit isaalang-alang natin ngayon ang isang aspekto ng pagsamba
na isinasagawa natin nang hayagan: pakikipag-usap sa iba tungkol
sa ating mga paniniwala. Ibinabahagi mo na ba sa iba ang ilang
katotohanan sa Bibliya? Kung oo, tinatamasa mo na ang isang
kamangha-manghang pribilehiyo. (Lucas 1:74) Kapag ibinabahagi
natin ang mga katotohanang natututuhan natin tungkol sa Diyos
na Jehova, isinasagawa natin ang isang napakahalagang atas na
ibinigay sa lahat ng tunay na Kristiyano—ang pangangaral ng ma-
buting balita ng Kaharian ng Diyos.—Mateo 24:14; 28:19, 20.
16 Itinuring ni apostol Pablo na mahalaga ang kaniyang mi-

nisteryo, anupat tinawag itong kayamanan. (2 Corinto 4:7) Ang


pakikipag-usap sa mga tao tungkol sa Diyos na Jehova at sa
kaniyang mga layunin ang pinakamainam na gawaing maisasaka-
tuparan mo. Paglilingkod ito sa pinakamahusay na Panginoon, at
nagdudulot ito ng pinakamabubuting pakinabang na posible. Sa
pakikibahagi sa gawaing ito, tinutulungan mo ang tapat-pusong
15, 16. Bakit wasto nating maituturing ang pangangaral ng Kaharian bilang
isang pribilehiyo at isang kayamanan?
190 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
´
mga tao na mapalapıt sa ating makalangit na Ama at magsimu-
lang tahakin ang daang patungo sa buhay na walang hanggan!
May iba pa bang gawain na mas kasiya-siya kaysa rito? Karagdagan
pa, ang pagpapatotoo tungkol kay Jehova at sa kaniyang Sali-
ta ay nagpapatibay ng iyong pananampalataya at nagpapasidhi ng

Nais ni Jehova na tamasahin mo


ang “tunay na buhay.”
Gusto mo rin bang tamasahin ito?
Manatili sa Pag-ibig ng Diyos 191

iyong pag-ibig sa kaniya. At pinahahalagahan ni Jehova ang iyong


mga pagsisikap. (Hebreo 6:10) Ang pananatiling abala sa gayong
gawain ay tutulong sa iyo na manatili sa pag-ibig ng Diyos.—1 Co-
rinto 15:58.
17 Mahalagang tandaan na ang pangangaral ng Kaharian ay

apurahan. Sinasabi ng Bibliya: “Ipangaral mo ang salita, maging


apurahan ka rito.” (2 Timoteo 4:2) Bakit napakaapurahan ang pag-
gawa nito sa ngayon? Sinasabi sa atin ng Salita ng Diyos: “Ang
dakilang araw ni Jehova ay malapit na. Iyon ay malapit na, at
iyon ay lubhang minamadali.” (Zefanias 1:14) Oo, mabilis na du-
marating ang oras upang wakasan ni Jehova ang buong sistemang
ito ng mga bagay. Kailangang babalaan ang mga tao! Kailangan
nilang malaman na ngayon na ang panahon para piliin nila si Je-
hova bilang kanilang Soberano. Ang wakas ay ‘hindi maaantala.’
—Habakuk 2:3.
18 Nais ni Jehova na sambahin natin siya nang hayagan kasama

ng tunay na mga Kristiyano. Kaya naman sinasabi ng kaniyang


Salita: “Isaalang-alang natin ang isa’t isa upang mag-udyukan sa
pag-ibig at sa maiinam na gawa, na hindi pinababayaan ang ating
pagtitipon, gaya ng kinaugalian ng iba, kundi nagpapatibayang-
loob sa isa’t isa, at lalung-lalo na samantalang inyong nakikita na
papalapit na ang araw.” (Hebreo 10:24, 25) Kapag nagtitipon tayo
kasama ng mga kapananampalataya sa Kristiyanong mga pagpu-
pulong, mayroon tayong magandang pagkakataon para purihin at
sambahin ang ating minamahal na Diyos. Napatitibay at napasi-
sigla rin natin ang isa’t isa.
19 Habang nakikisama tayo sa ibang mananamba ni Jehova, na-

patitibay natin ang buklod ng pag-ibig at pakikipagkaibigan sa


loob ng kongregasyon. Mahalaga na hanapin natin ang magagan-
dang katangian ng iba, kung paanong hinahanap ni Jehova ang
magagandang katangian natin. Huwag umasa ng kasakdalan mula
sa iyong mga kapananampalataya. Tandaan na ang lahat ay nasa
iba’t ibang antas ng pagsulong sa espirituwal at na lahat tayo ay
nagkakamali. (Colosas 3:13) Sikaping bumuo ng matalik na paki-
17. Bakit apurahan sa ngayon ang ministeryong Kristiyano?
18. Bakit natin dapat sambahin si Jehova nang hayagan kasama ng tunay na
mga Kristiyano?
19. Paano natin mapatitibay ang buklod ng pag-ibig sa loob ng kongregasyong
Kristiyano?
192 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

kipagkaibigan sa mga may masidhing pag-ibig kay Jehova, at ma-


kikita mong susulong ka sa espirituwal. Oo, ang pagsamba kay
Jehova kasama ng iyong mga kapatid sa espirituwal ay tutulong sa
iyo na manatili sa pag-ibig ng Diyos. Paano ginagantimpalaan ni
Jehova yaong mga sumasamba sa kaniya nang buong katapatan at
sa gayo’y nananatili sa kaniyang pag-ibig?
ABUTIN ANG “TUNAY NA BUHAY”
20 Gagantimpalaan ni Jehova ng buhay ang kaniyang tapat na
mga lingkod, ngunit anong uri ng buhay? Buweno, nabubuhay
ka ba talaga sa ngayon? Ang karamihan sa atin ay magsasabi na
maliwanag naman ang sagot. Tutal, humihinga tayo, kumakain, at
umiinom. Siguro naman ay talagang nabubuhay tayo. At sa ating
mas maliligayang sandali, baka sinasabi pa nga natin, “Ito talaga
ang masarap na buhay!” Gayunman, ipinahihiwatig ng Bibliya na
sa mahalagang diwa, walang tao sa ngayon ang talagang nabubu-
hay.
21 Hinihimok tayo ng Salita ng Diyos na ‘manghawakang ma-

higpit sa tunay na buhay.’ (1 Timoteo 6:19) Ipinakikita ng mga


salitang iyon na ang “tunay na buhay” ay isang bagay na ina-
asahan nating matamo sa hinaharap. Oo, kapag naging sakdal
´
na tayo, magiging buhay tayo sa ganap na diwa ng salita, sapag-
kat mabubuhay tayo gaya ng orihinal na nilayon ng Diyos para sa
atin. Kapag nabubuhay na tayo sa paraisong lupa sa sakdal na ka-
lusugan, kapayapaan, at kaligayahan, tatamasahin na rin natin sa
wakas ang “tunay na buhay”—buhay na walang hanggan. (1 Timo-
teo 6:12) Hindi ba isang napakagandang pag-asa iyan?
22 Paano tayo ‘makapanghahawakang mahigpit sa tunay na bu-

hay’? Sa konteksto rin nito, hinimok ni Pablo ang mga Kristiyano


na “gumawa ng mabuti” at “maging mayaman sa maiinam na
gawa.” (1 Timoteo 6:18) Kung gayon, maliwanag na malaki ang
nakasalalay sa pagkakapit natin ng mga katotohanang ating natu-
tuhan sa Bibliya. Ngunit ang ibig bang sabihin ni Pablo ay
nararapat tayong tumanggap ng “tunay na buhay” dahil sa
ating mabubuting gawa? Hindi, sapagkat ang gayong kamang-
ha-manghang pag-asa ay nakasalalay talaga sa pagtanggap natin
20, 21. Ano ba ang “tunay na buhay,” at bakit ito isang napakagandang pag-asa?
22. Paano ka ‘makapanghahawakang mahigpit sa tunay na buhay’?
Manatili sa Pag-ibig ng Diyos 193

ng “di-sana-nararapat na kabaitan” ng Diyos. (Roma 5:15) Gayun-


man, nalulugod si Jehova na gantimpalaan ang mga naglilingkod
sa kaniya nang buong katapatan. Nais niyang makitang tinata-
masa mo ang “tunay na buhay.” Ang mga nananatili sa pag-ibig
ng Diyos ay makaaasa ng gayong maligaya, mapayapa, at walang-
hanggang buhay.
23 Makabubuting tanungin ng bawat isa sa atin ang kaniyang

sarili, ‘Sinasamba ko ba ang Diyos sa paraang itinakda niya sa Bi-


bliya?’ Kung titiyakin natin sa araw-araw na ang sagot ay oo,
kung gayon ay nasa tamang landas tayo. Makapagtitiwala tayo na
si Jehova ang ating kanlungan. Iingatan niyang ligtas ang kani-
yang tapat na bayan sa magulong mga huling araw ng matandang
sistemang ito ng mga bagay. Ililigtas din tayo ni Jehova tungo sa
maluwalhating bagong sistema ng mga bagay na kaylapit na. Tu-
nay ngang nananabik tayong makita ang panahong iyan! At tunay
ngang malulugod tayo na ginawa natin ang tamang mga pasiya sa
mga huling araw na ito! Kung gagawin mo na ngayon ang gayong
mga pagpapasiya, tatamasahin mo ang “tunay na buhay,” ang bu-
hay na talagang nilayon ng Diyos na Jehova, magpakailanman!
23. Bakit mahalaga na manatili sa pag-ibig ng Diyos?

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA


ˇ Ipinakikita natin ang ating tunay na pag-ibig sa
Diyos kapag sinusunod natin ang kaniyang mga
utos at ikinakapit ang kaniyang mga simulain.
—1 Juan 5:3.
ˇ Ang pag-aaral ng Salita ng Diyos, marubdob na
pananalangin kay Jehova, pagtuturo sa iba ng
tungkol sa kaniya, at pagsamba sa kaniya sa Kristi-
yanong mga pagpupulong ay tutulong sa atin na
manatili sa pag-ibig ng Diyos.—Mateo 24:14; 28:19,
20; Juan 17:3; 1 Tesalonica 5:17; Hebreo 10:24, 25.
ˇ Ang mga nananatili sa pag-ibig ng Diyos ay may
pag-asang magtamasa ng “tunay na buhay.”—1 Ti-
moteo 6:12, 19; Judas 21.
APENDISE

PAKSA PAHINA

Ang Banal na Pangalan—Ang Paggamit at Kahulugan Nito 9 9 9 9 195

Kung Paano Inihula ni Daniel ang Pagdating ng Mesiyas 9 9 9 9 9 197

Si Jesu-Kristo—Ang Ipinangakong Mesiyas 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 199

Ang Katotohanan Tungkol sa Ama,


sa Anak, at sa Banal na Espiritu 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 201

Kung Bakit Hindi Gumagamit ng


Krus sa Pagsamba ang Tunay na mga Kristiyano 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 204

Ang Hapunan ng Panginoon


—Isang Pagdiriwang na Nagpaparangal sa Diyos 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 206

“Kaluluwa” at “Espiritu”
—Ano ba Talaga ang Kahulugan ng mga Salitang Ito? 9 9 9 9 9 9 9 9 208

Ano ba ang Sheol at Hades? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 212

Araw ng Paghuhukom—Ano Ito? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 213

1914—Isang Mahalagang Taon sa Hula ng Bibliya 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 215

Sino si Miguel na Arkanghel? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 218

Pagkilala sa “Babilonyang Dakila” 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 219

Isinilang ba si Jesus sa Buwan ng Disyembre? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 221

Dapat ba Tayong Magdiwang ng mga Kapistahan? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 222


195

Ang Banal na Pangalan


—Ang Paggamit at Kahulugan Nito
PAANO isinalin sa iyong kopya ng Bibliya ang Awit 83:18? Ganito ang
pagkakasalin ng Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa ta-
latang ito: “Upang malaman ng mga tao na ikaw, na ang pangalan ay
Jehova, ikaw lamang ang Kataas-taasan sa buong lupa.” Ganito rin ang
pagkakasalin ng iba pang salin ng Bibliya. Gayunman, maraming salin
ang hindi gumagamit ng pangalang Jehova, anupat pinapalitan ito ng
mga titulong gaya ng “Panginoon” o “Walang-Hanggan.” Ano ba ang
dapat gamitin sa talatang ito? Isang titulo o ang pangalang Jehova?
Tinutukoy ng talatang ito ang isang pangalan. Sa orihinal na Hebreo

˘˙˘˝
na ginamit sa pagsulat ng kalakhang bahagi ng Bibliya, isang natata-
nging personal na pangalan ang lumilitaw rito.
Ang baybay nito sa mga letrang Hebreo ay ˘˙˘˝
(YHWH). Sa Tagalog, ang karaniwang salin sa
pangalang iyan ay “Jehova.” Ang pangalan bang
iyan ay lumilitaw lamang sa iisang talata sa Bi-
bliya? Hindi. Lumilitaw ito sa orihinal na teksto
ng Hebreong Kasulatan nang halos 7,000 ulit! Ang pangalan
ng Diyos sa mga
Gaano ba kahalaga ang pangalan ng Diyos? letrang Hebreo
Isaalang-alang ang modelong panalangin na
ibinigay ni Jesu-Kristo. Ganito ang pasimula
nito: “Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong panga-
lan.” (Mateo 6:9) Nang maglaon, nanalangin si Jesus sa Diyos: “Ama,
luwalhatiin mo ang iyong pangalan.” Bilang tugon, nagsalita ang
Diyos mula sa langit, na sinasabi: “Kapuwa ko ito niluwalhati at lulu-
walhatiing muli.” (Juan 12:28) Maliwanag, napakahalaga ng pangalan
ng Diyos. Kung gayon, bakit hindi ito ginamit ng ilang tagapagsalin sa
kanilang mga salin ng Bibliya at pinalitan pa ito ng mga titulo?
Waring may dalawang pangunahing dahilan. Una, marami ang nag-
sasabi na ang pangalang iyan ay hindi dapat gamitin dahil hindi na
alam sa ngayon ang orihinal na pagbigkas dito. Ang sinaunang He-
breo ay isinusulat nang walang mga patinig. Kung gayon, walang
sinuman sa ngayon ang tiyak na makapagsasabi kung paano eksak-
tong binibigkas ng mga tao noong panahon ng Bibliya ang YHWH.
Gayunman, dapat ba itong makahadlang sa atin sa paggamit sa pa-
ngalan ng Diyos? Noong panahon ng Bibliya, ang pangalang Jesus ay
maaaring binibigkas na Yeshua o marahil ay Yehoshua—walang sinu-
man ang nakatitiyak. Subalit ang mga tao sa buong daigdig sa
196 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ngayon ay gumagamit ng iba’t ibang anyo ng pangalang Jesus, anupat


binibigkas ito sa paraang karaniwan sa kanilang wika. Hindi sila nag-
aatubiling gamitin ang pangalang iyan dahil lamang sa hindi nila alam
kung paano ito binibigkas noong unang siglo. Sa katulad na paraan,
kung maglalakbay ka sa banyagang lupain, malamang na mapapansin
mong iba ang pagbigkas nila sa iyo mismong pangalan sa ibang wika.
Kaya naman, ang pagiging di-tiyak sa sinaunang pagbigkas sa pangalan
ng Diyos ay hindi dahilan upang hindi ito gamitin.
Ang ikalawang dahilan na madalas na ibinibigay kung bakit inaa-
lis ang pangalan ng Diyos sa Bibliya ay nagsasangkot ng isang matagal
nang tradisyon ng mga Judio. Naniniwala ang marami sa kanila na
ang pangalan ng Diyos ay hindi dapat bigkasin kailanman. Maliwanag
na ang paniniwalang ito ay salig sa maling pagkakapit ng isang kautu-
san sa Bibliya na nagsasabi: “Huwag mong gagamitin ang pangalan ni
Jehova na iyong Diyos sa walang-kabuluhang paraan, sapagkat hindi
hahayaan ni Jehova na di-naparurusahan ang gumagamit ng kaniyang
pangalan sa walang-kabuluhang paraan.”—Exodo 20:7.
Ipinagbabawal ng kautusang ito ang maling paggamit sa pangalan
ng Diyos. Ngunit ipinagbabawal ba nito ang magalang na paggamit
sa kaniyang pangalan? Hindi naman. Ang lahat ng mga manunulat
ng Bibliyang Hebreo (ang “Lumang Tipan”) ay tapat na mga lalaki na
namuhay ayon sa Kautusan na ibinigay ng Diyos sa sinaunang mga
Israelita. Gayunman, madalas nilang gamitin ang pangalan ng Diyos.
Halimbawa, inilakip nila ito sa maraming salmo na inaawit nang ma-
lakas ng mga pulutong ng mga mananamba. Tinagubilinan pa nga ng
Diyos na Jehova ang kaniyang mga mananamba na tumawag sa ka-
niyang pangalan, at sumunod naman ang tapat na mga indibiduwal.
(Joel 2:32; Gawa 2:21) Kaya naman, hindi nag-aatubili ang mga Kris-
tiyano sa ngayon na gamitin ang pangalan ng Diyos sa magalang na
paraan, gaya ng ginawa mismo ni Jesus.—Juan 17:26.
Malaking pagkakamali ang nagawa ng mga tagapagsalin ng Bibliya
nang palitan nila ng mga titulo ang pangalan ng Diyos. Ginawa nilang
waring malayo at walang personalidad ang Diyos, samantalang hinihi-
mok ng Bibliya ang mga tao na linangin ang “matalik na kaugnayan
kay Jehova.” (Awit 25:14) Isipin mo ang isang matalik na kaibigan. Ta-
´
laga kayang magiging malapıt ka sa iyong kaibigan kung hindi mo
man lamang nalalaman ang pangalan niya? Sa katulad na paraan, paa-
´ ´
no talaga mapapalapıt sa Diyos ang mga tao kung hindi nila nalalaman
ang pangalan ng Diyos na Jehova? Karagdagan pa, kung hindi gagami-
tin ng mga tao ang pangalan ng Diyos, hindi rin nila malalaman ang
kamangha-manghang kahulugan nito. Ano ba ang kahulugan ng banal
na pangalan?
Apendise 197

Ipinaliwanag mismo ng Diyos ang kahulugan ng kaniyang pangalan


sa tapat na lingkod niyang si Moises. Nang magtanong si Moises tung-
kol sa pangalan ng Diyos, sumagot si Jehova: “Ako ay magiging gayon
sa anumang ako ay magiging gayon.” (Exodo 3:14) Ganito ang pagka-
kasabi ng salin ni Rotherham: “Ako ay Magiging anuman na kalugdan
ko.” Kaya si Jehova ay maaaring maging anuman na kailangan upang
matupad ang kaniyang mga layunin.
Ipagpalagay na kaya mong maging anuman na nais mong maging.
Ano ang gagawin mo para sa iyong mga kaibigan? Kung nagkasakit
nang malubha ang isa sa kanila, puwede kang maging isang dalubha-
sang doktor at pagalingin siya. Kung bumagsak naman ang kabuhayan
ng isa, maaari kang maging isang mayamang pilantropo at saklolohan
siya. Gayunman, ang totoo ay limitado ka sa kung ano ang maaari kang
maging. Ganiyan tayong lahat. Habang pinag-aaralan mo ang Bibliya,
mamamangha kang makita kung paanong si Jehova ay nagiging anu-
man na kinakailangan upang matupad ang kaniyang mga layunin. At
nalulugod siyang gamitin ang kaniyang kapangyarihan alang-alang sa
mga umiibig sa kaniya. (2 Cronica 16:9) Ang magagandang aspektong
ito ng personalidad ni Jehova ay hindi nakikita ng mga hindi nakaba-
batid sa kaniyang pangalan.
Maliwanag, ang pangalang Jehova ay dapat gamitin sa Bibliya. Ang
pagkabatid sa kahulugan nito at ang malayang paggamit nito sa ating
´ ´
pagsamba ay mabibisang pantulong upang mapalapıt tayo sa ating ma-
kalangit na Ama, si Jehova.1

1 Para sa higit na impormasyon hinggil sa pangalan ng Diyos, kahulugan nito,


at mga dahilan kung bakit dapat gamitin ito sa pagsamba, tingnan ang brosyur na
Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman, na inilathala ng mga Sak-
si ni Jehova.

Kung Paano Inihula ni Daniel


ang Pagdating ng Mesiyas
NABUHAY si propeta Daniel mahigit na 500 taon bago pa isilang
si Jesus. Magkagayunman, isiniwalat ni Jehova kay Daniel ang im-
pormasyon na tutulong upang matukoy ang panahon kung kailan
papahiran, o hihirangin, si Jesus bilang Mesiyas, o Kristo. Sinabi kay
Daniel: “Alamin mo at magkaroon ka ng kaunawaan na mula sa pag-
labas ng salita na isauli at muling itayo ang Jerusalem hanggang sa
198 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Mesiyas na Lider, magkakaroon ng pitong sanlinggo, gayundin ng


animnapu’t dalawang sanlinggo.”—Daniel 9:25.
Upang malaman ang panahon ng pagdating ng Mesiyas, kaila-
ngan muna nating alamin ang pasimula ng yugto ng panahon na
aakay sa pagdating ng Mesiyas. Ayon sa hula, ito ay “mula sa
paglabas ng salita na isauli at muling itayo ang Jerusalem.” Kailan
naganap itong “paglabas ng salita”? Ayon sa manunulat ng Bibliya
na si Nehemias, lumabas ang salita na muling itayo ang mga pader
sa palibot ng Jerusalem “noong ikadalawampung taon ni Artajer-
jes na hari.” (Nehemias 2:1, 5-8) Pinatutunayan ng mga istoryador
´
na ang taong 474 B.C.E. ang unang buong taon ni Artajerjes bilang

“PITUMPUNG SANLINGGO”
490 taon

7 sanlinggo 62 sanlinggo 1 sanlinggo


(49 na taon) (434 na taon) (7 taon)

455 406 & B.C.E. C.E. ) 29 33 36

Dumating
Ang “salita ang Mesiyas
na isauli . . .
ang Jerusalem” ‘Kinitil’
ang Mesiyas

Wakas ng
“pitumpung
Muling itinayo sanlinggo”
ang Jerusalem
Apendise 199

tagapamahala. Kung gayon, ang ika-20 taon ng kaniyang pamama-


hala ay 455 B.C.E. Ngayon ay alam na natin ang pasimula ng hula
ni Daniel tungkol sa Mesiyas, samakatuwid nga, 455 B.C.E.
Binanggit ni Daniel kung kailan matatapos ang yugto ng pana-
hon na umaakay sa pagdating ng “Mesiyas na Lider.” Binanggit ng
hula ang “pitong sanlinggo, gayundin [ang] animnapu’t dalawang
sanlinggo”—may kabuuang 69 na sanlinggo. Gaano kahaba ang
yugtong ito ng panahon? Binanggit ng ilang salin ng Bibliya na
ang mga ito ay, hindi mga sanlinggo na may pitong araw, kundi
mga sanlinggo ng mga taon. Samakatuwid nga, bawat sanling-
go ay katumbas ng pitong taon. Ang ideyang ito ng mga sanlinggo
ng mga taon, o yugto ng panahon na may tigpipitong taon, ay
pamilyar sa mga Judio noong sinaunang panahon. Halimbawa, ipi-
nangingilin nila ang taon ng Sabbath tuwing ikapitong taon.
(Exodo 23:10, 11) Kung gayon, ang makahulang 69 na sanlinggo ay
katumbas ng 69 na yugto ng panahon na may 7 taon bawat isa, o
may kabuuang 483 taon.
Ang kailangan na lamang nating gawin ngayon ay magbilang.
Kung bibilang tayo mula 455 B.C.E., ang 483 taon ay aakay sa atin
´
sa taong 29 C.E. Iyan ang eksaktong taon nang si Jesus ay mabau-
tismuhan at maging Mesiyas!1 (Lucas 3:1, 2, 21, 22) Hindi ba iyan
isang kamangha-manghang katuparan ng hula sa Bibliya?

1 Mula 455 B.C.E. hanggang 1 B.C.E. ay 454 na taon. Mula 1 B.C.E. hanggang
´
1 C.E. ay isang taon (walang taong zero). At mula 1 C.E. hanggang 29 C.E. ay 28
taon. Kung susumahin ang tatlong bilang na ito, magkakaroon tayo ng kabuuang
bilang na 483 taon. Si Jesus ay ‘kinitil,’ o pinatay noong 33 C.E., sa panahon ng
ika-70 sanlinggo ng mga taon. (Daniel 9:24, 26) Tingnan ang Magbigay-Pansin sa
Hula ni Daniel! kabanata 11, at Insight on the Scriptures, Tomo 2, pahina 899-901.
Ang dalawang publikasyong ito ay inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

Si Jesu-Kristo
—Ang Ipinangakong Mesiyas
UPANG tulungan tayong makilala ang Mesiyas, kinasihan ng Diyos
na Jehova ang maraming propeta sa Bibliya upang maglaan ng mga
detalye tungkol sa pagsilang, ministeryo, at kamatayan ng ipinanga-
kong Tagapagligtas na ito. Ang lahat ng hulang ito sa Bibliya ay
200 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

MGA HULA MAY KAUGNAYAN SA MESIYAS


PANGYAYARI HULA KATUPARAN

Isinilang mula sa tribo ni Juda Genesis 49:10 Lucas 3:23-33

Isinilang ng isang birhen Isaias 7:14 Mateo 1:18-25

Inapo ni Haring David Isaias 9:7 Mateo 1:1, 6-17


Ipinahayag ni Jehova bilang
kaniyang Anak Awit 2:7 Mateo 3:17

Hindi pinaniwalaan Isaias 53:1 Juan 12:37, 38


Pumasok sa Jerusalem sakay
ng isang asno Zacarias 9:9 Mateo 21:1-9
Ipinagkanulo ng isang
´ Awit 41:9 Juan 13:18, 21-30
malapıt na kasama
Ipinagkanulo sa halagang
30 pirasong pilak Zacarias 11:12 Mateo 26:14-16
Tahimik sa harap ng
mga nag-akusa sa kaniya Isaias 53:7 Mateo 27:11-14
Pinagpalabunutan ang kaniyang
mga kasuutan Awit 22:18 Mateo 27:35

Nilait habang nasa tulos Awit 22:7, 8 Mateo 27:39-43

Walang butong nabali sa kaniya Awit 34:20 Juan 19:33, 36

Inilibing kasama ng mayayaman Isaias 53:9 Mateo 27:57-60

Ibinangon bago mabulok ang katawan Awit 16:10 Gawa 2:24, 27

Itinaas sa kanang kamay ng Diyos Awit 110:1 Gawa 7:56

natupad kay Jesu-Kristo. Kamangha-mangha ang pagiging tumpak at


detalyado ng mga ito. Upang ilarawan ito, isaalang-alang natin ang
ilang hula may kaugnayan sa pagsilang at pagkabata ng Mesiyas.
Inihula ni propeta Isaias na ang Mesiyas ay magiging inapo ni Ha-
ring David. (Isaias 9:7) Isinilang nga si Jesus sa angkan ni David.
—Mateo 1:1, 6-17.
Apendise 201

Humula si Mikas, isa pang propeta ng Diyos, na ang batang


ito ay magiging isang tagapamahala sa dakong huli at na isisilang
siya sa “Betlehem Eprata.” (Mikas 5:2) Noong panahong isilang
si Jesus, may dalawang bayan sa Israel na tinatawag na Betlehem.
Matatagpuan ang isa malapit sa Nazaret sa hilagang rehiyon ng
bansa, at ang isa naman ay malapit sa Jerusalem sa Juda. Ang Bet-
lehem na malapit sa Jerusalem ay dating tinatawag na Eprata. Si
Jesus ay isinilang sa bayang iyan, eksakto gaya ng inihula!—Mateo
2:1.
Sinabi ng isa pang hula sa Bibliya na ang Anak ng Diyos ay ta-
tawagin “mula sa Ehipto.” Dinala ang batang si Jesus sa Ehipto.
Iniuwi siya pagkamatay ni Herodes, sa gayo’y natupad ang hula.
—Oseas 11:1; Mateo 2:15.
Sa tsart sa pahina 200, ang mga kasulatan na nakatala sa ila-
lim ng uluhang “Hula” ay naglalaman ng mga detalye hinggil sa
Mesiyas. Pakisuyong ihambing ang mga ito sa mga kasulatan na
nakatala sa ilalim ng uluhang “Katuparan.” Ang paggawa nito ay
lalong magpapatibay ng iyong pananampalataya sa pagiging totoo
ng Salita ng Diyos.
Habang sinusuri mo ang mga kasulatang ito, isaisip na ang mga
inihula ay isinulat daan-daang taon bago pa isilang si Jesus. Gani-
to ang sabi ni Jesus: “Kailangang matupad ang lahat ng mga bagay
na nakasulat sa kautusan ni Moises at sa mga Propeta at Mga Awit
tungkol sa akin.” (Lucas 24:44) Gaya ng mapatutunayan mo sa
iyong sariling kopya ng Bibliya, natupad nga ang mga ito—sa ba-
wat detalye!

Ang Katotohanan Tungkol sa Ama,


sa Anak, at sa Banal na Espiritu
SINASABI ng mga taong naniniwala sa turo ng Trinidad na ang
Diyos ay binubuo ng tatlong persona—ang Ama, ang Anak, at
ang Banal na Espiritu. Sinasabing ang tatlong personang ito ay mag-
kakapantay, makapangyarihan-sa-lahat, at walang pasimula. Kung
gayon, ayon sa doktrina ng Trinidad, ang Ama ay Diyos, ang Anak
ay Diyos, at ang Banal na Espiritu ay Diyos, ngunit iisa lamang ang
Diyos.
202 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Marami sa mga naniniwala sa Trinidad ang umaamin na hindi nila


kayang ipaliwanag ang turong ito. Gayunman, baka inaakala nilang
itinuturo ito ng Bibliya. Kapansin-pansin na ang salitang “Trinidad”
ay hindi kailanman lumitaw sa Bibliya. Pero masusumpungan ba sa
Bibliya ang ideya ng Trinidad? Upang masagot ang tanong na ito,
tingnan natin ang isang kasulatan na madalas banggitin ng mga nag-
tataguyod ng Trinidad.
“ANG SALITA AY DIYOS”
Sinasabi ng Juan 1:1: “Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Ka-
sama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos.” (Magandang Balita
Biblia) Nang maglaon sa kabanata ring iyon, maliwanag na ipinakita
ni apostol Juan na “ang Salita” ay si Jesus. (Juan 1:14) Gayunman, ya-
mang ang Salita ay tinawag na Diyos, sinasabi ng ilan na ang Anak at
ang Ama ay walang-alinlangang bahagi ng iisang Diyos.
Tandaan na ang bahaging ito ng Bibliya ay orihinal na isinu-
lat sa wikang Griego. Nang maglaon, isinalin ng mga tagapagsalin
ang tekstong Griego sa iba pang mga wika. Gayunman, hindi gina-
mit ng ilang tagapagsalin ng Bibliya ang pariralang “ang Salita ay
Diyos.” Bakit hindi? Salig sa kanilang kaalaman sa wikang Griego
na ginamit sa pagsulat ng Bibliya, ipinasiya ng mga tagapagsa-
ling iyon na ang pariralang “ang Salita ay Diyos” ay dapat isalin
sa ibang paraan. Paano? Narito ang ilang halimbawa: “Ang Logos
[Salita] ay tulad-Diyos.” (A New Translation of the Bible) “Ang Salita
ay isang diyos.” (The New Testament in an Improved Version) “Ang
Salita ay kasama ng Diyos at nagtataglay sila ng iisang kaurian.”
(The Translator’s New Testament) Ayon sa mga saling ito, ang Sali-
ta ay hindi ang Diyos mismo.1 Sa halip, dahil sa kaniyang mataas
na posisyon sa mga nilalang ni Jehova, ang Salita ay tinukoy bilang
“isang diyos.” Dito ang salitang “diyos” ay nangangahulugang “ma-
kapangyarihang isa.”
KUMUHA NG HIGIT PANG IMPORMASYON
Ang karamihan sa mga tao ay walang kabatiran sa wikang Griego
na ginamit sa pagsulat ng Bibliya. Kaya paano mo malalaman kung
ano talaga ang ibig sabihin ni apostol Juan? Pag-isipan ang halimba-
wang ito: Ipinaliwanag ng isang guro sa paaralan ang isang paksa sa
kaniyang mga estudyante. Pagkatapos nito, iba-iba ang naging opin-
yon ng mga estudyante kung paano dapat unawain ang paliwanag.

1 Para sa higit pang pagtalakay sa Juan 1:1, tingnan Ang Bantayan ng Nobyem-
bre 1, 2008, pahina 24-25, inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Apendise 203

Paano lulutasin ng mga estudyante ang bagay na ito? Maaari silang


humingi sa guro ng higit pang impormasyon. Walang alinlangan,
ang pagkuha ng karagdagang impormasyon ay tutulong sa kanila
na maunawaan nang higit ang paksa. Sa katulad na paraan, upang
maunawaan ang kahulugan ng Juan 1:1, maaari mong tingnan ang
Ebanghelyo ni Juan para sa higit pang impormasyon hinggil sa posi-
syon ni Jesus. Ang pagkuha ng karagdagang impormasyon hinggil sa
paksang ito ay tutulong sa iyo na sumapit sa tamang konklusyon.
Halimbawa, isaalang-alang ang isinulat pa ni Juan sa kabanata 1,
talata 18: “Walang taong nakakita sa Diyos [na Makapangyarihan-sa-
lahat] kailanman.” Gayunman, nakita ng mga tao si Jesus, ang Anak,
sapagkat sinabi ni Juan: “Naging tao ang Salita [si Jesus] at siya’y na-
nirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at
kadakilaan.” (Juan 1:14, Mabuting Balita Biblia) Kung gayon, paano
magiging bahagi ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ang Anak?
Binanggit din ni Juan na ang Salita ay “kasama ng Diyos.” Pero paano
magiging kasama ng isa ang ibang indibiduwal at kasabay nito ay siya
rin ang indibiduwal na iyon? Karagdagan pa, gaya ng nakaulat sa Juan
17:3, niliwanag ni Jesus ang pagkakaiba niya at ng kaniyang makala-
ngit na Ama. Tinawag niya ang kaniyang Ama na “ang tanging tunay
na Diyos.” At sa pagtatapos ng kaniyang Ebanghelyo, ibinuod ni Juan
ang mga bagay-bagay sa pagsasabi: “Ang mga ito ay isinulat upang
maniwala kayo na si Jesus ang Kristo na Anak ng Diyos.” (Juan 20:31)
Pansinin na si Jesus ay tinawag na Anak ng Diyos, at hindi Diyos. Ipi-
nakikita ng karagdagang impormasyong ito na masusumpungan sa
Ebanghelyo ni Juan kung paano dapat unawain ang Juan 1:1. Si Jesus,
ang Salita, ay “isang diyos” sa diwa na may mataas siyang posisyon
ngunit hindi kapantay ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.
TIYAKIN ANG MGA KATOTOHANAN
Pag-isipang muli ang halimbawa ng guro sa paaralan at ng mga es-
tudyante. Gunigunihin na ang ilan ay nag-aalinlangan pa rin kahit na
narinig na nila ang karagdagang paliwanag ng guro. Ano ang maaari
nilang gawin? Maaari silang lumapit sa ibang guro para sa karag-
dagang impormasyon sa paksa ring iyon. Kung binigyang-katiyakan
ng ikalawang guro ang paliwanag ng una, mawawala ang pag-aalin-
langan ng karamihan sa mga estudyante. Sa katulad na paraan,
kung hindi ka nakatitiyak kung ano talaga ang sinasabi ng manunu-
lat ng Bibliya na si Juan hinggil sa kaugnayan ni Jesus at ng Diyos
na Makapangyarihan-sa-lahat, maaari kang bumaling sa ibang ma-
nunulat ng Bibliya para sa karagdagang impormasyon. Halimbawa,
204 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

isaalang-alang ang isinulat ni Mateo. Hinggil sa katapusan ng sis-


temang ito ng mga bagay, sinipi niya si Jesus na sinasabi: “May
kinalaman sa araw at oras na iyon ay walang sinuman ang nakaaalam,
kahit ang mga anghel sa mga langit kahit ang Anak, kundi ang Ama
lamang.” (Mateo 24:36) Paano pinatutunayan ng mga salitang ito na
hindi si Jesus ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat?
Sinabi ni Jesus na mas maraming nalalaman ang Ama kaysa sa
Anak. Gayunman, kung si Jesus ay bahagi ng Diyos na Makapangya-
rihan-sa-lahat, alam sana niya ang lahat ng impormasyon na alam ng
kaniyang Ama. Kung gayon, ang Anak at ang Ama ay hindi maaaring
maging magkapantay. Gayunman, sasabihin ng ilan: ‘Si Jesus ay may
dalawang kaurian. Dito ay nagsasalita siya bilang isang tao.’ Ngunit
kahit na iyan ang kalagayan, kumusta naman ang banal na espiritu?
Kung bahagi ito ng iisang Diyos na gaya ng Ama, bakit hindi sinabi ni
Jesus na alam nito ang nalalaman ng Ama?
Habang nagpapatuloy ka sa pag-aaral mo ng Bibliya, magiging pa-
milyar ka sa marami pang talata ng Bibliya na may kaugnayan sa
paksang ito. Pinatutunayan ng mga ito ang katotohanan tungkol sa
Ama, sa Anak, at sa banal na espiritu.—Awit 90:2; Gawa 7:55; Colosas
1:15.

Kung Bakit Hindi Gumagamit


ng Krus sa Pagsamba
ang Tunay na mga Kristiyano
ANG krus ay kinagigiliwan at iginagalang ng milyun-milyong tao. Ti-
natawag ng The Encyclopædia Britannica ang krus na “pangunahing
simbolo ng relihiyong Kristiyano.” Magkagayunman, hindi gumaga-
mit ng krus sa pagsamba ang tunay na mga Kristiyano. Bakit hindi?
Ang isang mahalagang dahilan ay sapagkat hindi sa krus nama-
tay si Jesu-Kristo. Ang salitang Griego na karaniwan nang isinasaling
“krus” ay stau·ros. Ito ay pangunahin nang nangangahulugang
“isang tuwid na haligi o tulos.” Ganito ang sabi ng The Companion
Bible: “Ang [stau·ros] ay hindi kailanman nangangahulugan ng dala-
wang piraso ng kahoy na pinagkrus sa anumang anggulo . . . Walang
anumang nakaulat sa wikang Griego ng [Bagong Tipan] na nagpapa-
hiwatig man lamang ng dalawang piraso ng kahoy.”
Apendise 205

Sa ilang teksto, gumamit ang mga manunulat ng Bibliya ng ibang


salita para sa instrumento ng kamatayan ni Jesus. Ito ay ang sali-
tang Griego na xylon. (Gawa 5:30; 10:39; 13:29; Galacia 3:13; 1 Pedro
2:24) Ang salitang ito ay nangangahulugan lamang ng “kahoy” o
“isang patpat, pamalo, o punungkahoy.”
Sa pagpapaliwanag kung bakit isang simpleng tulos ang kadalasang
ginagamit sa mga pagbitay, ganito ang sabi ng aklat na Das Kreuz und
die Kreuzigung (Ang Krus at ang Pagpapako sa Krus), ni Hermann Ful-
da: “Walang makukuhang mga punungkahoy sa mga lugar na pinili
para sa pangmadlang pagbitay. Kaya ibinabaon sa lupa ang isang sim-
pleng poste. Dito itinatali o ipinapako ang mga kriminal, na nakataas
ang kanilang mga kamay at kadalasan pati ang kanilang mga paa ay
nakatali rin o nakapako sa ibaba.”
Gayunman, ang pinakanakakukumbinsing patotoo sa lahat ay nag-
mumula sa Salita ng Diyos. Ganito ang sabi ni apostol Pablo: “Sa
pamamagitan ng pagbili ay pinalaya tayo ni Kristo mula sa sumpa ng
Kautusan sa pamamagitan ng pagiging isang sumpa na kapalit natin,
sapagkat nasusulat: ‘Isinumpa ang bawat tao na nakabayubay sa tulos
[“punong kahoy,” Ang Biblia].’ ” (Galacia 3:13) Dito ay sinipi ni Pablo
ang Deuteronomio 21:22, 23, na maliwanag na tumutukoy sa isang
tulos at hindi sa isang krus. Yamang nagiging “sumpa” ang isang tao
na pinatay sa gayong paraan, hindi magiging angkop para sa mga
Kristiyano na gawing dekorasyon sa kanilang mga tahanan ang mga
imahen ni Kristo na nakabayubay.
Sa unang 300 taon pagkamatay ni Kristo, walang patotoo na
gumamit ng krus sa pagsamba ang nag-aangking mga Kristiyano.
Gayunman, noong ikaapat na siglo, ang paganong si Empera-
dor Constantino ay nakumberte sa apostatang Kristiyanismo at
itinaguyod niya ang krus bilang simbolo nito. Anuman ang motibo
ni Constantino, walang kinalaman ang krus kay Jesu-Kristo. Sa ka-
tunayan, pagano ang pinagmulan ng krus. Ganito ang pag-amin ng
New Catholic Encyclopedia: “Ang krus ay masusumpungan kapuwa
sa mga kultura bago ang panahong Kristiyano at sa mga kulturang
di-Kristiyano.” Iniuugnay ng iba pang mga awtoridad ang krus sa pag-
samba sa kalikasan at sa paganong mga ritwal sa sekso.
Kung gayon, bakit itinataguyod ang paganong simbolo na ito? Ma-
liwanag na ito ay upang maging mas madali sa mga pagano na
tanggapin ang “Kristiyanismo.” Magkagayunman, ang debosyon sa
anumang paganong simbolo ay maliwanag na hinahatulan ng Bibli-
ya. (2 Corinto 6:14-18) Ipinagbabawal din ng Kasulatan ang lahat ng
anyo ng idolatriya. (Exodo 20:4, 5; 1 Corinto 10:14) Kung gayon, may
206 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

napakatibay na dahilan ang tunay na mga Kristiyano para hindi gu-


mamit ng krus sa pagsamba.1

1 Para sa mas detalyadong pagtalakay sa krus, tingnan ang pahina 122-6 ng ak-
lat na Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

Ang Hapunan ng Panginoon—Isang


Pagdiriwang na Nagpaparangal sa Diyos
INUTUSAN ang mga Kristiyano na ipagdiwang ang Memoryal ng ka-
matayan ni Kristo. Ang pagdiriwang na ito ay tinatawag ding “ang
hapunan ng Panginoon.” (1 Corinto 11:20) Bakit ba napakahalaga
nito? Kailan at paano ito dapat ipagdiwang?
Pinasimulan ni Jesu-Kristo ang pagdiriwang na ito nang gabi ng
Paskuwa ng mga Judio noong 33 C.E. Ang Paskuwa ay isang pagdiri-
wang na ginaganap minsan lamang sa isang taon, tuwing ika-14 na
araw ng buwan ng Nisan ng mga Judio. Upang makalkula ang pe-
tsang iyan, maliwanag na hinihintay ng mga Judio ang spring
equinox. Ito ang araw na may humigit-kumulang sa 12 oras
ng liwanag at 12 oras ng kadiliman. Ang unang makiki-
tang bagong buwan na pinakamalapit sa spring equinox
ang nagtatakda ng pagpapasimula ng Nisan. Ang Pasku-
wa ay ipinagdiriwang 14 na araw pagkatapos nito,
pagkalubog ng araw.
Ipinagdiwang ni Jesus ang Paskuwa kasama ang
kaniyang mga apostol, pinaalis si Judas Iscariote, at
pagkatapos ay pinasimulan ang Hapunan ng Pangi-
noon. Hinalinhan ng hapunang ito ang Paskuwa ng
mga Judio at sa gayo’y dapat ipagdiwang nang minsan la-
mang sa isang taon.
Ganito ang ulat ng Ebanghelyo ni Mateo: “Kumuha
si Jesus ng tinapay at, pagka-
tapos bumigkas ng pagpapala,
pinagputul-putol niya ito at,
nang ibinibigay sa mga alagad,
sinabi niya: ‘Kunin ninyo, kai-
nin ninyo. Ito ay nangangahulugan ng
Apendise 207

aking katawan.’ Gayundin, kumuha siya ng isang kopa at, nang ma-
kapagpasalamat, ibinigay niya ito sa kanila, na sinasabi: ‘Uminom
kayo mula rito, kayong lahat; sapagkat ito ay nangangahulugan ng
aking “dugo ng tipan,” na siyang ibubuhos alang-alang sa marami
ukol sa kapatawaran ng mga kasalanan.’ ”—Mateo 26:26-28.
Naniniwala ang ilan na binago ni Jesus ang tinapay tungo sa lite-
ral na laman niya at ang alak tungo sa kaniyang dugo. Gayunman,
ang katawang laman ni Jesus ay buo pa rin nang ipamahagi niya ang
tinapay na ito. Talaga bang kinain ng mga apostol ni Jesus ang ka-
niyang literal na laman at ininom ang kaniyang dugo? Hindi, dahil
iyan ay kanibalismo at isang paglabag sa kautusan ng Diyos. (Gene-
sis 9:3, 4; Levitico 17:10) Ayon sa Lucas 22:20, sinabi ni Jesus: “Ang
kopang ito ay nangangahulugan ng bagong tipan sa bisa ng aking
dugo, na siyang ibubuhos alang-alang sa inyo.” Ang kopa bang
iyon ay literal na naging “bagong tipan”? Magiging imposible iyon,
yamang ang tipan ay isang kasunduan at hindi isang bagay na naha-
hawakan.
Kaya naman, ang tinapay at ang alak ay mga sagisag lamang. Ang
tinapay ay sumasagisag sa sakdal na katawan ni Kristo. Gumamit si
Jesus ng isang tinapay na natira sa hapunan ng Paskuwa. Ang tinapay
ay walang lebadura, o pampaalsa. (Exodo 12:8) Ginagamit ng Bibli-
ya ang lebadura bilang sagisag ng kasalanan o kasiraan. Kung gayon,
ang tinapay ay lumalarawan sa sakdal na katawan na inihain ni Je-
sus. Wala itong kasalanan.—Mateo 16:11, 12; 1 Corinto 5:6, 7; 1 Pedro
2:22; 1 Juan 2:1, 2.
Ang pulang alak ay kumakatawan sa dugo ni Jesus. Ang dugong
iyan ang nagbibigay-bisa sa bagong tipan. Sinabi ni Jesus na ibinu-
hos ang kaniyang dugo “ukol sa kapatawaran ng mga kasalanan.” Sa
gayo’y maaaring maging malinis ang mga tao sa paningin ng Diyos
at pumasok sa isang bagong pakikipagtipan kay Jehova. (Hebreo
9:14; 10:16, 17) Sa pamamagitan naman ng tipang ito, o kontrata, na-
ging posible para sa 144,000 tapat na mga Kristiyano na magtungo sa
langit. Doon ay maglilingkod sila bilang mga hari at mga saserdote
upang pagpalain ang buong sangkatauhan.—Genesis 22:18; Jeremias
31:31-33; 1 Pedro 2:9; Apocalipsis 5:9, 10; 14:1-3.
Sino ang dapat makibahagi sa mga emblemang ito sa Memoryal?
Makatuwiran na yaong mga kasama lamang sa bagong tipan—sama-
katuwid nga, yaong mga may pag-asang magtungo sa langit—ang
dapat makibahagi sa tinapay at sa alak. Ang banal na espiritu ng
Diyos ang kumukumbinsi sa gayong mga indibiduwal na sila ay
208 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

pinili upang maging makalangit na mga hari. (Roma 8:16) Kabilang


din sila sa tipan ukol sa Kaharian kasama ni Jesus.—Lucas 22:29.
Kumusta naman ang mga may pag-asang mabuhay magpakailan-
man sa Paraiso sa lupa? Sinusunod nila ang utos ni Jesus at
dumadalo sila sa Hapunan ng Panginoon, ngunit hindi bilang
mga nakikibahagi sa emblema kundi bilang magagalang na taga-
pagmasid. Minsan sa isang taon, pagkalubog ng araw sa Nisan 14,
ipinagdiriwang ng mga Saksi ni Jehova ang Hapunan ng Panginoon.
Bagaman iilan lamang sa buong daigdig ang nagsasabing may ma-
kalangit na pag-asa sila, mahalaga ang pagdiriwang na ito sa lahat
ng Kristiyano. Isa itong okasyon kung kailan maaaring bulay-bula-
yin ng lahat ang pinakasukdulang pag-ibig ng Diyos na Jehova at ni
Jesu-Kristo.—Juan 3:16.

“Kaluluwa” at “Espiritu”—Ano ba Talaga


ang Kahulugan ng mga Salitang Ito?
ANO ang naiisip mo kapag narinig mo ang mga salitang “kaluluwa”
at “espiritu”? Marami ang naniniwala na ang mga salitang ito ay
nangangahulugan ng isang di-nakikita at imortal na bagay na umi-
iral sa loob natin. Iniisip nila na sa kamatayan, ang di-nakikitang
bahaging ito ng isang tao ay umaalis sa katawan at nananatiling bu-
hay. Yamang napakalaganap ng paniniwalang ito, marami ang
nagugulat kapag nalaman nilang hindi pala ito itinuturo ng Bibliya.
Kung gayon, ano ang kaluluwa, at ano ang espiritu, ayon sa Salita
ng Diyos?
ANG PAGKAKAGAMIT NG “KALULUWA” SA BIBLIYA
Una, isaalang-alang ang kaluluwa. Maaaring natatandaan mo na
ang Bibliya ay orihinal na isinulat pangunahin na sa wikang Hebreo
at Griego. Nang isinusulat nila ang tungkol sa kaluluwa, ginamit ng
mga manunulat ng Bibliya ang salitang Hebreo na nephesh o ang
salitang Griego na psy·khe. Ang dalawang salitang ito ay lumitaw
nang mahigit na 800 ulit sa Kasulatan, at palaging isinasalin ng
Bagong Sanlibutang Salin ang mga salitang ito bilang “kaluluwa.”
Kung susuriin mo ang pagkakagamit ng “kaluluwa” o “mga kalulu-
wa” sa Bibliya, maliwanag na ang salitang ito ay pangunahin nang
Apendise 209

tumutukoy sa (1) mga tao, (2) mga hayop, o (3) buhay ng mga tao
o ng mga hayop. Isaalang-alang natin ang ilang kasulatan na nagpa-
pakita sa tatlong magkakaibang diwa na ito.
Mga tao. “Noong mga araw ni Noe . . . iilang tao, samakatu-
wid nga, walong kaluluwa, ang dinalang ligtas sa tubig.” (1 Pedro
3:20) Dito ang salitang “kaluluwa” ay maliwanag na kumakatawan
sa mga tao—si Noe, ang kaniyang asawa, ang tatlo niyang anak na
lalaki, at ang kani-kanilang asawa. Binabanggit ng Exodo 16:16 ang
mga tagubilin na ibinigay sa mga Israelita may kaugnayan sa pagti-
tipon ng manna. Sinabi sa kanila: “Mamulot kayo niyaon . . . ayon
sa bilang ng mga kaluluwa na naroroon sa tolda ng bawat isa sa
inyo.” Kaya ang dami ng manna na tinitipon ay batay sa bilang ng
mga tao sa bawat pamilya. Ang iba pang mga halimbawa sa Bibliya
kung saan tumutukoy ang “kaluluwa” o “mga kaluluwa” sa isang
tao o sa mga tao ay masusumpungan sa Genesis 46:18; Josue 11:11;
Gawa 27:37; at Roma 13:1.
Mga hayop. Sa ulat ng Bibliya hinggil sa paglalang, mababasa
natin: “Sinabi ng Diyos: ‘Bukalan ang tubig ng kulupon ng mga ka-
´
luluwang buhay at magliparan ang mga lumilipad na nilalang sa
itaas ng lupa sa ibabaw ng kalawakan ng langit.’ At sinabi ng Diyos:
´
‘Bukalan ang lupa ng mga kaluluwang buhay ayon sa kani-kanilang
uri, maamong hayop at gumagalang hayop at mailap na hayop sa
lupa ayon sa uri nito.’ At nagkagayon nga.” (Genesis 1:20, 24) Sa
tekstong ito, ang mga isda, maaamo at maiilap na hayop ay tinukoy
lahat sa pamamagitan ng iisang salita—‘mga kaluluwa.’ Ang mga
ibon at iba pang mga hayop ay tinatawag na mga kaluluwa sa Gene-
sis 9:10; Levitico 11:46; at Bilang 31:28.
Buhay ng isang tao. Kung minsan ang salitang “kaluluwa” ay
nangangahulugan ng buhay ng isang tao. Sinabi ni Jehova kay Moi-
ses: “Ang lahat ng tao na naghahanap sa iyong kaluluwa ay patay
na.” (Exodo 4:19) Ano ang pinaghahanap ng mga kaaway ni Moi-
ses? Hinahangad nilang kitlin ang buhay ni Moises. Nauna rito,
habang isinisilang ni Raquel ang kaniyang anak na si Benjamin,
“[naglaho] ang kaniyang kaluluwa (sapagkat namatay siya).” (Ge-
nesis 35:16-19) Nang oras na iyon, naglaho ang buhay ni Raquel.
Isaalang-alang din ang mga salita ni Jesus: “Ako ang mabuting
pastol; ibinibigay ng mabuting pastol ang kaniyang kaluluwa alang-
alang sa mga tupa.” (Juan 10:11) Ibinigay ni Jesus ang kaniyang
kaluluwa, o buhay, alang-alang sa sangkatauhan. Sa mga talatang
ito ng Bibliya, ang salitang “kaluluwa” ay maliwanag na tumutukoy
210 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

sa buhay ng isang tao. Makasusumpong ka pa ng maraming ha-


limbawa ng ganitong kahulugan ng “kaluluwa” sa 1 Hari 17:17-23;
Mateo 10:39; Juan 15:13; at Gawa 20:10.
Ang higit pang pag-aaral sa Salita ng Diyos ay magpapakita sa
iyo na walang anumang bahagi ng Bibliya ang nag-uugnay sa mga
salitang “imortal” o “walang hanggan” sa salitang “kaluluwa.” Sa
halip, sinasabi ng Kasulatan na ang isang kaluluwa ay mortal, ibig
sabihin ay namamatay ito. (Ezekiel 18:4, 20) Kaya naman, ang ta-
wag lamang ng Bibliya sa isa na namatay ay “patay na kaluluwa.”
—Levitico 21:11.
TINUKOY KUNG ANO ANG “ESPIRITU”
Isaalang-alang natin ngayon ang paggamit ng Bibliya sa salitang
“espiritu.” Iniisip ng ilang tao na ang “espiritu” ay ibang sali-
ta lamang para sa “kaluluwa.” Ngunit hindi gayon. Nililiwanag ng
Bibliya na ang “espiritu” at “kaluluwa” ay tumutukoy sa dalawang
magkaibang bagay. Ano ang ipinagkaiba nila?
Ginagamit ng mga manunulat ng Bibliya ang salitang Hebreo na
ruach o ang salitang Griego na pneuma kapag isinusulat ang tung-
kol sa “espiritu.” Ipinakikita mismo ng Kasulatan ang kahulugan ng
mga salitang ito. Halimbawa, sinasabi ng Awit 104:29: “Kung aali-
sin mo [Jehova] ang kanilang espiritu [ruach], pumapanaw sila, at
bumabalik sila sa alabok.” At binanggit ng Santiago 2:26 na “ang ka-
tawan na walang espiritu [pneuma] ay patay.” Kung gayon, sa mga
talatang ito, ang “espiritu” ay tumutukoy sa isang bagay na nagbibi-
gay-buhay sa katawan. Kung walang espiritu, ang katawan ay patay.
Kaya sa Bibliya, ang salitang ruach ay isinasalin hindi lamang bi-
lang “espiritu” kundi gayundin bilang “puwersa,” o puwersa ng
buhay. Halimbawa, tungkol sa Baha noong panahon ni Noe, sina-
bi ng Diyos: “Dadalhin ko ang delubyo ng tubig sa ibabaw ng lupa
upang lipulin ang lahat ng laman na may puwersa [ruach] ng buhay
sa silong ng langit.” (Genesis 6:17; 7:15, 22) Kaya ang “espiritu” ay
tumutukoy sa di-nakikitang puwersa (ang ningas ng buhay) na nag-
´
bibigay-buhay sa lahat ng nilalang na buhay.
Hindi magkapareho ang kaluluwa at espiritu. Kailangan ng kata-
wan ang espiritu kung paanong kailangan ng radyo ang kuryente
—upang gumana. Para mailarawan pa ito nang higit, isaalang-alang
ang isang radyo. Kapag nilagyan mo ng mga batirya ang isang ra-
dyo at pinaandar ito, ang kuryente na nakaimbak sa mga batirya ang
magbibigay-buhay sa radyo, wika nga. Subalit kung walang batirya,
ang radyo ay patay. Gayundin ang mangyayari sa ibang uri ng radyo
Apendise 211

kapag hinugot ito mula sa saksakan ng kuryente. Sa katulad na para-


an, ang espiritu ang puwersa na nagbibigay-buhay sa ating katawan.
Gayundin, tulad ng kuryente, ang espiritu ay walang damdamin at
hindi nakapag-iisip. Isa itong puwersa na walang personalidad. Ngu-
nit kung wala ang espiritung iyan, o puwersa ng buhay, ang ating
katawan ay ‘papanaw, at babalik sa alabok,’ gaya ng sabi ng salmista.
Sa pagtukoy sa kamatayan ng tao, ganito ang sabi ng Eclesiastes
12:7: “Ang alabok [ng kaniyang katawan] ay babalik sa lupa gaya ng
dati at ang espiritu ay babalik sa tunay na Diyos na nagbigay nito.”
Kapag nawala sa katawan ang espiritu, o puwersa ng buhay, nama-
matay ang katawan at bumabalik sa pinagmulan nito—ang lupa. Sa
katulad na paraan, ang puwersa ng buhay ay bumabalik sa pinag-
mulan nito—ang Diyos. (Job 34:14, 15; Awit 36:9) Hindi naman ito
nangangahulugan na ang puwersa ng buhay ay aktuwal na naglalak-
bay patungo sa langit. Sa halip, nangangahulugan ito na para sa isa
na namatay, nakasalalay sa Diyos na Jehova ang anumang pag-asa
sa buhay sa hinaharap. Nasa kamay ng Diyos ang kaniyang buhay,
wika nga. Tangi lamang sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos
maibabalik ang espiritu, o puwersa ng buhay, na kailangan upang
mabuhay-muli ang isang tao.
Nakaaaliw ngang malaman na ito mismo ang gagawin ng Diyos
para sa lahat ng mga nagpapahinga na sa “mga alaalang libingan”!
(Juan 5:28, 29) Sa panahon ng pagkabuhay-muli, gagawa si Jehova
ng bagong katawan para sa isang indibiduwal na natutulog sa kama-
tayan at bubuhayin itong muli sa pamamagitan ng paglalagay rito
ng espiritu, o puwersa ng buhay. Tunay ngang magiging isang napa-
kasayang panahon iyon!
Kung gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa mga sali-
tang “kaluluwa” at “espiritu” ayon sa pagkakagamit sa Bibliya,
makasusumpong ka ng kapaki-
pakinabang na impormasyon
sa brosyur na Ano ang Nang-
yayari sa Atin Kapag Tayo ay
Namatay? at sa pahina 100-5
at 158-62 ng aklat na Nanga-
ngatuwiran Mula sa Kasulatan,
na parehong inilathala ng mga
Saksi ni Jehova.
212

Ano ba ang Sheol at Hades?


SA ORIHINAL na mga wika nito, ginamit ng Bibliya ang salitang
Hebreo na sheohl at ang katumbas nito sa Griego na haides nang
mahigit na 70 ulit. Ang dalawang salitang ito ay nauugnay sa kama-
tayan. Isinasalin ang mga ito ng ilang bersiyon ng Bibliya bilang
“libingan,” “impiyerno,” o “hukay.” Gayunman, ang karamihan sa
mga wika ay walang katumbas na salita na naghahatid ng eksak-
tong diwa ng mga salitang ito na Hebreo at Griego. Kaya ginamit
ng Bagong Sanlibutang Salin ang mga salitang “Sheol” at “Hades.”
Ano ba talaga ang kahulugan ng mga salitang ito? Tingnan natin
kung paano ginagamit ang mga ito sa iba’t ibang talata ng Bibliya.
Ganito ang sinasabi ng Eclesiastes 9:10: “Walang gawa ni katha
man ni kaalaman man ni karunungan man sa Sheol, ang dako na
iyong paroroonan.” Nangangahulugan ba ito na ang Sheol ay tu-
mutukoy sa isang espesipiko, o partikular, na dakong libingan
kung saan natin inilibing ang isang mahal sa buhay? Hindi. Kapag
tinutukoy ng Bibliya ang isang espesipikong dakong libingan, gu-
magamit ito ng ibang salitang Hebreo at Griego, hindi ng sheohl
at haides. (Genesis 23:7-9; Mateo 28:1) Gayundin, hindi ginagamit
ng Bibliya ang salitang “Sheol” para sa isang libingan kung saan
ilang indibiduwal ang magkakasamang nakalibing, gaya ng libi-
ngan ng pamilya o pangmaramihang libingan.—Genesis 49:30, 31.
Kung gayon, sa anong uri ng lugar tumutukoy ang “Sheol”?
Ipinakikita ng Salita ng Diyos na ang “Sheol,” o “Hades,” ay tu-
mutukoy sa isang bagay na mas malaki pa kaysa sa isang malaking
pangmaramihang libingan. Halimbawa, binanggit ng Isaias 5:14
na ang Sheol ay ‘maluwang at nakabukang mabuti ang bibig nito
nang walang hangganan.’ Bagaman nilamon na ng Sheol, wika
nga, ang napakaraming patay na tao, para bang gutom pa rin ito.
(Kawikaan 30:15, 16) Di-tulad ng anumang literal na dakong libi-
ngan, na makapaglalaman lamang ng limitadong bilang ng mga
patay, “ang Sheol . . . ay walang kasiyahan.” (Kawikaan 27:20) Sa-
makatuwid nga, hindi kailanman nabubusog ang Sheol. Wala
itong limitasyon. Kaya ang Sheol, o Hades, ay hindi isang literal
na dako sa isang espesipikong lokasyon. Sa halip, ito ang karani-
wang libingan ng patay na sangkatauhan, ang makasagisag na dako
kung saan ang kalakhang bahagi ng sangkatauhan ay natutulog sa
kamatayan.
Apendise 213

Tinutulungan tayo ng turo ng Bibliya hinggil sa pagkabuhay-


muli na magkaroon ng higit pang kaunawaan sa kahulugan ng
“Sheol” at “Hades.” Iniuugnay ng Salita ng Diyos ang Sheol at Ha-
des sa uri ng kamatayan na magkakaroon ng pagkabuhay-muli.1
(Job 14:13; Gawa 2:31; Apocalipsis 20:13) Ipinakikita rin ng Salita
ng Diyos na hindi lamang ang mga naglingkod kay Jehova ang ka-
bilang sa mga nasa Sheol, o Hades, kundi ang marami ring hindi
naglingkod sa kaniya. (Genesis 37:35; Awit 55:15) Kaya naman, iti-
nuturo ng Bibliya na magkakaroon ng “pagkabuhay-muli kapuwa
ng mga matuwid at mga di-matuwid.”—Gawa 24:15.

1 Sa kabaligtaran, ang mga patay na hindi na bubuhaying muli ay inilalarawang


nasa “Gehenna,” wala sa Sheol, o Hades. (Mateo 5:30; 10:28; 23:33) Tulad ng Sheol
at Hades, ang Gehenna ay hindi isang literal na dako.

Araw ng Paghuhukom—Ano Ito?


PAANO mo ilalarawan ang Araw ng Paghuhukom? Marami ang
nag-iisip na isa-isang dadalhin sa harapan ng trono ng Diyos
ang bilyun-bilyong kaluluwa. Doon hahatulan ang bawat indibidu-
wal. Ang ilan ay gagantimpalaang magtamasa ng paraiso sa langit,
at ang iba naman ay papatawan ng walang-hanggang pagpapahirap.
Gayunman, ibang-iba ang paglalarawan ng Bibliya sa yugtong ito ng
panahon. Inilalarawan ito ng Salita ng Diyos, hindi bilang isang naka-
sisindak na panahon, kundi isang panahon ng pag-asa at pagsasauli.
Sa Apocalipsis 20:11, 12, mababasa natin ang paglalarawan ni apos-
tol Juan hinggil sa Araw ng Paghuhukom: “Nakita ko ang isang
malaking tronong puti at ang isa na nakaupo roon. Mula sa harap
niya ay tumakas ang lupa at ang langit, at walang dakong nasumpu-
ngan para sa kanila. At nakita ko ang mga patay, ang malalaki at ang
maliliit, na nakatayo sa harap ng trono, at nabuksan ang mga balum-
bon. Ngunit may iba pang balumbon na nabuksan; ito ang balumbon
ng buhay. At ang mga patay ay hinatulan batay sa mga bagay na
nakasulat sa mga balumbon ayon sa kanilang mga gawa.” Sino ang
Hukom na inilalarawan dito?
Ang Diyos na Jehova ang sukdulang Hukom ng sangkatauhan. Ga-
yunman, iniatas niya sa iba ang aktuwal na paghuhukom. Ayon sa
Gawa 17:31, sinabi ni apostol Pablo na ang Diyos ay “nagtakda . . . ng
214 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

isang araw kung kailan nilalayon niyang hatulan ang tinatahanang


lupa ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng isang lalaki na kaniyang
inatasan.” Ang inatasang Hukom na ito ay ang binuhay-muling si
Jesu-Kristo. (Juan 5:22) Subalit kailan magsisimula ang Araw ng Pag-
huhukom? Gaano ba ito katagal?
Ipinakikita ng aklat ng Apocalipsis na magsisimula ang Araw ng
Paghuhukom pagkatapos ng digmaan ng Armagedon, kapag napuk-
sa na ang sistema ni Satanas sa lupa.1 (Apocalipsis 16:14, 16; 19:19–
20:3) Pagkatapos ng Armagedon, si Satanas at ang kaniyang mga de-
monyo ay ibibilanggo sa kalaliman sa loob ng isang libong taon. Sa
panahong iyan, ang 144,000 kasamang mga tagapagmana sa langit ay
magiging mga hukom at mamamahala “bilang mga hari na kasama
ng Kristo sa loob ng isang libong taon.” (Apocalipsis 14:1-3; 20:1-4;
Roma 8:17) Ang Araw ng Paghuhukom ay hindi isang mabilis na
pangyayari na tatagal lamang nang 24 na oras. Tatagal ito nang isang
libong taon.
Sa loob ng yugtong iyon na isang libong taon, ‘hahatulan ni Jesu-
´
Kristo ang mga buhay at ang mga patay.’ (2 Timoteo 4:1) Ang “mga
´
buhay” ay ang “malaking pulutong” na makaliligtas sa Armagedon.
(Apocalipsis 7:9-17) Nakita rin ni apostol Juan “ang mga patay . . . na
nakatayo sa harap ng trono” ng paghatol. Gaya ng ipinangako ni Jesus,
ang “nasa mga alaalang libingan ay makaririnig ng . . . tinig [ni Kristo]
at lalabas” sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli. (Juan 5:28, 29; Gawa
24:15) Ngunit saan nakasalig ang gagawing paghatol sa lahat?
Ayon sa pangitain ni apostol Juan, “nabuksan ang mga balumbon,”
at “ang mga patay ay hinatulan batay sa mga bagay na nakasulat
sa mga balumbon ayon sa kanilang mga gawa.” Ang mga balumbon
bang ito ang rekord ng nakalipas na mga ginawa ng mga tao? Hindi,
ang paghatol ay hindi isasalig sa ginawa ng mga tao bago sila nama-
tay. Paano natin nalaman iyan? Ganito ang sinasabi ng Bibliya: “Siya
na namatay ay napawalang-sala na mula sa kaniyang kasalanan.”
(Roma 6:7) Kaya ang mga bubuhaying muli ay magkakaroon ng ma-
linis na rekord, wika nga. Kung gayon, malamang na kumakatawan
ang mga balumbon sa karagdagang mga kahilingan ng Diyos. Upang
mabuhay magpakailanman, ang mga makaliligtas sa Armagedon at
ang mga bubuhaying muli ay kailangang sumunod sa mga utos ng
Diyos, kabilang na ang anumang bagong kahilingan na maaaring

1 Hinggil sa Armagedon, pakisuyong tingnan ang Insight on the Scriptures,


Tomo 1, pahina 594-5, 1037-8, at ang kabanata 20 ng Sambahin ang Tanging Tu-
nay na Diyos, na parehong inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Apendise 215

isiwalat ni Jehova sa panahon ng isang libong taon. Samakatuwid,


hahatulan ang mga indibiduwal salig sa gagawin nila sa panahon ng
Araw ng Paghuhukom.
Ang Araw ng Paghuhukom ay magbibigay sa bilyun-bilyong tao
ng kanilang kauna-unahang pagkakataon upang matuto tungkol sa
kalooban ng Diyos at maiayon ang kanilang sarili alinsunod dito. Na-
ngangahulugan ito na magkakaroon ng malawakang pagtuturo. Sa
katunayan, “katuwiran ang siyang matututuhan ng mga tumatahan
sa mabungang lupain.” (Isaias 26:9) Subalit hindi lahat ay magiging
handang sumunod sa kalooban ng Diyos. Sinabi ng Isaias 26:10:
“Pagpakitaan man ng lingap ang balakyot, hindi rin siya matututo ng
katuwiran. Sa lupain ng katapatan ay gagawi siya nang walang kata-
rungan at hindi niya makikita ang karilagan ni Jehova.” Permanente
nang papatayin ang mga balakyot sa Araw ng Paghuhukom.—Isaias
65:20.
Sa pagtatapos ng Araw ng Paghuhukom, ang mga taong ma-
kaliligtas ay ‘mabubuhay’ nang lubusan bilang sakdal na mga tao.
(Apocalipsis 20:5) Sa gayo’y makikita sa Araw ng Paghuhukom ang
pagsasauli sa sangkatauhan sa orihinal na sakdal na kalagayan
nito. (1 Corinto 15:24-28) Pagkatapos ay magaganap ang pangwa-
kas na pagsubok. Pakakawalan si Satanas sa pagkakabilanggo at
´
pahihintulutan siyang iligaw ang sangkatauhan sa kahuli-hulihang
pagkakataon. (Apocalipsis 20:3, 7-10) Tatamasahin ng mga sasalan-
sang sa kaniya ang ganap na katuparan ng pangako ng Bibliya: “Ang
mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at tatahan sila roon mag-
pakailanman.” (Awit 37:29) Oo, ang Araw ng Paghuhukom ay
magiging isang pagpapala sa buong tapat na sangkatauhan!

1914—Isang Mahalagang Taon


sa Hula ng Bibliya
MARAMING dekada patiuna, inihayag ng mga estudyante ng Bibliya
´
na magkakaroon ng mahahalagang pangyayari sa taong 1914. Anu-
ano ba ang mga ito, at anong ebidensiya ang nagpapakita na isa
ngang mahalagang taon ang 1914?
Gaya ng nakaulat sa Lucas 21:24, sinabi ni Jesus: “Ang Jerusalem
ay yuyurakan ng mga bansa, hanggang sa matupad ang mga takdang
216 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

panahon ng mga bansa [“mga panahon ng mga Gentil,” Ang Biblia].”


Ang Jerusalem ang naging kabiserang lunsod ng bansang Judio—ang
sentro ng pamamahala ng linya ng mga hari mula sa sambahayan ni
Haring David. (Awit 48:1, 2) Gayunman, namumukod-tangi ang mga
haring ito sa lahat ng iba pang mga lider ng mga bansa. Naupo sila
sa “trono ni Jehova” bilang mga kinatawan ng Diyos mismo. (1 Cro-
nica 29:23) Kaya, ang Jerusalem ay sagisag noon ng pamamahala ni
Jehova.
Gayunman, paano at kailan nagsimulang ‘yurakan ng mga ban-
sa’ ang pamamahala ng Diyos? Naganap ito noong 607 B.C.E. nang
lupigin ng mga Babilonyo ang Jerusalem. Nabakante ang “trono ni
Jehova,” at naputol ang linya ng mga hari na nagmula kay David.
(2 Hari 25:1-26) Magpapatuloy ba nang walang hanggan ang ‘pagyu-
rak’ na ito? Hindi, sapagkat ganito ang sinabi ng hula ni Ezekiel
hinggil sa huling hari ng Jerusalem, si Zedekias: “Hubarin mo ang
turbante, at alisin mo ang korona. . . . Hindi nga iyon aariin ninuman
hanggang sa dumating siya na may legal na karapatan, at ibibigay ko

“PITONG PANAHON”
2,520 taon

606 1⁄4 na taon 1,913 3⁄4 na taon


Oktubre 607 B.C.E. hanggang Enero 1, 1 C.E. hanggang
Disyembre 31, 1 B.C.E. Oktubre 1914

607 & B.C.E. C.E. ) 1914

“Ang Jerusalem ay “Dumating siya na may


yuyurakan ng legal na karapatan”
mga bansa”
Apendise 217

iyon sa kaniya.” (Ezekiel 21:26, 27) Ang may “legal na karapatan” sa


Davidikong korona ay si Kristo Jesus. (Lucas 1:32, 33) Kaya magwawa-
kas ang ‘pagyurak’ kapag naging Hari na si Jesus.
Kailan magaganap ang mahalagang pangyayaring iyan? Ipinakita
ni Jesus na mamamahala ang mga Gentil sa loob ng isang takdang
haba ng panahon. Ang ulat sa Daniel kabanata 4 ang susi upang
malaman kung gaano kahaba ang yugtong iyan. Inilalahad nito ang
makahulang panaginip ni Haring Nabucodonosor ng Babilonya. Na-
kita niyang pinutol ang isang pagkalaki-laking punungkahoy. Hindi
makasibol ang tuod nito dahil binigkisan ito ng bakal at tanso. Sina-
bi ng isang anghel: “Bayaang . . . pitong panahon ang palipasin dito.”
—Daniel 4:10-16.
Sa Bibliya, ginagamit kung minsan ang mga punungkahoy upang
kumatawan sa pamamahala. (Ezekiel 17:22-24; 31:2-5) Kaya ang pag-
putol sa makasagisag na punungkahoy ay lumalarawan sa pagputol sa
pamamahala ng Diyos, na kinakatawanan ng mga hari sa Jerusalem.
Gayunman, ipinahayag sa pangitain na ang ‘pagyurak na ito sa Je-
rusalem’ ay magiging pansamantala lamang—isang yugto ng “pitong
panahon.” Gaano ba kahaba ang yugtong iyan?
Ipinakikita ng Apocalipsis 12:6, 14 na ang tatlo at kalahating pa-
nahon ay katumbas ng “isang libo dalawang daan at animnapung
araw.” Ang “pitong panahon” kung gayon ay mas mahaba nang da-
lawang beses, o 2,520 araw. Ngunit ang ‘pagyurak’ ng mga bansang
Gentil sa pamamahala ng Diyos ay hindi natapos sa loob lamang ng
2,520 araw matapos bumagsak ang Jerusalem. Kung gayon, maliwa-
nag na ang hulang ito ay sumasaklaw sa isang mas mahabang yugto
ng panahon. Salig sa Bilang 14:34 at Ezekiel 4:6, na bumabanggit na
ang “isang araw ay isang taon,” ang “pitong panahon” ay sasaklaw ng
2,520 taon.
Nagsimula ang 2,520 taon noong Oktubre 607 B.C.E., nang bu-
magsak ang Jerusalem sa mga Babilonyo at inalis sa trono ang hari na
nagmula sa linya ni David. Nagwakas ang yugtong iyan noong Oktu-
bre 1914. Nang panahong iyon, nagwakas ang “takdang panahon ng
mga bansa,” at iniluklok ng Diyos si Jesu-Kristo bilang makalangit na
Hari.1—Awit 2:1-6; Daniel 7:13, 14.

1 Mula Oktubre 607 B.C.E. hanggang Oktubre 1 B.C.E. ay 606 na taon. Yamang
´
walang taong zero, mula Oktubre 1 B.C.E. hanggang Oktubre 1914 C.E. ay 1,914
na taon. Kapag pinagsama ang 606 na taon at 1,914 na taon, ito ay may kabuu-
ang 2,520 taon. Para sa impormasyon hinggil sa pagbagsak ng Jerusalem noong
607 B.C.E., tingnan ang artikulong “Chronology” sa Insight on the Scriptures, na
inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
218 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Gaya ng inihula ni Jesus, makikita sa kaniyang “pagkanaririto”


bilang makalangit na Hari ang kapansin-pansing mga pangyayari
sa daigdig—digmaan, taggutom, lindol, at salot. (Mateo 24:3-8; Lu-
cas 21:11) Ang gayong mga pangyayari ay matibay na ebidensiya ng
katotohanan na 1914 nga ang hudyat ng pagsilang ng makalangit
na Kaharian ng Diyos at ng pasimula ng “mga huling araw” ng ka-
salukuyang masamang sistemang ito ng mga bagay.—2 Timoteo 3:
1-5.

Sino si Miguel na Arkanghel?


BIHIRANG mabanggit sa Bibliya ang espiritung nilalang na ti-
natawag na Miguel. Subalit kapag tinutukoy siya, aktibo siya at
laging may ginagawa. Sa aklat ng Daniel, nakikipagbaka si Miguel
sa masasamang anghel; sa liham ni Judas, nakikipagtalo siya kay
Satanas; at sa Apocalipsis, nakikipagdigma siya sa Diyablo at sa
mga demonyo nito. Sa pagtatanggol sa pamamahala ni Jehova at
paglaban sa mga kaaway ng Diyos, tinutupad ni Miguel ang kahu-
lugan ng kaniyang pangalan—“Sino ang Kagaya ng Diyos?” Pero
sino ba si Miguel?
Kung minsan, nakikilala ang mga indibiduwal hindi lamang sa
iisang pangalan. Halimbawa, ang patriyarkang si Jacob ay nakila-
la rin bilang Israel, at si apostol Pedro, bilang Simon. (Genesis
49:1, 2; Mateo 10:2) Sa katulad na paraan, ipinakikita ng Bi-
bliya na ang Miguel ay isa pang pangalan ni Jesu-Kristo, bago
at pagkatapos niyang mabuhay sa lupa. Isaalang-alang natin ang
maka-Kasulatang mga dahilan ng gayong konklusyon.
Arkanghel. Tinutukoy ng Salita ng Diyos si Miguel na “arkang-
hel.” (Judas 9) Ang terminong ito ay nangangahulugang “punong
anghel.” Ang salitang “arkanghel” ay lumilitaw sa Bibliya sa
anyong pang-isahan lamang at hindi kailanman sa anyong pang-
maramihan. Ipinahihiwatig nito na iisa lamang ang gayong
anghel. Karagdagan pa, nauugnay si Jesus sa posisyon ng arkang-
hel. Hinggil sa binuhay-muling Panginoong Jesu-Kristo, sinasabi
ng 1 Tesalonica 4:16: “Ang Panginoon mismo ay bababa mula sa
langit na may nag-uutos na panawagan, may tinig ng arkanghel.”
Apendise 219

Kaya inilalarawan ang tinig ni Jesus bilang yaong sa arkanghel.


Kung gayon, ipinahihiwatig ng kasulatang ito na si Jesus mismo
ang arkanghel na si Miguel.
Pinuno ng Hukbo. Sinasabi ng Bibliya na si “Miguel at ang
kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon . . . at [sa] mga
anghel nito.” (Apocalipsis 12:7) Samakatuwid, si Miguel ang Pi-
nuno ng hukbo ng tapat na mga anghel. Inilalarawan din ng
Apocalipsis si Jesus bilang Pinuno ng hukbo ng tapat na mga
anghel. (Apocalipsis 19:14-16) Espesipikong binanggit ni apostol
Pablo ang “Panginoong Jesus” at ang “kaniyang makapangyari-
hang mga anghel.” (2 Tesalonica 1:7) Kaya tinutukoy ng Bibliya
kapuwa si Miguel at ang “kaniyang mga anghel” at si Jesus at ang
“kaniyang mga anghel.” (Mateo 13:41; 16:27; 24:31; 1 Pedro 3:22)
Yamang walang anumang ipinahihiwatig ang Salita ng Diyos na
may dalawang hukbo ng tapat na mga anghel sa langit—isa na
pinamumunuan ni Miguel at isa na pinamumunuan ni Jesus—
lohikal lamang na isipin na si Miguel ay walang iba kundi si Jesu-
Kristo sa kaniyang makalangit na papel.1

1 Masusumpungan ang higit pang impormasyon na nagpapakitang ang panga-


lang Miguel ay kumakapit sa Anak ng Diyos sa Tomo 2, pahina 393-4, ng Insight
on the Scriptures, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

Pagkilala sa “Babilonyang Dakila”


NAGLALAMAN ang aklat ng Apocalipsis ng mga kapahayagan
na hindi dapat unawain sa literal na paraan. (Apocalipsis 1:1)
Halimbawa, binabanggit nito ang isang babae na may pangalang
“Babilonyang Dakila” na nakasulat sa kaniyang noo. Sinasabing
nakaupo ang babaing ito sa “mga pulutong at mga bansa.” (Apoca-
lipsis 17:1, 5, 15) Yamang walang literal na babae ang makagagawa
nito, tiyak na makasagisag ang Babilonyang Dakila. Kaya ano ang
inilalarawan ng makasagisag na patutot na ito?
Sa Apocalipsis 17:18, inilarawan ang makasagisag na babae ring
iyon bilang “ang dakilang lunsod na may kaharian sa mga hari sa
lupa.” Ang terminong “lunsod” ay nagpapahiwatig ng isang orga-
nisadong grupo ng mga tao. Yamang may kontrol ang “dakilang
220 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

lunsod” na ito sa “mga hari sa lupa,” malamang na ang babaing


tinatawag na Babilonyang Dakila ay isang maimpluwensiya at in-
ternasyonal na organisasyon. May kawastuan itong matatawag na
isang pandaigdig na imperyo. Anong uri ng imperyo? Relihiyoso.
Pansinin kung paano tayo inaakay ng ilang kaugnay na mga talata
sa aklat ng Apocalipsis tungo sa konklusyong ito.
Ang isang imperyo ay maaaring pulitikal, komersiyal, o relihiyo-
so. Ang babaing pinanganlang Babilonyang Dakila ay hindi isang
pulitikal na imperyo sapagkat sinasabi ng Salita ng Diyos na ‘naki-
apid’ siya sa “mga hari sa lupa,” o pulitikal na mga elemento ng
sanlibutang ito. Ang pakikiapid niya ay tumutukoy sa mga pakiki-
pag-alyansa niya sa mga tagapamahala ng lupang ito at iyan ang
dahilan kung bakit siya tinatawag na “dakilang patutot.”—Apocalip-
sis 17:1, 2; Santiago 4:4.
Hindi maaaring maging isang komersiyal na imperyo ang Ba-
bilonyang Dakila sapagkat ang mga “mangangalakal sa lupa,” na
kumakatawan sa komersiyal na mga elemento, ay magdadalam-
hati sa panahon ng kaniyang pagkapuksa. Sa katunayan, ang
mga hari at mga mangangalakal ay inilarawan na nakatingin sa
Babilonyang Dakila mula sa “malayo.” (Apocalipsis 18:3, 9, 10, 15-
17) Kung gayon, makatuwiran lamang isipin na ang Babilonyang
Dakila ay, hindi isang pulitikal o komersiyal na imperyo, kundi re-
lihiyoso.
Lalo pang napatunayan ang relihiyosong pagkakakilanlan ng Ba-
bilonyang Dakila dahil sa pananalitang inililigaw niya ang mga
bansa sa pamamagitan ng kaniyang “mga espiritistikong gawain.”
(Apocalipsis 18:23) Yamang ang lahat ng anyo ng espiritismo ay na-
uugnay sa relihiyon at galing sa mga demonyo, hindi kataka-taka na
tinatawag ng Bibliya ang Babilonyang Dakila bilang “tahanang dako
ng mga demonyo.” (Apocalipsis 18:2; Deuteronomio 18:10-12) Ini-
lalarawan din ang imperyong ito bilang aktibong sumasalansang sa
tunay na relihiyon, anupat pinag-uusig ang “mga propeta” at “mga
banal.” (Apocalipsis 18:24) Sa katunayan, gayon na lamang katindi
ang pagkapoot ng Babilonyang Dakila sa tunay na relihiyon anupat
marahas niyang pinag-uusig at pinapatay pa nga ang “mga saksi ni
Jesus.” (Apocalipsis 17:6) Kaya naman, ang babaing ito na tinatawag
na Babilonyang Dakila ay maliwanag na kumakatawan sa pandaig-
dig na imperyo ng huwad na relihiyon, na kinabibilangan ng lahat
ng relihiyong sumasalansang sa Diyos na Jehova.
221

Isinilang ba si Jesus sa
Buwan ng Disyembre?
HINDI sinasabi sa atin ng Bibliya kung kailan isinilang si Jesus. Ga-
yunman, nagbibigay ito sa atin ng matibay na dahilan upang isipin
na hindi siya isinilang sa buwan ng Disyembre.
Isaalang-alang ang lagay ng panahon sa bahaging iyon ng taon
sa Betlehem, kung saan isinilang si Jesus. Ang buwan ng Kislev (ka-
tumbas ng Nobyembre/Disyembre) ng mga Judio ay isang buwan
kung kailan malamig at maulan ang lagay ng panahon. Ang bu-
wang kasunod niyan ay Tebet (Disyembre/Enero). Ito ang buwan na
may pinakamababang temperatura sa buong taon, na may manaka-
nakang pag-ulan ng niyebe sa kabundukan. Tingnan natin kung ano
ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa klima ng rehiyong iyon.
Ipinakikita ng manunulat ng Bibliya na si Ezra na kilala nga
ang Kislev bilang isang buwan kung kailan malamig at mau-
lan ang lagay ng panahon. Pagkatapos sabihin na isang pulutong
ang nagtipon sa Jerusalem “noong ikasiyam na buwan [Kislev] nang
ikadalawampung araw ng buwan,” iniulat ni Ezra na ang mga tao
ay “nangangatog . . . dahil sa pagbuhos ng ulan.” May kinalaman sa

Noong gabing isilang si Jesus,


nasa parang ang mga pastol at
ang kanilang mga kawan
222 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

lagay ng panahon sa bahaging iyan ng taon, ang nagkatipong mga


tao mismo ang nagsabi: “Kapanahunan noon ng pagbuhos ng ulan,
at hindi nga maaaring tumayo sa labas.” (Ezra 10:9, 13; Jeremias
36:22) Hindi nga kataka-taka na tinitiyak ng mga pastol na naninira-
han sa bahaging iyon ng daigdig na sila at ang kanilang mga kawan ay
wala na sa labas sa gabi pagsapit ng buwan ng Disyembre!
Gayunman, iniuulat ng Bibliya na ang mga pastol ay nasa parang
at inaalagaan ang kanilang mga kawan noong gabing isilang si Je-
sus. Sa katunayan, ipinakikita ng manunulat ng Bibliya na si Lucas
na nang panahong iyon, ang mga pastol ay “naninirahan sa labas at
patuloy na nagbabantay sa gabi sa kanilang mga kawan” malapit sa
Betlehem. (Lucas 2:8-12) Pansinin na ang mga pastol ay aktuwal na
naninirahan sa labas, at hindi lamang naglalakad kung araw. Nasa pa-
rang ang kanilang mga kawan sa gabi. Ang paglalarawan bang iyan ng
paninirahan sa labas ay tumutugma sa maginaw at maulang panahon
sa Betlehem kung buwan ng Disyembre? Talagang hindi. Kaya ipina-
hihiwatig ng mga kalagayang naganap noong kapanganakan ni Jesus
na hindi siya isinilang sa buwan ng Disyembre.1
Eksaktong sinasabi sa atin ng Salita ng Diyos kung kailan nama-
tay si Jesus, ngunit kakaunti lamang ang ibinibigay nitong tuwirang
impormasyon kung kailan siya isinilang. Ipinaaalaala nito ang mga
salita ni Haring Solomon: “Ang pangalan ay mas mabuti kaysa sa
mainam na langis, at ang araw ng kamatayan kaysa sa araw ng ka-
panganakan.” (Eclesiastes 7:1) Kaya hindi kataka-taka na nagbibigay
ang Bibliya ng maraming detalye tungkol sa ministeryo at kamatayan
ni Jesus ngunit iilang detalye lamang tungkol sa pagsilang niya.

1 Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang pahina 111-5 ng Nanganga-


tuwiran Mula sa Kasulatan, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

Dapat ba Tayong Magdiwang


ng mga Kapistahan?

HINDI sa Bibliya nagmula ang popular na mga relihiyoso at sekular na


kapistahan na ipinagdiriwang sa maraming bahagi ng daigdig sa nga-
yon. Kung gayon, saan nagmula ang gayong mga pagdiriwang? Kung
makapagsasaliksik ka sa isang aklatan, masusumpungan mong kawi-
li-wili na bigyang-pansin ang sinasabi ng reperensiyang mga aklat
Apendise 223

tungkol sa mga kapistahan na popular sa inyong lugar. Isaalang-alang


ang ilang halimbawa.
Easter (Pasko ng Pagkabuhay). “Walang ipinahihiwatig sa Ba-
gong Tipan hinggil sa pagdiriwang ng kapistahan ng Easter,” ang sabi
ng The Encyclopædia Britannica. Paano nagsimula ang Easter? Naka-
ugat ito sa paganong pagsamba. Bagaman sinasabing ginugunita sa
kapistahang ito ang pagkabuhay-muli ni Jesus, ang mga kaugaliang
nauugnay sa panahon ng Easter ay hindi nagmula sa mga Kristiyano.
Halimbawa, may kaugnayan sa popular na “Easter bunny [kuneho],”
ganito ang sabi ng The Catholic Encyclopedia: “Ang kuneho ay isang pa-
ganong sagisag at malaon nang ginagamit na sagisag ng pag-aanak.”
Mga Pagdiriwang ng Bagong Taon. Sa iba’t ibang bansa, mag-
kakaiba ang petsa at mga kaugalian na nauugnay sa mga pagdiriwang
ng Bagong Taon. Hinggil sa pinagmulan ng pagdiriwang na ito, ganito
ang sabi ng The World Book Encyclopedia: “Noong 46 B.C., itinakda ng
tagapamahala ng Roma na si Julio Cesar ang Enero 1 bilang Araw ng
Bagong Taon. Iniaalay ng mga Romano ang araw na ito kay Janus, ang
diyos ng mga pintuang-daan, pinto, at ng mga pasimula. Ang buwan
ng Enero ay isinunod sa pangalan ni Janus, na may dalawang mukha
—isa na nakaharap sa unahan at isa na nakatingin sa likuran.” Kaya ang
mga pagdiriwang ng Bagong Taon ay batay sa mga tradisyong pagano.
Halloween. Ganito ang sinasabi ng The Encyclopedia America-
na: “Ang iba’t ibang bahagi ng mga kaugaliang may kaugnayan sa
Halloween ay matatalunton sa isang seremonyang Druid [sinaunang
pagkasaserdote ng mga Celt] noong bago ang panahon ng mga
Kristiyano. Ang mga Celt ay may mga kapistahan para sa dalawang pa-
ngunahing diyos—diyos na araw at diyos ng mga patay . . . , na ang
kapistahan ay ginaganap noon kung Nobyembre 1, na siyang pasi-
mula ng Bagong Taon ng mga Celt. Ang kapistahan ng mga patay ay
unti-unting napalakip sa ritwal ng mga Kristiyano.”
Iba Pang mga Kapistahan. Hindi posibleng talakayin ang la-
hat ng pagdiriwang na ginaganap sa buong daigdig. Gayunman, ang
mga kapistahan na lumuluwalhati sa mga tao o sa mga organisasyon
ng tao ay hindi kaayaaya kay Jehova. (Jeremias 17:5-7; Gawa 10:25, 26)
Isaisip din na ang pinagmulan ng relihiyosong mga pagdiriwang ay
makapagsasabi kung nakalulugod ang mga ito sa Diyos o hindi. (Isaias
52:11; Apocalipsis 18:4) Ang mga simulain sa Bibliya na binabanggit
sa Kabanata 16 ng aklat na ito ay tutulong sa iyo na magpasiya kung
ano ang pangmalas ng Diyos sa pakikibahagi sa sekular na mga kapis-
tahan.
Nais mo ba ng higit pang impormasyon?
Maaari kang makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa www.watchtower.org.

You might also like