You are on page 1of 1

Parokya ng Santiago Apostol

Paombong, Bulacan

Kapayapaan kay Kristo!


Ayon na rin sa inilabas ng World Health Organization ayon sa iba’t
ibang paraan ng pag-iingat sa lumalaganap na N-COV Virus, at ayon na rin sa
kapahintulutan ng CBCP Episcopal Commission on Liturgy, narito po ang ilan
sa mga panuntunan para sa iba’t ibang gawain ngayong darating na Kwaresma
at Mahal na Araw.

1. Sa pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo, ang pagpapahid ng abo ay


isasagawa sa pamamagitan ng pagbubudbod nito sa bunbunan ng
mananampalataya na may kaakibat na panalangin.
Sa ating binyag, tayo ay hinihirang sa pamamagitan ng pagkukrus sa
ating mga bunbunan. Ang mga abo na na ibubudbod sa ating mga
bunbunan ay nangangahulugan ng ating pagsisisi sa ating mga
kasalanan, na atin ding tinanggap sa ating binyag. Ito ay hindi
pagbabago kundi isang tradisyon na nagmula pa sa unang panahon.

2. Sa pagdiwang ng Biernes Santo, sa bahagi ng pagdiriwang ng


pagbibigay galang sa Banal na Krus, hinihilingan ang lahat na huwag
humalik o humawak sa Banal na Krus bagkus ay lumuhod na lamang
o yumukod bilang bahagi ng pagbibigay-galang sa Banal na Krus.

Sa pagbubukas ng panahon ng Kwaresma, pinaaalalahanan po ang lahat


na patuloy na magpanibagong buhay, sa pamamagitan ng pagpipigil sa
sarili o pagaayuno, pag-bibigay limos at pananalangin. Ang ating
pagkakawang gawa bilang mga katoliko ay maipapakita rin sa
pamamagitan ng pagpapahalaga sa ating mga kapatid, kaya naman ating
ipakita ang ating malasakit sa pamamagitan ng patuloy na pag-iingat at
paghahanap ng paraan sa pagsugpo ng paglaganap ng Novel Corona
Virus.

Maraming salamat po!

You might also like