You are on page 1of 2

Inaanyayahan ko po ang lahat sa ating gabi-gabing 7PM Prayer Against COVID-19.

Sa ganap na ika-7 ng Gabi ay patutunugin ng sampung beses ang kampana ng


Simbahan tulad po ng ginagawa ng ating mga ninuno noong unang panahon
kapag may kinakaharap na mabigat na suliranin at kaguluhan ang bayan. Magsindi
po tayo ng kandila sa ating mga altar sa ating mga tahanan at dasalin ang
sumusunod na panalangin:

Panalangin Para Sa Kaligtasan Mula Sa Corona Virus(COVID-


19)
Tayo'y manalangin...
Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen
Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, kami po ay buong
pakumbabang dumudulog sa Iyong mahabaging kaawaan na
kami po ay Iyong tulungan na mailayo mula sa "Corona Virus".
Natatakot po kami, lalo't-higit napakarami na po ng
naapektuhan ng sakit na ito at marami na rin po ang
namamatay dahil din dito.
Iligtas Mo kami Panginoong Diyos mula sa karamdamang ito;
tulungan Mo po ang mga kasalukuyang naapektuhan na nito at
gabayan Mo po ang lahat ng mga manggagawa para sa
kalusugan ng lahat.
Isinasamo namin sa Iyo Panginoong Diyos na ang karamdamang
ito ay tuluyang magwakas upang ang lahat ay mamuhay ayon sa
Iyong ipinangakong buhay na kasiya-siya.
Naniniwala po kami, na Ikaw lamang ang aming masasandalan
sa panahong ito ng aming pagkatakot dahil sa sakit na ito at
nagtitiwala po kaming lahat na Ikaw ay mas higit na mas
malakas kaysa karamdamang ito.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming
Panginoon, ang aming Dakilang Manggagamot kaisa ng Espiritu
Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman. Amen.

You might also like