You are on page 1of 7

PRAYER TO ST.

RAYMOND OF PEÑAPORT

Glorious Saint Raymond of Peñafort, wise and holy patron,


come to the aid of those entrusted to your care,
and all who flee to your protection.
Intercede for us in our need,
and help us through your prayers, example, and teaching,
to proclaim the truth of the Gospel to all we meet.
And when we have reached the fullness of our years,
we beseech you to guide us home to heaven,
to live in peace with you, Our Mother Mary, and Our Lord
Jesus Christ. Amen.

PANALANGIN KAY SAN ROQUE

Mahal naming Patron San Roque, matularan ka nawa namin sa


paglayo sa tukso ng yaman, kasamaan, at pagmamataas. Ipag-adya
mo kami sa pang-akit ng kaligayahang makamundo.Nawa’y
makatupad kami sa pagpapalaganap ng kaharian ng D’yos sa
pagdalo at paglingap sa mga maysakit. Idinadalangin namin ang
mga manggagamot, at mga taong itinalaga ng Diyos para
pangalagaan ang mga may karamdaman. Sa iyong karanasan sa
mga may sakit, ipagkaloob mo ang biyaya ng kagalingan at
kapayapaan na walang iba kundi si Hesu-Kristo, ang ating
tagapagpagaling at tagapagligtas, ngayon at magpasawalang
hanggan. Amen
Our Father / Hail Mary / Glory be
San Roque, Ipanalangin mo kami
PRAYER TO ST.RAYMOND OF PEÑAPORT

Glorious Saint Raymond of Peñafort, wise and holy patron,


come to the aid of those entrusted to your care,
and all who flee to your protection.
Intercede for us in our need,
and help us through your prayers, example, and teaching,
to proclaim the truth of the Gospel to all we meet.
And when we have reached the fullness of our years,
we beseech you to guide us home to heaven,
to live in peace with you, Our Mother Mary, and Our Lord
Jesus Christ. Amen.

PANALANGIN KAY SAN ISIDRO LABRADOR


Ama naming makapangyarihan, Ikaw ang may-ari sa tanang
kinapal at ikaw ang tumawag sa aming paglilingkod para
pangasiwaan
ang tanang umiiral sa Sansinukob.
Ang may kababaang-loob at maaasahang paganap ni San
Isidro sa kanyang pagsasaka ay amin nawang matularan sa
lahat ng aming pasisikap na mag karoon ng makakain ang
lahat sa masaganang hapag ng buhay at maglingkod sa
kapakanan ng aming kapwa tao ipahintulot mo na ang
aming gawain sa araw-araw at maging panalangin ng papuri
sa iyong karangalan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama
ng Espiritu Santo magpasawalang hanggang. AMEN
PRAYER TO ST.RAYMOND OF PEÑAPORT

Glorious Saint Raymond of Peñafort, wise and holy patron,


come to the aid of those entrusted to your care,
and all who flee to your protection.
Intercede for us in our need,
and help us through your prayers, example, and teaching,
to proclaim the truth of the Gospel to all we meet.
And when we have reached the fullness of our years,
we beseech you to guide us home to heaven,
to live in peace with you, Our Mother Mary, and Our Lord
Jesus Christ. Amen.

PANALANGIN KAY SAN MIGUEL ARKANGHEL

San Miguel Arkanghel, ipagsanggalang kami sa araw


ng labanan, sa harap ng kasamaan at pakana ng
diablo.
Isinasamo namin na ipagtabuyan sya ng Diyos, O
Prinsipe ng mga hukbo ng kalangitan, sa
kapangyarihan ng Diyos, itapon sa impiyerno si
satanas at ang lahat ng masasamang espiritu na
nananalakay sa mundo at nagpapahamak ng mga
kaluluwa. Amen
PRAYER TO ST.RAYMOND OF PEÑAPORT

Glorious Saint Raymond of Peñafort, wise and holy patron,


come to the aid of those entrusted to your care,
and all who flee to your protection.
Intercede for us in our need,
and help us through your prayers, example, and teaching,
to proclaim the truth of the Gospel to all we meet.
And when we have reached the fullness of our years,
we beseech you to guide us home to heaven,
to live in peace with you, Our Mother Mary, and Our Lord
Jesus Christ. Amen.

PANALANGIN KAY SAN JOSE

Kapuri-puring San Jose, tumayong ama at Tagapag-alaga ni


Hesukristo.
Itinataas Namin Sa Iyo ang aming mga puso at mga kamay
upang hingin ang Iyong kakayahang mamagitan.
Nawa’y makamtan namin mula sa kagandahang-loob ni Hesus
ang tulong at mga biyayang kailangan namin pangkaluluwa at
pangkatawan.
Hinihiling namin ang maligayang kamatayan
at ang natatangi kong kahilingan na nais kong makamtan:
( tahimik na banggitin ang kahilingan)
Tagapangalaga ng Salitang Nagkatawang-Tao,
nadarama namin nang buong pananalig na ang aming panalangin
ay mapapakinggan sa dakilang trono ng Diyos. O kapuri-puring San
Jose,
mula sa pag-ibig mong taglay kay Hesus, at sa kaluwalhatian ng
kanyang ngalan, dinggin mo ang aming panalangin at makamtan
nawa ang aming kahilingan. AMEN.
PRAYER TO ST.RAYMOND OF PEÑAPORT

Glorious Saint Raymond of Peñafort, wise and holy patron,


come to the aid of those entrusted to your care,
and all who flee to your protection.
Intercede for us in our need,
and help us through your prayers, example, and teaching,
to proclaim the truth of the Gospel to all we meet.
And when we have reached the fullness of our years,
we beseech you to guide us home to heaven,
to live in peace with you, Our Mother Mary, and Our Lord
Jesus Christ. Amen.

PANALANGIN KAY SAN VICENTE FERRER

Mahal naming San Vicente Ferrer ipinagkaloob ka sa amin ng Ama


upang maging huwaran namin, idalangin mo sa Diyos na
maipagkaloob sa amin ang awa at tulong dito sa hinihingi namin sa
iyo mahal na Santo, ang pagpapala mo sa Santa Iglesia, ang
pagkakasundo at pagkakapatiran ng lahat ng mga Kristiyano, ang
pagbabalik-loob sa Diyos ng mga di-binyagan, ang mga kagipitan at
kahirapan ng aming bayan at ang pagpapala sa mga kaluluwa sa
purkatoryo, ang aming kabataan nawa’y malayo sa kapahamakan at
magkaroon ng magandang buhay. Pinagpipitaganan naming mahal
na San Vicente Ferrer idalangin mo kami sa Diyos na ipagkaloob sa
amin ang lahat ng makagagaling sa aming kaluluwa at katawan
makapagbigay puri at pasasalamat sa Diyos hanggang sa buhay na
walang hanggan. Amen.
PRAYER TO ST.RAYMOND OF PEÑAPORT

Glorious Saint Raymond of Peñafort, wise and holy patron,


come to the aid of those entrusted to your care,
and all who flee to your protection.
Intercede for us in our need,
and help us through your prayers, example, and teaching,
to proclaim the truth of the Gospel to all we meet.
And when we have reached the fullness of our years,
we beseech you to guide us home to heaven,
to live in peace with you, Our Mother Mary, and Our Lord
Jesus Christ. Amen.

PANALANGIN KAY SAN ANTONIO DE PADUA


O San Antonio de Padua, banayad at makapangayarihan sa
pagtulong, ang iyong pag-ibig sa Diyos at sa kanyang mga nilalang
ay dahilan upang ikaw ay maging karapat-dapat na italagang
tagatulong sa madlang nangangailangan. Kahit noong ikaw ay
nabubuhay pa, ikaw ay pinagkalooban na ng kapangayarihan na
magkaroon ng mapaghimalang kapangyarihan. Ang pagpapala ay
naghihintay sa iyong salita na handa mong ipagkaloob sa mga
nagsusumamo. Sa ganitong pag- asa, ako aynananalangin na iyong
ipagkaloob sa akin ang biyayang ito (sambitin ang kahilingan). Ang
kasagutan sa aking
kahilingan ay maaring mangailangan ng himala, ngunit ikaw ay
banal na mapaghimala.
O Mapagmahal na San antonio, may pusong umuunawa sa mga
nangangailangan, ibulong mo po ang aking kahilingan sa Banal na
sanggol na si Hesus na iyong inibig at pinaglingkuran sa buo mong
buhay, at ito po ay tatanawin kong malaking utang na loob sa iyo at
ako'y nangangakong magiging masunurin sa kalooban ng diyos at
mamumuhay na bilang isang mabuting kristiyano. AMEN.
San Antonio de Padua, Mapaghimalang Pintakasi at Mananggol ng
Bayang Singalong, ipanalangin Mo kami!

You might also like