Mapagmahal na Ama, nagpapasalamat kami sa biyaya ng buhay na
ipinagkaloob mo sa amin. Ngayong sinisindihan namin ang Ikaapat na Kandila ng Adbiyento, ay hinihiling namin ang patuloy mong pagpapagaling sa aming bansa at sa buong mundo. Tulungan mo kaming malampasan ang pagsubok na dulot ng pandemya. Hilumin mo ang puso ng mga taong nawalan ng mahal sa buhay dahil sa Covid 19. Bigyan mo po ng pag-asa ang bawat pamilyang nawalan ng ikabubuhay dahil sa virus na ito.
Gabayan mo kaming mga lingkod – bayan upang magampanan naming ng
buong husay at katapatan ang aming mga tungkulin. Nawa ay lagi naming isaalang – alang ang kapakanan ng aming kapwa.
Panginoong Hesus, ikaw ang tunay na ilaw ng aming buhay. Tanglawan mo
ang aming mga puso upang sa aming paglalakbay ay ikaw ang aming maging gabay. Itulot mo nawa, na sa aming paghihintay sa iyong pagdating ay maihanda namin ang aming puso at isipan. Gabayan mo ang aming mga pamilya upang mamuhay kaming lagi ayon sa iyong kalooban. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon. Amen.