You are on page 1of 6

SCRIPT IN FILIPINO

1. CLASSROOM – DAY

Glaicel, Laya, Precious, and Adrian are seen standing in front of the
class, facing the audience.

LAYA
Ang labis na paghahangad o kasakiman ay nagbubunga ng paglaho ng
lahat ng pinanghahawakan. Magandang araw mga Kalamay! Kami ang…

EVERYONE
Pamilya Kutsinta!

GLAICEL
Ako nga pala si Glaicel Cortez

PRECIOUS
Precious Flores

ADRIAN
Adrian Famillaran

LAYA
At Laya Olchondra

ADRIAN
Muli naming ipapaliwanag sa araling ito ang buod ng
Macbeth, isa sa mga kwento ng tinaguriang pambansang makata
ng Inglatera na si William Shakespeare.

2. CLASSROOM – 2

Adrian and Glaicel step backward. Laya standing on the right side of the
laptop, explaining the summary of Macbeth.

3. CLASSROOM – 3

Laya, Adrian, and Precious step backward, giving way to Glaicel.

GLAICEL
Ngayong alam na natin ang buod ng Macbeth, tingnan naman
natin kung gaano natin ito naiintindihan. Tumungo na tayo
sa Gawin Natin A. May mga tanong dito at sasabihin ko ang
titik ng tamang sagot.

1. Sino ang nakasalubong ng dalawang heneral sa kanilang


pag-uwi?
a. Manghuhula
b. Haring Duncan
c. Thane ng Cawdor
Ang tamang sagot ay letter A. May nakasalubong silang tatlong
manghuhula sa daan.

2. Ano ang tadhanang isinaad kay Macbeth?


a. Siya ay magiging hari
b. Siya ang papatay sa kaniyang asawa
c. Siya ay mamamatay sa kamay ng sinumang iniluwal ng isang
babae

Ang tamang sagot ay letter A. Oo, hinulaan din naman siya tungkol
doon sa pagpatay sa kaniya pero kasi pinag-iingat lang siya doon,
kumbaga hindi pa sure o wala pang conclusion yung mga manghuhula
tungkol doon sa pagpaslang sa kaniya. So, ang pinaka-accurate na
sagot ay yung letrang A.

3. Sino ang butihing hari na pinaslang ni Macbeth?


a. Haring Duncan
b. Haring Edward
c. Haring Malcolm

Ang sagot ay letter A. pa rin. Pinatay ni Macbeth si Haring Duncan


noong siya ay natutulog sa kanilang kastilyo.

4. Sino ang nagkaroon ng interes sa pagiging hari ni Macbeth?


a. Malcolm
b. Macbeth
c. Lady Macbeth

Ang sagot ay letter C, si Lady Macbeth. Noong nabasa kasi niya ang
liham ni Macbeth patungkol doon sa mga sinabi ng manghuhula, labis
niyang inasam na mapunta ang trono sa kaniyang asawa.

5. Sino ang nakapatay kay Macbeth?


a. Banquo
b. Macduff
c. Malcolm

Letter B ang tamang sagot. Winakasan ni Macduff ang buhay ni


Macbeth at naging paraan ito para maipaghiganti niya ang kaniyang
pamilya.

Iyon lamang po para sa Gawin Natin A. Ngayon ay dumako na tayo sa


Gawin Natin B.

4. CLASSROOM – 4

Glaicel then steps aside, making Adrian move forward.


ADRIAN
Unang tanong, ano ang hindi magandang maidudulot ng
paghahangad sa labis na kapangyarihan?

Sa labis na paghahangad ng kapangyarihan ng isang tao,


hindi na niya nakikita kung tama pa ba ang ginagawa niya o
hindi na. Tulad ng nangyari kay Macbeth noong maging hari
na siya dahil sa pagpaslang niya kay Haring Duncan.
Nangamba siya na baka isa sa mga kapamilya ni Banquo ang
makaagaw sa trono niya kaya nagawa niyang ipapatay kahit
ang matalik niyang kaibigan.

Ikalawa, bakit naniwala si Macbeth at ang kaniyang asawa sa


mga hula? Ipaliwanag.

Naniwala sila sa mga tinuran ng manghuhula dahil ang unang


pahayag kay Macbeth na magiging Thane ng Cawdor ay
nagkatotoo kaya marahil ay inisip nila na credible nga ang
manghuhula. Tsaka karamihan sa iba pang mga propesiya ay
nagkatotoo dahil ginagawa itong matupad ni Macbeth.
Nagiging hari siya dahil sinabihan siyang dapat, ginagawa
niyang kaaway si Macduff dahil binalaan siya na mag-ingat
sa kanya.

Ikatlo, paano natupad ang hula ukol sa tunay na magmamana


ng korona?

Noong namatay si Macbeth, si Malcolm na ang siyang naluklok


na bagong hari at pagkatapos lang ng ilang taon, yung mga
anak naman ni Banquo ang nahirang at naging tagapagmana ng
trono. Sa ibang bersiyon din ng Macbeth tulad ng sa 1972
stage adaptation ni Eugène Ionesco, si Fleance ay isinama
sa karakter ni Malcolm. Si Malcolm, na inaakalang anak ni
Haring Duncan, ay ipinahayag na kay Banquo pala talaga. Si
Duncan, na nagnanais ng lalaking tagapagmana, ay umampon
kay Malcolm. Ginampanan ni Malcolm ang papel sa pagkuha ng
kaharian mula kay Macbeth sa pagtatapos ng dula.

Apat, Anong mensahe o kaisipan ang nais iparating ng akdang


nabasa? Ipaliwanag.

Ambisyon at Kasakiman sa Kapangyarihan


Ito ang pinakamahalaga at kilalang tema o mensahe sa kwento
ni Macbeth. Ang buong dula ay umiikot sa isang tauhan na
nababalot ng ambisyon at ideya ng pagiging makapangyarihan.
Si Macbeth ay isang matapang na heneral galing Scotland na
hindi likas na hilig na gumawa ng masasamang bagay,
hanggang sa nagsimula na siyang maghangad ng kapangyarihan.

Panlima, kung ikaw si Macbeth, maniniwala ka ba sa mga


hula? Ipaliwanag.
Para sa akin, hindi ako maniniwala sa hula kasi minsan ito
pa ang magdadala sa ating kapahamakan, tulad ng nangyari
kay Macbeth, sa halip ay gumawa na lang ng mabuti at
magsikap upang matupad ang ating minimithi.

Pause…

ADRIAN
Ngayon ay talakayin naman natin ang dula gamit ang
talahanayan.

5. CLASSROOM – 5

Precious walks forward as Adrian steps aside, exchanging


position with him.

PRECIOUS
Mga tauhan…

Macbeth (ang bida sa dula), Banquo (Matalik na kaibigan ni


Macbeth na pinapatay niya), Haring Duncan (Mabuting hari na
pinatay din ni Macbeth para makuha ang kapangyarihan nito),
Malcolm (Anak ni Haring Duncan na naging tagapagpana ng
trono), Lady Macbeth (Asawa ni Macbeth na lumason sa isip
niya para gumawa ng masama pero kalauna’y nagpakamatay din
dahil sa konsensiya), Macduff (Tumapos sa buhay ni
Macbeth), Donalbain (Kapatid ni Malcolm), Fleance (Anak
naman ni Banquo na nakatakas mula sa pagpaslang sa kanila),
Haring Edward (Ang tumulong sa hukbo nina Malcolm at
Macduff sa paggapi kay Macbeth), at siyempre, ang mga
manghuhula na nag-ugat sa kasakiman ng mag-asawa.

Sumunod ay ang tunggalian…

Unang tunggalian ay siyempre ang pagpaslang ni Macbeth kay


Haring Duncan. Sumunod naman dito ay ang pagpapatay niya
kina Banquo at sa anak nito, at ang panghuli ay ang gyera
sa pagitan ng angkan ni Macbeth at ang hukbo nina Macduff,
Malcolm, at Haring Edward.

Ikatlo ay ang kasukdulan kung saan ay unti-unti nang


inuusig si Lady Macbeth ng kaniyang konsensiya dahilan para
siya ay magpatiwakal. PInalakas din ni Macbeth ang
pagbabantay sa Dunsinane pero hindi siya nagtagumpay dahil
nasalakay pa rin ang kaniyang kaharian at doon na nga
nagkaroon ng madugong digmaan.
Sa wakas makikita ang pagkaluklok ni Malcolm bilang bagong
hari sa pagkamatay ni Macbeth sa kamay ni Macduff.

Pause…

Dumako na tayo sa Mahalagang Tala. Paano mo mapaglalabanan


ang kasakiman, lalo na sa kapangyarihan at mga materyal na
bagay?

6. CLASSROOM – 6

Laya stands at the middle.

LAYA
Ang kasakiman ay binibigyang kahulugan bilang labis na pagnanais
na magkaroon ng kayamanan o kapangyarihan. Ang kasakiman na
umiiral sa ating mundo ay humahantong sa mga tao sa malungkot at
makasariling buhay.

Malalampasan ko ang kasakiman sa pamamagitan ng pag-alala sa mga


naging bukas-palad sa akin, sa pamamagitan ng hindi pamumuhay para
sa aking sarili lamang, at pag-iisip tungkol sa aking mga mahal sa
buhay na maaaring nangangailangan ng aking tulong. Kailangan ding
malaman ng mga tao na hindi natin madadala ang ating kayamanan
kapag tayo ay namatay. Sa halip na itago ang lahat ng kayamanan sa
ating sarili habang naghihintay sa ating huling araw sa mundo,
gamitin na lang natin ang mga ito upang gawing mas madali ang
buhay sa pamamagitan ng pagtulong sa iba.

7. CLASSROOM – 7

Gather in the middle.

LAYA
Ang kahandaang magdulot ng pagbabago ay tanda ng mahusay na
pamumuno.

PRECIOUS
Iwasan ang paggamit ng pagmamanipula upang makamit ang
kapangyarihan o posisyon.

ADRIAN
Ang mga panlabas at panloob na impluwensya ay makikita sa buhay ng
mga tao at maaaring makaimpluwensya sa paggawa ng desisyon.

GLAICEL
Ang Macbeth ay hindi lamang nakakaaliw. Ito ay may mga aral, mga
aral na mahalaga at maaaring maipasa sa mga susunod na henerasyon.
Ang dulang ito ay isang tunay na representasyon ng mga tiwali,
makapangyarihan, at imoral na mga pinuno na pinipili ang katayuan
habang hinihimok ng kasakiman at manipulasyon.

Pause…

Iyan lamang po para sa araw na ito. Muli, ako po si Glaicel


Cortez,

ADRIAN
Ako naman si Adrian Famillaran,

PRECIOUS
Precious Flores,

LAYA
At Laya Olchondra,

EVERYONE
At kami ang, Pamilyang Kutsinta!

8. CLASSROOM – OUTRO

Bow.

You might also like